Gapo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

I.

Panimula Bata pa lang ako naririnig ko na sa mga palabas yung Olonggapo, o tinatawag nila sa shortcut na gapo. Inilalahad ang kawalang pag asa sa gapo, at kagustuhang makatakas sa lugar na iyon. Sa pagbabasa ko ng gapo, unti unti akong naliwanagan sa kung ano ang mayroon dito. Sa umpisa ay maaring nasabi kong nakakabagot at kaya ko lang ito binabasay dahil may pagsusulit kami ngunit sa pagbabasa ko ay nakita ko ang sarili na iniisip ang bawat sinasabi sa mga pangyayari at nahuhulog sa kwento. At ngayon ay ang kwento nito ay malinaw na sa pag iisip ko. Gaya ng Dekada 70, ang Gapo ay daan sa pagpapakita ng kabulukang itinatago ng ating bayan. Ang mga nobelang gaya ng Gapo ay maituturing na bumubuhay sa pagkamakabayang nailaliman ng kung ano anong ipluwensya sa pagdaan ng mga mananakop.

II.

Ukol sa Pamagat Ang pamagat na GAPO ay pinaikling pangalan mula Olonggapo. Kung bakit ito ang pamagat ay malinaw na sinasabi na ang buong takbo ng istorya ay nasa mga pangyayari sa Olonggapo. Ang Gapo ay maihahalintulad sa isang bata, tanggap lang ng tanggap sa kung anong binigay sa kanya. Ang mga Pilipino sa Gapo ay biktima ng diskriminasyon at pang aalipin ng mga Amerikanong mapang abuso sa kamusmusan. Ang pamagat ay naghahatid ng kahalagahan na mabigyang pansin ang mga pangyayari sa Olonggapo. Ang pamagat ay interesting mapapaisip ka kung ano bang mayroon sa Gapo? kumbaga. Kapag nabasa mo ay

III.

Maikling Buod Hindi namamalayan ang takbo ng oras sa gapo. Naiiba ito sa anu mang lugar sa

Pilipinas. Dito, ang araw ay gabi at ang gabi ay araw, at maliban dun, narito ang base ng Amerika. Nagkalat ang bahay aliwan at restaurant. Ang mga hostess at waiter ay abala sa pag iistima sa mga parokyano ngunit di sa mga Pilipino. Si Mike ay panay ang bagting sa gitara. Nakikitawa ang mga puti upang di magmukhang tanga. Malaki ang

ni galit sa mga kano sa dahilang hindi sila binalikan ng ama niyang kano. Si Modesto ay palaging laman ng Freedom Pad. Nakilala ni Modesto si Alipio, isang bakla. Magkasama sa isang bubong si Mike at Magda ngunit hindi si mag kamag anak. Si Magda ay isa sa libo libong babae na naghahangad makatapak sa Amerika kaibigin siya ni Dolores, ina ni Mike. Nais nitong umalis na si Mike sa apartment. Ampon ni Ali ang pamangkin nitong si Jeffrey. Mungkahi ni Igna na ihanap ito ng father figure. Si Mike at Modesto ay kinuha niyang ninong ni Jeffrey sa kumpil matapos tumanggi ng dalawa na maging ama ng bata. Namasyal sila sa beach at doon nakilala ni Ali ang inakalang tunay na pagibig na si Richard halloway. Ang pagdadala nito ng bulaklak at pagdalaw ang nakabihag sa puso ni Ali. Sa bandang huli ay lumabas ang tunay na motibo na pagnanakaw ni Halloway kay Ali kasabwat pa ang katiwalng si Ignacio. Minsay naiba ang buhay sa gapo, yun ay noong walang dumadaong na barko mula Amerika. Lahat nauuyam sa matamlay na kalakalan. Ang pagbebenta ng kung ano anong gamit ay sinyales ng kawalan na ng pera. Sa pagbalik ng barko ay siya ring pagbalik ng sigla ng gapo. Namatay naman si Modesto ng pagtulungan ito sa base. Lumaban na ito sa pangiinsulto sa kanya. Ang kaso ni Modesto at Ali ay hindi na bago sa gapo. Kagaya ng nauna pang mga kaso ay hindi nabigyan ng tamang hustisya. Ang isang isang testigo sa kaso ni Modesto na si William Smith ay pinabalik sa bansa niya. Hindi lang si Alipio ang umasa sa tunay na pagibig ng isang kano kundi pati rin si Magda, nakilala niya ang isang Steve Taylor. Maganda ang samahan nila at pati si Mike ay kasundo ni Steve ngunit sa bandang huli ay inamin ni Steve kay Mike na mayroon na siyang asawa at anak. Bumalik ang lahat sa isip ni Mike, ang pag kamatay ni Modesto, ang pangloloko kay Alipio, ang iba pang mga kaso at ang hindi pagbalik ng ama niya. Napatay niya si Steve. Sa pagdalaw ni Magda kay Mike sa bilangguan, dala niyay pansit. Napagusapan nila ang kalagayan ni Alipio sa ospital at ang pamangkin nitong naiwan mag-isa. Inako ni Magda ang pagaalaga kay Jeffrey habang nasa ospital

pa si Alipio, kumbaga magpapraktis na siya sa pagiging nanay. Naisip naman ni Magda na ipangalan kay mMike ang anak niya, Michael Taylor the Third. IV. Mensahe ng may akda (mga layunin). Bawat mensahe ay may patunay na hinango sa kabanata. (5) 1. Ipinakita ang paglaganap ng diskriminasyon hindi lamang sa magkaibang lahi kundi pati na rin sa magkababayan.

Patunay: Kung bibisitahin ang mag restorant at bahay aliwan sa Olonggapo, makikita ang hindi pantay na pagtanggap sa mga kostumer. Mas iniistima ng mga hostess at waiter ang mga parukyanong kano kaysa sa mga Pilipino. Para kasi sa mga hostess at waiter, di hamak naman na mas malaki magbigay ng tip ang mga kano, di nila alam na ito nagpapasiklab at naabang lang. Sa unang kabanata masasaksihan ang ganitong pangyayari sa Freedom Pad. Isang Pilipino ang naubusan na ng pasensya gawa ng hindi pagpansin sa kanya ng mga waiter. Sa base ng Amerika, ang Pilipino at Amerikanong magkaranggo ay sa position lang pareho. Kung Pilipino ka ay sisigawan ka lang at uutos utusan ng mga kano. Ito ang nangyari sa kawawang si Modesto.

2. Nais ipakita ng may akda ang mga kaapihang sinapit ng mga Pilipino sa mapangaliping Amerikano at kawalang hustisya.

Patunay: Ang pagnanakaw ni Richard Halloway sa yaman ni Alipio at pambubugbog dito. Sa mapanlilang na pagpapanggap ni Halloway nahulog ang loob ni Alipio sa kanya. Ang pagmamaha ni Ali sa kano dahilan kung bakit wala siyang laban.

Ang pang iinsulto ni Johnson kay Modesto ay isa ring halimbawa ng pang aapi ng mga Kano. Ito ay nagdulot ng tinatagong poot ni Modesto na di naglaon ay pinakawalan niya at nagdulot ng sarili niyang pagkamatay.

Kung kano ang may kasalanan, mabilisang nililitis daw ang kaso sa kanilang korte. Idadahilang tapos na ang kontrata kaya pinauwi, ang tunay na dahilan ay para di makapaghabol ang mga naaggrabyadong Pilipino.

3. Ang Pilipinas ay nakasandal sa bansang Amerika. Patunay: Ang buhay sa Gapo ay nakasandal na lang sa pagdaong ng barko ng Amerika. Kung walang mga Amerikano ay parang tumitigil ang buhay doon. Tahimik ang mga restorant at beer haus. Kusang lumiliban ang mga hostess at wiater sa trabaho. Pagsusugal ang pinaglilibangan ng nina Magda at mga kasamahan nito.

4. Ang mga Pilipino ay panay ang tangkilik sa produktong stateside. Patunay: Si Magda ang pinaka magandang halimbawa dito. Sa istorya, siya ang kinakitaan ng lubusang pagsamba sa mga apo at gamit ni uncle Sam. Sa tuwing may pera ito ay panay ang bili ng mga pagkaing galing Amerika. Buo ang paniniwala nito at ng iba pang sumasamba sa apo at produkto ni uncle Sam na basta galing US, kalidad.

5. Ang Pilipinas ay basurahan ng Amerika. Patunay: Ang lahat ng sobrang produkto ng Kano ay itinatapon dito sa atin. Ang di alam ng mga pinoy, ay ang mga produktong dinala dito ay pinagpilian na. halimbawa nalang ng masukasuka si Magda sa kinaing delata galing US. Ang mga pagkaing padala dito ay hindi

pumasa sa pagiging ligtas sa anu mang sangkap na nakakasama sa kausugan ng tao. Katwiran pa nila ay malaki ang populasyon natin kaya ayos lang na mamatayan tayo. V. Mga Piling Diyalogo. Ipaliwanag. (5) 1. Tama na! Hwag ka nang pumasok sa base! Pati ako, mapapaway pa dahil sayo! Nataranta si Jun, Tay, hindi naman akong Tama na! Humiyaw si Jun: Hindi naman ako ang tinawag na yardbird kayo!

Sa puntong ito, ayaw ni Modesto na maranasan ng anak ang nararanasan niyang pang aapi mula sa mag kano. Higit pa rito ay ayaw niyang malaman ang pang iinsulto sa kanya dahil sa ito ay nakakbawas sa kanyang dignidad bilang tao.

2. Well where she? anas ni Richard Halloway sa nagbukas ng gate na si Igna. Isang malaking pumpon ng bulaklak ang pasalubong niya sa bakla. Getting dressed for you. Come in, come in!

Halimbawa ito kung paano napaibig ni Halloway si Ali. At ang bakla na mataggal ng naghahangad ng isang magmamahal sa kanya ay agad namang napaniwala sa mga malambing at romatikong trato sa kanya.

3. I dont want to be a hostess but we are poor Yeah, I unnerstan Someday I want to go to the states. I want to leave this country. I have very bad memories here. I see.

Trouble is everywhere in this country. When you are poor, you have no hope. Ang mga pahayag ni Magda ay laban sa Pilipinas. Ito ay mas nagpapababa ng pagtingin sa ating bansa. Sinasabi niya na wala ng pag asa dito sa atin. Maaaring totoo, dahil sa kulang tayo sa kaalaman ngunit maaari naman itong masolusyonan kung tayo ay magiging matiyaga. Ipinapakita din dito ang pangarap ng karamihan sa mga Pilipina, ang makatapak sa Amerika. 4. Ke alak, ke gamotpag lagi mong iniinom, nagiging manhid ang katawan mo. Katagalay hindi ka na tatablan. Totoo yon pati sa kaso ng pagkaapi.

Naniniwala ako na lahat ng bagay na nakikita mo, ginagawa mo at nararamdaman mo ay makakasanayan mo sa katagalan. Gustong sabihin ni Modesto na namamanhid na siya at tila nasanay na sa mga pangiinsultong tinatanggap niya mula sa mga kano.

5. Hindi, Mike. Minsan-minsan, tumitindig at lumalaban din ang Pinoy, kahit man lang para iligtas ang huling hibla ng kanyang dangal.

Ang Pilipino ay matiisin at mapagpasensya pero pag napuno ay marunong ding lumaban. Tulad nalang ni Modesto, namatay siya sa pakikipaglaban para sa kanyang dangal. Ang lahat ng mga bayaning Pilipino ay namatay sa pakikipaglaban para sa dangal ng buong bayan.

6. Pangkalahatang-suri Gaya ng Dekada 70, natapos ang istorya ng Gapo sa libro pero hindi sa tunay na buhay. Hanggang ngayon ay ang mga isyu na nakapalood sa mga kwento ng Dekada at Gapo ay makikita sa bayan. Diskriminasyon, kawalan ng hustisya, dalawa lang yan sa mga isyu na buhay pa din hanggang ngayon. Pareho kong naibigan ang mga nobela ni

Lualhati Bautista. Bilib ako sa walang takot niyang pagpapahayag sa mga tunay na pangyayari. Tunay na maganda ang kwento ng Gapo, at mas lalo pa itong gumanda sa masining na pagpapahayag ni Lualhati. Ang mga pahayag ay direkta malinaw ang paksa. Ang isang hindi ko nagustuhan ay ang pagtatapos, kumbaga nabitin ako sa katapusan. Hindi kasi malinaw na naipakita kung ano ang nangyari sa pangkalahatan kalagayan ng Gapo, gayun pa man ay natutuwa ako na namulat na si Magda sa katotohanan. Buong buo na nadala ng bidang karakter ang kwento. Naisabuhay ng mga karakter ang nais nitong ipaabot sa mga mambabasa.

-WAKAS-

You might also like