Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Maikling kwento ng palaka at uwang;

Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa.Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka. "Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunudsunuran sa akin." Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon. "Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa.Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos. "Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy,"

pakiusap ni Uwang.Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong. "Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang Hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.

ang Kahon ng Laruan ni Felipe - kwentong pambata


"Ang Kahon ng Laruan ni Felipe" Kategorya : Kwentong Pambata blogger : Duking

Si Felipe ay may kahon ng mga laruan. Ang bawat pirasong naroon ay kanyang iniibig at pinagmamalaki. Naniniwala siya na ang lahat ng iyon ay regalo sa kanya ng kanyang Ama na nasa malayong lugar. Mula sa nag-gagandahang kayumangging mga manika hanggang sa matatapang na mga laruang-kawal, may mga laruan pa siyang yari sa kahoy, mga laruang hayop at mga isda, mga holen na nangag-kikintaban at sadyang napakamahal at kahanga-hanga. Nangako siyang babantayan ang kahon mula sa sinumang bata na aagaw nito o kukuha ng isa man sa laman niyon.Isang araw ay nakilala niya si Ponyong, isang bata na buhat pa sa kabilang kanto. Walang dala si Ponyong maliban sa hawak-hawak nitong komiks na tungkol sa super-hero na taga-pagligtas, laruang espada at baril-barilan subalit nangako ito na lalong magiging maganda at matitibay ang mga laruan sa kahon kung hahayaan lamang ni Felipe na idagdag ang nasabing komiks sa kahon ng mga laruan at ibahagi ang kasiyahan sa lahat ng mayroon sa loob ng kahon. Iyon ang panlalansing ginawa ni Ponyong na nagkaroon agad ng interes sa kahon ng laruan ni Felipe.Dahil sa kagustuhan ni Felipe na lalong mapabuti ang mga laruan, bagamat may bahagyang pagtutol ay agad din itong pumayag. Natural marahil sa kanya ang pagiging hindi maramot.Napasakamay ni Ponyong ang kahon ng laruan. Ginamit maigi ni Ponyong ang komiks na may kwento ng super-herong taga pagligtas upang libangin si Felipe at tina-taga pa ni Panyong ng laruang espada ang kamay ni Felipe kada nanaisin nitong bawiin o paki-alaman ang sarili nitong mga laruan. Hah! Sinamantala ni Ponyong ang pagiging kimi at kabaitan ni Felipe!Matagal ding nag-isip si Felipe kung paanong muling mababawi ang kahon ng laruan saka siya naglakas-loob na inagaw itong muli kay Ponyong ng minsang nalingat ito dahil na rin sa pakikipag-away sa ibang kalaro. Subalit matalino si Ponyong. Habang tuwang-tuwa si Felipe na nakuha na niyang muli ang kahon ng laruan, palihim na ibinenta ni Ponyong ang kahon at ang lahat ng laman nito sa tiyuhin ni Felipeng si Samuel sa murang halaga. Bagamat nagulat si Felipe, natuwa na rin siyang malaman na malaya na niyang mapaglalaruan muli ng lahat ng nasa kahon dangan nga lamang at ang kanyang Tiyo Samuel na ang nagsasabi kung kailan siya dapat tumigil o kung anulang ang maaaring gamitin.Ah, naisip niyang mabuti na rin iyon at may taga-pagtanggol na siya at ang kanyang mga laruan.At hindi nga siya nagkamali ng minsang inagaw ng kanyang kapitbahay na si Japok ang kahon. Agad siyang sinaklolohan ng kanyang Tiyo Samuel. Kasunod noon, isinauli sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel ang kahon ng laruan.Lalong napalapit ang loob ni Felipe sa kanyang Tiyo Samuel nang dinag-dagan nito ang loob ng kahon ng mga laruan na sadyang si Tiyo Samuel lamang ang may-roon mula sa kotse-kotsehan, tumutugtog at umiilaw na mga laruan at kung anu-ano pang nakalilibang na laruan bagamat karamihan sa mga iyon ay pinag-lumaan lamang na

laruan ng kanyang Tiyo Samuel.Sa pagkalibang ni Felipe, hindi na siya tumutol ng hingin ni Tiyo Samuel ang mga laruang yari sa kahoy, mga laruang hayup at mga isda, at mga holen na nangagkikintaban at sadyang napakamahal at kahanga-hanga. Paminsan-minsan ding pumipili si Tiyo Samuel ng tau-tauhan at manika na kanyang hinihiram para naman sa kanyang mga anak.Ang tanging naiwan sa kahon ay ang mga pinag-lumaang laruan ni Tiyo Samuel na mas kinahumalingan ni Felipe at ang Komiks na naiwan ni Ponyong. Napabayaang nasa ilalim at hindi na halos naaasikasung gamitin ni Felipe ang mga kayumanggi niyang mga manika at matatapang na laruang kawal na dati nang nasa loob ng kahon. Hindi rin napansin ni felipe na sa pagkahilig niya sa Komiks ni Ponyong at sa paniniwalang sobra sa kwento at aral ng Superhero na naroon, hindi niya napansing lumolobo na ang bilang ng laruang nasa ilalim ng kahon.Hanggang sa napunit ang kahon na kahit anung tahi ni Felipe ay tila nagagalit na ang mga laruan.Patuloy itong nawawasak hanggang sa untiunti nang kumakalat ang kanyang mga laruanDahil sa paniniwalang kaya pang isalba ang unti unting pagkawasak ng kahon, isang pagkakamali ang nagawa ni Felipepagkakamaling di niya aaminin kailanmanInilagay niya sa ibabaw katabi ng Komiks ni Ponyong at mga lumang laruan ng kanyang Tiyo Samuel ang isang dilaw na rubber ducky upang supilin ang wang -wang ng debateryang laruang police car at mabingi ang lahat sa walang tigil nitong kak a Quack-Quack!!! Ah, si Felipehindi matatapos ang kwento niya ng ka-inosentehan hanggat siyay nag-iisip bata.

MAIKLING KWENTO) Tata Selo ni Rogelio Sikat


Ang panitikan ay salamin ng buhay. Itoy isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Anong paraan ang ginamit niya? Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isay naghahangan maka lapit sa istaked. Totoo ba, Tata Selo? Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya. Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao. Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo, umiiling na wika ng kanyang kahangga, talagang hindi ko ho mapaniwalaan. Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok. Bakit niya babawiin ang saka? tanong ng Tata Selo. Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi bat kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan? Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan. Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa, anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo. Binabawi po niya ang aking saka, sumbong ni Tata Selo. Saan pa po ako pupunta kung wala na

akong saka? Kumumpas ang binatang mayaman. Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras. Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas. Ako poy hindi ninyo nauunawaan, nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka man lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. kung maaari po sana, Besa, wika ko po, kung maaari po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, Besa. Totoo pong akoy matanda na, ngunit ako pa namay malakas pa. NgunitAy! Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan po nyong putok sa aking noo, tingnan po nyo. Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraay tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis. Pano po bang nangyari, Tata Selo? Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik. Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang, paliwanag ni Tata Selo. Doon ba sa may sangka. Pinaalis ako sa aking saka, ang wikay iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap akoy tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta? Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo. Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. Patay po ba?

Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

Pano po niyan si Saling? muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Pano po niyan si Saling? Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang nooy di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked. Patay po ba? Saan po ang taga? Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe. Saan po tinamaan? Sa bibig. Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang sa kanang punog tainga. Lagas ang ngipin. Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo, anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Ta ta Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa

nasasalaminang mesa.Pano nga bang nangyari? kunot at galit na tanong ng alkalde.

Matagal bago nakasagot si Tata Selo. Binawi po niya ang aking saka, Presidente, wika ni Tata Selo. Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo Alam ko na iyan, kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde. Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Ako po naman, Presidente, ay malakas pa, wika ni Tata Selo. Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po. Saan mo tinaga ang Kabesa? Matagal bago nakasagot si Tata Selo. Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako poy talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako poy lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka. Bakit po naman, Besa? tanong ko po. Ang wikay umalis na lang daw po ako. Bakit po naman, Besa? Tanong ko po uli, malakas pa po naman ako, a Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako poy Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod. Tinaga mo na non, anag nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tinginmay mga eskribante pang nakapasok doonay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. Ang iyong anak, na kina Kabesa raw? usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. Tinatanong ka anang hepe. Lumunok si Tata Selo. Umuwi na po si Saling, Presidente. Kailan? Kamakalawa po ng umaga. Di bat kinakatulong siya ron? Tatlong buwan na po. Bakit siya umuwi? Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya. May sakit po siya. Nang sumapit ang alas-doseinihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyoay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. Napatay mo pala ang kabesa, anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. Binabawi po niya ang aking saka. Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos

mangudngod si Tata Selo. Tinungkod po niya ako ng tinungkod, nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe. Tinungkod po niya ako ng tinungkod Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e, sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na

nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyoy dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo, anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. Don ka suguro ikukulong. Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niyay natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo, patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. Patayin na rin ninyo ako, Presidente. Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako. Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskisniya ng mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay tagaPoblacion. Hanggangnoon, bawat isay nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibingkinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anakni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas nahumagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at itoy ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya angbabaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. Hindi ka na sana naparito Saling, wika ni Tata Selo na napaluhod. May sakit ka, Saling, may sakit ka! Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyangbuhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyangnamumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mganakatinging pulis. Umuwi ka na, Saling hiling ni Tata Selo. Bayaan mo nabayaan mo na. Umuwi ka na, anak.Huwag, huwag ka nang magsasabi Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya saistaked, pinanood na naman siya ng mga tao. Kinabog kagabi, wika ng isang magbubukid. Binalutan ng basang sako, hindi ng halata. Ang anak, dumating daw? Naki-mayor. Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selopagkaraang siyay maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapayilang sandali ring iyoy tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa

sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya. Tata SeloTata Selo Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya. Nandon amang si Saling sa Presidente, wika ni Tata Selo. Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang batay saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraay takot at bantulot nang sumunod Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapirasonang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Seloy wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na matay tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyangpapasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayoy hindipagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila

Sino ang sumulat ng maikling kwento ng pag-ibig at paninindigan Pilipinong Heneral noong panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang tumutol sa pamamalakad ng Estados Unidos sa Pilipinas kahit na ipinahayag na ng Estados Unidos na tapos na ang digmaan noong 1902.Si Heneral Macario Sakay ay isang orihinal na miyembro ng Katipunan. Nakipaglaban siya sa mga Kastila kasama ni Andres Bonifacio sa Rebolusyong Filipino noong 1896.Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa mga Amerikano. Nang malapit na matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano, nadakip siyang Hukbong Pamayapa ng Pilipinas at ikinulong. Nang sumuko ang pinakahuling Heneral na Pilipinong lumaban sa digmaan na si Heneral Miguel Malvar noong Abril 1902, opisyal na ibinalita ng noo'y Pangulo ng Estados Unidos na si Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong Hulyo 4, 1902. Si Heneral Macario Sakay at iba pang mga ikinulong ay binigyan ng amnestiya at pinalaya.Subalit noong Nobyembre 12, 1902 nagpasa ng batas ang Komisyong Pilipinas(Philippine Commission) ng Kautusan Laban sa Pagiging Tulisan (Bandolerism Act ) kung saan lahat ng lumalaban o tinatawag na insurhensiya at mga nahulingnakikipagdigma ay kailangan litisin sa hukuman bilang mga bandido, ladrones at magnanakaw. Hindi ito sinang-ayunan ni Heneral

Macario Sakay at siya ay nagdeklarang sariling manipesto at idineklara ang kanyang sarili bilang Pangulo ng Katagalugan(the Tagalog Republic) bilang pagsasalungat sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Maikling kwento ng pagong at kuneho


Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya

ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. Minsan sa aking pagmomotor naisip ko lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan. Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.

Epiko ng ullalim Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan ang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan. Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at

pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog. Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila ang mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok at pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan. Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang espiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nang may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman. Ang mga Ita ay magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala ay pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay. Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw.

ALAMAT - Ibalon: Panahon Ng 3 Bayani Sa Bicol


NAGLIPANA pa ang mga halimaw nuong unang pumasok si Baltog sa mayamang lupa ng Ibalon. Balot ng madilim at masukal na gubat ang buong puok nang nagsimula siya, ang kauna-unahang nagtanim at nagbahay duon. Sinasabi pa sa mga alamat na alaala pa ng mga matanda na si Baltog ang kaunaunahang tao na sumuong sa Ibalon. Ipinanganak si Baltog sa Boltavara, sa magiting na angkan ng mga Lipod, at simulat simula pa, may taglay na siyang hiwaga (encanto, magic):

Taga-Botavara siya may taga-bulag sa mata... Isa sa mga halimaw si Tandayag, mabangis na dambuhala (gigante, giant), kahindik-hindik na sawa (serpiente, boa constrictor) sa mga ibang ulat, baboy damo sa awit ng mga iba. Takot lahat kay Tandayag maliban kay Baltog. Pinatay niya ito at kinaladkad pauwi. Nagdiwang ang mga tao nang mabalitaan na patay na si Tandayag at ang lahat ng mga angkan sa mga baranggay ng Asog at ng Panicuason ay dumayo upang masdan ang napaka-laking bangkay ni Tandayag. Handiong MAY kasamang pangkat ng mga mandirigma ang bayaning Handiong nang dumating sa Ibalon. Marami silang panganib na sinuong, at libu-libong ulit sila nakipag-digmaan upang magapi ang mga halimaw na dinatnan nila. Una nilang nakasagupa ang mga dambuhala (higantes, giants), tig-iisa lamang ang mga mata (cyclops, one-eyed ), sa lupain ng Ponon. Nagtatag si Handiong ng isang nayon sa Isarog, at nagsimula ang panahon ng pag-unlad para sa mga tagaruon. Sa kanyang pasimuno, nagtanim ang mga tao ng uri na palay na tinawag nilang handiong bilang parangal sa kanya. Si Handiong ang gumawa ng unang bangkang pandagat (bote marinero, sea canoe) sa Ibalon. Dahil sa halimbawa niyang ito, nahikayat ang ibat ibang tao duon na tumuklas (invent) din ng sari-saring kagamitan. Isang lalaki, si Ginantong, ang tumuklas at gumawa ng layag (vela, sail) at ugit (timon, rudder) na gamit pangtulak at pang-asinta sa paglakbay ng bangkang tinuklas ni Handiong. Si Ginantong din ang tumuklas ng araro (arado, plow), parihuela (carrito, wheelbarrow) at iba pang kagamitan (utiles, tools) sa pagbubukid. Ang iba pang si Ginantong daw ang unang gumawa ay suklay ( peine, comb) at ganta, sukat ng bigas o palay na katumbas ng 3 sa 4 bahagi (3/4) ng isang kilo. Iba pang lalaki, si Hablom, ang tumuklas sa hubulan (telar, loom, habian sa Tagalog) na gamit pa hanggang ngayon panghabi ng tela (cloth). Samantala, ang matalinong Sural daw ang tumuklas sa panitik (abecedario, alphabet) at unang sumulat sa puting bato. Maniwaring may paaralan daw siya dati sa isang bahagi ng Peafrancia Avenue sa kasalukuyang lungsod ng Naga. BantongMAHABANG panahon mapayapang umunlad ang Ibalon sa pamumuno ni Handiong subalit walang magandang palad (suerte, luck) na nagtatagal, at ang Bicol, mula pa nuong Unang Panahon ay lagi nang sinalanta by marahas na kalikasan. Sumapit ang panahon ng malaking baha ( flood ) na pinawalan sa lupa ni Unos (borrasca, storm). Tapos, nagsimula ang sunud-sunod na lindol (terremoto, earthquakes), sinabayan pa ng pagsabog ng 3 bulkan - ang Hantik, ang Kolasi at ang Isarog. Bumaon ang lupa, pati mga bundok ay gumuho, at maraming nayon sa Ibalon ang nawasak. Napunit din ang lupa mula sa Kalabanga hanggang sa Ponon, sa Magarao, na tinatahak ngayon ng ilog Inarihan. Sa lakas ng mga lindol, umangat ang Pasacao mula sa dagat, pati na ang pulo ng Kotmo na bahagi ng Pasacao. Sa Kotmo ang tahanan ng isang halimaw, si Rabot, ang dambuhala (gigante, giant) na may katawang kalahati ay tao, at kalahati ay hayop (half-man, half-beast). Mabagsik ang kanyang kapangyarihan. Inutusan ni Handiong ang kanyang kaibigan, si Bantong, upang puksain si Rabot. Nagsama ng 1,000 mandirigma si Bantong subalit talino, at hindi lakas ng katawan, ang ginamit niya laban sa halimaw. Hindi nila sinugod agad ang lungga (guarida, den), kundi nagmanman muna upang maunawaan ang ugali ni Rabot. Nakita ni Bantong ang malalaking bato (piedras, rocks) na nakapaligid sa lungga mga tao na ginawang bato ni Rabot. Pagtagal, namalayan ni Bantong na madalas at mahimbing matulog ang halimaw. Kaya minsang tulog si Rabot, ginapang siya ni Bantong. Sinaksak ng bayani sa dibdib si Rabot at namatay ang halimaw.

Nagbalik ang katahimikan sa Ibalon.


ANG PINAGKUNAN Hudhud hi Aliguyon, An Ifugao Legend of the Hero, Aliguyon, Introduction to Philippine Folklore, http://folklore.philsites.net/stories/heroism1.html IBALON, The Great Bicol Epic, Annotations by Joelan B. Brillo, Notes and Reflections,

Buod ng epikong Maragtas


MARAGTAS (Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo) Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan ang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan. Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog. Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila ang mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok at pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan. Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang espiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nang may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman. Ang mga Ita ay magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala ay pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay. Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay sina: 1. Datu Puti 2. Datu Sumakwel 3. Datu Bangkaya 4. Datu Paiburong 5. Datu Paduhinogan 6. Datu Domongsol 7. Datu Lubay 8. Datu Dumangsil 9. Datu Domalogalog 10. Datu Balensuela Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay, subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu Marikudo, sila'y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduan ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan ang

pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita. Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo ng isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan. Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka't ayon sa kanya ay kaya na niyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa pamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman sa Luzon. Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibili na isang alipin o kaya'y pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay magagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa Bundok ng Madyas. Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki, sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalang nakatago. Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan, pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at marurunong na anak. Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak, binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka't isang paraan daw ito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa kaban na may iba't ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang sa kanya'y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman ay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa kanya ng kapighatian at kalungkutan. Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay may gusto kay Gurung-gurung.

You might also like