Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

13 URI NG GURO sa HAISKUL

Peacemaker
Siya ang gurong dumarating sa klase nang maaga ngunit walang dalang kagamitan upang sabihin lamang sa mga

mag-aaral na Huwag kayong mag-iingay dahil may gagawin ako. Huwag lalabas. Peacemaker, gusto ng tahimik habang wala sa klase.

Angry Bird
Siya ang gurong dumarating sa klase na tila pasan ang daigdig na walang ibang ginawa kundi pagalitan ang mga mag-aaral at agad-agad magwo-walk out, sapul na sapul, at agad-agad lilipad na walang paalam.

Bookworm
Siya yung guro na may dala-

dalang aklat ngunit kulang na lang ay ipasaulo ang laman ng aklat na wala namang paliwanag. Matindi pa, maglilipatan ng laman ng aklat tungo sa kuwaderno kasabay ng matinding pananakot na iinspeksyonin bago matapos ang markahan. Tila uod ang daloy ng pag-aaral, sulatan lang walang paliwanagan.

Kangaroo
Siya ang gurong maagang

umaalis sa faculty room ngunit matagal dumarating sa klasrum dahil sa bawat makasalubong ay kinakausap at nakikipagtsismisan. Tila kangaroo na palundag-lundag kahit saan, hindi naman dumarating nang on-time sa silid-aralan. Wala siyang pakialam sa oras dahil ayon sa kanya, bayad na siya ng pamahalaan.

Poncio Pilato
Siya ang gurong mahilig

magbigay ng napakahirap na eksamen at natutuwa kapag bumagsak ang buong klase, at naghuhugas ng kamay kung itinatanong bakit napakaraming lumagpak, agad-agad sinasabing, Problema na nila yan kung hindi nila naintindihan. Basta ang alam ko nagturo ako. Nagturo nga, natuto ba? Tila laging guilty sa husgado

Pacman
Siya ang gurong dapat katakutan na sa tuwing manlait ng estudyante,

knock out ang aabutin. Kapag nagsasalita, nakakainsulto. Akala mo kung sinong gurong perpekto.

SM
Siya yung gurong lahat na yata ng raket pinapasukan. Lahat na puwedeng ipautang, dala-dala na niya. Mas mahaba ang oras sa pagtitinda kaysa pagtuturo. Kumbaga, SM Super Market - Youve got it all.

ATM
Siya yung gurong maluho. Laging overdrop pagdating ng pasweldo, walang pagpaplano. Inutangan lahat na bangko. Kaya kahit kasusuweldo lang, ATM na naman Adto Tindahan Mangutang.

DAW LIM

Siya yung guro na hindi nagtuturo nais lamang tumanggap ng suweldo. Laging nagagalit pag nahuli sa paglabas ang bonus. Laging nag-aabang ng increase sa suweldo. Dumadalo ng seminar ngunit wala lang dahil pahinga ang pinunta niya sa venue. Abala sa ibang bagay, ayaw matuto. Pagkatapos ng pagsasanay siya ang unang magrereklamo. Sa madaling salita, siya si DAW LIM DAWAT LIMPYO.

Extension Wire
Siya yung gurong hindi

alintana ang makapagturo lampas man sa oras. Hindi binibilang ang oras kundi ang dami ng batang kaniyang natutulungan. Kailangan mang magpahinga, extend pa rin siya ng pasensiya dahil alam niyang ulirang guro siya.

Load

Siya ang guro na walang kapaguran, 24/7 sa trabaho.

Kumbaga forever unlimited, hanggang sa lapida ang expiry date.

Nokia

Siya ang gurong kahit matanda na, hindi napapagod sa pagtuturo ng makukulit na mag-aaral. Sa madaling salita, connecting people, touching lives kahit nalo-lowbat.

K-12
Siya yung guro na tila

nakalimutang magsuklay bago pumasok sa klase. Magulo sa umpisa ngunit umayos din sa wakas. Pinipilit mabuo ang kaluluwa ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng kaniyang marubdob na pagtuturo at pagmamahal. In short, siya ang dakilang itinakda para sa kabataan upang magsimula ng pagbabago ngayong 2012.

You might also like