Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Nilalaman at Hangganan: Ang isip ay may nilalaman at may hangganan.

Kahit pa man, maaring hindi malinaw o hindi agad-agad naintindihan, tumataglay pa rin ito konretong laman at hangganan upang hindi mapagkakamalan ang dalawa. Mayroon ring kabuuan ang isip na hindi natin alam ang lahat ng kasakupan nito ngunit may tunay na kalinawan ito sa huli. Ang hindi-ako ay siyang paksa ng mga isip na may nilalaman at may mga hangganan, at ako naman ay siyang tumatanggap at lumilikha sa pag-uunawa ukol sa mga hindi-ako. Mismong Ako: Kung iisipin ang ako, unang makikita ay ang hangganan ng nilalamang ng isip na ako, na maaaring balik-baliktarin. Maaaring makita ito sa ating kawalan ng kamalayan na iniisip natin ang isang uri ng hindi-ako ang ako sa pag-iisip ng ako. Ngunit, sino ang nakaisip ng mga ito? Ako pa rin. Hindi ko pa rin magawang nilalaman ng isip ang mismong ako na nag-iisip. Ang tunay na ako, sa kanyang kalaliman, ay palaging nakakawala sa kaisipan ng hangganan. (P 1-3) Ang Conceptus/Konsepto: ito ang tawag sa mga isip na may-nilalaman-na-may hangganan, mula sa salitang conceptus na inilihi at binuo sa sinapupunan ng ina. Ang ako at hindi-ako ang ugat ng konsepto. Konsepto at Meron Ba: Ang mundo na ng likha ng isip natin ay puro konsepto. Ngunit, kapag tinanong ang Meron ba?, maaaaring masagot natin ang wala o ewan. Habang tinatanong ito, nakatitig sa isang hindi o hindi ko alam na matalik na tagapagbigay-alam sa Meron. Sa pagtanong ng Meron Ba, masasagot ito ng Meron Ganito at Meron Ganoon. Ang siyang iniisip ng konsepto ay talagang muiiral na meron. Noon, konsetpo at tanong na Meron Kaya, at ngayon, konsepto na parang nalunod sa meron. Higit pa riyan, ang sariling abot-tanaw na karanasan o kinagagalawan ng kinamemeronan, may ilong-na-may-dalawang butas na dulot ng pagka-sarili-kong-karanasan-atbuhay-at-pagmamalay na tinutukoy ng konsepto ang isang talagang umiiral, talagang meron at nagmemeron. Ang konsepto ay tumutukoy sa hindi konsepto, kundi ang umaapaw sa konsepto, na mismong meron at sabay tumatalab sa at tinablan ng meron. Taong binibigkas kapag binigkas ang meron: Ang pagbibigkas ng meron ay nagpapakita ng talagang pangyayari at pagmeron nito sa kinagagalawan. Ang pagbibigkas ay ang pagsasabi ng meron sa kausap. Tulad ng isang bato na nasa palad, ang pagbigkas dito at sa katangian nito ang nagpapakita na ang konsepto ay nandiyan upang ipahiwatig sa iyo ang meron nitong batong ito. Tanong Ano ang meron? I Ano ba ang nilalaman at hangganan ng meron? Ano ang nihihindi ng meron? Hindi wala. Ang kabaliktaran ng meron ay wala at hindi tunay na kabaligtaran sapagkat ang wala ay wala. Ang meron, kung gayon, ay hindi isang malaking konseptong supot na mapagkakasyahan ng lahat ng mga ibang konsepto. Kayat mali tanongin ang ano ang meron kung kahulugan nito ay ano ang konsepto ng?. Tanong Ano ang meron? II Subalit, kung ang meron ay maihahambing sa Ano ang Pisika na meron, marahil matatanong na natin ito. Sapagkat ang paglalarawan ay hindi isang pangugungusap na minsanang ilalarawan ang mga nilalaman, kundi, ang pagpapahiwatig at pagbubukas ng landas nang makapasok sa daigdig ng metodo at karunungan nito. Kahit mawalan ng interest sa meron, nagmemeron pa rin ito. Kahit huminto namang manaliksik sa meron ang nananaliksik sa

meron, ang ginagawa niya ay meron pa rin, bagamat hindi nga lamang siya mulat sa pagmemeron na ito. May pagtanaw sa abot tanaw na nauumpog at higit sa abot tanaw meron pang matatanaw na hindi pa natatanaw. Gumagalaw ako at natanaw ko nga ang hindi ko pa natatanaw, ngunit gumagalaw rin ang abot tanaw. Galaw diwa, Balik Gawa: Nakakaaya na ulitin ang ating naranasan. Pag-uulit ng mga galawdiwang kagaganap lamang: konseptong may nilalaman at hangganan, ang daigdig ng konsepto, ang meron ba ukol sa konsepto at lumalagpas sa konsepto. Kung walang mag-iisip ay walang konsepto, sapagkat ang mga konsepto ay maari lamang isipin. Pakikipagtagpo ng dalawang tao (may-akda ng aklat at ng gumagamit) ang kanilang pagiisip-isip tulad ng matematika. Ang buhay ninoman na mulat at gising sa talagang nangyayari ay pagbigkas sa meron. Ang bawat isang akto ng pagtingin, pakisama, paghanga, pagalit, pag-angkin at ibpa ay mga akton na lalong pinamemeron ang meron. Kahit wala na ako, meron pa rin. Madali maging tao, ika nga, mahirap magpakatao. Kapag pagpapakatao ang aking tinatanggihan meron ang aking pinahihina, ang paghindi sa meron. Sa sandaling isinilang ang konsepto, ang konsepto ay nakalubog at umaapuhap sa meron, ang taong sumisiling sa konsepto ay hindi iniintindindi ang konsepto kundi ang meron-gawa. Isinilang ang konsepto sa pagbigkas ng meron: nabigkas na ang meron; konsepto ang naiwan. Baliktad Pala: Ang Kanitang Salitaan: Kung Bakit Nagsimula sa Konsepto: Alalahanin ang Pagbabaliktad 1: Sinadyang Sistema: Sistemang labi ng buhay: Alalahanin ang Pagbabaliktad 2: Isang Pagmumuning Pumaltus Yata: Sa Wakas, hindi rin Pumaltus Yata: Kwento ni Tswang Tsu: [kwento ni Tswang Tsu] Sapagkat kapag nasabi na ang lahat, ang pinakamahalaga ay ang mga hindi nasabi. Dito ipinapakita ang halaga ng karanasan sa isang bagay higit pa sa kaalaman at salita ang mismong pagmemeron sa gawa. Natuturo ng nasasabi ang kalaliman ng hindi nasasabi. Ilagay sa dayalogo ang diskurso sapagkat humihigit pa ito sa katahimikan. Sa lebel ng pagsasabi, may nangyayaring mangatwiran. Upang matigil ang mga pwede sabihin, ang natitirang opsyon nalamang ay dahas/karanasan. Kailangan ng pasensya; konsepto bilang bungang-isip, may tiyaga sa panahon. Hindi maayos na puwersahin ang bunga sapagkat may pagtutubong nangyayari. -Tswang Tsu at Konsepto: Pagtataka: Nagtataka kapag may natuklasan na isang bagay na natauhan ako ngunit hindi lubusang nauunawaan. Ito ang kalagayan na hindi ko talagang natatalos ang inaakala kong natuklasan ko. Dito sa pagtataka bumubunga at lumilitaw ang tunay na mukha ng konsepto. (Meron, p29)

Bungang Isip: Ito ay isang uring konseptong nagmumula, tumutungo at gumagalw sa pagtataka. Kung ang depinisyo ng konsepto ay kaisipan na may malinaw na nilalaman at may hangganan, ang depinisyo ng bungang isip naman ay ang konseptong nilikha, tibig at bahagi sa pagtataka. Analohiya ng Puno at Punong Kahoy: May kasunod na pagmumuni ukol sa salitang puno na madalas ginagamit bilang punong kahoy sa pagtukoy sa punong akasya, punong mangga, punong akasya o iba pa. Ngunit, minsan, nagagamit rin ang punong kahoy sa pagtukoy sa punong saging, punong buko, punong kawayan, atbp na wala namang kahoy. Dito makikita ang pagkakalito sa katagang puno ng mga tao na kung saan ang bungang isip ang nakikita nila. Ang puno ay isang nilalang na tumutubo sa lupa na nakaugat rito. Umuusbong paakyat ang buhay na pinapatalab ng tangkay na kumakapal, tumataas, at tumitibay. Sunod, pinagpapatibayan ang nilalang ng dahon, bunga at iba pa, kaya dito marahil nagmula ang konsepto ng puno. Naaayon naman sa hugis at anyo ng dahon, bunga atbp ang ibat ibang uri ng puno. Sa huli, kapag maputol ang puno at makita ang laman o loobang balangkas nito, dito makikita kung punong kahoy ba ito o hindi punong kahoy. Inihahambing ang pinuno o puno bilang isang taong nakaugat sa katotohanan, matibay ang paniningdigan at nagbibigay ng loob sa bayan. Alamat ng Palaka: Bilang Konsepto at Bungang Isip Ang alamat naman ng palaka ay ukol sa isang malaking palaka at maliit na palaka na kung saan nakita ng nakaliliit ang isang higanteng kalabaw. Dulot ng kayabangan at kitid ng isipan sa posibilidad, hindi naniwala ang malaking palaka kayat sinubukan niyang pahinginin ang sarili. Sa ibat ibang pag-uulit at pagpapalalim ng hinga, lumolobo ito palaki nang palaki sabay pagkumpirma sa kanyang kalakihan kumpara sa nasabing dambuhala. Hanggat sa huli, hindi pa rin nagpatalo ang palaka kayat sumabog na lamang ito sa pagtangkang higitan ang kalakihan ng kalabaw. Ang kwentong ito ay isang bungang isip lamang noong dalawang libong taon ni Aisopos, ngunit makikita natin ang tinig ng tao dito na kung saan makikita ang kanyang pagmumuni-muni sa kainggitian, kayabangan at kapangitan ng taong buhos sa sarili. Alamat ng Palaka: Meron na Nangyayari sa Kahulugan Tunay na nangyayari ang meron. Sa kwentong Alamat ng Palaka, nakikita ang kahulugan ng nangyayari na kung saan kahulugan ng ginagawa ng maraming tao ang nagmemeron. Nagmemeron ito sa mismong ginagawa ng tao, at hindi literal na ang nagsasalitang palaka ang nagmeron. Kaya nga kung minumunihan ang kwentong ito, hindi buhay palaka ang pumapasok sa atin, kundi ang kahulugan ng kwento na umiiral sa atin. Panitikan: Meron ba? Sa dalawang nobelang Noli at Luba ng Buwaya, tila hindi tayo sigurado kung nangyari sa totoong mundo ang kwentong ito at kung nagmemeron ba ang mga tauhang it, kundi makikita natin ang simbolismong pinakita dito. Kung ituturing na bungang isipa ang dalawang nobela, magbabakiktad ang mga konsepto dito kayat magbabago rin ang anyo ng lahat, sapagkat gumagalaw sa ngayon ang liwanag ng abot tanaw ng meron ng tao. Ang kahulugan na hinahanap ay kahulugan na meron at nagmemeron.

Realidad at Kahulugan ng Kahulugan Ang kahulugan ay isang liwanag na umaapaw sa lahat ng konsepto, kayat hindi ito makukulong. Sa araw-araw natin, tila kayang kaya sabihin ang kahulugan ng mga bagay bagay ngunit mukhang madalas natin hindi nauunawaan ang mga madadalas nating nakakasalubong na parang halos wala na rin sila, kayat importante ang pagtigil at pagmuni sa mga ito upang maunawaan ito ng higit. Kung mumunihin ang salitang kahulugan, ibig nitong sabihin ay pag-uunawa. Kung bibigyan ka ng isang salita at depinisyon nito, tila mumunihin mo agad ang binigay na depinisyon, ang agad na isipang ito ay parang naghahanap, nagtutuklas, nagtatalab at nagtataka sa meron ng aking abot tanaw. Tumatalab ang isip sa meron, at ang meron rin ay tumatalab sa isip, na lahat dulot ng kahulugan na tinaguriang pinakameron ng isip. Sa pagsusuring ito, makikita na ang meron ay umiiral na ngunit kailangan pang pairalin at buoin. Tila ang pagbubuo ng meron ay abot lamang ng kasikapan sa isang landas na napakahaba at pasikut-sikot. Liwanag at Hanging sa Meron: (p34) Kalansay at Balangkas Ang kalansay naman ay ang anyo o ang kabuuan ng kabutuhan ng isang tao. Sa kabila, ang balangkas naman ay ang naturang hugis bahay ng kawayan na nagbibigay anyo rito. Parehong importante na ma makakatulong sa pagsisikap na linawin ang mga pagmumuni-muni. Ang balangkas ay nagpapakita ng malinaw na hangganan at patakaran ng isang sistema tulad sa matematika. Sa kotse, ang balangkas nito ay matematika ngunit hindi ito ang bumubuo sa bagay na to kunwari kotse kasi nangangailangan rin ng iba pa tulad isang mekaniko para sa motor nito. Sa kabilang panig naman, ang balangkas ng punong kahoy naman ay tumutukoy sa isang buhay na tumutubo. Dito mauunawaan na marmaing hindi-ko-akalain sa punong kahoy dahil ang matematika ay nabuo ng tao ngunit ang puno ay sinasaliksik pa sa kalikasan. Nibel sa Kapatagan at Kamalayan Tumutukoy ito sa isang patag, kapatagan o pagpapatag sa salitang kastila. Sa larangan ng pinosopoya, ito ay tumutukoy sa paglagay ng hangganan sa isang kaisipan para masusi itong masuri, pero ang hangganang ito ay nakababad sa isang walang hanggang abot tanaw na meron at may angaw angaw sa pag-uugnay ng mga umiiral. Kasabay ng mga ito, namumulat rin ito ng bagong kaalaman sa pagkilala na meron pa akong hindi alam. Importante rin ang nibel ng malay at pagkawalangmalay. Importante ang nibel na mulat sa pagkamalay, pero kapwa higit na importante rin ang pakikisama ng nibel na kawalang malay. Sa paguunawa ng balangkas ng mulat na pagmalay, dito rin mararanasan ang paghahanap at pagtutuklas sa balangkas ng kilus ng kawalangmalay. Unti-unting matutunan ang halaga ng kawalangmalay higit sa kamalayan lamang, kayat pumapasok ang pagkagising ng nibel ng mulat na pagmamalay, sa loob ng nibel ng kawalangmalay. (Deepen!) (Meron, P37 40) Pag-uulit, Pagtatanong, Potensyal: Kierkegaard

[Ang kwento ni Seberino at ni Regina] Lahat ay merong saan at kailan ngayon, ngunit sa kaloooban natin, may sumisigaw na saan at kailan na sanayy maging dito at ngayon mo, magpakailan man. Pag-uulit, Pagtatanong, Potensyal: Heidegger

You might also like