Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.

"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwede magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras. posible pero pangit tignan."

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o katext ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

"pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga sususnod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang...."

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

"hindi lang dahil sa manhid ka eh ayos na.para kang bato,hindi ka nga nasasaktan pero nakakasakit ka naman."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tan** ka.."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

"minsan, para ka palang nagmahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, 'di pa rin natitinag."

Okay lang lumaki ng lumaki, tumangkad, at tumanda ng walang nalalaman... kung puno ka.

"ang babae ay parang mga pulis. kahit hawak na nila ang lahat ng ebidensya sa mundo, gusto pa rin nilang marinig na aminin mo ang totoo."

kahit anong bagal mo kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka niya maaabutan.. kahit mag stop over ka pa

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.

Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.

Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.

Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ.

"Ang Pagibig parang elevator lang yan, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung wala

nang lugar para sa'yo? eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin..."

"Maraming Tao Dito Ang Mas Malungkot Pa Sa Taong Nakatira Sa Buwan. Saka Hindi Naman Kailangan Ang Maraming Tao Para Bumuo Ng Mundo E. Minsan Isang Tao Lang Ang Kasama Mo, Buo Na Ang Mundong Kailangan Mo Habambuhay"

PAKAWALAN MO yung MGA BAGAY NA NAKAKASAKIT SA YO KAHIT NA PINASASAYA KA NITO ,WAG MONG HINTAYIN yung ARAW NA SAKIT NA LANG NARARMDAMAN MO AT INIWAN K NA NG KASIYAHAN MO ....

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tan** kundi pagkukusa."

"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "

maraming teacher sa labas ng mundo, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo......

" hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag.iisa , kundi ang pagtanggap na sa bilyung.bilyong tao sa mundo , wala man lang nakipag.laban upang makasama ka.

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o

suspendido ang klase o absent ang teacher.

"Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at mag rebelde... tumigil ka sa pag aaral, mag drugs ka at magpakulay ng buhok sa kilikili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Minsan Kailangan mo din pala ng lakas para sabihing mahina ka"...

"ang tao, aminado naman yan sa mga kasalanan nila..pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwanan ka.."

"wag magmadali sa babae o lalaki..tatlo,lima,sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang gwapo,maganda o nakakalibog ito..totoong mas importante and kalooban ng tao higit sa anuman..sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan ay magmumukha ding pandesal..maniwala ka.." (haha.. )

"walang taong manhid..hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.."

"kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginagawa, hindi katamaran ang dahilan nun..may iniisip ka.."

"kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa'yo?..wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga.."

"sa kolehiyo, madaming impluwensiya ang makikita, masama o mabuti man ito..wag isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa pagyoyosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya..kung talagang matino kang tao, kahit sino pang taran***o ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daanang tatahakin mo.."

"paano mo makikita yung taong para sa'yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa'yo.."

Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang nararamdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa ng lamang masayang gunita ngayon.Isang bintana sa kahapon, na paminsan minsan ay gusto mong masulyapang muli. Sabay bulong sa sarili sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon

"Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

"Hindi dahil manhid ka ay wala ka nang kakayahang manakit."

"hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan."

"Minsan kailangan mo din makalimot.. para ikaw naman ang maalala."

"pilit kang pinapapangit sa edad na pilit kang nagpapacute'

"HINDI NAMAN IIYAK ANG MUNDO PARA LANG SA ISANG TAO"

"Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo

pano iIsiPin kunG paNo maG isiP??"

ang tenga pag pinagdikit ay hugis puso...karugtong ng puso ang tenga....kaya kung di ka marunong makinig....di ka rin marunong mag-mahal..

"Walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa naging kapalaran mo."

"Ito ang pinagkakaabalahan ko, gumagawa ako ng wala."

"Wala kang ginagawa?"

"Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"Hindi ka ba napapagod gumawa ng meron?"

"Hindi ka ba napapagod gumawa ng wala?"

"Napapagod, wala nga akong pahinga eh."

hindi kayang tumbasan ng isang libong mababait ng tao ang pagmamahal ng isang gagu!

"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

IPINANGANAK AKONG MATALINO, PINILI KO LANG MAGING BOBO"

" mas mabuting MABIGO sa paggawa ng isng bagay kesa magtagumpay sa paggawang wala".

" masama akong tao, tulad mo.. sa parehong paraan na mabuti kang tao tulad ko.."

Kung Tutuusin, Hindi Naman Masarap Ang Alak. Yung Kainuman Mo Lang Ang Nag Papasarap.

Pwede mong iwan ang isang tao nang hindi mo sya pinapabayaan, pwede mo ding pabayaan ang isang tao nang hindi mo sya iniwan...

You might also like