Fajardo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Gobyerno Natin Ngayon Simula pa ng ating kalayaan mula sa mga Hapon sa ikadalawang digmaang pandaigdig ay malayo na ang

ipinagkaiba ng ating gobyerno sa ngayon. Dati rati ay hindi pa masyadong naipapatupad ang tunay na demokratiko sa ating bansa. Dumaan tayo sa pamamahala sa ilalim ng martial law kung saan ang ating karapatang pantao ay halos nawala. Ito ang gobyerno na tinawag nating diktaturya sa ilalim ng Pangulong Ferdinand E. Marcos. Dumanak ang maraming protesta at marami ang dinampot dahil sa pagpapahayag ng sintimiyento sa ating gobyerno. Noong taong 1986, dahil sa mga di makataong pamamaraan, ay isinagawa ng mga Pilipino ang unang people power march laban sa Pamahalaang Marcos. Dahil dito si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay natanggal sa puwesto at silang buong pamilya ay napatapon sa Hawaii. Dumaan ang pamamahala ni Gng. Corazon C. Aquino, G. Fidel V. Ramos, G. Erap Estrada, Gng. Gloria Arroyo at ngayon na nga ay ang Pangulong P-noy. Sa bawat pagpapalit ng ating Pangulo lumalabas at ibat ibang katiwalian sa panahon ng knilang mga panunungkulan na lalong nagpaigting sa sintimiyento ng bawat Pilipino. Karamihan sa mga katiwaliang ito ay ang korupsyon. Sa ngayon, ang ating gobyerno sa ilalim ng Pangulong P-noy at nangangako ng daang matuwid ay nakakaranas ng napakaraming kontrobersiya tungkol dito. Sa ngayon ang ating gobyerno ay walang sawang tinututukan ang mga problema natin sa

korupsyon. Sa kasalukuyan ay mainit ang talakayan ukol sa pondong inilaan para sa ating Pangulo, mga Senador at Kongresista. Ito ay sa kadahilanang nahalungkat ukol sa paglalabas ng pondo ng bayan na napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling Non-Government Organizations, mga opisyal ng gobyerno at mga taong kanilang kasabwat upang makuha ang nasabing mga pondo. Napakainit na uasapan ang tungkol ka Gng. Napoles ngayon, ang tinuturong utak ng Pork Barrel Scam. Nagsagawa na ng hiring ukol dito at ang lagi lang niyang sinasabi ay hindi ko alam o I invoke my right from self incrimination. Nakakarindi ng pakinggan, hindi ba? Hindi ko man alam ang buong detalye sa kasong iyon at sa mga pinanggagawa niya, ngunit hindi ko parin maiwasang mainis at magtaka kung saan ba talaga napupunta ang perang kanyang kinuha. Napakarami sanang pamilyang pilipino ang matutulungan kung hindi lang niya kinuha ang hindi sa kanya. Siya at ang mga di pa nakikilang tao ang nakinabang sa perang dapat sana ay gagamitin para sa ikabubuti ng ating bansa. Pero ano pa nga ba ang ating magagawa?

You might also like