Isulat Mo Ako

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Isulat Mo Ako

Nais kong angkinin ang bawat mong tula. Ariin ang bawat sukat, ang bawat titik, ang bawat bilang, ang bawat tugma. Ramdam kong bawat nitong talinghaga. Dama kong naghuhumiyaw sa pagnanasa ang bawat mong akda. Walang pagsidlan ang pag-ibig na alay mo sa masa at bayan. Itinatarak sa diwa ko'y paglaban. Iginuguhit mo'y tanaw ng paglaya. Ipinapahayag ay buhay at pakikibaka nilang api't ninanakawan. Binabasag mo'y katahimikan. Pinapawi'y lambong ng pagkakahimlay, ng kawalang-pakialam. Nais kong maging musa ng iyong mga panulaan. Ibig kong magbigay ng paunang bugso sa bawat simula ng iyong mga tugmaan. Handa akong maging kahit sino, kahit ano. Handa akong maging simbolo't tauhan sa taludturan ng iyong puso. Isulat mo ako sa pahinang nasa kaibuturan ng iyong pagkatao. Isulat mo ako. Kagaya ng pagsasalaysay mo ng mga kwento ng pag-ibig, ng pag-asa, ng pakikibaka, ng pagbabago. Ipinta mo ako sa mundong magkasama't magkasanib

ang bawat nating pangarap. Ipinta mo ako. Bilang larawan ng walang hanggang pagmamahal, ng walang hanggang pagsinta, ng walang hanggang paglaban. Sana'y damhin mong bawat tibok nitong puso. Sana'y pakinggan, himig nitong umaawit, ang nag-aalab nitong pagtangi. Sana'y pintig ng puso nati'y maging isa. Sana'y magtagpo upang maging ganap na ariin kong bawat mong tula. Mahirap mang gawing ganap na laman ng bawat taludturan mo'y ako, na umikot sa akin ang bawat saknong, ang bawat salita. Marahil, sapat nang ako'y maging bahagi, sapat nang sabay tayong bibigkas, kasama ang masa, ng iyong mga tula ng pag-ibig at paglaya. -Kathy Yamzon

You might also like