PAG-Unlad NG Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAG-UNLAD NG PANITIKAN PANAHON NG KATUTUBO May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating

g ang mga Kastila sa Pilipinas Kwentong bayan, alamat, epiko, awiting bayan, salawikain, kasabihan at bugtong May sarili ring sistema ng pagsulat ang ating mga ninuno, ang alibata o baybayin (sinusulat sa mga dahon, kawayan at kung saan pang pwd sulatan) Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat. May 17 titik ito, 3 patinig at 14 na katinig.
Ang panitikan ay saling-dila o lipat-dila (oral tradition) Sumasamba sila sa kalikasan

PANAHON NG MGA KASTILA Pagdating ng mga Kastila, maraming pagbabago ang naganap. Isa na rito ang sistema ng ating pagsulat, ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo ng 20 titik. Inaral ng mga misyonerong Kastila ang wikang Katutubo sa Pilipinas Nagsulat sila ng mga diksyonaryo, aklat-panggramatika, at katekismo para sa mabilis na pagkatuto nila ng mga katutubong wika. Tinipon ng mga misyonero ang panitikan, pasalita man o pasulat saka pinasukan ng diwang katolisismo Ipinasok sa panitikan ang kristiyanismo, etika at moralidad Ginamit ang kristiyanismo bilang paksa sa panahon ng Kastila 500 aklat ang nailimibag ng limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas (ang kauna-unahang limbagan sa Pilipinas) PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN Maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo Kabilang dito sina Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna at Marcelo H. del Pilar Mga akdang makabayan at masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat Nagsulat din ng mga akdang tumutuligsa sa mga Kastila sina Padre Jose Burgos, Padre Paterno, Emilio Jacinto, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Antonio Luna at Jose Palma PANAHON NG AMERIKANO sa pamumuno ni Almirante Dewey, nagsimula na naman ang pakikipaglaban ng mga Pilipino. isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino. ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan ang mga sundalong Amerikano ang naging guro na tinawag na Thomasites. Pagiging makabayan pa rin ang paksa ng sulatin ng mga manunulat dahil sa kagustuhang makalaya sa mga bagong mananakop PANAHON NG HAPONES Dahil sa pagnanais ng mga Hapones na burahin ang anumang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika Lalo na ang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog Binuksang muli ang Liwayway sa pangungna ni Kinichi Ishikawa, isang Hapones na may pagmamalasakit sa panitikang Pilipino Binuksan din ang tabloid na taliba na ikinatuwa ng mga manunulat dahil sa paglilimbag ng pahayagang ito ng mga akda Ang panulaan ay nagkaroon ng karagdagang anyo ang malayang taludturan o free verse Nakaimpluwensya rin ang haikku sa panulaang Tagalog at nabuhay ang tanaga (7-7-7-7)

Ang haiku ay 17 pantig na ikinalat sa 3 taludtod na 5-7-5 Naging malaya ang mga manunulat sa pagsusulat sa punto ng porma at teknik ng pagsulat Ang manila shimbun-sha ang panuntunan ng censor

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN Idiniklara ni PFM ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972 at sumilang ang Bagong Lipunan Sumipot ang mga kabataang mapaghimagsik kaya ang panahong ito ay panahon ng aktibismo Umunlad lalo ang wikang Pilipino Ipinatupad ng Ministri ng Edukasyon at Kultura ang Bilinggwalismo sa mga paaralan Ipinagbawal ang maglimbag at bumili ng malalaswang babasahin pinasara ang mga sinehang nagtatanghal ng pelikulang maaaring makasira sa moralidad ng mga Pilipino lalo na sa kabataan Ipinasunog ang mga pamplet na ipinakalat ng mga kabataang aktibista Sumigla ang sining ng bansa dahil sa pagtayo ng CCP PANAHONG KONTEMPORARYO nakilala ang mga manunulat na nagsulat ng mga kaganapan sa lipunan katulad nina Rogelio Sicat, Rogelio Ordonez, Efren Abueg, Virgilio Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho, Clementa Bautista, atbp. Paksa ng kanilang akda ang kabulukan ng pulitika, pamahalaan, kahirapan, karahasan, mga krimen, prostitusyon, at iba pa Ang mga dulang Pilipino ay umunlad din dahil sa patuloy nilang pagpapalabas nito sa mga pook-tanghalan katulad ng mga paaralan, CCP, Metropolitan Theater, Dulaang Raha Sulayman, Insular Life, Philam Life, San Miguel Auditorium Gayundin ang pagtataguyod ng Bulwagang Gantimpala, Teatro Pilipino, Repertory Philippines Itinatag ng UMPIL o Unyon ng mga Manunulat sa Pilipino ang magasing Mithi, naglalaman ng mga akdang naglalarawan ng mga tunay na kaganapan sa panahong iyon Umunlad pa ang ating wikang pambansa lalo na noong ipinalabas ang EO 335 noong Setyembre 1988 na nagutos sa lahat ng ahensya ng pamahalaanat mga sektor ng lipunan na pagyamanin ang WF Sumigla ang paggamit ng WF Patuloy na kumilala ang CPMA at CCP sa pagkilala sa mahuhusay na akda at manunulat taon-taon Maging sa mga paaralan ay may mga literary contest na tumutuklas sa mga bagong manunulat

You might also like