Fallen' To An Angel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 143

Fallin to an Angel CHAPTER ONE This place sucks! Inis na turan ni Vincent sa sarili.

. Nasa principals office siya kasama ang amang si Victor Ronzales, nakikiusap ang kanyang ama sa punong guro na tanggapin siya sa eskwelahang iyon. Dahil sa Maynila tatlong beses na siyang na kicked out sa school dahil sa mga trouble na kinasangkutan niya, sa sama ng kanyang records ay wala nang eskwelahang gustong tumanggap sa kanya. Sinadya niya ang lahat ng iyon para galitin ang ama, sa halip inunawa siya nito at kinausap ng mahinahon. Inayos nito ang gusot na kinasangkutan niya mabuti na lamang at pumayag magpa-areglo ng mga magulang ng estudyanteng binugbog niya ang kanyang ama ang sumagot sa mga gastusin sa ospital at malaking pera rin ang ibinigay nito para hindi na humantong pa sa korte. Nang maayos ang gulong pinasukan niya kaagad siya nitong pina-empake na labis niyang ikinatuwa sa pag-aakalang ibabalik na siya nito sa amerika. Ngunit sa pagkadismaya niya dinala siya nito sa Iloilo upang mailayo daw siya nito sa gulo, Tubong Ilonggo ang kanyang ama na may lahing kastila maituturing na isa sa pinakamayaman at ma-impluwensyang angkan sa Iloilo. This time ay inenroll siya ng ama sa isang public school sa Molo sa dahilang walang private school na gustong tumanggap sa kanya. Ayaw pa nga sana siyang tanggapin ng punong guro kung di lamang nangako ang kanyang ama na magdu-donate ng limang computer units para sa eskwelahan. Na lalong ipinag-ngitngit ng binata ang impluwensya nga naman ng pera. Talagang ayaw siyang pabalikin ng ama sa amerika pero hindi siya titigil, lihim nang napangiti si Vincent mukhang may bagong lugar na naman siyang paghahasikan ng lagim! Nakakunot noo ang principal habang binabasa ang kanyang records at dagli rin itong napapailing dimaayo ang records sang imo bata Mr. Ronzales, pero daku ang dunasyon mo sa amon eskwelahan gani tagaan ko siya tsansa nakangiting tumingin ang principal sa magama Napaismid naman ang 17 taong gulang na binata dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng principal. He remembered ng magpunta silang mag-ama sa Cebu nahirapan siyang makipagcommunicate sa mga tao dahil hindi siya marunong mag-Cebuano. Nang mag-aral siya sa maynila ng mahigit 1 taon kahit paano ay natoto siyang managalog, And now that his in Iloilo crap! Its like starting all over again kailangan na naman niyang matuto ng panibagong lengguwahe its so annoying!He wondered kung paanonagka-kaunawaan ang mga Filipino, a small country but God knows kung gaano karami ang lengguwaheng gamit ng mga ito.

I really hate this place! bulong niya sa sarili habang patuloy naman sa pag -uusap ang principal at ang kanyang ama . Di nagtagal ay tumayo na ang mga ito muli siyang kinausap ni Mrs. Gascon Welcome to Iloilo City National High School Vincent anang punong guro na nakangiting iniabot ang kamay sa kanya. thank you maam he smile devilishly at Napipilitang nakipagkamay siVincent rito pagkatapos ay kaagad ng tumalikod at tinungo ang pinto, narinig pa niya ang paghingi ng paumanhin ng kanyang ama sa punong guro bago ito sumunod sa kanyapalabas ng principals office. Habang daan pauwi nanatiling tahimik si Vincent nakadungaw ito sa bintana ng kotse palingon-lingon sa kanya ang ama niyang si Victor habang nagmamaneho, hinihintay nitong mag-outburst ang anak pero hindi nangyari. Please be goodthis time sonpakiusap niya rito ayaw niyang mapariwara ang buhay nito kaya ginagawa niya ang lahat para mapatino ito. Pero wala siyang natanggap na response mula rito minabuti na lamang niyang ituon ang pansin sa daan. Victor felt guilty dahil sa nangyayari sa anak batid niyang nagrerebelde ito dahil sa nangyari sa kanilang pamilya, pero anong magagawa niya kung hindi na siya mahal ng asawa niyang si Nathalie. After twenty years of marriage ay nag-file ito nang divorce. Theres no third party involve the problem is pareho silang nawalan ng panahon sa isat-isa dahil sa kanilang busy career. Umuwi siya ng pilipinas at sapilitang isinama si Vincent nais niyang nasa kanya kahit man lang isa sa kanyang mga anak selfish mang maituturing. He didnt want to live alone malungkot ang mag-isa lalo na nga at nagkakaedad na siya. Naiwan sa asawa ang panganay niyang si Nicole, how he missed her ang paglalambing nito at kahit 20 na kumakandong parin ito sa kanya, he smile at the thought kaagad niyang kinuha ang cell phone na nasa bulsa ng kanyang pantalon at nag-dial ng number. Saglit siyang naghintay hanggang sa may sumagot sa kabilang linya. Hi Dad! anang malambing na tinig, napangiti siya ng marinig ang boses ni Nicole How are you sweetheart? bahagyang gumaralgal ang boses ni Victor na ikinalingon ni Vincent Is that Nicole? mababanaag ang excitement sa mukha nito pagka-banggit sa kapatid You want to talk to her? iniabot niya rito ang cell phone kulang na lang ay sunggaban nito iyon. Pinagmasdan siya ng ama sa ganoong pagkakataon na lamang siya nito nakikitang nakangiti sa tuwing nakakausap nito ang ina o ang kapatid. Noon ay masayahin si Vincent at

mabait magaling din sa larangan ng sports and an honor student. Ngunit nag bago ang lahat simula ng maghiwalay silang mag-asawa. Tila galit na ito sa mundo lalo na sa kanya siya ang sinisisi nito sa pagkawasak ng kanilang pamilya. And no matter how hard he tried to reach out to his son ay tila lalo pang lumalayo ang loob nito sa kanya. How he wish na muling maibalik ang dating closeness nilang mag-ama. Angela, hintay! napahinto siya sa paglalakad at dagling lumingon ng may tumawag sa kanyang pangalan. It was her best friend Janet at kaklase rin niya sa halos lahat ng subject, humahangos itong palapit sa kanya. Angel alam mo bang may bagong transferee na galing manila? At sobrang gwapo daw! balita nito sa kanya at kinilig pa Narinig na niya ang balitang iyon na kumakalat na nga sa buong campus nila, an dinig niya na kick out ito dahil muntikan ng mapatay sa bugbog ang nakalabang estudyante. huwag ka magkakamaling lumapit sa lalakeng iyon bad boy daw iyon sige ka! babala niya rito na ikinatawa lang nito. kaya nga exciting! kumapit ito sa braso niya at iginiya na siya patungo sa may gate ng school. ha-huntingin ko siya mamaya sama ka? yaya nito sa kanya mahilig talaga ito sa thrill, napangiwi si Angela ikaw na lang Janet may practice pako mamaya sa choir member siya ng choral group sa kanilang school. Araw-araw ay nag-eensayo ang mga members bago mag-uwian. Isa pa wala siyang balak na makilala ang bagong estudyante ngayon pa nga lang ay nag-aalala na ang mga teachers sa maaari nitong idulot na kaguluhan. Nang nasa loob nasila ng kanilang classroom ay iyon din ang topic ng kanilang mga kaklase lalo na ng mga girls katulad ni Janet ay interesado ang mga ito na makilala ang transferee. Bandang alas singko ng hapon uwian, nagtungi si Angela sa auditorium para mag-ensayo exclusive lamang ang room na iyon sa mga choir members sarado ang silid dahil naka-aircon. Pag-pasok niya ay naroon na ang kanilang music teacher nakaupo na ito sa harap ng piano at hinihintay siya. good afternoon maam bati niya rito nilagay niya ang dalang gamit sa isang upuan at pumuwesto sa tabi ng piano, may ini-ensayo siyang kanta para sa darating na program. ok lets start ani Ms. Maglipon at sinimulan na ang pag-tipa sa piano.

Mula pa kaninang umaga ay naiirita na si Vincent sa bago niyang school, pag-pasok pa lang niya ay pinag-titinginan na siya ng lahat ng estudyante na para bang isa siyang alien na naligaw sa lugar na iyon. Hindi siya komportable na may nag-mamasid sa bawat kilos niya, napasimangot din siya sa suot na uniporme, itim na slacks at puting polo na may logo ng school sa bulsa. Nang mag-uwian na nagpaiwan muna siya gusto muna niyang libutin ang buong campus isa pa wala pa naman ang sundo niya. Ayaw man niya ng chaperon ay wala siyang magawa dahil hindi pa niya kabisado ang lugar. Nang mapagod sa pag-lilibot ay huminto siya at sumandal sa isang nakapinid na pintuan, nang mapunang walang taong dumaraan kaagad niyang inilabas ang isang pakete ng sigarilyo sa kanyang bulsa at nag-sindi nang may pumukaw sa kanyang pansin. Someones singing at nag-mumula iyon sa loob ng nakapinid na pintuan sinubukan niyang pihitin ang door knob pero naka locked iyon. Sinubukan niyang sumilip sa may bintana ngunit masyadong makapal ang kurtina at hindi niya Makita kung sino ang nasa loob. Dumampot siya ng isang malaking bato para i-pambasag sa bintana pero natigilan siya ng maisip na baka mabulabog niya o matakot ang nasa loob. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pakikinig sa malamyos na tinig, inaawit nito ang sikat na kanta ni Mariah Carey na butterflynawili siya sa pakikinig ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras Nang magtxt sa kanya ang kanyang driver na si Manong Ray na naroroon na ito sa labas ng gate ng school. Bago umalis ay nilingon pa nito ang nakapinid na pinto nakaramdam siya ng pang-hihinayang dahil hindi man lang niya nasilayan ang mukha ng umaawit. Wala pa siyang ganang umuwi sa ancestral house nila mga kasambahay lang naman ang aabutan niya doon, kaninang umaga ay bumalik na ng maynila ang kanyang ama para asikasuhin ang mga negosyo nito roon, at nangakong uuwi ng Iloilo twice a month. Ok na rin iyon sa kanya dahil nagtatalo lamang silang mag-ama kapag magkasama. sa mall tayo manong Ray aniya sa driver ng makapasok sa loob ng kotse. Iniisip niyang bumili ng cd ni Mariah Carey. One month later, gaya ng inaasahan laging nadadawit sa kaguluhan sa school si Vincent lahat ng ipinag-babawal ay ginagawa he find it challenging on his part, suki na nga siya ng guidance office. Usap-usapan na rin sa campus ang mga kalokuhan niya kaya pinangingilagan na siya ng mga kapwa niya estudyante binansagan na nga siyang Devil ng campus pero balewala iyon sa binata sige parin siya hanggat hindi na ki-kick out. Recess, magkasama sa canteen sina Angela at Janet para bumili ng sandwitch at softdrinks pang meryenda saka pumuwesto sa mesang nasa dulo. Nang mapansin ni Angela ang pananamlay ng kaibigan. may problema ka ba? Ang tamlay mo kasi tanong niya rito

Malungkot itong napabuntong hininga bago tumingin sa kanya at nagsimula ng kainin ang sandwitch. paano ba naman yung prince charming ko deadma parin sakin tila sa isang talunan ang anyo nito. baka prince of darkness ang ibig mong sabihin! Di ba devil yun? pagtatama niya rito, gusto sana niya itong patawanin pero hindi man lang ito natawa mukhang depress nga itong talaga kaya binaling na lang niya ang pansin sa pagkain. Habang kumakain ay napapaisip siya ano bang mayroon sa devil na yun? at nagkakaganito di lang ang kaibigan niya kundi pati na rin ang iba pang babae sa school nila? di pa niya ito nakikita ay inis na siya Nang bigla siyang kalabitin ni Janet na ikinalingon niya rito tila biglang nag-bago ang mood nito na labis niyang ipinagtaka. oh my gosh, its Vincent! parang hindi ito mapakali sa kinauupuan kulang na lang ay magtatalon ito sa sobrang galak. Napatingin si Angela sa may entrance ng canteen kung saan nakatingin si Janet. There she saw a group of young guys pero may isang talagang nakakaagaw pansin, he was the tallest sa tantiya niya ay nasa 510 ang height, mamula-mula ang balat nito at matangos ang ilong idagdag pa ang manipis at mapula nitong labi. gwapo nga no wonder habulin ng chicks! bulong niya sa sarili. Tumingin ito sa kinaroroonan nila na para bang narinig siya nito. Nakipag-titigan ang dalaga rito para ipaalam na hindi siya takot rito o naiilang. Napansin,niyang kumunot ang noo nito. nang biglang tumunog ang bellnagmamadaling umalis sila ni Janet dahil sa kabilang building pa ang next subject nila. Tila ayaw pa umalis ni Janet dahil naroroon ang crush nito kaya hinila na niya ito patayo. Nang mapaapak siya sa basang tiles na siya niyang ikinadulas narinig niya ang malakas na tili ni Janet. Mariin siyang napapikit at hinintay ang pag-bagsak sa sahig pero hindi nangyari naramdaman niyang may malakas na mga bisig na sumalo sa kanya. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata para lamang mabato-balani sa asul na mga matang nakatitig din sa kanya at kapansin-pansin ang mahaba nitong pilik-mata. Angela- pukaw sa kanya ni Janet Napakurap ang dalaga tila siya nagising mula sa pagkakaidlip sa pagtawag sa kanya ng kaibigan. Saka niya pinagmasdan ang mukha ng sumagip sa kanya sa kahihiyan only to be shock it was Vincent! Of all people bakit ito pa ang nakasalo sa kanya! At saka niya na realize na mahigpit siyang nakayakap rito at ganun rin ito sa kanya. Napakalapit pa ng mukha nila sa isat-

isa na konting kilos lang ay madadampi na ang labi nila. Noon umugong ang tuksuhan sa kanila pinamulahan siya ng mukha at kaagad na bumitaw sa binata bahagya pa niya itong itinulak dahil parang ayaw pa siya nitong bitawan. Hiyang-hiya siya sa nangyari ang dami pang estudyanteng nakakita. Dinampot naman ni Vincent ang bag niya sa sahig at iniabot sa kanya your bag miss he smiled wickedly obviously enjoying the moment ni hindi naman magawang tumingin ni Angela rito, pahablot nitong kinuha ang bag at kaagad na tumalikod at lumabas ng canteen umagapay sa mabilis na paglalakad niya si Janet Angel ano ang feeling ng mayakap ng isang devil? curious nitong tanong gawin ko rin kaya ang ginawa mo para mapansin din niyako birong totoo nito heh! angil ni Angela rito. Hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog ng dibdib niya ewan niya kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya sa unang pagkaka-daupang palad nila ng devil na yon. Kinabukasan naging usap-usapan si Angela sa buong campus na nakipag-halikan daw siya kay Vincent sa may canteen. Tinanong siya ng mga kaklase kung totoo iyon pero hindi na siya nag-kumento ayaw na niyang humaba pa ang tsismis si Janet ang naging tagapag-tanggol niya. Ipinag-dasal niyang huwag sanang makarating sa nanay niya ang tsismis baka isipin nitong nagbo-boyfriend na siya tiyak niyang mga pinong kurot sa singit ang aabutin niya at malamang na kalbuhin pa siya! Lord huwag naman sana pipi niyang dasal Nang mag-uwian muling tinungo ni Vincent ang paborito niyang tambayan sa may labas ng auditorium. Sumilay ang ngiti sa labi ng binata ng marinig ang pamilyar na boses sumandal siya sa nakapinid na pinto his face softened gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing naririnig ang boses na iyon. Hindi ito nakakasawang pakinggan this time she was singing a Celine Dions song My Heart Will Go On.Gusto niya ang malamyos nitong tinig pero hanggang ngayon ay hindi parin niya ito nakikilala, kasing ganda kaya ng boses nito ang mukha? sabi na nga ba dito lang kita makikita turan ng kaklase niyang si Danilo ito ang unang naging kaibigan niya sa school at madalas kasama shhh-sumenyas siyang huwag itong maingay, hininaan naman ni Danilo ang boses pumupunta ka ba rito para makinig sa choir? parang hindi ito makapaniwala she have a voice of an angel anitong tila nangangarap. Tumaas ang isang kilay nito sa isinagot niya pero mataman din itong nakinig sa umaawit, napangiti ito

tama ka anghel nga pagsang-ayon nito gusto mo ipakilala kita? you know her? he ask with excitement finally ay makikilala na niya ito yes, since elementary magkaklase kami were very close pinagcross pa nito ang dalawang daliri para ma emphasize ang sinasabi. When can I met her? hindi na siya makapaghintay na makilala ito huwag muna ngayon may practice pa sila bawal istorbuhin paliwanag niya Napabuntong hininga si Vincent, sabagay may iba pang pagkakataon. CHAPTER TWO Patungong library sina Angela at Janet ng may nakitang kumosyon. Janet curious as always hinila siya palapit doon, nakita nila ang dalawang babaeng senior students na nagsasabunutan at pilit pinag-hihiwalay ng mga kapwa estudyante. walanghiya ka mang-aagaw! sigaw ng isa at pilit kumawala sa pumipigil sa kanya hoy! Ako ang mahal ni Vincent hindi ikaw tanga! bulyaw naman ng isa Napailing si Angela ng maunawaan ang dahilan ng away. Pinag-sabay silang maging girlfriend ng devil na iyon. Tiningnan niya ang mga ito parehong gusot na ang uniform at wala sa ayos ang buhok she felt pity for both girls. mahirap talagang maging pogi, pinag-aagawan! bulong sa kanya ni Janet Nang Makita nilang paparating si Vincent kasama ang mga barkada nito marahil ay ipinaalam sa kanya ang nangyari. Pumagitna ito sa dalawang girlfriend. stop it you two cause Im breakinup both of you! anunsyo nito sabay walkout kasama ang mga alipores nito. Naiwan namang tigagal ang dalawang babae at maluha-luha. Nasaksihan iyon lahat ni Angela na nasa bandang likuran lang, lalo siyang namuhi sa binata dahil sa ginawa nito na parang wala itong pakialam sa damdamin ng iba. Mabuti na lamang at walang gurong nakakita kundiy sa guidance office ang bagsak ng mga ito. Paglingon niya sa gawing kanan ay nakita niya si Danilo tila hinihintay lang nitong mapansin niya, ngumiti ito saka lumapit.

hi Angel! bati nito, gumanti rin ng ngiti an dalaga Niloy, kumusta na? para na rin niyang kababata ito dahil nung nasa elementary siya ay madalas silang magkaklase at mabait ito sa kanya. Pero ng mag-high school sila bagamat nasa iisang eskwelahan ay madalang silang magkita dahil magkaiba ang schedule nila but they remained good friends. ito cute parin biro nito, gwapo naman talaga si Danilo at isa sa mga heart throb ng school, varsity player ito sa basketball. may kaibigan ako na gusto sanang makipag-kilala sayo oki lang ba? sure yun lang pala, pero next time na lang ha Niloy may research pa kasi kami sa library hingi niyang paumanhin basta promise yan ha! pangungulit pa nito Oo nga! pangako niya bago umalis kasama si Janet. Nang makaalis ang dalawa kaagad nitong hinanap si Vincent. Nakita naman niya ito sa kanilang classroom umupo siya sa tabi ng kaibigan pero hindi siya nito pinansinhalatang aburido ito dahil sa nangyari. hanep ang eksena kanina ah parang telenobela! kantiyaw niya rito, too bad nakita yun ng crush mo dugtong niya na ikinalingon nito what did you say? lalong kumunot ang noo ni Vincent sa ibinalita nito she saw what happened bro iiling-iling ito while Vincents eyes widened in disbelieve are you kidding me? halata ang galit sa boses nito, kung nagbibiro man ito pwes hindi siya natatawa lalot tungkol iyon sa crush niya,naikuyom ni Vincent ang kamao. Danilo cant help but smile sa nagging reaksyon nito na para bang uundayan na siya nito ng suntok lalo pa tuloy niya itong inasar. nope, she was there pare and she saw everything Napahawak si Vincent sa kanyang sentido dahil biglang sumakit ang ulo niya. Hindi pa nga niya nakikilala ang crush niya hetot bad shot na siya! Kay bilis ng karma damn! di niya napigilang mapamura na ikinagulat naman ng mga kaklase niya.

Madalas ginagabi si Angela sa pag-uwi dahil sa pag-eensayo niya sa choir, pero hindi siya na babahala dahil may kasabay naman siya sa pag-uwi na ka member din niya. Peron ng ara na iyon ay absent ito dahil nagkasakit. Six thirty na ng gabi nang makalabas siya ng campus madilim na ang paligid at iilan na lang ang estudyanteng naroon napabuntong hininga siya dahil kailangan pa niyang maglakad patungo sa may sakayan. Nang mapadaan siya sa isang tindahan na may nag-iinuamang teenagers napansin siya ng isa sa mga iyon. hi miss pwede makipag-kilala? sabay harang sa daraanan niya. Kinabahan si Angela amoy beer ang lalake at mukha ng lasing. sorry nagmamadali ako nilampasan niya ang lalake pero sumunod ito Lalong kinabahan ang dalaga ng akbayan siya nito. Kaagad niyang hinampas ang kamay nito ano ba! tumingin-tingin siya sa paligid wala man lang ibang taong pwede niyang mahingan ng tulong. Kung tatakbo siya alam niyang hahabulin siya nito at kung lalaban naman siya tiyak niyang wala siyang laban sa tatlong lalake. Dito ka muna Miss makipag-kwentuhan ka samin nakangising saad ng isa na may hawak pa ng bote ng beer ayoko! Pwede ba padaanin nyoko! dinaan niya sa pagtataray ang nararamdamang kaba, sa sulok ng kanyang mata napansin niyang umalis ang may ari ng tindahan. Nanlumo siya isa na lang ang alam niyang paraan, pinuno niya ng hangin ang dibdib para sa pagsigaw ng malakas Nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya. mga pare wala namang bastusan ng syota anang galit na boses. Napalingon ang dalaga it was Vincent kasama si Danilo at limang ka team mate nito, lumapit ang mga ito sa kanya animo pader na tumayo si Vincent sa harap niya upang ikubli siya si Danilo at limang kasamahan nito ay tumabi din sa kanya para ma-protektahan siya. She feel relief and scared at the same time dahil mapapaaway ang mga ka-schoolmate niya ng dahil sa kanya. Bahagya niyang sinilip ang mga nasa harap nakita niyang namutla ang tatlong teenagers na lasing sino ba naman ang hindi matatakot ga-higante ang kalaban ng mga ito at kayang-kaya silang tirisin. siya rin namang pagbalik ng may ari ng tindahan at may kasama ng mga Brgy. Tanod ang mga ito ang sumita sa tatlong teenagers at dinala ang mga ito sa barangay post. are you alright? tanong ni Vincent sa kanya habang naglalakad sila patungo sa may sakayan ng jeep. Di na niya napigilang mapaluha, napapabuntong hiningang kinapa ni Vincent Ang bulsa para mag-hagilap ng panyo pero wala siyang dala binalingan niya ang mga kasamahan. may panyo ba kayo diyan? nagkatinginan ang mga ito sabay iling

ito may face towel ako anang isa sabay abot ng towel pero kaagad iyong inagaw ni Danilo sira ka ba? amoy pawis kaya yan! sita nito sa ka team mate na napakamot sa ulo Ewan ni Angela kung kelan ligtas na siya ay saka naman siya naiiyak, Niyuko siya ni Vincent then gently hold her chin. shh its ok your safe now pagbigay assurance nito saka buong ingat na pinunasan ng mga daliri nito ang kanyang mga luha. Hindi inaasahan ni Angela ang gesture na iyon, he touch her face with pure tenderness ramdam niya ang panginginig ng katawan sa di malamang dahilan. Naramdaman iyon ng binata inakala nitong nanginginig siya dahil sa takot sa nangyari, walang pag-dadalawang isip na niyakap siya nito hindi alintana ang mga kaibigang nakamasid. Nanlaki ang mga mata ng dalaga never in her wildest dreams na sa ikalawang pagkakataon ay mayayakap siya nito, but she didnt complain his warm embrace comfort her, ahm! malakas na tikhim ni Danilo para makuha ang kanilang atensyon, pinakawalan na siya ni Vincent ng lumapit ito Angela siya yung kaibigan ko na gustong makipag-kilala sayo i-nginuso siya nito Angel meet Devil anito na ikinatawa ng mga ka team mate nito BAGAY!!! sabay pang turan ng mga ito. Nag-blush si Angela habang titig na titig naman sa kanya si Vincent. He was surprise indeed! Hindi siya makapaniwala na ang babaeng hinangaan niya dahil sa magandang boses at ang babaeng muntik na niyang makahalikan sa canteen ay iisa! Pinagmasdan niya itong mabuti. Bagamat maliit si Angela maganda ito at maamo ang mukha may maliit itong biloy na lalong nagpacute rito,maputi rin ito at abot hanggang beywang ang maganda nitong buhok. umuwi na kayo mga pare ako ng bahala kay Angela they all grinned, obviously ay gusto na niyang masolo ang crush niya. Kaagad na nagpaalam ang mga ito matapos silang pasalamatan ng dalaga. Ill take you home parating na si Manong Ray anito ng mapagsolo na sila naku huwag na masyado na akung naka-kaabala sayo akmang paparahin na niya ang parating na jeep ng hawakan nito ang kamay niya para pigilan siya

nonsense! I want to be sure that youll be home safely, besides the car is here anunsyo nito kasabay ng paghinto ng puting kotse sa harap nila pinag-buksan siya nito ng pinto sa may back seat. Pero nag-aalinlangan siya na napuna naman nito. afraid? Dont worry Angel Im not gonna bite you simpatiko itong ngumiti Sabagay bat naman siya matatakot samantalang ito pa nga ang tagapag-ligtas niya ayaw niyang ma-offened ito kaya sumama na siya. Ibinigay niya ang direksyon ng bahay nila kay Manong Ray. Pareho silang tahimik habang nasa daan, magkatabi sila sa may upuan at medyo

Nagka-kailangan panakanaka siyang sinusulyapan ng driver sa may salamin, iniisip nito marahil na bago siyang nobya ng amo nito. Nang huminto ang kotse sa tapat ng kanilang bahay ay kaagad na bumaba si Angela nahihiya siyang pagbuksan pa ng pinto ng binata. Halina muna kayo sa bahay yaya niya sa mga ito. Pagpasok niya sa kanilang bakuran ay nag-aabang na sa may pintuan ng bahay ang tatay Boy niya nasa mukha nito ang pagtataka ng makitang may kasama siya. Tatay schoolmate kopo si Vincent, si Manong Ray aniya sa ama ng makalapit rito good evening sir magalang na bati ni Vincent at nakipag-kamay rito gayun din si Manong Ray. Nang balingan siya ng ama Angela boyfriend mo ba ang kanongto? usisa sa kanya ng ama. Pinamulahan siya ng mukha sa tanong nito. Tatay! Magkaibigan lang po kami, buti pa pumasok na lang tayo sa loob doon nako mag-papaliwanag Pagpasok nila ng kabahayan ay nakahain na ng hapunan ang Nanay Fely niya katulong nito ang ate Dina niya. Nasa sala naman ang panganay na si Erick at nanunuod ng tv. halina kayo panyapon na tawag ng kanilang ina, inanyayahan naman ni mang Boy na doon na maghapunan ang kanilang bisita. Kaagad namang nagpaunlak si Vincent nais nitong makilala ang pamilya ng dalaga. Katamtaman ang laki ng bahay at simple lang ang mga kagamitan pero malinis, Nang nasa hapag na sla si Angela mismo ang umasikaso sa kanila nilagyan nito ng kanin ang kanyang pinggan at ulam. Magana siya sa pagkain nasarapan siya sa sinigang na baboy, habang kumakain ipinaliwanag ni Angela ang nangyari. Nang matapos itong magkwento ay nagpasalamat ang mag-anak kay Vincent.

mabuti na lang at nandun kayo ng mga kaibigan mo kungdi baka napahamak na ang bunso ko turan ni Mang Boy huwag ka ng masyadong magpagabi Angel or else mapipilitan akung pahintuin ka sa pagco-choir! ani Aling Fely ayaw na niyang maulit ang nangyari sa anak lalot delikado ang panahon ngayon. oho tipid na sagot ng dalaga magdala ka ng cutter para kahit paano may pang self-defence ka suhestiyon naman ni Erickano ka ba! Bawal kaya ang deadly weapon sa school saad naman ni Dina na napapailing. Vincent can clearly see kung gaano ka close ang mga ito, bahagya siyang nakaramdam ng lungkot noon kasi ganoon din ka saya ang pamilya niya kung hindi lang sana nagkahiwalay ang mga magulang niya. Matapos maghapunan ay ipinag-patuloy nila ang kwentuhan sa may sala, Kaagad namang nakagaanan ng loob ng pamilya niya ang binata. He wasnt that bad afterall she thought Nakaupo si Vincent sa may sofa katabi ang kuya Erick niya tinitingnan ng mga ito ang family album whos this? may itinuro itong picture,tiningnan iyon ng kuya niya saka ito napangiti ng Abot-tenga at napatingin kay Angela na nasa anyo ang pagtataka. si Angel yan nung 4 yrs. Old pa! kasabay nun ay ang pagtawa ng dalawa na animo aliw na aliw sa picture niya na curious tuloy ang lahat ano bang tinatawanan nyo dyan? Lumapit si Aling Fely ng makita ang picture ay napangiti rin ito. Kunot noong napatingin rito ang dalaga, meron ba siyang larawan na nakakatawa? Ang alam niya puro cute ang mga kuha niya dahil photogenic siya. your so cute like a cherubin when youre a child puri sa kanya ni Vincent habang minamasdan ang larawan, big brown eyes, rosy cheecks,pink lips with cute little dimples and curly black hair. No wonder this cherubin turned into a beautiful Angel! He smile at the thought. and meron ka pa lang mole sa he stop and grin ng muling kumunot ang noo ng dalaga this time ay lumapit na ito sa kanya at tiningnan ang picture. Napatili si Angela ng Makita ang larawan kaya pala ganun na lang ang tawa ng mga ito. Kuha ang larawang iyon noong 4 yrs. Old siya sa isang studio,wala siyang saplot pero may suot siyang puting pakpak nag-mistula siyang kerubin lalo na nga at taba-chingching siya nung

bata.Kaagad niyang hinablot rito ang album sing pula na ng kamatis ang pisngi niya na ikinatawa ng lahat. Oh come on, your just a child then akmang babawiin ni Vincent sa kanya ang photo album pero kaagad na niyakap iyon ni Angela para hindi nito maagaw. no way! angil niya rito. Kahit na bata pa siya sa picture, still siya parin yun! Para na ring nakita siya nitong hubot hubad! Oh my God! Naging Masaya ang gabing iyon para kay Vincent lalot nakilala niya ang pamilya ni Angela. Alasdiyes na ng gabi siya nakauwi. Habang nakahiga sa kama laman parin ng isip niya ang dalaga he just cant wait to see her again. Kinabukasan sinita si Vincent ng gwardiya sa may gate ng school dahil hindi nakabutunes ang polo-shirt nito. Uminit ang ulo ng binata at nagmatigas kaya ayaw siya papasukin ng gwardiya ang ginawa niya ay tinulak niya ito at tumakbo papasok ng campus kaagad naman siyang hinabol ng gwardiya. Nang mapadaan siya sa Auditurium nakita niyang bukas ang pinto kaya dali-dali siyang pumasok para magtago kamuntikan pa niyang mabangga si Angela na naroon din pala. Kapwa sila nagkatitigan nang Makita ni Angela sa dikalayuan ang gwardiya na tila may hinahanap alam niyang nasa trouble na naman si Vincent. dito ka magtago dali! itinuro niya ang ilalim ng mesa na may takip ng kurtina kaagad namang sumunod ito, Siya rin namang pagpasok ng gwardiya at tinanong ang dalaga. pumasok ba rito ang estudyanteng hinahabol ko? anang galit na gwardiya hindi po, ako lang po dito ani Angela. Kaagad naming umalis ang mamang gwardiya Nangingiting lumabas sa kinukublian si Vincent. Nang usisain siya nito ay ipinagtapat naman niya ang nangyari na ikinailing nito. ganun ba kahirap na i-butunes ang polo mo? Parang iyon lang gumawa ka ng gulo! sermon nito. Hindi siya nakatiis at siya na mismo ang nag butunes sa polo ng binata. see? Madali lang diba? aniya habang nangingiti naman itong nakatitig sa kanya. CHAPTER THREE Lunch break, pumunta ng canteen si Janet at Angela para mananghalian. Na dismaya ang dalawa dahil ukupado na ang lahat ng mesa maghihintay pa sila na may makatapos. Nang may tumawag sa kanila nakita nila si Danilo kasama si Vincent na nakapwesto sa isang mesa at may

bakante pang dalawang silya. Naki-share na lamang sila sa mesa ng mga ito. Maraming ulam na inorder si Vincent pero ang ulam ni Angela na pork adobo ang pinag-diskitahan nito. tirhan mo naman ako baon ko yan! angal nito sabay agaw sa lunch box ang damot mo naman sige ka pagdi mo ako binigyansassabihin ko sa kanila na may nunal ka sa kaagad na tinakpan ni Angela ang bibig niya at pinandilatan siya nito pero kaagad din na ibinigay sa binata ang kanyang lunch box. Devil! asik niya rito na ikinatawa lang ni Vincent. Nagkatinginan naman ang naguguluhang sina Janet at Danilo. Maagang pinauwi ang mga estudyante bandang hapon dahil nagkaroon ng faculty meeting. Pauwi na sila Angela ng mag-yayang bumili ng fishballs si Janet sa labas ng campus, nadatnan nila si Danilo sa fishballs stand kasama ang mga ka team mate nito sa basket ball nilibre nila ang dalawang dalaga. Angel meron sana akung hihingin sa iyong pabor Ani Niloy na tumabi sa kanya habang kumakain ng fish balls. anong pabor? tanong niya rito bago uminom ng sagot gulaman gusto sana naming hikayatin mong sumali si Vincent sa team namin anito saka kumuha ng isa pang stick ng fishballs. Marunong mag-basket ball ang Devil na yun? tila hindi makapaniwala si Janet dahil ang alam lang yata nito ay gumawa ng gulo. hindi lang marunong kundi talagang magaling, kaya nga madalas namin siyang kalaro eh ani Niloy. sabi ko na nga ba may kapalit itong panlilibre mo ng fishballs biro ni Angela na ikinatawa ng mga ka team mate nito. sige na Angel ikaw na lang ang pag-asa namin please kumbinsihin mo siya pagsumamo nito at sa pagkagulat niya ay lumuhod pa ito sa harap niya sabay senyas sa mga ka team mate kaagad din na lumuhod ang mga ito. sige na please duet pang pakiusap ng mga ka team mate nito. Napabungis-ngis naman si Janet sa ginawi ng mga ito. para kang puon Angela! anitong natatawa

Kaagad naman silang pinatatayo ng dalaga naq iilang siya lalot nasa may gilid sila ng daan at naka-aagaw na sila ng atensyon. Pero ayaw parin paawat ni Niloy. hindi ako tatayo rito hanggat hindi ka pumapayag hinawakan pa nito ang isang kamay niya. Naitirik naman ng dalaga ang ma mata. Niloy lumuwag na naman yata ang turnelyo mo sa ulo paki-check nga! Lihim na napailingsi Danilo sa sarili ng marinig ang malakas na tawa ng kasamahan. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi tumatalab kay Angela ang charms niya samantalang sa ibang babae ay hindi naman siya nahihirapan. Noon pa man ay crush na niya ang kaibigan.pero wala naman siyang lakas ng loob na umamin rito dahil batid niyang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. huh oh! Ani Janet na nagpabalik sa kasalukuyan sa binata binulungan siya ng ka-team mate. si Devil pare! pagbigay alam nito sinundan niya ng tingin ang direksyong tinitingnan ng mga ito. Kinabahan si Niloy ng Makita ang anyo ni Vincent. Matalim ang ipinupukol nitong tingin sa kanya kung sibat lang iyon ay tiyak na natumba na siya. Mabilis pa sa alaskuwatrong napatayo siya batid niyang na mis-enterpret nito ang ginawa niya. Its not what you think pare paliwanag nito ng huminto sa tapat nila ang binata ngunit nakapukos ang mga mata nito sa kamay nila ng dalaga na magkahawak parin. Tila napapasong kaagad niyang binitawan ang kamay ni Angela, knowing him alam iyang sasabog na ito any moment now. The devil will show a hell of fury! Kaya minabuti niyang ihanda ang sarili. Biglang nagkaroon ng tension sa paligid humanda rin ang mga kasamahan niya sakaling magwala ito may isang humarang sa harap ni Jane para protektahan ito. Abut-abot naman ang kaba ni Angela habang nakatingala sa dalawang binata.Napapagitnaan siya ng mga ito, Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit galit si Vincent kay Danilo. Kailangang gumawa siya ng paraan. A-ano kaya kung pumunta tayo sa plaza ng Molo tambay tayo doon She tried to break the ice between the two hindi niya hahayaang mag-away ang mga ito. Kaagad niyang hinila palayo si Vincent hawak ang isang kamay nito. Nang bahagya na silang nakalayo nilingon niya ang mga kaibigan tila umaliwalas ang anyo ng mga ito lalo na si Niloy sumunod na rin ang mga ito sa kanila patungo ng plaza walking distance lang iyon sa school nila. Tahimik na naglalakad ang dalawa habang magkahawak ang kamay. Bahagya na ring napakalma si Vincent, ewan niya kung ano ang nangyari sa kanya bigls ns lsng sumulak ang dugo niya nang makitang hawak ni Niloy ang kamay ni Angela at nakaluhod pa ang loko!He got

jealous! Kahit na wala siyang karapatan. Papatawid na sila sa kalsada ng mapuna ni Vincent ang isang fruitstand bumili sila ng tatlong pakwan. Nang mapadaan sila sa nag-titinda ng banana-Q ay bumili rin ito ng 20 sticks pinakyaw nito ang paninda ng matanda dahil na awa siya rito. kaya ba nating ubusin yan? namilog ang mata ng dalaga yakang-yaka! paniniguro niya sabagay walang ganyan sa states! biro niya at sabay pa silang natawa Nangingiti siya habang panay an sulyap sa katabi may dalawang plastic na hawak si Vincent, at hindi ito halos magkanda-ugaga pero ayaw nitong magpatulong sa kanya. Maraming tao na namamasyal at nagrerelax sa Molo Plaza pagdating nila may iilan din silang ka-schoolmate na naroon. Pinili nilang maupo sa may damuhan dumating sila Janet at tumabi sa kanila. wow! Para ayong magpi-picnic ah! Ani Janet ng Makita ang dala nilang pagkain Si Danilo naman ay napapakamot nang lumapit kay Vincent peace na tayo pare anito sabay peace sign. Simpleng tango ang naging tugon nito O shake hands na natutuwa namang saad ni Angela na pinagbigyan nila ayan! Lahat naman na dadaan sa magandang usapan anang dalaga. Nangkatinginan na lamang ang dalawa at kapwa napailing. This girl was so nave! Wala itong ka alam-alam na siya ang dahilan ng away. Masaya na silang nag salo-salo na parang walang nangyaring matapos saglit na umalis si Vincent at nagtungo sa malapit na tindahan. Kaagad na lumapit si Niloy sa kanya. yung usapan natin ha paalala nito teka bakit ako? duda siya kung mapapayag niya si Vincent na sumali sa team nito hindi iyon maka-katanggi sayo, trust me paniniyak nito bakit? naguluhan siy sa sinabi nito basta, discover mo na lang! makahulugan nitong turan at lumayo na sa kanya ng makitang pabalik na si Vincent, mahirap na baka magselos na naman ito sa kanya.

Pagbalik ni Vincent ay muli itong tumabi sa kanya may nakasindi ng sigarilyo sa bibig nito. Nang bumuga ito ng usok ay napasimangot siya ng maamoy iyon. hindi ko maintindihan kayong mga lalake kung bakit gusting-gusto ninyo ang manigarilyo! tinakpan niya ng isang kamay ang ilong . Nilingon siya nito, nang Makita ang reaksyon niya ay hinulog nito sa damuhan ang sigarilyo kahit na nangagalahati pa lang saka tinapakan lihim naman iyong ikinatuwa ni Angela. sabi ni Niloy magaling ka daw mag-basket ball susubukan niyang kumbensihin ito. Nang hindi ito umimik nagpatuloy siya. why not join the varsity team? Sayang naman ang talent mo kunot noo namang napatingin ito sa kanya. are you kidding me? Ano naman ang mapapala kodun! Napaisip ang dalaga ano nga ba? Nang maalala niya ang naging usapan nilang mag-ama nung nakaraang gabi napabuntong hininga siya. whats wrong? nahalata nito ang biglang pag-bago ng mood ng dalaga tila may mabigat itong problema. gusto na kasi akung pahintuin ni tatay sa pagco-choir lagi kasi akung ginagabi sa paguwi malungkot niyang paliwanagrito. Nauunawaan naman ni Vincent si Mang Boy. di nga bat muntik na itong mapahamak mabuti na lamang at naroon sila ni Danilo para protektahan ito.pero isipin pa lang niya na hindi na niya muli pang maririnig ang mala-anghel nitong boses ay nag-huhuramentado na ang puso niya! Hindi siya papayag! Nang kaagad siyang makaisip ng magandang solusyon lihim siyang napangiti sa sarili. sige sasali ko sa basket ball team, in one condition hamon niya rito anong kundisyon? ani Angela na ihahatid kita pauwi pagkatapos ng praktis diba sabay lang ang uwian ng basketball team at ng choir? alam niya iyon dahil lagi niyang inaabangan si Angela sa pag-uwi kaya lang nahihiya siyang lumapit rito, iyon din ang dahilan kaya sya nakikipaglaro ng basket ball kina Danilo. Namilog naman ang mga mata ni Angela sa sobrang katuwaan. Kung ihahatid siya ni Vincent pauwi hindi na mag-aalala an mga parents niya at hindi na rin siya pahihintuin sa pagcochoir.

sure! Yun lang pala, its a deal agad niyang pag-sangayon at nakipag-shakehands pa rito saka tumayo at lumapit kina Danilo para ipaalam na pumayag na ito. Napabuntong hininga nalamang si Vincent habang inaabot tanaw ang mga ito. once again he got jealous dahil sa closeness ng dalawa napailing siya sa sarili kailangang kontrolin niya ang damdamin bago pa mahalata ng dalaga. Pinilit niyang ibaling sa iba ang paningin nang mamataan niya ang Molo Church, araw-araw ay na dadaanan niya iyon patungo sa school pero hindi pa siya nakapasok sa loob. Tumayo siya mula sa damuhan at humakbang patungo roon. Ngunit ng nasa harap na siya ng pintuan ng simbahan ay nag-alinlangan siyang pumasok. why Vincent? Natatakot ka bang baka ka masunog? sita niya sa sarili nakapamulsang tiningala niya ang simbahan. Mayroon tong tatlong palapag ang arkitektura ay hango sa gothic renaissance, kulay pula ang patulis na bubong na animo torre sa magkabilang gilid nito. Sa itsura pa lang ng simbahan batid niyang may kung ilang daan na itong nakatayo nagkulay gray na at nangingitim ang ma pader. Sabi nga ng titser nila sa history, ang simbahan ay minsan na raw nadalaw ni Jose rizal. Kilala rin ito sa tawag na simbahan ni Santa Ana. Bahagya ng papalubog ang araw nasisinagan nito ang krus na napa-pagitnaan ng dalawang torre. He was mesmerized. Pumasok siya sa loob walang misa ng oras na iyon nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya wala ring katao-tao. Malaki ang espasyo sa loob at mataas ang ceiling na may mga antigong chandelier na nakasabit at gawa sa marmol ang sahig. Humakbang siya patungo sa may altar at pinag-mamasdan ang bawat imahe ng mga santo sa magkabilang gilid ng altar. Napuna niyang mga antique din ang mga human size na mga rebulto ang bawat isa ay may nakasulat na pangalan pero hindi siya pamilyar. Huminto siya ng nasa harap na ng altar. Vincent anang malamyos na boses na pamilyar na sa kanya nag-echo iyon sa loob ng simbahan. He turn around with a knowing smile, only to get stunned at her sight. Angela was walking down the aisle, while he was waiting there in front of the altar. His eyes went wide when something cross his mind. Simbahan, altar, pari na lang ang kulang pwede na silang ikasal! Ni hindi niya magawang kumurap man lang habang papalapit ito. uy! Bat parang tulala ka dyan ha? na a-amuse na turan ni Angela at pinitik-pitik pa ang daliri sa harap niya na ikinakurap niya. W-what? nagulat pa siya ng mapag-tanto na nasa harap na pala niya ito. hinahanap ka ni Niloy anito at binaling ang tingin sa loob ng simbahan

alam mo ito ang paborito kung simbahansana balang araw dito ako ikasal she said wishfully and Vincent smile at her. and Im your groom bulong nito sa sarili. At that very moment gusto na niyang sabihin ang tunay niyang nararamdaman now that they were alone. A-angel theres something you should know he stammered gusto niyang batukan ang sarili. ano yon? nakangiti itong tumingin sa kanya. Ngunit kung kailan naman may pagkakataon si Vincent ay saka naman siya hindi makapag-salita. Iah theres so many things he want to say but he doesnt know where to start. ramdam niya ang panginginig ng kanyang kalamnan, he never felt this way before! Huminga siya ng malalim at muling ibinuka ang bibig ng biglang sumulpot si Niloy sa may pinto. andito lang pala kayong dalawa, hapon na umuwi na tayo! anito at humakbang palapit sa kanila. Dagli naming napawi ang ngiti nito at napahinto ng Mapuna ang nakamamatay na tingin ni Vincent. Si Angela ay tila wala namang napuna na tinungo na ang pinto palabas kasunod si Niloy. Mariing napapikit si Vincent out of despair, he was that close to tell Angel how he feels kung hindi lang sana dumating si Niloy pasaway talaga ang isang iyon! Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa dalawa. Simula noon ay araw-araw ng magkasama sina Angela at Vincent sabay sila sa pananghalian, at dahil sumali na sa basket ball team si Vincent ay magkasabay na rin silang umuuwi halos hindi sila mapag-hiwalay na dalawa. Unexpectedly they become good friends. Naging daan naman iyon upang higit pa nilang makilala ang isat-isa, napagtanto ng dalaga na hindi pala sing sama ng akala niya si Vincent ang totoo ay nagrerebelde lamang ito. Kaya nangako siya sa sariling tutulungan ang kaibigan para hindi lalong mapasama. Sa tuwing may naririnig siyang hindi maganda pa tungkol sa binata ay ipinag-tatangol niya ito. While Vincent is so protective when it comes to her lalo na pagdating sa mga nanliligaw sa kanya, higit pa itong strikto kaysa tatay at kuya Erick niya. Surprisingly they get along so well inakala nga ng iba na mag-nobyo sila na madalas itanggi ng dalaga kahit ayaw naming paniwalaan ng iba lalo nat madalas itong nakabuntot sa kanya. Madalas mapikon si Angela sa asaran nilang dalawa pero kaagad naman siyang sinusuyo ni Vincent dahil hindi nito matiis na nagagalit siya, ang totoo ay spoiled siya rito lagi nitong sinusunod at binibigay anumang naisin niya. Batid ni Angela na maraming kababaihang na iinggit sa kanya dahil malapit siya rito. Pero ang closeness nilang iyon ang madalas na dahilan ng pag-seselos ng mga nagiging girlfriends nito. Minsan nga ay sinugod siya at inaway, na labis na ikinagalit ni Vincent kaagad itong

nakipag-break sa girlfriend na labis niyang ipinagtaka dahil higit siya nitong binigyan ng importansiya. madaling palitan ang girlfriendpero ikaw nag-iisa ka lang, mawala na silang lahat wag ka lang sagot ni Vincent ng minsang tanungin niya ito. BUT WHY? hindi niya maunawaan kung bakit ganun na lang ang pag-papahalaga nito sa kanya na para bang siya ang pinaka-importanteng babae sa buhay nito. because youre my Angel, anona lang ang mangyayari sakin kung wala na akung anghel de la gwardiya? anito at ginulo ang kanyang buhok. Ikinuwento niya iyon kay Janet at walang pag-dadalawang isip na sinabi nitong may gusto sa kanya si Vincent. are you sure? Wala naman siyang sinasabi sakin aniyang hindi makapaniwala Ive got eyes to see! At hindi lang ako ang nakakapuna, that Devil loves you Angel believe me paniniyak nito. kung sakali ok lang ba sayo friend? inaalala din niya ang damdamin ni Janet ok lang magkaibigan naman tayo kaya magpaparaya nako,isa pa hindi niya ko feel anitong nakangiti. Hindi ito mababakasan ng anumang hinanakit o sama ng loob at Masaya ito para sa kanya. Sa tuwing magkasama silang naglalakad kalimitang nauuna si Angela at laging nasa likuran niya si Vincent na parang bodyguard. bakit ba lagi kang nasa likuran ko? tanong niya rito your so small! Nagmumukha kang bonsai kapag magkatabi tayo anitong nangingiti. Napasimangot ang dalaga. Nagkamali yata si Janet sa akalang may gusto ito sakanya dahil wala naman itong ginawa kundi ang asarin at pikunin siya! hmp! nag-mamarakulyong binilisan nito ang paglalakad dinig niya ang malakas na pagtawa ni Vincent na nakasunod sa likuran niya. Pero ang totoo kaya laging nasa likuran niya si Vincent dahil Malaya siya nitong napagmamasdan ng hindi niya nalalaman.

CHAPTER FOUR Sabado ng hapon mag-isa lang sa bahay si Angela. Si Mang Boy ay nasa trabaho pa driver ito ng isang manager sa bangko. Si Aling Fely naman ay isang elementary teacher sa public school. Kasama nitong pumunta sa grocery ang ate Zarah niya at ang kuya Erick niya ay gumala kasama ang mga kaibigan nito. Solong-solo niya ang bahay ng sandaling iyon para hindi mabagot ay naglinis siya. Nagwalis siya sa may sala at pinunasan ang mga kasangkapan, Ganado siya sa paglilinis habang nakikinig sa mp3 at dahil naka earphone siya hindi niya narinig ang paghimpil ng sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Napahinto si Vincent sa may pintuan at napangiti ng makitang abala ang kaibigan sa paglilinis ng bahay. Nakatalikod ito kaya hindi siya napuna. Pasayaw-sayaw ito at kumakanta pa habang nakikinig sa pinag-lumaan niyang mp3, ang totoo binilhan niya ito ng bago dahil mahilig nga ito sa music. Pero hindi nito iyon tinanggap masyado raw mahal at ayaw daw nitong abusuhin ang kabaitan niya. Lalo tuloy niya itong nagustuhan ito ito katulad ng mga nagging girlfriends niya na panay ang hingi sa kanya ng kung anu-ano. Kung minsan tuloy naiisip niyang kaya lamang siya nagustuhan ng mga ito dahil mapera siya. Nainis siya ng tanggihan nito ang binigay niya so he tried to reason with her. Feeling kasi niyadi lang ang binibigay niya ang tinatanggihan nito kundi pati siya. Angel, aanhin ko naman yan meron na akung mp3! angal niya rito sabay kuha sa bulsa niya ng luma niyang mp3 marami ng gasgas iyon dahil sa kalmitang paggamit pero matibay at gumagana parin. Minasdan ng dalaga ang mga nasa kamay niya, sa kaliwa ang luma at sa kanan ang bagong mp3. Walang pag-atubili niyang kinuha ang lumang mp3 at matamis na ngumiti. ito na lang sakin sayo ang bago suhestiyon niya para hindi na sila magtalo what? hindi siya makapaniwala na mas nanaisin pa nito ang luma, wala siyang nagawa kundi ang mapakamot sa kanyang ulo. Napailing siya sa ala-alang iyon. At sa nakikta niya mukhang nag-eenjoy naman ito sa luma niyang mp3. Pinag-masdan niya si Angela nakalugay ang mahaba nitong buhok nakapambahay lamang ang dalaga pero maganda parin ito. Pinigl niya ang matawa ng gayahin nito ang sayaw ni lady gaga habang kinakanta ang poker face. Kamuntik ng mapatalon si Angela sa pagkagulat ng malingunan si Vincent. Prenti itong nakasandal sa may pintuan at tila nag-eenjoy sa panunuod sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha bigay tudo pa naman siya sa pagsayaw dahil buong akala niya ay nag-iisa lang siya.

kanina ka pa ba diyan? asik niya habang inaalis ang earphone na nasa kanyang tenga. Naka-pameywang niya itong hinarap dinaan niya sa galit ang nararamdamang pagka-pahiya. nice move you got there! he grinned and laugh out loud. Sa sobrang inis sa kanya ng dalaga ay binato siya nito ng basahan nitong hawak pero kaagad niya iyong na ilagan maluhaluha na siya sa katatawa. what are you doing here Devil? kapag naiinis siya rito ay devil ang tawag niya sa binata, ganun ba ka sagwa ang sayaw niya? Pinagmasdan niya ito habang tumatawa, his blue eyes sparkling with delight na mumula na ang pisngi nito sa katatawa. Tila nilipad ng hangin ang inis niya, what a handsome devil! She thought. Napabuntong hininga siya at humalukipkip. kung gusto mo lang akung bwisitin umalis ka na! itinulak niya ito palabas ng pinto pero hindi man lang ito natinag, tumigil naman ito sa pagtawa. You sure you want me to leave? tumaas ang mga kilay nito. Nang tumango si Angela ay nagkibit-balikat ito. too bad, may dala pa naman akung imported chocolates, snacks and new DVDS anito at itinaas ang isang malaking brown paper bag. Napatingin si Angela sa hawak nitong paper bag noon lang niya napunang may bitbit pala ito. padala ni mom aniya at pinaupo ang dalaga sa may sofa. Lihim siyang napangiti ng hindi na ito mag-protesta isa sa ma weakness nito ang chocolates ayun na rin kay Danilo. Kaya nga noong mag-long distance call ang mommy niya maliban sa mga damit at sapatos ay padalhan din siya ng chocolates na ipinagtaka nito dahil hindi naman siya mahilig sa matatamis. Tinukso pa nga siya ng ate Nicole niya na ibibigay lang niya ang mga chocolates sa liligawan. Tumayo si Vincent at binuksan ang tv saka nag-set sa player ng panunuurin nilang pelikula saka muling naupo sa tabi ng dalaga. Busy naman ito sa pag-halungkat sa mga pasalubong niya. ang dami nito ah! tukoy niya sa mga chocolates binigyan mo rin ba ang mga anak ni Manong Ray? close na rin kasi sila ng driver nito. Tumango lang ito saka pumindot sa remote control. thank you ha, mamaya bibigyan ko sila kuya at ate. Dadalhan ko rin sa lunes sila Niloy at Janet Napangiti si Vincent sa tinuran nito, bukod sa ma-alalahaninay hindi pa ito madamot.

Nagsimula na silang manuod ng dvd my best friends wedding ang title ng pelikula ang bida ay si Julia Roberts at Hugh Grant its a romantic comedy. Walang ginawa ang dalawa kundi ang kumain dahil sa dami ng dala nitong snacks. Nang patapos na ang pelikula ay narinig ni Vincent na suminghot ang katabi ng lingunin niya ito ay eksaktong nagpupunas ito ng luha, inaasahan na niya iyon mababaw talaga ang luha nito. cry baby! he teased in amusement at marahan itong kinurot sa tungki ng ilong, nagbukas siya ng dalawang softdrinks in can at iniabot ang isa rito. naawa ako kay Julia Roberts, she feel inlove with her bestfriend na ikakasal na sa iba ganun talaga, if you really love someone set them free be unselfish and make her happy anito na nakatutok ang paningin sa screen. Natahimik naman si Angela sa sinabi nito at saglit na nag-isip maya-maya pa binalingan nito ang katabi. can I ask you something? But dont get offended Im just curious Napatingin sa kanya ang binata na intriga ito sa iatanong niya. shoot! nakatitig siya kay Angela kaya nakita niya ang bglang pamumula ng pisngi nito Ahmwhen was your first kiss? sa narinig ay sumilay ang nakakalukong ngiti ng binata pero sinikap nitong pigilan ang mapatawa. I was 13 when I got my first kiss, to a 17 year old blond deklara niya na ikinalaki ng mata ng dalaga. grabe ka! Alam mo bang nung 13 ako eh naglalaro pako ng Barbie? Sa bata mong yun nakikipag-halikan ka na?! Natawa lang ang binata sa naging reaksyon nito nang gumana na naman ang kapilyuhan nito. Wont you ask me when I had my first sex? he ask playfully, na tameme naman si Angela ng makabawi ay pinag-hahampas siya nito ng unan pero ayaw parin niyang paawat. I was 14, you want me to tell you the details? napatili ang dalaga in horror ng magsasalita na siya ay kaagad nitong tinakpan ng kamay ang bibig niya. Stop it! You fervert! gigil na gigil siya rito na para bang gusto na niya itong sipain palabas. Samantalang ito ay halos mahulog na sa sofa sa kakatawa. Youre so nave! You know Americans are liberated I grow up in the states theres no big deal about it pag-tanggol niya sa sarili at umayos na sa pag-upo mul siyang nagbukas ng canned

drinks. Napaismid si Angela, ano nayon kung inosente siya sa aspetong iyon dalagang Filipina yata siya! Sa kanilang magkakaibigan siya na lang yata ang hindi pa nagkanobyo. Si Janet nga nakadalawang boyfriend na at ang kwento pa nito ay masarap daw ang halik. She thinks its silly but everyone seems doing it. Ano ba ang feeling ng mahalikan? tanong niya sa kausap. Natahimik naman ito deahil walang mahagilap na sagot. Its really hard to explain anang binata ipinagtaka niya ang biglang pagkainteres nito sa halik. In that case theres only one way to find out! She thought. Huminga siya ng malalim bago humarap kay Vincent. Kiss me lakas loob niyang pahayag rito, kamuntik namang ma-ibuga ni Vincent ang iniinom nasamid siya ng pilitin iyong lunukin kaya bahagya siyang napaubo kaagad niyang pinunasan ang bibig. You cant be serious! Are you? bigla siyang nakaramdam ng tension at pagkahapo Where friends kaya walang malisya paniniyak niya. Naisuklay naman ng binata ang buhok nito dala ng matinding tension. gusto mong maghalikan tayo pero walang malisya? Imposible iyon! di niya malaman kung matatawa o maiinis rito. Kunot noo na napatingin siya sa iniinom hindi yatat may halong alcohol iyon kung hindi bat parang sinapian ang dalaga at kung anu-ano na ang pumapasok sa isip nito. He swear hindi na uli siya bibili ng drinks na iyon. Isang kiss lang naman eh! I just wanna know how it feels like pamimilit niya rito,bat parang ayaw siya nitong halikan isnt she attractive enough? Sabi na mali ang akala ni Janet na may gusto sa kanya si Vincent nakakahiya! Wala na siyang mukhang maihaharap pa rito. Sumandal siya sa sofa at ipinikit ang mga mata. Sa pagpikit ng dalaga tila naman na hipnotismo si Vincent rito pinag-pawisan siya dahil sa matinding tensiyon. oh my God hindi niya mapigilan ang sarili na ilapit ang mukha ang mukha kay Angela habang hindi kumukurap sa pag-titig sa mapupulang labi nito. Mga labing hindi pa nadadampian ng sinumang lalake. Napalunok siya kay tagal niyang inasam ang sandaling ito sa wakas hindi lang sa panaginip niya ito mahahagkan. Yumuko siya rito then slowly inch by inch his getting

closer to her precious lips. His heart starts to raise he felt as if it was his first time to kiss, he close his eyes and ready to claim her. Nang mabulabog sila sa biglang pagbukas ng pintuan. Pumasok si Zarah na may bitbit na dalawang plastic bag ng groceries kasunod nito si Aling Fely. Automatically ay napatayo ang binata at kinakabahang lumapit sa mga ito umaasa siyang hindi nakita ng mga ito ang nangyari ayaw niyang mawalan ng tiwala sa kanya ang pamilya nito. T-tulungan ko napo kayo anito at kinuha ang mga pinamili nila at dinala sa kusina. Nakangiting nagpasalamat rito si Aling Fely. Nakahinga naman ng maluwag ang binata ng mapag-tantong walang nakita ang ginang sumunod sa kanila si Angela at ito ang nag-ayos ng mga grocery. Lihim itong pinakiramdaman ni Vincent, funny dahil tila ba wala itong kamalaymalay na binalak niya itong halikan. Sobra siyang nanghinayang naman! He was that close!. Sa ancestral house ng mga Ronzales, Kababalik lang ni Victor galing ng Maynila. Kausap nito ng mga oras na iyon si Manong Ray tungkol kay Vincent. Labis niyang ikinatuwa ang ibinalita nito, hindi masyadong bugnutin ang kanyang anak aktibo na rin ito sa eskwelahan at malaki ang itinaas ng grades nito. Victor sight out of relief it seems like bumabalik na sa katinuan ang anak. Dahil kay Angela kaya inspired ang anak ninyo sir anang driver na ikinangiti niya. Kaya pala mukhang nakahanap na ng katapat ang sutil niyang anak! She must be very special. Siya rin namang pag-pasok ni Vincent sa library kauuwi lang nito galing kina Angela, maaliwalas ang mukha nito at abot tenga pa ang ngiti. Hi Dad! Na delay ba ang flight nyo from manila? ang alam niya madaling araw ang uwi nito pero ayun kay Manang Loli na nagbukas sa kanya ng gate ay halos kararating lang din ng kanyang ama. Napaawang ang bibig ni Victor hindi ito makapaniwala dahil kinausap siya nito ng hindi galit o pabalang. Relax pa itong naupo sa swivel chair niya. No, may sinundo pa kasi ako sa NAIA kaya nagpa-reschedule ako ng flight paliwanag nito habang nakamasid sa magiging reaksyon ng anak. Who? simpleng tanong nito obviously his not interested Me anang boses sa may pintuan. Namimilog ang mga matang napalingon si Vincent kilala niya ang boses na yon. Nakita niya itong prenting nakasandal sa nakabukas na pinto.

Jeff! What are you doing here? may kagalakan na nilapitan niya ito. Si Jeff ay ang paborito niyang pinsan anak ito ng ancle Robert niya na kuya ng mommy niya. Matanda ito sa kanya ng tatlong taon. May dalawa pa itong kapatid ang panganay na si Walter at ang bunsong si Toby, malapit rin siya sa mga ito per okay Jeff talaga ssiya pinaka-close. I got lost biro ng kanyang pinsan saka siya tinapik sa balikat ng tuluyan siyang makalapit rito. Man, you look great! ani Jeff dahil sa mamula-mula niyang balat dala ng mainit na klima sa pilipinas. Tinawanan lang ito ni Vincent. Alam niyang kina-iinggitan ng mga amerikano ang kayumangging balat ng mga Pilipino dahil para sa mga ito perfect skin ang kayumangging balat. Hows mom and Nicole? tanong niya rito ng makaupo na sila sa naroong sofa. Nang pumasok si Manang Loli at dinalhan sila ng meryenda ipinatong nito ang tray sa may center table egg sandwich at Malamig na Buko juice ang meryenda nila. Kaagad iyong nilantakan ni Jeff ginutom marahil sa mahabang byahe. There great! But they missed you a lot, they even ask me to kiss you for them napangiwi ito sa huling sinabi na animo nadidiri na ikinatawa ng lahat. Balak ni Jeff na mag-bakasyon sa kanila ng isang buwan dahil semestral break. First time nitong pumunta ng Pilipinas kaya excited ito, Masaya rin si Vincent dahil makakasama niya ang pinsan. Nang araw ring iyon niyaya niya itong gumala. Nasisiyahang inabot tanaw ni Victor ang mag-pinsan habang palabas ng pinto. Nang walang anu-ano ay bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Mahigpit siyang napakapi sa may gilid ng mesa, kaagad naman siyang Inalalayan ni Manong Ray. Sir ok lang po ba kayo? mababakas ang pag-alala nito para sa amo. Tumango si Victor at hinimas-himas ang naninikip na dibdib. Umupo siya sa swivel chair at uminom ng isang basong tubig na iniabot sa kanya ng driver, bahagya namang gumaan ang pakiramdam niya. wala ito masyado lang akung stress sa trabaho pagbigay assurance niya sa kawaksi ng mag-suggest itong dalhin siya sa ospital. Lately ay na puna niyang papadalas ang paninikip ng kanyang dibdib hindi tuloy maiwasan ni Victor ang mangamba.

Kinabukasan araw ng linggo, nagtungo si Angela sa bahay nila Vincent usapan na nila iyon kahaponmagre-review sila dahil malapit na ang exam. Matalino ang binata sa math kaya nagpapaturo siya rito at ito naman ay tinuturuan niya sa Filipino subject. Ilang beses na siyang nakapunta sa bahay nila Vincent kaya kabisado na niya ang lugar hindi na siya nagpasundo pa kay Manong Ray. Pinagbuksan siya ng gate ni Manang Loli at dinala sa may sala inabutan nila doon ang ama ng binata na nagbabasa ng Pahayagan habang nagkakape. Nang Makita sila nitong papalapit ay ibinaba nito ang binabasa at ngumiti sa kanya. Sir si Angela po schoolmate ni Vincent pagpakilala ni Manang Loli sa kanya. Nakangiting tumango si Victor at pinagmasdan ang dalaga. So this is Angela, innocent beauty no wonder na-huhumaling rito ang kanyang anak. Maayung aga Tito bati nito sa kanya at kiming ngumiti saka nakipag-kamay sa kanya na malugod naman niyang tinanggap. Saka niya ito niyayang maupo sa tabi niya sa may sofa. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap ni Angela ang ama ni Vincent parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama, maliban lang sa asul na mga mata ng kaibigan na marahil namana naman nito sa ina. Magiliw itong nakipag-kwentuhan sa kanya nang makarinig sila ng mga yabag pababa ng hagdan parehong doon napako ang pansin nila. It wasnt Vincent sa isang tingin lang mahihinuhang foreigner ito, Nang maka-babang hagdan ay kaagad sila nitong binate. Good, morning! bati nito at simpatikong ngumiti sa dalaga Wheres Vince? tanong ni Victor rito tiningnan nito ang suot na relos, ten thirty na ng umaga pero hindi pa bumaba ang anak. Ang alam niya nag-night out kagabi ang mag-pinsan at halos madaling araw ng umuwi. in bed kibit-balikat nitong sagot at muling sinulyapan si Angela sleeping like a baby! he smiled charmingly. Nahugot ni Angela ang paghinga dahil sa ngiting iyon, gosh the guy have a killer smile! Lihim niyang sinuri ang kaharap. Light brown hair na hanggang batok ang haba basa pa yon halatang ka-gagaling lang sa shower. May pino itong balbas sa pisngi, para sa kanya na dudungisan siya sa mga lalakeng may Balbas at begote pero hindi sa kaharap. Sa tingin niya lalo pa iyong nakadagdag sa appeal nito. Simpleng putting T-shirt na hapit sa katawan an suot nito na halata niyang maumbok ang masel nito sa braso, macho ika-nga. Hapit din ang sout nitong faded maong pants. Ito lang yata ang rugged look na mukhang malinis at kay bango!.

Ako na ang gigising sa kanya mahirap talagang gisingin sa umaga ang anak ko nayun turan ni Victor tumayo na ito at pumanhik. Naiwan silang dalawa sa may sala umupo ang binata sa tabi niya at nakipag-kilala. Hi! Im Jeff Vinces cousin pagpakilala nito sa kanya sabay abot sa kamay ng dalaga. Natulala si Angela nang mapatitig sa mga mata ng kaharap. Oh my, he has blue green eyes! she gasp to herself hindi siya makapaniwala very rare ang ganoong kulay ng mga mata. Im Angela tipid niyang sagot, this guy is a hunk! Youre Angel? tanong nito na para bang gusto nitong makasiguro. Nang tumango siya at napangiti ay napa-palatak ito. I hear so much about you! anito at humigpit pa lalo ang pagkakahawak sa kamay niya. Nagtataka namang napatitig rito si Angela. Ano naman kaya ang pinag-sasabi rito ng kaibigan niya?. CHAPTER FIVE Sa ganoong eksena sila naabutan ni Vincent. Natigilan ito sa may hagdan ng Makita ang dalawa sa may baba kaagad na umasim ang kanyang mukha. His dear cousin is flirting with her Angel! He thought with out rage. Naikuyom niya ang mga palad, umagang-umaga pero gusto niyang mang-umbag ng tao! You better go down there son and claim what is yours suhestiyon sa kanya ng ama na nakasunod pala sa likuran niya. naka Kunot noong nilingon niya ito,nakangiti naman ito na parang na aaliw. Kanina pinasok siya nito sa kwarto at ginising ayaw pa sana niya itong pansinin dahil talagang inaantok pa siya madaling araw na kasi silang umuwi dahil nag-disco silang mag-pinsan sa M O 2. Pero ng sabihin nitong si Angela ang naghihintay sa baba, animo magic word na nawala ang antok niya. You know your cousin when it comes to women,He can easily swept her off her feet! babala sa kanya ng ama niyang si Victor. No! not her Angel! Mariin niyang tanggi sa sarili, hindi niya pahihintulutang mangyari iyon. But he tense dahil may bahid ng katotohanan ang sinabi ng daddy niya. Saksi siya sa dami ng babaeng humahabol rito, with Jeffs physique and alluring charms wala pang babaeng

tumatanggi rito. Sa isiping iyon halos tumalon na siya pa baba ng hagdan, Then nadinig niya ang malakas na tawa ng kanyang ama. Kung sa ibang pagkakataon ay nainis na siya pero hindi niya ito pinansin sa ibang araw na. Nang makababa ng hagdan, ay kaagad siyang lumapit sa mga ito at pumuwesto ng upo sa gitna ng dalawa. Napilitan tuloy si Jeff na bitawan ang kamay ng dalaga. Matatalim na tingin naman ang ipinukol ni Vincent sa kanyang pinsan, marahil kung wala lang doon si Angela tiyak na nasuntok na niya ito pero pinilit niyang magpakahinahon. Napabaling ang pansin niya kay Angela ng mapuna niyang tila ito natatawa habang nakatingin sa kanya. sorry, I just got up na-ilang siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kanya. Angela giggled at muli siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Unconciouly niyuko niya ang sarili para lang magimbal, Damn! No wonder pinag-tatawanan siya nito. Nakayapak siya at nakasuot lang ng putting kamesita at asul na boxer shorts na may smiley face pa sa harapan. Tiyak niyang magulo pa ang buhok niya dahil hindi pa siya nakakapag-suklay at namumungay pa ang kanyang mga mata. Ngani-ngani ng batukan niya ang kanyang sarili, Sumulong siya sa giyera ng hindi handa! Sa paningin ni Angela gwapo parin ito kahit bagong gising. Wala talaga siyang tulak kabigin sa mag-pinsan. shit! he cursed silently parang gusto na niyang mag-walk out dahil sa katangahan. Hindi lamang nakakahiya ang ayos niya ni hindi rin siya nakapag-hilamos o nakapag-mumog man lang! nagmukha tuloy siyang basahan sa tabi ni Jeff. Habang nag-nanarakulyo siya sa sarili, nagulat siya when Angela touch his messy hair na para bang aliw na aliw rito. ang cute!, Bat ganyan nga pala ang out fit mo today? she askin amusement Im planning to take a swim palusot niya rito. Jeff chuckled he gave him a warning look kaya nanahimik naman ito, Hinila niya palabas ng bahay ang dalaga at dinala sa may garden kung saan naroroon din ang swimming pool. Tuwang-tuwa namang umupo si Angela sa may gilid noon saka hinubad ang sout na sandals at pinag-tampisaw ang mga paa sa tubig. halika swimming tayo yaya sa kanya ni Vincent pero umiling ito. wala akung dalang pamalit eh, hintayin na lang kitang makatapos anang dalaga, tumango ang Binata at inutusan ang lumapit na katulong na ikuha siya ng tuwalya at meryenda nila.

I wont be long anito habang hinuhubad ang kamisita at kumindat pa ito sa kanya bago nag-dive sa swimming pool at sumisid ito pa ilalim. Napabuntong hininga si Angela how she wish na sanay marunong din siyang lumangoy para kaya niyang makipag-sabayan rito. isa iyon sa mga frustration niya,ang mga kapatid niya ay marunong lumangoy siya lang ang hindi kahit ilang beses na siyang tinuruan ng tatay niya ay hirap parin siyang matuto natataranta agad siya kapag wala ng naaapakang lupa ang paa niya kung tutuusin malapit lang sila sa may beach, pero ayaw naman niyang mag-babad sa may dagat dahil ayaw niyang umitim. Nasa ganun siyang pagiisip ng lapitan siya ni Jeff tumabi ito sa kanya at ginaya ang ginawa niyang pagtatampisaw sa tubig. can I join you? anitong nakangiti. Saka pareho nilang pinanuod si Vincent na paroot parito sa pag-langoy. so how long you two been together? mayat- maya ay tanong nito sa kanya. Maang namang napatitig rito ang dalaga pero ng makuha ang ibig nitong tukuyin ay natawa ito. Vincent and I are just friends pagbibigay linaw niya rito, sabagay iyon din ang akala ng iba na magkasintahan sila dahil na rin siguro sa closeness nilang dalawa. really? But I thought he stop in mid-sentence at saglit na nag-isip then his aquamarine eyes turn bright with amusement. Nang biglang sumalok ito ng tubig sa pool sa pamamagitan ng kamay at pabirong binasa ang dalaga. Ay! Hindi iyon inaasahan ni Angela kaya hindi niya nagawang umilag kaya nabasa siya, gumanti siya rito na malakas nitong ikinatawa. Nang mapunang basa ang mukha niya ay banayad nitong pinunasan ang pisngi niya sa pamamagitan ng palad nito. Medyo na ilang naman si Angela sa ginawa nito pero ng ngumiti ito ay napangiti na rin siya. What the hell Natigilan si Vincent ng makaahon nang Makita ang pinsan niyang hinahaplos ang pisngi ni Angela. Kaagad na uminit ang ulo niya tiim-bagang siyang lumangoy palapit sa kina-roroonan ng dalawa, nang makalapit ay walang sabi-sabi na bigla niyang hinila aang isang kamay ni Angela. Nagulat ito at nawalan ng panimbang napatli ito ng mahulog sa pool. Vincent laugh napailing naman si Jeff. Napasinghap naman ang dalaga ngmakainim ng tubig at nataranta ng mapagtantong nasa ilalim na bahagi siya ng pool. Kaagad siyang nag-panic nagpapalag siya sa takot na malunod lalot naramdaman niyang bumubulusok siya pababa. Dala ng matinding nerbiyos at kawalan ng hangin ay nawalan siya ng malay. Natigil sa pagtawa si Vincent at nanlaki ang mga mata nang mapunang papalubog si Angela dali-dali itong sumisid para sagipin ang dalaga.

lord please dont take her pagsumamo niya habang mabilis siyang lumalangoy patungo rito. Abot-kamay na lamang niya ito ng biglang may humila sa dalaga it was Jeff naunahan siya ng pinsan sa pagsagip kay Angela. Nang makaahon siya nakita niyang inihiga ni Jeff sa may gilid ng pool ang walang malay na dalaga at pinulsuhan, saka yumuko ito para bigyan ng mouth to mouth resuscitation. Vincent tensed halos madapa siya pagmamadaling makalapit rito. Isipin pa lang na may ibang lalakeng makadampi sa mga labi ng dalaga ay gusto na niyang mag-huramintado kahit nab a pinsan pa niya! get off her! hasik niya sabay tulak rito sa pagkagulat ng pinsan niya na kamuntikan pang matumba. Ikinalito naman ni Jeff kung bakit galit si Vincent ang nais lang naman niya ay mabigyan ng paunang lunas si Angela. Kapwa nagkatitigan ng masama ang mag-pinsan. Im just trying to help! galit ng turan ni Jeff Magsasalita pa sana si Vincent nang biglang marionig nila ang malakas a pag-ubo ni Angela kaagad nila itong binalingan unti-unti na itong nagkamalay, mahigpit naman itong niyakap ni Vincent. Oh thank God! Are you alright? halos maiyak siya sa labis na katuwaan. Pero galit namang kumawala sa mga bisig niya ang dalaga at malakas siyang sinampal. you bastard! I hate you!! nanginginig si Angela dala ng lamig at sobrang galit rito inakala niyang ma-mamatay na siya. Lumapit naman sa kanya si Jeff at pinuluputan siya ng malaking tuwalya inalalayan siya nitong makatayo pero ng mabuway siya ay walang pagdadalawang isip na pinangko siya nito. your cold, you better take a warm shower suhestiyon nito at dinala siya sa loob ng mansion. Wala namang nagawa si Vincent kundi ang abutin sila ng tanaw. Mariin nitong ipinikit ang mga mata at sinapo ang namumulang pisngi. He was hurt not because he was slap on the face, he deserve it any way. Nasasaktan siya dahil nasaktan niya ang babaeng mahal niya dahil sa matinding pagseselos. Parang gusto tuloy niyang iuntog ang ulo sa may pader kung di lamang nakatingin si manong Ray na dumating ng marinig ang kumosyon nilang mag-pinsan, tumayo siya at isinumpa sa sariling gagawin ang lahat mapatawad lang siya ni Angela. Lumipas ang mga araw, to his dismay Angela gave him a silent treatment . kapag nilalapitan niya ito at kinakausap animo hindi siya nito nakikita o naririnig as if he never exist,

worst iniiwasan na siya nito. Out of despair Humingi n siya ng tulong kina Janet at Danilo para makausap ito, ngunit hindi parin nila napahinuod si Angela na realize niyang hindi pala medaling paamuin ang dalaga ni aya na rin nitong magpahatid sa kanya. Habang tumatagal ay lalo siyang na di-depress nauubusan na rin siya ng strategy. Hindi umubra rito ang pagbibigay niya ng mga flowers at kung anu-anong regalo dahil ibinabalik lang nito sa kanya. Kantiyaw pa ang inabot niya sa mga kabarkada, nasaan na raw ang ipinag-mamalaki niyang charisma. Ngunit ng minsang sumabay si Jeff kay Mang Ray para sumundo sa kanya nakita niyang kinausap ito ni Angela at ng yayain ito ng pinsan niya na sumabay sa kanila ay agad itong sumama. Sa loob ng sasakyan ay hindi siya nito pinansin tanging si Mang Ray at Jeff lang ang kinakausap nito sa pagkairita pa niya ay magkatabi ang dalawa sa backseat . Kinabukasan lalo pa siyang na insecure ng ibulong sa kanya ni Janet na crush daw ni Angela ang pinsan niya at dala ng matinding galit ay malakas siyang napahampas sa mesa naglikha iyon ng malakas na ingay na ikinagulat ng mga nasa canteen. Hindi makatulog ng gabing iyon si Vincent, hindi mapuknat sa isip niya angsinabi ni Janet. Ngayon ay nag-iisip siya ng paraan para bumalik na ng amerika ang pinsan niya, madaling araw na siya nkatulog dala ang isipingiyon. Kinabukasan, nagising siya sa marahang pag-yugyog sa kanyang balikat inaantok pa siya at balak sanang ignurahin na lang ang gumigising sa kanya lalo na kung si Jeff lang iyon. Vincent anang gumaralgal na boses ni Manang Loli at muli ay niyugyog siya sa balikat. Napipilitang idinilat niya ang mga mata at tiningala ang kawaksi sa palagay niya ay may mahalaga itong pakay sa kanya. bakit Manang? ipinagtaka niya ang pamumula ng mga mata nito na parang katatapos lang nitong umiyak. Bakit? si Attorney Parcon, G-- gusto ka raw makausap anito sa namamaos na tinig at iniabot sa kanya ang wireless phone. Tiningnan ni Vincent ang suot na wrist watch its only six in the morning, too early for a business call. It must be very important he thought sabay abot ng telepuno. good morning ho Attorney magalang niyang bati rito Nadinig niya ang pagtikhim nito sa kabilang linya at tila nag-aalangan ito sa anumang ibabalita sa kanya.

is there a problem? ewan niya pero kaagad siyang nakaramdam ng di maipalianag nakaba. iho inatake sa puso ang iyong ama nitong umaga lang malungkot na pahayag ng abugado. Napatayo mula sa kama si Vincent hawak niya ng mahigpit ang telepuno napalingon siya kay Manang Loli na napahagulhol na ng iyak. hows my Dad? garalgal ang tinig na tanong niya sa abugado, nanginginig na rin ang katawan niya sa sobrang pangamba. H-he didnt make it, dead on arrival nasiya sa hospital Im very sorry iho malungkot nitong turan at puno ng simpatya sa kanya. N-no! He gasp in disbelieved nahahapung nagpalakad-lakad siya sa kabuoan n silid naninikip ang dibdib niya na sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay tila sasabog na ang mga emosyon niya. Nang hindi na niya makayanan ay ibinunton niya ang galit sa hawak na telepuno ubod lakas niya iyong hinihagis sa sahig at nagkadurog-durog iyon. Naghihikab pa si Angela habang patungo sa likod bahay nila medyo tnanghali na siya ng gising pero ok lang dahil sabado naman at wala silang pasok. Kumuha siya ng batya at inipon ang mga labahin niya, may sarili silang balon kaya wala silang problema sa tubig. Nag-iigib na siya ng puntahan siya ng nanay niya. Angel may bisita ka andiyan si Jeff ani Aling Fely Kunot-noong sumunod siya sa kanyang ina papasok ng bahay ipinagtaka niyaang pagpunta sa kanila ni Jeff ng ganun kaaga lalot wala naman silang usapan na magkikita. Nadatnan niya itong nakatayo sa gitna ng kanilang sala halata niyang balisa ito. Kaagad iong lumapit pagkakita sa kanya. Angel, is it ok if you come with me? nakikiusap ito sa kanya why? Whats going on Jeff? tanong niyang nababahala na dahil sa kakaibang kilos nito. A-ancle Victor diedplease come with me my cousin needs you now Angel pagsumamo nito sa kanya batid nitong hindi pa sila nagkakasundo ni Vincent. Gulat namang nagkatinginan silang mag-ina.

Tulala si Angela habang sakay ng kotse katabi niya sa backseat si Jeff, pareho silang walang imik at may malalim na iniisip. Si Manong Ray naman ay bahagyang matulin ang pagmamaneho para makarating sila agad sa mansion. Kanina ng malaman ni Angela ang nangyari ay kaagad siyang nagbihis at sumama sa mga ito kahit na may tampuhan pa sila ni Vincent hindi niya ito matiis lalo na sa ganitong sitwasyon. Pagdating nila ng mansion ay kaagad nilang tinungo ang siild ni Vincent pero sa may hagdanan pa lang ay naririnig na nila ang malalakas na kalabog na parang may nagwawala. Napatakbo na sa pag-akyat si Jeff at Angela. Sa harap ng pinto ng silid ni Vincent ay naabutan nila ang ilang kasambahay na pinipilit mabuksanang nakalock na pintuan. Manang Loli ano ho ang nangyari? natatakot si Angela sa maaaring gawin ng kaibigan baka masaktan nito ang sarili sa pagwawala. si Vincent kanina pa nagwawala sa loob, sinubukan naming buksan ang pinto ng duplicate key pero naka-double locked ang pinto naluluhang paliwanag nito. Jeff cursed under his breath at nang muling marinig ang mga kalabog sa loob ng silid ay pinag-tatadyakan na nito ang pinto tumulong na rin si Manong Ray. Hindi tumigil ang dalawa hanggang sa tuluyan ng bumigay ang pinto. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa kanila ang mga sirang gamit na nagkalat sa loob ng silid. Oh, God! natutop ni Angela ang bibig sa pag-pipiil na mapahikbi ng Makita ang miserablengayos ng kaibigan. Pawisan ito at galit na galit habang pinag-hahampas ang isang silya sa sahig hanggang masira iyon, nanlilisik ang mga matang pinukulan sila nito ng tingin. Live me me alone!!! bulyaw nito sa kanila nang hindi sila kumilos ay dinampot nito ang isa pang silya at inihagis sa kanila. Napatili ang mga katulong at takot na nag-silabasan sa silid na iyon. Alam nilang kapag nagwala na si Vincent ay wala ng makakapigil pa rito. Maging si Angela ay kamuntikan ng tamaan buti na lamangat nahila siya paiwas ni Jeff. Ngayon ay batid na niya kung bakit ito binansagan na Devil. cause right now his like a devil indeed, a devil in great fury! But shes not afraid not even a single bit. Kilala niya ang kaibigan alam niyang hindi ito likas na masama at hindi nito sinasadyang saktan sila. His hurtin and he just cant bare the pain, tama si Jeff ngayon siya higit na kailangan ni Vincent. Humakbang siya papasok ng silid, Tumalikod naman si Vincent at tinungo ang tokador at walang sabi-sabi ay ubod lakas nitong sinuntok ang malaking salamin. Nagkadurog-durog iyon at nagkalat sa sahig.

N-no! Napasinghap siya at nataranta ng makitang may tumutulong dugo mula sa kanang palad ng binata kaagad niya itong nilapitan kasunod niya si Jeff nag-aalala ito na bakasaktan siya ni Vincent. Akmang hahawakan na ng dalaga ang kamay nitong nasugatan pero pumiksi ito at pasalampak na naupo sa maruming sahig. go away!!! pag-tataboy niya sa kaibigan ayaw niyang Makita siya nito sa ganitong ayos. Pero sa halip na umalis ay tinabihan pa siya nito saka muling inabot ang kanyang kamay, Kinuha ni Angela ang panyo sa bulsa at pinantali sa dumu-dugong sugat ni Vincent. Nang akmang tatayo ang binata ay agad Siyang niyakap ng mahigpit ni Angela sa pangambang baka mag-wala uli ito at saktan na naman ang sarili. get out mahina ngunit mariin ang pagkakabigkas ni Vincent. Pero umiling lang ang dalaga hindi niya ito iiwan kailangan muna siya nitong ipagtulakan palabas. please tama nastop hurting your self she whispered in tears. Nasasaktan siya para rito alam niyang hindi ganoon kadali ang pinag-dadaanan nito. Sa sinabi niyang iyon ay napayuko si Vincent kasabay noon ay ang pag-hulagpos ng mga luha nito na hindi na nakayanang pigilan pa. Mahigpit siyang napayakap kay Angela para kumuha ng lakas rito pakiramdam niya ay hinang-hina siya, they both cried in each others arms. Tahimik namang napaatras si Jeff at lumabas ng silid. CHAPTER SIX Tumulong ang pamilya ni Angela sa pag-aasikaso sa lamay ng ama ni Vincent na labis namang ipinag-pasalamat ng huli, lalo na sa dalaga na lagging naka-alalay at hindi umaalis sa tabi niya. Nang gabing iyon dumalaw sa mansion ang mga teachers at ang kanilang principal pati na ang kanilang mga kaklase para pakiramay. Dumating din ang mga kakilala ta kaibigan ng kanyang ama na ang iba ay galing pa ng maynila. Naging abala siya sa pag-aasikaso sa mga bisita he was exhausted ng madako ang pansin niya kay Angela abala ito sa paghahanda ng snacks kasama sina Janet at Danilo. Nang malingunan siya ay nginitian siya nito, naisip niyang marahil kung wala ito ay bumigay na siya. After four days dumating ang ina at kapatid nito. It was a very sad reunion, for the last time ay nabuo sila bilang isang pamilya, Bumuhos ang luha ng araw na iyon. bat ganun Angela? Kung kailan maayos na ang relasyon naming mag-ama saka naman siya kinuha? tanong niya rito ng mapagsulo silang dalawa sa may balkunahe.

ang mahalaga ay nagkaayos kayo ni Tito Victor bago ka niya iniwan anito at ginagap ang kamay niya na may sugat na babalutan na iyon ng bandage. Its all my fault paninisi niya sa sarili dahil sa mga problemang ibinigay niya sa ama. Umiling naman ang dalaga hindi ito sangayon sa sinabi niya. Inilapit nito ang mukha sa kaharap para matitigan niya sa mga mata. Stop blaming your self! Matagal ng may sakit si Tito Victor inilihim lang niya sayo sinabi yan mismo ng kanyang doctor Tahimik lang si Vincent habang nakatitig sa kaharap pero hindi naman ito nakikinig dahil ang totoo nakapokus ito sa mga labi niya. Nang mapatitig din sa kanya si Angela, animo na magneto sila sa isat-isa. Tila na estatwa ito ng unti-unting lumapit ang mukha ni Vincent sa kanya, napapikit siya batid niyang hahalikan siya ng kaibigan nang walang anu-ano biglang sumulpot ang ate nitong si Nicole kaagad na umayos sa pag-kakaupo ang binata. What are you two doing here? anitong may bahid ng panunukso nasa likuran nito si Janet at Danilo na makahulugang nakangiti. Napasimangot si Vincent ng kaagad na lumayo sa kanya si Angela. Well, hindi na siya nagtataka laging may dumadating na asungot sa tuwing nagmmoment silang dalawa. What do you want? hindi niya naiago ang pagkairita. Pero balewala iyon kay Nicole sanay na ito sa pagka-aburido ng kapatid. Can I borrow Angel for a minute? I have presents for her and chocolates too! anito sabay kindat sa kanya at hinila na si Angela patungo sa silid nito kasama si Janet nagpaiwan naman si Danilo para samahan siya. Masaya si Vincent dahil kaagad na nagkagaanan ng loob ang ate Nicole niya at si Angela maging ang mommy niya ay nagustuhan din ang dalaga. Ano pare naka first base ka na? tanong ni Danilo ng tumabi sa kanya ipinatong nito ang hawak na paper bag sa mesa na pasalubong ni Nicole. Malamang, kung hindi kayo dumating agad! asik niya rito na ikinahagalpak nito ng tawa. Come to think of it di kaya tadhana niyang mag-madre? anitong biglang nagseryoso What do you mean? kunot noong napatitig siya rito.

para kasing iniiwas siya ng tadhana sayo na isang tukso a devil who falls inlove to an angel is quite unusual you know Napa-tiimbagang si Vincent sa sinabi ng kaibigan uminit kaagad ang ulo niya rito. Gusto mong ma-fall mula sa kina-uupuan mo? banta niya rito kaagad naman itong nanahimik. Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam jsiyang pangamba paano nga kaya kung ang tadhana mismo ang humadlang sa pag-ibig niya kay Angela? Makakaya ba niya itong labanan?. Matapos ang isang linggo ay inilibing na ang ama niyang si Victor masakit man pero pinipilit niyang tanggapin sa sarili na wala na ang ama niya. Kinabukasan din ay kaagad nang bumiyahe pabalik ng amerika ang ate at mommy niya kasama ang pinsan niyang si Jeff. Nais syang isama ng mga ito lalot maiiwan siyang mag-isa pero tumanggi siya. Naisip niyang dalawang buwan na lang at magsasara na ang klase sayang naman kung hihinto pa siya. Gusto tuloy nkyang pagtawanan ang sarili, noon halos maglupasay siya makabalik lang ng amerika. Pero ngayong pinababalik na siya ay parang ayaw na niya. The truth is ayaw niyang mapaalay kay Angela, ngunit tila gumagawa na ng hakbang ang tadhana upang mailayo siya rito isipin pa lang niya ay nasasaktan na siya anong gagawin niya?. Mabilis na lumipas ang mga araw ng hindi niya namamalayan hanggang sa nalalapit na ang kanilang JS Prom. He was thrilled ng siya ang pilin ni Angela na ka-date. Kaagad siyang nag long distance call sa kanyang ina nag-request siyang bilhan nito ng mamahaling tuxedo. He want it to be special excited na siya sa araw na yon at the same time ay kinakabahan siya dahil balak na niyang mag-tapat kay Angela. Napabuntong hininga si Angela habang pinag-mamasdan ang sarili sa salamin. Sinukat niya ang inarkilang damit na gagamitin niya sa kanilang JS Prom sa susunod na linggo. Kulay itim iyom na hanggang sakong ang haba medyo maluwang pa sa kanya at masyadong mababa ang neckline. Hindi bagay sa kanya ang damit pero wala siyang magawa. Gipit sila sa pera at marami pa silang bayarin sa school lalo na at graduating siya. Tatahiin ko na lang ang bandang neckline para di masyadong mababa anang ate Zarah niya, bagamat tatlong taon ang pagitan nila ay malapit sila sa isat-isa at parang sa matalik na kaibigan ang turingan nila. Ate magmumukha akung matanda sa damit nato angal niya at pasalampak siyang naupo sa kama. huwag kang mag-alala aayusan kita ng maganda matutulala sayo si Vincent pagbibigay assurance nito. Nang may kumatok sa may pintuantumayo ito upang buksan yon.

Si Vincent nasa baba hinahanap ka anang kuya Erick nila at agad rin itong bumabanailing naming binalingan siya ni Zarah. Speaking of the devil! natawa na lamang si Angela sa tinuran nito at kaagad ng nagbihis. Pagkababa niya ng sala nadatnan niya doon si Vincent kapuna-puna ang malaking kahoin na nakapatong sa center table nila. Ano yan? tanong niya pagkaharap rito. Kibit- balikat na sinulyapan ni Vincent ang kahon sa mesa. Its for you padala nila mommy at Nicole, its theyre way of saying thank you sa pagtulong sa amin sa burol ni dad paliwanag nito sabay abot sa kanya ng kahon. Pero nahihiya siyang tanggapin iyon bukal sa loob ang pagtulong niya sa pamilya nito at hindi siya humihingi ng anumang suhol. Listen Angel, magtatampo ang mga iyon kapag hindi mo ito tinanggap turan ni Vincent na parang nabasa ang iniisip niya. Napatingn pa ito sa ate Zarah niya na pababa ng hagdan nagpapaawa ito para tulungan. Sige na bunso walang masama kung tanggapin mo ang regalo nila anang ate niya at kinidatan si Vincent. Napabuntong hininga si Angela habang pinag-mamasdan ang malaking kahon na hawak ni Vincent. Curious din siya kung ano ang laman niyon, Dahan-dahan niyang inalis sa pagkakabuhol ang pink na ribbon na nakatali sa kahon pagkatapos ay tinanggal niya ang takip. Napasinghap si Angela nang Makita ang laman, it was a beautiful ball gown made out of pink silk. Tube iyon na may katernong pink shawl with matching silver stiletto. Sa unang tingin pa lang alam niyang mamahalin ang mga iyon. Napa-wow ang ate Zarah niya at nginitian siya na parang sinasabi nito na wala na siyang puprblemahin pa sa isusuot sa prom. I-I dont know what to say binalingan niya ang binata na matamang nakamasid sa kanya just say hank you he grin but to his surprise niyakap siya ni Angela sa harap ng mga kapatid nito. thank you mangiyak-ngiyak na bulong ni Angela rito. Gabi nang Prom, bandang alassiyete ng gabi ay nakahanda na si Angela nakabihis na siya at mismong ate Zarah niya ang nag-ayos sa kanya. Puring-puri siya ng mga magulang at kapatid animo prinsesa siya sa suot niyang ball gown feeling niya ay si Cinderella siya. Ilang araw din

siyang nag practice ilakad ang silver stiletto na four inches ang taas hindi siya sanay magsuot ng ganun at nag-alala siyang baka matapilok. Kinakabahan siya habang naghihintay kay Vincent may usapan silang sabay na pumunta ng school. Lalong kumabog ang dibdib niya ng marinig ang ugong ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nila. Andyan na ang prince charming mo panunudyo pa sa kanya ni Zarah. Halos hindi maalis ang mga mata niya sa may pinto nakanda na ang matamis niyang ngiti para rito. Pumasok si Mang Ray may bitbit itong bouquet of pink roses lumapit ito sa kinatatayuan niya at nakangiting iniabot ang mga bulaklak. Ang ganda mo iha puri nito sa kanya Kunot noo tinanggap ni Angela ang mga bulaklak pero naisip niyang parang may mali. di ba dapat ang ka date niya ang nag-aabot sa kanya ng bulaklak? si Vincent ho? tanong niya rito muli pa siyang tumingin sa may pinto hinihintay na sumulpot doon ang binata pero hindi nangyari. pasensiya ka na iha hindi makararating ang amoko naroon siya sa bahay at inaapoy ng lagnat anang driver na napapakamot pa sa ulo. Ano ho? di makapaniwalang turan niya she was disappointed bakit ngayon pa ito nagkasakit sa araw mismo ng JS Prom nila, ibig sabihin wala siyang ka-date! Hindi niya maiwasang madismaya nasayang ang effort niyang mag-paganda without Vincent parang nawalan na siya ng ganang pumunta ng Prom. Pasensiya ka na talaga iha, pero wag kang mag-alala mahigpit niyang ipinagbilin sa akin na ihatid sundo kita anang driver Kahit nawalan ng gana kailangan parin niyang um-attend dahil kakanta siya sa program mapapagalitan siya ng teacher iya kung hindi siya darating. Tayo na ho Mang Ray baka mahuli tayo aniya na pilit ngumiti para pagtakpan ang lungkot na nararamdaman. Pagdating sa school at pagkababa pa lang ni Angela sa kotse at napatingin na ang lahat sa kanya medyo nailing siya at napahinto sa may pintuan ng covered gym. Nasa kanya ang sentro atensyon lalot na huli Siya ng dating medyo nanginginig ang mga tuhod niya kaya hindi niya magawang ihakbang ang mga paa paano na lang kung matapilok siya . Nang mapansin niyang papalapit sa kanya si

Danilo at nakangiting inalalayan siya nito sa may siko. He was wearing gray suite lalo itong naging simpatiko sa suot. Devil call me up, will you believe? he wants me to be your date anitong abot tenga ang ngiti habang naka alalay sa kanya. Thanks Niloy na touch siya sa ginawa ni Vincent may sakit na nga ito pero siya parin ang inalala nito. By the way, youre the most beautiful girl tonight Angela bulong ng binata sa kanya na hindi maitatago ang paghanga sa mga mata nito. Pumuwesto sila sa mesang kinaroroonan nila Janet. While having dinner hindi mawaglit sa isp niya si Vincent iniisip niya ang kalagayan nito hindi tuloy siya makakain kahit masarap pa ang mga nakahain. Tulala parin siya kahit nagsisimula na ang program nagulat pa nga siya ng kalabitin ni Danilo dahil tinawag na siya para kumanta. Habang kumakanta ng Valentine ay nasa isip parin niya ang kaibigan, naguguluhan na siya sa kanyang sarili ng sandaling iyon kung bakit hindi mawaglit sa isip niya si Vincent Matapos ang program tinanghal sila ni Danilo bilang Prom King and Queen. Deep inside nahiling ni Angela na sana si Vincent ang kapareha niya at first dance niya, hindi sa ayaw niya kay Niloy but it would be much special kung si Vincent ang kasayaw niya habang pinatutogtog ang awiting king ang quuen of hearts. Nang magsimula na ang sayawan maraming binata ang nais siyang maisayaw na pinaunlakan naman ni Angela. Nang mapagod ay bumalik siya sa inuukopa nilang mesa nilapitan siya ni Janet. girl kanina ko pa nahahalata ang tamlay mo puna nito ng hindi siya umimik ay nagpatuloy ito si Devil no! tudyo nito at napangiti ng napabuntong hininga ang kaibigan Puntahan mo na siya tapos na rin naman ang program, kaysa nandito ka nga pero wala naman dito ang isip mo suhestiyon nito na ikinalingon ni Angela saglit itong nag-isip at napangiti saka yumakap sa kaibigan at nagmadali nang umalis. Panay ang buntong hininga ni Vincent habang nakatanaw sa malayo. Nasa balkunahe siya ng kanilang mansion nagpapahangin at nagpapalipas ng sama ng loob. Medyo bumaba na ang kanyang lagnat. Naiisip niya si Danilo at Angela, kanina ng tawagan nya ang binata at pinakiusapan na pumalit sa kanya ay halatang natuwa ito sabagay hindi na lingid sa kanya na may pagtingin rin ito kay Angela pero para na rin niyang binigyan ito ng pagkakataon na makapanligaw sa dalaga.

stupid! gigil niyang bulong sa sarili. Napahampas pa siya sa balustre dahil sa inis na nararamdaman umalis na nga ang asungot niyang pinsan pero si Niloy naman ngayon ang pumapapel! Ano kaya kung puntahan niya ang mga ito at manmanan?. Diba dapat nagpapahinga ka? anang malamyos na boses mula sa likuran niya. Nagulat siya ng malingunan ang babaeng laman ng isip niya, napakurap siya para makatiyak na hindi lamang siya na mamalikmata. What are you doing here? You supposed to be in the Prom pagkuway tanong niya rito at sinipat ang ayos ng kaharap, gaya ng inaasahan niya lalo pa itong gumanda. Napalunok siya ng humakbang ito palapit sa kanya. I was worried about you, kumusta na ang pakiramdam mo? lumapit siya at dnama ang leeg nito. Kumusta naman ang party? Sino-sino ang mga nakasayaw mo? di nya napigilan ang sarili na usisain ito. si Niloy syempre at ang mga schoolmate natin Malalim na napabuntong hininga si Vincent kung naroroon lang sana siya walang sino-man ang maka-kasayaw o makakalapit rito. Im sorry ako dapat ang kapareha mo bakit kasi ngayon pa ako nagkasakit hingi niyang paumanhin rito. ok lang pede ka namang bumawi eh! nakangiting saad nito at hinila siya patungo sa kanyang silid. Angel ha! Diko akalain na ganito ka pala ka agresibo! biro niya rito ng makapasok na sa kanyang silid sabay yakap pa sa kanyang sarili na para bang may balak itong masama sa kanya. sira! gusto ko lang naman na isout mo ang tuxedo mo! nakapameywang na pahayag niya rito. Napatingin naman ang binata sa wall clock pasado alasonse na ng gabi. Why? Patapos na rin naman ang party wala na tayong aabutan doon aniyang may pagtataka

basta magbihis ka hihintayin kita sa may balkunahe utos nito sa kanya sabay talikod at lumabas na ng silid. Bagamat nagtataka sinunod siya ng binata, nagmadali ito sa pagbihis at nagpabango ng matapos ay kaagad itong bumalik sa balkunahe. ok Im ready aniya sabay hila kay Angela para umalis na sila pero pinigilan siya nito. were not going anywhere dito lang tayo maang na napatitig ito sa kanya, hindi malaman kung nagbibiro lang siya. eh bakit mo pako pinagbihis kung hindi rin lang tayo aalis? ginugudtaym lang yata siya nito. Hindi niya alam kung ano ang lumalaro sa isip ng dalaga. sayang naman kasi ang tuxedo mo kung hindi mo maisusuot katwiran ng dalaga sabay sipat sa ayos niya. Nakabrush-up ang buhok nito at nangingintab ang black leader shoes na sout bumagay rito ang sout na tuxedo at higit sa lahat gusto niya ang musk cologne na gamit nito. wow! Ang pogi mo pala! tukso niya rito ang to her surprise ay pinamulahan ito ng pisngi maging ang tenga nito ay namumula. ang cute mo namang mag-blush hindi niya napigilan ang sarili na kurutin ito sa pisngi. Kinuha niya ang cellphone nito na nasa mesa at nag-picture taking sila bagamat napipilitan lang ang binata sa kalokohan niya. Maya-maya ay napatitig si Angela sa kanya na ikina-ilang niya. what is it this time? aniyang hindi makatingin ng diretso rito. Nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya. lets dancehindi man ikaw ang first dance ko, actually kaya ako narito kasi I save my last dance for you Angela lumamlam ang mga mata niya sa sinabi nito. Iginiya niya ito at isinayaw while Angela sing FRIEND OF MINE. Ill never forget this night my sweet Angel Vincent whispered to her ear. CHAPTER SEVEN After ng Prom ay naging abala na sila para sa nalalapit na pag-sara ng klase lalo na ng mga 4rth year students. Excited na ang mga itong makapagtapos maliban lang yata kay Vincent, Iniisip pa lamang niya ang araw na iyon ay nakakaramdam na siya ng matinding lungkot. Paano nga naman siyang sasayakung ang araw na iyon msmo ang simula ng paghihiwalay nila ni Angela.

Bawat araw na mag-daan ay naging mahalaga sa kanya tinitiyak niyang napapasaya niya ito nais niyang mag-iwan ng magandang alaala sa dalaga bago siya bumalik ng amerika. Tuwing sabado ay pinupuntahan niya si Angela sa bahay at pinag-iigib niya itong tubig sa tuwing naglalaba ito at kapag lingo niyayaya naman niyaitong magsimba o kaya ay mamasyal kasama sina Janet At Danilo. Naging Masaya si Vincent sa mga sandaling nakakasama niya ito pero batid niyang may hangganan ang lahat. Graduation day, suot ng mga senior students ang kanilang puting toga at nakahilera silang nakaupo sa covered gym ng school. Naroon din ang mga magulang at kamag-anak ng mga magga-graduate. Dumating na ang araw na kinatatakutan ni Vincent at wala siyang magawa para pigilin yun. Kaninang umaga ay nag long distance call ang kanyang ina at si Nicole para batiin siya Masaya ang mga ito para sa kanya samantalang siya ay hindi niya makuhang magsaya. Lalo pang nagpa-depress sa kanya ng hindi sila magkatabi sa upuan ni Angela nasa bandang unahan ito nakapwesto dahil alphabetical order ang line-up nila. Nagsimula at natapos ang graduation ceremony ng hindi malinaw kay Vincent tulala siya at magulo ang utak sa kung anu-anong alalahanin. Ni hind niya namalayang tapos nang mag-speech ang valedictorian at salutatorian nila, feeling niya ay na flash forward ang mga pangyayari. Sumasabay na lamang siya sa agos nakipila siya kasabay ng mga kaklase paakyat sa stage para tanggapin ang diploma. Matapos matanggap ng mga graduates ang kanilang diploma ay umakyat sa stage si Angela at kinanta nito ang high school life. May ilang estudyanteng napaluha at nagyakapan sa madamdaming awiting iyon. Pagkatapos ng graduation niyaya niya ang pamilya ni Angela na kumain sa labas pati na sina Danilo at Janet naging Masaya ang hapunan nila pero may bahid din ng lungkotdahil kailangan na niyang mag-paalam sa mga ito. Hindi na siya makaka-attendng graduation ball dahil alasonse ang flight niya patungong maynila the next day naman ang biyahe niya patungong amerika. Nang ihatid niya pauwi ang pamilya ng dalaga nagkaroon siya ng pagkakataon na masulo ito sa may hardin. Magkatabi silang nakaupo at kapwa nagpapakiramdaman hindi maalis ang tingin niya rito. baka matunaw nako niyan biro ng dalaga ng hindi na makatiis sa katahimikang namamagitan sa kanila. huling pagkakataon ko na kasi itong matitigan ka mababanaag ang kalungkutan sa asul nitong mga mata. babalik ka pa naman di ba? tanong niya rito na sinagot lang nito ng tipid na ngiti. may utang nga pala ako sayo pag-iiba niya sa usapan.

wala ka namang inutang sa akin na peraah! kunot noong napatitig sa kanya si Angela dahil wala itong maalalang may inutang ito sa kanya. may utang ako sayopero hindi pera paliwanag nito at tinitigan siya ng makahulugan eh ano nga? naguguluhan siya wala talaga siyang maalala na may pag-kakautang ito sa kanya. your first kissremember? Gusto mong ako ang magbibigay ng una mong halik walang gatol nitong sambit. Natameme si Angela. Tama nga ba ang pagkakarinig niya o guni-guni lang? bulong niya sa sarili, ngunit ng unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya ay kinabahan siya gusto nga siya nitong halikan! Nanindig ang balahibo niya ng malanghap ang mabangong hininga ni Vincent,napaurong siya sa sobrang nerbiyos. dont be afraid my Angel bulong nito sa tenga niya at masuyong hinaplos ang pisngi niya. V-Vincent na uutal niyang sambit ramdam niya ang panginginig ng mga tuhod niya buti na lamang at nakaupo sila kung hindi malamang na bumagsak na siya. close your eyes suhestiyon nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. Mayatmaya naramdaman niya ang paghaplos ng daliri nito sa kanyang mga labi kasunod niyon ay ang pagdampi ng labi nito sa kanyang mga labi. My Angel he whispered habang yakap niya ito ng mahigpit. Kasabay noon ay ang pagpatak ng mga luha ng dalaga. SEVEN YEARS LATERNapabuntong hininga si Angela matapos mabasa ang e-mail sa kanya ni Vincent, ayun sa binata nasa Australia ito ngayon dahil sa panibagong proyekto. Napailng siya ng maalalaang nakaraan, lagi kasi itong nadadawit sa gulo at kung ilang beses din na kickout sa school. Who would have thought na magiging tanyag itong Architect sa New York and earning millions. Pitong taon na silang hindi nagkikita pero nanatili naman ang kumunikasyon nila sa isat-isa. Once in a while ay tumatawag ito sa kanya o di kaya ay nag-uusap sila through internet. Pero kahit nasa malayo na maalalahanin parin ito pinapadalhan siya nito ng regalo tuwing birthday niya at pasko. Tuwing valentines nakakatanggap din sya ng bulaklak courtesy of Manong Ray. Na appreciate niya ang lahat ng yun ngunit na ngungulila parin siya sa presensiya ng kaibiga Sobrang miss na niya ito. Ang mga paglalambing nito at pati narin ang pangungulit nito kung sanay makabalik pa ito ng pilipinas.

Napasimangot siya nang muling tingnan ang screen ng computer may naka-insert na picture doon si Vincent at may kayakap na babae. Alam niya panibagong girlfriend na naman nito nakaramdam Siya ng panibugho parang gusto niyang ihagis ang laptop computer sa may bintana na regalo din nito pero kinuntrol niya ang sarili dahil sobrang mahal iyon maliit lang ang sahod niya bilang clerk cant afford niyang bumili ng bago sakaling masira iyon. Nang makapagtapos siya ng colleged sa kursong business and managementay saka pa lang siya pinayagan ng mga magulang na tumanggap ng manliligaw. Shes already 23 pero hindi parin siya nagkakaroon ng nobyo hanggang pakikipag-date lang muna siya. Dahil para sa kanya sagrado ang pakikipag-relasyon. At ang totoo ay may lihim ng itinatangi ang kanyang puso, at iyon ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Vincent. Ngunit ngayon ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Dahil kung talagang mahal siya nitohindi dapat ito nakikipag-relasyon sa iba. At ang mga nagiging girlfriends nito ay hindi basta-basta wala siyang panama, sabagay siya lang naman ang nag-assume na may gusto ito sa kanya samantalang wala naman itong inaamin sa kanya. Inis na humiga siya sa kama sa mga pagkakataong ito ganito na mi-miss niya ang ate Zarah niya. Wala siyang mapag-sabihan ng kanyang sama ng loob, nag-asawa na ito at meron ng one year old na anak si Dindin. May sarili ng bahay ang ate niya at paminsan-minsan ay dumadalaw naman ito sa kanila. Ang kuya Erick niya ay nagbabalak na ring mag-asawa pero nag-iipon pa ito. Tumutulong na si Angela sa mga gastusin nila sa bahay, ang labis niya ngayong ipinagalala ay ang kalagayan ng tatay Boy niya dahil nagkasakit ito sa baga. Dalawang beses na itong na-confine sa ospital dahil sa lumalala nitong kundisyon, pero ayaw nitong manatili sa ospital mas gusto nitong sa bahay na lang nila magpagaling. Awang-awa siya sa kanyang ama ang laki na ng ipinayat nito at nakaratay na lamang sa kama, kapag nakaharap siyaa rito ay pinipilit niyang mag-pakatatag di bale ng mabaon sila sa utang ang mahalaga ay madugtungan pa ang buhay ng tatay niya. Pero may mga pagkakataon naluluha na siya pero pinipigilan niya lalo na pagkaharap ito ayaw niyang bigyan pa ito ng alalahanin lalot maselan ang kundisyon nito. Siya ang nahihirapan at nasasaktan para rito ang tanging Magagawa lamang niya ay ang maalagaan ito para kahit paano ay ma-iparamdam niya ang pagmamahal niya rito. Ang totoo ay tinaningan na ng doctor ang buhay ng kanyang amakaya pilit na nagpa-pakatatag ang kanilang pamilya at inihanda ang mga sarili sa maaaring mangyari. Kinabukasan ay tinanghali si Angela ng gising kaya ganun na lamang ang pagmamadali niya para hindi siya ma-late sa trabaho. Nang mapadaan siya sa silid ng mga magulang bahagyang nakabukas ang pinto kaya naisipan niyang silipin muna ang ama bago umalis. Matamis nitong ngiti ang sumalubong sa kanya pagkapasok niya sa silid, sumenyas ito na

lumapit siya sa kama. Kaagad naman siyang lumapit rito humalik siya sa noo nito bago naupo sa tabi nito. kumusta na ang bunso ko? mahina nitong tanong habang hinahaplos ang mahaba niyang buhok bilang paglalambing sa kanya. maayos naman ho tipid niyang sagot ssaka pinisil ang malamig nitong palad. nagiging pabigat nako sa inyo gumaralgal ang boses nito. Napailing naman ang dalaga sa tinuran nito. tatay huwag nga kayo mag-isip ng ganyan, kahit kailan hindi kayo nagging pabigat sa amin saway nya rito. Kaagad naman nitong iniba ang usapan nang mapunang naiiyak siya. si Vincent kailan babalik? tanong niya na iknabuntong-hininga ng dalaga baka hindi na ho, maganda na ang career ng devil nayon sa amerika malungkot niyang turan habang inaayos ang kumot ng ama. Kumuha rin siya ng bimpo para punasan ang namumuong pawis nito sa noo. pustahan tayo babalik iyon bunso! paniniyak nito habang nakatitig ng diretso sa anak. paano naman ho kayo nakasisiguro? kunot noong usisa niya rito na ikinatawa nito pero Kaagad itong natigil ng makaramdam ng pagkahapo at bahagyang napaubo. mahal na mahal ka nun eh! anito habang hinihimas-himas ang naninikip na dibdib. Naiiling na kumuha si Angela ng isang basong tubig sa pitsel na nasa side table kinuha na rin niya ang gamot para ipainom rito. ang tatay talaga! Kaibigan lang ho ang tingin sa akin ni Vincent pagbibigay linaw niya, noon pa man batid niyang gusto nito ang binata para sa kanya. hindi ko alam na may pagkamanhid ka pala anak hindi makapaniwalang saad ng kanyang ama matapos inumin ang gamot na iniabot niya. magpahinga na po kayo itay ayaw na niyang humaba pa ang kanilang usapan batid niyang pagod na rin ito at papasok pa siya sa trabaho. Inalalayan niya itong makahiga ng maayos.

hayaan mo bunso gagawa si tatay ng paraan para bumalik na rito ang prince charming mopangako yan saka siya nginitian. Hinalikan siya ni Angela sa pisngi at maingat na niyakap, agad siyang nagpaalam rito at tumalikod dahil hindi na niya napiglan ang maluha. Bandang tanghali nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina. Kaagad na sumikdo ang kaba sa dibdibniya nang sagutin ang cellphone niya. nay, bakit ho? pigil niya ang paghinga habang hinihintay ang sagot nito umuwi ka na ngayon anakhinihintay ka ng tatay mo garalgal ang boses nito ng magsalita Nag-undetime si Angela. Habang daan pauwi hindi mawaglit sa isip niya ang sinabi ng nanay niya. Dumating na ba ang araw na kinatatakutan niya? dagli siyang umiling hindi pa siya handa. Hindi niya kakayanin kung sakaling may nangyaring masama rito. Hindi pa halos tuluyang nakahinto ang taxing sinakyan niya sa harap ng bahay nila ay kaagad na niyang binuksan ang pinto. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay. wala siyang naabutang tao sa may salas kaya dumiretso siya sa taas sa silid ng mga magulang. Paakyat pa lang siya ng hagdan ay dinig na niya ang mga iyakan. Napahinto siya sa may pinto nakabukas iyon, nakita niyang nakapaligid sa kama ang kanyang ina at mga kapatid kapwa lumuluha at naghihinagpis. Nanghihinang nabitawan niya ang kanyang bag, napatingin ang mga ito sa direksyon niya kaagad siyang nilapitan ng kuya Erick niya para alalayan siya. Nang hihinang lumapit siya sa kama napakagat siya sa labi sa pag-pipigil na mapasigaw. Pinaupo siya ng kuya niya sa gilid ng kama, mataman niyang pinagmasdan ang ama. Para lang itong natutulog payapa ang mukha nito, inabot niya ang malamig na palad ng ama at pinisil iyon. Hindi siya makapaniwala na iniwan na sila nito, kaninang umaga lang ay kausap pa niya ito wala sa hinagap niya na iyon na pala ang huling pagkakataon niya na makasama ang ama. Sa isiping iyon ay tuluyan na siyang napaluha at napahagulhol. Tatay sa huling pagkakataon ay mahigpit niyang niyakap ang ama. Kinagabihan nag-send siya ng e-mail kay Vincent para ipaalam ang nangyari, hindi niya mapigilang muling mapaiyak habang ikinukwento niya ang nangyari. I wish you were here here ang huling mga salitang isinulat niya sa kanyang e-mail para sa binata. Inabot nang dalawang linggo ang lamay, sa lumipas na mga araw umasa siyang babalik si Vincent pero hindi nangyari. Nauunawaan naman niya ito alam niyang masyado na itong abala pero sana ay tumawag man lang ito sa kanya, talagang bale-wala na siya rito.

Sa araw ng libing maraming nakiramay sa kanilang pamilya. Naroon din si Janet at Danilo na sa simula pa lang ng lamay ay dinamayan na siya na labis-labis niyang ipinagpapasalamat sa dalawa. Nang matapos ang misa nag-alay si Angela ng awitin para sa ama paglisan ang napili niyang kantahin. Habang kumakanta hindi niya napigilang maluha ng dalaga. Tulala si Angela habang inilalagay na sa huling hantungan ang ama niya. Nasa magkabilang gilid niya si Danilo at Janet na nakahandang alalayan siya sakali mang mawalan siya ng malay. Nasa stage of denial parin si Angela hirap siyang tanggapin na wala na ang tatay niya. Mas gusto niyang isipin na isang masamang panaginiplang ang nangyayari, kung sanay may gumsing sa kanya sa bangungot na kinasadlakan niya. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng may nag-salita mula sa likuran nya. Angel anang baritunong tinig na nasa likuran niya. Pero tila walang narinig ang dalaga nakatitig lang ito sa nitso ng kanyang ama. Ang mga nakipaglibing ay isa-isa ng umalis. Napamaang naman si Janet at Danilo ng Makita ang nakatayo sa likuran nila. Vincent! sabay pang saad ng dalawa. Napukaw ng mga ito ang pansin ni Angela dahan-dahan itong lumingon. Samut-saring emosyon ang naramdaman niya pagkakitang muli sa kaibigan malaki ang ipinagbago nito sa pisikal na aspeto but deep inside alam ng puso niyang si Vincent ang nasa harap niya. Nilapitan siya nito at Mahigpit na niyakap. what took you so long? nasa tinig niya ang pagtatampo, pitong taon niya itong hinintay napaluha siya ng tugunin ang yakap nito. Im so sorry, ang dami ko pa kasing kailangang ayusin sa New York bago ako pinayagan ng kompanya na umuwi rito sa pilipinas paliwanag nito ang tatay gumaralgal ang boses niya pagka-alala sa ama kaagad naman siya nitong inalo at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya hindi alintana ang ibang tao sa paligid. pareho na tayong ulila sa ama walang tigil ang pag-agus ng kanyang mga luha na kaagad namang pinunasan ng binata sa pamamagitan ng mga daliri. we still have each other paniniyak nito sa kanya. May lungkot sa mga matang pinagmasdan nito ang libingan ni Mang Boy, may nakatirik ng mga kandila at bulaklak. tatay Boy, huwag na ho kayong mag-alala ako na ho ang bahala sa bunso ninyotutuparin ko po ang mga ipinangako ko sa inyo anito at pumikit para taimtim na manalangin. Tanda pa niya ilang oras bago matanggap ang e-mail sa kanya ni Angela ay

napanaginipan niya si Mang Boy. Pinauuwi siya nito sa pilipinas dahil kailangan daw siya ni Angela. aalagaan ko po at mamahalin ang anak ninyo bulong niya sa sarili Nang magpasya silang umuwi hinatid sila ni Vincent may dala Itong van. Nang nasa loob na sila ng sasakyan nakita ni Angela na may iniabot itong makapal na sobre sa kanyang ina, kaunting tulong daw nito sa kanila. Nagpaalam na rin sa kanila si Danilo may dala itong motorbikeat naki-angkas rito si Janet.

CHAPTER EIGHT Nakakabinging katahimikan ang sumalubong kina Angela pagkauwi nila nang bahay. Everything wont be the same, naisip niya habang pinag-mamasdan ang bahay nila. Ngayon pa lamang ay na mi-miss na niya ang tatay niya muling namuo ang luha sa kanyang mga mata kaagad naman niya iyong pinunasan ng maramdamang may umakbay sa balikat niya. It was Vincent mababakas sa anyo nito ang subrang pag-alala sa kanya. gusto mo bang mapag-isa muna? tanong ng binata. Ibibigay niya anumang hilingin nito maibsan lamang ang sakit na nararamdaman ni Angela. please dito ka lang muna samahan moko pakiusap niya rito ayaw niyang mapag-isa ng mga sandaling iyon lalo lamang siyang malulunod sa kalungkutan. Nakakaunawang tumango si Vincent at sinabihan na lamang si Mang Ray na mauna nang umuwi sa mansion dahil hindi pa nito maiwan ang kaibigan. Sinamahan niya ang dalaga sa silid nito, Nang humiga si Angela sa kama ay niyaya siya nitong tumabi rito na labis niyang ikinagulat hindi niya magawang kumilos mula sa kinatatayuan. sabi ni Manong Ray halos 24 hours ka nang wala pang tulog mula airport dumiretso kayo agad sa sementeryo Napabuntong hininga si Vincent ang totoo pagod nga siya sa haba ng kanyang byahe at marahil ay nahalata nito iyon. From New York ay lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa NAIA then nag-rent siya ng private jet patungong Iloilo, nais niyang makaabot man lang kahit sa pakikipag-libing. Ngayong nakahiga na siya sa kama at katabi pa niya si Angela saka niya naraDaman ang matinding pagod di niya napigilan ang mapahikab napuna niyang nakatitig sa kanya ang dalaga.

Ill take a nap aniyang nakangiti at ginawaran ng halik sa noo ang kaibigan bago pumikit. Dahil sa pagod ay agad naman itong nakatulog. Pinagmasdan ni Angela si Vincent habang mahimbing na itong natutulog. hanggang sa mga oras na iyon ay hindi parin siya makapaniwala na nasa tabi na niya ang kaibigan. Sinipat niya ang kabuo-an nito, sa lumipas na mga taon lalo itong naging gwapo ma-masel na rin ang katawan nito at sa tantiya niya nasa 61 na ang height nito samantalang siya ay 53 lang. marahan niyang hinaplos ang pisngi nito na bahagya ng tinutubuan ng balbas sa tingin nya lalo iyong nagpa-dagdag sa appeal nito pati na ang hanggang batok nitong buhok na naka brush-up. With his looks and appeal papasa itong Hollywood actor, hindi na naka-kapagtaka na maraming babae siyang kaagaw rito. Napangiti siya nang madako ang paningin niya sa mapupulang mga labi nito, ang mga labing nag-bigay sa kanya ng una niyang halik. Muli niyang pinagmasdan ang binata kung mahimbing parin ito sa pagtulog. Nang makatiyak siya unti-unti niyang inilapit ang mukha rito at padampi niya itong ginawaran ng halik sa mga labi at niyakap ng mahigpit. Kahit paano ay naibsan ang bigat sa kanyang dibdib dahil karamay niya ito at inaamin niya sa sariling matagal din niyang pinanabikan ang kaibigan. Dahil na rin sa ilang araw na pag-pupuyat at pagod kaagad rin siyang nakatulog. Dahan-dahang dumilat si Vincent nang masigurong nakatulog na ang dalaga. May ngiti sa mga labing tinitigan niya ang katabi inakala nito na nakatulog na siya pero ang totoo ay nakikiramdam lamang siya rito. But never in his wildest dream na nanakawan siya nito ng halik! But God ganun na lamang ang pag-pipigil niya sa kanyang sarili na huwag tugunin ang halik nito Muli naman siyang napangiti sa sarili may pagkapilya din pala ang anghel niya. Kinabukasan nagising si Angela sa mahihinang pag-haplos sa kanyang buhok. One set of deep blue eyes sparkling with delight ang sumalubong sa kanyang paningin. good morning Angel malambing nitong bati sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Bigla namang nailang ang dalaga lalot bagong gising siya. Tiyak niyang nagmamantika pa ang kanyang mukha at magulo pa ang buhok niya. Nang tingnan niya ang katabi ay napasimangot siya and pleased at the same time. Dahil kahit bagong gising gwapo parin at mukhang mabango si Vincent. Napangiti ito ng Makita ang pagkailang niya, tatalikod na sana siya ng piligan siya nito sa braso at pilit siya nitong iniharap. you know what Angel? Youre the most beautiful woman Ive ever seen kahit na bagong gising anito at pinakatitigan siya ng may pagsuyo. yeah right! naitirik niya ang mga mata hindi siya magpapabola rito. Pero sa pagkagulat niya ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.

you want proof? hamon nito sabay lapit ng mukha sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ni Angela alam niya ang nais nitong mangyari gusto siya nitong halikan. Nang gahibla na lang ang pagitan sa kanilang mga labi ay awtomatikong napapikit siya Nang walang anu-ano ay biglang bumukas ang pintuan at papasok si Zarah. ay! gulat nitong turan nang makitang nasa akto sila na maghahalikan. Tila napapasong kaagad namang lumayo si Angela sa kaibigan. hey Zarah, whats up? pabale-walang bati naman ni Vincent pigil niyang mapangiti ng parehong mamula ang pisngi ng magkapatid. Nakalimutan nyang nasa pilipinas na nga pala siya at kahit paano ay conservative parin ang mga tao rito. pinagigising na kayo ni nanay para mananghalian anitong nakangiti na nang mak abawi, pero nanunukso ang kislap ng mga mata nito bago sila iniwan. Nang muli silang mapagsulo ay malakas na hinampas ni Angela si Vincent sa braso na ikinatawa lang nito. buti na lang si ate ang pumasok dahil kung si nanay sa simbahan ang bagsak natin! pananakot niya rito na lalo lang nitong ikinatawa. too bad lihim siyang nakaramdam ng panghihinayang, dahil kung nagkataon na ang nanay nga nito ang umakyat at nakita sila sa ganung sitwasyon wala na sana siyang problema kung pipikutin man siya para narin siyang pinilit sa gusto niya. Gusto tuloy niyang manatili pa roon bakasakaling si Aling Fely na ang sumundo sa kanila. Pero matapos ayusin ng dalaga ang kama ay kaagad na siya nitong hinila palabas ng silid. Sa lumipas na mga araw kahit paano ay naibsan ang pagdadalamhati ni Angela sa tulong ni Vincent. Halos araw-araw ay nasa bahay nila ito just like the old times at hatid sundo pa siya nito sa trabaho. Madalas din silang mamasyal kung minsan ay kasama pa nila sina Janet at Danilo. girl umamin ka nga kayo na ba? tanong sa kanya ni Janet. Magkasama silang apat at katatapos lang manuod ng sine. Nasa food court sila ng robinsons mall naiwan silang dalawa Sa inukupahan nilang mesa. si Niloy at Vincent naman ay magkasamang umorder ng makakain nila self service kasi doon. alam mong magkaibigan lang kami tipid niyang sagot saka inabot tanaw ang dalawang binata na nasa di kalayuan, theyre both handsome in a different ways. Parehong matangkad at macho ang pangangatawan, mestizo si Vincent, Moreno naman si Danilo. Vincent is like a hunk

sa suot nitong polo shirt na tinupi ang manggas hanggang siko with matching white slacks kay linis nitong tingnan. While Danilo is wearing a rugged bad boy get-up, puting t-shirt na hapit sa katawan with black leather jacket at kupas at punit-punit na maong. kapansin-pansin din ang lampas balikat nitong buhok na nakatali. Wala siyang tulak kabigin sa magkaibigan parang Tom Cruise and Brad Pitt! Nakangiting pinagmasdan niya ang dalawa habang pabalik sa kanila na may dalang tray. Hindi na niya pinagtakhan na maraming babaeng napapatingin sa mga ito. Napailing si Angela nang makitang sangkaterbang pagkain ang inorder ng mga ito. Dahil magkatabi sila ni Janet pumuwesto ang mga ito sa harap nila at pinagsilbihan sila. ang dami nitong inorder nyo kaya ba natin itong ubusin? halos mapuno ang mesa nila ng ibat-ibang klase ng putahe. kaya yan, may kasama yata tayong matakaw! tukso ni Niloy na ang tinutukoy ay si Janet na dalawang buwan ng buntis at ngayon nga ay naglilihi. Tatlong taon na itong kasal at isang overseas ang napangasawa nito na nakilala nito nung colleged years. Si Danilo naman ay masyadong gala at hindi mapirmi sa isang lugar kaya wala pa itong seryusong relasyon. Gaya ng inaasahan naging matakaw nga si Janet halos wala itong kabusugan at parang may balak pang makipag-karerahan sa dalawang binata. naku Janet baka lumubo ka niyan ang hirap magpapayat! paalala niya sa kaibigan. I cant help it sarap kumain eh! Ewan ko ba lagi akung nagugutom anito at tuloy parin sa pagkain. here you should try this agaw ni Vincent sa atensyon niya at sinubuan siya ng lasagna. Na ikinataas naman ng kilay ni Janet. may magkaibigan bang nagsusubuan? pagpaparinig nito pero lumabi lang siya rito ang showbiz!, hoy Niloy di ba magkaibigan tayo? Subuan mo rin ako utos niya sa kaharap na kaagad naming sumunod. Sinubuan siya nito ng isang kutsarangice cream na ikinasamid nito, natatawang inabutan ito ni Vincent ng tissue. Napaisip naman si Angela habang tahimik na pinagmamasdan si Vincent, maging siya ay naguguluhan na rin ano nga ba sila friends? or lovers?. Bandang alasdos ng hapon nagre-relax si Angela sa likod bahay nila palibhasay maraming punong nakapaligid doon kaya mahangin at hindi mainit. Nakahiga siya sa may duyan habang kumakain ng durian na nabili ng nanay niya kanina sa palengke. Nasa kasarapan siya ng pamamahinga nang dumating si Vincent nakangiti itong lumapit sa kanya pero dagli rin iyon nawala nang may napuna.

what the hell is that smell? anito sabay lingon sa paligid para hanapin kung saan nanggagaling ang mabahong amoy. Hindi umimik ang dalaga batid niyang ang kinakain niyang durian ang na aamoy nito. Pinigil niyang mapangiti habang tuloy parin sa pagkain. Hanggang sa madako ang pansin nito Sa hawak niyang platito at sa laman niyon na inamoy nito. ano ba yang kinakain mo ang baho! angal nito sabay takip ng ilong durian, maamoy lang siya pero masarap tikman mo akmang susubuan niya sana ito ng isang piraso pero kaagad itong lumayo sa kanya sabay takip ng bibig, kaya siya na lamang ang kumain na ikinangiwi nito. why you filipinos loves to eat smelly foods? Like bagoong for an instance! he ask in full amazement. hoy mister baka nakakalimutan mo pinoy ka rin! natatawang paalala niya rito. Nagkibit-balikat lang ito at naki-siksik sa kanya sa may duyan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang umurong para bigyan ito ng space, humiga rin ito kaya umunan siya sa mamasel nitong braso. kung nandito lang si Niloy tiyak pagtatawanan ka nun durian lang hindi mo pa kayang kainin! kantiyaw niya rito dahil naiilang siya sa ayus nilang dalawa masyadong magkadikit ang katawan nila sa isat-isa. Bigla namang nagbago ang mood nito dahil sa pagkakasambit niya sa pangalan ng kaibigan. Walang sabi-sabiy hinablot nito ang platito sa dalaga at inisang subo ang tatlong natitira pang piraso ng durian. Inis itong nakatitig sa kanya habang ngumunguya. satisfied? tanong nito matapos lunukin ang kinain. Nakangiti namang tumango ang dalaga. Nang mag bago ng posisyon si Vincent at humarap sa kanya saka unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. W-what are you doing? aniyang kaagad na kinabahan dahil napuna niya ang kakaibang kislap sa mga nito na para bang may binabalak itong kalokuhan. claiming my prize bulong nito saka inangkin ang mga labi niya.

Bagamat nabigla sa ginawa nitong kapangahasan ay nakaramdam ng tuwa si Angela kay tagal niyang pinanabikan ang mga labi ng kaibigan. Unti-unti ay tumugon siya sa halik nito kaya lalo pang naging marubdob ang mga halik na ipinagkaloob sa kanya. Ramdam ni Angela na tila may kuryenteng gumagapang sa bawat ugat ng kanyang katawan na gumigising sa kanyang sistema. Kapwa na sila natatangay sa kanilang mga emosyon nang walang anu-ano biglang naputol ang sangang kinatatalian ng lubid ng duyan kasabay noon ay ang pag-bagsak nila sa may damuhan. Pareho silang nagulantang at sabay na napadilat, mabuti na lamang at mababa lang ang duyan at hindi sila gaanong nasaktan. Kapwa sila humihingal habang nag-kakatitigan, nakadagan si Vincent sa kanya kaya hindi niya magawang tumayo. Nang maka-recover ay sabay pa silang natawa, umalis sa pagkakadagan sa kanya ang binata at inalalayan siyang tumayo. Inayos ni Angela ang nagusot na buhok nakatlikod siya sa binata dahil hindi niya makuhang tumingin ng diretso rito natatakot siyang mabasa nito ang totoo niyang damdamin para dito baka iyon pa ang ikasira ng pagkakaibigan nila. But come to think of it may magkaibigan bang naghahalikan? Napailing ang dalaga sa sarili naguguluhan na talaga siya sa sitwasyon nlang dalawa pero wala naman siyang lakas ng loob na tanungin ito. Angel pukaw ni Vincent sa biglang pananahimik niya, nag-alala ito na baka nagalit ang kaibigan dahil sa ginawa niyang paghalik rito. hmm? aniyang hindi parin makatingin rito ng diretso. Dinampot niya ang nahulog na platito sa damuhan ramdam niyang nakamsid ito sa kanya. masarapit taste so sweet anitong tila nangangarap. Nakangiting nilingon na siya ng dalaga. sabi sayo masarap ang durian eh Napataas angkilay ni Vincent sa tinuran niya then he smiled teasingly bago lumapit sa kanya at niyuko siya. my innocent Angel, Im not talkinbout the fruit pagtatama niya rito. Saglit namang napaisip ang dalaga nang ma-realize niyang ang halik na pinagsaluhan nila ang tinutukoy pala nito ay agad syang pinamulahan ng mukha na ikinatawa ng binata. Kaagad syang tumalikod at baka mahagis lang niya rito ang hawak na platito. Nang muli siya nitong tawagin, nakasimangot na lumingon siya rito. ano na naman? huwag itong magkakamaling asarin pa siya kung ayaw nitong tamaan ng flying saucer sa mukha!

bukas uli ha bigyan moko ng durian pang-aasar pa nito

ay ambot! Umuwi ka na nga! taboy niya pero sumilay ang ngiti niya ng talikuran ito

CHAPTER NINE Naiinip na si Vincent habang nasa waiting area. Mahigit isang oras nang delayed ang eroplano. Nasa Cabatuan airport siya at hinihintay ang pagdating ng pinsan niyang si Jeff. Last week ay tumawag ito sa kanya nalaman nito buhat sa ate Nicole niya na nagbabakasyon siya ngayon sa pilipinas. Hindi na siya nakatanggi ng sabihin nito na susunod ito sa kanya sa Iloilo, may mabigat na pinag-dadaanan ngayon ang pinsan niya nakipag-divorce rito ang asawa nitong si Michelle dahil mas pinahalagahan nito ang career kaysa ang magkaroon nang anak. Nang malaman ni Angela kaagad itong nagyaya na sumama sa kanya papunta ng airport tila excited itong muling Makita si Jeff. Malalim siyang napabuntong hininga bago muling tiningnan ang sout na wrist watch. Nang sa wakas lumapag na ang eroplanong lulan ng pinsan niya. Tinungo nila ang arrival area at doon naghintay, maya-maya langay nakita na niya ang pinsan na papalabas. hey Jeff! Over here! tawag niya rito. Kaagad naman sila nitong nakita at kinawayan hila-hila nito ang maleta na lumapit sa kanila. Una naman nitong napansin ang dalaga. Angela? anito ng makaharap siya. Matamis naman niya itong nginitian bilang tugon wow! You look great hindi maikakaila ang paghanga sa kislap ng mga mata nito habang sinisipat ang kabuoan niya saka siya nito niyakap ng mahigpit akita close din naman sila noon. Pero kaagad na pumagitna sa kanila si Vincent at pasimple nitong inilayo ang pinsan kay Angela mula sa pagkakayakap. tama akita! PDA kayo masyado! saka pinukulan ng matalim na tingin ang pinsan Napaatras naman si Jeff sa nakitang reaksyon nito at nakangiting nag-peace sign. Nang makuha na ang mga bagahe nito ay kaagad na itong niyaya ni Vincent sa kotse pero tumanggi ito dahil mayroon pa raw itong hinihintay. Balak pa sana itong tanungin ni Vincent nang may tumawag sa kanyang pangalan buhat sa likuran pamilyar sa kanya ang boses na iyon kaya agad siyang napalngon. Sofia! tukoy niya sa babaeng palapit sa kanila, his girlfriend.

Nagkakilala ang dalawa sa isang bar sa New York and they get along so well. Sofia is independent out going and a career woman. Nang makalapit ito sa kanya kagad siya nitong niyakap ng mahigpit at siniil ng halik sa labi ni wala itong pakialam sa mga taong naroon. Nagulat si Angela sa ginaang paghalik nang amerikana kay Vincent batid niyang may relasyon ang dalawa base sa mga ikinikilos nito. Kumirot ang kanyang dibdib sa natunghayang eksena kaya nauna na lamang siyang bumalik sa sasakyan ayaw na niyang Makita ang paglalambingan ng mga ito. Unang bumitaw si Vincent sa kasintahan tensyunado siya habang hinahanap nang paningin niya si Angela pero hindi niya ito Makita. what are you dong here Sofia? kunot noong baling niya sa kasintahan I want to surprise you, arent you glad to see me? nasa tinig nito ang pagtatampo. lets go the cars waiting pag-iiba niya sa usapan at nauna ng tinungo ang parking lot. Naabutan nilang tahimik na nakasandal sa kotse niya si Angela waring may malalim itong iniisip. Kaagad namang tumulong si Mang Ray sa mga dala nilang bagahe. Sa bandang unahan ng kotse umupo si Angela tumabi rito si Jeff sa likuran naman pumwesto ang magkasintahan. Nang lingunin niya ang mga ito ay lalo siyang nadismaya dahil magkahinang na naman ang labi ng dalawa. Kaagad siyang nagbawi ng tingin at binaling na lamang niya ang kanyang pansin sa katabing si Jeff at nakipag-kwentuhan rito. wala kang karapatang magalit Angela bestfriend ka lang at hindi girlfriend sita niya sa sarili. Panay ang tawa niya sa mga biro sa kanya ni Jeff but deep inside ay tila pinipiga na ang kanyang puso gusto na niyang makauwi sa bahay nila bago pa siya tuluyang bumigay. Nang dumating sila sa mansion ay kaagad na nag handa ng meryenda si Aling Loli. Pero tumanggi si Angela at nagpaalam ng umuwi, ihahatid sana siya ni Vincent pero hindi pumayag ang nobya nito. honey Im so tired from a long trip cant we just stay here? Im sure your bestfriend will undersand pinakadiinan pa nito ang salitang bestfriend. Its ok andyan naman si Mang Ray para ihatid ako pauwi inunahan na niya si Vincent naraamdaman niyang tila mabigat ang dugo sa kanya ni Sofia. Ill come with you prisinta ni Jeff at hinila na siya patungo sa may van para hindi na siya makatanggi.

Napatiim-bagang si Vincent nang makaalis ang dalawa. Kahit akita bantay salakay talaga ang pinsan niya kay Angela. At ito namang kaibigan niya dumating lang si Jeff ay binalewala na siya. Hindi tuloy niya maiwasang magtampo rito. Lumipas ang mga araw halos hindi na magkita sina Angela at Vincent dahil ayaw Humiwalay ni Sofia sa kasintahan. Kaya ang nangyayari si Angela at Jeff ang madalas na magkasama sa pamamasyal. Para sa dalaga ay Masaya naman itong kasama ngunit hinahanap-hanap parin niya ang presensiya nang kaibigan. Ilang gabi na siyang hindi makatulognang maayos dahil sa kaiisip rito at kay Sofia. Sa ganda pa lang nito ay wala na siyang laban. Curly brunette hair, green eyes, flawless skin and perfect figure. In short para itong buhay na Barbie doll, at siya para lang isang rug doll kung ikukumpara sa nobya nito. Panay ang iyak ni Angela habang nag-kukwento kay Janet ng mga sama ng loob niya. Hindi na kasi niya kaya ang bigat na naraamdaman kaya pinuntahan niya ito sa bahay. Nakakaunawa namang inalo siya nito. ano na ang plano mo ngayon? tanong ni Janet matapos siyang abutan ng isang basong malamig na tubig. Nasa terrace sila ng sandaling iyon at nagpapahangin katatapos lang niya sa pag-iyak. ayoko nang umasa akita ayoko na ring masaktan ibabaling ko na kay Jeff ang feelings ko. Sa tingin ko hindi naman siya mahirap mahalin aniya habang nakatingin sa malayoakitalang nagpahiwatig na sa kanya ang binata . Mahigpit siyang niyakap ni Janet bago ito nag-excuse para ikuha siya ng meryenda. Nang nasa kusina na ito kaagad itong tumawag sa cellphone. we have to do something nagkakalabuan na ang dalawa! balita niya sa kausap sa kabilang linya. May pag-alalang kinuwento niya ang napag-usapan nila ni Angela. pagsabihan moyang manok moha baka makatay ko yan! galit akita ni Janet bago Patayin ang cellphone at kaagad ng binalikan si Angela sa terrace dala ang meryenda nito. Napabuntong hininga si Danilo matapos patayin ang cellphone nito. Tinawagan siya ni Janet at ipinaalam nitong naroon sa bahay nito si Angela umiiyak at na mumuroblema sa kaibigan niya. Ang totoo ay nasa apartment din niya si Vincent, sabi na nga ba niya at may problema dahil dumating ito na may dalang beer in cans at pulutan. Tanghaling tapat pero niyaya siyang mag-inuman. Heto ngat tila may tama na ang katabi niya na nakaupo sa sofa namumula na ang pisngi nito dahil sa nainom.

hindi ko na alam ang gagawin ko pare nanlulumong turan ni Vincent saka muling tumungga ng beer. No matter how hard he tried to reach his Angel there seems an invisible wall between them nadi niya kayang tibagin. why dont you just tell her you love her suhestiyon sa kanya ni Niloy I cant! even if I want to I just cant ganoon nalang ang pag-iling nito. alam mo ang labo mo uminom na nga lang tayo! naguguluhang napakamot ito sa ulo hindi niya maunawaan ang kaibigan pero batid niyang nahihirapan na ito. cant you see? Im so damn scared to lose her! Alam mong hindi ako tumatagal sa isang relasyon ayoko siyang masaktan! mas nanaisin pa niyang siya na lang ang nagdurusa at least mananatili silang magkaibigan ni Angela. nanliligaw daw ang pinsan mo kay Angel ok lang ba iyon sayo? akita Makita ni Niloy kung ano ang magiging reaksyon nito. At hindi naman siya nabigo nakita niyang biglang tumalim ang asul na mga mata nito. wala na akung magagawa sa bagay akita anitong nakasimangot at tumungga ng beer. Napangisi naman ang kaibigan sa tinuran nito at inakbayan siya. ngayong nagpaparaya ka na, siguro pwede ko nang ituloy ang matagal ko ng binabalak maang na napatitig ito sa kanya. kung ok sa iyong ligawan ng pinsan mo si Angela, then pwede na rin siguro akung manligaw sa kanya Kaagad namang uminit ang ulo ni Vincent sa tinuran nito. Galit nitong ibinagsak sa mesa ang hawak na beer. kaibigan ba talaga kita? tumayo ito mula sa kina-uupuang sofa na nang-uusig ang mga mata. Nakangisi namang pinagmasdan siya ni Niloy. Oo naman kaya nga mamahalin ko siya para sayo pagbibigay assurance niya rito no way! napatiimbagang ito at naikuyom ang mga palad parang gusto na niyang umbagin ang kaharap. ang damot mo naman, may Sofia ka na nga tapos gusto mong sayo rin si Angela? pang-uusig niya rito.

shut up or Ill kill you! banta niya rito. Tumigil naman ito ng makitang galit na siya look Devil if you really love her then fight for her! Or else aagawin ko siya sayo! bantang totoo niya rito. It was Dinagyang Festival that Sunday. Nagkayayaan ang magkaibigan na gumala sa siyudad isinama rin nila sina Sofia at Jeff na nag-enjoy naman ng husto sa festival. Na aliw sila at humanga sa magaganda at makukulay na akitag mga kalahok na tribe. Isinara ang mga main road para sa mga taong manunuod nagkalat din ang mga turista at balikbayan. Mayroon ding food festival kaya maraming mapagpipilianna kainan, kabilaan din ang mga nagtitinda ng souvenier items. Maingay ang paligid dahil sa kaliwat kanang naglalakihang sound system.Malayang Nag-sasayawan sa gitna ng daan at nagbabatian ang mga tao kahit na hindi magkakilala. Nakaantabay naman ang maraming pulis at akita para masiguro ang kaligtasan ng lahat. Nag-enjoy silang anim sa paglilibot, panay din ang kuha ng mga litrato ni Jeff nang mapagod ay napagpasyahan nilang kumain sa isang seafoods stand. May live local band na nagpe-perform doon pinili nilang pumuwesto sa unahan habang kumakain ay enjoy pa sila sa pakikinig. sino sa inyo ang akita maki-jamming sa amin? anang babaeng vocalist. Kaagad namang itinuro niVincent at Danilo si Angela. Ayaw pa sana ng dalaga dahil nahihiya siya pero nilapitan siya ng vocalist at hinila paakyat ng stage at tinanong siya kung ano ang alam niyang kanta. Napili niyang kantahin ang RUDE BOY , na awit ni rhianna. At mukhang nagustuhan naman ng mga manunuod dahil naghiyawan ang mga tao ng magsimula na siya. MORE! sigaw ng mga manunuod matapos niyang kumanta. Nang mapatitig siya kay Vincent ay isang awitin lang ang pumasok sa isip niya. Ive known you for so long you are a friend of minebut is this all wed ever be? natahimik ang lahat at matamang nakinig sa kanya. Siya naman ay kay Vincent lang nakatingin, Nang yakapin ito ni Sofia at halikan sa labi. Napakagat- labi siya masakit para sa kanya na pagMamay-ari na nang iba ang lalakeng minamahal nya, marahil hindi talaga sila para sa isat-isa. Matapos kumanta ay kaagad na siyang bumaba ng stage kahit nagre-request pa ang mga tao na kumanta pa siya ulit. Hindi muna siya dumeritso sa mesa nila sa halip ay lumayo siya kailangan niya ng space naninikip ang dibdib niya at tuluyan na siyang napaluha. Angela, you were great out there! puri sa kanya ni Jeff na sinundan pala siya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha pero huli na dahil nakita na iyon ng binata. are you ok? may pag-alalang lumapit ito sa kanya

I cant take this anymore, it hurts so much aniyang akita at tuluyan ng hinayaang umagos ang kanyang mga luha. Nakakaunawang niyakap siya nito ng mahigpit at hinayaang umiyak sa mga bisig nito. Kaagad na tumalikod si Vincent nang makitang magkayakap ang pinsan niya at si Angela sa hinuha niya ay may unawaan na ang dalawa. Madilim ang anyong lumayo siya pero nakasunod din pala sa kanya si Sofia. whats wrong? tanong nito ng akita siyang parang galit lets go home yaya niya rito at nilampasan ang girlfriend Its Angela isnt it galit na rin ito dahil sa nakitang reaksyon nang binata. Pero hindi ito umimik at nagpatuloy lang sa paghakbang patungo sa parking lot. mukhang palpak na naman ang plano mo Janet kantiyaw ni Danilo sa kaibigan dahil sa mga nangyayari. Inis itong hinampas siya sa braso bago nilapitan si Angela at Jeff. Nang sumunod na araw dinalaw ni Jeff si Angela sa bahay nito. Minabuti ng dalaga na tapatin ito na kaibigan lang ang turing niya rito. Im so sorry Jeff paghingi niya ng paumanhin rito I understand, but I hope we can still be friends anitong nakangiti bagamat may lungkot sa mga mata. Oo naman, halika nga rito tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. Good bye kiss na rin niya dahil babalik na ito ng amerika kinabukasan kasama si Sofia. Nakangiting niyakap siya nito ng mahigpit. In a distance, Vincent watching them with cold expression his eyes narrowing. Nasaktan siya sa nakitang paglalambingan ng dalawa kaya tumalikod na siya at umalis. Kagabi ay kinausap na niya si Sofia at nakipaghiwalay na siya rito at inamin niyang si Angela talaga ang mahal niya. Nagparaya ito at napagpasyahan nang bumalik ng amerika. Pinuntahan niya ang kaibigan para aminin na ang tunay na nararamdaman pero huli na ang lahat. CHAPTER TEN Nagdidilig nang halaman sa harap ng bahay si Angela nang Makita niyang paparating ang humaharurot na motorsiklo ni Niloy at kaangkas pa nito si Janet. Kaagad itong bumaba ng motor at humahangos na nilapitan siya.

dahan-dahan ka nga baka madulas ka saway niya sa kaibigannpagkasalubong rito buntis ito at nasa maselan na kalagayan. sabi ni Niloy aalis daw ngayon si Vincent babalik na siya ng amerika balitanito sa kanya. ano? Pero wala siyang sinasabi sa akin na aalis siya! nataranta na siya aalis itong ni hindi sila nagkakalinawan. kaya halika na maaabutan pa natin siya turan ni Danilo at kaagad nang pinaandar ang motorsiklo. Dali-daling umangkas na rin siya rito at mahigpit siyang yumakap sa beywang ni Janet at halos lumipad na sila sa ere dahil sa bilis ng pagmamaneho nito. Pagkarating nila ng mansion ay naroon si Mang Ray na tila nag-aabang para pagbuksan sila ng gate. si Vincent ho? tanong niya pagkababa ng motor nasa kwarto nag-eempake dali puntahan mo na anang driver Tumakbo na siya papasok ng mansion. Susunod pa sana sa kanya si Janet ng harangan ito ni Niloy. moment nila iyan dito ka na lang Naabutan nang dalaga si Vincent sa silid nito na nag-eempake nagulat pa ito sa biglang pagsulpot niya sa may pintuan. Pero saglit lang iyon at muli itong ngpatuloy sa ginagawa na may pagmamadali. aalis ka ngaiiwan mo na naman ako nang hindi nagpapaalam? may bahid ng pagdaramdam na turan niya. I think its better this way anitong napabuntong hininga ni hindi nito magawang tumingin sa kanya. diba nangako ka kay tatay na hindi mo na ako iiwan? Youve promise! pa-alala niya rito. andyan naman ang pinsan ko he will take good care of you Ibig ng maiyak ni Angela dahil parang bale-wala na siya rito pero hindi siya susuko ipaglalaban niya ang damdamin niya para dito.

pero iba ka youre my bestfriend at pinutol ni Vincent ang iba pa sana niyang sasabihin at Galit itong humarap. Angela ano pa ba ang gusto mo? Cant you see? Nahihirapan na ako gusto kung magpakalayo dahil hindi ko kayang Makita ka sa piling ng iba! hindi kita maintindihan napailing siya all these years pinilit kung pigilan ang damdamin kopero mahirap kalabanin ang puso Angela I cant take this anymore! Pero anong magagawa ko kung kaibigan lang ako para sayo W-what do you mean? naguguluhan na siya sa pinagsasabi nito Out of depression ay naihagis nito sa isang sulok ng silid ang hawak na damit saka nagpalakadlakad ito para pakalmahin ang sarili. I want you but I cant have you damn it! Cause youre my bestfriend! Tulalang napatitig rito si Angela, tama ba ang pagkakarinig niya?could it be na may pagtingin din ito sa kanya?. Malungkot namang napayuko ang binata habang inaayos ang pagkakalock ng maleta nito bago siya muling hinarap. but Im willing to give you up kahit na masakit ito para sakin, cause I want you to be happy Nag-panic si Angela ng patungo na ito palabas ng pinto kaagad siyang humarang sa harap nito. sumusuko ka na ba? hindi siya makapaniwala na basta na lang siya nito iiwan ngayon pa na sigurado na siyang may damdamin din ito sa kanya. wala na akung magagawa kung si Jeff ang mahal mo napahigpit ang hawak nito sa maleta pagkabanggit sa pinsan. hindi ko mahal si Jeff tanggi niya sabay iling. Nabitawan naman nito ang hawak na maleta at maang na napatitig sa kanya but I saw you kissing him yesterday! he accused

halik lang iyon sa pisngi bilang pamamaalam sa isang kaibigan diba bumalik na siya sa states? paliwanag niya rito napangiti na siya nang mahinuhang nagseselos ito. Hindi naman ito nakaimik at dagli itong napaisip, saka siya hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat. wala kayong relasyon ng pinsan ko? magkaibigan lang kami paniniyak niya rito Vincent stared fixedly at her face in total silence then a stain of red running along his angular check bone. That very moment she saw his heart in his eyes the mask stripped away his feelings laid bare. I LOVE YOU MY ANGEL he said hoarsely and I love you my Devil ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. They both been scared to tell how they feel to one another. oh thank God! I thought Ill lose you forever niyakap niya ito ng mahigpit Napapikit si Angela nang namnamin ang mainit nitong yakap, all she wanted was to love and be love by the man she adore so much! And she also thank God for it, for giving him the man that she truely love. Angel can you still be my bestfriend? maya-maya ay tanong nito. always nginitian niya ito at kinurot sa may ilong will you be my girl? masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya Idd love too natawa siya sa pag-papacute nito. then would you mind if I ask you to be my wife? he whipered to her ears. She stared at him for a moment in shocked disbelief. Suddenly tears of happiness shed in her eyes. YES!...Yes! I will mary you! sagot niya habang naluluha. Then he swept her into his arms crushing her against him. Pressing her tightly na para bang ayaw na siyang bitawan pa then claim her lips.

finally anang masayang boses mula sa kanilang likuran. Napalingon ang dalawa, nakita nila si Danilo na nakatayo sa may pinto kasama si Janet na nagpupunas pa ng luha dahil sa katuwaan. bilib ka na ba Janet? Mas magaling akung magplano kaysa sayo anang binata. Hinampas naman siya nito sa sikmura. anong ibig mong sabihin? maang na tanong ni Angela at napatingin sa tatlo humingi kasi ako ng tulong sa kanila anitong nahihiya habang napapakamot sa ulo Naguguluhang napatitig si Angela sa mga ito. Kaagad namang nagpaliwanag si Janet. huwag kang magalit ha, wala naman talagang balak umalis si Vincent drama lang ano? So niloloko nyo lang palako! nanggagalaiting hinarap niya ang tatlo Im sorry my Angel but Ive got no choice at desperado na ako I ask for their help si Niloy ang nagplano ng lahat pag-aminnito. Kunot-noo na lumapit siya kay Danilo at pinameywangan ito. ikaw pala ang mastermind Angela gusto ko lang naman kasing magkaayos na kayo tense ito habang nagpapaliwanag. Sa pagkagulat nito ay hinalikan siya ni Angela sa pisngi at niyakap ng mahigpit thanks Niloy, kung hindi pala dahil sayo hindi pa kami mag-kakaunawaan ng torpe mong kaibigan Natawa naman ito sa sinabi niya hindi ako torpe ha! angal ni Vincent na narinig ang sinabi niya hindi nga ba? Inabot ka lang naman ng seven years bago nagtapat! baling niya rito at bumitaw na siya kay Danilo. pagdating lang naman sayo na totorpe ako but Ill make it up to you pangako nito sabay yakap sa kanya. Tahimik lang na nakamasid si Danilo sa paglalambingan ng dalawa ng lapitan siya ni Janet.

hindi ka ba na iinggit Ang sweet nila no? Sinikap niyang huwag pansinin ang makulit na kaibigan pero aminado siya sa sariling naiingit siya sa mga ito. How he wish na matagpuan na rin niya ang babaeng mamahalin. alam mo may kakilala akung bagay sayo oh, no may hinuha siyang siya naman ngayon ang prospect nitong hanapan ng partner kaagad siyang lumabas ng silid para makalayo dito. Pero kaagad naman siya nitong sinundan narinig pa niya ang malakas na tawa nina Angela at Vincent. MY sweetest surrender EPILOGUE May ngiti sa mga labing pinagmasdan ni Vincent ang altar. Who would have thought after seven years ay muli siyang makakaapak sa simbahan ng Molo. Na-realize niyang nagkaroon pala siya ng pangitain noon. Na ngayon nga ay nagaganap na, His in front of the altar and waiting for her lovely bride, which is now walking down the aisle habang inaawit ang kantang IKAWng mga dating kasamahan sa choir ni Angela. nakita niyang naluluha ang kanyang ina at si Nicole habang si Jeff ay inaabutan sila ng tissue katabi ng mga ito sa upuan ang pamilya ng dalaga. He smiled ng makitang Halos lahat ng classmates nila sa high school ay naroon pati na ang kanilang varsity team its like a reunion. Salamat sa maide of honor nilang si Janet na siyang nag-tiyagang tipunin ang mga ito, very blooming ito kahit na kabuwanan na nito.Nang mapuna niya ang walang puknat na pagkakatitig ng bestman niya sa kanyang bride. back off man, shes mine paalala niya rito na ikinatawa lang nito Oo na! hanggang ngayon ba naman nagseselos ka parin? your so lucky bro turan ni Niloy. I know aniyang nakangiti nang nasa harap na niya si Angela at magkaagapay nang lumuhod sa harap ng altar. Habang nakatitig rito, He thank God for giving him an Angel to love and to cherish for the rest of his life.

Chapter One BUWISIT talaga. Argh! kanina pa naghihintay ng masasakyan si Andie. Tumingin siya sa kanyang relo. Late na siya sa kanyang job interview ngayon. This was the job shes been waiting for. Ilang buwan na din siyang naghahanap ng trabaho. Kung hindi lang siya sinesante sa

kanyang dating pinagtratrabauhan. Peste kasi ang asawa ng amo niya, pinagselosan siya. She cant accept it. Nawalan siya ng trabaho dahil sa selos at hindi dahil sa incompetence! Imagine! Muli niyang sinipat ang kanyang relo. Limang minuto na lang mag-e-eight oclock na. Kaasar! Kung bakit ba naman kasi kagabi pa napili ng tukong boyfriend niyang bigyan siya ng isang napakalaking sorpresa. He just announced something that really mattered to her. Sinabi lag naman nito na hindi nito kayang mabuhay nang wala siyang mana kaya susundin nito ang mga magulang na hiwalayan siya at pakasalan ang ex nitong mayaman. Napailing na lang siya. To think that I expected that he will propose to me. Gago siya! Dapat hindi na lang siya naniwala sa mga pinagsasabi nito. Dapat noon pa lang nakinig na siya sa mga sinabi ng kanyang mga kaibigan na walang idudulot na maganda ang lalaking iyon. yes, tama ang mga kaibigan niya na tamad ito at umaasa lamang sa mana ng mga magulang nito. Na minsan din ay pagkaangas ito ngunit hindi siya tumigil sa paniniwalang kaya niya itong baguhin. Despite those bad sides of him he had great deal of good sides. Maasikaso ito sa kanya, caring at mabait din naman ito. Isa pa naiintindihan siya nito sa lahat ng mga ginagawa niya. Pero iyon nga, ayaw nitong mamulubi. At ngayon lalo pa siyang pumangit. Namumugto na ang kanyang mga mata. Napakalaki ng eyebags niya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Nakatulugan na kasi niya ang pagiyak. Makikita ring stress na stress siya. Pero wala siyang pakialam. May interview siya ngayon at kailangan niyang tumuloy. Mahirap ang magpaschedule at hindi niya hahayaang ang pangit na lalaking iyon ang maging dahilan ng downfall niya. Siya si Andie Guieb. Hindi siya basta basta papaapekto. Nang makita niya ang taxing paparating ay dali-dali niya itong pinara at binilisan ang pagkilos para makapasok. At pinalad naman siya dahil nakapasok siya. Manong sa Denises Coffee Shop po. Ibinigay na niya ang direksiyon saka sumandal sa upuan. Nakapatong sa mga hita niya ang chocolate cake na binake niya kahapon. Ibibigay niya iyon para matikman nila ang gawa niya. Its the best way to show her skill. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Naramdaman niyang biglang tumigil ang sasakyan at narinig ang pagbukas ng pintuan ng taxi. Napamulagat siya. At nakita niya ang isang matangkad na lalaki. Matangos ang ilong nito at ang labi ay parang kay sarap halikan. Napakaputi at ang kinis rin ng balat nito. At ang mga mata nito ay maiitim na may parehang mahahabang pilik mata. Kung titignan mukhang kagigising lang ito dahil magulo ang alon alon nitong buhok at hindi din maayos ang pagkakalagay ng necktie nito. Masasabing mula ito sa mga matataas. Sa mga taong mayayaman. Mga taong tulad ng boyfriend niya. Correction. Ex na pala. Wala mang maayos na settlement sa nangyari kahapon, isa lang ibig sabihin nun. Wala na sila. Over.

Manong sa may Sentro De Castro Villa Napakunot siya ng kanyang noo. His cool deep masculine voice woke her up from looking at him. Natigil siya sa pag-oobrserba dito. Sa kagwapuhang taglay nito. Mister, may nakasakay na. aniya. Alam ko. Kung alam mo, bakit ka pa sumakay? May pupuntahan ako. And I am going to be late. Its important. So please. mahinahong usal niya. Hindi niya alam kung paano pa siya naging mahinahon gayong mainit ang ulo niya. Siguro dahil sa napakagwapong mukha nito. Hindi niya magawang magalit sa kadahilanang hindi niya alam. So am I. Pwede ba ate, makikisakay na ako. At ako na rin ang magbabayad ng pamasahe mo. At sino ang tinukoy niyang ate? Ako? Yun na ang sumira sa lahat ng pamumuri niya rito. Muling uminit ang datiy maligamgam lang na ulo niya. Kung pwede lang sana iyong umusok ay kanina pa naging Tagaytay ang loob ng sasakyang iyon. At kasing init ng lava mula sa bulkang Taal. Manong itigil po ninyo ang sasakyan. Sige po maam. ipinarada niya ito sa may gilid. Akala niya ay lalabas na ang epal na lalaki. Ngunit hindi pa rin ito kumilos. Hindi man lang nito nakuha ang gusto niyang mangyari. Tiningnan niya ng matalim at iniutusang lumabas gamit ang kanyang mga mata. Hindi naman ito tuminag. Ininguso niyang tumayo na ito at lumabas. No epek ang loko. Hoy, labas na. mariing saad niya. Me? Ay hindi. Si manong driver. Siya ang palalabasin ko. aniya sa sarkastikong tinig na gayang gaya si Vice Ganda pag tumitira ng punchline sa noontime show na showtime. Ang kaibahan lang nila, si Vice ay nagbibiro habang siya ay hindi. Hala, labas na. Why would I get out? At bakit hindi? Hindi ko naman siguro sasabihin na driver na itigil niya ang sasakyan kung hindi kita palalabasin di ba?

I thought you would be the one getting out. At ano magpapaubaya ako sa iyo? Ano ka sineswerete? Ako ang nauna kaya lumabas ka na. pagtataray niya. Tsk! Ano siya tanga para bumaba sa sasakyan na iyon? Hindi din masyadong manhid ang isang ito. Ni hindi nito na isip na siya ang gusto niyang pababain. Ang kapal! No. Abat gusto mo pa bang masaktan? Mainit ang ulo ko ngayon at hindi kita uurungan. Bring it on. paghahamon naman nito. Ah! Putik! Talagang sinusubukan siya ng lokong ito. Hinalughog na niya ang lahat ng katarayang taglay ng katawan niya para sa lalakeng ito. Ready na sana siyang makipag-upakan at makipagbugbugan sa isang ito nang magsalita ang driver. Maam. Umaandar po iyong metro. At malapit lang po iyong pupuntahan niya sa pupuntahan ninyo. Isang kanto lang po ang layo. Right. segunda ng epal na lalaki. At saka uunahin ka naman niyang ihatid. Opo Maam. Wala na siyang nagawa kundi tumango dahil nakakuha na ito ng kakampi. Pahiya pa siya sa kolokoy na ito. Pinukol na lang niya ito ng pinakamatalim na tingin na kaya niyang ibigay. Ngumisi lang naman ito. It was a smile full of triumph. Huwag kang maingay. Iyon lang at isinandal niya ulit ang ulo saka ipinikit ang mga mata. Kailangan niya ng kahit na kaunting pahinga. Mas ma-i-istress ka lang kung iisipin mo iyan. Cool ka lang. Tumahimik naman ang paligid. Pero biglang may nag-ingay. Patayin mo nga iyan. utos niya rito ngunit nagpatuloy pa rin sa pag -iingay ang teleponong iyon. Kakastiguhin na sana niya ito ng ito pa ang sumaway. Sshh. napamulagat siya. Can you answer your phone? Youre not the only one who needs rest. Napatingin siya sa kanyang bag. Binuksan niya iyon at ang cell phone nga niya ang nagiingay. Napahiya pa tuloy siya. Mabuti na lamang at nakapikit din itong tulad niya. Hello? sabi niya nang sagutin niya ang tawag.

Andiiee! napangiwi siya at inilayo ang kanyang tainga sa lakas ng pagkakasabi nito ng pangalan niya. Bakit ba ate? Anong bakit! Sinong may sabing umalis ka nang bahay nang hindi ako ginigising? Hindi ka namin inistorbo sa pag-e-emo mo kagabi tapos hindi ka nagpaalam sa akin? Naririnig mo ba ako? Sa sobrang lakas ng boses nito nai-imagine niya ang ate niyang sumisigaw na dinig na dinig ng buong baranggay nila. Nagtataka nga siya kung saan nakukuha na ate niya ang ganoong kalakas na boses eh napakaliit naman nito. Naririninig kita kaya hindi mo na kailangang sumigaw. Paano ako magpapaalam sa iyo kung tulog ka naman? Kaya nga sinabi kong gisingin mo ako di ba. Hindi tuloy kita nabasbasan. Maaari mo naman akong basbasan ngayon. Ahh, hindi iyon pwede. Saka hindi pa kita nakita. Humina na ang boses nito ngunit malakas pa rin sa kanyang pandinig. At anong gusto mo? Bumalik pa ako diyan? Tsaka makikita mo naman ako mamaya. Parang awa mo na, Andie. Huwag kang dederetso sa pupuntahan mo. Bakit? May problema ba? bigla siyang nag-alala. Na-highblood kaya ang kanyang ina? Inatake na naman kaya ito? Thats the worst thing that could happen. The last time her mother suffered from hypertension they almost lost her. And she doesnt want to get back to that again. Kasi hindi ka nila tatanggapin. Alam mo ba na ang sabi ni Mama ay napakapangit mo. Si Mama na ang may sabi niyon. Ibig sabihin totoo. At alam ko rin kung ano ang hitsura mo kapag brokenhearted ka o di kaya ay stressed na stressed. Napasimangot na lamang siya. Isa pa ang mga ito. Hindi naman sila nakakatulong. Skills ko ang kailangan nila. Hindi ang mukha ko. Tanga lang sila kapag pinalipas nila ang isang tulad ko. Bakit hanggang ngayon wala ka pang trabaho? Huwag kang magsusungit. Hindi porque broken hearted ka eh tatanggapin na nila ang rason mo. Kasi mga tanga sila. Late na ako. Sige, ibababa ko na. Baka singilin mo pa ako mamaya sa na-aksaya mong load.

Magpunta ka muna beauty parlor! hirit pa nito bago niya maibaba ang telepono. Naturingan pa naman kayong mga pamilya ko. Ano bang problema ng mga tao ngayon at pilit akong binibwisit? Ikaw lang ang may problema. puna ng katabi niyang lalaki na nakapikit pa rin. Abat kanina pa rin ito nakikinig. Bubweltahan na sana niya ito nang muling magsalita ang driver at sinabing nasa coffee shop na siya. Nagbayad siya sa driver at bumaba ng taxi. Bago isara ang pintuan ay binalingan muna niya ang lalaking natutulog kuno. Bleh!

MAGHINTAY ka lang nang ilang saglit. sabi ng secretary kay Andie. Mabuti na lamang at kahit late siya ng five minutes eh wala pa ang mag-iinterview sa kanya. Sure. Thank you. Napakasungit ng hitsura ng secretraya. Napakatanda na rin ito. Siguro tumanda na ito sa kunsumisyon sa amo. Natawa na lang siya sa isiping iyon. Dumaan na ang halos dalawampong minute ay wala pa rin ang boss ng coffee shop na iyon. Pwede bang mag-CR muna ako? tango lang ang ibinigay nitong sagot. Tumayo naman siya. Naglakad siya patungong CR. Saan ba ang CR? Ang tange ko talaga, bakit hindi ko ba natanong? May nakita siyang papalapit na waitress. Excuse me. Bakit? mataray nitong tanong. Saan ang CR niyo dito? tanong niya nang may halo na ring kamalditahan. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa at naglabas ng ngiting mapanghusga. Mukhang kailangan mo nga. Ayon oh. Mag-ayos ka ng mabuti ha? Abat- nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Madapa ka sana. Ilang sandali naman ay narinig niya itong sumigaw. Nang mapalingon siya ay nakita niya itong nakahandusay sa sahig. Natawa na lang siya. Matalas talaga ang kanyang dila. Nakita niyang nilapitan ito ng ibang kasamahan sa coffee shop. Pumasok na siya ng CR.

Tumingin siya sa salamin at hindi na nagulat sa kanyang nakita. Nanlalalim ag kanyang mga mata. Nakasimangot pa siya. Inilabas niya ang kanyang make-up kit. Nagretouch siya upang kahit papaano ay umaliwalas naman ang kanyang mukha. Nagwiwi na rin siya na siyang unang dahilan kung bakit siya naghanap ng C.R. When she was satisfied she went out. Halos sampong minute rin siya roon. Hindi niya namalayan dahil muli siyang binagabag ng ala-ala ng exboyfriend. Kailangan ko ng trabahong ito. Makikita ng kulugong iyon. Makikita talaga- hindi na niya naituloy ang pagmomonologue dahil sa naramdaman niyang may bumangga sa kanya. Ano ba? asik niya. Nagtaas siya ng tingin at nakita ang epal na lalaking kasama niya sa taxi kanina. Sinusundan mo ba ako? Why would I do that? Sinasabi mo bang pangit ako? I didnt say anything like that. Oo nga naman Andie. Wala siyang sinabing ganun. OA mo. Nagpalusot na lang siya. Huwag mo akong ini-ingles dahil nakareserve ang English ko para sa interviewer ko. Hindi ka pa rin nagpunta sa parlor? Ikaw gusto mo? Sagot ko. Basta sa funeral parlor. Cool down. Tumabi ka. Sagabal ka sa dinadaan ko. Nang hindi ito tumabi ay binagga na lang niya ito. Bastos na siyang maituturing sa ginawa niyang iyon. Pero pikon na pikon lang talaga siya. Magsisimba na lang siya pagkatapos ng interview niya. Sorry na lang dito because she started her day not great at all. Bakit ba pati rito ay nakita ko ang isang ito? Kung minamalas ka naman. Wala talagang magandang maidudulot ang mga lalaki sa buhay ng mga babae. Thats unfair. Hindi dahil niloko ka ay lahat na nang lalaki sa mundo ay manloloko. Kasabay pala niya ito sa paglalakad. Hindi niya napansin. Ano bang pakialam mo? Kasi kasama ako sa mga lalaking tinutukoy mo. You shouldnt have pursued your interview kung may problema ka. saad nito.

I am not asking for your opinion kaya huwag kang sumawsaw. And who are you by the way? tiningnan niya ito. Nakatingin rin ito sa kanya. Sasagot na sana ito pero nag -iwas ito ng tingin. She followed where his eyes went. Nakita niya ang secretary. Nakarating na pala sila sa opisina. Good morning, Sir. Bati ng matanda rito. Nagulat siya at napatingin ulit rito. Kulang na lang ay lumabas ang mga mata niya sa malaking realisasyon. Good morning too. I know Sec late ako. I attended a business party last night and I couldnt say no. Dont worry this wouldnt happen again. bumaling ito sa kanya. Nakangisi ito. Good morning. Im Denise Joshua Calleon. Ah-ah Just say good morning too. G-good morning din? Sorry to keep you waiting ahm for thirty minutes? Youre an applicant for tod ay right? Follow me. Yun lang at pumasok na ito sa loob. Hindi pa rin siya kumilos. Nagulat talaga siya. Hindi niya akalaing ang lalaking ito ang nagmamay-ari ng pagtratrabauhan niya. It was like her world turned upside down. Sa pinagsusungitan niya kanina nakasalalay ang ikabubuhay niya. Miss, pumasok ka na. Masamang pinaghihintay si Sir Joshua. untag sa kanya ng secretarya habang tinitingnan siya. Sinunod naman niya ito. Pagpasok niya ay lumapit siya agad sa lamesa nito. You can sit down. Umupo naman siya. Inilapag niya ang binake na cake sa katapat niyang upuan. Mabuti na lamang at binake niya iyon bago sila magkita ng ex niya kahapon. Kung hindi baka hindi na iyon masarap at nabake nang may hinagpis at luha. Umayos siya ng upo. Bakit ang tagal mong sumunod? Ang ayoko sa lahat ay ang pabagal-bagal na mga empleyado ko. saad nito. Its because I- Magrarason ka ba? Tinatanong mo ako kaya ako sasagot. Ni hindi mo man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Pagtatanggol niya sa kanyang sarili. I was just asking you.

Pinagtritripan mo ba ako? I also want an employee who have patience. Nagpantig ang tenga niya. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagsasalita nito. This is going somewhere else. Tumayo na siya. Aalis na lang siya kaysa naman pagtawanan siya nito. Ginagantihan lang siya nito sa mga ginawa niya kanina. Where do you think youre going? Hindi pa ako tapos. anito na nakakunot ang noo. She looked down at him. Uuwi na ako. At hindi na kita patatapusin. Hindi mo rin naman ako tatanggapin. Sa mga ginawa ko kanina, alam kong ginagantihan mo lang ako. Of course not. tanggi nito. Of course yes. Kahit hindi mo pa sabihin, alam kong pagtatawanan mo lang ako dahil ang taong tinarayan ko ay ang magiging amo ko. Kaya bago mo pa ako mapaglaruan, aalis na lang ako. And thank you for your time. She turned her back on him and started walking. Aalis ka pa rin kahit isang bagay lang ang hingin ko sa iyo? She stopped and twisted her upper body. At ano iyon? Isang kalokohan? Para lang ipahiya ako? No way. Sige, good bye. Iyon lang at iniwan na niya ito. She opened the door and closed her oppurnity. Napahiya na ako, wala pa akong trabaho! Malas ka talaga Andie! Chapter Two THIS Juliet is bleeding but you cant see her blood. Its nothing but a feeling this old dog kicked up kanta ni Andie habang hawak-hawak ang mikropono ng videoke. Kanina pa siya bumirit kahit na wala pa siya sa tono. Dumeretso siya sa isang KTV bar kung saan siya maaring mag-aliw aliw. Gusto niyang malimutan ang mga kamalasang nangyari sa buhay niya. Una, ang pagkasira ng pagmamahalan na inakala niyang hahantong sa simbahan kung sana lang nagbago ang tukong ex-boyfriend niya. Pangalawa, ang di niya pagkakatanggap sa trabahong matagal na niyang gustong makamtan.

And I will love you, allways tapos na ang kanta. Nagpalakpakan naman ang mga tao roon, puros naman kasi sila lasing. Nakuha pa niyang mag-bow sa harapan ng mga malulugod niyang fans. Tama na yang pagkanta mo! Kanina ka pa. sigaw ng isang lasing na matabang lalaki. Gusto ko pa pong kumanto manong. Pagbigyan niyo na ako since ngayon lang naman po ako napadpad dito sa inyo eh. Ngayon lang kuya. pipindot na sana ulit siya para sa isa pang kanta nang hawakan na siya nito sa kamay. Sinabi ko nang kami na hindi ba? Ilang kanta na lang kuya tapos kayo na. Ha? Siguro naman po eh okay na iyon. At sumasagot ka pa ha? itinaas nito ang kamay at akmang sasampalin siya. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya kaya niwasan niya ito. Pagkailag niya ay saka niya ito sinuntok sa tiyan. Iyan! Mga lalakeng tambay! Kapag kasi mananakit ka siguraduhin mong mas weak ang bubugbugin mo. Maliwanag ba? Sinipa pa niya ito. Inulan naman ito ng kantiyaw mula sa mga ibang lasing. Dahil sa kahihiyan ay umalis na ito. Magbabayad ka! babala nito pa nito bago tuluyang makalabas sa naturang lugar. Talaga! May pera kasi ako kaya magbabayad ako ng ininom ko at pati na rin itong videoke. Nakakapag-init talaga ang mga lalaking hindi marunong uminintindi. Maayos na nga ang pakikipag-usap niya rito eh. Ipinagpatuloy niya ang pagpindot saka kumanta. Nang lumipas ang mahigit isang oras ay nagpasya na siyang umuwi. Masyado na siyang maraming nakanta. Baka bukas ay mamaos na siya. Tsaka gumagabi na din. Hindi yung safety niya ang inaalala niya kundi kung may masasakyan pa siya. Ayaw niyang magtaxi. Masyadong mahal. Naglakad siya pauntang highway. Igiling-giling igiling-igiling. Igiling mo nang matunaw ang taba. kanta niya saka sumayaw. Nagulat siya nang may tatlong lalaking humarang sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad. She have a minute for her to recognize their faces. Namukhaan niya ang isa. Siya iyong lalaking muntik na siyang saktan. And at that moment she knew she was in trouble. Nice one Andie. Magaling! Pinagalitan niya ang kanyang sarili.

Anong kailangan niyo sa akin? tanong niya. Pero ang totoo alam niyang gagantihan lang siya ng mga ito. Modus lang niya iyon para makapag-isip ng maaari niyang gawin. Pinahiya mo ako kanina! Kaw babae ka! Hinay hinay lang kapatid. Tinapik ng kasama nitong lalaking maselan pero namumula ang mga mata. Akmang susugurin na kasi siya nito. Kung hindi pa ito napigilan ng mga kasama maaaring isa na siyang basag na itlog ngayon. Galit ang rumerehistro sa pangit nitong pagmumukha. Andito kami para tuparin ang pangakong binitiwan ng kaibigan ko. Wala akong matandaan na nangako siya sa akin. pag-aalinlangan niya. She looked around. It was dark. Only the four of them were there and screaming is not the best way. No one woud hear her. This time she started sweating hard. Sinabi lang naman niyang magbabayad ka. Ang balak namin ay bugbugin ka lang ng dahan dahan hanggang lumuhod ka sa harapan namin. Pero hindi nabanggit ng kaibigan naming tunay na isa pang dilag ang nakadali sa kanya. sabat ng pangatlong lalaki na medyo patpatin. Pinakatitigan siya nito ng halong may pagnanasa. Kaya ngayon ay nag-iba na kami ng plano. Lumapit sa kanya ang maselang lalaki. Hinawakan siya nito sa baba. Hindi muna siya nagpumiglas. She was getting herself ready. She knows self defense. Sana lang walang hawak na mga armas ang mga ito dahil doon siya tuluyang mawawalan ng laban. At this point the best way is to run. Sayang naman siguro kung gagalusan namin yang maganda mong mukha hindi ba? Paparusahan ka na lang namin sa paraang liligaya kami. At malay mo, lumigaya ka rin? Ito na ang tamang tiyempo. Wala sa mga ito ang nagstay sa likuran niya. Lahat ay nasa kanyang harapan. Ang dalawa pa ay nasa glid na parang doon niya balak tumakas. At with all her might sinampal niya ang isang lalaki upang mabitawan ang pagkakahawak niya sa kanyang mukha saka tumalikod at tumakbo. Sige, takbo! ngumingisi pang saad ng isa. Bilisin mo ang takbo! Alam mo bang lalo mo lang pinapalala ang pagnanasa ko sa iyo! Tulad ng sinabi nito tumakbo siya nang mabilis. Balak siyang gahasain ng tatlong ito. Ito na yata ang pinakamalalang sitwasyon na napasukan niya. Mabuti sana kung mag-isa lang ito. Nang makalayo siya ay napagpasyahan naman siyang habulin ng mga ito. Na naging dahilan upang hindi siya makatigil upang magpahinga. Nagtago siya sa isang sulok. Nasa highway na siya. Ang kailangan na lamang niya ay makakatulong sa kanya.

Yuhooo! Asan ka na my pretty baby. Naghihintay na kami. sigaw na sabi nito. Gabi na kasi at wala pang masyadong tao roon kaya malakas ang dibdib ng mga itong sumigaw. Kung sino ang unang makakahanap sa kanya, siya na ang mauuna. Nagkakaintindihan ba tayo? Kaya mga pare, may the best man win. nakakalokong saad nung isa pa. Diyos ko po. Hindi na po ako kakanta sa videoke makaligtas lang ako sa kamay ng mga tatlong ito. tahimik niyang panalangin. Pinagsaklop niya ang kanyang mga kamay at muling nanalangin. Nakikita na kita. Ayan na ang mga paa mo oh. Malapit na ako. Nakarinig siya ng papalapit na yabag. Gagawin ko ang lahat ng gusto ng tutulong sa akin. Kahit maging alila pa niya ako. Papayag ako. Parang awa niyo na po. pagpapatuloy niya sa kanyang dasal. Kumakabog na nang mabilis ang kanyang dibdib. Talaga? Oo. Opo lord, please. Teka nakakapagsalita na si lord? Sinabi mo iyan ha? doon na siya napabaling kung sino man ang nagsalita dahil iyon ang kumpirmasyon na hindi nakakapagsalita si Lord at tao lang ang narinig niyaa. Nakita niya si Denise. Deal. anito saka siya hinila sa kamay. Napahiyaw siya sa gul at. At iyon ang naging dahilan para makita sila ng isa sa mga rapist. Nakita niyang tinawag nito ang mga kasama. Tumakbo sila nang mabilis. Lumiko-liko pa sila upang malito ang tatlo. Pero kinaladkad lang siya nito na parang ang hawak lang ay isang supot na napakagaan. Nang makalayo at nakasigurong wala na ang mga humahabol sa kanila ay tumigil na sila sa pagtakbo. Humihingal silang pareho. Binitiwan naman nito ang kanyang kamay. Aray! muling sigaw niya rito. Bakit ka ba sumigaw kanina? Nakita tuloy nila tayo. paninisi nito. He placed his hands on his waist and look at her. Hes breathing hardly. Humihingal na napatingin isya rito. At nagawa pa siya nitong sisihin. Naman.Eh kung ikaw kaya ang hatakin nang pagkalakas-lakas nang hindi sinasabi sa iyo? Hindi ka kaya mapapasigaw?

Kung hindi ko ginawa iyon, nahawakan ka na sana ng mga adik ngayon. Masakit ba? Oo. hinawakan niya ang kamay saka hinimas-himas. Nagulat na lang siya nang tinanggal nito ang kamay niya at ipinalit ang isang kamay nito. Nakalapit na pala ito. Napakagaan ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Kakaiba din ng sensasyong dulot ng panghihilot nito sa kanyang nasaktang kamay. Ano pa lang ginawa mo sa isang liblib na lugar na tulad nun? tanong nito habang ipinagpapatuloy ang ginawaga nito. Naging mahinahon naman ito sa pagtatanong. Gusto ko lang kumanta. Sana kumanta ka na lang sa bahay niyo. Are you drunk? Tumuwid siya sa pagkaka-upo at mariing tumanggi. Hindi noh! Nakainom lang ako. Sa ingles tipsy. huminga siya ng malalim. Eh ikaw, anong ginawaga mo doon? Napadaan lang ako. Nagtaka siya. Naglalakad ka? Saan ka naman papunta? Di ba sa isang villa ka nakatira? Dala ko siyempre ang kotse ko. At ang totoo nakita kasi kitang naglalakad kanina. Ah no. Sumasayaw pala. She wasnt sure if she saw him smile. Ahh. Did he find it cute? Nah Andie Pinagtatawanan ka na nga niya eh. Tch. Ang ibig sabihin, nakita mo ang lahat? Pati na ang pagharang sa akin ng tatlong iyon? Tumango ito bilang sagot. At wala ba itong balak na magpakita sa kanya? Na hindi siya nito tutulungan? Hindi mo man lang ako tinulungan. I thought no one needed my help. At sinong babae ang nasa sitwasyong iyon ang aakalain mong hindi hihingi ng tulong? You. Tiningnan lang niya ito ng masama saka umismid. Binitiwan na nito ang kanyang kamay. Nakaramdam siya ng paghihinayang. Ay me ganyan Andie? Parang hinugot naman ang lahat ng lakas niya nang mga sandaling iyon. Napaupo siya sa malapit na bench. Are you okay? Okay lang ako. aniya sa mahinang boses.

Nanginginig ka. Sinong tanga ang maniniwalang okay ka lang? Eh kung alam mo naman pala hindi ka na sana nagtanong pa. Tumahimik naman ito. Binigyan siya nito ng panahon para makapagpahinga at makagetover sa takot na naramdam niya kanina. Pilit niyang kinalma ang kanyang sarili habang ito naman ay tintingnan lang siya. Pagkaraan ng mga ilang minuto ay muli niya itong narinig na nagsalita. Halika na. I-uuwi na kita sa inyo. Para makapagpahinga ka na. Hindi ko pa kayang tumayo. Sandali pa. Kung magtatagal pa tayo dito, mamatay ka na sa dengue at hindi sa pagod. Teka lang. pinilit na niyang tumayo dahil nahihiya na din siya rito ngunit nabuway lang siya. Mabilis lang siya nitong naalalayan. Ipilapibot nito ang matatatag na braso sa kanyang katawan upang gumaan siya. How powerful his hands were. And how safe she can be inside them. Hindi mo nga kaya. Iyan yata ang sinabi ko kanina. Pinaupo siya nito. Ang hindi niya inaasahan ay ang sunod nitong ginawa. Pumwesto sa harapan niya saka ito tumalikod, bumaba at lumuhod. Bubuhatin na lang kita kesa lamukin tayo dito. Kaya mo ba? Minamaliit mo ba ako? Hindi. sumakay na siya sa likod nito. Ilang saglit pa itong pumirme saka nagsimulang naglakad. Ang bigat mo. Parang pasan ko lang ang mundo. Magtigil ka. Tinanong kita kaya huwag kang umangal. Hindi niya pinansin ang pagangal ng lalake at ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat nito. Bakit ang bango mo? hindi niya napigilang tanong. Huwag mo akong sinisinghot. Mahal ang pabango ko. sabi nito nang nakatingin sa dinadaanan nila.

Bakit ayaw mo akong i-uwi. Free ako. Lasing ka nga. Wala ka na sa huwisyo mo. Wala na kung wala. Sagutin mo na lang ang tanong ko. Sa tatlong pangit na iyon lang ba ako kanais-nais? hindi siya lasing. Alam niya ang m ga pinagsasabi niya. Dala iyon ng depression at hindi ng espiritu ng alak. At malakas na din ang loob niya since akala nito ay lasing na siya. Kung i-uuwi lang kita at pagsasamantalahan, hindi na sana kita tinulungan mula sa mga iyon. At hindi ko kailangang mamilit ng babae. Sila pa ang namimilit sa akin. Tulad mo. Bahagyang bumagal sila sa paglalakad at nakita niya itong tumingin sa kanya saka ngumiti. Pinukpok niya ito sa ulo. She smiled. Yabang! Hindi kita pinipilit. At hindi ko iyon gagawin. Tinatanong lang kita. Sabi mo eh. Denise, salamat pala. Naramdaman na lang niya ang pagtango nito. She rested her cheeks in his shoulders. Pwede ba akong matulog dito sa likod mo? Wala naman na akong magagawa kung itutuloy mo ang pagtulog. Baka kasi ihulog mo ako. Kanina pa sana kita ihinulog. Ihinilig niya ang kanyang ulo. Hindi na siya sumagot pa sa sinabi nito. Nakakaantok kasi ang indayog ng paglakad nila. Idagdag pang napakatigas ng mga muscles na taglay nito. At napakabango rin nito. Kahit na pinagpapawisan lang ito kanina. Kulang na lang ay lullaby. Hindi man niya sigurado pero parang narinig niya itong nag-hum. At dahil doon, tuluyan na siyang hinila ng kanyang antok.

GISING ka na pala. anang ina ni Andie na kasalukuyang nagtitimpla ng kape . Nasa harapan naman nito ang kanyang ate na hawak hawak ang kinakain nitong pandesal. Nagkamot-kamot pa siya ng ulo. She again yawned. She stretched bago siya umupo sa pwesto noon ng kanyang yumaong ama. Hindi ka pa yata nagmumumog. sabi ng kanyang ate. Tumango lang siya. At hindi pa rin gising ang diwa mo. Oh, nay bahala na kayo sa paggising diyan.

Nagulat na lang siya nag pinukpok siya ng sandok ng kanyang ina. Aray naman nay! hinimas-himas niya ang nasaktang ulo. Magkakabukol ako nito. At baka magaya ako kay ate, mawalan ako ng brain. Bumaling sa kanya ang kanyang ate at itinaas ang isang kilay. Anong ibig mong sabihin? Ang ibig kong sabihin, mawawalan ako ng brain cells sa lakas ng pagkakapukpok ni mama. pagpapalusot niya. Kumuha siya ng isang pandesal saka kumagat. Ayon siya at napakagana nang kumakain habang ang dalawa naman niyang kapamilya ay tahimik lang. Oh, tapos na kayo? Kain na tayo sayang ang pande- Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil muli siyang pinukpok sa ulo. At sa pagkakataong ito ay ang ate naman niya ang gumawa niyon. Ano ba ate? Gising na ako oh. Hindi ko na kailangan niyan. At sinong may sabi na pangpagising iyon? Eh para saan iyon? Para sa katangahan mo kagabi. sabad ng kanyang ina. Sino ang may sabing m aglasing ka nang mag-isa? At sa gabi pa. Hindi ako lasing. Nakainom lang ako nang kaunti. Saka walang nagyaring masama sa akin. Heto ako, buong-buo pa. tumayo pa siya at umikot saka nagpose. Eh, kung sinabi namin na may nangyari sa iyo nang taong naghatid sa iyo? Napangiti siya. Alam niyang hindi nangyayari iyon. Tulad ng pilit niyang sinasabi, alam niya ang lahat ng nagyari sa kanya kagabi. Eh di masaya hindi ba? Gwapo naman ang naghatid sa akin kagabi ah. Magkakaroon pa kayo ng mga gwapong apo at pamangkin. Puro na lang ba biro ang turing mo sa bawat sitwasyon na kasasangkutan mo? Hindi naman sa ganoon Ma. Mula nang mamatay ang papa mo naging ganyan ka na. Akala mo lagi mong kaya ang mag-isa. Hindi dahil tinuruan ka ng papa mo ng martial arts at kung ano-anong kuning kuning ay kaya mo na. Babae ka anak. Malakas ka pero kakailanganin mo pa rin ang tulong ng ibang tao.

Nagbaba na lang siya ng tingin. Hindi niya kayang sumbatan ang kanyang ina sa mga ganitong bagay. Hindi nga ito lasing kagabi Ma. Naaalala pa ang mga nagyari kagabi eh. Pati mukha ng gwapong naghatid sa kanya ay hindi pa rin niya malimutan. Ang ate na niya ang sumabad sa kanilang pag-uusap. Inilalayo nito ang usupan. At tumalab naman iyon. Oo nga pala. Gusto kong ihingi mo ako ng pasasalamat sa mabuting batang iyon. Nag-thank you na ako sa kanya. saad niya saka kumuha ulit ng pandesal. Kahit na. Puntahan mo ulit siya. Iyon ang bilin niya sa amin kagabi. At bakit? May utang na loob na ako sa kanya ganun? Kaya kailangan kon g sumunod sa lahat ng sasabihin niya? Pumalatak ang ate niya. Bakit ba napakareklamador mo. May sasabihin siyang mahalaga sa iyo. At anak, tinuruan naman kita ng magandang asal hindi ba? Kaya kung nakinig ka sa mga pangaral namin ng tatay mo, susundin mo ang utos namin. anang kanyang ina. Natutulog siguro ako noon. Binibiro lang niya ang mga ito. Magpapasalamat naman talaga siya. Bumaba lang siya para kumain. Hindi na kailangan ng mga ito na kaladkarin siya papunta roon o di kayay gamitan ng ibat-ibang mabubulaklak na salita. Para tuloy silang pulitiko. Umayos ka nga Andie. Para kang hindi matanda. Kung mag-isip ka parang bata. pangaral ulit ng ina. Tumayo na lang ito. Maglalaba na ako. Bahala ka nang magpatino sa kapatid mo. Diyan na kayo. Opo. Ano namang sasabihin mo ate? Huwag mong sabihin natulad ka na kay mama na parang pastora kung mangaral. pagyayamot niya. Hindi noh. Bata pa ako para maging pastora. Pero tama pa rin si Mama. Oo na, kayo naman ang laging tama. By the way, sino yung gwapong naghatid sa iyo?

Boss ko dapat. Wala siyang ganang magkwento rito. Lalo na at mukhang interesado ang ate niya dito. At gusto mo siyang masolo ganun? Ipinagdadamot mo lamang siya sa akin. Sa iyong sa iyo iyon. At boss dapat? Sa kanya ka ba dapat magtratrabaho? pag-uusisa nito. Umupo ito saka inilapit ang mukha para hindi sila marinig ng kanyang butihing nanay. Oo. Pero hindi ako tinaggap. Akala ko ba magaling kang magbake? At kukunin ka nila kahit na mukha kang gurang kahapon? Wala eh, isa rin siyang tanga. At ako rin ang may kasalanan. Napagsungitan ko siya. Kaya umalis na lang ako. pagtatapat niya. Binatukan siya nito. At alam niyang gagawin nito iyon. Pride mo na naman ang pinagana mo. Hindi mo man lang naisip na nakasanla ang lupa natin? Na kailangan nating dalawa ang kumayod? Sorry ate. Hahanap na lang ako ng ibang mapagtratrabauhan. She meant what she said. Hindi niya naisip ang lupa nila. Pero sa tingin ko naman ay hindi tanga ang isang iyon. Sino? Yung Denise Joshua ba iyon? Oo, Joshua nga. Kasi kung totoong hindi ka niya gustong tanggapin, bakit siya humihingi ng resume mo? nag-tatanga-tangahang tanong nito. Siya naman ngayon ang napa-isip. Gusto siya nitong kunin? Pero bakit? After what she has done to him? Ano ang nakapagpabago sa isip nito? Huwag ka nang mag-isip. sabi ng kanyang ate. Basta gusto ka niyang i-hire yun na yun. At huwag kang aayaw kung hindi itatakwil na talaga kita. Sige na nga. Maliligo na ako. Marami ka palang convincing powers. Sana naging convincing powers ka na lang. Pero bakit ngayon wala ka pang boyfriend? Bakit ikaw, meron ba? sinubukan niyang batukan ito ngunit nakaiwas lang. Tumawa ito. Maligo ka na. Nangangamoy ka na. At nang masilayan mo ulit ang magandang lalakeng iyon.

Bahala ka sa buhay mo. Iniwan niya ito para makapaligo na at makapagbihis. Hindi na ako nagtataka kung bakit may topak ako. Chapter Three Thank you nga pala. pasasalamat ni Andie kay Denise nang magkaharap sila. Hindi naman ito nagulat ng makita siya. Mas nagulat pa ito ng magpasalamat siya. Akala ko wala sa bokabularyo mo ang mga salitang iyan. komento nito. Magsasalita na sana siya nang bumawi ito. Youre welcome. So, maaari na akong umalis? tanong niya. Op corse alam niyang may sasabihin pa ito. Paraan lang niya iyon para madala ang pride chicken niya. Dont act as if you dont know. Alam ko namang hindi stupid ang pamilya mo. Kaya nakakasiguro akong nasabi nilang may pag-uusapan pa tayo. Bad trip talaga ang lalaking ito. Bakit ba hindi na lang siya nito sinakyan. Pagdating dito natatalo siya. Tinetesting lang kita. Sige, let us not go around the bush. You are going to hire me? Yep. At bakit? What made you do it kung hindi naman ako natanggap kahapon? tanong niya rito. Ikaw ang nagwalk-out kahapon. And you left your cake. Tinikman ko. The taste was good. Nagkibit ito ng mga balikat and watched her intently. Napataas ang kilay niya. Good? Its great. Okay, it was great. And this shop needs a pastry chef like you. Sinabi mo ring tanga lang ang di tatanggap sa iyo. Hindi naman ako stupid, so I am hiring you. He said it as if everything was simple. Tanggap na ako? Ganoon lang iyon? Wala nang ibang qualifications? Sosyal! Yes. And you can start tomorrow. Nagdiwang ang kalooban niya. Muli niyang naalala ang kanyang ina na pagod na pagod sa pagtratrabaho. Mababayaran rin nila ang pagkakasanla ng kanilang lote. And one more thing Ms. Guieb. Hindi bat ako ang nagligtas sa iyo kagabi?

Ay hindi. she said in sarcastically. Anong klaseng tanong ba iyon. Kaya nga ako nagpasalamat sa iyo hindi ba? Hindi lang nito pinansin ang sinabi niya. So, I want you to be my girlfriend. Nagulat siya. Ako? Girlfriend ng gwapong nilalang na ito? Hindi siya nakapagsalita. Ganoon na ba siya kaganda at nabingwit niya ang isang ito? Did I hear it right Mr. Calleon? Is that your way how to ask a girl on a date? Dont get too flattered Andie. Its a business deal. No more no less. simpleng sagot nito. His voice was low. There was no hint of joke or flirting in it. Ahh trabaho lang. Wuuuu. Ilusyunada rin pala ako. What made you think that I will agree on that? Simple. Kasi may utang ka sa akin. Napakunot noo siya. Anong utang? Wala akong naaalala na nagka -utang ako kahit sino. nagtatakang sagot niya. Then suddenly she remembered what she said last night at ang deal na ito na mismo ang nagdeklara. It seems I dont need to tell you why. Sa tingin ko ay naalala mo na. Ah Hmm bakit ba kasi nagbitiw pa siya ng ganoon. Nakakainis naman eh! Nagisip siya ng maaaring dahilan para makaayaw. Kapag ba hindi ako pumayag, hindi mo ba ako tatanggapin sa trabaho? You just cant say no. Ibig lang sabihin noon, wala kang isang salita. wika nito. Ibang klase ka rin ano? Kaya mo lang pala ako tinulungan dahil doon. Kung hindi ba niya sinabi iyon ay tutulong pa rin kaya ito? I am a business man. sumeryoso ang tingin nito. May pagpipilian pa ba siya? Bakit ako pa? Marami namang magagandang babae na nagkalat diyan sa tabi tabi ah. Mga mas maganda at mas mayaman kaysa sa akin. Simply because wala na akong gagastusin sa iyo. And hindi ko kailangan ng maganda at mayaman. I am already rich and good looking. Yabang talaga nito. Tch. bulong niya.

At hindi na magtatanong ang mga magulang ko kung bakit ikaw ang napili ko. Simple ang buhay at hindi sikat. Inismiran lang siya nito. Ayaw niyang pumayag sa gusto nito. Hindi pa siya nagpagamit kanino man. Pero ayaw naman niyang tawagin siya nitong walang isang salita. Ididiscuss ko na lang ang tungkol sa mga conditions ko. anito na inilabas ang cell phone. Hindi pa ako pumapayag. aniya. I am not waiting for you to agree. Because no matter what. You are already my girlfriend. determinadong sagot nito na nasa cellphone pa rin ang atensiyon. You are going to be my girlfriend for two months. Ang gagawin mo lang ay sumama sa akin sa mga pupuntahan kong gatherings and act as my girl. Ipapakilala kita sa lahat ng mga kakilala ko. Mukhang napagplanuhan mo na ng maigi ah. Wala akong masabi. Napakawais mo talaga. Naiinis pa rin siya sa kinasadlakang sitwasyon. Wala siyang magawa. Kailangan niya ng trabahon iyon. Tungkol pala sa pagtratrabaho ko rito, magkano ang sweldo ko? Twenty five thousand. Nanlaki ang mga mata niya sa naging sagot nito. Are you for real? Twenty five thousand? Yeah. Im the bro- he stopped, then cleared his thorat. the owner of this place. Baka magulat pa ang mga employees dito kung hindi ko man lang lalakihan ang sweldo mo gayong sasabihin ko nang ikaw ang girlfriend ko. Businessman nga ito. Sige. Pero pagkatapos ng dalawang buwan, matatanggal na ba ako sa trabaho ko? It depends. Ganoon? Kailangan ko pa bang magbago ng hitsura? Bumili ng mga bagong damit? Tiningnan siya nito. Ininspeksiyon ika nga. Nope. You are okay just bein g who you are. At gusto kong makilala ka nila bilang ikaw. No switching of personalities. Mas mabubuko tayo kapag ganoon.

Ahh Planadong-planado ng isang ito ang lahat. Teka, bakit nga ba kailangan mo ng jowa. Ha? Wala man lang bang nagkagusto sa iyo at kailangan mo pang umupa? Bakit ba ang dami mong tanong? Ang kailangan mo lang namang gawin eh magpanggap bilang girlfriend ko. K! Ang sungit ng isang to. Nagtatanong lang eh. She pouted. Hindi naman nito nasagot nang tama ang tanong niya. Huh. Maghanda ka. Malalaman ko din. Rawr. Tayo na. Since tapos na rin naman tayo. Tumayo na ito nagsimulang maglakad. Nauna siya sa paglalakad. Bigla siyang tumigil nang may maisip siya. Parang hindi naman iyon napansin ng lalaki dahil nabangga siya nito sa likod. Muntik na siyang mapahalik sa semento buti na lang nahawakan siya nito. Careful, lady. Nakaharap na siya ngayon dito. At ilang dangkal na lamang ang layo ng mga mukha nila. Nagulat na lang siya ng may pumasok. Hindi naman ito natinag. Nanatili lang sila sa ganoong posisyon. Sorry po. iyon lang at lumabas ulit ang waitress. Hindi pa rin ito kumilos. Tumikhim siya. Inalis naman nito ang pagkakahawak sa kanya at umayos. Bakit ka ba biglang tumigil? Kasi may sasabihin pa ako. Sana sinabi mo na kanina. Sa ngayon ko lang naalala. May problema ka dun? pagtataray niya upang maitago ang nararamdaman niya. Actually, dumadagundong ang dibdib niya. Parang drum na pinapalo sa sobrang lakas ng kabog niyon. Youre one of a kind lady. napangiti lang ito. Sige, anong sasabihin mo? May mga kondisyones din ako. Para naman kahit papaano ay hindi ako masyadong talo sa gagawin natin. Napataas lang ito ng kilay. Wala siyang pake, basta sasamantalahin na lang niya ang pagkakataong ito. Malay mo pumayag. Pwede bang mag-advance ng pera sa iyo? Tapos kapag may ipapagawa kang iba pang service sa akin, dagdag bayad. Tulad na lang kapag inutusan mo akong bisitahin ka sa bahay mo. O kaya maglinis ng bahay mo. I need extra money. Mahabang litanya niya.

Businessman ako. At alam mo kung ano ang sagot ko. Sabi ko nga. Sana hindi na lang ako nagtanong. Akala ko pa naman lulusot. pabulong na sabi niya. Kuripot. Tumalikod na lang siya. Nauna na lang ulit siyang naglakad. Then he gently placed his hand on her head at ginulo ang buhok niya. Saka nito inilapit ang mukha sa likod niya at bumulong sa tainga niya. Hindi ako kuripot. Bibigyan na kita ng another twenty thousand per month. Okay? iyon lang at inakbayan pa siya nito. You really are cute. What the heck.

I ALL want you to know, Ms. Andie S. Guieb. Siya na ngayon ang bago ninyong pastry chef. Siya ang gumawa ng cake na ipinatikim ko sa ilan sa inyo. pagpapakilala ni Denise kay Andie. Pagkatapos ng eksena nila kanina sa opisina nito ay hindi na siya nakahuma. Good morning sa inyong lahat. I will be hoping for your cooperation. aniya at yumukod pa. Gusto kong tratuhin niyo siya ng mabuti. Ayokong may umaapi sa girlfriend ko maliwanag ba? Lahat ay nagulat sa sinabi nito. May mga napasinghap, may iba namang nagpaypay ng mga mata na tila ilang sandali na lang ay maiiyak na. At may mga iba pang nagtaas lamang ng kilay sa kanya. Pero may iba ring napangiti lang. You heard me right, siya ngayon ang girlfriend ko. hinigpitan pa nito ang pagkaka akbay sa kanya. Nice. So be good. Maiwan ko muna kayo. Pagka-alis nito ay lumapit ang dalawang babae. Talaga lang ha? Anong pinakin mo sa Sir Joshua namin? Nilagyan mo siguro ng gayuma ang cake mo ano? nang-aasar na wika ng payatot na babae. Kung may gayuma ang cake ko, eh di sana marami na ang nahook sa akin. Saka I dont need it. Sino ba ang gusto niyong patulan ng boyfriend ko? Ang mga tulad niyong walang modo? ngumiti siya ng mapang-asar.

Hindi dahil ikaw ang girlfriend niya ay maaari mo na kaming i -bully. Kami ang pinakamalakas dito dahil kakilala ng tito namin ang boss rito. Hindi na sana niya papansinin ang mga ito nang muli siyang pagsalitaan ng mga ito. Huh. If I know gusto lang din niya ng pera at kapangyarihan kaya siya dumikit kay sir. Pagbuhulin kaya niya ang mga nguso at buhok ng mga ito. Akala pa naman niya ay mababait ang mga tao rito. Siya si Andie. Hindi siya paapi sa kahit na sinuman. She held her head high. I dont give a damn. Who cares kung may kakilala kayo? Isa lang ang masasabi ko sa inyo, kayo man ang pinakamaganda o pinakamakapangyarihan rito hindi ako magpapaapi. May dugong Andres ako. So back off. Sana handa ka sa pinasukan mo miss. Dahil si Sir Joshua ang pinakamalupit kung maglaro lalo na sa mga babaeng tulad mo. Iningusan lang siya ng isa saka sabay umalis. Sa susunod pipiliin niyo ang kakalabanin niyo. pabulong na sabi niya. Nice work. bati sa kanya ng matandang secretary. Ngumiti lang ito. Mrs. Argan. Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. May mabubuti pa palang nilalang sa mundong ito. Nagsalita ang lalaking chef. Alam mo bang ikaw lang ang nakapagpataob sa dalawang malditang iyon? Ang galing mo. Boto na ako sa iyo para kay Sir Joshua. Arjhay here. Oo nga. Hindi lang namin masumbatan dahil takot kaming masesante ng Boss. At tama lahat ng mga pinagsasabi mo. Anang naman ng babaeng may nametag na Carla ang nakalagay. Ngumiti lang siya. Iyon lang ang bagay sa kanila. Hindi ako makakapayag na may mangbully sa akin. Kasintahan man ako ni Denise o hindi. Kaya kayo, lumaban lang kayo. Lalo na kung kayo ang tama at sila ang mali. Magaling talagang pumili Sir Joshua ng gagawing kasintahan. Hindi pa siya nagdala ng babaeng ingrata o kaya ay maldita. Lahat sila ay flings. Ikaw pa lang ang nakapagpaseryoso kay Sir. Kasi- Watch your mouth, Carla. Hindi magandang sinasabi mo iyan sa harap ni Maam Andie. pagpipigil ng sekretarya sa babae. Naku Mrs. Argan. Huwag niyo po akong tawanging Maam at lalo akong tumatanda. Tawagin niyo na lang ako sa pangalan ko at huwag niyo akong ituring na syota ng boss niyo kapag nasa trabaho. Nakuha naman ng atensiyon niya ang pinagsasabi ni Carla kung kayat nag usisa siya. Saka anong ibig niyong sabihin doon?

Hindi ba sinabi sa iyo ni boss? Pagkatapos ng major heartbreak niya ay hindi na s iya nagseryoso sa mga kasama niya. Ang dami niyang naging flings at lahat sila hindi nagtagal. Marami nang napaiyak yang si Sir. Pinitik naman ni Mrs. Argon ang tainga nito. Aray po maam! Sinabi na kasing huwag ka nang magsalita hindi ba? Eh alam naman niya. Dapat lang dahil girlfriend siya ni Sir. hawak hawak pa rin nito ang nasakatang tenga. May mga bagong costumer. Sige na magtrabaho ka na. Maiwan ka na namin Ms. Andie mauna na po kami. Nice meeting you. Itinulak pa nito ang pobreng dalaga. Teka- umalis na ang mga ito. May tatanungin pa siya. Umiiwas ba sila? Naiwan lang si Arjhay sa tabi niya. Arjhay, may tatanungin lang ako. Ano ba- Mauna na rin ako Andie. May order na eh. Sige. kumaripas na din ito ng takbo. Anong problema sa mga tao rito? Abnoy din ba sila tulad ng amo nila? napakamot na lang siya sa ulo. Sakto namang nagpakita si Denise mula sa likuran niya. Iniinsulto mo na naman ako habang nakatalikod ako. Hindi patas na laban yan. Wala akong iniinsulto. Bakit ba kung saan saan na lang sumusulpot ang isang ito. May lahi yata ito ng kabute eh. Dapat Denise Mushroom Haven na lang ang tawag sa coffee shop nito. Natawa na lang siya. Meron. Ako. Ano yung narinig ko kanina? Guni-guni mo lang iyon. O di kaya ay ang iyong konsensiya. Haay. Ganito ba kayong lahat rito? Are you having a hard time? tanong nito. Hindi naman. aniya. Magulo lang ang mga ito. Pero kaya pa ng powers niya. Sanay na siya, ni wala pang panama ang mga ito sa mga barkada niya eh. Anong date ngayon? Saglit siyang nag-isip. May 29. Bakit? Anong meron? Malapit na ba ang birthday mo?

Wala ka na doon. Iningusan niya ito. Antipatiko talaga. Pero boyfriend kita. Girlfriend mo ako. Ilibre mo naman ako ng lunch. titingnan lang niya kung lulusot. Sayang naman ang libreng lunch. Tipid din iyon para sa kanya. Umorder ka na lang sa loob. Sabihin mo na lang sa kanila at icha-charge nila iyon sa akin. Ayoko dito. Masarap ang luto ni Arjhay. At namimili ka pa. Wala namang espesyal na okasyon. Iyon nga ang sabi ko eh. Dun na nga ako papunta eh. Inungusan nalang niya ito ng palihim. Naglakad na siya papuntang kusina. Wait. Ano na naman? Pati pa ba dito bawal? Hindi. Masyado palang maraming costumer. Makakaabala ka lang sa loob. She crossed her arms in front of her. Maghihintay na lang ako. Kaya pa naman ng tiyan ko. O di kaya, uwi na lang ako. Since tomorrow pa naman start ng trabaho ko. Oo nga naman. Bakit di niya naisip iyon. Nawili yata siya masyado. Hindi lang ito nagsalita. Hay, parang tanga lang na nakamasid sa akin. Ano perds nagayuma na ba kita? Natawa siya. You wish! Sige. Vayvay! Ihahatid na kita. Napahinto naman siya. Bahagyang nag-isip. Sige ba. Para may silbi ka namang boyfriend. Hinawakan siya nito sa siko. Iniwas naman niya ang kamay dahil hindi siya sanay. At si Karlo nga hindi ginagawa iyon eh. Ngunit pinilit pa rin nitong hawakan ang kamay niya. Hinayaan na lang niya ito. Hindi naman ito magpapatalo. Pwede bang magtanong? aniya. Hindi.

Nagka-major heartbreak ka na ba? hindi ito sumagot. Nagkagirlfriend ka na ba? Asawa? Kabit? wa epek pa rin. Sabunutan kaya niya ang alon-alon na hair nito na mukhang napakalambot. Gagawin na sana niya iyon ng bumaling ito. Umuwi ka na. nakapara na pala ito ng taxi. Akala ko ba ihahatid mo ako. Nagtatakang saad niya. May mga aasikasuhin pa pala ako. Sige, goodbye. Manong, paki-ingatan po siya. iyon lang at isinara na nito ang pintuan ng taxi. Ni hindi man lang siya nakapag-good bye. Anong nangyari? Another mood swing? Grabe naman itong magpalit ng mood. Talo pa ang babae. The other night she just lost a lover and now she got herself a boyfriend. With a very unusual behavior. Ano ba itong pinasok ko? Chapter Four ABALA si Andie sa pagliligpit ng mga ginamit niya sa pagbabake. This was her first day in job. Ang mga binake niyang cake ay ang mga dating nasa menu ng Denises Coffee shop. May mga costumers na nakapansin ng pagbabago ng lasa niyon. But all in all they gave good feedbacks. Leave it to those in the kitchen staff. Lumingon siya sa nagsalita. Standing there is Denise who is leaning against the door who looks really cool with his light pink polo and faded jeans. Hindi niya ito nakita kanina. Ngayon pa lang. Hindi mo iyan trabaho. Ipinapagawa ba iyan sa iyo ng mga naging boss mo? Hindi. matipid na sagot niya. Ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Matatapos na rin naman siya. Bakit mo ginagawa? Because I want to. And ikaw pa lang ang unang boss ko. tinitigan lang siya nito eyeing her if she was telling the truth. Nagsasabi po ako ng totoo. Umayos na ito ng tayo. Inligay nito ang mga kamay sa bulsa ng pantaloon nito. But still, no one asks you to that. Stop it right now. May pupuntahan tayo. Tatapusin ko lang. Malapit na naman na. Sinabi nang huwag na. I will be waiting for you in front. Be there after five minutes. Thats an order. Iyon lang at nakarinig na siya ng mga yabag papalayo. Lumingon siya sa dating kinatatayuan nito at nakitang wala na nga ang naturang lalake.

Ewan. Maghintay ka. Akala mo. Humahangos na pumasok si Carla. Andie, ako na diyan. Bilisan mo. Inalis nito ang cap niya, pati na rin ang suot niyang apron. Labas na. Kapag di ka lumabas agad malilintikan ako. Mawawalan ako ng trabaho. Haay. binilisan na niya ang kilos. Kawawa naman si Carla. Ugok talaga. Pagdating niya sa harap ay kampanteng kampante itong nakasandal sa BMW nitong itim. Nakatingin pa ito sa relo. Nag-angat ito ng paningin. You have ten seconds left. At talagang inorasan pa siya ng mokong. She walked towards him at nang makalapit siya ay dinutdot niya ito sa noo. Ano bang trip mo? Pinalis nito ang kamay niya. Again he held her hands. So warm. Weird. Ngumiti ito. Just on time. Saktong five minutes. Magaling si Carla. Nagising naman siya sa ginagawang pagsisita sa paghawak nito sa kanyang mga kamay. Bakit mo pa ginawa iyon? Para mapadali ka. Alam ko namang matigas ang ulo mo. Pasok na. binuksan nito ang pintuan ng sasakyan. Baka gusto mong sesantihin ko pa sila bago ka sumakay. Ibang klase ka rin. palatak niya pagkasaka y. Sinara nito ang pintuan saka umikot papuntang drivers seat. Saan ba tayo pupunta? tanong niya nang makapasok na ito at nagaayos ng seatbelt. Kakain tayo sa labas. Since hindi natuloy yung treat ko sa iyo. Two thirty pa lang. Hindi bat parang super late lunch na iyan. We can eat merienda. pinatakbo na nito ang sasakyan. Naging maayos naman ang naging biyahe nila papunta sa kainan. Malapit lang. Ipinagbukas siya nito ng pinto nang makarating na sila sa restaurant. Sa bandang dulo sila umupo. Ito na ang bahalang umorder ng kanilang makakain. Hindi ito kuripot. Mamahalin kasi ang restaurant na kinaroroonan nila. At ilang sandali pa ay dumating na ang inorder nilang pagkain. Ano bang pag-uusapan natin? pagbubukas niya ng paksa pagkatapos nilang kumain. In fairness magaling itong mamili ng makakain. Tungkol pa rin ba ito sa deal? May nagbago ba? Wala. I just thought that aside from name, we barely know each other.

Tumango tango siya. Elibs siya sa galing nito. Ahh. Tama ka nga naman. Pero ala m mo ang tungkol sa akin. Pina-imbestigahan mo ako di ba? Yes. But those are not enough. For us to pull this out, dapat kilala natin ang isat -isa. paliwanag nito. Inilibas nito ang cell phone at napipindot doon. Nagtake down notes daw ba? She picked one ice crem pops from her dessert and shoot it to her mouth. Okay, shoot. You first since ikaw ang nag-suggest. Whats your favorite color? Blue. Ikaw? Same. Anong name ng pet mo? Wala akong pet. Ano to, slumbook? natawa siya. If youre laughing at me, ikaw na ang magtanong. Seryosong wika nito kaya nagpeace sign na lang siya rito. I have a dog. His name is rascal. Hindi ba daga iyon? Hindi nito pinansin ang naging komento niya. Huwh. Wala kang pet. Ibibili na lang kita. Pandagdag sa story natin. Bigla naman siyang napangiti sa sinabi nito. Story natin. Weird but it sounds good. Ano bang pwede? Snail. agarang sagot niya. He looked at her strangely. Hindi ito makapaniwala with her answer. A snail for a pet? Thats stupid. Napangisi siya. Anong masama. That would be good. At least hindi ako matatakbuhan. Unique pa hindi ba? She winked at him. Napabuntong hininga na lamang ito. Fine. Im turning twenty eight this coming June 10. You? Twenty five na ako. Last April two. napakunot noo ito. Ibig sabihin mas matanda ako?

Ay hindi. Anong akala mo sa akin, gurang na? Kaya nga nagalit ako nang tinawag mo akong ate. I didnt know. Well, now I know. Bakit pala Denise ang pangalan mo? Di ba pangalan iyon ng babae? biglang tanong niya. Wala, nagtataka lang kasi siya. Hindi naman ito nagmumukhang babae. In fact he is very manly. So handsome. Kasalanan iyon ng nurse. Hindi niya nabasang maigi yung pangalan. Mabuti na lang at naisipan ni mama na lagyan ng Joshua ang pangalan ko. Tumango tango lang siya sa nalaman. Thats why they call you Boss Joshua and not Denise, though its pronounced as Dennis. Oo. No one tried to call me Denise. Just you. At hindi ko yun ititigil. I like calling you Denise. bigla siyang nasiyahan sa isiping siya lang ang tatawag ng ganoon kay Denise. Ano palang sasabihin nating simula ng pagkikita natin? Lets just say that we met at a convention. Nagkakilala tayo and then I got your number and courted you. Ah. Thats such a lame story. Businessman ka nga. bahagya siyang nag-isip. Ngumuso siya at inlapat lapat ang mga daliri sa kanyang pisngi. At nang may kumislap na ideya sa isipan ay nagliwanag ang kanyang mukha. Sabihin na lang natin nagmeet tayo sa airport. Nagkabanggan tayo tapos nagkapalit ng passport. Tapos ayun na. We definitely tried to find each other. Okay. Did I forget anything? Wala na. But I have questions. She will take this opportunity to know him better. Para masagot na rin ang katanungan niya kahapon. Isinara naman na nito ang cellphone at muling inligay sa pantalon and waited for her question. Do you have a girlfriend? Wala na. Why did you two break up? I think thats not necessary. Next question. halata namang ayaw nitong pag-usapan iyon. Eto talaga, madaling magbago ng aura. Pero hindi ibig sabihin niyon titigil siya sa pag-

uusisa. Hah! May kahinaan ka pala. Haha! Ngayon lang niya ulit naisip yung napag-usapan nila nina Arjhay. Bago magsimula sa trabaho kanina ay muli niya itong inusisa. At napag-alaman nga niya na iniwan si Denise ng super love of his life at magmula noon ay hindi na ito nagkaroon ng steady relationship. Iniwan ka siguro ano? I already told you to stop right? One more I will leave you here. Ako pa ang tinakot nito. Pero tama a- hindi na niya naituloy ang pang-iinis dito nang mamataan mula sa glass window ang isang pares ng magkasintahan na papasok sa restaurant. Parang masong pinukpok ang puso niya. She cant believe it! Bumaling siya ng tingin upang hindi siya makita ng mga ito. Is there a problem? Wala. Pwede ba? Huwag kang makulit. Nakita niyang papalapit sa kanila ang dalawa. Nagbaba siya ng tingin. Di bale nang mapansin ni Denise ang pagbabago niya ng mood. Ang mahalaga ay ang dalawang buwisit na iyon. Pero nakita siya ng mga ito sa ginawang pag-aangat ni Denise sa kanyang mukha. Paktay. You have a problem. he said looking directly in her eyes. Oo. Meron na. sakto namang nagsalita si Antonia, ang ex ng ex niyang si Karlo na sa tingin niya ay girlfriend na naman ulit ng naturang lalake. Andie Guieb? Ikaw ba iyan? maarteng sambit nito. Pinaikot niya lang ang kanyang mga mata. Oo. May problema ka ba doon? Ikaw nga. You didnt change a bit. Youre still the same old you. Insecure ka pa rin sa akin. Binuntunan pa nito ng plastic na malanding tawa. Buwisit talaga. Bumaling ito okay Denise. Oh, sino naman itong gwapo mong kasama? Sugar mommy ka ba niya? Hindi. Im his- Im her date. sagot nito na may halong katarayan. Nalintikan na. Naku naman Denise. Dumagdag ka pa. Tsk. Oh. Mukhang nakapag move on ka na sa latest break-up mo. Im glad. Parehas na lang nitong Karlo ko. mas lalo pa itong umangkala sa traidor na lalake na hindi naman makatingin sa

kanya. Mabilis magcope up sa mga bagay na walang kakwenta kwenta. It was good h e already realized that he didnt deserve his last girlfriend. Pinapatamaan siya ng lintik na babae. Nilalait siya nito dahil alam nitong di siya lalaban. Kating-kati na ang mga kamay niya para hilain at hablutin ang rebonded nitong buhok. Pero nagpigil lang siya. Kung hindi lang niya kasama si Denise, baka kanina pa niya ito inaway at gumawa ng malaking eskandalo. Excuse me but we are having dinner. May pag-uusapan pa kami. And youre obviously being a disturbance. masungit na pagtataboy ni Denise sa dalawa. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nito. Mukhang sa unang pagkakataon ay nai-pagpasalamat niyang arogante ito. Antonia lets go. seryosong untag ni Karlo sa babae. Akala niya nawalan na ito ng boses. Umingos lang ang babae at sumunod kay Karlo. Napahiya na naman ito. Buti nga sa iyo. Sino sila? naguusisang tanong sa kanya ni Denise. Wala. Tulad mong tinik sa lalamunan ko. Still, she cant help but think about them. Nasasaktan siya dahil napakabilis siyang ipinagpalit ng ugok na iyon. Lalong lalo na ang pride niya. Was he your boyfriend? No. Kasi hindi ako pumapatol sa lalake. mabilis niyang sagot. Halika na. Lets go home. Ang pangit ng ambiance rito. Wala naman na tayong pag-uusapan hindi ba? Tinitigan siya nito ng maigi. Just like what he used to do, he is again inspecting her. Fine.

KUMAIN ka muna. Boses iyon ni Denise. Hindi niya ito nilingon. Shes busy making a new dessert. Itutuloy na niya ang binabalak niyang pag-dadagdag sa menu ng coffee shop. Hindi pa niya ito ikinukunsulta rito dahil gusto niyang subukan munang gumawa bago ipatikim rito. Next is get his feedback and then shell tell him. I said take a break.

Hindi ako nagugutom. Kahit na. hindi pa rin niya ito pinansin. Nakatalikod siya rito. Youre working too hard. Three days ka nang ganyan. Ayaw mo nun? Hindi naman ako humihingi ng dagdag sahod. Ginagawa niya ito para hindi niya maisip ang tukong ex niya. Baking is her best remedy when she has problems. Nadedepress lang siya. At hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap na ang minahal niya ng isang taon ay iniwan lang siya ng basta basta. Kailangan ko at ng shop ang isang buhay na pastry chef at girlfriend. Here, eat it. Inilapag nito ang isang mansanas sa table niya. Narinig naman niya ang mga yabag nitong papalayo. Tinitigan lang niya ang ibinigay nito. Itinigil muna niya ang ginagawa. Kinuha niya ito at muling pinagmasdan. How thoughtful. How I wish ganito si Karlo noon. Nalungkot lang siya sa naisip. Ah! Itigil mo na nga iyan! Saway niya sa sarili. He is just like your father. Iniwan ka din niya. Kalimutan mo na siya and move on. Walang bulate iyang binigay ko sa iyo. ani Denise na hindi pa rin pala umaalis. Doon na siya lumingon rito. Kung ayaw mo akin na lang. Lumapit ito at kinuha mula sa kanya ang prutas. Saka ito umalis. Teka. Nasisiraan na naman ba iyon ng bait. Magbibigay tapos kukunin. Sinumpong na naman. Ibinalik na lang niya ang atensiyon sa ginagawa. Ngunit nawala na yata ang concentrasyon niya dahil kay Denise at sa ginawa nito kanina. Mabait ito na hindi. And speaking of him, muli itong bumalik. May dalang bowl. Nagtatakang napakunot noo siya. Oh, hiniwa ko na para sa iyo. I even added pears dahil baka kako ayaw mo pala ng apple. Huwag ka nang mag-inarte kundi itutuhog kita sa kawayan saka ko ilalagay ang apple sa bunganga mo. Ibinigay nito sa kanya ang bowl at nanatiling nakatayo sa harap niya. Like what she did with the apple he gave a while ago, she just stared at the bowl full of fresh cut fruits. Bakit ang caring nito nga yon? Kahit masungit ang pagkakasabi nito, hes still concerned about her. Haay. kumuha ito ng isang slice ng mansanas saka isinubo sa kanya. Eat it. Sinunod naman niya ito. Nginuya niya iyon at nilunok. Matamis ang mansanas. Bigla niyang naramdaman ang gutom. Yumyum.

Gusto mo lang palang masubuan. Ang dami mo pang drama. Sinubuan ulit siya nito. Masarap ba? Tumango siya. Siya naman ang kumuha at isunubo rito. Masarap pala akong maghiwa. puri nito sa sarili. Kumuha pa sila at nagsubuan. Weird. Natigil lang sila nang may tumili. Lumingon sila sa may pintuan. Nakita niya si Geraldine na nakatayo at nakapamulagat sa kanila. Katabi nito si Ruvie na tinitingnan ang SLR. Mukhang nakunan na sila ng litrato. Wuuu. Paktay. Kabarkada niya sina Geraldine at Ruvie. Nakasama na niya ang mga ito mula noong college sila. Malalapit silang magkakaibigan. Isang sikat na photographer si Ruvie at si Geraldine naman ay walang trabaho ngayon dahil kasesesenta lang nito. Hindi ito nagtatagal sa mga pinapasukang trabaho. Andie-lim, you nga! tumatakbong sigaw ni Geraldine. Kanina ka pa kayo? Hindi niya ito pinansin at bumaling lang kay Ruvie. Pumaharap siya upang matakpan si Denise na implosibleng mangyari dahil tuta lang siya kung ikukumpara sa height niya. At anong ginagawa niyo rito? May nareceive kasi akong tip na nakakuha ka na daw ng trabaho mo at eto, pinuntahan ka namin. Namimiss na rin kasi kita. Ngumiti lang ito ng pacute. Sino siya? tanong ni Denise. Pinagpalit mo na ako Andie? lumapit ang mga ito sa kanila. Bawal kayo rito. pagtataboy niya. Hindi siya makakapayag na malaman ng mga ito ang koneksiyon niya kay Denise. Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito. Pero hindi ito nagpapigil. Ikaw sino ka? tanong nito sa lalake. Im her boyfriend. And shes mine. Is there anything wrong with that? supladong sagot ni Denise. Oops? Shes yours? komento ni Ruvie. She curiously turned to her. And she know what shes going to ask next. Alam kasi nilang ang pinakayaw niya sa lahat ay inaangkin siya. Maging kasintahan man niya o hindi. Tama ba ang narinig ko Andie? Huwag ka na ngang mangealam Ruvie. singit ulit ni Geraldine. Bago pa niya masagot si Ruvie ay nagtatalak na ito. Hiniwalayan mo na pala si Karlo Tarantadow. At ikaw na pala ang new kasintahan ng kaibigan ko.

Napakunot ang noo nito. Karlo? Yep. Hindi mo alam? pabalik na tanong nito sa lalake. Ah, siguro nagayuma ka ng friend ko. Pero mabuti na rin iyon para sa kanya. Pangit kasi ang ex niya. Walang panama sa kagwapuhan at kasweetan mo. Ruvie, could you do me a favor? Pwede bang ilayo mo na ang Koreana kuno na ito at baka pasalvage ko siya sa pinsan kong interpreter? Okay, basta ako photographer sa kasal niyo ha? May pinsan kang interpreter? Halika na. Iyon lang at hinila na nito si Geraldine. Ang huling narinig na lang niya ay ang pagtatalo ng dalawa. Hindi siya makatingin rito ng deretso. Bakit pa pasulpot-sulpot na lang ang mga kaibigan niya? Tsk. Magliligpit lang ako ha? aniya saka ngumiti. Tagilid pa yata ang ngiti niya. Tumali kod na siya ngunit muli itong nagsalita. Wait. Muli siyang humarap. Ahm. Ibaba mo na lang yung pagkain. Pramis kakainin ko. Itinaas pa niya ang kaliwang kamay para lang ibaba at ipalit ang kanang kamay. Its not about it. Importante ba? Pwede bang mamaya na lang? Magliligpit lang talaga ako. Seryeso ito. Ni hindi maipinta ang mukha. Hindi pwede. Umiiwas ka ba? Hindi ah! Why would I? pagkakaila niya. Ano bang pag-uusapan natin. Sige go. Still he was looking at her intently. Hindi naman niya kayang tapatan ang titig nito kayat nagbaba lang siya ng tingin. That Karlo we met in the restaurant, is he the one your friends are referring? Oo. mahina niyang sagot. Sagutin mo ako ng maayos. utos nito. Pero hindi naman ito galit. Hindi naman niya kayang idescribe ang nakikita niya sa mukha nito.

Doon na siya napatingin dito. Oo nga. Yeah. Yes. Yep. Ano pang gusto mong sagot? Napalakas pa yata ang boses niya. Nakakainis naman kasi ito eh. Narinig na nga kailangan pang paulit. Hays. Kaya pala ganoon na lang ang pagngingit-ngit mo sa babaeng kasama niya. Kahit naman kami pa ni Karlo, pag-iinitan pa rin niya ako. muli na naman siyang naiirita. Maalala lang niya lahat ng tungkol sa babaeng iyon, kumukulo ang dugo niya. Kaya rin pala gusto akong sugurin ng lalakeng iyon. komento pa nito. Ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. Parang sarili lang ang kinakausap at isa lang siyang molecule na hindi naririnig nito. Talaga? gulat na sabi niya. She expected that hindi naapektuhan si Karlo. After what he did to her, napag-isip niyang hindi naman talaga siya nito minahal. Dont. She gazed at him with a questioning look . Huh? Dont get false hopes. Ahh Muli siyang nagbaba ng tingin and pouted her lips. Hindi naman ako umaasa eh. nagdrawing pa siya ng kung anu-ano imaginary lines gamit ang paa. Whatever. I just want to clear one thing. Ayokong makitang malapit ka sa kanya. Maliwanag ba? Tumango na lamang siya kahit na naguguluhan sa sinabi nito. Good. umalis na lang ito sa harapan niya. Binelatan pa niya ito habang lumalayo. Kung maka-asta ang isang ito sa kanya siya. Naalala niya ang sinabi nito kanina. And shes mine. Ang sarap pakinggan. Hala ano daw? He just branded you as his. Tapos nagagalak ka pa? Juice ko po. Can it be Nah. Chapter Five ILANG beses pang napahikab si Andie. Antok na antok pa talaga siya. Kung bakit naman kasi biglang nambulabog ang Denise na ito. Pati magulang at ate niya at kasama sa nabulabog nito.

Papanhik na siya pababa kanina. Bigla kasi siyang nauhaw. Kapag pa naman ganoon ay para lang siyang nag-i-sleep walk. Pagdating niya sa baba nakita niya ang mama niya. Pero hindi niya inaasahang makikita niya ang lalake. Sakto pa namang itinaas niya ang kamay niya. Kita tuloy ang kilikili niya. Anong ginagawa mo rito?! malakas na tanong niya rito sabay baba nang mga kamay niya. Anak, nambubulabog ka ng mga kapitbahay. Hinaan mo lang ang boses mo. utos ng kanyang ina saka sila iniwan. Eh, siya nga ang nakakaistorbo eh. bulong niya. Parang batang nalukot pa ang mga mukha niya.What do you want? Magbihis ka. Pupunta tayong Palawan ngayon.agaran nitong sabi. Napatingin siya sa orasan nilang nakasabit sa dingding sa may malapit sa t.v. nila. Ha?anong oras pa lang oh. 4:00 pa lang. Hindi pa ako nakapagpaalam sa nanay ko. I already told them about it. At pumayag sila? Why not? Babalik rin naman tayo after two days. Ibabalik naman kita ng buhay. bihis na bihis na rin ito. He looked really cool with his faded jeans and sweatshirt. Nakasabit ang shades nito sa damit. Hindi pa ako nakapag-empake. Wala akong susuotin ngayon. Hindi pa ako nakaligo. Kulang pa ako sa lakas, kulang pa ako sa tulog. Tiningnan lang siya nito na parang nagsasabi na wala siyang dapat ikabahala. Im giving you ten minutes to prepare. Nakahanda na lahat ng gagamitin mo. Naibili na kita ng mga damit. Nasa kwarto na rin ang gagamitin mong damit ngayon. Go. She just stood there staring at him. She cant believe him. Pupunta ito rito tapos uutusan lang siya. Ni hindi man lang ito naawa sa mga pinagsasabi niya. Time is clicking Andie. Malelate tayo sa flight. Baka gusto mong paliguan pa kita. talagang nagmamadali na ito. Sumunod na lang siya. Wala naman siyang magagawa because one thing is for sure. Mas matigas ang ulo nito kaysa sa kanya.

At ngayon, heto siya, nakaupo katabi nito na nagbabasa ng magazine. Humikab pa siya uli. Pwede ba takpan mo naman yang mouth mo if youre going to yawn. anito habang nagbabasa pa rin. Wala akong bad breath okay. At kung nagpapasabi ka sana na may pupuntahan tayo ngayon di sana maaga akong natulog. Wala pa ring nagbago sa emosyon sa mukha nito. Mukha pa rin itong masungit. Dont tell me siya pa rin ang dahilan ng pagpupuyat mo. Paano kung sabihin ko sa iyong tama ka? aniya. She didnt know where that statement of his came from pero napipika na rin siya rito. Heto siyat kulang sa tulog at gutom pa habang ang katabi niyay cool na cool sa ginagawa. At siya pa ang dahilan ng pagpupuyat niyang iyon. Hindi siya nakatulog sa kaiisip tungkol sa mga sinabi nito. Ang pagaangkin nito sa kanya. Ang pagiging caring nito. Tumingin ito sa kanya. Dont say that. Because if you mean it. Pahihirapan ko siya. Palulubugin ko ang kompanya niya. I will do anything to make him suffer. And why would you do that? Bakit ba inis na inis ka sa kanya? she formed a knot in her forehead. Napapansin niyang mula noong malaman nito ang tungkol sa nakaraan niya ay lagi na lang nitong pinag-iinitan ang lalake. Dahil pinapahirapan ka niya. sagot nito. Nagulat siya. Gagawin niya iyon dahil nasasaktan siya? Now thats strange. Hindi naman siya deserving para iyakan mo. Ang pangit niya. Napakahambog pa. Ano bang nakita mo sa kanya? Nasaring naman ang ego niya sa huling sinabi nito. Para naman nitong sinabi na pumapatol na lang siya sa kung sino sino. Bakit hindi ka ba mayabang? At least ako may ipagyayabang ako. Eh siya wala. Umaasa lang siya sa mga magulang niya. patuloy na panlalait nito sa ex niya. He even rolled his eyes. Ang sakit mong magsalita. iyon na lang ang nasabi niya dahil totoo naman kasi ang lahat ng sinabi nito. Nasasaktan ka para sa kanya? hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. Youre pathetic. Tumayo ito at nagsimula nang maglabas ng mga gamit nila. Nai-announce na kasing naglanding na ang airplane na sinasakyan nila. Bilisan mo. Ayoko ng pabagal -bagal. nauna na

itong maglakad. Naiwan naman siyang nakatanga lang wondering what happened to their conversation. Abat... galit na naman? Bahala ka. Problemado na ako kagabi dahil sa iyo. Ayoko na.

I AM actually thinking of that. But there are other things to consider. ani Denise sa kinakausap nitong Chinese businessman. Kanina pa ito sa pakikipag-usap sa mga tao roon. Dinala lang naman siya nito bilang dekorasyon. Hindi naman niya masabing kasama dahil kapag kasama kinakausap nito. Mula nang dumating siya sa pabulusong lugar na ito ng Palawan ay hindi na siya nito kinausap. Sunod ng sunod lang naman ang ginawa niya. Excuse me. pamamaalam niya. Kanina pa siya bored. She didnt bother to tell wher shes going. Ni hindi yata nito narinig ang sinabi niya kung kayat umalis na lang siya. Kung ayaw siya nitong kausapin, fine to her! As if mawawalan siya. Ang dami kayang pwedeng makausap diyan. Hmp! What do you want Maam? tanong sa kanya ng isang waiter. Nagtuloy siya sa may open bakeshop. I want a blackberry cake and mango shake. Iyon lang po ba maam? Yes. Thank you. nginitian niya ito. Gusto niyang matikman kung gaano ba kasarap ang mga luto rila noon. Nandirito na rin lang naman siya, pakikinabangan na niya iyon. A few more minutes her order came. Hmm. Presentation wise the dessert looked appetizing. She was enjoying her food when someone in her back talked. Kung bakit ba naman sa lahat ng pagkakataon eh ngayon pa ito nagpakita. Andie. she didnt respond. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niya kung sino ito. Andie, please. What do you want Karlo? asar na bumaling siya rito. Ngayon pa lang sila nagka-usap ulit ng sila lang dalawa after they broke up. And seeing him up close like this again just brought anger in her side.

I just want to talk to you. sagot nito. Matatag ang pagkakasabi nito niyon which only means she cant say no but she is one of a hell pasaway kaya hindi siya padadala rito. There is nothing to talk about. And you must be the first one to know that. panunuya niya rito. She rolled her eyes and mockingly gazed at him Pwede ba. Dont bring it up. I know it was my fault. Alam mo naman pala. Bakit ka pa lumapit? Because I want us to patch things up. If you could just give me chance. He is almost pleading when he said it. And it is her first time to see it. At some point she saw honesty from him. Okay. Pero bilisan mo lang. Denise might be looking for me right now. hindi man niya magawang aminin pero gusto niyang isipin na iyon nga ang gagawin ni Denise. Ang hanapin siya. Ngiting aso lamang ang binigay nito sa kanya. Kung ganoon nga, hindi ka n a sana niya binabalewa ng ganoon. What are you talking about? Pwede ba Andie. Youre smarter than I think you are. Hindi mo ba nakikita ang ginagawa niya sa iyo? He is taking you for granted. Ni hindi ka niya pinapansin kanina. palatak nito. Thats not true. huma niya kahit ang sinisigaw ng utak niya na tama ito. Maglolokohan pa ba tayo? Kanina ko pa kayo pinagmamasdan. I was even shocked to see you do nothing about it. Ito ba ang pag-uusapan natin? wika niya. She needs to divert their conversation. The more that his talking and shes proving them right, the more that she is getting her heart bruised. Kinausap ko na ang mga magulang ko. I asked them to let me decide for myself. Whom I want to love and what I want to do. And? I have a job. Nagtratrabaho na ako bilang isang manager ng kompanya.

Good for you. She meant what she said. Can we be together again? No. agarang sabi niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili. The day they broke up, she wished that he will be asking her back, but that was before. Ngayon, she cant feel anything for him. At bakit? I thought you love me? This time she can see pain in his eyes. Iyon din ang sa tingin ko noon. Is this because of Denise? Siya ba ang ipinalit mo sa akin? hindi siya sumagot. Siya nga ba ang dahilan? Bakit ang bilis mo akong pinagpalit? Knowing that you always said that you loved me. Wait a minute, Karlo. Ipinapaalala ko lang sa iyo. Parehas lang tayong may ipinalit sa isat-isa. And who knows you came first. So dont talk as if I have big sin to you. wala nang patutunguhan ang pag-uusap nilang ito. Its not clearing things up. Lumayo na siya at nagpuntang dalampasigan. Gusto niyang magpahangin. Hindi niya akalaing hanggang doon ay sinundan pa siya nito. Andie wait. he grabbed her hand which made her stop. Wala na tayo, Karlo. Move on. I know I made such a huge mistake of letting you go. And I will do anything for you to come back. nahihibang na ba ito. Does he love her already? Sayang. Its too late. Because she already started loving him less and now its a bit away from nothing. You cant do anything anymore. Were through. May Antonia ka na and I already have mine. sagot niya rito. Hindi niya alam kung paano niya ipauunawang hindi na pwedeng maging sila. I wont give up. You dont love him and I will prove it to you. She grabbed her waist and tried to kiss her. Pumalag na lang siya ngunit lalo lang nitong ipinilit ang gagawin. Ngunit bago pa nito magawa ang binabalak ay bumagsak na ito sa buhanginan. Denise was already there and punched him right into his face. Dont dare touch my girl! sigaw nito sa pobreng lalake. Humahangos naman ang girflfriend nitong si Antonia.

Ano bang problema mo? Are you okay honey? kasama rin pala nito ang dalaga. Tumayo si Karlo at inimba ng suntok si Denise. Naiwasan naman iyon ni Denise. Nagpatuloy pa rin ang dalawa sa pagsusuntukan. Pumagitna siya. Ano ba kayo! Will you stop it! sigaw niya sa mga ito. Nasa tabi na ulit ni Karlo ang kasintahan. Susugod na naman sana si Denise pero napigilan niya ito. Denise huwag na. Dont ever go near her again! Bakit ano mo ba siya? Though ikaw ang kasintahan niya I will be with her kung gusto niya. Kukunin ko siya pabalik sa akin. nang-aasar pang tananong ni Karlo. Shes mine! galit na tugon pa rin nito. Halika na. hinila siya nito papalayo sa lugar na iyon. Patungo sila sa hotel. Didnt I told you that you stay away from him? galit na tanong nito habang kinakaladkad siya. Hindi ka ba marunong umintindi! Nasasaktan ako Denise! Kung hindi mo sana siya linapitan eh di hindi na sana kita kinakaladkad ngayon. huminto ito sa paglalakad. Nasa tapat na sila ng kanilang kwarto. Hinarap siya nito. Hindi mo ba siya matiis at kahit may boyfriend ka na at may kasintahan na siya ay linalapitan mo pa rin ang lalaking iyon? Sinamapal niya ito. You cannot control me! pagalit na sigaw niya rito. Ano ba talaga ang tingin nito sa kanya. Ganoon katanga? You are my girlfriend, dammit! galit din sigaw nito. But that doesnt mean you own me! I paid you to be my girlfriend, kaya gagawin mo lahat ng gusto ko. Binayaran mo nga ako, pero ang titulong bilang girlfriend mo lang. nasasakatan siya sa mga sinasabi nito. He doesnt care at all. Nasaan na ang Denise na nakilala niya bilang sweet kamakailan lang? Para lang siyang isang bagay na basta na lang nito inuutusan. At pwede ba, hindi mo ako maaaring utusan ng kung anong gusto mo. I have a mind of my own. Not because you paid me means I will let you control my life. May feelings din ako!

Hindi ako robot. Kung pinapansin mo lang sana ako kanina, kung pinahalagahan mo lang sana ang presensiya ko, hindi na sana ako umalis. Inilabas niya ang susi mula sa bulsa niya saka binuksan ang kwarto. Pabalibag niyang isinara iyon. Napasandal siya sa pintuan. At hindi niya namalayang may lumandas na luha sa pisngi niya. Damn him! How can he hurt me like this! Pinalis niya ang mga luha niya. Why are you crying? Sita niya sa sarili. Tama siya. Binayaran ka niya. Hindi ka dapat nasasaktan dahil alam mo ang tungkol doon. Hindi ka dapat umiiyak dahil wala siyang halaga sa buhay mo! Pero sa naisip na iyon, lalo lamang siyang napaiyak. Dahil alam niyang mali siya. Denise managed to touch something inside her without her knowing it. Buwisit talaga kayong mga lalaki!

ANDIE, can you open the door. sabi ni Denise na nasa labas ng kwarto habang kumakatok. Please. Hindi siya kumibo. Dalawang oras na rin ang lumipas mula ng mag-away sila kanina. Umalis ito kanina. Nakita niya mula sa peephole ng pintuan. Maaari naman itong pumasok kung gusto nito. They both have a key. Nagpatuloy lang mga katok sa pintuan. Buksan mo na kasi Andie. Baka sabihin pa niyang nag-iinarte ka lang at nagpapakipot. Sigaw ng isang boses sa kanyang isipan. Sige na. Tama na ang pagtatampo. Napagdesisyonan niyang harapin na ito. Pwede ka nang pumasok Denise. Narinig niya ang pagpihit ng pinto. Sa ginawa nitong iyon ay nawala ang pagtatampo niya. Bakit? Kasi kahit may susi ito at kaya nitong buksan ang pintuan hindi nito ginawa. Binigyan siya nito ng panahon para mapag-isa. At para na rin nitong nirespeto ang desisyon niyang huwag itong papasukin. That he already understood what she was trying to tell him. Nagkukot siya sa kanyang higaan. Hinila pa niya pataas ang kumot. Ibinaba lang nito iyon. Makikipag-usap ako sa iyo. Kaya huwag kang magtago. Bumangon ka nga diyan. utos ulit nito. Talagang hindi na maaalis sa pagkatao nito ang maging pala-utos. Hindi pa rin niya ibinaba ang kumot.

Hoy, Andie. Tanggalin mo iyan kundi sisisantehin kita. doon siya napabangon. Tinanggal niya ang kumot saka hinarap ito. Umupo siya sa kama. Eh di sisantehin mo! Sinong tinakot mo? At maghahanap ako ng bago kong pagtratrabauhan. pagtataray niya. Papasalvage ko naman ang kung sinong tumanggap sa iyo. Pasusunog ko rin ang bahay niyo. sagot nito. Abat! Tinatakot mo talaga ako? Pwes hindi ako papatalo. Okay pa rin iyon sa akin. Kahit pasunog mo ng buhay ang buong angkan namin. Basta hindi lang kita makita okay lang. Eh di palagi akong pupunta sa bahay niyo. Lagi kitang aabangan at kukulitin. Iyon ang ayaw mo hindi ba? nakangisi na ito sa kanya. Nag-eenjoy ito sa ginagawa. And she cant help but smile too. Ah nawalan siya ng sasabihin. papahabol kita sa ibinigay mong snail sa akin. Ilalagay ko siya sa face mo! What she didnt expect was what hes gonna do next. Hinla siya nito at niyakap. She just found herself smelling his perfume while being inside his arms. I am sorry Andie, I didnt m ean to hurt you. Napangiti siya sa ginawa nito. Ibinaon niya ang mukha sa leeg nito. Gusto lang niyang gawin. Hindi naman ito umangal. Hindi ko naisip na sumosobra na pala ako. Na nasasaktan ka na pala. Pero magtimpi ka kapag nasa malapit siya? Baka mabugbog ko ulit iyon kapag nilapitan ka. Ayos na sana kung hindi lang nito sinabi iyon. Kumalas siya sa pagkakayakap nito saka niya ito pinukpok sa ulo. Hindi ako ang lumapit sa kanya, okay. Siya ang nagpumilit na makipag-usap sa akin. At hindi ko alam na matagal na pala niya tayong inoobserbahan. Umupo ito sa kama. Saka hinawakan ang nasaktang ulo. Kinakailangan mo pa bang saktan ako? Oo. Para magtino ka. Hindi pa ginagawa ng mommy ko ang saktan ako sa ulo. At bakit, malalaglag iyang laman? Hindi mo ako nanay. Ako ang napili mong i-hire bilang girlfriend mo kaya magtiis ka. mahabang litanya niya.

Oo na. Pero kapag nakita ko pa siyang pinipilit ka, tutuluyan ko na siya. Hes not worthy of you, Andie. And you deserve someone else. So dont waste time waiting for him. seryoso nitong komento. Natahimik ulit siya. Hindi ko naman siya hinihintay Denise. No need. I have already moved on. Now that I found someone else better than him. Good. Because you are mine. Chapter Six ALAM mo hindi ko gustong inaangkin ako. wika ni Andie kay Denise. Nasa silid pa rin sila at kakaayos lamag ng gusot na nagyari sa pagitan nilang dalawa. I dont care. I want to call you mine. Kung ayaw mo, bayaran mo ako ng isang milyon. masungit na saad nito. Magulang ka kahit kailan. Huwag mo na ulit akong gagalitin nang ganoon kung hindi gigilitin ko iyang leeg mo. banta niya rito. Iminuwestra pa niya iyon. Whatever. pina-upo siya nito ng maayos. Nakasandal siya sa headboard ng kama. Ito naman ay umunan sa mga hita niya. Pumikit ito. he look like an angel. Her angel. Denise, ang dami mo nang alam tungkol sa akin. sabi niya rito. Siyempre, matalino kasi ako. Wala nang bago roon. pagyayabang nito. Mayabang ka kamo. bahagya niyang sinabutan ang buhok nito. At kumpirmado, malambot nga ang buhok nito. May ipagyayabang naman kasi ako. dumilat ito. Ano ba ang tatanungin mo? Make a promise first. Promise that you will answer it. paniniguro niya. Baka hindi lang nito sagutin ang tanong niya. Or worse bigla itong mag-walk out. I am not good at making promises. At ayokong nagbibitiw ng mga iyon. Dahil kung sinabi kong gagawin ko, I will do it. Have you ever been in love? gusto niyang malaman kung sino na ba ang babaeng nakakuha sa puso nito. Yes.

She cleared her throught. Bigla biglang may bumara roon. Magtatanong ka tapos di mo rin pala kayang marinig ang sagot nila. Tanga ka rin noh? Where is she then? Shes gone. ipinikit nitong muli ang mga mata. Anong nagyari? Hindi ko alam. Iniwan niya ako nang walang sabi-sabi. I tried everything to communicate with her yet she didnt respond. Sinabi niya noon na hindi niya ako iiwan, wala siyang isang salita. bahagya itong ngumiti ng mapait. Napakagat siya sa kanyang labi. A-are you still in love with her? It was three years ago when it happened, I dont know if I still love her. Bigla itong dumilat. Nagtatanong ang mga mata. What do you think? Hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinalubong niya ang mga mata nito and answered honestly even though it hurts. Yes. Dahil sa tatlong taong hindi kayo nagkasama, wala kang naging stable girlfriend. Lahat sila fling. Hindi nagtagal. Parang naglaro lang kayo. Wala kang sineryoso. Wala lang kasi akong sapat na panahon para sa kanila. Kasi hindi mo sila minahal, kaya hindi mo sila mapag-alayan ng sapat na panahong iyon. segunda niya sa sinabi nito. Mabilis na lumipas ang mga panahon Andie. Hindi ko namalayang tatlong taon na ang lumipas at kailangan ko na palang magseryoso. huma uli nito sa sinabi niya. Hindi. Naghintay ka Denise. Nagbakasakali kang babalik ulit siya. Na may pag-asa pa sa relasyon ninyo. masakit isiping tama ang mga sinabi niya. Lalo na at siya ang nagpapaunawa niyon sa kanya. Nakaramdam siya ng maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya. Alam mo bang gustong gusto kong nakikita kang natutulog? bigla nitong komento. Huh? naramdaman niyang namula ang kanyang mga pisngi. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at magaang hinaplos iyon. Nakakatuwa kasi ang hitsura mo. Para kang anghel na hindi makasalanan. sambit nito. At ang taong ito. Anong ibig mong sabihin, na masama ako? galit-galitang tanong niya.

Hindi naman. Pero hindi ka rin naman mabait na mabait. ngumisi lang ito. Kumuha siya nang unan saka itinakip sa mukha nito. Nakipag-agawan lang ito ng unan. At hindi naman siya nagpatalo. Ngunit mas malakas ito. Kaya ang nagyari siya ang napailalim. Hawak hawak nito ang dalawang kamay niya. Habang ang mga paa niya ay nasa pagitan ng mga hita nito. Napatingin siya sa mukha nito. Matagal din silang nasa posisyong ganoon. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kinahaban nga siya dahil baka marinig nito iyon dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Ang buong akala niya ay hahalikan siya nito. Iyon pala ay ginawa lang nito iyon upang makuha ang unan at itinakip nito iyon sa kanya. Bumangon ito at humagalpak sa tawa. Nag-init naman ang ulo niya. Deniseee! Bababa lang ako. Kukuha ng makakain natin. Sa couch na lang ako matutulog, baka gapangin mo pa ako. Bago pa niya ito masundan para batukan ay lumabas na ito. Mula sa labas ay maririnig pa rin ang malakas nitong tawa. Sige, magpakasaya ka sa piling ko. Para naman malimutan mo ang irog mo Denise. napatawa na rin siya sa ginawa nilang kalokohan kanina. Pero hindi maitatatwa ang kakaibang naramdaman niya kanina. Alam din niyang hindi na iyon pwedeng maglaho. Balang araw, mararanasan mo rin itong nararamdaman ko. Mababaliw ka rin sa kaiisip at magpupuyat ng bonggang bonga. Napangiti siya saka humiga sa kama. Nagpagulong gulong pa siya roon sa sobrang kilig. Siningot singhot niya ang unan at lahat ng nahaluan ng pabango ni Denise. Ang bango mo talaga! Amoy pa lang katakam takam na.

PAGKATAPOS ng convention sa Palawan ay agad din silang umuwi. Dalawang araw lang ang naipa-alam nila sa kanyang mga magulang. Nabanggit nga nito na kung alam daw lang nitong magugustuhan niya roon sana ay tatlong araw ang naipag-paalam nito. Sa ikalawang araw nila, mas naging maayos ang trato nito sa kanya. Natural na lang talaga na mayabang ito at antipatiko. Ihinatid siya nito ngunit sa may kanto lang. Dito na lang ako. aniya ng huminto ang sasakyan. O sige. Alam ko na mang pagrarambulan nila ang kagwapuhan kong ito. umiral na naman ang paghahambog nito.

Pinaikot niya ang kanyang mga mata. Sabi ko nga eh. Bumaba na siya at nagpa-alam. See you around. yun lang at umalis na ito. Naglakad na rin siya patungong bahay. Nakangiti pa siya habang nag-hu-hum. Mukhang ang saya mo, Andie ani ng isang tambay. Ngiting aso lang ibinigay niya rito. Hindi mo yata alam kung ano ang naghihintay sa iyo pag-uwi mo. Natigil siya sa paglalakad. Humarap siya rito ng nakakunot noo. Anong big mong sabihin? Hindi mo alam? Pinagpyepyestahan na nang buong baranggay ang mga nangyayari sa inyo. Kung ako sa iyo, bibilis bilisan ko na ang paglalakad para maabutan mo pa ang nanay mo. concerned na sabi ni Aling Tasing. Doon palamang ay kinabahan na siya. Sinunod niya ang payo nito. At nagulat na lang siya sa nasaksihang pangyayari. Nakita niyang nakakapit sa kamay ng isang lalake ang kanyang ina, nagmamakaawa. Nasa labas ng bahay ang mga ito. Ang mga lalakeng nasa harapan naman nito ay walang pakialam at basta na lang pinalis ang kamay ng kanyang ina. Natumba ang kanyang ina. Dinaluhan niya ang kanyang ina. Ano ba! sigaw niya sa mga ito. Parang-awa niyo na po. Bigyan niyo pa kami ng kahit na kaunting palugit. pagmamakaawa ng kanyang ina sa mga taong nakasuot ng black na business attires. Panahon ba kamo misis? Matagal nang hindi niyo nababayaran ang utang niyo. T atlong taon na. sagot ng lalake sa maangas na paraan. Ito ang nagkautangan nila. Hindi naman po kasi madaling maipon ang isang milyon. Parang awa na po ninyo. mangiyak ngiyak na ang kanyang nanay. Kaya nga kukunin na namin itong bahay niyo. Kaya kung ako sa inyo, tumingin na kayo ng malilipatan ninyo. saka lang niya napansin ang mga nagkalat nilang gamit sa labas. Sinipa pa nito ang mga gamit nila pati na ang ina. Tumayo siya at sinuntok ito. sa panga ito natamaan. Huwag na huwag mong kakantiin ang nanay ko!

Sumugod naman ang mga alipores nito. Ngunit pinigilan lang ng amo nito. Hinarap siya nito. Alam mo miss, manang mana ka sa tatay mo. Masyadong mayabang. Akala mo kung sinong malakas. Hindi naman kayang magbayad ng utang! Huwag mong nilalait ang tatay ko! Mag halang kasi ang kaluluwa ninyo! Pinautang niyo siya saka ninyo hinold-up at pinatay! sigaw niya sa mga ito. Pigil pigil naman siya ng kanyang ate. Matapang ka. At maganda. Maaring ikaw na muna ang ibayad nila sa akin. Malakas ang kikitain ko sa iyo. Sinampal niya ito saka dinuraan ang mukha. Walang hiya ka! siya naman ang sinampal nito. Masakit ang pagkakagawa niyon. Uulitin na naman sana nito ngunit hindi natuloy nang may pumigil dito. Denise! Wala ka bang modo at pati babae pinapatulan mo? sabi nito saka pinilipit ang kamay ng lalaki. Huwag kayong lalapit. Kundi tutuluyan ko na ang pagbali ng buto ng amo ninyo. Aray aray aray! anas ng lalaki. Anong problema mo? saad nito sa lalaki na ngayon ay namimilipit na sa sakit. Pakawalan mo ako! Hindi ikaw ang may kasalanan sa akin kaya huwag kang makisawsaw. sagot nito. Pakakawalan kita kung lulubayan mo na ang pamilyang ito. saad nito. Hindi pa nila nababayaran ang utang nila sa akin! Aray! sagot ng lalaki. Iyon ba ang dahilan kaya mo sinaktan ang girlfriend ko? binitiwan nito ang kamay ng pobreng maniningil. Magkano ba? Huh? nagulat na tanong ng maniningil. Pati siya ay nabigla sa sinabi nito. Magkano ang utang nila sa inyo? walang pakundamang tanong nito. Ako na ang magbabayad. Kung gusto niyo, ngayon ko na babayaran. Isang milyon. nanunukat na tanong nito. Nakuha pa nitong ngumisi. Iyon ang utang nila, mababayaran mo na ba ngayon?

Isang milyon lang pala. Kukunin ko lang ang tseke ko. pagkasabi niyon ay u malis na ito at kinuha ang tseke sa kotse. Nang bumalik ay agad nitong ibinigay ang tseke. Nasaan ang titulo ng lote? Ibinigay naman ito ng maniningil. Magbabayad din naman pala kayo. Sige mga bata ibalik ang mga gamit nila. Salamat dito boss. Tinanguan lang ito ni Denise. Nang matapos ang mga ito ay umalis na. Joshua anak, maraming salamat. naiiyak na sabi ng kanyang ina. Hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan. Girlfriend ko po ang anak niyo. Mahal ko po siya kaya hindi ko hahayaang may mangyari sa pamilya niya. ibinigay nito ang titulo sa ina. Mahal? Bakit parang gusto niyang maluha nang sinabi nito ang salitang iyon? Arte lang iyan Andie. Ang contrata! Nalimutan mo na ba? Ang kontrata! Sigaw ng isipan niya. Maswerte ang anak ko sa iyo Joshua. lumingon ito sa kanya. Andie, ikaw na ang bahala sa hijong ito. Huwag mong gagalitin at baka ikaw ang hiwalayan ulit. Maiwan ko muna kayo. Denise sambit niya sa pangalan nito. I think you owe me an explanation.

DENISE, hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa ginawa mo. panimula ni Andie. Nasa may parke sila malapit sa kanilang bahay. Parehas silang nasa swing. Bahagya pa niyang idinuduyan ang sarili. Just let me know first what the whole story is. sagot nito. Huminga siya nang malalim. Ngayon lang niya ulit sasariwain ang tungkol sa utang na iyon. Bago mamatay ang papa ko, she cleared her thorat. Just the memory of her father makes her wanna cry again. Umutang siya ng kalahating milyon. At iyon, kinabukasan natagpuan siyang patay. Ang hinala namin ay hinold-up din siya ng mga pinagkautangan niya. Bakit naging isang milyon? tanong nito. Pinatungan nila ng interes at lalong lumaki iyon dahil hindi namin binayaran. sagot niya.

Bakit ba kasi hindi niyo na lang binayaran iyon agad? Dahil hindi naman kami mayamang tulad mo. Na sa isang pitik lang ng kamay ay may isang milyon na. malungkot na sabi niya. Saka, hindi kasi namin lubos maisip na babayaran namin ang perang hindi naman namin nagamit. Ni hindi namin nakita. Kaya ba ganoon na lamang ang pagtitiyaga mong makakuha ng trabaho kahit na broken hearted ka? tumango siya. nagbaba siya ng tingin. Hindi ko kasi kayang makitang nahihirapan ang nanay at ate ko. Sumumpa ako na itataguyod ko sila. You love them so much. komento nito. Oo. Kaya kahit ano gagawin ko para sa kanila. Kahit na ayokong gawin ang isang bagay, basta ikabubuti nila at basta ba kakayanin ko, gagawin ko. Kaya pala kahit na ayaw mo sa ugali ko ay hindi ka pa rin umayaw. saad uli nito. Bakit mo pala binayaran ang utang namin? tanong niya. Naiiyak na siya. Ayaw niya ng topic nila. Iniba niya ang usapan. Kasi mayaman ako. At wala sa akin ang tatlong milyon. pagmamayabang nito. Alam mo, huwag kang masyadong mayabang, hindi dahil mayaman ka na eh perpekto ka na. sinapok niya ito sa ulo. Whatever. Ginawa ko iyon dahil girlfriend kita. At ayokong nasasaktan ka. Napatingin siya rito. Nakatingin din ito sa kanya. Hindi mo dapat sana ginawa iyon Andie. Ginawa ang ano? Ang lumaban sa kanila. Masyado silang marami at babae ka. Hindi por que babae ako ay hindi ko na kayang lumaban. nagbaba siya ng tingin. Stupid talaga. Inaano ba kita ha? I am just stating a fact. pagtatanggol niya sa sarili. Hindi mo ba alam kung ilan ang mga taong kakalabanin mo? asar na sabi nito.

Wala akong paki-alam. Kahit na isang batalyon pa sila o isang milyon, hindi ako uurong. Ayokong sinasaktan ng kahit sino ang magulang ko. Thats not the point! Sa dami nila, kaya nilang paghiwa-hiwalayin yang katawan mo. Hindi mo ba naiintindihan iyon? Hindi siya nakaimik. Tama kasi ito. I understand that you want to protect your mother but be aware na kailangan mo ring mag-isip kung ano ang tamang gawin. Sa isang laban, hindi dapat atake lang ng atake. Nag-iisip ka din taktika. Alam yan ng lahat. mahabang saad nito. What do you mean by that? That I am so stupid and not really strong? asar na tanong niya. No! naiinis na sabi nito. Walang kumukwestiyon sa kagustuhan mong ipagtanggol ang pamilya mo. Fine, you are strong. But youre relying on it too much which is not good. The point is, even you are strong, you must know that there are some person stronger than you lalo na kung mag-isa ka lang. Thats the reason why I didnt go against them. Mas naging malumanay na ito sa huli. And she understands it already. Laging iyon ang sinasabi sa kanya ng nanay at ate niya. Pero dito pa lang siya nakinig. And she doesnt know whats in him that makes her believe everything he says. Oo na. Naiintindihan ko na. sabi niya saka nagbaba ng muling nagbaba ng mukha. Ano nga pala ang dahilan kung bakit bumalik ka? May inilabas itong mula sa bulsa ng trousers nito. Here. Naiwan mo kasi iyang cellphone mo sa sasakyan. Hindi pa naman ako masyadong nalalayo kaya naisipan kong bumaliv kesa ibigay yan bukas. May nagagawa rin pa lang milagro ang katangahan ko kahit minsan. Nagulat siya nang iaangat nito ang mukha niya and looked deeply in her eyes. Dont ever do such stupid act again. Learn how to use your head. Abat- napabuntong hininga siya. Tumango na lang siya. Tingnan mo nga yang mukha mo. Namumula na. Masakit ba? tanong nito. Hindi. sagot niya. Hinaplos nito iyon. He caressed it with such gentleness. Gagaling din yan. Lalagyan ko na lang ng yelo.

You know whats the best medicine for it? Meron pa ba? Yun lang ang alam ko. Meron pa. Siyempre dahil mas magaling ako sa iyo, mas marami akong alam. Ang yabang talaga. Kung ganoon ano? This. Akala niya kung ano na iyon, pero bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. He kissed the part of her cheeks that was hurt. In no time gagaling na iyan. Ahm napangiwi siya sa nangyayari sa kanya. Halika na. untag nito at nauna nang naglakad. Napahawak sa kanyang pisngi kung saan ito humalik. Ang isang kamay naman ay sa dibdib nakahawak. She know what this means. Kaya? Chapter Seven BAKIT hanggang ngayon hindi ka pa bihis? tanong sa kanya ni Karla nang matapos siyang maglinis ng kanyang kusina. Nasa staff room sila. Nag-aayos ito ng sarili. Sinipat niya ang kanyang sarili. Nakabihis naman ako. May damit pang-itaas at pangibaba pa ako. Bakit mo sinabing hindi pa ako bihis? Huwag ka na ngang mamilosopo. Hindi ba magkikita ulit kayo ni Sir Joshua? abala ito sa pagpapahid ng make-up sa mukha nito. Oo. Lagi naman kaming nagkikita. Anong bago doon? tanong niya. Yun na nga eh. Walang bago. Bakit hindi ka man lang mag-ayos. Tignan mo nga iyang sarili mo. tumingin siya sa salamin. Walang masama sa itsura ko. aniya. hindi naman magulo ang buhok niya. Hindi rin nagmamantika ang mukha niya. Anong sinasabi ng isang ito? Maganda ka Andie. Hindi mo lang alam mag-ayos. Tingnan mo yang balat mo. Ang puti at ang kinis. Parang gatas. Iyang mukha mo, hindi naman bilugan at ang ang cute ng shape. Napakaganda rin ng mga mata mo. Pamumuri nito. Iyon naman pala eh. sabi uli niya na ngayon ay nakangiti na.

Ayaw mo bang mas gumanda ka? Bakit pa? May Denise na ako. Baka magselos lang iyon ng todo. pagmamayabang niya. Ngumisi siya. Parang hindi naman ito makapaniwala. Alam mo bang maraming nagkakandarapa sa boyfriend mo? Alam ko. Marami ding naiinggit sa akin. sabi niya saka bumaling sa dalawang retokada. Umiingos lang ang mga ito. Ayaw mo bang si Sir Joshua naman ang kainggitan ng mga lalake? Kinaiingitan na siya ng maraming lalake, okay. Tumingin siya sa kanyang relo. Wala pa si Denise. Ano kayang nangyari sa isang iyon. Paano na lang kapag biglang nagpropose si Sir Joshua sa iyo? Tapos ganyan ang ayos mo? Eh di maganda. Ang ayos ko ay ang ayos ng taong minahal niya. Bahala ka sa buhay mo. pagsuko nito. Binayaan na lang niya ito. Nang may naalala siya ay tinanong niya ito. Bakit pala ang aga nating nagsara ngayon? Sayang din ang kikitain ng shop. May nagbayad na dito. Nagpareserve. sagot nito. Ngingiti ngiti naman ito. Eh yung pinabake sa akin. Bakit hanggang ngayon wala pang kumukuha? tanong ulit niya. Kasi iyan ang gagamitin ng nagpareserve. Special daw ang araw na ito. hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa mga labi nito. Batukan na lang kaya niya ang isang ito? Parang tanga sa pagngiti eh. Ikaw wala ka bang naaalalang importanteng araw sa buhay mo? Nag-isip siya. wala naman siyang matandaan. Sa tingin ko naman wala. Hay naku. Tsk tsk umiling iling lang ito. Umalis ka na nga andyan na yata ang sundo mo eh. Sige. Ba bye. Lumabas naman siya at nakita si Denise na nasa labas. Papasok na rin sana ito. Oh, saan ka pupunta?

Susunduin ka sana sa loob. sagot nito. Pumasok na sila sa loob saka siya nito ihinatid sa kanilang bahay. Susunduin ulit kita after an hour. anito. Bakit kaya? Ayoko ng malelate kung hindi sisisantehin kita. Okay. Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay may naghihintay na mga damit doon. Three dresses- white, pink and green. Para saan ang mga iyan? Bumili ka ate? hinawakan niya ang mga damit. Malambot iyon. Halatang magandang class ang tela. Mahal ito ah. San mo nabili? Sana nga akin iyan. Hindi naman. anang ate niya na mukhang inggit na inggit. Sa iyo ito mama? Abat kanino kayo nagpapaganda? Mumultuhin kayo ni papa niyan. Bumaling siya sa ina na sakto naman dumako ang kamay sa ulo niya. Binatukan na naman siya nito. Buti na lang kamay lang nito. Pero masakit pa rin. Aray! Maghulos diri ka nga sa mga pinagsasabi mo. Hindi mo na lang ginalang ang yumao mong ama. sermon sa kanya ng kanyang ina. Nagtatanong lang naman ako. Hindi niyo kasi ako sinasagot ng diretso. palatak niya. Sa iyo iyan. sabad ng kanayng ate. Tumingin siya dito. Hindi ko birthday. At kahit magkaganun man, wala pa rin akong pera pambili ng ganito. nagtatakang sabi niya. Binigay yan ni Denise. sagot uli ng ate niya. Mukhang may pupuntahan yata kayo. Baka ipapakilala ka na sa mga magulang niya. She pouted her lips. Wala naman itong nasasabi sa kanya. Maligo ka na lang para maayusan na kita. Kailangan pa ba talaga iyon? Bakit ba lahat na lang kayo ang sinasabi sa akin eh magayos. Pangit ba ako? tampong sabi niya. Wa epek naman iyon sa kanila. Kaya napilitan na lang siyang sundin ang mga ito.

I REALLY am so good. komento ni Denise sa kanya nang nasa sasakyan na sila nito. Bakit bigla ka na naman bang nagmayabang? Nababaliw ka na yata. sita niya rito. Sinalat pa niya ang noo at leeg nito. Hindi ka naman mainit. Tigilan mo nga iyan. hinawakan nito ang kamay niya. Ang sarap talaga ng feeling ng kapag nakakadaop ang mga palad nila. Ibinaba nito iyon para makapagtitigan sila. Huwag mo akong titigan ng ganyan. Alam kong guwapo ako. Huwag mo nang ipagduldulan. Ayos ka rin. hinila niya ang kamay niya. Ayaw naman nito iyong bitawan. Tini ngnan ulit niya ito. Pero abala ito sa pagmamaneho. Napadako ang tingin niya sa mga kamay nila. Hindi na niya tinangkang bawiin iyon. Lalo na at gusto rin naman niya ang pakiramdam ng kahawak kamay ang taong mayabang na ito. Andito na tayo. pagbibigay inpormasyon nito. Tumingin siya sa paligid. Nasa coffee shop kami? Ibig bang sabihin niyon eh ito angPumasok na tayo. walang ka-amore amore na sabi nito. Nabuksan na nito ang pintuan ng kotse. Tinulungan siya nitong makababa at muling hinawakan sa kamay. Pagpasok nila ay nakita niya sina Carla, Arjhay at Ms. Argan. May mga musicians pa na tumutugtog ng violin. Happy monthsary. sabi nito saka yumukod upang halikan siya. Hindi niya iyon napaghandaan. But it was just a very quick kiss on the lips. Napatunganga na lang siya. Just greet me back, Andie. Ahm Happy monthsary too. humarap siya sa mga ito at nakitang ngi-ngiti ngiti ulit si Karla. Nag two thumbs up pa ito. Come on. naupo na sila sa table na pinareserve nito. There were candles all over. Nagsimula na silang kumain habang pinapanood sila. Nang matapos ay sinenyasan niya ito. What do you want? tanong nito. May sabihin lang ako sa iyo. ngumiti siya ng pilit para hindi siya mahalata ng mga tao roon. Lumapit siya rito at bumulong. Pwede ba palabasin mo na sina Carla. Pati mga musicians. Lahat sila.

Just as I thought you would say so. ganting bulong nito. Sumenyas ito sa mga binanggit niya at lumabas naman silang lahat. Ang natira lang ay silang dalawa. Kasama ng mga pagkaing nahanda sa hapag. Monthsary ba talaga natin ngayon? paniniguro niya. Oo. I thought dapat kayong mga babae ang nakaka-alam nito. Bakit hindi mo alam? sita nito sa kanya. Sasagot na sana siya nang muli itong nagsalita. Monthsary niyo lang ba ng pangit na Karlo na iyon ang natatandaan mo? Hindi sa ganoon. Eh ano? Importante ang araw na ito tapos basta mo na lang kinakalimutan? Anong klaseng girlfriend ka? patuloy na panenermon nito sa kanya. Hindi ko lang talaga alam na ngayon na pala iyon. At saka akala ko hindi ka nagsecelebrate nito. pangangatwiran niya. Anong hindi? Anong gusto mong palabasin? Na ako pa ang masamang boyfriend? Hindi. Wala akong sinasabing ganyan. Bumuntong hininga siya. Hindi niya aakalaing pag-aawayan nila ang tungkol dito since hindi naman totoo ang relasyon nila. Hindi ko lang talaga alam. Sa susunod eh, tatandaan ko na. Hindi mo na lang ba nahalata na may niluluto yung mga kasamahan mo? Ang aga pang nagsara ng restaurant. May mga bago kang damit. Hindi ka man lang ba nagtaka? pin apagalitan naman siya nito na parang bata. Akala ko kasi trip mo lang. Tsaka natanong ko naman sa kanila. Hindi naman nila sinabi na ikaw ang nagpareserve. wika niya. Nakaka-asar talaga. Kapag may pagtatalo sila, ito ang laging nag-uumpisa pero ito rin ang laging tama. Bakit naman nila sasabihin sa iyo? Eh di mawawala na ang surprise. Haay. Oo na. Kasalanan ko na ano pang gusto mo? Sige laitin mo lang ako. Wala na akong magagawa. she pouted her lips. She surrenders to this man. Sorry na. Sorry accepted. ngumiti ito. A smile with so much joy. Talagang nasisiyahan ka kapag inaaway mo ako no? Ibang klase ka talaga. huma niya.

At least memorable ang first monthsary natin. Hindi tulad ng ex mong pangit na magbibigay lang ng kung ano anong kacheapan. panlalait ulit nito sa ex niya. Nakasanayan na rin nitong pagsalitahan ng ganoon ang kanyang kawawang ex. Idinawit mo na naman siya. walang kasalanan sa iyo iyon. umiling-iling na lamang siya. Saka, when youre in love it doesnt matter how much is his gift to you. Ipinagtatanggol mo na naman ba siya? I hate it when you do that. napasimangot ito. Ikaw ang naunang bumanggit sa kanya hindi ako. saad niya. Mukhang mananalo na siya laban dito ngayon. Kaya bakit ako ang sisisihin mo. At sinong sisisihin mo? Ako na nakaalala ng monthsary natin na dapat ay ikaw ang nakalala? Talaga bang kailangan mong ipagduldulan sa akin ang bagay na yan? Why are you making a big deal out of it? siya pa rin ang nagmukhang masama. Its not good thinking about other man when youre with your man. madiing sabi nito. Well, I couldnt have thought of him if you havent brought it up. Is this how you want our first monthsary be? Shes out of here. Tumayo na siya. The thing that he remembered that it was their fi rst month together was so sweet. Lalo na at ilang lalake lamang ang nagpapakita niyon. Pero kahit kailan talaga ay may panira ito ng mood. Tumayo din ito at pinigilan siya sa kamay. Pinaharap siya nito. I succeeded. She looked at him with a puzzled look. Pinagtritripan mo na naman ba ako? I was just kidding. Just trying to make you mad. sagot nito. At inamin nga nitong niloloko lang siya nito. Aalis na sana ulit siya nang ipalibot nito ang kamay sa beywang niya. He gave her a very sweet smile. Dont go. I just wanted this to be very memorable. By being such a pain in the ass? Yun ba ang gusto mo? pabalik natanong niya rito. Unti-unting nang nawawala ang inis na nararamdaman niya para dito. Ang galing talagang nitong umarte lalo na kapag maging arogante ang papel nito.

Yup. Because whenever you get pissed off, you get cuter and cuter. At dahil doon, tuluyan nang nalusaw ang lahat ng hinanakit niya rito. Marahan niyang hinampas niya ito sa balikat. And whenever I get mad at you, you always have something that will pull it off. hindi niya napigilang sagot. Thats right. Kakaiba ka talaga. Of course, there is no one else in this world like me. Im intelligent, good-looking, sweet, rich and so much more. muling pagmamayabang nito. Napangiti na lang siya. Its so like him. Siguro naman pwede na tayong umupo. Not until I give you my gift. pagkasabi niyon ay humugot ito ng kahita mula sa suot nitong coat. Ibinigay nito iyon sa kanya. Ano ito? My gift. Bomb. Binuksan niya ang kahita and saw a snail shape golden necklace. Her initials were there. Ang mahal ng bombang to. Sinabi ko naman sa iyo di ba, Im rich. At hindi cheap katulad ng ugok mong ex. Kinuha nito ang kwintas mula sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Isinuot nito sa kanya ang kwintas saka muling humarap sa kanya. Perfect. Salamat. Pero- Sabi ko na nga ba babagay sa iyo. Mula sa damit mo bagay na bagay sa iyo. This is a proof that I really am good. pagmomonologue nito. This is too much, Denise, when in fact that this whole thing is- bago pa niya maipagpautloy ang sasabihin ay nasapawan na siya nito. Just thank me okay. At huwag mong iwawala. Dahil kapag nangyari iyon ikaw ang itutusta ko sa mainit na oven. banta nito.

Thank you, Denise. Pero wala akong regalo sa iyo. Pwedeng bukas na lang at hindi kasing mahal nito. I have a better idea. A gift that both of us will remember. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha. Suddenly everything around them started to fade and all that mattered to her was his face slowly going towards her. When their faces were too close ay may bumulabog sa kanila. Sisigawan na sana niya ang dumating nang makita niya si Ms. Argon kasama ang isang balinkinitang babae. Anong ginagawa niya rito Ms. Argon? tanong ni Denise sa matanda. Pareho na silang nakaharap sa dalawang bagong dating. Kapansin pansin ang pagbabago ng tono ng lalake. I am here to talk to you. sagot ng magandang babae. Di ba sinabi ko na sa inyong, nakareserve ang coffee shop ngayon. At hindi kayo magpapapasok ng kung sino lang? galit na saad nito sa mga crew. Hindi ako kung sinu-sino lang Joshua! ganting saad nito. Naguguluhan na si Andie. sino ba ang babaeng ito at anong ginagawa niya at nakikipagsigawan ito kay Denise. Come on, Andie. Ihahatid na kita sa inyo. Kinuha nito ang bag niya saka siya kinaladkad. I can walk Denise. hindi pa rin nito binitawan ang kamay niya. Ngunit may pumigil din sa isang kamay nito. Joshua. Cant we talk? maalumanay nang tanong ng babae. What is it that you want to talk about? asar na balik tanong nito. About us. There are no more us, Sydney! Kaya nga nandito ako. I am sorry Joshua. I am so sorry if I had to leave you before. Pero para iyon sa ating dalawa. pagpapaliwanag ng babaeng nagngangalang Sydney. Aha! Ito ang babaeng dumurog sa puso ni Denise three years ago! Ang babaeng nag-iwan sa kanya! Sinabi mo eh. Halika na. muli siya nitong hinila. Gusto kong ibalik yung dati.

Pwede ba miss. Ayaw niyang makipag-usap sa iyo. Please respect that. sumawat na siya. Napipika na rin siya eh. Panira na nga ito ng most awaited kiss niya. Panira pa ito sa lovelife niya. Joshua. He will talk to you when he wants to. Hintayin mo ang araw na iyon. Dahil nagpakahirap siya para lang hintayin ang pagbabalik mo. siya na ang humila ng kamay ni Denise. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pumasok roon. Hindi nito isinara ang pinto at nanatiling nakatayo sa gilid niya. Ihatid mo muna ako. seryosong sabi niya. What are you doing? I want you to talk to her, Denise. Kahit hindi mo aminin alam kong matagal mo nang hinintay to. You need to talk to her. Kailangan niyong pag-usapan ang nagyari. Hindi din biro ang pinagsamahan niyo. Kahit masakit alam niyang iyon ang totoo. Pero kaya niyang tiisin iyon. And what she want is for him to be happy though hindi siya ang pwedeng magbigay niyon. Pero bago iyon ihatid mo muna ako. Andie Just do it! humalukipkip siya. At nagbaba ng mukha. Nang maihatid na siya nito ay agad siyang bumaba at nagtungo sa kwarto niya at umiyak. God it hurts. She loves him already. How cant she? He showed her so much sweetness and care though sa mayabang na paraan nito iyon ginagawa. Prinotektahan siya nito maging ang mga kapamilya niya. Tinulungan siya nitong mag-move on sa nasirang relsyon niya. So what kung mahal na nga niya si Denise. Nagbalik na ang tunay na nagmamay-ari sa puso nito. Ano pang silbi niya? Chapter Eight ANDIE Nasa labas siya upang mag-imbak ng basura. Katatapos lang niyang maglinis ng kwarto. Inabot siya nang hanggang gabi. Can we talk? saad ulit ng boses na iyon. Boses ng taong mahal niya. Hinarap niya ito at nakita ang mukhang matagal na niyang hindi nasilayan. Dahil sa pagkikita nilang iyon ni Denise ay lalo niyang naramdaman ang pagka-miss niya dito.

S-sige ba. Halos isang lingo rin niya itong hindi nakita. Halika pumasok ka. Hindi na. Dito na lang tayo mag-usap. anito. Walang upuan dito. Doon na lang tayo sa parke. suggestion niya. Hindi naman ito umimik. Nagsimula na silang maglakad. So, kumusta ka na Denise? pambabasag niya ng katahimikan sa pagitan nila. Fine. wika nito na parang bulong lang dahil sa kahinaan niyon. Naninibago siya. Dahil kung ang dating Denise ang kakausapin niya, dehadong ang sagot nito ay handsome as ever o di kaya ay Eto, mayaman pa rin. Ahh. Ako di mo man lang ba ako kukumustahin? tanong niya na sadyang pinasigla ang boses. Ang tagal din nating di nagkita. Hindi ko na kailangang tanungin iyon. Ngayong nakita na kita, alam kong maayos ka na. sagot nito. Mablis na humindi ang kalooban niya. Kung alam lang nito kung gaano siya nasaktan at kasalukuyang nasasaktan. San ka pala nanggaling? Isang lingo ka ring nawala. Buti na lang may humawak nang maayos sa restaurant para kahit wala ka, kumita pa rin iyon. tanong uli niya. Somewhere. matipid na sagot nito. Kinausap mo na ba siya? hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. Oo. Ahh. Tumango-tango siya. Ano na mang napag-usapan niyo? About us. Anong tungkol doon? The reason why she left me. And that is Kinailangan daw niyang gawin iyon para mahanap kung sino ba talaga siya. Sydney is an adopted daughter and she wants to know who she really is. paliwanag nito.

Bakit sa araw pa na kailangan mo siya nawala? Hindi ba niya kayang ipostpone muna iyon at damayan ka muna? pag-uusisa niya na tila hinahanapan ng mali si Sydney. Tumigil ito sa paglalakad. Sinabi niyang hindi niya nalaman. At kung sana alam niya ay sana umuwi siya pabalik. Ngunit huli na noong maibalita sa kanya. Sana bumalik na lang siya kahit na huli na. Kaya nga siya nagbalik ngayon. Para ayusin iyon. So valid pala talaga ang lahat ng reason nito. Ibig sabihin, maaaring balikan ito ni Denise. Or binalikan na nito iyon. Ibig bang sabihin niyon na kailangan ko nang humanap ng iba kong mapagtratrabauhan? Doon ito tumingin sa kanya. Why would you do that? Kasi nagkaayos na kayo. Ibig sabihin, wala na akong papel sa buhay mo. Syet! Bakit ang sakit pakinggan? Are you stupid? Bakit mo isusuko iyon eh iyon ang isa sa mga ikinabubuhay niyo? galit na wika nito. Napangiti lang siya. Ahh. Nagbalik na ang Denise na kilala niya. Di ba ang sabi mo eh, kapag natapos na ang pagpapanggap natin, maaari na akong matanggal. pangangatwiran niya. I said it depends. When will you learn how to listen lady? So, hindi mo ako tatanggalin? I cant. makahulugang sabi nito. Hindi naman niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Hindi ba siya nito kayang mawala sa piling nito? And promise me that no matter what you wont. Yep. Di maaari na tayong magkaroon ng official break-up? Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon ng cool na cool dahil deep inside her shes hurting. Hurting knowing that this contractual relationship of theirs is coming to its end. Hindi ito umimik. She is wishing that he would say no. But she also thinks it is already too much. I will assume that as a yes. sa wakas ay wika niya. Halika na. Malamig na rito sa labas. Maaga pa akong papasok bukas.

Inaya na niya ito dahil ano mang sandali ay maari siyang magbreak down sa harap nito. And she cant afford to lose her pride ngayong nawala na ang puso niya. Andie May sasasabihin ka pa? aniya na nakatalikod na. Siguro ay nanginginig na rin ang boses niya. I- wala na. Ayun. Areglado na tayo Denise. Sana sinabi na lang na niya na meron pa itong sasabihin. Umaasa ka na naman. Accept it Andie. Talunan ka na naman.

MAUNA na kami Andie. paalam ni Karla nang uwian na. Sigurado ka bang ayaw mong sumabay sa amin? tanong ni Arjhay. Hihintayin mo ba ulit si Sir Joshua? Paano kung hindi ulit iyon dumating? ani naman ni Mrs. Argon. Okay lang ako. At kung hindi ulit siya magpakita, eh di uuwi na lang ulit akong mag isa. O di kaya ay magpapasundo ako sa ate ko. Saad niya saka matipid na ngumiti. Buti pa ang mga ito nag-aalala sa kanya. Samantalang Bakit ba kasi kayo nag-away? Hindi pa ba iyon pwedeng maresolba? Sayang din siya Andie. Tinapik ni Mrs. Argan si Karla. Sana magka-ayos na ulit kayo. wika ng matanda. At sana hindi na maulit ang mga nagyari noon. Sana, hindi ka kasali sa mga pinaglalaruan niya. Concerned na saad ni Arjhay. Salamat sa mga inyo. At hindi iyon maaaring gawin ni Denise sa akin dahil kung hindi uupakan ko siya. At gusto ko ring makapag-isip. pangangatwiran niya. Doon kasi pakiramdam niya makakapag-isip siya ng maayos. Masyadong ring maingay sa bahay nila at iintrigahin lang siya ng kanyang pamilya.

Sigurado ka diyan ha? Basta kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang kami. Basta huwag financially okay? Oo na. Sige lumarga na kayo. pagtataboy niya sa mga ito. umalis na nga ang mga ito. Naghaharutan lang naman sina Arjhay at Karla habang si Mrs. Argan ay matipid lang na tumatawa. Napaupo siya sa malapit na bench roon. Sa lugar kung saan siya naghihintay kay Denise kapag nalelate ito. Muling bumalik ang mga magagandang alaala na nabuo nilang dalawa. Hindi niya inakalang meron dahil sa simula pa lang ginawa lang niya iyon para sa pamilya. Papa, kung hindi niyo kami iniwan masasaktan pa kaya ako ng ganito? Hindi di ba? Dahil lagi kang nandoon para protektahan ako. Pero ngayon nga wala ka na. Kaya kailangan kong protektahan ang sarili ko. Hindi niya namalayang nag-huhum na pala siya. Iyon ang gusto niyang i-alay sa kanyang ama. Its late. You shouldnt still be here. agad na napadako ang tingin niya sa nagsalita. Si Denise. Ayon at dahan dahang naglalakad papalapit sa kanya. Kagaya lang ng dati, nangangabog pa rin ang puso niya. Ang kaibahan lang nito sa dati ay ngayon may kasama nang kirot sa bawat pagpintig nito. Denise. Anong ginagawa mo dito? tanong niya. Shouldnt I be the one asking you that? Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin umuuwi? She was expecting na ang isagot nito ay dahil nag-aalala ito sa kanya. Wala. May binalikan lang ako. Sarado na pala. Were you waiting for me? Hindi ah Ang yabang mo talaga. pagsisinungaling niya. Tumabi ito sa kanya. Bahagya naman siyang umusod para magbigay space sa pagitan nila. Pinigil siya nito sa kamay. Dont. Sinunod niya ito. Natahimik sila. Alam ko iyon. Huh? napatingin siya rito.

Ang kantang iyon. Yung hinahum ko kanina? Oo. Huwag ka nang magtaka, magaling kasi ako. Teka. Nag-isip ito at tumikhim. Pagkatapos niyon ay sinimulan na nitong kantahin ang kantang nasa isip niya. And damn! Hes voice is so cool and beautiful. Magaling itong kumanta. And I knew for sure I was loved. If I could get another chance, another walk, another dance with him Ill play a song that would never ever end coz Id love, love, love to dance with my father again Nagbaba siya ng mukha. Hindi niya kayang ipakita rito ang pangungulilang nadarama niya. Biglang tumigil ang pagkanta ng malamyos nitong boses. Nagtatampo ka pa rin sa kanya. sabi nito. Huh? Kanino? maang maangan niya. Stop it. Ang pangit mo when you try to be stupid. komento nito. So magaling pala ako? Inamin mo rin sa wakas. paglilihis niya ng usapan. Alam mo you are improving. Iyan yata ang dala ni- Its okay to cry, Andie. Kahit na sa mga taong tulad mo, hindi ka ikukulong kung iiyak ka once in a while. What do you mean by sa mga taong tulad mo? A strong, independent and very wise person. Iniangat nito ang mukha niya. Kung nasasaktan ka, cry. Hindi kita pagagalitan. She smiled bitterly. Muli siyang nagbaba ng mukha. Bakit ganoon si papa Denise? Why did he have to do that? Hindi ko naman hiniging umutang siya para lang sa pangarap kong maging pastry chef. Kung siya lang din ang kapalit, ayoko Finally she opened up her sentiments about her father. You know why? Because he knew how good pastry chef you can be. Pero kung mawawala rin lang naman pala siya, sana hindi na lang. wika niya.

Hindi rin naman niya ginustong mawala siya. Walang magkakagusto niyon Andie. At wala na ring makakapagpabago ng nangyari. Iniwan niya ako. Yes he did, but not alone. Hinding hindi niya papayagang mag-isa ang pamilya niya lalo na ang pinakamamahal niyang bunso. Muli nitong inangat ang mukha niya. At ngayon hindi na siya tumutol. He looked directly in her eyes just like what he used to do whenever he wants to say something important. Sana naman ngayong birthday niya ay magawa mo na siyang patawarin Andie. Dahil sa sinabi nito ay tuluyan na siyang umiyak. Hindi niya alam kung paano nito nalaman iyon. Pero tama ito. She needs to let go of the past and learn what that past wants her to know. How come that you know all of these? Magaling ako remember. Nalaman ko mula sa mama mo noong sinundo kita papuntang Palawan. She chuckled. And as a singer pwede na. Im naturally talented. Im perfect. Salamat Denise. Thank you for being here today and for clearing m y mind up. I hate to admit pero magaling ka nga. It was his time to chuckle. But of course. Youre welcome. He gently brushed her cheeks drying up her tears. She can at least put a smile on her lips now. Its my happiness to see you happy. Nagtitigan lang silang dalawa. Gusto niyang isipin na that look of his have a meaning. That somehow, in the span of time that they have been together, he have forgotten his love for Sydney and found himself falling for her just like the way she did to him. But she will never know. Hindi masasagot ang mga tanong niya kung patuloy lang siyang makikipagtitigan dito. So she gathered all her guts and without breaking their eye contact she slowly closed the space between them. Hindi naman ito nagpahiwatig ng kahit na anong hesitation so she continued what she started. And at last her lips met his. Tulad nang unang dumampi ang labi nito sa kanya, nakaramdam siya ng warmth and she can feel the softness of his lips. Ngunit hindi tulad ng ibinigay nitong halik sa kanya noong

monthsary nila ang gusto niyang maranasan. So she deepened their kiss. Hindi pa rin ito tumugon. She was losing hope and planned to stop it when he put his arms around her waist. Hinapit siya nito palapit at ito na ang kumontrol ng halik na namamamagitan sa kanila. Unvoluntarily her arms went up to nape making him move closer to her. He isnt the first person to kiss her but he made her feel he is. Karlo never did make her show love this way. Yes. Inaamin niyang mahal niya ito. Narinig niyang umungol ito. Or was it hers? Slowly he pulled away. They were both gasping when the kiss ended. Ibinaon niya ang mukha sa leeg nito. Dont ever do that again. anito na humihingal pa rin. Hindi siya nakinig lalo na at sa tingin niya ay doon niya ito mapapasuko at mapapaaming siya na ang mahal nito at hindi na ang dating kasintahan. She gave little kisses on that part of his neck. Umungol lang ito. She looked at him. And before she knew it, ito na ang humalik sa kanya. And one more time she surrendered her heart to him. The sweetest surrender she has ever made. Sydney sambit nito. Para siyang basang sisiw na binuhusan ng napakalamig na tubig. Nagulat siya. To think that she assumed na siya ang iniisip nito. Na sa mahal na pala siya nito. Tumigil siya. Inilayo niya ang kanyang mukha na bahagya ding humihingal. Nang tingnan niya ito ay nakapikit ang mga mata nito. And before she could control it, tears already swung from her eyes. Sakto naman itong dumilat. And love was in his eyes. But it was not for her. It was for somebody else. Kinuha na niya ang kanyang bag at tumayo saka tumakbo paalis. Andie! sigaw nito. Ngunit hindi siya nag-atubiling lumingon. She just continued running with her blurry vision brought by her tears. Nagulat na ang siya nang bumangga siya sa isang matatag na bulto ng katawan. Muntik na siyang matumba kung hindi lang iyon naagapan ng lalake. Andie anang boses ng lalake. She tried looking at him but she cant stop her tears from falling. Whats wrong. Sa pagkakataong iyon, alam na niya kung sino ang nagmamamay-ari ng boses. Yumakap siya rito. Kailangan lang niya ng taong maiiyakan niya. K-Karlo Who did this to you? inilayo siya nito and looked at her. Ito naman ang pumawi ng luha niya. Ngayon kahit papaano ay naaaninag na niya ang mukha nito. Si Joshua ba? H-he he cant l-love me, Karlo. He c-cant. muli siyang napahagulgul.

Sinasabi ko na nga ba. Ginamit ka lang niyang panakip butas?galit na tugon nito. No. Its not his fault. W-wala siyang kasalanan. Ako. Ang ang may problema. Kung hindi lang sana ako pumayag hindi ko na sana mararamdaman ito. Hindi na sana ako umasa pa Karlo. Hindi na sana. umiiyak na sabi niya rito. Im so sorry Andie. Kung mas maaga ko lang sanang nalaman na mahal kita, hindi ka na sana nasasaktan ng ganito. Niyakap siya nito ng mahigpit. Ramdam niya ang pagmamahal na handa na nitong ibigay. Pero hindi na iyon ang gusto niya. Hindi pa rin nito kayang iparamdam ang pagmamahal na kailangan niya dahil isang tao lang ang makakapagbigay niyon. But for now, she just needs someone who could care for her without thinking of anyone else.

Chapter Nine Kailangan mo ba talagang umalis? tanong sa kanya ni Carla. Isang matipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Pagkatapos nang nagyari kagabi, hindi na niya kayang magtrabaho sa isang lugar kung saan palagi niyang makikita ang taong nagdudulot ng pagdurusa niya ngayon. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nagkakabati ni Sir? saad ni Arjhay. Akala ko pa naman noong pinapunta ko siya kahapon ay magkakabati na kayo. Ginawa mo iyon? hindi makapaniwalang tanong ni Carla. Ano ka ba? Kapag ikaw ang trumatrabaho, palpak. At sa issueng lablyp pa! Nagkamot ito ng ulo. Akala ko makakatulong hindi ba? At saka hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari. Nang maka-usap ko kasi si Sir kahapon ay may halong pag-aalala sa boses nito. Napagalitan pa ako nang sabihin kong iniwan na lang natin siyang mag-isa. Natigil siya sa pag-eempake ng mga gamit niya from locker. Alam nitong naroon siya? So, alam din nitong gabi gabi siyang naghihintay sa kanya. At dahil doon, malamang sa malamang alam na nito ang nararamdaman niya noon pa lang. Bakit hindi nito sinabi? Pinaglalaruan ba talaga siya nito? Hindi naman siguro kailangan maapektuhan ang trabaho mo Andie. Wala nang magliligatas sa amin nito. pagtatampo ni Carla.

Natapos rin siya sa ginagawa. I really need to go Carla. At kapag binara ulit kayo ng dalawang retokada na iyon, huwag kayong papayag. At kapag di pa rin tumigil, Im just one text away. Fight! Huwag kang mag-ingles sa pamamaalam. Nakakadugo sa ilong. Lumapit siya kay Carla saka bahagyang sinuntok sa braso. Mamimiss ka namin. Salamat Ms. Andie. It was my pleasure working with you. Ngumiti si Mrs. Argan na kanya ring sinuklian ng isang ngiti. Malaki ang naidulot mong pagbabago sa coffee shop na ito lalong lalo na kay Sir Joshua. Masaya rin po ako at naging mga kaibigan ko kayo. At dahil sa pagtratrabaho ko sa coffee shop na ito, nagkaroon ako ng experience. Bad and good experience. Kung may naidulot man siyang maganda sa buhay ni Denise yun ay ang napagkasundo na niya silang magkasintahan. Napangiti siya ng mapakla. Naramdaman niyang yumakap sa kanya ang tatlong kaibigan. A-ANDIE Lim. Andito na si madilim aandilim. Andito si Madilim kanta ni Gerladine nang makita siya nitong papasok sa restaurant na mahilig nilang tambayan. Kilala nila ang mayari niyon. Kapatid ni Ruvie. At para sa kanilang magbabarkada talaga ang pwestong iyon. Ayaw naman nilang sa isang kwarto na lang sila kaya part pa rin restaurant iyon. Tumahimik ka koreanang sugpo ka kung hindi ibabalik kita sa sinapupunan ng nanay mo. banta niya rito. Bagay nga sa iyo yung kinanta ko. Ang dilim ng aura mo eh. komento nito. At lalong magdidilim dahil sa iyo. Pwede ba, tumabi ka nga. saway niya rito saka humila ng isang silya at umupo roon. Chillax lang Andie. Be cool. Ang init ng panahon nakakadagdag ng init yang init ng ulo mo. umupo ito kaharap niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nag-order siya ng maiinom. Ano palang ginagawa mo rito? Hindi ba at may trabaho ka? Day off mo? sunod sunod na tanong nito sa kanya. She didnt answer her. Ayaw niyang magsalita ang gusto lang niya magpahinga. Ayaw naman niyang mag-stay sa bahay nila dahil hindi alam ng mga ito ang nagyari. Teka Andie, may problema ka ba? tanong uli nito na inilapit ang mukha sa kanya. Bakit ba ikaw lang ang tao rito? Nasaan sina Ruvie? Wheena? Yummy? Laverna? August? Agatha? Jhanere? Nasaan sila? pag-iisa isa niya sa mga kaibigan.

She just gave her a smug look. Alam mo kung bakit? Kasi ako ang bestfriend mo. Tumawa pa ito ng parang sa mga kontrabida. Ngunit tama ito. Bestfriend nga niya ang kutong lupa na koreanang sugpo na ito. Mamaya pa darating ang mga kaibigan natin. Hihintayin ko na lang sila. aniya at iininom ang inorder na kadarating lang. Ang sama mo. Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo? ayon at nagtampo na ito. Sabi mo nga bestfriend kita kaya alam ko kung ano ang sasabihin mo. Aniya saka nagkibit ng balikat. Pero after saying those she found herself telling her all that has happened. Magbestfriend nga sila. Kahit hindi halata. Pagkatapos niyang magkwento ay napatayo ito. Animo umuusok ang ilong at tainga. Mabuti na lamang at hindi siya napaiyak sa harapan nito. Pero maaaninag ang sakit sa boses niya. Her voice was trembling like she was about to cry. Ang lalaking iyon! Eh mas malala pa siya kay Karlo ah! sigaw nito. Hinila niya ito pababa para maupo. Huwag mo nang isigaw. Gusto mo bang malaman ng buong bansa ang problema ko? napabuntong hininga na lang siya. That stupid jerk. At mabuti na ring marinig iyon ng lahat para malaman nila kung gaano kasama ang taong nanloko sa iyo. anito na galit na galit pa rin. Anong kaguluhan ito? Bakit bumubulusok yang galit mo Geraldine? sabad ni August na kararating lang. Kasama na nito ang ibang mga kaibigan. Oo nga. Ang pangit mong tingnan sa lente ng video cam ko. ani Yummy na nagvivideo na naman. Habang si Ruvie ay hawak rin ang SLR atkumuha ng mgandang bagay na pipicturean. Huwag kang mag-alala Geraldine Gusing papagandahin ka ng galing ko sa pagpicture. Kahit borlogs ka pa gaganda ka. Huwag muna ako ang pagdiskitahan niyo mga dalawang artista. Eto, sabi nito sabay turo sa kanya. Eto ang problemahin ninyo. Whats the problem? Last time we saw you, you were beautiful. But right now I think for the first time Geraldine is right. Wala na ang glow na nasa mukha mo nung kasama mo pa si Mr. Calleon. Nakababa na ang camera ni Ruvie at lahat ng mga mata ay nakatutok na sa kanya.

Sayang, hindi ko man lang nakunan ang eksenang iyon. wika ni Yummy na talagang nanghihinayang. Cut it out guys. You are not helping her out. Eh ano ngang problema niya? tanong ulit ni Yummy. Bakit? Hindi ka na ba inl ove at namromroblema ka ngayon? Yun na nga eh. In love na siya. There is nothing shocking about that. Nung makita ko kayo ng lalakeng iyon, alam ko nang doon ang tuloy ninyo. sabi ni Ruvie. Hes not in love with me. sabad niya. Nagbaba siya ng tingin. He never did and never will. How can you say? tanong ni Yummy. Mukhang pagdating sa usapang puso ay walang makakatakas sa dalawang artist. Because he is in love with his ex-girlfriend. How did you know? Because I can see it! I can feel it! And he did even say it. a tear fell from her eye. Pinahid niya iyon. Dammit! Alam mo ba kung bakit mahalagang nagpapa-advice ang isang taong inlove sa mga taong hindi? Lalo na kapag usaping bigo? wika ni Ruvie. Dahil sila ang nakakakita ng hindi kayang tingnan ng mga pusong sawi at nag-aalangan. For a heart that is troubled it has so many questions that it sees too many things which are not actually important. sagot ni Yummy. You can say that because you dont know anything. aniya. Dont you want to try telling it so we could understand? Niloko niya ako. Pinaglaruan. Sinabi niyang siya ang may-ari ng coffe shop na pinagtratrabauhan ko. When we kissed I thought what you said that he love me was true. Pero inakala lang niyang ako si Sydney. pinigilan niya ang sariling maiyak. Did he say her name after you kissed?

Yes. Matapos ang sagot na iyon ay tumahimik ang lahat. And now anong gusto mong gawin natin sa kanya? tanong ni August na nakikinig lang kanina. Gusto ko lang mabayaran ang utang naming binayaran nito. May pinagkautangan ka? tumango siya at sinabi tungkol roon. Bakit hindi ka lumapit sa amin? Oo nga? sawat ni Geraldine. Anong ginagawa ni Laverna? Ni Ruvie, Yummy at lalong lalo na ni August. Sila mayaya- Magkano ang utang mo sa kanya? putol ni August. Chapter Ten YOU can do it Andie. Its now or never. nang makakuha ng lakas ng loob ay lumabas na siya sa taxi at nagsimulang maglakad papuntang bahay ni Denise. Ibibigay na lang niya ang pera rito. Pagkatapos kong maibigay ito mawawala na siya sa buhay ko. Maaari na akong mamuhay ng payapa ulit. Nang malapit na niyang marating ang gate ay nakita niyang lumabas si Sydney. Salamat Denise, for understanding everything. narinig niyang sinabi ni Sydney at nakita pa niyang humalik ito sa pisngi ni Denise na nasa labas na rin. Thank you too. sagot rito ni Denise saka ngumiti. Muli niyang naramdaman ang pagtarak ng matulis na bagay sa kanyang puso. Tatalikod na sana siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. And it was Sydney. Andie. Pinatatag niya ang kanyang sarili at naglakad patungo sa mga ito. Gusto ko lang sanang maka-usap si De-Joshua. Pero maaari naman akong bumalik bukas. No. Tapos na kaming mag-usap. I can manage myself. huma ni Sydney with such a sweet voice. Is she laughing at me right now? I dont care. No babe. ani Joshua. Just wait for me inside the car.

Denise Syet! Magpakitaan ba naman ng sweetness sa harapan niya. Sinunod ito ni Sydney. Nakagat niya ang ibabang labi. I hate you! Kaagad niyang ibinigay ang pera rito. Isang milyon iyan. Nariyan na rin ang binayad mo sa akin ng dalawang buwan. Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. pinigil siya nito sa kamay. Why did you do it? Did what? nakatalikod pa ring tanong niya. Resign on the coffee shop. anito with so much concern on his voice. My god Andie dont believe it! You promised me. Mukhang hindi na ako marunong tumupad ng pangako. Go back. What for? Para magmukhang tanga ulit? May kahihiyan ako Denise. Humarap siya rito. At hindi ako tanga. Bakit pa ako babalik doon? Para magpaloko ulit sa iyo? I never intended to hurt you. saad nito sa mababang tinig. But you did make a fool out of me. gumaralgal ang boses niya. I am so sorry Andie. Hindi ko sinasadya. I need to go. tumalikod uli siya. Please dont go. mahinang sabi nito. You love me. I dont. Liar. I can feel it the time you kissed me. Humarap siya rito. Then you knew na ako iyon. Na hindi pala ako kundi si Sydney ang kahalikan mo. Dammit Denise. Damn you! Lalo lamang siyang nasaktan. Pinaglalaruan nito ang damdamin niya. Alam nitong siya iyon but he wanted to feel like she was Sydney! Lets say na mahal nga kita. It doesnt matter

anymore. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa ginawa mong pagcontrol sa buhay ko at paglalaro sa damdamin ko unti unti na iyong namamatay at tinatabunan ng galit. Hindi na niya kaya. Ayoko ko na. Naglakad na siya papalayo. Sumigaw ito. If I tell you I love you, wont you leave? sigaw na tanong nito. Ano ako, tanga? You stupid jerk! I will never let you make a fool out of me again. Not again. Goodbye Denise. sumakay siya sa taxing napara niya. Muli siyang napahagulgol dahil kahit anong sabihin at sakit na maramdman niya. Hindi niyon mababago ang kaalamang mahal niya ito.

THIS is a new day. A good way of starting your life, Andie. huminga siya ng malalim at ninamnam ang simoy ng hangin. Papunta siya ngayon sa isang job interview niya. She has already accepted what happened between her and Denise. Its the best way of moving on. Pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na ang pagmamahal niya para dito. Ang naging aral na lang niya ay ang huwag muling magpapaloko rito. Pinara niya ang taxing nakita niya. Pumasok siya sa loob. Manong sa may Makati po tayo. Sabi niya saka tumingin sa driver at laking gulat niya nang mapagtanto kung sino ito. Nice meeting you again Maam. anito saka ngumiti. Napangiti rin siya. Ito ang driver ng taxi kung saan una niyang naka-engkwentro si Denise. Kuya huwag kang magpapapasok ng iba ha? Baka ma-inlove na naman ako ng wala sa oras. saad niya saka sinundan ng tawa. Ganoon ba Maam? Bibigyan ko po kayo ng discount. wika nito saka pinaandar na ang sasakyan. Ipinasak niya ang dalawang earphones sa tainga. Ngayon makakapunta na siya sa isang interview nang may confidence sa sarili. Inayusan siya ng kanyang kapatid. Nagulat siya nang may sumakay na lalake. Nakasuot ito ng cap. Hindi niya narinig ang sinabi nito sa driver. Tinanggal niya ang isang earphone. Makikipag-away na sana siya nang maalala ulit niya si Denise. Ano ba iyan. Okay lang po ba Maam?

Oo. Basta po unahin ninyo ako. Napadako ang tingin niya sa lalake. Naamoy niya ang pamilyar na amoy ni Hindi kaya? Epal ka, siya lang ba ang pwedeng magmag-ari ng ganoong pabango? Pero paano kung siya nga ito? Denise? hindi niya napigilang tanong. Tinanggal nito ang cap. At tama siya, si Denise nga. Im glad you can still remember my smell. Ngumiti ito sa kanya. Oh how she misses him so much. Those eyes he has. Ang matangos na ilong nito. The lips that haunted her in her dreams. The face of the man she have loved and still does. Pinigilan niya ang sarili sa ginagawa. Missed me? Ano bang kalokohan ito Denise? I am not joking around. Then what are you doing? Sitting? Nagbibiro na naman ito. Pinaglalaruan na naman siya ng ugok na ito. Pwes ngayon hindi niya ipapakitang apektado siya sa mga ginagawa nito. Ipinasak na lang niya ang kanyang earphone pabalik. Bigla tumigil ang tugtog na nag-mumula roon. Nang tingnan niya ang cellphone ay empty battery na ito. Iniligpit na lang niya ang kanyang cellphone at earphones. Ilang sandali pa ay narinig niyang kumanta si Denise. But only love can say, try again or walk away. But I believe for you and me the sun will shine someday so Ill just play my part, And pray you'll have a change of heart But I can't make you see it through that something only love can do. Ang galing niyo naman pong kumanta Sir. komento ni Manong driver sa kanya. Hindi lang po kayo ang nagsabi niyan sa akin. sagot naman nito. Hindi na po ako magtataka. Sino po iyong iba? Ang mama ko at ang taong mahal ko. Sabi nito saka bumaling sa kanya. He was looking at her straight in the eyes. Again. Siya ang naunang nag-iwas.

Hindi na niya gustong maniwala sa mga pinagsasabi nito. Nagawa na siya nitong paibigin noon dahil sa mga ipinakita nitong sweetness sa kanya. And she cant afford giving in again. Ang swerte naman po ng taong mahal niyo Sir. May libreng radio na siya gabi-gabi. Maswerte rin ako sa kanya manong. Because she is a very intelligent woman, best pastry chef Ive ever known, the greatest person I have ever met. And she is the best lover I ever had. She is willing to let go of me so that I can be happy. Hindi niya inuna ang sarili niyang kaligayahan. Siya ang rason kung bakit nagustuhan ko ang pangalan kong Denise. And I miss her so so much. mahabang litanya nito. Bawat salitang binitawan nito ay nanunuot sa isipan at damdamin niya. Kinagat niya ang ibabang labi. Nagmigrate ba siya? Nag-ibang bansa? pang-uusisa ni manong. Hindi. Nasa pilipinas siya. Pero mas nararamdaman ko ang pangungulila dahil kahit nasa malapit lang siya hindi ko siya magawang malapitan. paliwanag nito. Bakit ba kayo naghiwalay? Niloko ko kasi siya. I have hurt her so much. Pero lahat ng ipinakita ko sa kanya ay totoo. At kung mabibigyan ako ng pagkakataong baguhin iyon, hindi ko gagawin. Dahil lahat ng nangyari sa pagitan namin ay ipinagpapasalamat ko. It was the greatest mistake I ever did. And I wont regret it. Ang pinagsisisihan ko lang ay ang hindi ko pag-amin ng nararamdaman ko para sa kanya. Hinayaan ko siyang isipin na mahal ko pa rin ang dating girlfriend ko. Nagawa ko iyon dahil iyon din ang inakala ko. Nang makita ko siyang nasa bisig ng iba nalaman kong hindi ko pala kayang makitang nasa piling siya ng iba. Lalo na at alam kong mahal niya ako. Pero nang araw na makita ko ulit siya at makita kung gaano ko siya nasaktan gusto kong saktan ang sarili ko dahil ako ang may kagagawan niyon. At ngayon nagbabalik ako para protektahan siya. Hindi na niya kayang pakinggan pa ang mga sinasabi nito. Ngayon palang nararamdaman na niyang bumibigay na ang puso niya lalo na ang mga sinasabi nito ay ang mga katagang matagal na niyang hiniling na marinig mula dito. Manong para. Itinigil nito ang taxi. Bababa na sana siya ng hawakan ni Denise ang kamay niya. Marahan ang ginawa nitong pagpisil roon. Na parang ipnaparamdam kung kaagano nito gustong iparamdam sa kanya ang pagmamahal na inaalay na nito. Please stay.

Aalis na sana siya nang muli itong magsalita. Ititigil ko na huwag ka lang munang lumayo sa akin. I need you to stay with me just for now. Hindi siya nakapagsalita. Manong ituloy niyo na ho ang pagmamaneho. Manong itigil niyo po. Ako naman po ang sundin ninyo ngayon. The car stopped. Pinahid niya ang mga luhang lumandas sa kanyang mga pisngi. Muli siya nitong pinigilan. Please. What do you want from me?! pagalit na tanong niya rito. Ako na rin ang nagmamakaawa sa iyo. Ayoko ko nanag masaktan ulit Denise. Sawang sawa na ako. Im so sorry for what I have done Andie. I was such a stupid jerk. I Let go of you even though you didnt want me to. Natakot lang ako. I was afraid of falling for you even more. Takot na akong masaktan. And that was so selfish of me. He loved at her intently. Pain can be seen in his eyes. And it was full of sincerity. Namamasa na rin ang mga mata nito. Muling bumuhos ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Naglakad ito palapit sa kanya. And when he was near her he cupped her faced and looked at her with so much love. And then I remembered that kiss. Your kiss that assured me that youre all mine. Na wala akong dapat ikatakot. Eh bakit pangalan ni Sydney ang sinambit mo noon kung alam mo naman palang ako iyon. Ha? umiiyak na tanong niya rito. Because I felt like I was betraying her. That time hindi ko pa siya nahihiwalayan. paliwanag ito na walang sawang pinapahid ang kanyang mga luhang walang ring tigil sa pagpatak. Bakit kasama mo pala siya noong isauli ko sa iyo iyong pera mo? Dahil humingi ako ng tulong mula sa kanya. Isang magaling na investigator ang kapatid niya and I thought she could be a great help for your fathers case. So it was all about the justice for the death of my father? Yes. Mas lalo pa siyang napa-iyak. All this time she was thinking na iba ang mahal nito. Iyon pala abala ito para sa mga bagay na makakapagpapasaya sa kanya. Can you forgive me Denise? For thinking differently? For not trying to listen to you? How cant I when I am the one supposed to be asking sorry? I love you Andie and your love is all I need. As an answer she grabbed his nape and kissed him.

I love you Denise. I know. Napangiti na lang siya. Gumagawa na tayo ng movie rito. sabi niya ngunit nakangkala pa rin ang mga kamay niya sa batok nito. Pansin ko nga. Halika na bago may umagaw pa sa gwapo mong boyfriend. Yabang talaga. tumawa lang ito at sabay naglakad. Pero hindi pa sila nakakalayo ay muli siya nitong hinalikan. There are no words to express her happiness. And she will be happy forever with the one she loves.

You might also like