Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO VI

Magandang Umaga!!!

Romy: Saan kaya natin

magandang ilagay ang streamer? Dina: Doon sa madaling makita. Romy: Saan nga? Dina: Sa may pader. Madali itong mababasa ng mga tao. Romy: Hindi puwede. Marami nang nakadikit na babala roon. Dina: Alam ko na. Bakit hindi natin ito isabit sa mga punong nasa daan? Romy: Oo nga. Isabit natin ito sa mga punong nasa magkabilang daan. Maraming tao ang makakakita rito.

Tuklasin:
Pansinin ang usapan ng magkaibigan. May ginamit na mga kataga na nag-uugnay sa mga salita.
Halimbawa:

magandang ilagay madaling makita itong mababasa nakadikit na babala punong nasa magkabilang daan

Ano ang gamit sa mga pahayag ng pang-ugnay na ng at na?

Tuklasin:
Ginagamit na pang-ugnay ang mga katagang ito ng salitang naglalarawan ng salitang inilalarawan. Tinatawag na pang-angkop ang na at -ng
Halimbawa: batang masipag mabait na bata

Tandaan
Ang mga pang-ugnay na ng at na ay tinatawag na pang-angkop. Ginagamitan ang mga ito sa paguugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan

Gawin:
A. Buuin ang mga pangungusap sa paglalagay ng na at -ng. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. Umalis patungo______ probinsya ang mag-anak. Bibisitahin nila ang kanila______ mga kamag-anak. Mangunguha rin sila ng sariwa______prutas at gulay sa bukid. Maliligo rin sila sa malinis _______ilog sa tabi ng kanila_______bahay 5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop _______maamo sa parang. B. Gamitin sa pangungusap ang mga parirala na may na at ng. 1. 2. 3. 4. 5. tulay na kawayan buhanging pino sariwang hangin mapuputing bato at malinaw na tubig matataas na bundok

Paunlarin:
A. Piliin ang mga pang-angkop na ng at na sa bawat pangungusap. Sabihin ang dalawang salita na pinag-uugnay ng mga ito.

1. Maraming magagandang balak si Linda sa kanyang pagtatapos. 2. Ipinangako niya sa sariling lalo siyang magsisipag sa pag-aaral. 3. Siya ay dating tamad na mag-aaral. 4. Ngunit ngayong pasukan ay nagbago na siya. 5. Matiyagang nagbabasa siya ng aklat. 6. Kahit makapal na aklat ay tinatapos niyang basahin. 7. Maraming bagong kaalaman siyang nakukuha sa mga aklat. 8. Tahimik na aklatan ang paborito niyang puntahan. 9. Maraming aklat siyang nahihiram dito. 10. Umuuwi siyang masaya pagkagaling sa aklatan.

Paunlarin:
B. Sumulat ng mga nais mong gawin ngayon na magtatapos ka na sa elementarya. Ituloy ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Nais kong. 2. Nangangako ako na. 3. Hindi na ako. 4. Lalo kong. 5. Magiging masipag.

C. Basahin ang mga talata. Tukuyin ang tamang pang-angkop para sa mga puwang upang mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel

Napakahalaga (1) ____ imulat ang ating mga kabataan sa pagkilala sa mga katutubo (2)____ likha (3)____ sining ng ating mga ninuno. Ipagmaaki sa buong daigdig (4)____ ang tatak-Pilipino ay dapat ibandila kaninuman, saanman, at kailanman. Maihahasik ng mga guro sa kabataan ang tunay (5)____ pag-ibig sa sariling (6)____ bayan. Gamitin (7) ____ lunsaran ang mga babasahin (8)____ pampanitikan sa pagtuturo. Marami tayo (9)____ maiikling katha, sanaysay, at tula (10)____ makabayan (11) ____ makatutulong sa paghubog ng mura (12) ____ isipan.

Salamat po!!!

You might also like