Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Problema at Solusyon

Pauline Brioso

Masasabing ang edukasyon ay ang kasagutan sa kahirapan ng isang tao at ito rin daw ang tanging yaman na maipapamana ng ating mga magulang sa atin. Ngunit bakit nga ba maraming kabataan pa rin ang hindi nagbibigay ng importansya sa kanilang edukasyon o pag-aaral? Maaaring hindi nila alam ang kahalagahan ng edukasyon o kaya naman ay dahil sa tingin nila alam ang kahalagahan ng edukasyon o kaya naman ay dahil sa tingin nila ay hindi na nila kailangan magsumikap sa pag-aaral sapagkat sila ay nakakaangat na sa buhay. Maaari rin dahil sa paningin nila ang pag-aaral ay isang nakakawalang-ganang Gawain. Maari rin dahilan ang kawalan ng pera kaya sa halip na mag-aral ng kanyang takdang aralin ay mas gugustuhin pa nila na maghanap ng trabaho pagkatapos ng kanilang pasok sa paaralan. Sa ganitong problema ay makakahanap tayo ng solusyon kung ating nanaisin na magbago ang pagtingin ng mga kabataan sa edukasyon. Isa sa mga pwedeng solusyon ay dapat maipaalam sa mga kabataan ang mga kahalagahan ng edukasyon. Dapat nya rin maintindihan ang mga magagandang epekto ng edukasyon sa estado ng isang tao. Pangalawa, dapat maipakita sa isang mag-aaral na ang pag-aaral ay hindi boring na gaya ng kanilang pagkakaalam. Maraming paraan upang maging Masaya ang pag-aaral tulad lamang sa pagmememorya ng mga terminolohiya, maaari nila itong lagyan ng tono o kaya lagyan nila ng mga larawan upang mas madali nila itong maisaulo. Ikatlo, dapat ang mga magulang at mga taong nakapalibot sa isang mag-aaral ay magbigay ng hindi lamang pinansyal na suporta pati rin ang emosyonal, intellektwal at pisikal na pangangailangan ng isang mag-aaral sapagkat ang pag-aaral ay hindi lamang ginagamitan ng isip, kasama na rin ditto an gang pangkalahatang pangangailangan ng isang indibidwal sa pagharap ng ibat ibang pagsubok na kinahaharap ng isang mag-aaral. Ikaapat dapat magbigay ng sapat nap undo ang pamahalaan sa larangan ng edukasyon upang bamababa ang matrikula at hindi mapilitan ang mga kabataan na kapos sa pangmatrikula na maghanap ng mapagkakakitaan kaysa sa tumutok sa pag-aaral. Apat lamang ito sa mga paraan upang mahikayat ang isang mag-aaral na mapabuti ang kanyang pag-aaral. Sa mga paraan na ito ay makikita ng isang mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon upang mabigyan nila ito ng sapat na atensyon http://www.scribd.com/doc/37308756/MGA-TEKSTONG-EKSPOSITORI

You might also like