Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Watawat ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Watawat ng Pilipinas

Ginamit

National flag and ensign

Proporsyon

1:2

Pinagtibay

Hunyo 12, 1898

Variant flag of Pilipinas

Ginamit

National flag and ensign

Proporsyon

1:2

Flag ratio: 1:2

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasing sukat na banda ng bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan; sa gitna ng tatsulok ay may isang gintong araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula nghimagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.[1] Ang watawat ay unang naisip gawin ni Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang watawat sa Hong Kong.

Ito ang paglalarawan sa orihinal na watawat ng Pilipinas na na-konsepto ni Hen. Emilio Aguinaldo. Mas marahan ang kulay asul nito kaysa sa kasalukuyang pinag-uutos na kulay royal blue, mas marami itong sinag noon pero walo rin ang naging mga dulo, at may mahiwagang mukha.

Ayon sa Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ng Hunyo 12, 1898, ang puting tatsulok ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon. Ang tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa bansa: Luzon, Visayas, atMindanao, bagama't sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ang isa sa tatlong bituin nito ay orihinal na kumatawan sa isla ng Panay, imbes na Visayas. Gayunpaman, kapwa silang nagpapahiwatig ng mismong ideya: ang pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na tao at kultura sa iisang Nasyon. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila: Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas. Bagaman tinuturing na isang lungsod ang Maynila, ang pagkakadagdag nito sa lupon ay wasto sapagka't noong1898, ang Maynila at ang kanyang mga suburbyo ay pinangasiwaan bilang isang hiwalay at nagsasariling probinsya. Ang lalawigang ito ay kilala ngayon bilang Pambansang Kabiserang Rehiyon. Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan, katotohanan, at katarungan; at

pula para sa kabayanihan at kagitingan. Sinasabing hinalintulad ang watawat sa watawat ng Cuba na, tulad ng Pilipinas, ay nakikibaka para sa kalayaan mula sa Espanya noong panahong din yon.

Ito ang unang opisyal na watawat na naglayong irepresenta ang bansa. Ginawa ng Katipunan sa Naic, Cavite noong 1897.

Ang lilim na bughaw na ginamit sa itong watawat ay naging paksa ng kontrobersiya ng halos siyamnapung taon na ang tanda. Mula 1920 hanggang 1985, ang lilim ay navy blue hanggang sa inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos na baguhin ito sa lilim na sky blue, mula sa abiso ng mga sirkulong kasaysayan, sa mismong lilim na ginamit sa watawat ng Cuba, na ka-alyado ng bansa noon laban sa Espanya. Dahil sa kakulangan sa materyal at istandardisasyon noong Digmaang Pilipino-Amerikano, ang mga taga-suporta ng lilim "navy blue" at "sky blue" ay nagpasa ng kanikanilang katibayan na kapwang sumasalungat sa bawat argumento. Silipin Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino Habang klarong nilalahad ng mga opisyal na dokumentong rebolusyonaryo na ang orihinal na lilim ng asul na ginamit sa unang watawat ay azul oscura, na kung isasalin sa Filipino ay "malabong bughaw" o madilim, at kung ano ang eksaktong lilim na tinutukoy nito ang siya pa ring magiging paksa ng debate sa mga susunod na taon. Sumasang-ayon ngayon ang mga historiador na ang azul oscura na tinutukoy ay isang mas malalim na lilim kaysa sa sky blue, ngunit mas marahan naman sa navy blue. Para pagpahingahin na ang kontrobersiya, ang kasalukuyang inuutos na lilim ay royal blue, ayon sa Aktong Pangrepublika Blg. 8491. Sa kasamaang palad, ang kilos na ito ay naglikha ng panibagong kontrobersiya sa pagitan ng mga historiador at pulitiko ukol sa kung maaaring gawin ito ng gobyerno na baguhin ang mga sagisag ng kasaysayan at orihinal na kahulugan ng mga ito para lang sa kaginhawaan ng lahat.

Ang paggawa ng watawat

Ang watawat ng Pilipinas ay walang-kapares, sapagka't maaari nitong ipakita ang isang kalagayan ng digmaan. Kapag ang watawat ay naka-baligtad at nasa ibabaw ang pula (o nasa kaliwa kung ito ay nakatanghal na patayo), ang ibig sabihin nito ay ang Pilipinas ay nasa nakasabak sa digmaan. Ito ay unang itinaas noong Ika-4 ng Pebrero, 1899, sa simula ng labanan ng Digmaang Pilipino-Amerikano sa mga taong 1899-1913.

Mga kaugnay na pahina[baguhin]



Pilipinas Kasaysayan ng Pilipinas Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas Emilio Aguinaldo Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

Mga sanggunian

You might also like