Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Luad

ni Gloria Villaraza-Guzman
1 Bumaba sa hagdanan si Mang Victor; tinungo ni Rosauro ang kanyang silid at nagbalot ng kanyang mga damit. 6 2 Naglakad-lakad si Mang Victor sa kanilang bakuran upang mapawi ang pagpupuyos ng kanyang damdamin sa anak niyang lalaki. 7 3 Ang pinagmulan ng away ng mag-amay hindi ang anumang pagkakagalit nilang dalawa. Hindi! Ang pinagmulan ng pagkakasagutang iyon na nagwakas sa pagbaba ni Mang Victor at pagbabalot ng damit ni Rosauro, ay ang di pagpaparaanan nitong huli at ng kanyang kapatid na dalaga. 8 niyang si Claritay nagbibihis at humihingi ng pera sa kanilang ina, magpapasaring agad si Rosauro. Pasyal na naman po! E ano pa? Hanapbuhay po ba ang lakad ninyong iyan, Senyorita? A, siya nga hanapbuhay nga pala ng merkader, ano po? Rosauro! ang ipuputol ng kanyang ina. Ihuhukot ni Rosauro nang bahagya ang kanyang mga balikat, idudukot sa bulsa ang kanyang kanang kamay, bahagyang pakiling na tatanawin ang kanyang ate, at sisipul-sipol na sasandig sa tabing ng bintana. Habang binibilang ng kanyang ina ang pera, paasik na pupunahin niya ang pang-iinis na ginagawa ng kanyang kapatid.

10 Wala ka na bang ibang mapuntahan dito sa loob ng bahay kundi itong salas? ang nagngingitngit niyang itatanong? 11 At si Rosauroy hihintong saglit sa pagsipol at mambibilog ang mga matang magtatanong na kunway walang kamalay-malay sa galit na damdamin ni Clarita. 12 Hindi naman ho ako nakasisikip dito, ah Hindi bat kung pistay nakakasiya rito ang limampung panauhin? Parang tatalo lang ho tayo ngayon dito. 13 Puwede bang Rosauro Rosauro! mamamagitan na naman si Aling Sensiya. 4 Si Rosauro at si Clarita ay matagal nang nagkakagalit. Naiinggit si Rosauro sa kanyang ate sapagkat itoy mayroon na namang bagong damit samantalang siyay hindi pa nabibigyan ng kanyang ina ng pambili ng bisikleta. Ang bisikletang ibig niyang bilhin ay noon pang isang buwan iniaalok sa kanya. Napagdalawahan na ito ng mga bagong baro ng kanyang ate. At ang pinagmulan ng away ay ang pagpuna ni Rosauro sa bawat kilos ni Clarita. Kapag nakita 14 Si Rosauroy panatag na magpapatuloy sa kanyang marahang pagsipol sa tabi ng bintana. 15 Samantalang inilalagay ni Clarita sa kanyang handbag ang nahinging pera ay hindi naman niya maalis-alis ang kanyang pansin sa kapatid na walang dapat ipakialam sa pag-uusap nilang iyon ng kanyang ina. At kahit walang sinasabi si Rosauro ay hindi maatim ni Claritang palagpasin ang kayamut-yamot na pagbabantay ni Rosauro sa kanya.
Pahina 1 ng 5 H2 FILIPINO

16 Para kang guwardiya, ang mariing ipasasaring ng dalaga. 17 Ayaw ka ba niyon? Mayroon kang guwardiya habang itinatago mo iyang pambili mo ng damit, at si Rosauroy maghahagis ng isang maliksit patagong tingin sa kanyang ina. Habang nagtatago ka ng pera ay may umaantabay sa iyo at nang di maano ang tubo ng merkader. 18 Titingin pa nang pabahal sa durungawan at magpapatuloy bago makaapuhap ng pananalita ang kapatid. Malay mo kung may masamang taong nakalilipad at bigla na lamang pumasok dito sa bintana E di narito akot ipagtatanggol ko iyang pera mo. 19 Tatalikod na lamang si Clarita, maghahagis ng isang diyan na kayo, Inay, at padabog na bubuksan ang punto ng salas. 20 Ngunit mula sa durungawan ay pahahabulan pa ito ni Rosauro, ang pulbos ninyo, ale Dagdagan pa ho ninyo nang kaunti Ba, marami pa hong pulbos sa butika! 21 Galit na galit na babalikan ni Clarita ang kanyang kapatid. 22 Nagngingitngit at patakbong aakyat siyang muli sa kabahayan, at haharapin si Rosauro. 23 Ikaw, lalaki ka, kung naiinggit kay magpulbos ka rin! Walang nagbabawal sa iyo! 24 Inaku po! Inyung-inyo na lamang ho ang maruming pulbos, parunggit nito. Pagkabigay ng pera kay Clarita ay paiwas na lumabas siya ng kusina. 25 Kataka-taka marahil Inang umiwas sa pagsasagutan ng mga anak. Ngunit si Aling Sensiyay wala nang itagal sa mga pagbabangayan nina Rosauro. Nagawa na niya ang lahat ng sa akala niya ay dapat niyang gawin; nagsasawa na siya, naroong magmura. At minsan, binantaan pa niyang hahagupitin si Rosauro; hinagupit nga niya. Subalit walang nangyari; gayon din ang asal ng anak na binatilyo.

26 Kung minsan ay naiisip na tuloy ni Aling Sensiya na ibigay na ang halagang hinihiling ng anak na lalakimatahimik na lamang ito. Ngunit paano siya makapaglilihim ng malaking halaga sa kanyang asawa? Hinding-hindi naman niya maipagtapat dito ang paghiling ni Rosauro ng isang bisikleta. Aanhin, aniya, ni Rosauro ang bisikleta? Ipamumustura? Iyon lamang anyang gastos ni Rosauro sa kasalukuyan ay kalampasan na sa karaniwang gastos ng isang binatilyo, gastos na naman? At baka ipatanong pa sa kanya kay Rosauro kung sa akala ba nito ay napupulot lamang ang salapi.

27 Noong maliliit pa ang kanyang mga anak, walang pinapanga-pangarap si Aling Sensiya kundi ang pagdating ng araw na hindi na niya sasawayin ang mga ito sa masyadong pagkain ng mais; sa di pagsapal sa balat ng sinigwelas; sa pag-akyat sa mga punong mangga Nagkakaisip na si Clarita. Magiging tagatingin na lamang siya silang tatlo ng kanyang mga anak ay magkakaibigan 28 Ngunit ng si Clarita ay tumuntong sa kanyang ikalabing-anim na tag-araw, si Aling Sensiyay malimit magpalipas ng magdamag sa kaiisip at pangangamba. Sapagkat si Clarita ay maganda, mapusok at sabik sa buhay. 29 Nang si Claritay makaraos nang maluwalhati sa mga mapanganib na taon ng kabataan, si Rosauro naman ang nagpalit dito. Si Rosauro ay sumapit sa gulang na pinakamahirap unawain ng mga ina. At kung si Clarita ay nagdulot ng mga bagabag sa kanyang ina
Pahina 2 ng 5 H2 FILIPINO

noong siyay unang nagdadalaga, ngayon ay higit ang ipinalalasap ni Rosauro kay Aling Sensiya. 30 Maliit pa si Rosauro ay mapangatwiran na, at napakahirap sawayin. Kapag sa umaga ay pinagbawalan ito ni Aling Sensiya sa pag-akyat sa puno ng sampalok, kinahapunan ay naroroon na naman. 31 At ang batang ito nga ay sumapit sa kanyang ikalabing-anim na taon. Ikalabing-anim na taong pumipigil kay Aling Sensiya upang siyay hagupiting tulad noong siyay bata pa. Nais ni aling Sensiyang madama ni Rosauro na itoy itinuturing nang isang kasambahay na may mga karapatan at tungkulin. Kaya bat noong minsan, pagkaraang ito ay mapalo niya - at noon lamang nasayaran ng pamalo si Rosauro sa loob ng dalawang taon si Aling Sensiya ay nakadama ng di babahagyang pagkalungkot at pagsisisi. Walang kinasapitan ang kanyang pamamalo kundi ang paglawig ng di nila pagkakaunawaang mag-ina. Kung si Rosauro ba ay hindi na niya nalapatan ng gayong pagpaparusa, hangga ngayoy matatag pa sana ang kanyang pamamayani sa kanyang anak. Sapagkat hindi maipaunawa kay Rosauro sa gayong pamamaraan ang kamalian nito. 32 At nitong huli, nararamdaman ni Aling Sensiya na humuhulagpos na sa kanyang palad ang kanyang kapangyarihan kay Rosauro. 33 Kung minsan, naiisip ni Aling Sensiya na humingi ng tulong sa kanyang asawa. Ngunit pag umuuwi na si Mang Victor na pagod na pagod mula sa bukid, nagdadalawang-loob si Aling Sensiya at sinasarili na lamang ang mga alalahanin tungkol sa anak. 34 At si Mang Victor ay sadyang walang kamalay-malay sa pagtutunggaliang nangyayari sa kanyang pamamahay. Ngayon lamang siya nakabatid nang bahagya. Sapagkat Linggo ngayon, kaya hindi siya lalabas sa bukid. At saka mayroon siyang hinihintay na kakausapin tungkol sa kapirasong lupa. Bihirang matigil ng bahay si Mang Victor. Pawang marahas na pag-aalitan na lamang. 35 Marahan siyang tumindig at lumabas sa kinaroroonan ng mag-ina.

36 Ano ba iyang ingay ninyo? ang banayad niyang pansin. 37 Pabuntung-hiningang bumaling sa kanya si Aling Sensiya. Mabutit lumabas ka, Victor! Kaygaling na ngayon ng mga anak mo, akala mo ba? Marurunong palibhasay nakapag-aral e At tumungo sa kusina si Aling Sensiya. 38 Walang kaimik-imik na binalingan ni Mang Victor ang mga anak. 39 Ang maluha-luhang sakdal ni Clarita sa ama. Si Rosauro po e Nagkakanta lamang ako kaninay kung anu-ano na ang pinagsasabi 40 Paano ba naman, Itay, ang pangangatwiran ni Rosauro, Nagsusulat akoy kay-ingay niya. 41 Nasa loob ka naman a ang pagtatanggol ni Clarita sa sarili. At saka mahina lang naman ang aking kanta. 42 Mahina Tinakpan ko na nga ang mga tainga koy naririnig ko pa rin ang pagngawa mo rito! 43 Rosauro! ang paalala ni Mang Victor. 44 Saglit na natigilan ang binatilyo. Naalala niyang ang ama nga pala niya ang kaharap niya ngayon. 45 Mangyari, Tatay, ang pagsusumbong ni Clarita, buhat noong humingi siya ng bisikleta at hindi siya mabigyan ay nagalit na siya sa akin. 46 Nang-uusig ang mga mata ni Mang Vicrtor na bumaling sa anak na lalaki. 47 Pitumpung piso lamang naman ang bisikleta e 48 Pitumpung piso! Nalalaman mo ba Rosauro kung ano ang hinihingi mo? 49 Hindi umiimik si Rosauro. Ngunit sa sarili niyay ibinubulong niya. Pitumpu lamang. Kay ganda naman ng bisikleta bagung-bago pa Saan makakakuha ng gayon sa mababang halaga? ngunit nakayuko at wala siyang kaimik-imik.

Pahina 3 ng 5 H2 FILIPINO

50 At aanhin mo ang bisikleta? ang tanong ni Mang Victor. 51 Inaano rin kaya ni Ate ang kanyang mga damit 52 Namutla si Mang Victor. Narinig niya ang halos ay bulong lamang na pangangatwiran ni Rosauro. 53 Malakas at matunog na sampal ang dumapo sa mukha nito. 54 Kaygaling mo nang magsasagot, ano? Ngayong malaki ka na! 55 Wariy sasabog ang dibdib ni Rosauro dahil sa hinanakit sa ama. Pati ito palay higit na nagmamahal sa kanyang ate kaysa sa kanya. Akala niyay ina lamang niya ang gayon iyon pala pati ang kanyang tatay. Para sinabi lamang niya na inaano ng kanyang ate ang mga damit nito! Aanhin daw niya ang bisikleta E di sasakyan, ano pa? 56 Narinig mo ba ako, Rosauro? 57 Ano po iyon? ang nagmamaktol na bulong niya. 58 Matuto ka, wika ko, na sumagot nang mahusay 59 Sumagot nang mahusay Masama ba ang sagot niya? Tatanung-tanong sila nang paganoon e di sagutin din sila nang paganoon! Magtatanong sila nang paganoon pagkatapos kung sumagot kay magagalit! Ang sabihin nilay talagang mahal sa kanila si Clarita Parang iisa ang anak! Parang ibang tao ka sa pamamahay na iyon! 60 Mabuti pay lumayas na ako, ang hindi nya napigilang naibulong. 61 Ah, lumayas? Marahang-marahan ngunit mariin ang pananalita ni Mang Victor. Lumayas pala? Sige. Walang pumipigil sa iyo 62 At siyay tumalikod at bumaba sa hagdanan; nagdaramdam na nagbalot ng mga damit si Rosauro. 63 Si Mang Victor ay nagbubuntong-hiningang naglakad-lakad sa bakuran nila.

64 Sadya kayang ganito ngayon ang kabataan? Pinalalayaw mo nay mga wala pang pitagan? Pinapag-aral mo nay wala pang katwiran? Hindi marunong tumanaw ng utang na loob. 65 Natatandaan pa ni Mang Victor ang sarili niyang kabataan.

66 Napabuntong-hininga siya. Noon ang panahon ng maliligayang magulang. 67 Waring nakikita pa niya ang aliwalas na mukha ng kanyang ama at ang kaaya-ayang mukha ng kanyang ina. 68 Sila ng kanyang ama ang magkatulong na nagsasaka ng kanilang bukid. 69 Silang dalawa ang nagbabanat ng buto upang maipagtawid-buhay silang tatlong mag-anak. 70 Bakit noon silay hirap pa, ngunit ni minsan ay hindi siya nagsaloob na hindi siya mahal ng kanyang mga magulang?

Pahina 4 ng 5 H2 FILIPINO

71 Bakit ngayon, si Rosaurong hindi niya nakakatulong sa paghahanapbuhay ay may nasusumbat na silay walang pagtingin? 72 Siya, mula nang magkaisip na, ay kasabay na sa pagbangon ng araw, paggawa sa maghapon, paghiga sa gabing nananakit ang katawan dahil sa pagod 73 Si Rosauro Ano ba ang kanyang kapakinabangan kay Rosauro? 74 Bumuntong-hininga na naman si Mang Victor. 75 Ang iisipin koy lupa Hindi ko iisipin si Rosauro. Lupa Lupa 76 Mahal na mahal sa kanya ang lupa. Ang amoy nitong nagpapasigla ng kalooban kapag bagong ulan. Ang putik nitong naglalagkit-lagkit na dumidikit sa balat kapag siyay nag-aararo Ang mga biyayang handog ng lupa sa mapagpalang mga bisig. Ang nakaaliw na tanawing luntian sa buong kapatagan Ang naaamoy na bango ng palay sa pag-ihip ng Amihan 77 Mahal na mahal sa kanya ang lupa 78 Yumuko siyat pumulot ng kapirasong luad. Pinirutpirot ito. 79 At unti-unti, ang kanyang pansin ay napunta sa luad na hawak.

80 Malambot ang luad. Hindi tulad noong tag-araw na ihampas mo man sa batoy halos katulad din ng batong maninilapon. 81 Napatanaw si Mang Victor sa bahay nila. Nakita niya si Rosauro sa harap ng aparador. Hindi pa natatapos ang pagbabalot ng damit.

82 Napatingin si Mang Victor nang maalala na marami nga palang damit si Rosauro. Maraming damit na babalutin. 83 Napalambot ng ulan ang luad. 84 Hindi pa inaabot ng ulan si Rosauro.

Kuwento mula sa: Badayos, P., et. al. (1999) Tambuli: Interaktibong Aklat sa Filipino II. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. Mga larawan mula sa: http://www.filmguerilla.com/2012/02/13/ama-at-anak/ http://kiliti-ng-diyos.blogspot.com/2013/06/amang-mapagpatawad-at-mapagmahal.html http://www.flickr.com/photos/manfrommanila/482214711/ http://www.flickr.com/photos/pinoysmile/favorites/

Pahina 5 ng 5 H2 FILIPINO

You might also like