Professional Documents
Culture Documents
Kagamitan para Sa Personal Na Pananggalang
Kagamitan para Sa Personal Na Pananggalang
Ang kalusugan at kaligtasan sa pagtatrabaho o lugar-pagawaan ay tungkol sa paghahadlang na magkaroon ng kapinsalaan, masamang karamdaman at magkasakit dahil sa trabaho. Ang Occupational Health and Safety Act 1983 (Batas sa Kalusugan at Kaligtasan sa Pagtatrabaho ng 1983) ay isang batas na tumutulong sa pangangalaga ng inyong kalusugan at kaligtasan sa trabaho. Ang inyong taga-empleyo ay kailangang sumunod sa batas na ito.
Ang mga pagkapinsala, aksidente at masamang karamdaman ay maaaring mangyari sa trabaho. Karamihan sa mga ito ay maaaring maiwasan
Lahat ng mga maaaring peligro, pagkapinsala, masamang pakiramdam at aksidente sa lugarpagawaan ay dapat iulat.
Ang imbestigasyon sa aksidente ay tumitingin kung paano nangyari ang aksidente, pagkapinsala o masamang pakiramdam. Ito ay makakatulong upang hindi ito maulit mangyari at maiiwasan ang pagkapinsala o pagkamatay.
Kayo Ay Dapat:
Mag-ulat sa lahat ng mga peligro, aksidente, pagkapinsala, muntik nang pagkapinsala o masamang pakiramdam sa lugar-pagawaan kahit na ang akala mo ay maliit lang itong bagay.
Magpatingin sa company nurse kung kayo ay nagkapinsala o may masamang karamdaman sanhi ng trabaho.
Ang problema sa Kalusugan at Kaligtasan ay anumang nakagagawa ng aksidente, pagkapinsala o masamang karamdaman sa trabaho. Ito ay kadalasang tinatawag na mga peligro (hazards) sa lugar-pagawaan.
Sirang mga hagdanan, hagdan at kagamitan Hindi ligtas at madulas na sahig at tuntungan
Upang matiyak na ang lugar-pagawaan ay ligtas, ang mga taga-empleyo at sa tulong ninyo, ay dapat: Kilalanin ang mga maaaring peligro sa lugarpagawaan. Alamin kung paano ito nagiging sanhi ng pagkapinsala, aksidente o masamang pakiramdam at gaano ito kalala
1. Pag-aalis nito
2. Ilayo ito sa inyo para mabawasan ang maaaring sakuna
KAYO AY DAPAT:
1. Maging listo sa mga peligro sa lahat ng oras. 2. Iulat ang mga ito sa inyong Foreman o miyembro ng Komite sa Kalusugan at Kaligtasan.
Ito ay dinisenyo upang makontrol ang mga peligro sa kalusugan at kaligtasan sa lugar-pagawaan.
Proteksyon sa mata (goggles, safety glasses) Proteksyon sa pagdinig (ear plugs, ear muffs)
Ang PPE ay ang pinakasimpleng kalutasan sa mga problema sa kalusugan at kaligtasan sa lugarpagawaan, dahil hindi nito lubusang hinaharap ang panganib nagbibigay lamang ito ng pananggalang upang protektahan ang manggagawa. Sa gayon, ang PPE ay dapat na gamitin kasama ang iba pang mga pamamaraan na nakapagbibigay sa mga manggagawa ng mas mataas na antas ng kaligtasan, sa halip na pangpalit sa mga pamaraang ito.
Ang Personal Protective Equipment ay Dapat: Akma sa uri ng trabaho Nasa tamang sukat sa inyo Palaging malinis at inaalagaan Mahusay ang pagkatago
Proteksyon sa paghinga
Ang mga alikabok, kemikal, usok, dumi at lason ay maaaring pumasok sa inyong baga na siyang pagmumulan ng mga problema sa paghinga. Ang paggamit ng mga pananggalang sa paghinga ay makakatulong sa paghadlang nito.
Ang mga ito ay ginagamit kung nagtatrabaho sa may mga alikabok, usok at kemikal. Ito ay nagbibigay ng malinis na hangin.
Palaging tiyaking ang pananggalang sa paghingang ginagamit ay: 1. Sukat na sukat para sa inyo 2. Talagang selyado at walang butas na labasan ng hangin
Kayo ay dapat na sinanay sa paggamit ng pananggalang sa paghinga at kung kailan ninyo ito gagamitin.
Proteksyon sa mata
Karamihang mga pinsala sa mata ay kagagawan ng: 1. Mga tumitilapon na bagay mula sa pagkikiskis, paglalagari, pagmamartilyo at pagpuputol. 2. Ang mga alikabok at maliliit na bahagi ng kahoy at bakal sa papawirin 3. Mga tumitilapong apoy mula sa pagwewelding 4. Mga usok at saboy mula sa mga kemikal Ang anumang mga kapinsalaan sa mata ay maaaring nakakasira sa paningin. Karamihan sa mga kapinsalaan sa mata ay maaaring maiiwasan sa pamamagitan ng mga nababagay na pananggalang sa mata.
Kamukha ito ng normal na salamin. Lalo silang makapal at ginawang pananggalang sa inyong mga mata laban sa mga tumitilapon na bagay.
Ang mga ito ay nagbibigay ng ligtas na panaklob sa mata at nagbibigay ng lalong malawak na proteksyon. Maaari itong pananggalang sa alikabok, mga saboy at masasamang hangin.
Ang mga ito ay ginagamit kung kayo ay nagtatrabaho sa mga kemikal, init at barilpampako (nail gun). Ito ay maaaring ipatong sa safety glasses (salaming pangkaligtasan)
Tiyaking
palagi kayo ay may suot na tamang proteksyon sa mga mata na ayon sa trabahong ginagawa. Kung hindi tiyak, magtanong sa Foreman o pangkaligtasang opisyal. Ang mga pangkaraniwang salamin ay hindi nakakapagbigay ng sapat na proteksyon sa mata .
Ayon sa batas, dapat mong sundin ang mga pangangailangan sa kalusugan at kaligtasan ng iyong taga-empleyo.Ibig sabihin nito na kapag inatasan kayo ng inyong taga-empleyo na gumamit ng PPE, dapat ninyong gamitin ito. Kapag tanggihan ninyong gamitin ang inyong PPE, ang inyong taga-empleyo ay maaaring gumamit ng pandisiplinang aksiyon at kayo ay pwedeng isasakdal.
Hindi ninyo tungkulin na bumili o magtustos ng PPE. Gayunman, kapag ito ay tinustusan, hindi mo dapat pakialaman, abusuhin o gamitin ito sa maling paraan. Ipagsabi sa inyong taga-empleyo kung ang PPE ay nasira, nabali o may depekto. At ganoon din, kung ang PPE ay hindi komportable o hindi maayos ang sukat, sabihin ito sa inyong foreman. Kapag may makita kayong hindi gumagamit ng PPE kahit sila ay dapat na gumamit, ipaala-ala sa kanila ang panganib na maaring mangyari sa kanila at sabihin kaagad ito sa inyong foreman. Dahil ang inyong taga-empleyo ang nagbigay (at siyang may-ari) ng PPE, maaaring ipapasauli ito kung kayo ay aalis sa lugar-trabaho.