Professional Documents
Culture Documents
Karitas at Damaso
Karitas at Damaso
ni U Z. Eliserio
Synopsis
Isang musical. Pagsasadula ng banal na soneto ni John Donne, kung saan nagsasalita
ang isang makasalanan, na tumatawag sa Diyos, at ang katapusang linya'y: "[I am]
never chaste lest you ravish me." Eksaminasyon ng papel ng pananampalataya sa
ating mga ideya hinggil sa sex, pag-ibig at tungkulin.
MGA TAUHAN
JUANA DONNA - ginahasa, may kumot na nakabalot sa ulo, Maria Clara get-up
PANAHON AT TAGPUAN
Naghahalikan sina DAMASO at KARITAS. Nakahubad si DAMASO, nasa mesa ang kanyang
abito. May rosaryo sa sahig. May maririnig na katok.
DAMASO: Ay, teka lang muna! (Magbibihis. Makikita ang rosaryo sa sahig,
pupulutin ito at popormang nagdarasal.) Sige, pasok na!
DAMASO (Tatango kay JUANA DONNA.) Tama, tama. H�wag ka nang mag-alala pa sa
kanya. Nakamit na n�ya ang karampatang parusa. Nilatigo namin s�ya. At ang mga
sugat na resulta�y sinabuyan ng alcohol. Kinutusan din s�ya. Pinaddle.
Binayagan.
DAMASO: Nagmimisa sa kabilang parokya. (Hahawakan ang ulo ni JUANA DONNA.) Pero
hindi pa tapos ang kuwento ko tungkol sa kanyang mga parusa. PAgkatapos bayagan,
dinuro s�ya ng mga semenarista at sakristan. Binato ng kamatis�
JUANA DONNA (Sisingit.) Hindi naman po kaparusahan n�ya ang aking nais.
DAMASO (Parang walang narinig.): Pinakain ng limang patola sa isang upuan, pina-
inom ng chocolate milk shake sa loob ng MMDA male urinal�
JUANA DONNA at SALVE REGINA: Padre Damaso, hindi pagpapahirap kay Padre Abraham
ang kailangan!
JUANA DONNA: Ang nais ko po�y maibalik ang aking pagiging birhen.
JUANA DONNA: Narinig n'yo ako. (Tatayo.) Mula bata�y asawa lang ang hinanap ko.
Pangarap ko�y ikasal nang grande, labasan ng sampung barako. Hindi po ako
dadalhin sa altar ng aking nobyo kung malaman n�yang nakantot na ako.
SALVE REGINA: Tapos na! Hindi na magiging payapa ang inyong pagsasama.
JUANA DONNA: Ang aking pagiging birhen ang pinakamahusay na regalong aking
maibibigay sa aking magiging asawa. (Uupo.) Nais ko lang pong maging karapat-
dapat sa kanya.
DAMASO: Dahil, dahil, dahil. (Patlang.) Basa ang pintura ng confessional box.
JUANA DONNA: Mawalang-galang po, kaya ako may kumot sa ulo para hindi makilala.
Hindi po yata makakatulong kung tatawagin n�yo ako sa buo kong pangalan. Saka po,
mula nang ako�y magahasa ay ayaw ko nang maiwan sa kwarto nang pari lang ang
kasama. Lalo na sa simbahan. (Patlang.) At hindi sa nagpapaawa ako, pero maawa
naman kayo. Hindi na nga tuna yang unang karanasan ko ng pagtatalik. Pati ba
naman sa pangungumpisal ko�y gaganapin sa gitna ng mga monoblock?
DAMASO: Huwag! (Hindi s'ya pakikinggan.) Huwag! May mas mainam na paraan.
(Mapapatititig sa kanya ang dalawang babae.) Dito�y parang itinahe ng sastre
pabalik ang iyong puke.
JUANA DONNA: Maraming salamat Padre! Kayo lang ang mabuting pari sa aking buhay
ngayon. Paano po, paano ko po maibabalik ang aking pagiging birhen?
SALVE REGINA: Padre! Anong uri ng birhen ang magpapakantot? Kahit na si Kristo
po ang kantutero!
DAMASO: Ang isip ng tao ay hindi isip ng Diyos. H�wag subukang intindihin ang
hindi maaaring intindihin. Hindi ba�t ang Diyos ay tatlong iisa?
DAMASO: Kung gayon, walang imposible sa Diyos. Kahit patay ka n�yang buhayin.
DAMASO: At insenso.
JUANA DONNA: E kung imasking tape ko na lang kaya ang punit na puke ko? (Akmang
aalis.)
SALVE REGINA: Huwag Juana Donna! Isipin mo ang iyong magiging asawa!
JUANA DONNA: Kumpisal lang naman ang ipinunta ko rito. (Lalapit sa confessional
box.)
DAMASO: Huwag! (Hindi s'ya pakikinggan.) Sige na, hinawakan ng Espiritu Santo
ang aking puso. Libre na ang iyong pagpapakantot kay Kristo.
JUANA DONNA (Sisindihan ang kandila.) Simulan na natin. Baka bawiin mo pa ang
iyong sinabi.
DAMASO: Sige. (Lalapit sa estatwa. Itutulak ito nang pasayaw.) Tara na!
DAMASO (Kakanta.):
Kantutin, kantutin
Kantutin mo 'ko Kristo
Halina kabayuin ang kaluluwa ko!
Kantutin, kantutin
Kantutin mo 'ko Kristo
Halina kabayuin ang kaluluwa ko!
Ang kaluluwa ko!
Ang kaluluwa ko!
DAMASO: Hindi ako kundi ang Diyos ang mahusay. (Kay JUANA DONNA.) Magling ka
nang muli anak. Humayo at magpakarami.
JUANA DONNA: Hindi pa rin naman po ako birhen muli. Walang nagawa ang inyong
dasal, kanta at ritwal.
DAMASO: Filibustero!
KARITAS: Panahon na siguro para sabihin ko. Mahal ko kayo pareho! (Uupo sa
mesa.) Ok lang ba?
KARITAS: Hindi naman. (Lalapit kay SALVE REGINA.) Actually, para akong pumipili
sa buffet table. (Patlang.) At kayo ang pagkain. (Kukunin ang kamay ni SALVE
REGINA. Kakagatin ito.)
KARITAS: Huwag ka namang ganyan. Ikaw kaya ang magahasa. Kumpisalin mo na kasi.
DAMASO: Kanina gustong-gusto mo, ngayon ayaw mo? Ang mga babae talaga, pabago-
bago ng isip!
JUANA DONNA: Bakit naman ako hihingi ng tawad sa isang makasalanan? Baka mapunta
akong impyerno, tulad n�yong tatlo!
SALVE REGINA: Aba! Unang-una, walang masama sa relasyon namin sa isa�t isa.
Consenting adults naman kami. Pangalawa, lahat naman ng pari makasalan. Kanino
ka magkukumpisal?
JUANA DONNA: H'wag nga kayong mang-insulto! Basta, kaya kong humingi ng himala
mula sa Diyos nang hindi dumadaan sa pari, o nagbabayad sa simbahan.
DAMASO: Good luck sa 'yo! Alam mo ba kung gaano kahirap gumawa ng dasal. At para
maging epektibo, kailangan mong ikanta. Kaya mo bang kumanta?
Diyos ko bakit?
Diyos ko bakit?
Ako hinalay?
Lagi namang nagdadasal.
Diyos ko sana
Ibalik N�yo
Ang pagka�
Birhen ko.
Mahabang patlang. Unti-unting tatawa ang KORO. Sasama si DAMASO at ang dalawang
madre.
JUANA DONNA (Mauupo sa monoblock.): Bakit? Bakit ganito ang sagot ng langit?
KARITAS: Kayo ang tumahimik! Mag-aminan nga tao! (Patlang.) Noong ginahasa
ako�anong ginawa n�ya?
SALVE REGINA: Para malaman mo, pitong beses na akong nagahasa, ng iba-ibang
lalake! Isang Obispo, isang cardinal, at isang beses�gang rape! Tatlong
sakristan!
SALVE REGINA at KARITAS: Hinayaan ng Diyos, ibig sabihin, tama. Karangalan namin
ang maghirap sa ngalan n�ya.
DAMASO: Kaya mo 'yan. (Tatayo, pupunta sa altar.) Teka lang ha? (Maglalabas ng
ostya at alak.)
Magdadala ang dalawa ng mga baso, alak, plato at ostya sa kanilang mga
kasama. Ipagtutulakan nila ang mga monoblock at parang nagpipiknik na uupo sa
sahig. Magtotoast sila at sabay-sabay na lalagok ng alak. Bwakawan sa ostya.
JUANA DONNA (Kay SALVE REGINA.): Salamat. (Kay DAMASO.) Kayo po, nagahasa na?
DAMASO: Oo naman! Pero minsan lang. Semenarista pa ako. (Patlang.) Minsan nga,
iniisip ko, bakit di na naulit? Baka may ibang hinahandang pagsubok sa akin ang
Diyos. Kaya nga lagi kong dinarasal: �O Diyos na mahabagin, sana po�y magahasa
ako. Ayoko pong magkaketong, o kaya�y maging dukha.�
JUANA DONNA (Lalagok.) Hindi kaya (Patlang.) pagsubok lang ng Diyos ang pagkawala
ng pagiging birhen ko?
JUANA DONNA: Hindi pala ako dapat lumuluha. Dapat pa nga akong matuwa! Kasi
bigay ng langit ang aking pagkakagahasa!
SALVE REGINA: May alam ako! Itinuro ng obispong tumurbo sa aking pwet!
Hesus, salamat
Maliit ang burat
At mabilis ang banat
Ng gumahasa sa akin!
Hesus, ulitin
Pasakit sa �kin!
Ako�y nabitin
Sa cari�o brutal!
Hesus, salamat
Sa �yong pagsubok!
�Tong paghihirap!
Alay ko sa �yo!
KARITAS: S'ya nga. Basta sabihin mo sa magiging asawa mo, pag nagreklamo s'yang
hindi kanya ang unang ondo: 'Buti nga ito lang. E kung utang ang ibinigay sa akin
ng Diyos?'
KARITAS: Lagi kaming narito. Pwera Miyerkules. (Aabutin ang plato ng ostya ni
JUANA DONNA.)
DAMASO (Kay KARITAS.): H�wag ka namang ganyan. (Kay JUANA DONNA.) Kung bukod sa
panggagaha �yan e may singil na talaga ha? Naiintindihan mo?
KARITAS: Baog?
DAMASO: Mahirap? (Gagasp. Patlang.) Aba e, h�wag mo nang ituloy ang kwento mo.
Hindi ka pala makakabayad. (Sisimulang ibalik ang mga plato at baso sa altar.)
JUANA DONNA: Hindi pera ang problema. (Bubuksan ang bag at magtatapon ng
pagkarami-raming barya sa sahig.)
JUANA DONNA: Bakit ayaw n�yong makinig? (Babarilin si DAMASO. Patay ang pari.)
KARITAS (Tatayo.) Kakafloorwax lang namin! Ngayon malagkit na naman ang sahig!
SALVE REGINA: Kung kakampi namin ang Diyos, sino ang kakayaning lumaban sa amin?
KARITAS: Saka extra pogi points pa nga ang patayin. Kinakasihan ng Diyos �yung
mga nagpapakamartir.
KARITAS: Ganyan talaga pag nasa puso mo si Kristo. Halika, tulungan mo kami.
Bubuhatin nila ang bangkat papuntang confessional booth. Tulong-
tulong nilang ipapasok ito. Pagkatapos ay balik sila sa mga monoblock.
SALVE REGINA: Diyos naman ang magdadala ng katarungan, kung ito ang nais N�ya.
KARITAS: Nalayo na tayo. Ano ba �yung nasabi mong problema sa �yong asawa?
Hindi pangit
Hindi baog
Magiging asawa ko.
Ang kaso lang
Mayaman man
Hindi kanya ang puso ko.
Barbeque stick man ang titi
Siksik man ang titi
Iba ang mahal ko.
SALVE REGINA: Hula lang. Wow, ang galing naman may powers ako!
KARITAS: Hay naku, mga babae talaga. Kunwari ayaw magpakantot. Gusto naman
talaga. Kaya ako hindi naniniwala sa gahasa-gahasa. Sa totoo lang, enjoy ang mga
�yan!
JUANA DONNA: Sinadya kong galitin s�ya para saktan n�ya ako.
JUANA DONNA: Ngunit paano na ako ngayon? Sa isang banda meron akong magiging
asawa na utos ng Diyos na aking pagsilbihan. Ngunit sa isa pang banda umiibig ako
sa paring nagpa-usbong ng aking pagkababae!
SALVE REGINA: Uy, h'wag nga kayong mabilis manghusga! Isipin n'yo, kung dasal
tayo nang dasal, sasabihin ng Diyos na hindi natin ginagamit ang ibinigay n'ya sa
ating kakayahang mag-isip!
KARITAS: Pero hindi ba may limitasyon ang utak ng tao, kaya dapat laging sa Diyos
dumudulog?
SALVE REGINA: Marahil tama ka, pero para saan pa ang ating talino kung hindi natin
ito gagamitin?
SALVE REGINA (Itututok ang baril kay JUANA DONNA.): Una, hindi ko s'ya kaibigan.
Syota lang, may malaking pagkakaiba. Pangalawa, inakusahan n'ya akong hindi
sumasamba kay Hesus. Wala nang hihigit na insulto. Ano ako? Budista? Hindu?
(Patlang.) Iglesia ni Cristo? (Patlang.) At pangatlo, ayos lang mamatay.
Binyag naman s�ya, kasapi sa Simbahan. Tiba-tiba s�ya sa langit ano man ang
mangyari. (Patlang.) Ang kulit mo naman, ilang beses na naming itinuro �yan!
Hindi ka ba sa Catholic school nag-aral?
Susugod sana si JUANA DONNA kay SALVE REGINA pero tututukan s�ya ng
baril nito.
SALVE REGINA (Itatapon ang baril.): Ang buhay nga naman oo. Pumunta ka rito para
magkumpisal tapos nakapatay ka. Bakit nga ba may dala kang baril?
JUANA DONNA: Hindi naman talaga kumpisal ang balak ko. Wala lang akong madahilan.
SALVE REGINA: At ang baril?
JUANA DONNA: Nakakalito ang mundo. Kung sinong mahal mo, s�yang ayaw sa �yo.
JUANA DONNA: May taste naman si Padre Abraham �no! Hindi s�ya papatol sa mababang
uri.
SALVE REGINA: Kung gayon (Patlang), hindi, hindi maaari. Pero napakaobyus.
(Patlang.) H�wag mong sabihing�
JUANA DONNA: Una, babasagin ko ang kanyang estatwa. Pangalawa, papatayin kita.
At panghuli, ibabagsak ko �yun (Ituturo ang krus ng KORO).
JUANA DONNA (Tatayo.): Bakit ka kay Kristo kumakampi? Ako, tao, babae, inaping
tulad mo. Dapat nga magtulungan tayo!
JUANA DONNA (Lalapit sa altar.) Hayaan mong awitan kita para makumbinsi.
(Aawit.)
SALVE REGINA (Pupulutin ang baril.) Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kaaway mo si Kristo. Kaaway kita.
Tatayo sina DAMASO at KARITAS, pero patuloy pa rin ang luhod ni JUANA
DONNA.
TAPOS