Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Si Rizal at ang Paglikha sa Sarili Amelia S.

Ferrer Katuwang na Propesor Departamento ng Agham Panlipunan Colehiyo ng Agham at Sining, UP Los Baos

1. SA AKDANG ANG PILIPAS SA LOOB NG SANDAAN TAON, TINALAKAY NI RIZAL ANG MGA KINAKAILANGANG REPORMA NA DAPAT IPATUPAD SA PILIPINAS. LIBAN SA PAGPAPADALA NG MGA PILIPINONG MAMBABATAS SA KONGRESO NG ESPANYA, ANONG REPORMA PA ANG NABANGGIT DITO?

Sagot: kalayaan sa pamamahayag


_____________________________________________________________________________________ Mga Pinagkunan: Zaide Zaide, Gregorio and Sonia Zaide. Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa at mga Sinulat, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani. Quezon City: All Nations Publishing, 1984
____________________________________________________________________________________________

Ang sanaysay na ito ay nahahati sa apat na bahagi. Ang unang parte ay tumatalakay sa naging nakaraan ng Pilipinas bago sakupin ng Espanya. Isinalarawan dito ang Pilipinas bilang isang komunidad na may sibilisayon at aktibong nakipag-ugnayan sa mga kapitbahay nito sa Timog Silangang Asya. Ang sumunod na bahagi ay patungkol sa naging kalagayan ng Pilipinas pagdating ng Espanya. Tinimbang ng may-akda ang mabuti at masamang epekto ng pananakop. Nakuha pa niyang bigyan ng babala ang Espanya na nagigising na ang diwa ng mga Pilipino, kung nais ng Espanya na ituring siyang mabuting ina ng mga ito, kinailangan ipatupad ang mga kinakailangang pagbabago sa polisya ng pamamalakad nito sa Pilipinas. Ang mga repormang dapat ipatupad ng Espanya ang tampok ng ika-tatlong bahagi ng sanaysay. Paksa nito ang kalayaan sa pamamahayag at representasyon ng mga Pilipino sa Kortes o legislatura ng Espanya. Ang huling bahagi naman ay patungkol sa mga kaganapang may epekto sa hinaharap ng Pilipinas tulad ng pagkapukaw ng interes ng Amerika sa Pasipiko gayundin ang pagnanasa ng Hapon na magpalawak ng teritoryo.

2. Sa kanyang Sulat sa mga Kadalagahan ng Malolos, sino diumano ang dapat sisihin sa kalugamiang dinadanas ng Asya?

Sagot: kababaihan
__________________________________________________________________________________
Mga Pinagkunan: Epistolario Rizalino, Vol. 11 p. 122

Ito ay sinulat si Rizal sa taong 1889 bilang tugon sa sa hiling ni Marcelo del Pilar ng mabalitaan ang ginawa ng mga kadalagahan ng Malolos upang matuto ng wikang Kastila. Sa akdang ito ipinahayag ni Rizal ang kanyang pagkamangha at paghanga sa mga kababaihang di natakot na ipaglaban ang kanilang karapatan sa edukasyon. Kanyang inakala na ang mga Pilipina ay walang ibang katangian kundi ang kababaang loob.
Tunay at labis ang matamis na _____, ang magandang ugali, ang binibining anyo, ang mahinhing asal; ngunit ang lahat na itoy laguing nahahaluan ng lubos na pagsuyo at pagsunod sa baling sabi o hiling nang nagngangalang amang kalulua (tila baga ang kaluluay may iba pang ama sa Dios) dala ng malabis na kabaitan, kababaan ng loob o kamangmangan kaya: ana kiy mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak may walang bango, magbunga may walang katas.

Hinikayat niya ang mga kababaihan na maghangad ng kaliwanagan dahil itoy magiging sandata ng kanyang mga anak sa pagpawi ng kadiliman ng isip. Nakasalalay sa mga kababaihan ang hianarap ng bayan sa pag-aruga at pagpalaki ng mga anak na may pagmamahal sa bayan.
ngayong nagpakita kayo ng mabuting halimbawa sa kapua dalagang nagnanais mamulat ang mata at mahango sa pagkalugami, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahi ang sakuna sapagkat kayoy katulong na namin, panatag ang loob sa pagtatagumpay.

3. Sa mga kapatid ni Rizal, sino ang may palayaw na Panggoy?

Sagot: Josefa

_____________________________________________________________________________________ Mga Pinagkunan: Zaide Zaide, Gregorio and Sonia Zaide. Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa at mga Sinulat, Manunulat, Siyentipiko, at Pambansang Bayani. Quezon City: All Nations Publishing, 1984
____________________________________________________________________________________________

Si Rizal ay ika-pito sa labing isang magkapatid. Si Josefa o Panggoy ay pang-siyam sa magkakapatid. Siya ay isang dalaga na kasamang nag-aruga sa kanilang mga magulang. Ang panganay na kapatid ay si Saturnina na ikinasal kay Manuel Hidalgo ng Batangas. Si Paciano naman ang pinakmatandang kpatid na lalake ni Pepe. Siya ang nagging tagapagtaguyod ng kabuhayan ng pamilya bilang magsasaka at naging heneral ng Rebolusyon. Si Narcisa na isang guro ay napangasawa si Antonio Lopez na mula sa bayan ng Morong. Si Olympia ang pang-apat na kapatid na naging kabiyak ni Silvestre Ublado ng Mindoro. Namatay siya sa panganganak. Si Maria naman ang sinundan ni Pepe at nakapangasawa ng taga Binan na si Daniel Cruz ng Binan. Ang kapatid na si Conception ay pumanaw naman sa edad na tatlo. Habang ang kapatid na si Trinida ay nanatiling dalaga tulad ni Josefa. Ang bunsong si Soledad ay naging kabiyak naman ni Pantaleon Quintero

4. Sa pakikipgasulatan ni Rizal sa Heswitang pari na si Pablo Pastells, anong katotohanan ang itinuring ng pambansang bayani na obhetibo at pekpekto? Sagot: katotohanang matematikal

________________________________________________________
Mga Pinagkunan: Bonoan, Raul. The Rizal-Pastells Correspondence: The Hitherto Unpublished
Letters of Jose Rizal and Portions of Fr. Pablo Pastellss Fourthe Letter and Translation of the Correspondence together with a Historical Background and Theological Critique. Quezon City: Ateneo de Manila University, 1994.

Habang nasa Dapitan, nagsulatan sa isat-isa sina Rizal at ang Heswitang pari na si Pablo Pastells na nagsilbing Superior ng orden s apanahong iyon. Ayon kay Bonoan, ang mga sulat sa pagitan ng dalawa ay diskusyong pilosopikal at teolohikal. Dagdag pa niya, umiikot ang mga sulat sa tatlong paksa: ang papel ng sariling pagtataya, ang usapin ng Rebelasyon at kalikasan ng Diyos. Sa mga sulat na ito mahihinuha ang pagpapaliwanag at pagbibigay katuwiran ni Rizal sa kanyang mga paniniwala at ang pagtatangka ng Heswita na ibalik si Pepe sa kanlungan ng simbahan (Bonoan 1994).

5. Sa anong akda ni Rizal matatagpuan ang mga katagang ang mga reporma ay magiging mabunga kung ito ay nagmula sa taas, habang ito naman ay magiging marahas at pansamantala kung manggagaling sa baba.? Sagot: Manipesto sa ika-15 ng Disyembre 1896

6. Alin sa mga akdang sanaysay ni Rizal ang may mahabang pagtalakay sa nakaraan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila? Sagot: Ang Katamaran ng mga Pilipino

7. Sa mga sulat ni Rizal sa kapatid na si Trining, anong babae sa Europa ang lubos niyang hinahangaan dahil sa pagpapahalaga ng mga ito sa edukasyon at kaliwanagan ng isip? Sagot: babaeng Aleman

8. Anong uri ng kaalaman ang sa tingin ni Rizal ang higit na makakatulong sa pag-aaral ng kalooban at pakay ng Diyos para sa sangkatauhan?

Sagot: siyensya

9. Saan natagpuan ni Rizal ang aklat ni Antonio de Morgan a Sucesos delas Islas Filipinas? Sagot: London (Britanya)

10. Sa pangalawang pagkakataon, sa edad na mahigit sisenta anyos, pinarusahan ng mga otoridad na Kastila ang ina ni Rizal sa pamamagitan ng pagpapalakad nito mula Maynila patungong Sta. Cruz, Laguna dahil sa salang: Sagot: di paggamit ng apelidong Realonda

11. Sa anong kolehiyosa Maynila nagsipag-aral ang mga kapatid na babae ni Rizal?

Sagot: La Concordia

12. Alin sa mga inukit na gawa ni Rizal sa Dapitan ang may imahe ng buwayang sinagpang ng aso? Sagot: Mothers Revenge

13. Anong kwentong bayan ng mga Pilipino ang isinumite ni Rizal upang matunghayan sa Trubners Record, isang dyornal ng mga eskolar sa Europa na nagpakadalubhasa sa literature ng Asya?

Sagot: Ang Pagong at Matsing

14. Sa unang taong ni Rizal sa kolehiyo ng Unibersidad ng Sto. Tomas, kumuha siya ng karagdagang kurso sa Ateneo. Ang kursong ito ay patungkol saan? Sagot: agrimensura (land-surveying)

15. Ang kabuhayan ng pamilyang Rizal ay nakabatay sa pagsasaka. Anong produktong agrikultural ang pinagkunan ng panustos ng pamilay upang masuportahan ang pag-aaral ni Rizal sa Europa? Sagot: tubo o asukal

16. Isang eksposisyon ang naganap sa Madrid sa taong 1887. Layon nito na ipakita sa buong mundo ang lawak ng kolonya ng Espanya bilang isang mananakop. Hangad din nitong ipakita kung gaano ka atrasado ang mga kultura ng sakop upang bigyang katuiran ang pananakop ng Espanya. Ilang mga Pilipino ang naitampok sa eksposisyong ito na nagpasama sa loob ni Rizal. Sino ang mga Pilipinong ito? Sagot: Igorot

17. Ang mga Rizal ay ilan lamang sa mga angkang nangungupahan sa mga lupaing pag-aari ng mga prayle. Ano ang bansag sa mga ganitong angkan? Sagot: inquilino

18. Sa taong 1887, umuwi ng Pilipinas si Rizal. Upang matyagan ang kanyang bawat kilos, isang Kastilang militar ang itinalagang magbantay sa kanya. Ano ang pangalan ng Kastilang ito na kaluanan ay naging matalik na kaibigan niya? Sagot: Taviel de Andrade

19.

Itinuring na dulce extranjera sa huling tula ni Rizal. Sino ito?

Sagot: Josephine Bracken

20. Ilan sa mga naging gawaing abala si Rizal ay ang pagsasalit ng ilang mga kwento at litearturang banyaga. Anong akda ang kanyang isnalin sa Pilipino kung saan kanyang ipinadala pa sa kapatid na si Paciano ang kanyang gawa upang gawan ng puna ng huli? Sinabi pa ni Paciano na ang salin ni Rizal ay di diumano idiomatiko.

Sagot: William Tell

You might also like