LSM Grade 3 Sibika 2nd Trim SY 2009-2010 Katangian NG Mga Pilipino

You might also like

Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 3

SIBIKA AT KULTURA 3

Magagandang Katangian ng mga Pilipino at


Mga Pag-uugali at Saloobing Hadlang sa Kaunlaran

Tukuyin ang lahing dayuhan na nagpakilala sa ating mga ninuno ng mga sumusunod
na katangian. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Pananampalatayang Kristyanismo
a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

2. Pangangalakal
a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

3. Paggamit ng wikang Tagalog


a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

4. Pananampalatayang Islam
a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

5. Pagpapahalaga sa kalinisan at kalusugan ng katawan


a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

6. Pananampalatayang Protestantismo
a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

7. Pagpapahalaga sa mga pista at mga santo


a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

8. Pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok at paghihirap


a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

9. Paggamit ng katawagan bilang paggalang sa nakatatanda


a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

10. Pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin ng bawat tao


a. Tsino d. Amerikano
b. Asyanong Muslim e. Hapon
c. Español

Sibika at Kultura 3 1 Inihanda ni: Mauie Flores


SY 2009-2010 www.the24hourmommy.com
Kilalanin ang natatanging kaugaliang Pilipino na ipinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat
ang titik lamang.

A. Pagkamatapat F. Pagkamalikhain
B. Pagkamatulungin G. Pagkamasayahin sa Trabaho
C. Pagkamatapang H. Pagtanaw sa Utang na Loob
D. Pananalig sa Panginoon I. Pagpapahalaga sa Pamilya
E. Pagkamasipag at Pagkamatiyaga J. Pagkamaparaan at Entrepreneurship

______ 1. Kapag Bagong Taon ay nagkikita-kita ang pamilya ni Mark at


kanyang mga kamag-anak sa bahay ng kanyang Lolo at Lola.
Masaya ang lahat na makita ang bawat isa.

______ 2. Noong magkasakit ang asawa ni Aling Dory, tumulong sa gastusin


ang kanyang kaibigang si Aling Tanya. Kaya naman ngayong si Aling
Tanya ang nangangailangan ay dagling tumulong ang pamilya ni
Aling Dory.

______ 3. Maraming lumang dyaryo sa bahay nila Ipe. Naisip niyang gamitin
ang mga ito sa paggawa ng mga paper maché na mga kagamitan.

______ 4. Para makadagdag sa pambayad ng kanilang kuryente, naisip ni


Mang Ronnie na gumawa ng yelo at ice candy na kanyang ititinda.

5. Nasisiyahan ang mga suki ni Nery sa kanya. Lagi kasi siyang nakangiti
______
at magiliw kapag nagtitinda ng kanyang banana cue.

______ 6. Laging nagdarasal ng rosary ang pamilya nila Ana. Sama-sama


nilang ipinagdarasal ang kanilang mga hiling sa Panginoon.

______ 7. Hindi nauubusan ng mga gawain si Aling Adora. Ayaw niya kasi ng
walang pinagkakaabalahan. Kung hindi siya naglilinis ng bahay ay
nananahi naman siya.

______ 8. Nag-volunteer si Alex sa Gawad Kalinga, isang samahang gumagawa


ng mga bahay para sa mga mahihirap. Walang bayad ang
pagtatrabaho niya dito.

______ 9. Hindi iniinda ni SPO1 Santos ang panganib ng kanyang trabaho bilang
isang pulis. Hindi siya natatakot na mahuli ang masasamang loob.

______ 10. May naiwang bag sa taxi ni Mang Amado. Maraming pera ang
laman nito. Dinala niya ang bag sa istasyon ng radyo upang
maipaalam sa taong nakaiwan nito.

Paanong naka-hahadlang sa kaunlaran ang mga pag-uugali at saloobin sa bawat


sitwasyon sa ibaba? Isulat ang iyong sagot at pagkatapos ay isulat din kung ano ang
nararapat na gawin.

1. Ningas kugon si Marian. Mahilig siyang magsimula ng mga proyektong cross


stitch ngunit bihira siyang makatapos ng isang buong proyekto.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Sibika at Kultura 3 2 Inihanda ni: Mauie Flores


SY 2009-2010 www.the24hourmommy.com
2. Imbes na mag-aral ng mga leksyon sa gabi si Roy ay nanonood na lang siya ng
TV. Katwiran niya ay matagal pa naman ang pagsusulit. Hindi siya
nanghihinayang sa panahong sinasayang niya.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Mañana habit ang ginagawa ng taong pinagpapabukas pa ang gawaing


maaari naman na gawin agad. Ganito lagi si May. Lagi niyang
ipinagpapaliban ang pagdidilig ng kanyang mga halaman hanggang ang
lahat ng mga ito ay natuyo na.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Bawal daw magwalis kapag gabi na dahil malas. Ito ang pamahiing
pinaniniwalaan ni Aling Sonya. Kaya naman kapag gabi ay tuwang-tuwa ang
mga ipis at daga sa kanilang kusina.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5. Hindi mo makikitang nakasuot ng damit na gawang Pinoy si Rex. Di bale nang


mahal basta Made in the USA.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

6. Hindi maayos ang pagkakagawa ng proyekto ni Simon sa Science. “Bahala na,


basta makapasa,” ang sabi niya. Mahirap daw kasi.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

7. Kahit na may overpass ay sa kalsada pa rin tumatawid si Jenny. Tinatamad kasi


siyang umakyat ng hagdan.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

8. Nilalagyan ni Mang Nestor ng pampabigat ang timbangan sa kanyang


tindahan ng bigas. Hindi naman daw napapansin ng mga mamimili at lagi
siyang nakakalusot.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Sibika at Kultura 3 3 Inihanda ni: Mauie Flores


SY 2009-2010 www.the24hourmommy.com

You might also like