Para Sa Aking Ama at Ina

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Para Sa Aking Ama at Ina ( mula kay Rhesa Van E.

Ramos ) Laking pasasalamat sa Diyos, sa biyayang Kanyang binigay Isang ama at ina na laging handang umalalay. Mula pagkabata, laking sakripisyo ang ginawa Para magkaroon ng buhay na maayos at maginhawa. Pinag-aral sa magandang eskuwelahan Para matuto ng mga bagong kaalaman. Kaalamang magagamit sa paglaki At ang tanging kayamanang bigay na di mabibili. Ngayong nasa tamang edad na Hangad ay magkaroon ng kalayaan na. Sa kabila ng lahat, mga magulang ay di nagpatinag Dahil ang nais isang pamilyang matatag. Sa kabila ng mga problema at hamon ng buhay Nandyan pa rin sa ating tabi at handang dumamay. Turo nilay, magtiwala sa Diyos At ang lahat ay magiging maayos. Darating ang panahon na tatanda sina amat ina Salamat sa biyayang bigay ng Panginoon sa twina. Bigyan pa sana sila ng mahabang buhay At maging masaya ang pagsasama na puno ng kulay. Maraming salamat, aming ama at ina Dahil sa inyong pag-unawa at pagkalinga. Pinapangako na sa inyong pagtanda Ay lagi nandiyan at patuloy na magtatanda. Huwag mangamba dahil di pababayaan Kahit anong mangyari, palagi kayong aalagaan. Salamat sa walang hanggang pagmamahal Aming amat inang lubos na minamahal.

You might also like