Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

LIWANAG

Liwanag Staff

Marilou Mamado Jocelyn Kilario


Editor-in Chief

Lovely Lleonore Lim


Associate Editor Literary Editor

Ireen Sumabong
Columnist

Jimboy Balladares
Artist

Sr. Mercy Caete


Adviser

MAS MALAWAK NA PANTAWID PAMILYA PROGRAM

E
Sa susunod na taon, magiging saklaw na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga pamilyang may kabataang abot sa 18-taong gulang, upang hanggang sa high school ay mapagtapos sila. Ang desisyong ito ng gobyernong Aquino ay inilatag bunsod ng resulta ng pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na mas malaki nang tinatayang 40 porsyento ang sinasahod ng mga nakapagtapos ng high school, kumpara sa mga elementarya lang. Ang pag-aaral na ito ang nagtulak para sagad-sagarin na ng gobyernong Aquino ang pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng 4Ps. Makatwiran nga namang sagarin na ang pagtulong ng gobyerno sa mga pamilyang mahihirap upang makumpleto ng mga batang benepisyaryo ang high school at makatulong sila sa kanilang mga pamilya. Kaya naman sang-ayon tayo sa bagong planong ito ng gobyernong Aquino dahil talagang direktang tulong itong (4Ps) maikukunsidera. Hindi kagaya ng ibang programa ng gobyerno na nahohokus-pokus at pagkaminsan ay nagiging ghost project pa. May ilan namang proyekto na hindi nagdudulot ng malawakang pakinabang kagaya ng mga basketball court, waiting sheds at kung anu-ano pa na ang layon lang naman ay magpakilala o magpapogi ang isang nag-isponsor na opisyal ng gobyerno sa proyekto para muling maluklok sa kapangyarihan. Sa pamamagitan ng 4Ps, nadudugtungan kahit papaano ang pinansyal na pangangailangan ng ating mahihirap na kababayan na malaking bagay para maitawid ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay kabilang ang pagkain at pag-aaral.

D I T O R Y A L

Traysikad sa Maasin City hugot nga gibantayan


Gibantayan pag-ayo karon sa mga tinugyanan sa trapiko sa Maasin ang pagbaha sa traysikad sa maong lugar. Matud pa ni PO2 Mark Lowell Dequinto, sa Maasin City Traffic Department nga gipahimuslan karon sa mga negosyante ang pagpadagan og daghang traysikad kay dako ang ilang kita ning maong negosyo. Matud pa ni Dequinto nga nakamatngon ang mga negosyante nga sa traysikad, gamay ra sila og maintenance itandi sa pagpadagan og traysikol. Gikwenta ni Hornales nga kun mopadagan og traysikol, mogasto ang usa ka negosyante og himabaw sa P100, 000 sa usa lamang ka unit. Samtang P5,000 lamang ang gasto sa usa ka unit nga traysikad, busa sa P100,000 nga puhonan naa nay 20 ka traysikad, unya paabangan sa tag P40 ang adlaw; may P800 ang kitaon sa tag-iya niini, itandi sa P130 ra ang abang matag adlaw sa usa ka traysikol. Maoy hinungdan nga sa Maasin City hapit sa matag eskina maghuot ang mga traysikad, matud pa ni Dequintos. Hinoon mihimo na karon ang lokal nga kagamhanan og balaod nga kontrolahon ang gidaghanon sa mga traysikad nga padaganon sa matag barangay. Ang 10 porsiyento nga gidaghanon sa traysikad base sa gidaghanon sa katawhan kun populasyon sa matag barangay diha sa maong dakbayan.Miingon si Dequinto nga ning maong paagi dili kaayo bug-at sa mga tinugyanan sa trapiko ang pagbantay sa operasyon sa mga traysikad. Dinhi ning paagiha gidayeg sa mga tinugyanan sa trapiko ang maayong pamaaagi nga gisagop sa kagamhanan. Matud pa ni Dequinto nga usa usab kini sa mga paagi aron mapakgang ang plano sa daghang mga negosyante nga mopabaha og mga traysikad sa matag eskina sa maong dakbayan. Ang traysikad nahimo na usab nga industriya nga nakatabang sa pagpuyo ug panginabuhi sa katawhan . 2

T U D L I N G

STORY TO SHARE

PAGMAMAHAL SA SARILI
Kasama sa bawat dasal ni Anne, 24-anyos, na sana ay makahanap na siya ng tamang lalaki para sa kanya dahil hindi na siya bumabata. Hanggang sa kumatok sa kanyang pintuan si Mark. Lagi silang magkausap at magkakulitan. Noong una kaibigan lamang ang kanilang turingan. Naniniwala siya na maganda ang pundasyon ng relasyon kung sa pagkakaibigan nagsisimula. Aminado siya na madali siyang mapaibig, pero hindi sa lahat ng lalaki. Masaya ang kanyang pakiramdam na sa wakas ay may nakilala na siyang lalaki na swak sa ugali niya. Nagpasalamat siya dahil na tupad na ang mga dasal niya. Kasama ko lagi yung mga kaibigan niya, nakaka-bonding ko, parang kaibigan ko na rin. Isang gabing galing siya sa gimikan. Hindi siya mapakali. Hanggang sa nalaman niyang may asawa at may anak na ang lalaki. Pinangako pa niya na hindi niya ko iiwan, hindi ako tanga na magpapagamit. Kahit mahal ko siya, ayokong makasira ng pamilya, salaysay pa ni Anne. Tumagal pa ng ilang araw ang relasyon namin, inaaway na ako ng misis niya, ako na yung nagpakumbaba, may kasalanan din ako. Pero paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na wala akong alam. Hindi ko alam yung tungkol sa pamilya niya, Simula nang araw na iyon ipinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi na siya makikipag-usap sa lalaking nanloko sa kanya. Napatawad na niya ito ngunit hindi na babalik ang pagmamahal niya para rito. Gusto niyang maging better at hindi bitter. Kung may isang bagay man siyang natutunan, yun ay ang mas mahalin ang sarili. Dati puro siya, ngayon sarili ko naman. Buti na lang hindi pa kami tumagal kundi mas worse ang mangyayari, pagtatapos niya. Anuman ang kuwento ng pag-ibig. Iisa lamang ang lengguwaheng nagbibigay kulay rito.

OPINYON

Kung ayaw, ayaw, hindi ba?


LUMABAS na muli sa media ang isyu ng push messages o mga advertisement na text na natatanggap ng cell phone subscribers mula sa mga telcos. Marami na rin ang nagrereklamo dito, dahil kahit hindi naman nila sinasagot, nakakaltasan pa rin daw ang kanilang load. Depensa naman ng mga telcos, may karapatang mamili naman ang subscriber kung gusto pa niyang makatanggap ng mga text na ito o hindi. Alam na natin ang istilong iyan, hindi ba? Mga promo na pilit ipakain sa iyo, na dapat tanggihan mo pa kahit hindi mo naman hiningi. Matagal nang bulok ang istilong iyan. Ayon naman sa NTC, bawal ang mga push text na ito. Bawal ang anumang advertisement na ipadala sa cell phone, kaya dapat mga telcos ang sumunod sa batas, at hindi responsibilidad ng mga subscriber na tanggihan pa ito. May sumunod naman kayang telcos? Isa pang reklamo na ilang beses ko na ring narinig ay ang pagtawag ng mga banko, o ang kanilang kinatawan, sa mga cellphone subscribers at pilit kang pinauutang. Ito ay hindi na text na pwede mong hindi sagutin o burahin. Tawag na ito na kadalasan ay nagaganap sa mga oras na ayaw mong maistorbo. Sa trabaho, sa mga meeting, habang kumakain ka, minsan sa simbahan pa! Dahil sa paulitulit na mga tawag mula sa mga bankong ito, naka-rekord na ang kanilang mga numero sa mga cell phone kaya kapag tumawag, nire-reject na lang. Pero ganun pa rin, paulit-ulit na tatawag. Sa tingin ko, isang uri na ito ng harassment. Ano pa bang mensahe ang hindi maintindihan ng mga tumatawag na ito kapag hindi sila sinasagot o nire-reject pa? Hindi ba ibig sabihin ay hindi interesado ang tinatawagan nila? Mga ibang kilala ko, sinasagot at sinasabi na hindi sila interesado umutang. Pero ganun pa man, tatawag pa rin kinabukasan, pati na sa mga susunod na araw. Hindi ba harassment na ito? Kapag ayaw, ayaw, hindi ba? Malaki ang naitulong ng modernong teknolohiyang komunikasyon sa taumbayan. Pero minsan, nagiging salot na rin. May mga kilala nga ako na pinapatay na lang ang cell phone kapag nag-umpisa nang tumawag ang mga makukulit na banko. Pero hindi na rin makakapasok ang mga tawag na mahalaga at may kabuluhan. Kung may batas pala na ipinagbabawal ang push messages, dapat ma y batas na rin hinggil sa mga ganitong klaseng tawag mula sa mga banko.

Nakaw Na Pag-ibig
Mercy Dale bata pa ako at minahal ko sa kabila ng aming pagkakalayo.Hindi ko maipaliwanag kung bakit siya ang pinili ko. Hindi ko rin mabatid kungpapaano ko siya lubusang nakilala. Si Danzel na minahal ako ng lubusan at umiyak ng di mabilang na beses dahil lamang sa kanyang pagnanais. Ang mga tao sa paligid namin ay sadyang humadlang. Si Carlo, pinsan ni Danzel, ay palagi akong sinisiraan. Si Aemari, pinsan ko, ay palagi namang sinisiraan si Danzel. Si Hanna, kaibigan ko, ay palaging inaakit si Danzel. Si France, ang nobyo ko noon, ay palaging s u m a s a l u n g a t s a m g a desisyon ko. Si Early, ang isa ko pang pinsan, ay palaging nakakarinig ng mgaparatang tungkol kay Danzel. Si Gino, pinsan ni Danzel, ay minsay hindi kapani paniwala kung magbanggit tungkol kay Danzel.Minahal ko siya at minahal niya ako. Minahal namin ang isat isa sa halip ngm g a t a o n g p u m i p i g i l s a a m i ng pagmamahalan. Minahal ko s i y a s a k a b i l a n g kanyang pagkatao. Minahal ko si Danzel ng buongbuo. Wala ni isang bahid ng pagaalinlangan ang aking nadama. Kahit na pilit nila akong pinapaniwala na

Lumaki ako na ang mga mata ng mga tao sa aking paligid ay wari ba laging nakabantay. Ako si Missy. Pangalan koy kailanmay hindi mawawala sa isip ng aking mahal na si Danzel. Si Danzel na ang pag-aartista ang kinahiligan at sa kasalukuyan ay nagaaral sa Jesus Reigns Christian Academy sa Quezon City.Nakilala ko siya noong

si Danzelay likha lamang ng aking lubusang pagkahulog at siyay hindi 5 totoo, nilabanan kopa rin ang kanilang mga paratang. Tiniis ko ang mga masasakit na salita ng iba. Tiniis ko ang sakit na aking nadarama tuwing si Hannay nagpaparamdam sa mahalko. Tiniis ko lahat ng mga panlalait ng mga tao. Naging matatag ako sa aking pagmamahal kay Danzel. Nagi ng matatag ako sa bawat pag s u b o k n g a m i n g relasyon at ganyan ko kamahal si Danzel. Mahal na mahal ko siya na kailanmay hindi ko siya iiwanan. Ganito din kaya ako kamahal ni Danzel?K a p a g n a g m a h a l a n g i sang tao, hindi nakikita n g m a t a a n g t u n a y n a sinisigaw ng puso. Kapag umibig ang isang nabigo, hindi nasusukat ang pagnanaisna muling ibigin. Sa buhay, ang tunay na nagbibigay ligaya ay ang pagmamahal ngiyong minamahal na nagmamahal sa iyo. Hindi matutumbasan ng anumangmateryal na bagay ang inaasam ng pusong sabik sa pagmamahal. Paggising ko sa umaga, ang ulan ay tila ba tumitila na. Ako ay kinakabahan,napakalakas ng kabog sa aking dibdib. Ito ang araw na muli kong nasisilayan angmaamo niyang mukha. Ito ang araw na muling pagtatagbuin ng tadhana ang aminglandas. Kami ay pinaghiwalay ng mga taong talagang naging hadlang sa pa g-usbong ng aming pagmamahalan. Minahal niya ako, minahal ko siya. Mahal naminang

isat isa ngunit wala ni isang lihim ang hindi mabubunyag. Lihim na bumabalotsa kanyang pagkatao na pumutol sa aming namumuong relasyon.Pebrero 14 noon ng kamiy magkakilala. Sa inis ko sa kanyay isinumpa koang kanyang pangalan, Danzel. Tatlong araw ang nakalipas at hindi ko inaamin naako ay naghihintay sa kanya. Muli kaming nagtitan hanggang umaga. Ni isangsegundo hindi ko naisip kung sino ba talaga siya ngunit mababakas sa akingmukha ang labis na saya. Sa kabila ng alitan at pagtu tuksuhan, hindi naminnamalayan na kamiy unti-unting nahuhulog sa isat isa. Hindi ko maamin sa sariliko na akoy umiibig sa taong hindi ko kilala.Anim na buwan ang lumipas at bakas sa aming mga mukha ang pagnanaisna makapiling ang isat isa. Missi, hindi ka ba napapagod sa sitwasyon natin? ,tanong ni Danzel. Ni minsan, hindi ko naisip ang pagod., sagot ko sa kanya.Ngunit Missi, papaano kung makahanap ka ng iba?,tugon niya sa akin. Danzel,ikaw lang at wala ng iba., sagot ko sa kanya. Papaano kung may magugustuhanka? At mahuhulog ka sa iba?, tanong ko. Paano ko magagawang maghanap ng ibakung alam ko at alam mo na may mahal akong matagal na na naghihintay saakin?, sagot ni Danzel. Napatulo ang aking luha sabay ngiti ko sa kanya.Malapit ng matapos ang buwan ng Agosto at ang aking oras ay mahigpit nanakalaan sa aking pag-aaral. Tila napalayo kami ni Danzel sa isat isa. Kinailangankong huwag muna siyang isipin upa ng makapag-aral ako ng mabuti. Bago angaming mga pasulit, muli kong kinausap si Danzel. Pinilit kong magbigay ng panahonpara sa kanya ngunit nangyari ang hindi ko inaasahan. Akoy nagalit sa aking nakitangunit pinigilan ko ang aking sarili. Hinayaan ko siyang magsalita at tinanong

kosiya Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nagmamahal ka ng iba?, Missi, walayan. Wala lang akong

sila sa hiya.Papatunayan ko sayo na ang minahal moy hindi totoo., sabi ni Kreg sa akin.Napalakas niya ang aking loob at 7 pinilit kong maging matatag. Hindi ko ipinakitaang aking kahinaan. Hindi ako umiyak at hindi ko ipinakitang akoy nalulungkot.Iniwasan kong makita si Danzel at Hanna. Sa kasakiman ni Hannay lihimniyang ipinamumukha sa akin na mas mahal siya ni Danzel. Hindi ko pinatulan angmga ikinakalat niya tungkol sa akin. Lumayo ako at nananahimik, at walangka malay-malay sa mga balak ni Kreg. Isang araw akoy nagising na awang-awa kayHanna. Ginawa ni Kreg lahat upang protektahan ang pangalan ko. Ginawa niyalahat upang mapawi ang aking kalungkutan.Muli kong binalikan ang lugar na kahapon. Pinangako ni Kreg na akoy kanyang sasamahan. Pumunta ako sa Early sa SUC at dooy nakita ko si Hanna.Hindi siya makatingin sa akin at tila bay pinahiya siya ng sarili niyang paaralan.Nilisan ko ang lugar at pinuntahan ko si Kreg sa paaralan ko noon at kami ay nag-usap ng masinsinan. Ipinaliwanag ko sa kanya ang aking mga hinaing at muli ayinintindi niya ako.Pagkatapos ng mga pagsubok na aking dinanas, natutunan kong maging matatag. Natutunan kong labanan ang tukso ng kalungkutan at maging masaya sa halip ng mga problema. Nagwagi ako. Pinilit ni Danzel na bumalik sa akin ngunit hindi ko na makayang siyay tanggapin ulit.. Hindi ko na kayang bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon upang akoy muli niyang saktan. Tama na ang lahat ng kanyang mga pasakit at pagpapaasa. Masaya na

magawa habang naghihintay sa yo., sagot niya.Napakagaling mo. Hanga na talaga ako sa yo., tugon ko naman sa kanya.Nagmakaa wa siya na hindi ko siya tatalikuran ngunit sinabi kong sa susunod nalangkami maguusap ulit. Makalipas ang ilang araw, nagiwan siya ng mensahe.Missi,Patawarin mo ako. May mahal na akong iba. Paalam.Danzel. Nangyari na ang aking kinatatakutan. Inahas ako ng matalik kong kaibigan atnagsama sila ni Danzel. Hindi ko naisip ang luha niya tuwing kami ay nag-aaway.Hindi ko naisip ang mga pangako niya na itinaga ko sa kaibuturan ng aking puso.Hindi ko naisip ang pagmamahal niya na parang bula kung maglaho. Itinanong kosa aking sarili kung saan ako nagkulang, kung ano ang mga wala ako, at kung anoang hindi ko naibigay sa kanya.Unti-unting gumuho ang aking mundo, unti-unting nasira ang aking buhay, atunti-unting nawala ang saysay ng mundo ko. Nalaman ng isang matalik ko ngkaibigang si Kreg and nangyari. Hindi niya hinayaang akoy malunod sapagdadaramdam sa nangyari. Hindi ako nagalit ngunit akoy lubusang nalungkot.Hindi hinayaan ni Kreg na bumagsak ako sa mga pasulit at siya ang nagsilibingsandalan ko sa mga panahong iyon. Missi, mahal kita kasi kaibigan kita. Hindi kokayang makita kang nasasaktan. Gusto kong mag-aaral ka at ngumiti. Huwag mongisipin kung ano ang ginawa nila sa iyo. Pangako ko na ako ang bahala sa lahat.Mananagot ang mga nananakit sayo at sisiguraduhin kong magtatago

ako ngayon at alam kong ang pagmamahal ay muling kukulay sa aking buhay. Hindi

man ngayon ngunit sa bukas na darating.

Ang Aking Pagkatao


Salig Ayaw Laum
Farimz Nagkaila ta Tungod lamang sa usa ka higala Higala nga nakasinati na Sa atong mga kinaiya Kanako imong giangkon Ang pagbati nga talagsaon Ako wala usab mililong Pagbati ko akong gihunghong Mga kalipay atong gisaw-an Mga pagsulay atong gibatukan Ako nagpabiling matinud-anon Kay ako naglaum nga mao usab imong buhaton Apan niabot ang kahigayonan Nga gikahadlukan sa tanan Imon akong gibudhian Nakigdulog diay kasa uban Malampuson ang maong pagpamugas Apan imong gimahayan Ang maong kalampusan Apan ulahi na ang tanan Bisan sakit sa balatian Kaugmaon sa umahan akong nalantawan Sila kanimo nanginahanglan Mao nga ikaw akong gibuhian. 8 8 Jimboy ang natatanging ngalan isang Isang batang namulat sa karukhaan Maralitang dugot pawis ang puhunan Bawat unos ng buhay ay pilit na nilalabanan

Oh! Bathala ng sangkatauhan akoy pakinggan Yaman ng buhay ay hindi kailangan Bastat ikaw ay palaging nariyan Adhikaing tunay sa dugo ang nananalantay

Luntiang pangarap wag sanang kumilab Lasong makamandag wag sanang hayaang kumalap Angking talino ang syang susi sa pagkatuto Diyos ang may alam sa aking pagkatao

Awit ng ibong lumanay sa bawat buhay Respeto sa kapwa ang syang tulay Edukasyon an gang tanging tugon Sa mithiing sa buhay ay makahoon

PHOTO ESSAY

Para sa kaunlaran ng ating bansa ay dapat kikibo tayo at huwag iasa lamang lahat sa gobyerno. Magtulong-tulong tayong itigil ang mga ginawang katiwalian sa mga opisyal ng ating pamahalaan.

SANAYSAY

Kapag Lumaki Na
(Blog Spot)

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamanglupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon. Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot. Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang tanga. Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa. Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na maglinis sa iyo. Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang lizard. Pikit ka na, bababa na yung lizard. Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard. Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka. Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging disente (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.

Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang istoryang ito ng mga kasinungalingan. 10

SPORTS

HOT PICS

sinikwat ng Cebu City ang overall title sa Philippine Sports Commission-Philippine

MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Mula sa kanilang dominasyon sa 20 sports events ay

Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg. Humakot ang Cebu City ng kabuuang 71 gold, 52 silver at 25 bronze medals para pangunahan ang nasabing event. Pinamahalaan ng Cebu City, naglahok ng 168 atleta, ang halos 20 sports kasama dito ang swimming, karatedo at athletics. Ang Queen City of the South ang inaasahang magiging paborito para sa National Finals sa Nobyembre sa Bacolod City. Tumubog ang Cebu City ng kabuuang 26 golds, 17 silvers at 5 bronzes sa swimming event,

kasama dito ang anim ng 14-anyos na si Karen Mae Indaya. Sumegunda naman ang Bohol Province na may 23 gold, 15 silver at 11 bronze medals. Ang 21 ginto ng Bohol Province ay kanilang sinikwat sa swimming. 11

FILM REVIEW

Tanging Yaman
Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng termino ni Marilou bilang Presidente ng Pilipinas ay inilaan niya ang kanyang oras para sa kanyang mga anak. Sa di inaasahang pangyayari, isang araw ay dinala siya ng kanyang matalik na kaibigang si Jocelyn sa ospital dahil nabagok ang kanyang ulo. Doon ay sinabi ng doktor na siya ay may malubhang sakit, maaaring tumor sa kanyang utak. Mahirap na itong magamot at may taning na ang kayang buhay. Sila lang ng kanyang matalik na kaibigan na si Jocelyn ang nakakaalam tungkol sa kanyang kalagayan. Hindi niya ito masabi-sabi sa kanyang mga anak, kayat napilitan siyang ilihim nalang ang tungkol sa kanyang sakit. Nangangamba siya para sa kanyang mga anak dahil alam niyang hindi pa kaya ng mga anak niyang mabuhay ng wala siya. Samantala ang matalik niyang kaibigan naman na si Jocelyn ay nabuntis ng isang tanod ni Marilou na si Frank at sila ay nagpakasal sa huwes. Ngunit, di nagtagal ay nakipaghiwalay din si Frank kay Jocelyn. Si Irene naman ay umuwi ng Canada kasama ang kanyang anak. Sumunod na lamang ang asawa nito na si Troy. Ngunit nang ito'y kanya nang sunduin upang bumalik sa Canada ay hindi pumayag si Irene na sumama sa kanyang asawa, dahil ang gusto nito ay iwan niya ang kanyang anak kay Marilou.Kaya't minabuti nalang ni Irene na hiwalayan si Troy. Si Jimboy naman ay umuwi galing England ngunit hindi niya ito ipinaalam sa kanyang nanay at mga kapatid. Isang araw ay may nagpunta sa kanilang bahay upang maningil ng utang ni Jimboy. Hindi naniwala si Marilou na nagkautang si Jimboy dahil ang alam niya ay nasa England ito. Isang araw habang sumasakay ng kotse si Marilou ay nakita niyang naglalakad sa kalye si Jimboy. Bumaba si Marilou sa kanyang sinasakyan at kanyang sinundan si Jimboy.Pinauwi niya ito sa kanilang bahay. Dahil nakita nila na walang trabaho si Jimboy ay pumayag sila na tumira ito sa bahay ng kanilang ina. Si Lovely naman ay malapit nang ikasal nang panahong iyon sa kanyang kasintahan na si William. Dahil sa palaging pagtatalo nang mga anak ay napilitan si Marilou na sabihin ang tungkol sa na kanyang sakit. Sinabi niya na siya ay may tumor sa utak at may taning na ang kanyang buhay. Nalungkot ang kayang mga anak sa kanyang kalagayan kaya tinulungan nila si Marilou upang siya ay gumaling. Inalagaan siya ng kanyang mga anak. Nagpadaos pa sila ng misa para ipagdasal ang kanyang paggaling. Habang nagtatalumpati si Marilou isang araw sa simbahan ay bigla siyang nahimatay. Kaya't itinakbo siya sa ospital. Sinuri siya ng doktor doon ngunit nagulat ito dahil ang tumor sa utak ni Marilou ay bigla nalang nawala. Tuwang-tuwa ang lahat dahil wala nang sakit ang kanilang ina. Samantala, si Jocelyn naman ay manganganak na rin kaya't nasa ospital din siya. Makalipas ang ilang araw ay pinabinyagan ni Rowena ang kanyang anak. Hindi niya akalain na darating sa binyag ang kanyang asawa. Doon ay nagkabalikan ulit sila ni Frank.

Si Lovely naman ay ikinasal na sa kanyang kasintahan na si William. Noong una ay ayaw sana ni Marilou na pakasalan ni Lovely ang kasintahan nito, ngunit nakita ni Marilou na masaya ang kayang anak sa kanyang kasintahan kaya't hinayaan na lamang niya na magpakasal ang dalawa. 12

ENTERTAINMENT TTTT

13

Pinoy Ka Ba? Filipino Word Search

JOKES
Suportaan taka
Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya. Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo. Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

M GA B UGTONG
1.Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero. 2. Naligo si Adan, hindi nabasa ang tiyan. 3.Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera. 4.Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin. 5.Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi't walang kasimbaho; bakit mahal nati't ipinakatatago. 5.Bagama't nakatakip, ay naisisilip. 6.Aling mabuting retrato ang kuhang-kuha sa mukha mo? 7.Buto't balat, lumilipad. 8.Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari. 9.Sinampal ko muna

O LD P I NO Y J O K E S
Ibang posisyon Husband: Shall we try a different position tonight? Wife: That?s a good idea dear?.doon ka sa may plantsahan at ako naman ang uupo sa sofa at manoood ng tv. Pinoy ingenuity? A Filipino doctor has introduced the use of a device that enlarges a man ' s sex organ by up to 5 times with no side effects. It ' s called a magnifiying glass. Vibrating cellphone Mrs: Bilis! Nahulog cellphone ko sa loob ng panty ko, nagba - vibrate. Mr: E anong gagawin ko? Kukunin ko sa panty mo? Mrs: Gago! Kunin mo yung charger baka ma-low bat!

bago inalok. 10.Ang uloy nalalaga ang kataway pagala-gala. 14

AWIT
Sana ang buhay ay walang dulo O hangganan Sanay wala ng taong mahirap O mayaman Sanay iisa ang kulay Sana ay wala ng away Sanay pagibig na lang ang isipin Ng bawat isa sa mundo Sanay pagibig na lang ang isipin Sanay magkatotoo Sanay laging magbigayan Sanay laging magmahalan Sana ang taoy hindi nagugutom O nauuhaw Sanay hindi na gumagabi o umaaraw Sana ay walang tag-init, Sana ay walang taglamig Sanay pagibig na lang ang isipin Ng bawat isa sa mundo Sanay pagibig na lang ang isipin Sanay magkatotoo Sanay laging magbigayan Sanay laging magmahalan Tatanda at lilipas din ako Ngunit mayrong awiting Iiwanan sa inyong alaala Dahil minsan tayoy nagkasama Sanay pagibig na lang ang isipin Ng bawat isa sa mundo

QOUTES
"Wag na wag mong ipagpapalit sa isang oras na kaligayahan ang isang relasyong matagal mong INIINGATAN." Huwag mong subukang mag mahal ng iba habang may mahal ka, dahil kahit moderno na ang panahon, uso pa din ang karma. Hindi sa porma o ayos ng pananamit nagiging gwapo ang isang LaLake, kundi kung pano nya itrato ng maayos ang isang BABAE. Makuntento ka naman kahit alam mong maraming hihigit saken, dahil marami din namang mas hihigit sayo pero ikaw lang yung pinili ko. Lagi mong tandaan kahit gaano pa ka USELESS ang tingin mo sa sarili mo, isa ka pa rin sa mga rason kung bakit may mga masayang tao. Wag kang matakot na maging ikaw. TANDAAN MO: Ang pagiging orig ay mas maganda kaysa sa pagiging isang kopya. Ang pakikipag RELASYON ay tanda yan ng PAGMAMAHALAN, hindi yan biro para gawin mo lang LIBANGAN. Bago mo bigyan ng pangalawang chance ang isang tao, patunayan niya muna na deserve niya ang chance na ito. "Wag mong laitin ang karelasyon ng EX mo, Remember, Isang tao lang ang pumili sa inyo." "Pumili ka ng taong kaya kang PANINDIGAN, di yung BINABALEWALA ka lang.

Sanay laging magbigayan Sanay laging magmahalan Sana

15

You might also like