Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

WIKA Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao ang wika ay isang lengguwahe === sa pilipinas === Ang kahulugan ng wika ay lengguwahe. ang wika ay may sistema, binubuo ng arbitrayong simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa komunikasyon ng mga tao

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_wika Ang wika ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapa-abot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isang likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog. Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. http://gabayngwika.blogspot.com/2008/05/ano-ba-ang-wika.html Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng urio antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't -ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pangedukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala atnamamatay kung nauubos o umuunti angminoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wikangunit patuloy naman itong lumalaganap,umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ngmayoryang pangkat na gumagamit nito.Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ayparaan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdaminsa pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-tao. Ito ay binubuo ng mgasalita, parirala, at pangungusap na may kahulugan.Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason, angwika ay sistematikong balangkas ng isinatinig namga tunog na pinili at isinagawa sa pamamaraangarbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ngmga

taong nabibilang sa isang kultura. Arbitraryo,na ang ibig sabihin ay hindi na pinagtatalunan atsamakatuwid pinagkasunduan na gamitin nalamang.Isang magandang talakayan ang nabuo ng klasengayong araw sapagkat isang napaka interisting naaralin ang inihain sa amin ng aming bagong guro.Ang talakayan ay umikot sa pagbabangayan kunganu ba talaga ang tunay na kahulugan ng wika parasa mga taong gumagamit nito. ayon sa isangdalubwika o isang dalubhasa sa Wika nanagngangalang Henry Gleason ang nagbigay ngisang kahulugan kung anu nga ba ang tunay nrkahulugan ng salitang Wika sa kanyang sarilingpagkakaintindi. ayon s akanya ang Wika ay isangmasistemang balangkas ng mga sinasalitang tunogna pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upangmagtamit s akumunikasyon ng mga taongnabibilang sa isang lipunan o grupo. Ito and isa samga kahukugang ginagamit ng mga guro sa Filipinongayon. Upang magkaroon rin ng sarilingpagpapakahulugan ang aming klase sa kung anu ngaba ang Wika para sa amin ay nagkaroon kami ngkunting paguusap at talakayan para makabuo ngisang kahulugan. nahirapan ang lhat sa pagbigay ngkanilang salriling ideya kung anu nga ba ang ibigsabihin ng salitang Wika. inaqbot kmi ng maramingoras para lang makalikom o makakuha ng mga impormasyon sa aming mga kamag- aral. Subalitsabi ng niyan kailangang gumawa ng paraan atpursigihin ang sarili ng makapgisip ng isang ideyapara lang makabuo ng isang pagpapakahulugan sakung ano ang salitang Wika. Sa pagkahaba- haba ngtalakayan sa pagbibigay ng kahulugan s akung anunga ba ang tunay ng kahulugan ng salitang Wika aymas minabuti nalang namin na paniwalaan angibinigay na kahulugan ni henry gleason. kung kayabago matapos ang klase ang masaya nag lahat saginawqanga talakayan sapagkat m,as nalinawan silasa kung anu nga ba ang tunay na kahulugan ngsalitang Wika sa amin.Subalit isang puna lang, nais ko sanang maspagtuunan pa nhg pansin ni Sir iyong mga taong dinakikinig sa oras ng talakayan kasi ng kakasira sila sapakikinig ng ibang estudyante na nais matuto. Sanaay mas galingan pa ni Sir ang kanyang pagtuturo,gaya na lamang ng mas malakas na boses sa oras ngtalakayan ng sagayon ay mas makuha niya angatensyon amingmga kamag- aral. http://www.scribd.com/doc/35174706/Ang-wika BARAYTI NG WIKA 1.Dayalek/ Dayalekto - pagkakaiba - iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika. - wikang sinasalita ng isang neyographical. Hal: pakiurong ng po ang plato (Bulacan - hugasan) Pakiurong nga po ang plato (Maynila - iusog) 2. Idyolek - nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa) - Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika. Hal: Tagalog - Bakit? Batangas - Bakit ga?

Bataan - bakit ah? 3. Sosyolek - baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang kinabibilangan. - may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita Hal: Wika ng mag-aaral Wika ng matanda 4. Register - isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika. - mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina. -pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa: a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) - naaayon ang wika sa sino ang nag-uusp. b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) - batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon. c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) - pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap. http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_varayiti_ng_wika IDYOLEK-pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik. DAYALEK-nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan. SOSYOLEK-pansamantalang barayti. ETNOLEK-nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo. EKOLEK-kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay. PIDGIN-wikang walang pormal na estruktura. CREOLE-nadedebelop ang pormal na estruktura. REJISTER-wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn. http://biyahenginangbayan.blogspot.com/2012/03/mga-uri-ng-barayti-ng-wika.html Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa ibat ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal. Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon ng TuboySalog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at Sarangani; at ng marami pa pang ibang dayalekto. Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng

iba pang pangkat. Makikilala ang ibat ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito: a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! c. Kosa, pupuga na tayo mamaya. d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon. e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e. Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya? hearing, exhibit, court, pleading, fiscal, justice, settlement, appeal, complainant Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina: account, balance, net income, debit, revenue, asset, credit, gross income. cash flow Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod: diagnosis, therapy, prognosis, symptom, emergency, patient check up, ward, x-ray Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan: ace, fault, love, breakpoint, deuce, rally, slice, advantage, service Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa boob ng panaklong: mouse (Computer, Zoology) stress (Language, Psychology) strike (Sports, Labor Law) hardware (Business, Computer) race (Sports, Sociology) nursery (Agriculture, Education) operation (Medicine, Military) note (Music, Banking) accent (Language, Interior Design) server (Computer, Restaurant Management) Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila:

a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon Tulfo, d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba? Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e. Ruffa Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago. May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidginay tinatawag sa Ingles na nobodys native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyongmakeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda, mura. Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura nito. Creole din ang tawag sa wika ng mga tagaMauritius na magkahalong Pranses at kanilang unang wika. http://www.rabernalesliterature.com/?p=1347 ANTAS NG WIKA
1.)balbal ang unang antas ng wika-ito ang pinakamababang antas ng wika. 2.)lalawiganin ang pangalawang antas-ito ay kabilang sa antas ng mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. 3.)pambansa ang pangatlong antas-ang antas na ito ay laman parin ang pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito.marami ang nagsasabing wikang filipino ang wikang pambansa,samantalang tagalog naman ang sa iba.ngunit wikang filipino parin ang naitala bilang wikang pambansa. 4.)pampanitikan naman ang pang apat-ito ay ang pinaka mayamang uri,madalas itong ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan.ginagamit dito ang mga idioma,tayutay,atbp.

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_antas_ng_wika 1. Balbal - Mga sa salitang Kalye. Halimbawa: Erpat - Ama/Tatay Syota - Kasintahan 2. Karaniwan/ Pambansa - Mga salitang karaniwan nating ginagamit Halimbawa: Libro Upuan 3. Panglalawiganin - Mga salitang nanggaling sa lalawigan/probinsya/ninuno. Halimbawa: Tabako - Yosi

4. Pampanitikan Halimbawa: Magsunog ng Kilay - Magaral ng mabuti Itaga sa bato - Tandaan Balat sibuyas - Iyakin Filipino

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_antas_ng_wika_at_ang_mga_kahulugan_nito 1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda 2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao 3. lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan 4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare' 5. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo. 6. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,

maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sakin,kelan Meron ka bang dala? Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino) http://teksbok.blogspot.com/2010/08/antas-ng-wika_6470.html TUNGKULIN NG WIKA
Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan. Regulatori - kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos. Informativ - nagbibigay ng informasyon/datos.

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_tungkulin_ng_wika 1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal. halimbawa: pasalita: pangangamusta pasulat: liham pang-kaibigan 2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan. halimbawa: pasalita: pag-uutos pasulat: liham pang-aplay 3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba. halimbawa: pasalita: pagbibigay ng direksyon pasulat: panuto 4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. halimbawa: pasalita: pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot 5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

halimbawa: pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan pasulat: mga akdang pampanitikan 6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos. halimbawa: pasalita: pagtatanong pasulat: survey 7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon. halimbawa: pasalita: pag-uulat pasulat: balita sa pahayagan http://teksbok.blogspot.com/2011/07/tungkulin-ng-wika.html 1. Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormularyong panlipunan (Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa), pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito ang liham-pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito. 2. Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Ang paggawa ng mga lihampangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang matugunan ang ating ibat ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pangrequirements. 3. Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na dos and dont's kung saan-saan ay nasa ilalim ng tungkuling ito. 4. Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito. Samantala, ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa nito sa pasulat na anyo. 5. Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay at maikling katha.

6 at 7. Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkulingImpormatibo na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay impormatibo (maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa survey sheets ay impormatibo. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong-papel naman ay mga halimbawa ng tungkuling impormatibo. http://www.rabernalesliterature.com/?p=1834 PAGPAPATALASTAS Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo (Ingles: advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa pinaka karaniwan, ang inadhikang resulta ay ang maimpluwensiyahan ang ugali ng tagakonsumo o mamimili alinsunod sa isang alok na komersiyal o kalakal, bagaman karaniwan din ang pagpapatalastas na pampulitika at pangideyolohiya. Sa wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na pinaghanguan ng salitang Ingles na advertising, ay may kahulugang "ibaling ang isipan papunta sa [isang bagay]". Maaaring maging layunin din ng pagpapatalastas ang paasahin ang mga empleyado at mga "kasalo" (mga shareholder) na matatag o matagumpay ang isang kumpanya. Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang binabayaran ng mga isponsor at nakikita sa pamamagitan ng samu't saring midyang tradisyunal (miyang nakaugalian); kabilang na ang midyang pangmasa na katulad ng pahayagan, magasin, komersiyal na pangtelebisyon,patalastas sa radyo, patalastas na nasa labas ng gusali o panlasangan, o tuwirang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo; o kaya sa pamamagitan ng bagong midya na katulad ng mga blog, mga websayt, o mga mensaheng teksto. http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapatalastas PATALASTAS
Ang patalastas o anunsyo ay mga programang makikita sa mga telebisyon, sa mga tarpaulin na naghihikayat sa mga tao na tangkilikin ang anunsyo o kumuha ng atensyon sa mga nakakakita nito.

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_patalastas CHITCIRYA Junk pagkain ay isang mapanukso slang na termino para sa pagkain na nasa maliit na nutritional halaga at madalas na mataas sa taba, asukal, asin, at calories. [1] [2] [3] Ito ay malawak na naniniwala na ang term ay likha ni Michael Jacobson, director ng Center para sa Science sa Public Interest, sa 1972. [4]

Junk pagkain ay karaniwang naglalaman ng mataas na antas ng calories mula sa asukal o taba na may kaunti protina, bitamina o mineral. Mga Pagkain karaniwang itinuturing na junk pagkain isama inasnan snack pagkain, gum, kendi, matamis na dessert, pinirito sa mabilis http://en.wikipedia.org/wiki/Junk_food

You might also like