Abante 21jan14

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 50

TUESDAY, JANUARY 21, 2014

TOP STORIES

KASKASERONG BUS, INASINTA NG PALASYO


Ni Bernard Taguinod

No to Meralco hike! --- Lumusob kahapon sa harap ng Korte Suprema ang mga demonstrador na labis ang pagtutol sa mahal na power rate increase. Patuloy na dinidinig sa Kataas-taasang Hukuman ang inihaing petisyon laban sa pahirap na dagdag singil. (Mike Perez)

Isang palace official mismo ang nakasaksi kung paano magpakiwal-kiwal at kumaskas ng takbo sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Ave. (EDSA) ang isang pampasaherong bus noong Linggo kaya naman lalong naningkit ang mata ng Malacaang sa pagdisiplina sa mga pumapasadang bus sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda na dapat ikansela ang prangkisa ng Worthy Transport, Inc. bago pa man may mapatay ang driver ng bus na kanyang nakasabay sa EDSA.

It was racing recklessly along EDSA. This Worthy bus franchise should be cancelled to avoid death ang grieving, ang pahayag ni Lacierda sa kanyang Twitter account noong Linggo.

Inilagay din ni Lacierda sa kanyang Twitter account ang litrato ng hulihang bahagi ng bus na may plakang UYA-994 na biyaheng Alabang-Navotas via EDSA.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Lacierda na hindi umano dapat palagpasin ang ugali ng mga bus driver na wala aniyang pakialam sa mga kapwa motorista kung saan may muntik na umano itong masaging kotse dahil labasmasok ito sa mga linya ng EDSA.

Oo sobra yun, ani Lacierda na kabilang umano sa nasa likod ng nasabing bus habang nasa kotse kasama ang kanyang anak.

Kasi walang masyadong kotse sa kalye pero napaka-iresponsable nung driver na yun. Nakakatakot yung ginagawa nilang pagda-drive, ayon pa kay Lacierda.

Nangako naman umano si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Winston Ginez na iimbestigahan ang nasabing insidente para malaman kung sino ang driver ng nasabing bus.

Do not plunder inangkla sa P20B rehab funds


(Dindo Matining/Aries Cano/Eralyn Prado)

Kinabitan umano ng Senado ng do not plunder sign ang P20 bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng kalamidad noong 2013.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, may espesyal na probisyon umano sa P20 bilyong pondo ng Rehabilitation and Reconstruction Program sa 2014 na nagpapataw ng matinding parusa sa sinumang magdidispalko sa naturang pondo.

Sa simpleng salita, may matinding babala sa budget na mabubulok sa kulungan ang sino mang magnanakaw ng pondo para sa mga sinalanta ng bagyo at lindol, pahayag ni Recto.

Sa ilalim ng Republic Act 7080 o Anti-Plunder Law, habambuhay na pagkabilanggo at life-time ban sa public office ang ipapataw sa sinumang magdidispalko ng halagang P75 milyon bilang bribes o kickbacks sa mga proyekto ng gobyerno.

Pinuri ni Recto si Sen. Francis Escudero, chairman ng Senate finance committee, sa paglalagay ng plunder warning provision sa naturang alokasyon.

This is the first time that a provision of this nature has been incorporated in the national budget and this is thanks to Senator Chiz, ani Recto.

Samantala, isinulong naman kahapon nina Bayan Muna partylist Reps. Neri Colmenares at Isagani Zarate ang House Bill 3648 para sa pagtatayo ng pamahalaan ng mas marami at matitibay na evacuation centers.

Upang matiyak na mataas ang kalidad ng mga ito ay inoobliga ng naturang panukala ang pagkuha ng mga eksperto bilang consultant ng proyekto.

Kahapon naman ay pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang pagsasagawa ng monitoring at inspeksyon laban sa mga hardware store na nagbebenta ng mga substandard at hindi sertipikadong steel at angle bars.

Itoy matapos na makakumpiska ang ahensya ng 10,181 piraso ng uncertified at substandard steel bars, angle bars at ceramic tiles na may katumbas na halagang P700,000 mula sa WDL Enterprises at Xtreme Unite Steel Inc. na matatagpuan sa Quirino Highway sa Caloocan City.

Kasunod ito ng isinagawang inspeksyon ng consumer protection group ng ahensya sa naturang lungsod kamakailan.

Mula sa coin smuggling, lumipat sa bigas


(Marlo Dalisay/Noel Abuel)

Mas malaki ang kita sa smuggling ng bigas kaya itinigil niya ang dating negosyong pagpupuslit ng barya palabas sa bansa.

Ito ang mga katagang binitiwan ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture, tungkol sa isang David Tan na ngayon ay isinasabit sa malawakang smuggling ng bigas papasok sa bansa.

Si David Tan, ang negosyo dati niyan ay ang pagpupuslit ng barya palabas ng bansa pero ngayon ay smuggler na ng bigas, pagpapatuloy pa ni Villar.

Magugunitang nauna nang isiniwalat ni Sen. Francis Escudero na mayroon siyang kilalang David Tan na nauugnay sa pagpupuslit ng 25 coins palabas ng bansa pero hindi umano niya sigurado kung ito rin ang napaghihinalaang rice smuggler.

Sa datos naman na nakuha ng grupong Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) na nagkaloob ng P55 libong halaga ng tigpipisong barya kay Villar na pangunang pabuya sa makakapagturo ng smugglers ng bigas, nasiwalat na mahigit sa kalahati ng kabuuang bigas na pumasok sa bansa noong 2012 ay sa pamamagitan ng smugglers.

Base sa nakuha naming record sa mga rice exporting countries na nagpapadala ng suplay sa Pilipinas, noong 2012

ay 1.5 million metric tons ang ipinadala nila sa Pilipinas pero ang nasa record lang ng gobyerno ay 600 thousand metric tons, mahigit sa kalahati ang pumasok sa pamamagitan ng smuggling, ayon kay Rosendo So, ang convenor ng grupong SINAG.

Pasok sa economic sabotage yan dahil sa laki ng halaga ng mga bigas na yan, reaksyon naman ng senadora.

Samantala, sinisimulan na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkilala sa mga rice importers sa bansa upang hanapan ng solusyon ang talamak na smuggling sa nasabing ahensya.

Ito ang paniniyak ni BOC Commissioner John Philip Sevilla bilang bahagi ng repormang ipinatutupad ng ahensya kasabay ng pagsasabing hindi aniya masasayang ang ginagawa ng mga ito kahit bigo itong matukoy ang pagkatao ng umanoy bigtime rice smuggler na si Tan.

Una nang sinabi ni Sevilla na tatlong David Tan ang nasa listahan ng BOC bilang mga bigtime importer ng bigas sa bansa.

Ayon pa kay BOC Deputy Commissioner for Intelligence Group Jessie Dellosa, ang pangalang David Tan ay kahinahinala at posibleng ginagamit lamang ng mga sindikato ng smuggling upang lituhin ang mga awtoridad.

SANGKATERBANG KARGA SA MERALCO BILL, LULUSAWIN


(Aries Cano)

Tumaas nang todo ang singil sa kuryente dahil sa patung-patong na charges na ikinakarga ng power companies, sa pangunguna ng Manila Electric Company (Meralco), kaya prayoridad ngayon ng Kamara na malusaw ang nasabing mga singilin sa layong maibsan ang paghihirap ng publiko na pumapasan sa mataas na presyo ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe, dapat sa umpisa pa lamang ay hindi na pinapatawan ng buwis ang system loss ng mga power companies dahil bahagi ito ng kanilang operasyon kayat sila dapat ang pumapasan ng nasabing gastos at hindi ang publiko.

Maliban sa system loss ay ilalatag din ng Kamara ang pagtapyas kung hindi man ay tuluyang paglusaw ng value added tax (VAT) sa kuryente.

Sa Kamara, ang suhestyong tanggalin ang VAT sa kuryente ay patuloy na umaani ng suporta mula sa mga mambabatas, anuman ang partido at bloc na kinaaaniban ng mga ito.

Ang pinakamabigat na problema ngayon ay ang presyo ng kuryente ay napakataas. Lahat tayo ay may binabayaran ukol dito. Bagamat may posibleng pagbaba sa revenue, kailangan nating pagdebatehan na ito.

Hindi naman nangangahulugan na bagamat mayroong epekto ay dapat talikuran natin ang responsibilidad natin bilang mambabatas para sa buong bayan, paliwanag ni Marikina Rep. Miro Quimbo sa pagtulak ng pagbaklas sa VAT sa kuryente.

Kumpiyansa rin ang solon na hindi ikakagalit ni BIR Commissioner Kim Henares ang kanyang ginagawang inisyatibo sa problema sa napakataas na presyo ng kuryente na halos kinakain na aniya ang 40-45 % ng budget ng isang pamilya.

10 na oil rollback, inanunsyo


(Armida Rico)

Nagbawas ng presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula kaninang hatinggabi.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell ang pagtatapyas ng 35 kada litro sa presyo ng kerosene at 10 naman kada litro sa diesel na epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Habang wala namang anunsyo sa paggalaw sa presyo ng gasolina.

Agad na sumunod sa kaparehas ding halaga ng tapyas-presyo ng kanilang produktong petrolyo ang SeaOil.

Noong Enero 13 huling nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Total at Chevron.

Paldong bonus ng GOCCs di tatantanan ng Kamara


(Aries Cano)

Hindi paliligtasin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sobra-sobrang bonus at benepisyong tinanggap ng mga opisyal at kawani ng may 31 government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Bilang hakbang ay maghahain si Quezon City Rep. Winston Castelo ng resolusyon para paimbestigahan sa Kamara kung bakit at paano nakalusot ang mga hindi awtorisadong bonus ng nasabing bilang ng mga GOCCs.

Sinabi ni Castelo na maituturing na isang fiscal anomaly na pinalusot ng Governance Commission for GOCCs (CGC) na makatanggap ng sobra-sobrang perks ang mga taga-GOCCs.

Katwiran ni Castelo, kaya binuo ang ahensya ay para bantayan at sawatain na ang mga pag-abuso sa hanay ng GOCCs.

Kamara magpapasikat kahit walang pork


(Aries Cano)

Babawi ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kasabay ng pagbabalik ng sesyon kahapon.

Kung dalawang panukala lamang ang napagtibay kabilang ang 2014 national budget at pagkansela sa Sangguniang Kabataan elections bago nag-recess ang sesyon noong nakaraang taon ay nangako ang liderato ng Kamara na magiging masigasig ang mga ito ngayong taon.

Tiniyak rin ni House Speaker Feliciano Belmonte na hindi nila hahayaang madiskaril ang kanilang performance dahil sa pagkakabuwag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa halip ay mas magiging mahigpit pa umano ngayon ang Kamara sa pagsasakatuparan ng kanilang oversight function para mabantayan rin ang trabaho ng ibat ibang ahensya ng gobyerno.

Mahabang pila sa MRT, napansin na ng Mcaang


(Bernard Taguinod)

Pinuna ng Malacaang ang mahabang pila sa Metro Rail Transit (MRT) na lalong nagpapahirap sa mga pasahero araw-araw.

Alam mo isang concern yan, ani presidential spokesman Edwin Lacierda sa press briefing kahapon dahil marami na umanong umaangal na pasahero dahil tuwing umaga na lamang ay napakahaba ng pila bago makabili ng ticket at makasakay ng tren.

Gayunpaman, sinabi ni Lacierda na naghahanap na umano ng solusyon ang Malacaang sa pamamagitan ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya.

Nag-uusap kami ni Secretary Jun Abaya tungkol dito sa mahabang pila and naghahanap sila ng paraan, ani Lacierda kung saan ang isa sa solusyong nais isulong ay dagdagan ang mga coaches.

BOY PIRMA, BOY PICK-UP, PNOY TINURBO NI BONG REVILLA


Ni Dindo Matining

Si Sen. Bong Revilla Jr. yakap ang amang si Ramon Revilla Sr., matapos na maging emosyonal ang magama sa 53-minutong privilege speech ng batang Revilla sa Senado kahapon. (Arman Clemente)

Matapos manahimik ng halos limang buwan sa pagkakaugnay nito sa kontrobersiyal na pork barrel scam, nagsalita na si Senador Ramon Bong Revilla Jr. kung saan binakbakan nito ang tuwid na daan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa 53-minutong privilege speech ni Revilla, inakusahan nito ang Aquino administration sa paggamit ng kontrobersiyal ng P10-bilyong pork barrel para pagtakpan ang pagkukulang nito sa bansa.

Lahat ng ito ay isang palabas lamang ng gobyernong nabigong maglingkod nang totohanan sa publiko at nagkukuwaring may malasakit sa bayan gamit ang propagandang tuwid na daan, pahayag ni Revilla.

Bago batikusin ang administrasyong Aquino, binabakan muna ni Revilla ang mga whistleblowers, sa pangunguna ni Benhur Luy, dahil sa pagdidiin ng mga ito sa kanya sa pork scam.

Mas magaan pa rin Mr. President, ang akusahan ka ng krimen na hindi mo ginawa kaysa sa sabihin ka ng bahala ka sa buhay mo!, sambit ng senador.

Benhur Luy as Boy Pirma

Ibinuntot ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang lahat ng sisi kay Benhur Luy at iba pang mga whistleblowers sa kontrobersiyal ng P10-bilyong pork barrel scam.

Sila mismong whistleblowers at iba pa nilang kasabwat na may kagagawan ng lahat, pahayag ni Revilla sa halos isang oras na privilege speech nito kahapon sa Senado.

Tinawag pa ni Revilla si Luy na Boy Pirma dahil sa pamemeke ng kanyang lagda sa mga dokumentong ginagamit bilang ebidensiya sa plunder complaint na inihain laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Ipinakita rin ni Revilla kahapon ang ibat ibang lagda na pineke umano ni Luy. Hindi ko po pirma ang mga nasa dokumento na sinasabi ng mga ito na ebidensiya laban sa akin, ngunit patuloy pa rin nila akong pinagmamalupitan, sabi ng senador.

Sa makatuwid, eto palang si Benhur Luy ay si Boy Pirma, diin pa nito.

Binigyang-diin pa ng senador na wala siyang kinalaman sa sinasabing pork barrel scam at wala rin umano siyang kaugnayan sa mga whistleblowers at kay Janet Lim-Napoles ang sinabing utak ng nasabing katiwalian.

Sec. Roxas as Boy Pick-Up

Hindi rin nakaligtas kay Revilla si Interior Secretary Mar Roxas na tinawag nitong Boy Pick-up.

Now I bring your attention to the driver who is also the owner of the said vehicle. Wala pong iba yan Ginoong Pangulo, kundi si DILG Secretary Mar Roxas, na DOTC Secretary noon, sambit ni Revilla sa kanyang privilege speech kahapon.

Ipinakita pa kahapon ni Revilla ang litrato na nagpapatunay na dinala siya ni Roxas sa Malacaang para makipagpulong noon kay Pangulong Benigno Aquino habang dinidinig ang impeachment trial ni dating Supreme Court Justice Renato Corona.

Kinuha ko yan gamit ang aking cellphone nang ipagmaneho ako ng aking driver na si Boy Pick-up, Secretary Mar Roxas, galing sa kanyang bahay sa Cubao papunta sa Malacaang, kwento ni Revilla.

Sabi ng senador, inimbitahan umano siya ni Roxas sa kanyang bahay sa Cubao kung saan pinaiwan doon ang kanyang sasakyan at sumakay na lamang sa kanyang kotse patungo sa Malacaang.

Ipinatanggal niya ang kanyang plaka, pinaupo niya ako sa likuran at pagkatapos noon ay umalis na kami patungo sa Malacaang, ani Revilla. Sa totoo lang po, ako ay nawirduhan sa mga nangyayari kaya ko nga po kinunan ng litrato, sambit pa ng senador.

Nagtungo umano sa Bahay Pangarap sa Malacaang kung saan nag-almusal umano sila kasama si Pangulong Aquino at Budget Secretary Florencio Butch Abad.

Doon umano personal na humiling sa kanya si Pangulong Aquino na bumoto para sa conviction ni Corona.

Masama ang lagay ng ekonomiya -- survey


(Bernard Taguinod/Boyet Jadulco)

Isa sa bawat dalawang Filipino ang naniniwalang masama ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ang Research Survey on Quality of Life and State of the National Economy ng Pulse Asia noong Disyembre 2013 habang patuloy ang pagtaas ng death toll mula sa superbagyong Yolanda, ang ongoing rehabilitation efforts sa Visayas, ang pagtaas ng rate ng Meralco, ang pagbibitiw ni BOC Commissioner Ruffy Biazon at ang nabuking na pekeng special allotment release orders (SARO) at iba pa.

Half of the Filipino population consider the state of the Philippine economy as having worsened over the last 12 months. Only 11% of Filipinos express a contrary opinion while 40% see no change in the state of the national economy, ayon sa Pulse Asia.

Hindi na ikinagulat ng Palasyo ng Malacaang ang resulta ng survey noong nakaraang buwan na hindi naniniwalang gumanda ang ekonomiya ng bansa sa halip ay lumalala pa ang kalidad ng buhay ng mga Filipino.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na dahil sa dami, aniya, ng kalamidad na dumaan sa bansa noong nakaraang taon, inaasahan na ng mga ito na maraming Filipino ang hindi maganda ang kinatayuan ng kanilang pamumuhay.

LOCAL NEWS

6-ANYOS NILURAY, TINORTURE BAGO PINATAY


Ni Tina Mendoza

Isang 6-anyos na paslit ang nilapastangan ang musmos na kapurihan bago pinatay sa pamamagitan ng pagngudngod ng mukha nito sa damuhang bahagi ng lumang Philippine National Railways (PNR) station sa Paco, Maynila.

Natagpuan kahapon ng madalingaraw ang bangkay ng biktimang itinago sa pangalang Madelyn, residente ng Pandacan, Maynila.

Base sa report, alas-12:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima na wala nang suot na damit pang-ibaba at may bakas din ng dugo sa maselang bahagi ng katawan, sa Old PNR Station sa kahabaan ng Pres. Quirino Avenue, Plaza Dilao, Paco, Maynila.

Sa salaysay ng ina ng biktima, alas-10:00 ng gabi nang huli nitong makita ang anak na nasa tindahan malapit sa kanilang bahay. Sinabihan umano niya ito na sumunod na sa kanyang umuwi subalit nakauwi na ito ng bahay ay hindi pala sumunod ang anak dahilan para balikan nya ito sa tindahan ngunit wala na ang anak.

Agad namang naghanap ang mga magulang nito sa posibleng kinaroroonan ng biktima ngunit lumipas na ang isang oras nang paghahanap ay hindi nakita si Madelyn kaya kinutuban umano ang pamilya nito at agad nang nagpasaklolo sa barangay.

Habang nagpapatrolya ang tanod na si Ramon Sus sa Old PNR station ay nakapansin ito ng isang pantalon sa damuhan at nang ilawan nya ito ay tumambad naman ang bangkay ng isang bata na wala nang buhay.

Sa salaysay ng ilang saksi sa lugar, isang lasing na lalaki na nakasuot ng puting t-shirt at maong pants ang nakita sa lugar bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Posibleng nginudngod umano ang mukha ng biktima sa damuhan para hindi makahinga na siyang sanhi ng pagkamatay nito.

Nabungal sa rambol
(Cherk Almadin)

Dalawang ngipin ang nalagas sa harapang bahagi ng bibig ng isang purok leader na rumesponde sa inireport na kaguluhan sa kanilang lugar, ngunit nang tangkain niyang ayusin ang gulo ay kinuyog siya ng mga magkakamaganak na nagrarambulan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Direct assault at alarm scandal ang isinampang kaso ng purok leader na si Pepito Pongan, 52-anyos, ng Barangay Tenejeros ng nasabing lungsod matapos siyang makuyog ng mga lasing na magkakamag-anak na sina Jessie Torres, 30-anyos at Edward Yu, 26-anyos, ng parehong lugar.

May ilang kaanak pa ng mga itong pinaghahanap dahil mabilis na nakatakas matapos ang kaguluhan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Crime Investigation Branch (CIB) ng Malabon City Police, alas-9:30 ng gabi nang magkagulo ang mga lasing sa Pioneer Street, Purok 12, Barangay Tenejeros, Malabon City na agad na nirespondehan ng mga barangay tanod.

Sumama sa mga tanod si Pongan na siyang purok leader sa nasabing lugar ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay sinugod na umano siya ng mga suspek at pinagtulungang gulpihin.

Malulutong na sapak sa mukha ang inabot ng biktima na naging dahilan para matanggal ang mga ngipin nito sa harapan. Halos mabali na rin ang hinlalaking daliri ng biktima sa kanyang kaliwang paa sa mga pumapalo ng kahoy sa kanya.

Estudyante namatay sa basketball


(Tina Mendoza)

Dahil sa alitan sa larong basketball, isang 22anyos na estudyante ang nasawi nang balikan ito at barilin ng mga nakaaway sa laro kamakalawa sa Quiapo Maynila.

Ang biktima ay kinilala ni MPD Station 3 Commander, Supt. Aldrine Gran na si Donn John Alban, ng 1128 Pasaje del Carmen St., Quiapo, habang tinukoy lamang sa alyas na Moslem ang suspek na nasa edad 20 hanggang 25anyos.

Ayon sa kaibigan ng biktima at kasamang nagbabasketbol sa lugar na si Aljon Medina, 22, naglalaro sila sa Liwasang Kapayapaan Basketball Court dakong alas-kuwatro ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo kaya itinigil nila ang laro at ang iba ay nag-uwian na habang nanatili pa rin sila sa nasabing lugar.

Ngunit dalawang oras ang nakalipas ay bumalik umano ang suspek kasama ang pito pang lalaki na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo.

Paglapit umano ng suspek sa biktima ay agad na pinaputukan ng 9mm na kalibre ng baril na tinamaan sa katawan at agad na nagsitakas ang mga ito.

Naisugod pa sa Mary Chiles Hospital ang biktima subalit binawian din ng buhay.

BALITANG VISMIN

Oil spill namumuro sa Iloilo


(JB Salarzon)

Kumikilos na ang Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang may-ari ng barkong lumubog sa dagat na nasasakupan ng Iloilo upang pigilan ang nakaambang pagtagas ng langis o oil spill.

Ayon kay Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, patungo na ang barko na may dalang pasilidad para sa pag-apula ng langis sa katubigan na pinangungunahan ng kanilang Marine Environmental Protection Command.

Lumubog kamakalawa sa Iloilo-Guimaras Strait ang cargo vessel na M/V Sportivo.

Sa ngayon, sinabi ni Balilo na konti pa lamang ang nakikitang tumagas na langis na kaagad namang nilinis ng nakaantabay na team doon pero kapag lumaki ito ay matiding trahedya na naman ang aabutin ng mga lugar na maapektuhan nito hindi lamang sa kabuhayan ng mga mangingisda kundi ang dulot nitong peligro sa buhay ng tao at kalikasan.

Ang siste, sinabi ni Balilo na bukod sa langis ay malalason din ang bisinidad ng dagat kung saan lumubog ang barko dahil sa 28,000 sako ng pataba na lulan nito.

Ang barko ay patungo sana ng Palawan pero napilitan itong umangkla muna sa Iloilo Port dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Agaton.

16,000 trabaho nakahain sa Tacloban


(Noel Abuel)

Mahigit sa 16,000 job vacancies kabilang ang 2,000 trabaho sa bansa ang nakatakdang pag-agawan ng mga residente ng lalawigan ng Tacloban City na naghahanap ng mapapasukan.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Rosalinda Dimapilis-Baldoz, bukas, Enero 22 bubuksan ang jobs fair sa nasabing lungsod upang makatulong sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda.

This is the second relief mission and jobs fair that the DOLE and its partners will conduct in Eastern Visayas after typhoon Yolanda. The first was in November last year in Ormoc City, sabi pa ni Baldoz.

Sinabi pa nito, na nagtulung-tulong ang DOLE, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Bureau of Local Employment (BLE), at DOLE Regional Office VIII, at mga lisensyang recruitment agencies.

700,000-katao nasalanta ni Agaton


Nina Bernard Taguinod at JB Salarzon

Lumobo pa sa 723,517 katao o 153,193 pamilya ang apektado sa tropical storm Agaton, habang nasa 119,605 katao o 25,495 pamilya ang napatalsik ng pagbabaha at landslide mula sa kani-kanilang tahanan at kasalukuyang nakasilong ngayon sa 352 na evacuation center, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga.

Sumirit na rin sa 781 ang apektadong barangay mula sa 102 bayan ng 15 probinsiya ng Region 10, 11, CARAGA, at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nanatili pa rin sa 40 katao ang patay, 6 ang nawawala at 65 ang sugatan. Nasa 711 kabahayan na ang nawasak at 1,076 ang bahagyang nasira.

Patuloy rin ang paglobo ng danyos sa agrikultura at imprastraktura na umaabot na sa P328,814,336.92.

Batay pa rin sa datos ng NDRRMC, 59 na kalsada at 24 na tulay ang hindi pa rin madaanan dahil sa pagbabaha at landslide sa Regions 8, 10, 11, at CARAGA.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Compostela Valley; Davao City; Dinagat Islands; at Tandag City, Bayabas, Cantilan, Madrid, Lanuza, Lingig, Agusan del Norte at Butuan City, pawang sa CARAGA.

Samantala, isinisi ng palasyo ng Malacaang sa mga small miners sa Mindanao ang pagkamatay ng karamihan sa may 40 katao dulot ng bagyong Agaton.

I think some of the deaths were caused by landslides, yung mga small-scale mining. Again, this is an issue with small-scale mining na were trying to were trying to fix that situation, pahayag ni presidential spokesman Edwin Lacierda sa press briefing kahapon.

Ayon kay Lacierda, nagkaroon ng baha at landslide sa maraming lugar sa Eastern Mindanao na siyang sanhi ng pagkamatay ng may 40 katao kaya hindi naitago ng palasyo ang pagkadismaya.

Kabilang sa mga lugar sa Eastern Mindanao na may kaliwat kanang pagmimina na dinaanan ng LPA bago naging bagyo, ay ang Compostela Valley kaya nagkaroon ng landslide at matinding pagbaha.

BALITANG ABROAD

200 dolphins bibitayin sa Japan


(Noel Abuel)

Umaabot sa mahigit sa 200 bottle nose dolphins ang nakatakdang katayin, ibenta at kulungin sa aquarium matapos na patuloy na ma-stranded ang mga ito sa dalampasigan sa bansang Japan.

Ayon sa ulat ng CNN, sa loob ng tatlong ng araw ay nananatiling nasa isang baybayin ang nasabing mga dolphins na hindi kumakain at nakakapagpahinga ay binabantayan ng mga mangingisda.

Sinabi ng grupong Sea Shepherd Conservation Society, ikinulong ng mga Japanese na mangingisda ang mga dolphins bago simulang katayin at kainin.

Nabatid na pinipili ng mga mangingisda kung ilang dolphins ang ibebenta at ilalagay sa marine parks at aquariums sa Japan.

Sa ulat, nagsimula na ang taunang dolphin hunting season sa katimugang bahagi ng Japan na pinagpipiyestahan hindi lamang ng mga lokal na residente kung hindi ng mga dayuhan.

BALITANG ABROAD

3 patay sa bus accident, Pinay sugatan


(Noel Abuel)

Tatlo-katao ang namatay kabilang ang isang paslit makaraang maaksidente ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong bus sa bansang Malaysia. Ayon sa ulat ng The Star Online, kasama sa nasawi ang isang 10-anyos na lalaki habang ang dalawa pang lalaki na nasawi ay wala pang pagkakakilanlan. Himala namang nakaligtas ang isang Filipina na nakilala sa pangalang Ruby, 27, na nagtamo lamang ng sugat at gasgas sa katawan.

Nabatid na nangyari ang aksidente ganap na alas-dos ng hapon sa 107.2 km ng North-South Highway ng nasabing bansa. Sinasabing patungo sa bayan ng Johor mula sa Kuala Lumpur ang nasabing bus sakay ang 17katao nang mawalan ng kontrol ang driver nito sa manibela bago sumalpok sa side railing at tumawid pa sa kabilang kalsada. Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumagilid ang bus kung saan dito ay nagawang makalabas ng nasabing Pinay sa pamamagitan ng pagwasak sa salamin ng nasabing bus.

Crackdown sa illegal workers sa Malaysia, larga na


(Noel Abuel)

Muling ipinaalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Filipino at mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Malaysia na siguruhing hawak ng mga ito ang kanilang mga pasaporte at iba pang importanteng dokumento sa pagsisimula ngayong araw ng crackdown sa mga dayuhang manggagawa sa nasabing bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to Kuala Lumpur, Ambassador Eduardo Malaya, dapat tiyakin ng mga Filipino na kumpleto ang immigration documentation ng mga ito at palagiang dalhin ang identification documents upang masigurong hindi magkakaroon ng problema.

We would like to remind our nationals to make sure that their immigration or work documents are in order, and to carry with them proper documents, notably work permit or passport with valid visa, to avoid inconvenience in case of immigration checks, sabi pa nito.

Magugunitang itinakda ng pamahalaan ng Malaysia na simula Enero 21 ay isasagawa na ang paghahanap sa mga illegal at undocumented foreign nationals matapos na palawigin ito tatlong buwan na ang nakararaan.

Apela rin ni Malaya sa mga employers at ahente ng mga OFWs na ibigay ang kanilang mga pasaporte at IDs para magsilbing proteksyon ng mga ito sa nasabing paglilinis sa illegal na manggagawa.

Bagong fishing law ng China kakalkalin


(Aries Cano)

Ipinabubusisi sa Kamara ang bagong fishing law na ipinatutupad ng gobyerno ng China sa West Philippine Sea.

Ang kahilingan ay iginiit ng Makabayan bloc sa House Foreign Affairs Committee na siyasatin ang bagong fishing law na ipinatutupad ng China sa pinag-aagawang West Philippine Sea sa

pamamagitan ng inihaing House Resolution 671.

Trabaho umano ng Kamara na siyasatin ito at hanapan ng solusyon upang hindi na uminit pang lalo ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Matatandaang nitong Enero 1 ay nagpatupad ang Hainan Province ng China ng bagong panuntunan na nag-aatas sa mga dayuhang barko na kumuha muna ng permiso sa Chinese Regional Authorities bago makapasok sa West Philippine Sea.

New Zealand inuga ng malakas na lindol


(Noel Abuel)

Niyanig ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng North Island ng New Zealand, ayon sa U.S. Geological Survey (USGS).

Ayon sa ulat ng CNN, unang naitala sa lakas na magnitude 6.3 ang pagyanig ganap na alas-10:52 ng umaga ngunit ibinaba rin sa magnitude 6.2 makalipas ang ilang minuto.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 115 kilometro hilagang-silangan ng Wellington at may lalim na 27 kilometro ang sentro nito.

Sa inisyal na impormasyon, wala namang naitalang nasawi o pinsala sa pagyanig.

Patuloy ang pagkalap ng detalye ukol sa lindol.

SPORTS

LAKERS UMAHON
TORONTO (AP) --- Ikinuwento ni Nick Young na nagising ang Los Angeles Lakers matapos pagusapan ang mga kinikimkim na mga sama ng loob sa team meeting noong Sabado.

Bumalik si Young mula sa suspension at nagpasalubong ng 29 points, si Pau Gasol ay may 22 at tinalo ng Lakers ang Toronto Raptors, 112-106, kahapon para sa ikatlong panalo pa lang sa 15 games.

Nicks been doing it all year and he just keeps going, patungkol ni Lakers coach Mike DAntoni sa scorer na bumubuhat sa team sa pagkawala ng mga injured stars na sina Kobe Bryant at Steve Nash.

Nasuspinde si Young noong Sabado sa kanilang panalo sa Boston nang masipa sa laro sa pagsuntok kay Phoenix guard Goran Dragic sa kanilang kabiguan noong Huwebes.

Umiskor si Young ng 15 points sa fourth quarter sa pagtibag ng Lakers sa 19-point first-half deficit. Ito ang unang back-to-back game wins ng tropa sapul nang tuhugin ang Memphis noong Dis. 17 at Minnesota noong Dis. 20.

Si Ryan Kelly ay may 17 sa kanyang unang career start habang si Kendall Marshall ay may 10 points at 11 assists para sa Lakers, na may 16-25 record.

Umiskor si DeMar DeRozan ng 23 points, may 21 si Kyle Lowry at si Patrick Patterson ay nagsuksok ng 17 sa paghinto ng six-game home winning streak ng Toronto.

We didnt get our defensive focus into the game all afternoon, ani Toronto coach Dwane Casey.

Kinapos ang Raptors, na nagwagi, 106-94, sa Los Angeles noong Dis. 8, na maglista ng unang season sweep sa Lakers sa kasaysayan ng prangkisa.

Australian Open: Sharapova talsik na rin

Isang wagi, isang sawi --- Habang lungkot na lungkot si Maria Sharapova ng Russia (kaliwa), nagdiwang naman si Dominika Cibulkova ng Slovakia matapos sibakin ang 3rd seeded Russian netter sa fourth round ng Australian Open kahapon sa Melbourne. (AP)

MELBOURNE (AFP) --- Nadagdagan pa ang nakakagulat na upset sa Australian Open kahapon nang kunin ni No. 20 Slovak Dominika Cibulkova ang 3-6, 6-4, 6-1 sorpresa kay Maria Sharapova sa fourth round kahapon.

Sinundan ni Sharapova sa maagang bakasyon si top seed Serena Williams, na nasibak naman kahapon, habang mas lalong dumali ang daan ni defending champion Victoria Azarenka, na suwak naman sa quarterfinals sa 6-3, 6-2 panalo kay American Sloane Stephens.

Gaya ni Williams, alibi din ni Sharapova pagkaraan ng kabiguan ang injury, na sa kanya ay sa tadyang ngunit hindi sinabing ito ang dahilan ng pagkatalo.

I mean, those aches and pains are expected when you spend a long time on the court. You just have to play through it, anang four-time Grand Slam winner.

I think it was just because I played a lot. This is only my second tournament back, so it was those types of things that are expected, dagdag ni Sharapova, na nitong buwan lang nakabalik sa Brisbane kasunod ng mahabang layoff dahil sa shoulder injury.

Ito ang unang beses na nakalagpas ang Slovak sa fourth round sa naunang anim na attempts sa Melbourne at kalaban sa quarterfinal si Romanian 11th seed Simona Halep, na pinatalsik si Serbian Jelena Jankovic, 6-4, 2-6, 6-0.

Si Azarenka ay naghihintay pa ng makakalaban sa pagitan nina fifth seed Agnieszka Radwanska at Spaniard Garbine Muguruza. Katunggali niya sa semifinals kung makakalusot ang matitira sa pagitan nina Halep at Cibulkova.

49ers luhaan sa Seahawks


SEATTLE (AP) --- Bumaha ng luha sa San Francisco nang masalo ni Jermaine Kearse sa end zone ang 35-yard touchdown pass ni Russell Wilson na nagdala sa Seattle Seahawks sa 23-17 tagumpay na may bonus ticket para sa Super Bowl at nagpauwi sa 49ers na bokya sa NFC championship.

Ito ang unang biyahe ng Seahawks (15-3) sa kampeonato sapul nang kapusin sa Pittsburgh noong

2005 season.

Haharapin ng Seahawks ang Denver Broncos, na tinalo ang New England Patriots, 26-16, para sa NFL title sa Peb. 2 sa MetLife Stadium sa East Rutherford, New Jersey.

Hawak ng conference champs ang best records sa liga, ito ang unang beses na ang mga top seeds ang magkikita sa Super Bowl mula 2009.

Lamang ang San Francisco (14-5) ng 17-13 nang ibato ni Wilson, nabigyan ng free play nang si Aldon Smith ay lumundag sa offside, ang bola kay Kearse, na lumundag pasalo sa ikaapat na run down.

Kasunod nito ay sinipa ni Steven Hauschka ang ikatlo niyang field goal, at nakaagaw ang Seattle sa end zone sa huling posesyon ng 49ers.

Humagis naman si Peyton Manning ng 400 yards at may dalawang touchdowns sa unang biyahe ng Denver sa Super Bowl sa nakalipas na 15 taon.

Tinrangkuhan niya ang Broncos sa pares ng 7-plus-minute touchdown drives, ang ikalawa ay nagbigay sa Denver ng malayong 20-3 lead.

Nangangamoy Lady Blazers vs Lady Chiefs sa finals

Pinalampas ni Honey Royse Tubino ng Perpetual Help

ang bola sa depensa nina Ranya Musa at Therese Veronas ng St. Benilde sa NCAA womens volleyball action kahapon sa Flying V Arena sa San Juan. (Tom Guevarra)

Mga games sa Biyernes: (FilOil Flying V Arena, San Juan City) 12:00 nn. -- CSB vs SSC-R (women) 2:00 p.m. -- AU vs UPHSD (women) Nangangamoy fourth seed Arellano University at second seed College of Saint Benilde na sa best-ofthree Finals ng 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) womens volleyball tournament.

Sa unang siyapulan kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City, nakauna ang mga ito sa magkahiwalay na mga karibal upang lumapit sa championships berth ng countrys oldest collegiate league.

Balikatan sina Jeanette Panaga at Jannine Navarro sa importanteng 36 hits nang pasabugan ng CSB Lady Blazers ang third seed, defending champion University of Perpetual Help System Dalta, 26-24, 17-25, 25-20, 25-20, habang sinorpresa rin ng AU Lady Chiefs ang elimination round topnotcher o top seed San Sebastian College, 25-9, 25-17, 15-25, 25-21.

Susubukang maimolde ng Legarda-based spikers at ng mga volleybelles ng Taft ang rambol sa titulo sa pagtudla ng pangalawang panalo sa palitan ng kanilang mga karibal sa pagpapatuloy ng single

round semifinals sa Biyernes.

PSA AWARDS SA SEAG GOLD WINNERS


Nasa unahan ang mga atletang humakot ng gold medal sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa listahan ng mga personalidad at samahan na bibigyang pagkilala sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa Sabado.

Sa pangunguna nina golfer Princess Mary Superal at trackster Archand Christian Bagsit, tatanggap ng parangal ang mga gold medalists mula sa pinakaunang media organization sa bansa sa event na hatid ng MILO at inisponsoran ng Air21, para sa kabayanihang ipinakita sa Nay Pyi Taw sa kabila ng malaking hamon na hinarap ng Philippine delegation.

Sina Superal (individual at team event) at Bagsit (400-m at 4x400-m relay) ang tanging mga double gold medalists mula sa 208-man PH contingent.

May 28 iba pa ang mabibiyayaan ng citations sa taunang parangal ng PSA sa pakikipagtulungan ng Smart Sports, Philippine Sports Commission, Globalport, Senator Chiz Escudero, Rain or Shine, Philippine Basketball Association, SM Prime Holdings, Accel at 3XVI, Philippine Charity Sweepstakes Office, ICTSI-Philippine Golf Tour, at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Magsisimula ang programa ng alas-7:30 ng gabi kung saan sina veteran sports columnist at broadcaster Quinito Henson at Patricia Bermudez Hizon ang magsisilbing hosts sa event na eere nang live sa DZSR Sports Radio 918.

Ang iba pang kikilalanin ay ang PH U16 basketball team, PH U18 3x3 basketball team, NU Bullpups, San Beda Red Cubs, San Miguel Beermen, PSC, sina Treat Huey, Erik Spoelstra, Tim Cone, Kobe Paras, Jason Day, Dottie Ardina, PH Putra Cup team, Irish Valenzuela, at Eumir Felix Marcial.

Nasa listahan din sina Kenneth San Andres, Michael Christian Martinez, Mike Barredo, Gerald Jamili and Cherry Clarice Parcon, Jennyrose Rosales, Meldion Pinon, Noel Alabata, Air21, PCSO, Cebuana Lhuillier, Cesafi, Cagayan Province, at Numeriano Titong, ang kauna-unahang National MILO Marathon winner.

Sa kabuuan, may 123 awardees ang nasa listahan ng 2013 PSA honor roll sa pangunguna ng Gilas Pilipinas basketball team ni coach Chot Reyes, bilang Athlete of the Year.

FEU booters lider pa


Umukit ang Far Eastern U Tamaraws ng 3-0 shutout win laban sa defending champion Ateneo Blue

Eagles sa patuloy na pag-angkin sa top spot ng 76th UAAP mens football kamakalawa sa Moro Lorenzo Football Field.

Binuksan ni Chy Villaseor ang scoring sa kanyang 12th minute goal na sinundan naman ni Paolo Bugas matapos ang 21 minuto bago makisali sa listahan ng mga goal scorers si rookie Resty Monterona ilang sandali bago ang full time whistle sa pagpanhik ng Tamaraws sa 21 points.

Sa ibang resulta, naitakas ng University of Sto. Tomas Tigers ang 1-1 draw laban sa Jinggoy Valmayor-less University of the Philippines Fighting Maroons habang naka-upset ang National U Bulldogs sa University of the East Red Warriors, 2-1.

Sa kabila ng pagkatalo ay nananatili sa second spot ang Maroons sa 16, ang Red Warriors ay may 12 points, may isang puntos sa unahan ng Tigers.

Naunang makaiskor para sa Tigers si Fidel Kue ngunit nakasipa ng panabla si Gabe Mendoza sa UP.

Galing naman kina Paolo Salenga (10th minute) at Jay Abalunan (16th) ang mga goals ng may walong puntos sa Bulldogs.

Naipasok naman ni Fitch Arboleda ang kanyang ikaanim na goal sa season sa pagsuksok ng 88thminute free kick.

Pang-championship na ulit?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maliwanag kung bakit pinili ng Talk N Text na i-trade si Jared Dillinger sa Meralco. Nangyari ito ilang araw matapos maaksidente si Dillinger sa South Superhighway.

Parang hindi nagustuhan ng pamunuan ng TNT ang nangyari dahil may balitang nakainom umano si Dillinger nang mangyari ang aksidente. Hindi ko alam kung totoo ang nasabing balita dahil wala namang gustong magsalita tungkol sa nangyari.

Ang nakuha ng TNT na kapalit ni Dillinger ay si Sean Anthony na isa ring Fil-Am. Buong giting naman na nagpakitang-gilas si Dillinger sa Meralco. Siya ang tumatayong point guard ngayon ng koponan dahil injured si Mike Cortez. Kagabi ay naglaban ang Meralco at Alaska para sa pang-walong puwesto sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup. Ang mananalo ay lalabanan ang Ginebra, na katulad ng Rain or Shine ay mayroong twice-to-beat advantage.

Hindi man aminin ng coaching staff ng TNT, lalo na ni coach Norman Black, ay isang malaking kawalan sa kanila si Dillinger na small forward ang laro dati sa koponan. Ito ang dahilan kung bakit kinuha ng TNT kahapon si Nino KG Canaleta mula sa Air21 kapalit sina Anthony, ang rookie na si Eliud Poligrates, at isang first round pick sa 2016 draft. Lalaro na agad si Canaleta sa serye ng TNT laban sa San Mig Coffee na magsisimula ngayong Martes. Best-of-three ang nasabing serye.

Sina Anthony at Poligrates, na kinuha ng TNT sa nakaraang draft, ay maglalaro sa Air21 sa susunod na conference.

Marami ang naniniwala na makakatulong ng malaki si Canaleta sa TNT. Sabi nga ng isang katoto, kung hindi nangyari ang nasabing trade ay sigurado na sanang papasok sa semifinals ang San Mig Coffee. Ngayon, naging fifty-fifty tuloy ang labanan.

Hindi biro ang dala-dalang statistics ng 33-anyos na si Canaleta sa TNT. Nag-average siya ng 16.72 puntos noong nakaraang season sa Air21 at sa Philippine Cup ay mayroon naman siyang average na 16.50 puntos. Ang karamihan sa kanyang score ay galing sa three-point area at mayroon din siyang average na 6.36 rebounds kada laro. Kaya tiyak na magagamit siya ng husto ni coach Norman.

Bukod ka Canaleta, gagamitin na rin ng TNT sina Kelly Williams, Ryan Reyes at Nonoy Baclao na galing sa injured list. At dahil wala na si Anthony sa kanilang line-up, puwede na rin nilang gamitin si Harvey Carey.

Laban sa San Mig Coffee, makikita natin kung pang-championship na ulit ang kalibre ng TNT.

ENTERTAINMENT

Alyssa, tsugi na sa Startalk!


JOJO GABINETE
Casualty si Alyssa Alano sa paglilipat ng Startalk sa araw ng Linggo dahil simula sa January 26, out na siya bilang co-host ng showbiz oriented talk show ng GMA 7.

Ikinalungkot ng Startalk main hosts at production staff ang pagkawala ni Alyssa dahil mabait at marunong itong makisama.

Si Alyssa ang madalas na kabatuhan ng linya ni Joey de Leon sa Startalk at anim na taon din ang itinagal niya sa nabanggit na programa.

Naaksidente si Alyssa sa Marikina City noong October 2012. Badly injured si

Alyssa sa naganap na aksidente dahil tumusok sa kanyang puson ang bakal ng concrete barrier na nakalagay sa center island.

Hanggang ngayon, lalo na kung malamig ang panahon, nakakaramdam si Alyssa ng kirot sa kanyang puson na inoperahan dahil sa aksidente na nangyari.

Kahit nawalan ng programa at may nararamdaman na kirot, hindi dapat mawalan ng pag-asa si Alyssa dahil puwedeng isali siya sa mga teleserye ng GMA 7.

Regine, di nagpabayad ng kanta sa mga guro

Si Regine Velasquez ang umawit ng Believing In Me, ang official theme song ng Gabay Guro ng PLDT.

Ang husband and wife tandem nina Raul at Cacai Mitra ang sumulat ng Believing In Me na tribute song ng Gabay Guro sa lahat ng Filipino teachers. Unang kinanta ni Regine ang Believing In Me sa tribute ng Gabay Guro sa 30,000 teachers sa Mall of Asia Arena noong nakaraang taon.

Nagpapasalamat kina Regine, Cacai at Raul si Chaye Cabal-Revilla, ang Gabay Guro Chairman at 2013 Ten Outstanding Young Men awardee dahil hindi nagpabayad ang tatlo sa recording ng tribute song para sa Filipino teachers.

It is really nice of them to accommodate us with this beautiful song. It sums up pretty much all we have to say about our teachers, ang pahayag ni Revilla na touched na touched sa kind gesture nina Regine, Cacai at Raul.

Ayon naman kay Regine, regalo niya ang Believing In Me sa mga guro na itinuturing na unsung heroes sa mga silid-aralan.

Bilang pasasalamat kay Regine, susuportahan ng Gabay Guro ang Voices of Love, ang Valentines Day concert nila ni Martin Nievera sa Mall of Asia Arena.

Gabay Guro, suportado ni MVP

Noong December 2013, kasama si Cesar Montano, nagpunta si Chaye at volunteers ng Gabay Guro sa Bohol para i-turn over ang mga classroom na donasyon nila sa mga school ng Loay, Cortes at Tagbilaran na winasak ng malakas na lindol.

Ang Eastern Visayas ang susunod na dadalawin ng Gabay Guro para mamahagi ng tulong sa mga teacher at estudyante na biktima ni Super Typhoon Yolanda. Walong classrooms ang ipagkakaloob ng Gabay Guro sa Tacloban at Palo, Leyte.

Suportado ni PLDT at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan ang Gabay Guro at ang mga proyekto nito. In fact, education arm at flagship project ng PLDT-Smart Foundation ang Gabay Guro na binubuo ng mga volunteer na kinabibilangan ng mga executive ng PLDT Managers Club Inc. (PLDT MCI).

Nagbigay na si Chaye ng instructions na bilisan ang pagtatayo at rehabilitation ng mga silid-aralan para mapuntahan na nila ang ibang mga bayan na sinalanta ng kalamidad at nangangailangan ng kanilang tulong.

I speak in behalf of all the volunteers behind Gabay Guro. We are so affected by the plight of our kababayans and we are all committed in helping rebuild not just their classrooms but also their lives.

We vow never to stop, to the best of our abilities, to bring service to our fellow Filipinos wherever we can.

Bianca, di bet magparetoke ng boobs!


ALFIE LORENZO
Ano ang gagawin mo para sa sobra-sobrang pag-ibig? Yan ang premise ng unang drama offering ng TV5 sa 2014 na Obsession, na pagbibidahan nina Marvin Agustin, Martin Escudero, Neri Naig at Bianca King.

Isa itong psycho-drama na umiikot sa pag-ibig, paghihiganti, at kahibangang dulot ng labis na paghahangad sa dalawang ito. Iikot ang kwento sa buhay ni Bernadette (Neri Naig), isang chemist sa isang successful company ng mga beauty products.

Lumaki sa mundong lagi lamang siyang pumapangalawa, naging masyadong insecure si Bernadette sa kanyang sarili.

Naging maiikli ang kanyang mga naging relationships dahil sa kanyang tendency na maging possessive. Nabago ito nang makilala niya si James (Martin Escudero), playboy na magpapahulog sa puso ni Bernadette. Magiging obsessed si Bernadette kay James, na magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig, tatangkain ni Bernadette na magpakamatay. Dito niya makikilala si Ramon (Marvin Agustin), isang sikat na cosmetic surgeon at self-made billionaire.

Bibigyan ni Ramon ng chance si Bernadette na magkaroon ng panibagong buhay sa pamamagitan ng isang experimental procedure na dine-develop ng kanilang kompanya. Dahil dito, magkakaroon si Bernadette ng tsansang baguhin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagpapalit-mukha.

Pagdadaanan ni Bernadette ang maraming psychological at emotional therapies.

Sa huli, si Bernadette ay magiging si Vanessa (Bianca King), pursigidong akitin si James upang maghiganti. Ngunit habang abala si Vanessa sa pangaakit kay James, unti-unti namang nagiging hibang si Ramon sa kanyang likha.

Magiging matagumpay kaya si Bernadette na mapaibig muli si James, o si Ramon ba ang makakapagpahulog sa puso ni Vanessa? Sino ang mananaig isang mapaglarong kwento ng pag-ibig at pagkukunwari?

Anyway, dahil tungkol sa retoke ang tsika ng teleseryeng ito, naitanong nga kay Bianca, kung wala ba siyang planong iparetoke ang kanyang boobs. Mukhang maliit daw kasi.

Eh, sey naman ni Bianca, dahil alam na ng mga reporters ang itsura niya, na hindi nga malaki ang kanyang dibdib, baka sa halip na makatulong, ay makasira pa sa kanya kapag nagpa-boob job siya.

So, huwag na lang daw.

Ipapalabas nga pala ang Obsession sa TV5 simula January 23, 8PM sa direksyon ni Direk Jay Altarejos.

Jennylyn, sasabunutan ng press pag nag-ala-Angel!


John Lloyd, pinantasya ni Jennylyn noon
JUN NARDO
Crush pala ni Jennylyn Mercado nung wala pa siya sa showbiz si John Lloyd Cruz.

Isiniwalat ito ng aktres nang maging guest siya sa The Ryzza Mae Show.

Yun nga lang, kay Mark Herras siya napunta nang manalo sila sa unang batch ng StarStruck. As we all know, nagkaroon ng relasyon ang dalawa, nagkahiwalay at hindi na nagkabalikan.

pa rin niya ang ex-

Kaya naman marami ang duda na mag-aalaAngel Locsin si Jennylyn na idineklara na mahal boyfriend niyang si Luis Manzano.

Ang bida na rin kasi ng ang past boyfriends

Rhodora X ang nagsabi na hindi niya binabalikan niya. Naku, pag ginaya niya si Angel, baka makatikim press na magpapatunay na sinabi niyang wala boyfriend, huh!

siya ng sabunot sa siyang binabalikang ex-

Ryzza Mae, dapat ilaban sa tigdas!

Si Ryzza Mae Dizon na lang sana ang kinuhang endorser ng kampanya ng Department of Health nung Bagong Taon. Ang kantang Roar ni Katty Perry kasi ang hilig kantahin ngayon ng Aling Maliit.

Eh ang kantang yon ang sinayaw ng isang opisyal ng DOH kaya naman sa halip na sundin ang kampanya, lalo pang nag-roar ang mga tao kaya maraming naputukan nung New Years Eve, huh!

Pero sa kampanya ng DOH sa tigdas, napansin namin ang isang babaeng assistant secretary ng department ang nakabalandra ngayon sa info-ad. Marami tuloy ang naka-miss sa opisyal na laging nakapronta tuwing may bagong kampanya ang kagawaran.

Ay, puwede rin si Ryzza Mae sa kampanyang ito dahil nga malakas ang hatak niya sa mga bata, huh!

Jinggoy, kinagiliwan sa Sinulog

Hindi itinago ng mga Cebuano ang pagkagiliw kay Senador Jinggoy Estrada nang maispatan nila ang senador sa Sinulog Festival sa Cebu City last weekend. Palibhasa malapit sa masa, naramdaman ng senador ang pagmamahal sa kanya ng mga tao kahit na nga may kontrobersiya siyang kinasasangkutan ngayon.

Eh, hindi lang naman sa Cebu naging maganda ang pagtanggap sa senador. Maging sa ibang lugar ay marami pa rin ang kumakamay, yumayakap at nagpapakuha ng picture na kasama siya.

Yung mga ngiti na yon mula sa mga taong nakakasalamuha ni Senador Jinggoy ay sapat na sa kanya upang malaman niyang mahal na mahal pa rin siya ng mga tao. Alam din kasi niyang suklian ang pagmamahal sa kanya nito kaya naman hanggang makakaya niyang tumulong ay ginagawa niya, huh!

No wonder, marami ang nagdarasal kay Senator Jinggoy na malampasan niya ang bagong krisis sa kanyang political career, huh!

Anyway, sa birthday party ni Joe Barrameda last Sunday night namin nakatsikahan si Sen. Jinggoy.

Staff ng teleserye, hirap sa batang bida!

Hirap din pala ang staff ng isang daily series sa batang bida ng programa. Limitado na kasi ang oras ng taping ng bata dahil conscious daw ang parents niya sa regulasyon ng batas sa working child.

Eh, hindi pa rin marunong bumasa ang bata kaya naman idinidikta lang sa kanya ang dayalog niya sa mga eksena. Lovable mang tingnan ang bata, mas mabuti na rin yong hindi stressed ang staff sa tuwing kukunan ng eksena ang bagets.

Buti na lang at naging maganda ang pagtanggap ng tao sa programa na kinabibilangan ng bagets na naging konsolasyon ng mga taong nasa likod ng programa, huh!

Carla, humiling ng bahay kay Geoff bago pakasal


REY PUMALOY
Mahihirapan si Geoff Eigenmann na pakasalan ang kanyang dyowang si Carla Abellana kung sakaling mag-propose na siya sa aktres.

Mahigpit ang unang-unang requirement ng Kapuso actress na bago niya tanggapin ang marriage

proposal ng boyfriend, kailangan daw magkaroon muna ng sariling bahay si Geoff.

Diin ni Carla, kailangan daw mayroon siyang matitirhan kapag nagpakasal na sila ni Geoff.

Alam daw ito ni Geoff dahil sinabi na niya ito sa kasintahan noon pa.

Maganda naman daw ang intensyon ni Carla sa paghahanap niya ng bahay para sa kanila ni Geoff.

Gusto lang niyang makapagsimula sila ng aktor nang maayos kapag naging mag-asawa na sila.

Sa panahon kasi ngayon dapat daw talagang pinaghahandaan ang pag-aasawa at hindi yung barabara lang.

Ipinaliwanag ni Carla na mahal niya si Geoff at wala naman siyang ibang gustong pakasalan sa ngayon kundi ang aktor. Naiintindihan naman daw ni Geoff ang kanyang requirement at kahit ito mismo ay pabor sa idea niya.

Kaya naman sigurado si Carla na walang kasalang magaganap ngayong taon o sa susunod pang taon dahil wala pang sarili niyang bahay ang kasintahan.

Geoff-Carla, gusto nang ipakasal ng Eigenmanns!

Natutuwa lang si Carla sa support na ibinibigay sa kanila ng kani-kanilang pamilya lalo na sa side ni Geoff. Alam ni Carla na kahit ang mga Eigenmann ay nagwi-wish na magkatuluyan silang dalawa.

Hindi lang pamilya kundi kaibigan na ang turing ni Carla sa mga pinsan ni Geoff. Malapit din ang aktres sa ina ni Geoff na si Gina Alajar.

Naaliw naman si Carla sa ama ng kasintahan niya na si Michael de Mesa dahil sa pagiging sweet nito sa kanya. Itinanggi ni Carla na sa kanya lang nakikinig si Geoff at siya lang ang nakaka-control sa boyfriend.

Alam naman daw ni Geoff kung ano ang kailangan nitong gawin para sa sarili at sa career.

Samantala, tatlong pelikula ang naka-line up kay Carla ngayon. Una na ang movie nila ni Tom Rodriguez under Regal Films. Pangalawa ay ang horror-movie niya sa GMA Films at ang ikatlo ay ayaw pa muna niyang sabihin.

Magtu-tour abroad din si Carla. Ang isa ay work related at ang isa naman ay bakasyon nila ni Geoff.

Alden Richards, nagpaligaya ng mga batang ulila


JOE BARRAMEDA
Mas pinili ng crush ng bayan na si Alden Richards na mag-celebrate ng kanyang kaarawan na malayo sa maningning na mundo ng showbiz.

Ilang araw makalipas ang kanyang ika-22nd birthday, hinandugan ni Alden ng isang munting kasiyahan ang mga batang ulila ng Holy Trinity Home for Children.

Hindi man siya nakasuot ng superhero costume nung araw na iyon, baon naman niya ay ang kanyang mapagmahal at busilak na puso para mapasaya ang mga bata.

Last year, nangako ako sa kanila na bibisitahin kong muli ang Holy Trinity Home for Children. Kaya ngayon tinutupad ko ang pangakong iyon para muling makasama ang mga bata, maghandog ng munting kasiyahan sa kanila at para maiparamdam na andito lang ang kanilang Kuya Alden, kwento ni Alden.

Sobra ang saya ni Alden sa mga biyayang kanyang tinatanggap. Kaya naman excited ang aktor na ibinahagi ang kanyang blessings sa mga bata.

Ang daming biyaya na ang ipinagkakaloob sa akin ni Lord. Kaya naman this year ay ginusto kong maging mas makabuluhan ang selebrasyon ng aking kaarawan.

Masarap sa pakiramdam na makapaghatid ng mga ngiti sa mga bata kahit sa simpleng paraan gaya nito, dagdag niya.

Nakibahagi sa effort ni Alden para mas lalong mapasaya ang mga bata ng Holy Trinity Home for Children ang generous brands na Belo, Kakao Talk, Skechers, Folded and Hung, Waffle Time, Minute Burger, Zagu and Tous Les Jours.

Anyway, sobrang excited na nga si Alden na maipalabas ang teleserye nila ni Marian Rivera, ang Carmela, na magsisimula sa January 27.

Male TV host, huling-huli sa CCTV ang kabadingan!


Ni Ruel Mendoza
Marami ang nagulat sa male TV host na ito dahil sa kanyang pagtalak sa kanyang cellphone.

Nakumpirma tuloy ang matagal nang tsismis na may berdeng dugo ito dahil sa kanyang walang pakundanggan na pagtalak sa kausap niya sa cellphone.

Nagrereklamo kasi ang naturang male TV host dahil nagkaroon ng malaking damage ang kanyang mamahaling maleta nang lumabas ito sa kuhanan ng mga luggages sa airport kunsaan siya nagbabakasyon.

Nagtaka raw siya dahil ginagamit niya ang same maleta kapag nag-a-abroad siya pero never itong nasisira.

Kung kelan naman daw na ginamit niya ito sa pagpunta lang sa isang kilalang beach resort dito sa Pilipinas, ngayon pa ito nagkaroon ng sira.

Kaya nagtanong siya sa airport security kung sino ang puwedeng kausapin tungkol sa nasira niyang maleta. Binigay ang number sa kanya at tinawagan niya ito.

Doon na nagsimulang tumalak nang tumalak na parang dalahira ang male TV host sa kanyang kausap. Ang nakakatawa pa raw ay patinis nang patinis daw ang boses nito habang patuloy na nagagalit ito dahil sa sira ng kanyang mamahaling maleta.

Noon pa mang nababalitang bading daw ang male TV host na ito pero wala pang maglakas-loob na tanungin siya or imbitahan siyang mag-out na.

Pero sa ginawang eksena ng male TV host, nasagot na ang mga tanong nila dahil sa kanyang pagtatalak sa kanyang kausap sa cellphone.

Kung mapapanood lang siguro ni male TV host ang kanyang sarili sa CCTV camera ng airport, magugulat ito dahil isang dalahirang bading ang mapapanood niya imbes na isang pormal at la-

lakeng-lalakeng male TV host.

Kevin Santos, nakasanayan na ang kabadingan!


(RUEL MENDOZA)
Pagkatapos gumanap na bading, isang playboy naman ang role ni Kevin Santos sa GMA Afternoon Prime series na The Borrowed Wife.

Inamin ni Kevin na medyo nahirapan siyang mag-adjust ulit sa bagong role niya dahil nakasanayan na niya ang kanyang gay role sa My Husbands Lover.

Masasabi ko na nag-enjoy ako sa role na iyon!

Ha! Ha! Ha! Ha! tawa pa ni Kevin.

Malaki ang nagawa sa akin ng pagganap ko bilang bading kaya doon na siguro ako mas nakilala ng maraming manonood.

Dito sa The Borrowed Wife, balik tayo sa usual na role na ginagawa ko. Pero maganda ang pagkakasulat nila kaya challenged na naman ako.

Nami-miss ba niya ang umarteng bading?

Oo naman! Ha! Ha! Ha! Ha!

Kasi parang ang dali-dali na lang ngayon dahil nagawa ko na. Pero this time na-switch off ko na ang character na iyon dahil may bago na tayong ginagawa.

Marian, pinatutsadahan ni Carla sa IG?


Ni Rose Garcia

May post si Carla Abellana sa kanyang Instagram account na ang nakalagay na picture ay ang larawan ng kanyang lola, ang beteranang artista na si Ms. Delia Razon noong kabataan pa nito at may tagline na, Para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Wala kayo sa Lola ko , at posibleng pagsimulan pala ng intriga.

May natanggap kaming email sa fans na nagtatanong kung may isyu raw ba si Carla kay Marian Rivera?

Ang pinupunto nila, sigurado raw kasi na alam ni Carla na tagline ng bagong primetime series ni Marian ang Carmela sa GMA-7. Ang Carmela Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

At pagkatapos nga raw ay may post na ganun si Carla tungkol sa kanyang Lola. Para raw kasing iba ang dating. Itinaon pa raw sa panahon na ipapalabas na ang Carmela sa January 27.

Sayang at nakita namin si Carla noong Linggo at hindi namin naitanong sa kanya ang email ng fans dahil late na rin naming nabasa.

Sa pagkakaalam namin, okay naman sina Marian at Carla. Nagbabatian at nagkakausap pa ang mga ito lalo na sa ilang events na nagkakasama sila.

Ang pareho nilang boyfriend na sina Dingdong Dantes at Geoff Eigenmann ay parehong talents ng PPL Entertainment, Inc. kaya madalas ay nagkakasama sila.

Sa pagkakakilala naman namin kay Marian ay magaganda naman ang naririnig naming sinasabi niya kay Carla.

At posible rin naman na sasabihin ni Carla na wala siyang ibang ibig ipakahulugan sa naging IG post niya. Posibleng galing sa kalooban naman niya talaga at walang masamang ibig ipakahulugan at lalong hindi naman siguro niya gustong magparinig kay Marian o sa Carmela staff dahil parang lalabas naman siyang bitter if may something pala.

In fairness, wala namang duda na maganda talaga ang Lola ni Carla lalo na noong kabataan nito na um-agree rin naman halos ang mga followers ni Carla na nag-post ng comments.

Sa aming palagay, itong mga ganitong lumalabas na isyu talaga sa isang simpleng post na maaaring wala namang ibang kahulugan sa nagpo-post na artista at nabibigyan ng kulay ng iba -- depende sa

magiging interpretasyon ng makakakita ay dapat nang i-expect ng mga artistang nagsi-share ng kanilang buhay at pagkatao sa mga social media.

Pero siyempre, minsan talaga sa isang artista, dapat ay maingat din sa kanyang mga posting.

Hindi mandaraya ang anak (Lexi) ko! -- Maritoni


Ni Jojo Gabinete

Tinapos na ni Maritoni Fernandez ang isyu ng diumanoy pandaraya na ibinibintang sa kanyang anak na si Lexi Fernandez nang sumali ito sa Celebrity Bluff, ang top-rating game show ng GMA 7.

Sa kasamaang-palad, hindi mapapanood sa TV ang naturang episode pero ito ang paliwanag ni Maritoni:

To put Lexis guesting on Celebrity Bluff to an end once and for all. They accused and insinuated that she cheated and she DID NOT!

They had absolutely no proof.

Also it was Jakes turn to answer not even hers! She had no internet at walang wi-fi sa studio.

Lexi is an extremely honest person and is actually very loved by all and it made me extremely mad that someone would bully her that way. Nag-apologies na ang mga executives ng show for not handling the situation properly and allowing Lexi to feel bullied. It is settled.

I am not a perfect mother but I am a protective one and I will always make sure Lexi is NOT bullied.

Pumayag lang ako na mag-guest siya to begin with para pagbigyan ang mga fans na nagmamahal at nami-miss na siya coz she is busy in college.

Thank you for everyone who loves and supports her. We appreciate it and always will. For now, focus muna siya sa kanyang pag-aaral. God bless.

Solenn at Kiko, 2 times nag-date sa India!


Ni Rey Pumaloy
Itinuturing ni Kiko Matos na napakapalad niyang lalake habang ginagawa niya ang pelikulang Mumbai Love, na pinagbibidahan nila ni Solenn Heussaff at dinirek ni Benito Bautista.

Habang nasa kalagitnaan daw sila ng shooting ng movie sa India, niyaya raw siya ni Solenn na mag-date. Wala raw silang shooting nung araw na yon kaya niyaya siya ni Solenn na maglakad-lakad para magkakilanlan silang dalawa.

Ikinagulat daw ni Kiko ang naging gesture ni Solenn dahil hindi pa naman sila close nito.

Gusto raw kasing ma-familiarize sa kanya si Solenn at magkaroon sila ng magandang rapport sa shooting.

Kung may malisya raw sa isip niya si Kiko, ipinalagay na niyang may gusto sa kanya si Solenn.

Pero napaka-friendly raw nang naging date nila nung araw na yon at nagusap lang sila ng mga kung anu-ano.

Dito raw naglakas-loob si Kiko na yayain namang mag-lunch date si Solenn. At hindi naman daw tumanggi ang sexy actress.

Sabi nga ni Kiko, kaya raw pala marami ang nagka-crush kay Solenn dahil sa personality nito. Bumida nga raw agad si Kiko sa mga kaibigan niya

nung maging leading man siya ni Solenn. Bago pa raw niya nakasama sa movie si Solenn, ito raw ang crush ng mga barkada niya.

Sey ni Kiko, nangarap ang mga kaibigan niyang makita ng personal si Solenn. Pero siya ilang linggo niya itong naging leading lady sa pelikula.

Kung walang boyfriend si Solenn, malamang nagpakita na ng interest niya si Kiko na ligawan ang huli.

Samantala, binawasan na ng 50 minutes ang running time ng Mumbai Love. Nalula kasi ang mga nanood sa premiere night last week sa Megamall.

At tama lang na hindi naghabol sa billing ng pelikula ang management team ni Martin Escudero dahil mas lumutang ang character ni Jason Gainza bilang beking adoptive father ni Solenn.

Nabigyan naman ng kanyang moment at highlight si Martin sa mga huling scenes ng movie.

Robin, sinugod ng libong fans sa Ozamiz!


(DS)
Sobrang tagumpay ang premiere night ng movie na Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak sa Ozamiz, kung saan libu-libong fans ang sumugod sa sinehan para makita si Robin Padilla at iba pang cast tulad nina RJ Padilla, Matt Padilla, at Rommel Padilla.

Joint project ito ng Star Cinema at RCP Productions, at pinagsama-sama rito ang iconic Padilla clan sa kauna-unahang pagkakataon.

Bida nga si Robin, pati na sina Mariel Rodriguez-Padilla, Kylie Padilla, Bella Padilla, RJ Padilla, Matt Padilla, at ang Primetime Teen King ng ABS-CBN na si Daniel Padilla.

Isang period movie ang Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak, na nakakuha ng masigabong palakpakan at sobrang positive feedback sa red-carpet premiere nito sa Ozamiz. Tungkol ito sa tunay na buhay ni Ongkoy (Robin Padilla) na dating naging pinuno ng anti-vigilante group na Kuratong Baleleng na nakilala sa Ozamiz City noong 1970s.

Maraming aral ang mapupulot sa socio-historic action drama gaya na lamang ng paniniwala na bawat isa sa atin ay maaring maging bayani para sa bayan at pati na rin para sa pamilya at mga kaibigan; at ang paniniwalang lahat ng kasamaan ay may katapat na kaparusahan.

Sentro sa pelikula ang walang kamatayang espiritu ng katotohanan at hustisya na ipinagdiriwang ang kapangyarihan ng magandang gawain na makapagpabago ng buhay ng bawat tao.

Dinirek ni Jon Villarin, at tampok din sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Rommel Padilla, Karla Estrada, Pen Medina, Lito Pimentel, Dennis Padilla, Aljur Abrenica, Bugoy Carino, at marami pang iba.

Ang grand red-carpet premiere ng Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak dito sa Maynila ay magaganap sa Gateway Mall Cinema 4 sa Enero 28.

Bastos na male TV host, binantaang sasampalin ng female TV host!


(RUEL MENDOZA)
Masama pa rin ang loob ng isang female TV host sa kasama niyang male TV host dahil sa ginawa nitong pambabara sa kanya habang nasa isang company party sila noong New Year.

Hindi nga raw alam ng female TV host kung sinadya ng male TV host ang mga nasabi nito sa kanya dahil hindi man lang daw ito nag-apologize sa kanya.

Bastos siya! diin ng female TV host. Never akong nabastos kahit na sinong mga mas magagaling na mag-host kesa sa (name ng male TV host) na yan.

Siya lang ang nagpahiya sa akin at gusto ko siyang sampalin right there and then. Pero mabuti na lang at naisip ko na maraming tao at nakakahiyang umeksena ako ng ganon dahil sa galit ko. Kaya tinanggap ko na lang ang ginawa niya.

Pero may araw din sa akin ang taong yan. Paghandaan lang niya ang gagawin ko dahil sosoplahin ko talaga siya.

Matagal na raw nagtitimpi ang female TV host sa mga hindi magandang ginagawa ng male TV host kapag magkasama sila sa isang show. Ilang beses na ngang nire-request ni female TV host na huwag siyang isama sa male TV host dahil inaagawan daw siya ng mga sasabihin niya.

Hindi siya mag-stick sa sarili niyang lines. Pati ba naman ang mga sasabihin ko aagawin? Tama ba yon?

Ilang beses na niyang ginawa sa akin yon. Pinagsabihan ko na siya regarding that na dalawa kami at hindi lang siya nag-iisa roon sa stage. Nagso-sorry siya pero inuulit-ulit niya parati. So may kabastusan nga siya talaga.

Hindi naman daw kataka-taka dahil may ilang female and male TV host din na nirereklamo ito dahil mahilig daw manapaw. Kapag nalalaman nilang kasama ang male TV host na ito, either nagbabackout sila o pinapapalitan nila si male TV host.

Hindi na maganda record niya kasi wala siyang pakikisama. Kung ganyan siya at ayaw niyang magbago ng ugali niya, balang-araw wala nang gustong makatrabaho siya, pagtatapos pa ni female TV host.

Yayo, ayaw makipagdiborsyo kay William!


(RUEL MENDOZA)
Limang taon na palang hiwalay si Yayo Aguila kay William Martinez, pero wala raw siyang balak na mag-file ng divorce. Sa Reno, Nevada kinasal sina William at Yayo noong 1985.

Ayon pa kay Yayo na isa sa mga bida sa series na The Borrowed Wife ng GMA7, wala raw siyang balak pang mag-asawa ulit. Tama na raw na si William ang naging mister niya at ayaw niyang magkaroon pa ng ibang ama ang kanilang mga anak.

Kami naman ni William, okey kaming dalawa.

Were still friends and we still communicate with one another. Nasabi ko naman sa kanya na wala akong balak na mag-asawa pa ulit. Bakit pa? Tama na yung siya lang ang naging asawa ko.

I think naman na wala na rin siyang balak na maghanap ng kapalit ko, eh. Kaya malaking abala pa yung mag-file kami ng divorce, di ba?

As long as okey kaming dalawa and our kids are happy with our situation, tama lang ito. Huwag na nating dagdagan ng anumang problema ang lahat.

Magkahiwalay man sila ng tirahan ngayon ni William, paminsan-minsan ay tsine-check niya na kung okey ba ito.

Hindi naman tago sa lahat na William got sick noon pero okey na siya ngayon. Pero sa totoo lang, wish ko nga na may makilala na rin siya para may nag-aalaga sa kanya roon.

Inamin nga ni Yayo na bago siya nakipaghiwalay noon kay William, dalawang taon niyang kinimkim ang maraming frustrations and disappointments sa pagsasama nila.

Ive been his wife 25 years. Lahat ng mga hirap at sarap ng pagiging magasawa ay pinagdaanan na namin. That would have made us stronger, di ba? Pero hindi rin pala. May mga gusto akong gawin at sabihin na hindi ko noon magawa because I was thinking about my family. Paano na kung bibigay na ako sa samahan namin? What will my kids say?

Pero I came to realize na ang mga anak ko, nararamdaman din nila ang lungkot ko. And alam ko na maiintindihan nila kung bakit ko gagawin na makipaghiwalay na sa daddy nila.

It was a mutual thing naman. Maayos kaming nag-usap ni William. And my kids, they are old enough to understand at wala ring naging problema sa kanila.

Kitang-kita naman ang kasiyahan sa mukha ni Yayo dahil sa nangyaring hiwalayan. Wala nga sa hitsura ni Yayo na may mga anak na ito. Sexy pa rin ito at mukhang dalaga at age 46.

Juday, inspirasyon ng mga gustong pakasal


Ang kasal, habangbuhay na dapat panindigan
(DS)
Pangungunahan ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang pinakabagong reality show ng ABS-CBN na I Do, kung saan tampok ang mga kalahok na magkasintahan na nais magpakasal.

Pinangunahan nga ni Juday ang ribbon-cutting ceremony, blessing, at tour sa I Do, village kung saan titira ang mga kalahok upang subukin ang tatag ng kanilang samahan bago humarap sa altar.

Ang village na ito, ginawa talaga for this show.

Maraming challenges hindi para paghiwalayin ang couples, kundi para pagtibayin pa ang relationship nila at maging mas mature pa sila sa pag-atake sa buhay, say ni Juday.

Umaasa si Juday na magiging malaking gabay ang I Do sa couples na nais magpakasal at magtaguyod ng sariling pamilya sa pamamagitan ng pagpaparanas sa kanila ng mga sitwasyong dapat nilang paghandaan bago sila magkatuluyan o magpakasal. Masusubaybayan ng publiko ang kanilang pagsasama dahil may mga kamerang nakatutok sa kanila 24/7.

Ito pa lang ang gagawin kong show na mala- Pinoy Big Brother, pero PBB times five. Tatalakayin dito ang lahat -- ang pagkakaroon ng anak, pagtira kasama ang biyenan, mga gastusin sa bahay. Sana ma-inspire namin ang mga magkasintahan na ang pagpapakasal, habangbuhay yan na kailangan niyong panindigan, ani Juday.

Bukod sa pagiging host, tatayo rin si Juday na miyembro ng council ng programa bilang isang maybahay, kasama ang ilang love at family experts na magbibigay ng payo sa mga magkasintahang kalahok.

Nakaka-tense kasi magli-5 taon pa lang naman akong kasal, so parang masusubukan ang powers ko sa pagbibigay ng payo at pagshare ng experiences ko. Nakakatuwa na pinagkatiwalaan ako ng ganitong klaseng show na wala pa talagang nakakagawa, sabi ni Juday.

Dumalo rin sa nasabing event sa I Do Village ang ABS-CBN TV production head na si Laurenti Dyogi, ang business unit head ng programa na si Mercee Gonzales, at iba pang executives ng ABS-CBN TV entertainment division.

Magandang simula ang maghihintay para sa magwawagi sa reality show dahil bukod sa mapapanalunang grand wedding, makakakuha rin sila ng honeymoon package, bagong sasakyan, house and lot, at P1 milyon.

KARTADA 5

Nawawala sa sarili
Sino ang talunang kandidato na ito sa Senado na matapos maubusan ng pera ay natalo pa kaya nawawala raw sa sarili kaya hindi makapag-isip ng maayos?

Sa report na nasagap ni Mang Teban, ginagawang katatawanan na lamang ng kanyang kasamahan ang talunang kandidato na ito gayung noong nasa heaven pa ito ay siya ang laging nang-aasar.

Nabatid na nagsimulang napansin ng kanyang mga kasamahan ang tila wala na sa huwisyo ang utak

ng talunang kandidato na ito noong makatikim ito ng ikalawang talo sa halalan.

Maging sa kanyang pamilya ay hindi na raw ito masyadong nakikisalamuha dahil nawala na ang kanyang pagkabida sa mga huntahan na ipinapalagay na posibleng dahil sa depresyon.

May mga kaibigan ang talunang kandidato na tumulong sa kanya at binigyan ng pagkakalibangan na kung ano ay hindi na sasabihin ni Mang Teban para hindi ma-obvious.

Pero agad ding binawi ang tulong dahil hindi raw gumagana nang maayos at hindi makapagkuwento ang talunang kandidato kaya isinama na lamang ito sa isang grupo.

Gayunpaman, naging sentro ng katatawanan sa grupo ang talunang kandidato dahil hindi ito makasabay sa mga kuwentuhan at parang batang inuulit lamang ang sinasabi ng kanyang mga kasamahan.

Pintahan niyo na: Namayagpag ang pamilya ng Gabinete na ito mula noong panahon nina dating Pangulong Fidel Ramos hanggang kay Gloria Macapagal-Arroyo at nagkaroon ng tsansang magsilbi sa Gabinete. May drama itong nagtatanim pero hindi nabuhay ang itinanim. Gets niyo?

OPINION

Pila lang sa MRT, aaralin pa?


Ano ba ang inaasahang reaksyon ng pamahalaang Aquino sa paulit-ulit at nakasanayan nitong sagot sa publiko sa napakaraming problema ng bansa: Pinag-aaralan na iyan!

Simula nang umupo si Pangulong Noynoy Aquino ay napakarami nang problema ang idinulog sa kanila para aksyunan pero parang awtomatiko nang sagot itong pag-aaral sa problema.

Kesyo inutusan na ang ganitong ahensya para tingnan ang problema, kumonsulta sa mga kinauukulan at bumalangkas ng solusyon. Ayos naman itong ganitong sagot dahil kailangan naman talagang pag-aralang mabuti ang solusyon sa mga problema lalo na kung masterplan hinggil sa evacuation at quick response sa panahon ng kalamidad o kaya pag-aaral kung ano ang dapat na gawin para mapababa ang singil sa kuryente at tubig at kung paano masosolusyunan ang mahal pa ring petrolyo sa kabila ng ginawang oil deregulation o kaya naman ay kung ano pang mga estratehiya ang gagamitin para makalikha ng mga bagong trabaho.

Mga naglalakihang problema yan na nangangailangan talaga ng malalimang pag-aaral at pagbalangkas ng mga solusyon. Pero kahit gaano pa kalalaki ang problemang ito, dapat ay merong time frame o deadline kung kelan ilalatag ang mabubuong solusyon para naman maisunod na agad

ang implimentasyon.

Nakikita na ang problemang yan sa kasalukuyang administrasyon. Panay aral. Panay pag-aanalisa sa problema. Kulang sa implimentasyon ng mga solusyon. Kulang na kulang sa aksyon.

Napakabagal ng response time ng gobyernong Aquino.

Hindi lang minsan itong napatunayan kundi sa halos lahat ng problemang inilapit sa kanila.

Pero ang nakakatawa sa pinakahuling balita, ito raw napakahabang pila sa mga electronic train (LRT at MRT) tuwing umaga ay inaaral na rin ng pamahalaan.

Pila sa MRT at LRT, pinag-aaralan ang solusyon? Ilang taon kayang pag-aaral ang gagawin nila?

Naku naman! Pila lang yan, kailangan pa talagang pag-aralan ang solusyon?

Simpleng-simple ang problemang ito. Kung tutuusin ay kayangkayang aksyunan basta action man ang magreresolba.

Ito ang problema sa kasalukuyang pamahalaan. Nasimulan kasi sa group effort at sisihan. Una muna, maghahanap ng masisisi at iyon ang palulutangin muna sa publiko para hindi mapokus sa hinahanap na solusyon.

Tapos saka ipapasa sa kung saang ahensya pwedeng ipasa. Sa pagpapasahan pa lang, kumakain na ng oras. Ni wala pang klarong instruksyon kung ano ang gustong mangyari at ipagawa ng kapitan ng barko.

Pinakamabilis kasi ang galaw ng lahat kung may isang lider na nagbibigay ng espisipiko at kongkretong direksyon kung paano gagawin ang plano at kung paano makukuha ang inaasam na resulta at solusyon.

Kulang talaga sa gawa! Lahat ay idinadaan sa pag-aaral at pag-analyze muna. Kasama na riyan ang pila sa MRT at LRT. Nanangkupo!

Ayos na rin ang problema ni Manny sa BIR


Tama ang ginawa ng ating kampeon na si Manny Pacquiao na nakipag-ayos kay BIR Commissioner Kim Henares tungkol sa kanyang mga hindi pa binabayarang buwis na umabot na pala sa P2.2 bilyon.

Merong kasabihan sa Ingles na ang hindi lamang natin maiiwasan ay ang kamatayan at ang buwis.

Balang araw, kinakailangang makipag-ayos tayo kay Kamatayan at kay Kim.

Hindi tinalikuran ni Sarangani Rep. Manny Pacman Pacquiao ang obligasyon nito sa gobyerno matapos na kumpirmahin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbayad ang boxing icon ng P32 milyong paunang kabayaran sa higit dalawang bilyong pagkakautang sa buwis.

Mismong si BIR Commissioner Kim Henares ang naglabas ukol sa bayad ng boksingero.

Kasabay nang pag-areglo ni Pacquiao sa pagkakautang sa BIR ay binigyan din ng pagkakataon si Pacquiao na pumili kung paano nito babayaran ang kakulangan na obligasyon.

Isa sa ibinigay na opsyon kay Pacman ay ang pagbabayad ng 10 porsyento ng utang sa buwis na may kaakibat na dokumento na magpapatunay na wala siyang kakayahang bayaran agad ang pagkakautang.

Based ito sa rules ng BIR, 40% ang babayaran, pero kailangan ng documents to prove na settled na nya ang iba pang taxes, including sa US. Second option, 10 percent ang babayaran pero he has to show documents that he is financially incapable, paliwanag ng komisyuner.

Matatandaang nag-ugat ang utang ni Pacman sa BIR dahil sa kabiguan nitong ideklara sa tamang oras ang kanyang buwis na umabot umano sa P1.1B, dalawang taon na ang nakararaan. Sakop nito ang pay-per-view at endorsements.

Ang pakikipag-ayos ni Pacman sa BIR ay nagsimula umano noong Disyembre matapos ang umaatikabong bangayan sa pagitan ng dalawang kampo.

Mabuti naman at nagtanong si Manny sa kanyang abogado na si Atty. Tranquilino Salvador III at sinunod din niya ang mga payo nito noong kanyang sinabi, bago siya tumungo sa Tacloban matapos ang kanyang tagumpay sa Macao na kanyang panalo kontra kay Brandon Rios: Starting today, my

legal counsel will be the one to answer any questions from media tungkol sa BIR.

Mula noon unti-unting nabawasan ang mga problema ni Pacman. Ang unang nangyari ay pinaliwanag ng Internal Revenue Service sa America na walang kaso sa kanila si Pacman nang sinabi ng abogado na We deny. We have no knowledge of the so-called IRS tax deficiency. Ang mga naireport noon ay merong pagkukulang sa IRS ang kampeon na umaabot sa $18 million ngunit lumilitaw na mali pala ang mga naibalita ng website na TMZ sa Amerika.

Sa totoo lamang, ang naging problema ni Manny, isa sa pinakamabait na tao sa ating bansa ay ang hindi lamang pagkakaintindihan nila ng BIR. Halimbawa, ayon noon sa BIR, walang pinapakita si Manny na dokumento na nagsasabing bayad na ang kanyang buwis sa IRS, kahit na ayon naman kay Atty. Salvador: With all due respect, ang sulat ng Top Rank ay may attachment ng IRS payment niya. Ang paniniwala po namin ay nagpasa na kami ng dokumento.

Sa katapusan, mukhang hindi lamang nagkaintindihan ang kampo ni Manny at ng BIR ni Kim. Salamat kay Atty. Salvador na mukhang nasimulan na ang lunas at naiayos na rin ang hindi pagkakaintindihan ng kampo nina Manny at Kim.

***

Basahin ang aking mga kolum sa www.duckyparedes.com/blogs. Magemail sa duckyparedes@yahoo.com.

Pakialam mo!
Dad, bakit ka ba nangingialam?

Yan ang sabi sa akin ng anak kong binata nang tanungin ko siya tungkol sa girlfriend niya. Bakit daw ako nangingialam?

Anak kita kaya may pakialam ako, sagot ko sa kanya.

Nangingialam. May pakialam.

Magkatunog, pero sobrang magkaiba ang kahulugan. Iba yung nangingialam sa may pakialam.

Sa Ingles, ang may pakialam, stakeholder. Ang nangingialam naman, kibitzer. Sa tagalog, miron. Yung miron, hindi naman kasali sa buhay pero nakikisawsaw. Yung stakeholder naman,

merong taya. Merong stake. Alam ng stakeholder, pag natalo ka, talo rin siya. Alam din niya na ang panalo mo, panalo rin niya.

Sa buhay ng bansa, alin ba tayo? Stakeholder o kibitzer? May pakialam o nangingialam lang?

Malapit nang maging ganap na batas ang Freedom of Information Bill. Ito ang panukalang batas na matagal naming ipinaglaban sa Kongreso. Ayon sa batas na ito, may karapatan ang mga mamamayan na malaman ang buong katotohanan sa mga gawain at desisyon ng gobyerno lalo na ang mga gawain at desisyon na may kinalaman sa paggastos ng pera ng bayan.

Kapag ganap na batas na ang Freedom of Information Bill, hindi na puwedeng magtago ng impormasyon ang anumang ahensiya ng pamahalaan mula sa sinumang mamamayan na humihingi nito para gamitin sa anumang legal na paraan.

Pero ang Freedom of Information, para doon sa mga Pilipinong may pakialam.

Hindi para doon sa gusto lang mangialam.

Para ito sa mga Pilipinong may taya sa bansa at hindi para doon sa mga miron na gusto lang makisawsaw sa usapan pero wala namang nakataya.

Para sa mga Pilipinong may pakialam, importante sa kanila na tama ang paggamit ng pera ng bayan at wasto ang mga desisyon ng mga namumuno. Pag tama at wasto nga naman, panalo ang Pilipino. Kaya naman dapat silang bigyan ng karapatan na malaman nang buo at husto ang katotohanan sa likod ng mga kilos ng pamahalaan.

Sa taong ito, magandang tanungin natin ang ating sarili: ako ba ay Pilipinong may pakialam o taong nangingialam lang?

Stakeholder ba ako, o kibitzer lang?

Ang kailangan ng bansa, Pilipinong tumataya sa kinabukasan ng kanyang lipunan. Ang may taya at may pakialam, makikiisa para manalo ang lahat ng Pilipino.

Hanggang dito na lang muna. Tawag na ako ni misis. Pakialaman ko raw ang nilulutong sinaing sa kusina dahil baka masunog na.

Handa na ba ang Pilipinas para sa ASEAN Integration?


Isang malaking pagbabago ang kinakaharap ng Pilipinas, at nakababahala na tila hindi sapat ang kamalayan ng ating mga mamamayan sa parating na kaganapan na maaaring mag-iba sa kapalaran ng ating bansa. Tinutukoy ko ang paparating na ASEAN Integration sa 2015.

Ano ba itong ASEAN Integration 2015? Una sa lahat, ang Pilipinas ay isa sa sampung bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations, isang organisasyong pulitikal at pang-ekonomiko. Ang siyam pang bansang bumubuo ng ASEAN ay ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, Brunei, Myanmar, Cambodia, Laos, at Vietnam. Noong 2007, ipinasa ng mga kasaping bansa ang ASEAN Charter, ang konstitusyon na siyang batas ng organisasyon, na niratipika naman ng ating Senado noong 2008.

Sa ilalim ng nasabing charter, magkakaroon ng regional economic integration, o paglalagom ng ekonomiya ng mga ekonomiya ng 10 kasaping bansa, upang bumuo ng iisang ASEAN Economic Community (AEC) pagdating ng 2015. Inaasahan ang pagkakaroon ng single market at production base, at ng isang rehiyong ekonomiko na kayang makipagtagisan sa buong mundo. Layunin din nitong magkaroon ng pantay na kaunlarang pang-ekonomiko. Inaasahang nakalagom ang AEC sa pandaigdigang ekonomiya.

Ilan sa areas of cooperation ang pagkilala ng mga kuwalipikasyong propesyunal, ang pag-uugnay ng mga imprastraktura ng mga bansang kasapi, at integrasyon ng mga industriya sa rehiyon para isulong ang regional sourcing. Sa ilalim ng AEC, ang ASEAN ay magiging rehiyon kung saan may malayang paggalaw ng mga produkto, serbisyo, skilled labor, at negosyo sa mga kasaping bansa.

Ang tanong: handa ba ang Pilipinas para sa nalalapit na ASEAN Integration? Handa ba ang ating pamahalaan, ang mga negosyo at industriya, at ang lahat ng institusyon ng ating bansa? Handa ba tayo para sa kompetisyon, o lalamunin tayo sa bagong sistemang ito?

Ito ang mga konsiderasyon na kailangang isaalang-alang ng ating pamahalaan upang matiyak na makikinabang nga ang ating bansa sa ASEAN Integration. Dahil dito, ipinasa ko ang Senate Resolution No. 403 upang suriin ang kahandaan ng Pilipinas sa ASEAN Integration.

Nais nating protektahan ang interes ng mga lokal na industriya sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga batas na kailangan nating maipasa bago ang 2015, lalo pa iyong mga may kinalaman sa regulasyon.

Hihilingin natin mula sa mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng pagsusuri ng mga polisiya at

programa nito bilang paghahanda sa nalalapit na pag-iisa ng economic base ng rehiyon, at iulat ang mga ito sa Kongreso sa lalong madaling panahon. Sa gayon, makagagalaw naman ang ating mga mambabatas na gagawa ng lehislasyong mangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino sa gitna ng malawakang kompetisyon.

Napakalaki ng implikasyong ekonomiko ng ASEAN Integration sa Pilipinas, kaya nababahala akong tila hindi ito nagiging prayoridad. Sa 2015, bubuhos ang oportunidad para sa kaunlaran para sa ating mga kababayan, pero magbubukas din ang pinto para sa malawakang hamon mula sa ating mga karatig-bansa.

Kung gusto nating makinabang sa ASEAN Integration, kailangang tutukan ang matatag at mahusay na paghahanda para rito. Pinapaboran ng tagumpay ang handa. Magtrabaho tayong lahat para hindi tayong abutang natutulog sa pansitan.

Ang sabi ng kaibigan kong Amerikano


Naalala ko pa ang isang naging usapan namin ng isang taga-Estados Unidos na nagsabi sa akin na napakaswerte raw ng mga Pilipino dahil napakaganda ng ating bansa. Bukod pa rito ay binanggit din ng aking kaibigang Amerikano na wala raw siyang masabi sa kabaitan at kasipagan ng mga Pilipino.

Hindi pa raw siya nakakapunta sa kahit anong lugar sa buong mundo na gaya ng Pilipinas kung saan kahit saan siya tumingin ay makakakita siya ng mga taong parati na lamang nakangiti at tumatawa.

Kung ganun nga at mayaman sa likas na kayamanan ang ating bayan at mahusay at masipag naman ang mga Pilipino, bakit hanggang ngayon ay mahirap pa rin tayo? Ang sagot diyan ayon sa kaibigan ko ay dahil na rin sa klase ng mga pinuno na ating inihahalal na siya namang patuloy na nagnanakaw sa ating kayamanan at ginagamit lamang ito para sa kanilang pansariling interes.

Sang-ayon ba kayo rito? Para sa akin ay tumpak ang kasagutang ito dahil alam naman nating lahat na talagang maganda at mayaman ang Pilipinas kaya nga ang daming mga bansa na sumakop sa atin noon dahil gusto nilang pakinabangan ang yaman na ibinigay sa atin ng Diyos.

Bukod pa rito, kitang-kita naman natin na masipag talaga ang Pilipino kaya nga gustung-gusto ng ibang bansa na kumuha ng mga trabahador at mga katulong sa ating bansa dahil siguradong pulido rin ang trabaho kapag Pilipino ang gumawa nito.

Tinanong ko ang aking kabigan, ano ngayon ang kailangan naming gawin para makaraos sa kahirapan? Ang sagot niya ay simple, sabi niya dapat ngayon pa lamang ay magsimula na kayo na ihanda ang mga kabataan na mas maging mahusay, matino at magaling na mga pinuno dahil sa mga susunod na taon ay sila na ang magiging mga pinuno ng ating bayan.

Kapag hindi natin sila inihanda ay mauulit lamang ang patuloy na paglago ng korapsyon sa ating gobyerno at sa ating lipunan.

Ito ang dahilan kung kayat patuloy na umiikot ang Kaya Natin! Movement sa ibat ibang mga kolehiyo at unibersidad para magbigay ng talumpati at payo sa ating mga kabataan na sila ang magiging mitsa ng pagbabago at reporma sa ating bansa.

Kabilang din dito ay ang paglalahad ng aming grupo sa naging buhay at pamumuno ni yumaong DILG Sec. Jesse Robredo na ipinakita na posible pa pala na magkaroon ng mga pinuno sa ating pamahalaan na uunahin ang kapakanan ng mamamayan bago ang sarili.

Sa tingin ko na kahit ilang libo lamang sa ating mga kabataan ay magiging tulad ni Sec. Robredo hindi malayo na kapag nag-usap muli kami ng aking Amerikanong kaibigan ay sasabihin na niya sa akin na nangyari na ang minimithi nating lahat na isang bayan na wala nang korapsyon at kahirapan.

Para sa inyong mga komento, mag-text sa 09199575444.

Steady ka lang diyan, Te!


Nakaka-buang ang buhay Kristiyano minsannnn!!!!

Actually, hindi lang minsan. MADALAS. Lalo na kung yung mga nakakasalamuha mo (salamuha na lang sanat huwag nang sagupa) ay hindi makaintindi tungkol sa tunay na saloobin o layunin ng pangangaral ng Ebanghelyo ni Jesus sa isang lugar.

May protocol!! One church per barangay lang dapat!! Hindi nyo ba naiintindihan iyon??? Nauna na kami rito! Hindi bat kami pa ang mga nagturo sa inyo? Ang lalakas ng mga loob ninyong kalabanin kami! Tanggalin nyo yang tarpaulin nyot ihinto ang pagba-Bible study rito! Malilito ang mga tao!

[Mala-diyablo ang dating, hindi po ba? E sino lang naman ba ang kilala ninyong Hepe ng mga nagbabawal sa pangangaral ng Salita ng Diyos? Hindi bat si Satanas lamang?]

Ang siste, takot na takot kasi si Manong na maubos na nang tuluyan ang kanyang kakarampot na tupa. May mga pamilyang naglipatan na doon sa grupong inaapi sa eksenang ito at simple lang ang mga dahilan:

(1) Siyam na taon na silang nakikinig sa mga sermon ni Manong, wala pa rin silang maintindihan. Hindi sila kumportableng magbasa ng Banal na Bibliya sa kani-kanilang mga sarili. Hindi rin marurunong magdasal. Tsk-tsk.

(2) Sawang-sawa na sila sa mga tsismis ni Manang na asawa ni Manong! Saan ka nakakita ng Sunday worship o Bible study kuno na ang mauuna bago ang pagsamba ay pagbabalita tungkol sa mga kapitbahay!!! Tsismis ang mina-master at hindi Salita ng Diyos!! Grrrr. Nakakaloka.

Kahit ako, kung a-attend ako roon, baka wala pang 15 minutos e lumayas na ko. Pagsasayang lang ng oras.

(3) Nananakit sina Manong at Manang ng kalooban ng tupa!! Grabe po, hindi ba? Ang mga inaalagaan ng isang pastor ay dapat ano? ALAGAAN NGA! At hindi saktan. Mapapait magsalita, nampapahiya ng pobreng kabataan sa harap ng maraming tao, nananakot pa kapag hindi ka sumunod! Parang mga reincarnation ni Hitler itong mga to.

(4) Madalas ang parinig sa mga miyembro kapag kakaunti ang tithes kuno na ibinibigay! In short, mababa ang koleksiyon. Kulang pa raw iyon sa pamasahe ni Manong!! E papano ka nga aasang mag-uumapaw sa salapi ang basket mo, nagmiministeryo ka SA ISANG LUGAR NA KARAMIHAN NG MGA RESIDENTE AY DUKHA! (Panginoon, ako talaga ang hiyang-hiya sa pinaggagagawa ng mga taong ito! Ang lalakas ng loob humawak ng Bibliya tapos sobrang pangit na mga pag-uugali ang ipakikita sa mga dapat daw ay ma-born again! Kamote.)

Dinuru-duro ni Manong si Ate na nangunguna sa Bible study ng bagong grupong iyon. Pinanlisikan pa ng mga mata sa sobrang nagliliyab na galit! Kung hindi pa inawat ni Manang, baka kung ano pa ang nagawa ni Manong kay Ate. Mabuti na lamang at si Ate ay puspos ng Banal na Espiritu nung mga sandaling iyon.

Hangang-hanga ako sa kanya! Nakuha niyang subukang magpaliwanag nang mahinahon at pigilin ang sariling bibig sa pagsasalita ng masama. Dahil, kung tutuusin, may karapatan siyang LUMAYAS dun sa grupo ni Manong. Isa siya sa mga nakaranas ng panlalait at mababang pagtrato ng magasawang iyon.

Ate, alam mo, elibs ako sa yo, sabi ko sa kanya nung magkausap kami. Hindi ko pa kaya yung ginawa mong pagiging mahinahon sa gayong mga pagkakataon. E ikinukuwento mo pa lamang sa akin ang nangyariy gusto ko nang sugurin ang mga iyon at pagpupukpukin ng tabo sa ulo!

Tumawa na lang kaming dalawa.

Alam mo, hindi ko rin alam kung saan galing ang lakas, sagot ni Ate. Pakiramdam ko nung mga oras na iyon, parang may pumipigil sa aking magsalita at magsasagot nang pabalang. E sa tingin ko, ang Holy Spirit na iyon. Salamat talaga sa Diyos!

Kaya ang resulta: Sina Manong at Manang ang nagmukhang kahiya-hiya sa mga taong nakapanood

ng eksena. Ang daming na-turn off! Maraming umiling, pati mga miyembro nila. Hindi nila inakalang ganun pala kalala ang pag-uugali nung dalawa. (Actually, alam na nilang malala talaga, pinagpapasensiyahan na lang. Pero yung nangyari nung Sabado, medyo nag-level up sila sa kabastusan sa tao. Mga walang patawad! Naturingang mga pastor kuno!!)

Kaya ngayon, mas lalong magpupursige yung isang grupong evangelical na magpatuloy ng gawain sa lugar. Hindi nila maaaring palampasin ang pagkakataong maipangaral ang Ebanghelyo ni Jesus sa tamang paraan. Sabi ko, Leksiyon iyan. Huwag tularan ang kanilang mga ginagawa para i-bless ng Panginoon ang gawain. Naway gamitin Niya iyon nang mabuti upang magdala ng maraming tao papasok sa Kanyang kaharian.

Masama talaga kapag sarili mong kahariang panrelihiyon ang gusto mong itayo sa anumang lugar dito sa lupa, at hindi ang tunay na kaharian ng Diyos. Patung-patong na kasalanan iyan.

Hay. Talagang matira ang matibay. Para kay Ate, ito ang Bible verse na ibinigay sa akin ng Panginoon noong akoy nananalangin. Pampalakas ng loob:

Ngunit magpakatatag kayo at huwag masiraan ng loob. Gagantimpalaan kayo dahil sa inyong mga ginagawa. (2 Cronica 15:7)

Naghanap sina Ate ng Tubig na Nagbibigay-buhay, nung mga panahong halos mamatay na ang kanilang mga espiritu sa pagkatuyot bunga ng bulaang pagmiministeryo ni Manong.

At ngayong inuudyukan na siya ng Banal na Espiritu na isiwalat sa iba ang Mabuting Balitat mga espirituwal na pagpapalang natanggap niya nitong huling dalawang taon (sa pangangalaga ng kanyang bagong home church), sino ba ang may karapatang pumigil sa kanya?

Ginagarantiyahan nga mismo ng batas ng Republika ng Pilipinas ang kalayaan ng Pilipino na pumili ng kanyang relihiyon!

Hay. Pag-isipan po natin ang mga bagay na ito. Maging marunong sa pagmiministeryo, at sa pagpili ng mga gurong pakikinggan. Shalom and God bless!

LETTER TO THE EDITOR


Mahal na Editor:

Dapat pong pagtuunan ng pansin ng Rents Internas (BIR) ang mga mayayamang politiko kabilang na rito ang mga kongresista, senador, mahistgrado, kabinete, at matataas na posisyon sa iba pang

opisina ng pamahalaan.

Marami po sa mga ito ang kumita ng limpak-limpak na salapi sa mga nagdaang taon at hindi po pinagbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.

Pete Albea

***

Dear Editor,

Nais ko po magbigay ng reaksyon ukol sa mistaken identity case ng National Bureau of Investigation sa pag-aresto sa negosyanteng si David Tan Bangayan sa kasong rice smuggling. Nakakadismaya lang dahil kung mayaman ka sa Pilipinas at mayroon ng ebidensya laban sa iyo mapapawalang bisa pa rin iyon pero kung mahirap ka at nakagawa ng krimen mabubulok ka agad sa bilangguan.

Malinaw po na hindi pantay-pantay ang pagtrato sa bawat mamamayan sa ating bansa. Kaya nararapat na po talaga ipatupad na ang National ID System nang sa gayon ay wala nang kikilalanin ang ating batas mahirap man o mayaman kapag napatunayan na ikaw ay nagkasala.

Sigurado na ang mga taong may mga illegal na aktibidad, sindikato, rebelde at mga abusadong politiko ang unang tututol sa National ID System dahil mangangamba sila na malantad ang mga krimen na kanilang ginagawa at malabas ang tunay nilang kulay at makita ng taong bayan.

Maria Andrea Esteban Secondary Teacher Talisay Cebu

You might also like