Professional Documents
Culture Documents
Nakaaalala Pa Kaming Mga Batang World War II
Nakaaalala Pa Kaming Mga Batang World War II
Naglalaman ang pandigmaang talaarawan ni Tiyo Felix ng mga di malilimutang salitang naglalarawan sa anyo at dama ng kakilakilabot na panahong Hapones. Ibinalik sa aking ang mga kalunos-lunos na alaala ng mga di-malilimutang salitang ito.
Bakwet (katumbas ng "evacuate") -- ang sindak-salitang nagbunsod ng paglisan. Nagbakwet ang buong populasyon ng Majayjay sa kalooblooban ng kakahuyan, papunta sa mga giray-giray na kubo, mga kubling lugar at kweba kung saan di sila makikita ng mga Hapones. Nagdala ang lahat ng anumang bagay na kailangan upang manatiling buhay. Nagdala ako ng kapitera sa isang kamay at, sa isa, hila ko ang aming alagang kambing. Sinimulan ang bakwet ng mga bulung-bulungan na darating ang mga Hapones upang pagpapatayin ang mga tao, abusuhin ang mga babae. at sunugin ang mga bahay. Ginawa nila iyon sa Pagsanjan at Lucban.
Pagpapatawad
Mga 70 taon na ang nakararaan mula noon. Napatawad na ba namin ang brutal at masokistang remiheng Hapones? Ang pagkawasak at kaguluhang gawa nila? Makapagpapatawad ba kami, kaming mga batang World War II? Oo, makapagpapatawad kami. Maaaring dahil iyon sa ating kulturang Kristiyano, idagdag na ang malaking tulong ng lakas ng konsumerismo. Noong dekada 60, magiliw na sinalubong namin ang pagbabalik ng mga Hapones, sadya man o hindi. Bumili kami ng mga Sony transistor radio, Akai tape recorder, Casio calculator, National electric fan at refrigerator. Noong 1970, isang Toyota Crown sedan ang unang kotse ko. Naloka ang mga anak kong babae tinedyer sa mga karakter na Sanrio.
Pagpapatawad
Noong 2002, naglakbay ako at ang pamilya ko sa Japan. Namangha kami sa sining, damit, pagkain, at mga piyestang Hapones. Kahanga-hanga rin ang kanilang pagiging magalang at mabuting asal. Superyor ang kanilang kalinisan. Toyota Fortuner ang sasakyan ko ngayon. Seiri naman ang relos ko.
Ngunit hindi namin makakalimutan ang aming mga paghihirap. Sa totoo lang, may galit paring nananatili sa puso ng mga Pilipinong comfort women. Mahigit 90 na ang kanilang edad ngayon, mga bata at inosenteng babae lamang sila noong unang bahagi ng mga 1940. Sapilitan silang kinuha ng hukbong Hapones at ginamit nila bilang aliping sekswal (mga 20 hanggang 30 sundalong hapones ang umabuso sa kanila araw-araw.) Lumabas sila noong 1993 upang humingi ng hustisya at kabayaran mula sa pamahalaang Hapones.
Pagpapatawad
Mabilis na tumatanda at nawawala na kaming mga batang World War II. Maaalala ba ng mga anak at apo namin ang aming kakila-kilabot na nakaraan? Sa palagay ko hindi. Mga nilikha sila ng mga Steve Job, nakakabit at nakalubog sa data overload at kalat kalat na kaalaman, at may maiksing attention span. Nakaukol sa amin ang kaguluhan ng World War II. Kami lamang ang nakapagmumuni-muni sa mga detalye, nakalalasap sa mga panganib at abentura. Isang pambihirang uri kaming mga batang World War II. Di kami takot sa kadiliman.