Professional Documents
Culture Documents
Ang Kadakilaan NG Isang Vaishnava
Ang Kadakilaan NG Isang Vaishnava
Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj Sri Chaitanya Saraswat Math 12/27/2013
Mahalagang Prinsipyo
Mayroong dalawang klaseng tulong: tulong mula sa saddhu at sa shastra, mula sa mga banal na tao, sa mga santo at sa mga banal na aklat. Ang buhay na ahente ay saddhu, samantalang ang shastra ay di-mo makausap. Kung nais ninyong bumuti ang inyong kalagayan, walang ibang paraan kundi saddhu-shastra-krpa, sa pamamagitan ng kanilang habag at pagpapala. krsna-bhakti-janma mula haya 'sadhu-sangha' krsna-prema janme, tenho punar mukhya anga (Cc. Madhya 22:83) Ang pinaka-ugat, ang pinagmulan, ang simula ng krsna-bhakti, ng debosyunal na paglilingkod, ay nasa piling ng mga deboto nasa tulong ng saddhu. At maging doon sa mataas na antas din, kapag ang natutulog nating pag-ibig kay Krsna ay nagising, ito parin ang pinakamahalagang prinsipyo, ang pakikisalamuha sa mga deboto dahil sila parin ang makakatulong sa atin. Dito isinisilang ang debosyon, dito din ito nakakakuha nang kanyang ikabubuhay; at sa bandang huli, kapag halos patapos ka na, kapag halos narating mo na ang pinakahuling yugto, muli, sa pamamagitan parin ng mga matataas sa atin, sa ilalim nila, maipagpapatuloy natin ang ating paglilingkod. Kaya, ang pinakamahalaga sa lahat ay itong saddhu, magmula sa umpisa hanggang sa marating natin ang huling hantungan. At maging sa pinakahuling yugto, mga saddhus parin ang makakasama ninyo dahil sila ang mangangasiwa sa mga gagawin ninyo at hindi si Krsna mismo. Ang mga eternal na tagapaglingkod ay nakaposte sa kani-kanilang departamento ng paglilingkod, sila ang kukuha sa inyo at mag-uutos kung ano ang dapat ninyong gawin: Magpaturo ka sa kanya kung ano ang dapat mong gawin, doon ka magtanong kung anong klaseng paglilingkod kay Krsna ang dapat mong gawin Samakatuwid, sadyang napakahalaga pala talaga ng saddhu-sangha. Dahil ito ang palaging kailangan natin. 1
Kung gayun, ang unang nama-aparadha ay ang magkasala sa isang Vaishnava: satam ninda namnah paramam aparadham vitanute yatah khyatim yatam katham u sahate tad-vigarham (Sri Padma Purana) Ang maging bastos at kawalang-galang sa mga banal na santo na ngangaral nang mga kadakilaan ng Hare Krsna Mahamantra, ito ang pinakamatindi sa lahat ng pagkakasala sa lotus na paanan ng Banal na Pangalan. Dahil kailanman hindi pahihintulutan ng Nama-Prabhu, na si Krsna din mismo, ang ginagawa nilang pambabastos, at pag-aalipusta kahit sabihin pang sila ay isang dakilang deboto. Kapag umuusal tayo ng Pangalan, lalu na sa mga taong nagsisimula pa lamang sa pagpa-praktis ng espirituwal, ganito ang ibinibigay na unang babala sa kanila: Mag-ingat kayo kapag kapiling ninyo ang mga saddhus. Sila ang tunay nating mga kaibigan, sila ang mga ahente na ang hangarin ay para sa ating kabutihan, kaya dapat maging alerto tayo upang hindi natin sila magawa ng masama. Dapat palagi ninyo silang iniintindi; at pinaniniwalaan. Dahil ang kabutihan nilay hindi abot ng inyong kamulatan. Ang pag-ibig nilay higit pa sa pag-ibig ninyo. Higit ang pagmamahal nila sa inyo kaysa inuukol mong pagmamahal sa sarili mo, dahil alam nilang ikaw ay pag-aari ng Panginoon. Ito ang kanilang paninindigan kaya mahal nila kayo; at ang pagmamahal na itoy napakataas, sa katangian at bilang. Kaya dapat nag-iingat kayo, upang hindi kayo magkamali, at magawan ninyo ang mga saddhu na ito ng masama, ito ang palaging tatandaan ninyo. yadi vaisnava-aparadha uthe hati mata upade va cinde, tara sukhi yaya pata (Cc. Madhya 19:156) Kapag nagkasala ka sa Vaishnava lahat ng itinanim mong debosyon, ay masisira, dahil ang ganitong klaseng pagkakasala ay tulad sa isang nagwawalang elepante, na lahat ng madaanang halaman ay kanyang binubunot at sinisira. Hanggang sa itoy matuyot. Kaya kapag matinding krimen ang nagawa mo laban sa isang saddhu, sa isang Vaishnava, ang buong debosyunal na buhay mo ay tiyak na mawawasak. Dahil magagalit sa iyo ang Panginoon: Bakit ganun ka, matapos ipagkaloob ng deboto Ko ang lahat ng yaman niya, sinisipa mo pa siya? Ano ang gusto mong mangyari? Sa lahat, ikaw ang pinakamasamang-tao Kaya dapat kailangang maging maingat tayo upang hindi tayo magkasala, hindi natin malabag ang satam-ninda, ang unang nama-aparadha: ang magkasala sa Banal na Pangalan.
Mahabaging Nitai
Subalit ganunpaman, sa lahat, si Nityananda Prabhu parin ang pinakamahabagin, kahit sa mga makasalanan. Dahil kakaiba ang Kanyang paguugali, kahit ang mga taong sinipa at itinakwil na ni Mahaprabhu ay kinukupkop parin Niya, at binibigyan pa Niya ng bagong pag-asa: Huwag kang mag-alala, huwag kang mawawalan ng pag-asa Ang pagiging mahabagin ni Nityananda Prabhu ay muli Niyang ipinakita noong mga panahong magkasama Sina Mahaprabhu at KalaKrsna dasa. 3
Nooy papunta si Mahaprabhu sa Katimugang-bahagi ng India, at kasa-kasama ni Kala-Krsna dasa subalit may nagawa itong isang kasalanan: iniwan niya si Mahaprabhu, dahil nabighani siya sa kagandahan ng mga Bhattatharis, nang mga babaeng-hitano, mga babaeng-gala. Itoy nangyari sa Timog-Kerala, sa Karnataka, sa lugar ni Madhvacharya. Ang mga tao sa lugar na iyon, babae man o lalake ay kilala sa labis na pagiging maganda at makikisig. Maganda ang kulay ng kanilang mga balat, maging ang pigura ng kanilang mukha at katawan; ang sabi nga ni Gandhi ang lugar na iyon ay parang lugar ng mga engkanto. At doon nga naengkanto si Kala-Krsna dasa, at kanyang iniwan si Mahaprabhu. Kasama na nga niya si Mahaprabhu iniwan parin niya Ito, at ang bagay na ito ay tiyak na magsisilbing-aral sa atin. Dahil sa Kanyang espesyal na kapangyarihan nailigtas ni Mahaprabhu si KalaKrsna dasa mula sa kampo ng mga hitano; at matapos Niyang dalhin sa Jagannath Puri, ito ay Kanya nang binitiwan, anya, Ganun talaga ang pag-uugali nito, hindi na ito magbabago; ganunpaman, kailangang ilayo Ko parin siya sa kamay ng masasamang-taong iyon. Bahala na siya sa buhay niya, bahala na siya kung saan niya gustong magpunta. Subalit sinalo ito ni Nityananda Prabhu. At muling inilagay sa serbisyo: Puntahan mo si Sachi devi, sabihin mo sa kanya matapos maglibot sa katimugang bahagi ng bansa si Mahaprabhu, maayos Siyang nakarating sa Puri. Dahil ang ganoong klaseng balita ay isang mabuting-balita para kay Sachi devi dahil kahit papaano maayos na nakarating si Mahaprabhu sa Puri. Kaya kahit tahasang itinakwil na ni Mahaprabhu si Kala-Krsna dasa ginamit parin ito ni Nityananda Prabhu sa pagseserbisyo.
Maghintay at Magmasid
Noong nangangaral pa ako sa Madras isang insidente ang naalala ko na kahalintulad din nito. Magkatuwang kami noon ni Hayagriva Brahmachari [na naging si Sripad Madhava Maharaj] sa pangangaral, isang bata ang pinapunta namin sa Sentro ng Gaudiya Math sa Madras. Doon na siya namalagi at naglingkod, bilang isang brahmachari, subalit kinalaunan may ginawa itong kalokohan. Nagkataong si Sripad B.P. Tirtha Maharaj ang namamahala sa Math, at bilang parusa, pinalabas niya ang brahmachari na ito sa Math. Subalit tumira parin ito sa Madras at nasa tabi-tabi lamang, Di-nagtagal, umalis din ng Madras si Sripad Tirtha Maharaj. At kaming dalawa ni Hayagriva ay agad niyang pinuntahan at nagmakaawa: Gusto ko pong bumalik ng ating Math, pahintulutan po ninyo ako. Ang sabi namin sa kanya, Malapit ng dumating dito si Guru Maharaj; pagdating niya, kausapin mo siya At nang dumating na nga si Guru Maharaj, upang opisyal na buksan ang bagong gawa naming bulwagan, itoy aming kinausap at ikiniwento ang pangyayari: Gusto pong dumito na ng batang ito at maglingkod, kaya lamang, noong unay pinalabas siya dahil may ginawang kalokohan. Ang sabi po namin sa kanya, darating dito si Guru Maharaj, at eto na nga po kayo; nandito po ang batang ito, ano po ba ang dapat naming gawin sa kanya?
Inabot ng Pagpapala
Ganito ang naging tugon sa amin ng aming Guru Maharaj, ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur: Noong mabighani ng mga Bhattatharis si Kala-Krsna dasa, at nagsimula na itong mambabae, itoy itinakwil na ni Mahaprabhu. Ganun din 4
ako, ayoko na din siyang tanggapin. Subalit iba ang naging desisyon ni Nityananda Prabhu, itoy kinupkop pa Niya, at binigyan ng gawain. Kaya bahala na din kayo sa kanya. Parang nalagay pa kami sa alanganin! At ganito ang pumasok sa isipan ko: Gurudev, ikaw ang siyang lahat-lahat sa amin, ikaw ang pinaka-lider namin, walang-alinlangang ikaw ang aming Panginoon; kung ganoon, kung hindi mo siya tatanggapin, anong silbi para siya ay amin pang kupkupin, kami na mga ginagabayan mo lamang? Itoy isang malaking palaisipan sa amin: Papaano namin siya tutulungan? Kung siya ay iyo namang tinatanggihan? Ganito ang naging sagot niya sa amin, Hindi ko siya matatanggap; pero dapat alagaan din ninyo siya, kayo na ang bahala sa kanya At kami na lang ang dapat gumawa ng paraan. Sa pangyayaring ito, ang bakas ng pagiging matulungin at bukal sa kaloobang pagpapala at habag ay ating mababakas. Dito makikita natin kung saan umaabot ang linya ng bukal sa kaloobang pagpapala at habag na nagmumula sa PinakaSentro, kaya lamang masmatindi ang magiging posisyon nito, tiyak na tatanggihan tayo, at sa ibang departamento tayo ituturo: Doon kayo magpunta sa departamento ng habag at pagpapala; baka sila ang makatulong sa inyo at tanggapain nila kayo Tulad sa isang ospital, sumasama ang loob ng pasyente kapag ganito ang trato sa kanya, Naku hindi po, hindi po namin kayo matatanggap dito . Sa ibang ospital na lang kayo po kayo magpunta. Puno na po kami dito, baka maluwag pa sila doon. At pagkalipat ng ibang ospital, ganito ang matutuklasan mo, Dito, lahat ng pasyente ay tinatanggap. Maluwag pa po kami dito. Sa paraang ito, nakikita nati ng higit na mahabagin ang mga tagapaglingkod, kaysa kanilang Panginoon. Ang bagay na itoy di natin mawawari, hindi kayang arukin ng mga sarili natin. Hindi kayang abutin ng ating isipan.
Pag-ibig at Pagsasamantala
Mula ng mamulat ako sa mga ipinakitang ibat-ibang klase ng pagpapakumbaba nina Krsna dasa Kaviraj Goswami at Vrndaban dasa Thakur, matindi ang naging pagbabago ng isip ko. Noong sinusulat pa ni Kaviraj Goswami ang Sri Chaitanya-charitamrta, matindi ang ipinakitang nitong pagpapakumbaba, ang sabi niya, Pinakamatindi sa lahat ang naging kalagayan ko; dahil higit akong makasalanan kina Jagai at Madhai, masmababa pa ang sarili ko sa uod na nasa tae. At lahat ng makakarinig ng pangalan ko, masisira ang pagkatao; at sinomang babanggit sa pangalan ko, magkakasala ito ganun ako, grabe talaga ang pagiging masama ko. Subalit dahil sa habag ni Nityananda Prabhu, ako ay Kanyang iniahon sa pagkakasadlak sa putikan, at Kanyang dinala kina Rupa at Sanatana, kay Raghunath dasa, at sa banal na lugar ng Vrndaban. Ayaw ko sanang ihayag ito, hindi ko sana dapat banggitin pa ito, na lahat ng itoy natamo kokaya lang kapag hindi ko ginawa, lalabas na wala talaga akong kwentang-tao, walang-utang na loob kay Nityananda Prabhu, magiging traydor ako sa Kanya. Kaya tama lamang na banggitin ko ito, at aminin, lahat ng itoy natamo ko; at ito ay dahil sa habag at awa sa akin ni Nityananda. Lahat ng itoy Kanyang pag-aari, Kanyang pagpapala, dahil kung hindi, wala itong halaga, at balewala rin sa akin. Kaya noong dumudulog si Kaviraj Goswami sa publiko labis itong naging mapagkumbaba, at nakiusap talaga nang husto upang lumapit sila kina Gaura-Nityananda. 5
Subalit kakaiba si Vrndaban dasa Thakur, dahil ganito ang sinulat niya sa kanyang aklat, Taimtim akong nakikiusap at nagsusumamo sa inyong lahat: sana tanggapin ninyo si Nityananda at si Sri Gauranga! Dahil ito na ang pinakamagandang benepisyong makukuha ninyo sa buong buhay ninyo. Ito ang pinagsusumamo ko sa inyo, ipinapakiusap ko sa inyo, kahit isubsob ko pa ang mukha ko sa damuhan sa pakiusap kong ito. Subalit kapag ang pakiusap kong itoy tinanggihan ninyo, at masama pa ang sinasabi ninyo kina Nityananda at Gauranga, sipa ang matitikman ninyo! Sisipain ko kayo, dahil ang mga ganitong klaseng tao ay mga demonyo. eta parihare o ye papi ninda kare tabe lathi maron ta'ra sirera upare (C. Bhag. Madhya 11:63) Sa sandaling ganun pa din ang mga pag-uugali ninyo matapos ninyong marinig ang mga kadakilaan ni Nityananda, at binabastos pa ninyo, tiyak na sipa na sa ulo ang tatama sa makasalanang taong ito. Hinggil sa bagay na ito, maraming ordinaryong tao ang magsasabi ng ganito, Tignan mo itong si Kaviraj Goswami at kanyang mga kasamahan, masyado na nilang pinaliit ang kanilang pagkatao, habang nakikiusap sa mga tao. Ganun din si Vrndaban dasa! Anong klaseng tao ba ito at masyadong mayabang? Ang sabi niya, lahat ng ayaw makinig sa kanyang Gaura-Nityananda ay sisipain daw niya sa ulo. Sisipain daw! Ang yabang, masyado namang hambog ang taong ito talaga bang Vaishnava ito? Ganito ba ang isang Vaishnava? Ang sabi nilay trnad api sunicena, taror api sahisnuna: higit na maging mapagkumbaba kaysa sa isang damo, higit na mapagtitis kaysa isang puno ganitong tao ba ito?
Dahil dito, panibagong landas ang binuksan ni Vrndaban Thakur, ang pagbabanta sa mga taong walang-paniniwala kina Gaura-Nityananda; dahil sa maaanghang niyang pananalita, isang pagkakataon ang kanyang ibinibigay sa mga ganitong klaseng tao, ang mapansin sila ng may tangan ng awtoridad.
kapangyarihan ng Panginoon, at ganap na sa Kanya lamang umaasa, ay may kakayahan din upang makontrol at mabihag ang Nagmamay-ari sa kanila, ang kanilang Panginoon. Alam nating ganito ang batas ng pagmamahalan. Sa India, sa isang pamilya, ang ina ay walang anumang ari-arian, kahit anoy wala siyang pag-aari, kahit karapatan; subalit lahat ay sumusunod at gumagalang sa kanya, tinitingala ng lahat, kaya masmataas ang kanyang posisyon kaysa ama. Ang ama ang siyang may-ari ng lahat ng kanilang ari-arian; ang inay wala, ni walang karapatan, o pormal na karapatan, ganun paman, mayroon siyang karapatan sa ginagalawang lipunan at dahil sa karapatang ito lahat ng mga anak niyay mataas ang respeto sa kanya. Tulad ng sinasabi ng isang bantog na sloka, na nagsasabing ang ama ay masmataas kaysa langit, samantalang ang ina, masmataas sa lupang kanyang tinutuntungan. At ang sabi pa nila, na talaga namang totoo, na ang mga magulang natin ang nagtutulungan sa pagpapalaki sa mga anak, subalit ang responsibilidad ng isang ina ay higit na mataas kaysa ama, kung ganoon ang ibig sa bihin masmataas din ang kanyang dignidad, kaysa ama. Ito ang kalakaran sa varnasrama-dharma: bagamat walang anumang legal na yaman ang isang ina, subalit sa lipunang kanyang ginagalawan masmataas naman ang kanyang moral.
Si Durvasa at si Ambarisa
Nooy nagtatakbo si Durvasa Muni sa Panginoong Narayan upang humingi ng tulong sa Kanya, dahil hinahabol siya ni Sudarsana chakra dahil sa ginawa niyang kasalanan kay Ambarish Maharaj. Ganito ang sinabi sa kanya ng Panginoong Narayan, aham bhakta-parardhino, hy asvatantra iva dvija sadhubhir grasta-hrdayo, bhaktir bhakta-jana-priyah (S.Bhag 9:4:63) O, Brahmin, ang totooy talagang kampi ako sa mga deboto Ko. Hindi naman talaga Ako malaya sila lamang talaga ang inaasahan Ko, hindi na Ako malaya pa. Oo ngat bagamat lahat ng gusto Kong gawin ay malaya Kong nagagawa; subalit dahil sa labis na pagmamahal nila sa Akin, lumiit ang kapangyarihan Ko, parang nawala narin ito. Tungkol naman sa mga deboto Ko, sa laki ng utang na loob Ko sa kanila, hindi Ko maiwasang hindi kumampi sa kanila; Sadhubhir grasta-hrdayo; dahil buung-buong nilunok na nila, ng mga santong ito, ng mga deboto Ko, ang puso Ko. Akoy nilamon na nilang lahat, upang hindi na Ako makapag-isip pa ng iba, at tanging interes na lamang nila ang nasa loob ng puso Ko. Ganito ang naging kalagayan nila mula ng Akoy kanilang paglingkuran. Ang sarap pakinggan ng mga ganitong klaseng pahayag, at itoy tunay naman talagang kahanga-hanga! Ang gusto ni Durvasa Muni ay maging patas ang pagtingin ng Panginoon: Ako po ay isang brahmana, subalit si Ambarish ay isang ksatriya; Akoy isang sannyasi, samantalang siyay isang grhastha, taong may pamilya. Kung dangal lang ang pag-uusapan, masmataas pa ako sa kanya. At dahil brahmanyadeva Kayo, dapat kampi din Kayo sa mga brahmanas. Kung ganoon, ito po ang inaasahan kong gagawin Ninyo, at magiging patas Kayo sa kasong ito. Dahil noong nagpunta si Durvasa kina Brahma at Mahadeva Shiva, sumama lang ang loob niya 8
dahil nabigo siya: Doon ka pumunta kay Narayan, wala kaming magagawa, hindi kami maaaring makialam. At doon nga nagpunta si Durvasa kay Narayan. At ganito ang naging tugon sa kanya ni Narayan: aham bhakta parardhino, Wala Akong magagawa; kampi Ako sa mga deboto Ko!
kabaitan! Iniligtas pa niya ang aking buhay sa reaksyon ng ginawa ko, ang kapahamakan dulot ng ginawa ko! Bagamat ininsulto ko siya, akoy kanyang ginalang pa ng sobra-sobra. Ang Pinakamataas na Hukom Sa mga nagsasabing silay walang-wala, kahit anoy wala, silang nagsasabing hindi sila malaya kundi lubusang naka-depende at umaasa lamang sa Kalubusan, huwag silang mag-alala dahil ganun din sa kanila ang Kalubusan. Ang Panginoong Narayan mismo ang nagsabing bumalik si Durvasa kay Ambarish, na isa Niyang deboto, dahil siya ang magsasabi kung ano ang dapat mangyari dito. Dahil noong pumunta siya kay Brahma, itoy nabigo, ganun din si Mahadeva , nabigo din ito, at kahit si Narayan ay ganito din mismo ang sinabi sa kanya: Kahit Akoy bigo din; dahil isa kang deboto Ko, hindi Ko kayang lumayo sa piling mo. Ikaw ang magpasya, kung ano ang nararapat sa ginawa niya. Ito ang ginawa ng Panginoon, ginawa Niyang hukom ang Kanyang deboto, ang Kanyang alila. Ito ang nakikita natin dito.
11