Filipino Manuscript

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

I.

Panimulang Gawain Bilang panimulang gawain sa aming ulat, napagisipan namin na magkaroon ng mga munting laro upang sa gayoy maganahan ang aming mga kapwang mag -aaral na matuto at makinig sa aming ulat. Kaugnay sa Bansang Singapore, nagsaliksik kami sa internet ang tungkol sa mga tradisyonal na laro ng nasabing bansa. Napag alaman namin na mayaman rin pala sila sa mga kulturat tradisyon tulad na nga lang ng mga laro. Mayroon Silang larong Congkak o Maracas (ang sarili nilang bersyon ng Maracas o Sungka kung tawagin sa atin), mayroon ring gasing na tinatawag naman nating trumpo sa atin, hopscotch at marami pang iba. Gaya ng mga naunang reporters, magkakaroon na naman ng apat na grupo at sisimulahan namin ang laro sa pamamagitan ng paghahanap nila ng mga piraso ng mga larawan. Ang mga larawang hahanapin ng mga kalahok ay mga picture ng mga popular na pook pasyalan at iba pang mga larawan na tungkol sa bansang Singapore. Pagkatapos naman nilang mabuo ito, kailangan nilang dumaan sa isang Skipping rope bilang passport nila sa susunod na parte ng laro. Kailangan nilang tumalon sa lubid ng limang beses habang may nakaipit na walis sa itaas ng kanilang tuhod. Hindi dapat nila ito mahulog habang silay tumatalon. Pagkatapos nitoy dadaan naman sila sa isang pagsubok - bawat grupo ay bubuo ng isang linya at gagaimitin nila ang kanilang mga panyong pantakip sa kanilang mga mata, kailangan nilang mabato ang mga lata at ang grupong makakakatama ng pinakamaraming lata ay siyang tatanghaling panalo. Gumamit kami ng mga larong tradisyonal ng Singapore upang sa gayoy mas madama ng aming mga kapwang mag-aaral ang diwa ng akda. Ang larong Skipping Rope ay nauso sa bansang ito bagamat nahiram ang laro sa bansang Tsina. Ginamit rin namin ang Main Lereng, sa halip na itoy itatakbo, ginawa nalang namin na itatalon ang nakaipit na walis. Ang larong Bola Tin ng Singapore ay amin ring ginamit.

II.

Kaligirang Kasaysayan o Impormasyon ng Bansa Bansang pinanggalingan ng Akda: SINGAPORE Sa araling ito, ating aalamin ang bansa kung saan nagmula ang akdang tatalakayin natin ngayon at ito ang Singapore, isang bansa na matatagpuan sa Timog Silangang Asya. Dito, malalaman natin ang mga importanteng impormasyon tungkol sa bansa at iba pa na batay rin sa nilalaman ng akdang ating tatalakyin. SINGAPORE Opisyal na pangalan: REPUBLIK SINGAPURA (Republika ng Singapore) Kabisera: Singapore Kabuuang Lawak: 693 kilometro kuwadrado Wika: Chinese, Malay, Tamil, English Populasyon: 5 399 200 (ayon sa mga datos ng Kagawaran ng Estadistika ng Singapore)

PAMAHALAAN NG SINGAPORE Parliamentary Constitutional Republic Head of State: Prime Minister (ngayon: Lee Hsien Loong) Ceremonial Head of State: President (ngayon: Tony Tan Keng Yam) Ang termino ng isang pangulo ay nagtatagal sa loob ng anim na taon, ngunit ang nasa legislatura ay nagtatagal ng limang taon. ETYMOLOGY Ang English name na Singapore ay nagmula sa salitang Malay na Singapura (Sanskrit: ), na ibig sabihin ay Lion City. Tanyag ang Singapore sa Merlion at ito ang simbolong pambansa ng Singapore.

KASAYSAYAN NG SINGAPORE May sibilisasyong nabuo sa mga pulo ng Singapore noong ika-2 siglo. Ayon sa isang Griyegong carthographer na si Claudius Ptolemaeus, ang pulo ng Singapore naging importante sa pandaigdigang kalakalan. Dumagsa na rin dito ang mga merkado ng Tsina. Noong ika-13 siglo, tinawag ang kapuluan ng Singapore na Temasik (may iba: Tamasik). Ito ay nagmula sa isang Tsinong manlalakbay na si Wang Dayuan dahil

nakita niya ang populasyong pinaghalong Tsino at Malay na kanyang tinawag na Dan Ma Xi. Ang Singapore noon ay naging bahagi ng Johor sultanate sa kalagitnaan ng ika16 siglo at ng ika-19 siglo. Noong 1613, nasira ang Singapore matapos itong sunugin ng mga piratang Portuges at tuluyang naglaho ang Singapore sa sumunod na 200 taon. Noong 1819 nagkaroon ng kasunduan sina Stamford Raffles ng Britanya at si Sultan Hussein Shah ng Johor na linangin ng British East India Company ang southern coast ng Singapore bilang isang British Trading Post. Sa taong 1826 naging Straits Settlements ito at tuluyan nang naging kolonya ng Britanya ang Singapore a t itoy naideklara noong 1867 bilang Crown Colony of Britain. Kontrolado ng Britanya ang Singapore hanggang 1942. Ngunit dumating ang mga Hapones sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagtagal sila sa Singapore noong 1945. Naging mahirap ang pagkamit ng kalayaan ang Singapore, sapagkat itoy isang napakaliit lamang na lugar. Ngunit sa pagdaan ng mga taon, unti-unti nitong nakamtan ang awtonomiya mula 1955 hanggang 1962. Noong 1962 naging bahagi siya ng Malaysian Federation ngunit hindi sumang-ayon ang mga Tsino at Malay ng Singapore at nagkaroon ng riot. Noong 1965 bumoto ang mga taga isla ng Singapore na makipaghiwalay sa Malaysia at itoy naging Republic of Singapore. Ang Singapore ngayon ay isa sa mga maliliit na nasyon sa buong mundo ngunit nagpapamalas nang kahusayan sa agham, teknolohiya at magandang ekonomiya.

KULTURA, RELIHIYON AT ETNISIDAD

Religions
Buddhist None Muslim Protestant Taoist Catholic

May apat na pangkat-etniko ang mga Singaporeans. Ang Chinese, Malay, Indians, at mga minor ethnic katulad ng Europeans. Pinakamalaki sa kanila ang mga Chinese.

Ang Singapore ay hinirang na melting pot dahil sa dami nitong mga pangkat etniko at kultura na bunsod na rin nang pagkakaiba ng mga pinanggalingan ng mga mamamayan ng Singapore. Singapore is a very diverse and young country. It has many languages, religions, and cultures for a country its size. Due to the many languages and cultures in the country, there is no single set of culturally acceptable behaviours. Singapore, as a country, in general is conservative socially, but some liberalisation has occurred. At the national level, meritocracy, where one is judged based on one's ability, is heavily emphasised.

MGA DAPAT ALAMIN MULA SA AKDA Ang mga sumusunod ay nabanggit sa akda. Ito ay mga importante na malaman sapagkat mayroon itong kaugnayan sa babasahing akda upang mas lalo pang maging pamilyar sa inyo. 1. SUNGEI ROAD o ibig sabihin ay River Road, ito ay isang kalye sa Singapore na noon ay itinalaga ni Stamford Raffles, ang nagtatag nang makabagong Singapore, bilang lugar ng mga mayayamang Europeans at Asians. Dito rin niya hinati ang mga pangkat etniko at kung saan rin matatagpuan ang sikat na THIEVES MARKET. 2. Ang THIEVES MARKET ay ang pinakamalawak at pinakaunang flea market ng Singapore. Dinadayo ito ng mga local at dayuhang turista. Sungei Road Thieves Market is one of the best and most popular flea markets in Singapore among tourists and locals alike. With more than 400 vendors selling everything from vinyl records, cuckoo clocks, tasty food and old cameras to Buddhist amulets and hiking boots, this thriving market has been here since the 1930s and its a real shopping institution in Singapore. Back in the old days, it was the place to go to buy stolen goods hence the origin of its name but today, all the items are legitimate and aboveboard. If youre sick of Singapores stylish air-conditioned malls and want a colourful street market where you can steal a bargain or two, then dont miss this always teeming and exciting flea market.

3. STRAITS-BORN CHINESE: ang mga tauhan sa akda na sina Me-I at Anne ay kabilang sa etnikong PERANAKAN o mga STRAITS-BORN CHINESE. Ang kanilang mga ninuno ay mga Tsino na lumuwas sa Malaya at Singapore. Nakisalamuha sa mga Straits-settlements at doon sila namuhay. Kabilang sila sa Chinese Ethnic group ng Singapore ngunit may sarili silang kultura at kilala sila sa mga maaanghang na pagkain tulad ng NONYA. III. Pagtatalakay sa Teorya Ang teoryang Humanismo ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala sa prinsipyo ng tao. Sa teoryang humanismo, ang pokus ng pagbasa ay nakatuon sa mga saloobin at damdaming inilalahad ng tauhan. Sa pamamagitan nito, itinataas ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran." Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan. IV. Buod at Pagsusuri

May Akda: Si Dr. Goh Poh Seng manggagamot, makata, pinagpipitagan, premyadong manunulat at negosyante, ay may isang aktibong papel sa Singapore pagdating sa sining, at sumusunod sa pagsasarili ng bansa. Siya ay isang tagapanguna ng drama sa Ingles sa Singapore pati na rin ang may-akda ng unang nobelang Singaporean, Kung Mangarap ka ng Matagal. Ito ay nanalo ng National Book Development Council ng Singapore Award Fiction Book sa 1976, at ito ay isinalin sa ibang wika tulad ng Filipino, Russian at Japanese. Siya ay nagwagi ng Cultural Medallion for Literature noong 1982.

Tagapag-salin: Si Ruth Elynia S. Mabanglo (ipinanganak Marso 30, 1949) ay isang propesor sa Center for Southeast Asian Studies sa University of Hawaii sa Manoa. Siya ay ang Coordinator ng Kagawaran ng Hawaiian at Indo-Pacific Language and Literature. Kanyang pinaka kamakailang mga akda ay ng "Balada ni Lola Amonita" at "Ang Balad ng Lola Amonita" in Babaylan: Isang Antolohiya ng mga Filipina at Filipinang Amerikanong manunulat, at nalathala sa pamamagitan ng tiyahin Lute Books sa taon 2000. Ipinanganak sa Maynila kina Fortunato at Miguela Mabanglo, siya ay nakatanggap ng isang degree sa Filipino mula sa University of the East, Language and Literature Master Degree mula sa Philippine Normal College, at Doctorate sa Filipino mula sa Manuel L. Quezon University. Bukod sa pagtuturo sa University of the East, Manuel L. Quezon University, Philippine Normal College, at De La Salle University, siya rin ay isang mamamahayag sa Taliba at Abante. Tauhan Buod Dumalaw si Kwang Meng sa bahay nila Bon Teik, habang naghahanda ng hapunan ang asawa ni Bon Teik na si Me-I kasama ang pinsan nitong si Anne, nag-usap naman sa sala ang dalawang lalaki (Kwang Meng & Bo Teik). Nahalina si Kwang Meng sa pintura ng dingding sa loob ng bahay nila Bon Teik at nagustuhan din niya ang pagkakaayos sa lugar, tunay na naakit si Kwang Meng sa anyo at ayos ng bahay sapagkat kung ikumpara niya ito sa bahay nila,masasabi niyang tila kulungan lang ng baboy ang bahay nila. Sa pag-uusap ng dalawang lalaki, Malalaman na sa pananaw ni Bon Teik, isang guro, ang isang tahanan ay maikukumpara sa kung paano namumuhay ang isang tao. Nababatay ang takbo ng buhay ng tao sa kung paano nito inaayos ang kanyang buhay, tulad din kung paano inaayos ang isang bahay. Mahalagang magkaroon ng direksyon at kailangang pagbutihin ang anumang gagawin at huwag susuko. Para sa kanya, ang lahat ng bagay ay may kahulugan. Kabaligtaran naman nito ang paniniwala ni Kwang Meng na may mga bagay na sadyang walang kahulugan. Ngunit para kay Bon Teik, Depende pa rin sa kung paano tingnan ng isang tao ang isang bagay. Kung palalawakin niya ang kanyang pananaw, matatanto niyang kahit isang kapirasong bagay, ay mahalaga para makalikha ng isang makabuluhang bagay. Dahil sa ayaw na niyang makipagtalo, hindi na niya sinagot si Boon Teik. Kwang Meng (Kapitbahay ni Boon Teik na may negatibong pananaw sa buhay) Boon Teik (Kapitbahay ni Kwang Meng na isang Guro) Mei I (Asawa ni Boon Teik) Anne (Pinsan ni Mei-I)

Pinipilit ipaunawa ni Boon Teik kay Kwang Meng na ang talagang problema ay nasa mga tao, kung paano nila maiisip na gaano man kababa ang kanilang trabaho ay mahalaga parin ito para sa maayos na pagdaloy ng lipunan. Dahil sa matatag pa rin si Kwang Meng sa kanyang paniniwala, nasabi niyang hindi parin naman makapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao ang paggawa sa kanilang trabaho. Sumagot naman si Bon Teik na kung malalaman lang ng mga tao kung ano ang naiaambag ng kanilang pagtatrabaho sa pag-unlad ng lipunan, mahahanap nila ang kasiyahan o kaginhawaan. At mangyayari lamang iyon kung magbibigay ang gobyerno ng libreng edukasyon para sa mga mamamayang upang malaman nila ang bagay na ito. Sa wakas nagkasundo na rin ang dalawa kasabay ng pagdating nila Me-I at Anne mula sa kusina upang tawagin ang dalawa sa hapag kainan, nanatili pa sila roon ng matagal hanggang sa nagpresenta si Kwang Meng na ihatid si Anne pauwi. matapos iyon, napagtanto ni Kwang Meng ang lahat ng sinabi ni Boon Teik. Teorya Ipinapakita rito ang Teoryang Humanismo sa pagkat nakasentro ang akda sa mga tao, nakapokus ito sa sa mga katangian at damdamin ng mga tauhan, sa mga ideya at saloobin nila, dahil dito naitataas ang karangalan ng tao sa akda. Mapapatunayan din sa akda ang teoryang humanismo dahil ipinakita ito ng bahagi ng kagalingan ng tao, tulad nalang ng sinabi ni Boon Teik ukol sa pagkilos ng bawat isa para kumilos rin ang lipunan, Ang kagustuhan nilang makatulong sa lipunan ay tunay na nagpapakita ng kanilang kagalingan. Nakilala din natin ang mga tauhan sa kanilang paraan ng pag-iisip, tulad na lang sa pagtatalo nina Kwang Meng at Boon Teik.

V. Pagsusulit

You might also like