Standard Safety Procedures For Working On Heights

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

STANDARD SAFETY PROCEDURES FOR WORKING ON HEIGHTS

KALIGTASAN SA KONSTRAKSIYON
(MGA GIYA AT KAALAMAN PANGKALIGTASAN PARA SA MGA MANGGAGAWA BAGO MAGSIMULA NG TRABAHO)

Paalala:
Bilang isang manggagawa sa konstraksyon, dapat mong malaman ang kahalagahan ng mga ito: SAPAT NA KAALAAMAN, RESPONSIBILIDAD at KOMUNIKASYON. Kung nauunawaan mo ang mga bagay na nabanggit, siguradong mababawasan, kung hindi man lubusang maiwasan ang panganib na dulot ng aksidente na maaaring humantong sa pinsala, pagkasugat o kamatayan man. Ang kailangan mo lang ay magkaroon ng malinaw at maagap na takbo ng isipan at sentido komon habang gumaganap sa iyong trabaho. Dapat mong isa-isip na mas mahalaga ang makaiwas sa aksidente kesa tiisin ang hapdi at gumamot ng sugat. Makinig at Unawain ang nilalaman ng Lecture na ito para maging giya sa isang ligtas na pagganap sa trabaho.

I. PANGKALAHATAN (GENERAL)
1. Laging ugaliin pag-aralan muna kahit sandali kung paano sisimulan ng tama at ligtas ang gagawing trabaho at umusal ng maikling panalangin bago pa man magsimula. 2. Huwag manghula. Kung may duda na hindi ligtas at hindi alam kung paano sisimulan ng tama ang trabaho, tamang paggamit ng kasangkapan, huwag mag-atubili na magtanong sa Superbisor o Foreman.

3. Kung hindi mo naintindihan ang anumang utos kaugnay sa gagawing trabaho, huwag makipagsapalaranMAGTANONG. Sa pagtatanong walang mawawala at anumang babayaran, pero ang paggawa ng maling trabaho ay maaaring humantong sa kapahamakan o maging mitsa ng buhay at pagkasira ng mga gamit at kasangkapan.

4. Sundin kung ano ang tamang utos o gagawing trabaho. Huwag gumawa ng ibang bagay na walang kaugnayan sa mga trabahong ipinapagawa sa iyo.
5. Basahin at intindihin ang mga paalala at babala sa loob at labas ng jobsite. Huwag babalewalain ang mga ito.

6. Ipagbigay-alam sa Safety Officer/Superbisor o Foreman ang anumang makitang panganib sa loob at labas ng jobsite na maaaring magdulot ng kapahamakan.
7. Tumulong na panatilihing malinis at masinop ang loob at labas ng jobsite. Ang malinis at maayos na kapaligiran ay madaling makaiwas sa aksidente. 8. Alisin o pukpukin ang anumang makitang nakausling matulis na pako o bagay sa mga daanan. Maaaring isa ka sa mga makakaapak nito.

9. Huwag hayaan na may butas na walang takip at maaaring may mahulog at masaktan. Ipagbigayalam agad ito sa superbisor o foreman.
10.Kung may mga bagay bagay na kailangan buhatin, huwag pilitin buhatin mag-isa, humingi ng tulong sa kasamahan. 11.Huwag magbibiro o makipagbiruan sa kapwa trabahador sa oras ng trabaho lalo na kung nasa itaas na bahagi ang kinalalagyan. Maaaring magdulot ito ng sakuna o aksidente.

12.Huwag magtrabaho sa mataas na bahagi kung nanghihina o nahihilo o mas mabuting magpaalam sa superbisor o foreman para tumigil sa trabaho.
13.Ang apoy ay delikado at maaaring pagmulan ng sunog o sakuna. Kung maninigarilyo, lumabas ng jobsite at lumayo sa mga bagay na madaling dilaan ng apoy. 14.Huwag gagawa ang isang delikadong hakbang na walang kaugnayan sa trabaho na maaaring magdulot ng aksidente sa sarili at sa kasamahan sa trabaho.

15.Huwag pupunta o lalapit sa isang umaadar na aparato o makinarya kung walang pahintulot o hindi autorisadong pumunta o lumapit sa kinarororonan nito.
16.Doblehin ang pag-iingat kung ang kapaligiran ay basa. Iwasan maglakad o dumaan sa mga madulas na lugar. 17.Ibuhos ang konsentrasyon at isipan sa ginagawa habang nagtatrabaho. Huwag mag-iisip ng mga personal na probema o mga imahinasyon na walang kinalaman sa trabaho.

18. Huwag magtatapon o maghuhulog ng anumang bagay (materyales o basura) sa ibaba. Siguruhin na lahat ng bagay galing sa itaas ay idadaan sa tamang lugar na hindi magdudulot ng aksidente. 19. Huwag makikipagbatuhan sa kapwa trabahador ng anumang bagay lalo na kung nasa mataas na bahagi o lugar.

II. HAGDANAN (LADDERS)


1. Huwag gumamit ng hagdanan na mali o hindi tama ang pagkakagawa. Huwag umakyat sa isang hagdanan na hindi pantay ang pagkakatayo o nakatayo sa isang malambot o marupok na bagay. 2. Siguruhin na pantay ang itaas at ibabang dulo ng hagdanan para ligtas na apakan ito. Dapat ay mayroon isang metro (3) lagpas ang itaas na dulo ng hagdanan sa sinasandalan nito.

3. Kung hindi pantay at hindi matatag ang pagkakatayo ng hagdanan, kailangan may tagahawak para hindi gumalaw habang may naka- puwesto sa itaas nito.
4. Hanggat maaari, iwasan ang paggamit o pagpuwesto ng hagdanan sa may bandang pintuan at mga lugar na madalas daanan ng tao para maiwasan ang aksidente. 5. Kung gagamit ng hagdanan, siguruhin na ito ay suportado ng lahat ng ibaba at itaas na mga dulo nito para matatag ang pagkakatayo.

III. PAGGAMIT NG MATERYALES (HANDLING MATERIALS)

1. Kung magsasalansan/mag-iimbak ng mga gamit/materyales, siguruhin na nakalagay ang mga ito sa isang patag, pantay at ligtas na lugar para maiwasan ang aksidente. 2. Kung kukuha ng materyales galing sa pagkakasalansan, magsimula sa ibabaw huwag sa ilalim para maiwasan ang pagguho ng salansan. 3. Iwasan magsalansan ng mga materyales sa mga kanto ng gusali o lugar na malapit sa mga daanan na maaari itong gumuho at may malaglagan at masaktan na mga dumadaan..

4. Tumingin sa dinadaanan habang naghahakot o may dalang materyales. Iwasan ang mga bagay na maaaring makatisod sa iyong mga paa at maging sanhi ng aksidente. 5. Magandang ugaliin, ang paghahakot ng mga materyales papasok sa gusali na dumadaan sa alanganing lugar paakyat ay hindi naiiwasan, siguruhin na may maayos na daanan paakyat at gumamit ng safety belts kung kinakailangan. 6. Hindi ligtas, Kung nagbubuhat at naghahakot ng materyales na mahahaba at may mga nakausling bahagi, siguruhin na walang sagabal o tao sa dinadaanan na maaaring mahagip o masabitan.

IV. KAGAMITAN PROTEKSYON SA TRABAHO (PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT)


1. Ang mga kagamitan tulad ng Safety belts, safety helmets, protective goggles, industrial gloves, dust mask at mga katulad na uri ay para sa inyong proteksyon at kaligtasan habang nagtatrabaho. Gamitn ang mga ito ng ayon sa tama at wastong paggamit. 2. Bago magsimula sa inyong trabaho, ihanda muna ang lahat ng kakailanganing PPE o Personal Protective Equipment. Lumapit sa inyong Supebisor o Foreman kung kulang sa mga nabanggit na bagay. 3. Kung gumagamit ng Safety Belt o Harness kailangan nakakabit o naka-ankla ito sa isang matibay na lalagyan o sabitan.

4. Suguruhin na ang mag ginagamit na PPE o protective equipments ay maayos at komportable na nakakabit o nakasuot sa inyong katawan at ulo.
5. Huwag tatanggalin ang inyong hard hat sa inyong ulo hanggat di nakakasiguro na ligtas kayo sa anumang bagay na maaaring bumagsak galing sa itaas na bahagi ng inyong pinagtatrabahuhan.

6. Siguruhin na ang mga ginagamit na PPE o Personal Protective Equipment ay maayos at hindi sira. Papalitan agad ang mga ito kung may depekto.

V. MGA KAGAMITAN/KASANGKAPAN PANTRABAHO (TOOLS AND EQUIPMENT)


1. Gamitin ang kasangkapan na naaayon sa tama at ligtas na paggamit nito. Lahat ng kasangkapan sa trabaho ay maaaring pagmulan ng sakuna o aksidente kung hindi tama ang paggamit nito. Gamitin lamang ang mga ito ng tugma sa dapat paggamitan. 2. Huwag gagamit ng isang kasangkapan kung hindi alam kung paano ito gamitin. 3. Kung nasa itaas o paakyat na bahagi ng gusali, ilagay ang mga ginagamit na kasangkapan sa ligtas na lalagyan o sa bag para hindi mahulog.

4. Ugaliin laging naka-off ang supply ng kuryente kung hindi ginagamit o kung tapos ng gamitin.
5. Huwag sasakay o sasabit sa hoist bucket o sa lifting cable/chain ng mobile crane o tower crane. 6. Kung may hinihila o hinahatak na paakyat, siguruhin na walang tao sa likuran.

7. Huwag pupuwesto o tatayo sa ilalim ng mga kargada lalo na kung mabibigat. 8. Iwasan mag tap o mag tamper sa mga kuneksyon ng elektrisidad lalo na kung walang alam dito. 9. Siguruhin na may sapat na balanse ang iyong katawan bago gumamit ng kasangkapan (Equipment/tools) lalo na kung nasa mataas na bahagi ng gusali.

SAFETY IS EVERYBODYS RESPONSIBILITY

You might also like