Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Page 1 of 5 Ang Sala ng Paglimot

Ang ugat ng kasalanan ay paglimot. Sa harap ng pagsasakahulugan ng lahat ng bagay sa piling ng Ama, ang pagtalima sa tawag ng tukso ay maaari lamang maganap sa galaw ng paglimot. Tanging nasa galaw ng paglimot nagkakaroon ng lugar upang magkasala dahil kung lubos nating naalala ang galaw ng pag-ibig ng Diyos na Manlilikha, nagiging absurdo ang pagkiling sa makamundong nilikha. Ang gandang natutuklasan sa mundo, tulad ng makamundong saya na naidudulot ng yaman, kapangyarihan, at karangyaan, ay tiyak na lumilipas: nalalanta ang mga bulaklak, nabubulok ang sariwa, nangungulubot ang kutis, at nasasawi ang pagsinta. Walang dahilan ang taong nakaaalala upang kumiling sa mundong lumilipas kaysa sa Diyos dahil alam niyang minamahal siya ng Lumikhang hindi lumilipas. Sa katunayan, ang nag-uumapaw ang pagmamahal ng Diyos ang dahilan kung bakit natututo tayong ipagkaloob ang parehong pagmamahal na ipinagkakaloob sa atin sa kapwa nating nilikha. Sa paglimot, nakakalimutan nating higit ang mga tao at bagay sa ating mundo kaysa sa pagpapahalaga ng ating sarili. Halimbawa, ang idolatriya mula sa salitang eidolon na maisasalin bilang larawan at latreia na maisasalin bilang pagsamba ay isang paglimot na ang Diyos ay hindi maikakahon sa isang imahen o larawan, na ang Diyos ay incomprehensibilis, higit sa ating mawawari bilang nilikha, at na ang Diyos ay higit sa mga pangalan at imaheng iginagawad natin sa Kaniya na Siya at hindi Siya ang ulap at apoy na nagsilbing gabay kina Moises sa disyerto1, na Siya at hindi Siya ang hanging bumulong kay Elijah sa kuweba2. Sa idolatriya, sinusubukan nating hawakan ang Diyos at ipasok siya sa ating pag-uunawa. Ang kasalanan ay matatagpuan sa paglimot na hindi epistemolohiko ang galaw ng paghahanap sa Diyos kundi isang galaw ng pakikinig sa isang tawag at pagtugon. Ang kasalanan ay nasa paglimot
1 2

Exodus 13:21(NAB) 1 Kings 19:12-13 (NAB)

Page 2 of 5 na tayo ay nilikha kaya hindi natin kailanman maipapasok sa ating pag-uunawa ang Lumikha dahil hindi natin siya mahihigitan. Ang kasalanan ay nasa paglimot na mahalin ang Diyos; ang galaw ng pagmamahal na mapagparaya ang kinakailangan upang matanto natin na ang Diyos ay Ibang Iba. Tulad ni Moises na naghahanap ng pangalan ng Diyos, dapat nating maintindihan ang pagpapakilala ng Diyos bilang Ako ay Ako3 na nangangahulugang ang Diyos ay natatangi sa Kaniyang kabuohan at hindi pag-aangkop ng pangalan ang nararapat na tugon sa Kaniyang tawag kundi ang tugon ng pagmamahal na lumulundag nang walang kasiguraduhan patungo sa tawag ng Diyos. Ang galaw ng paglimot ay talamak sa ating pang-araw-araw na buhay, pati na rin sa ating karanasang relihiyoso. Kung titingnan ang ating karanasang relihiyoso, makikita natin na hindi lamang nakaugat sa karanasan ng buhay4 ang karanasang relihiyoso, kundi pati na rin sa banal na mga kasulatan at sa komunidad na bumubuo sa Simbahang nananampalataya at nagpapakahulugan sa nilalaman ng mga kasulatan. Habang umuusbong ang komunidad, patuloy niyang binibigyang kahulugan ang banal na kasulatang patuloy na nabubuhay sa paglalapat ng komunidad ng nilalaman nito sa patuloy na pagiging ganap5 ng komunidad. Sa ganitong ugnayan ng komunidad at ng kasulatan, nananatiling bukas sa pagbabago ang kasulatan, ngunit sa ganitong ugnayan din nagkakaroon ng lugar upang umiral ang pagkalimot. Tatlong tanong ang uusbong mula sa huling punto ng talakayan: paano nakalilimot, paano malalaman kung tayo ay nakalilimot, at ano ang nalilimutan natin? Kung tutuusin, napakanatural para sa tao ang lumimot. Habang tumatagal, nakaliligtaan natin ang mga naganap sa ating nakaraan. Lumilipas ang mga pangalan, tinatangay palayo sa ilog ng ating alaala ang mga matagal nang naganap, minsan, tayo mismo

3 4

Exodus 3:14 (NAB) Lived experiences 5 Becoming

Page 3 of 5 ang bumabaon sa mga bagay-bagay sa limot. Sadyang hindi kayang tutukan ng tao ang lahat ng bagay nang sabay-sabay; may mga hindi bagay siyang pinagtutuonan ng pansin kaya may mga bagay na nababaon ng kaniyang pinapansin. Ang mga nababaon at natatabunan ang siyang mga nalilimutan. Kahit pa malinaw ang natural na limitasyon ng tao, hindi pa rin niya maipagkakaila ang halaga ng mga bagay na nalimutan. Silang nalimot ay katuwang nilang mga naaalala. Ang mga bagay na hindi napapansin ay kasama pa rin sa kabuohan. Ang galaw ng paglimot ay nagsisimula sa alaala na siya namang nagsisimula sa mismong karanasan. Sa mismong karanasan, napakalinaw ng mga pangyayari. Habang isinasaalaala ang mismong karanasan, nailalagay ito ng tao sa mga kategoriya ng kaniyang pag-uunawa. Sa prosesong ito ng pagsasaalala nagsisimula ang pagkalimot. Habang inilalagay sa mga kategoriya ng pag-unawa ang karanasan, nawawala ang kabuohan ng diwa ng karanasan dahil hindi sapat ang ating mga kategoriya ng pag-uunawa upang hulihin ang mismong karanasan. Parang sa pagtukoy sa lasa ng tsokolate, halimbawa. Maari nating sabihing matamis ito o na may kaunting pait, maaari rin nating sabihing tulad ito ng pagkakaroon ng isanglibong anghel sa ating bibig, at maari natin itong ihalintulad sa ibang matatamis, ngunit hindi natin maipapahayag ang lasa ng tsokolateng napakapartikular at napakatiyak sa ating karanasan. Ito ang hangganan ng wika, ng mga kategoriya ng ating pag-uunawa. Unti-unti, sa paglabo ng karanasan sa pagsasaalala natin gamit ang mga kategoriya ng ating pag-unawa, nahuhulog tayo sa isang pagkalito. Tulad nung nangyari kay Eba noong tinanong siya ng ahas kung aling prutas ang bawal kainin at sinabi niyang yung prutas nung puno sa gitna dahil nakalimutan niyang dalawa ang puno sa gitna ng hardin at ang bawal niyang kainan ay ang Puno ng Kaalaman ng Mabuti at Masama6, tayo rin ay nahuhulog sa

Genesis 3:3

Page 4 of 5 pagkalito. Sa pagkalitong ito natin nabibigyang lugar ang tuksong umaaya sa atin patungo sa kasalanan. Kung gayon ang galaw ng paglimot patungo sa kasalanan, nagkakaroon ng pangambang hindi tayo makatakas sa galaw ng paglimot at pagkakasala. Paano nga naman ba natin maaalala ang mga bagay na nalimutan nga? Maaari nating maalala ang mga bagay na nalimungtan na dahil may palatandaang iniiwan sa atin: ang tanda ng pagmamahal ng Diyos na mahahanap natin sa lahat ng nilikha. Sa harap ng pagkalimot, tumataginting ang palatandaan ng pag-ibig na patuloy na ipinahahayag ng Diyos na walang hanggan. Ito ang parehong pag-ibig na nagtutulak sa ating gawin ang kabutihang alam natin (mula sa ating konsiyensiya), at ito rin ang pag-ibig na nagtutulak sa ating tumugon sa Kaniyang tumatawag sa atin. Nakikita ang palatandaang ito sa harap ng kasalanan-ng-mundo7 at ng konkupisensiya, sa mismong banal na kasulatang nagpapahayag ng mistikal na wika ng Diyos at sa komunidad na tinatawag niyang maging propetang tagapaghayag ng Mabuting Balita: na tayo ay minamahal at tinatawag upang magmahal. At kung tayo ay tinatawag upang magmahal, lahat ng uri ng karahasan, kawalangkatarungan, at kasalanan ay lumilitaw bilang radikal na iba, bilang mga bagay na kailangang talikdan. Ang gumigising sa ating mahimbing na paglimot ay ang pag-ibig ng Diyos na sumasaibayo at tumatawag sa ating umibig tulad Niya. Ang hamon, kung gayon, ay gumising at manggising ipaalala ang tanda ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagmamahal. Sa harap ng pagbabalik sa alaala, kinakailangan nating tumingin upang tukuyin kung ano ang nakalimutan na. Maaaring tingnan ang karahasang nagaganap sa pagpapahalaga ng tao sa kalagayan sa lipunan, sa diskriminasyon sa lahi, pati na rin sa kasarian.

Sin-of-the-world

Page 5 of 5 Makikita natin na sa kahit sa Simbahan, talamak ang pagkalimot. Nalilimutan nating ang lahat ng bagay ay nagmumula sa at patungo sa kaisahan kaya nahuhumaling tayo sa pagpapahalaga sa kaibahan. Sa pagpapahalagang ito, nagagamit ng komunidad ang mismong teksto, ang banal na kasulatan, bilang isang kasangkapan upang itaguyod ang isang sistema ng pagbubukod sa halip na isang sistema ng pagbubuklod. Malinaw nating nakita, halimbawa, ang diskriminasyon sa kababaihan sa pakikilahok sa Simbahan sa kadahilanang patriyarkal ang pagkakabuo sa banal na kasulatan. Isang malaking kahibangan ang ganitong uri ng pagbubukod! Unang una, nagiging insulto sa matalinghagang katangian ng teksto ang pagsasaliteral ng mga imaheng ginagamit nito. Ang pagsasaliteral ng mga imahen ay hawig sa pagkamit ng idolatriya dahil kinalilimutan ng mga umiintindi sa isang literal na paraan na sumasaibayo ay tinutukoy ng imahen sa mismong imahen. Tulad ng sinasabi ng tula ni Levertov, ang kawalang-kakayahang tumingin lagpas sa imahen ay nagdudulot ng isang kawalang-kakayahang tukuyin ang mismong mensahe ng imahen na higit sa imahen mismo. Hindi si Kristo o ang puno hindi nagbunga ang siyang nangangawawa sa pagsasaliteral ng talinghaga, ngunit silang hindi na tumitingin lampas sa talinghaga, dahil para sa kanila mismo ang mensaheng hindi nila makita-kita. Bukod pa sa pagkalimot sa pagkamatalinghaga ng banal na kasulatan, nililimot din ng sistema ng pagbubukod ang mensaheng ipinapahayag ng buhay ni Kristo: ang mensahe ng pagbubuklod bunga ng pagmamahal. Kahit ang pagkiling ni Kristo sa isang uri ng tao sa lipunan (silang tinatalikuran) ay bunga ng kaniyang pagtugon sa pangangailangan ng katarungan, isang propetikong galaw na nagsisilbing tanda ng pagmamahal ng Diyos. Ang pag-ibig ang siyang nagtatali at tunay na nagbibigay-kahulugan. Humayo kayo at alalahaning kayo ay minamahal at tinatawag upang magmahal. Ika nga ni San Juan dela Cruz, A la tarde de la vida, te examinaran del amor. (On the evening of our lives, we will be judged based on love.)

You might also like