Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Karmina Santos 1Bio3 Takdang-aralin 1.

Halaw ng isang sanaysay na pangkatuturan:

Nobyembre 26, 2013 Filipino

Ang Islam ay ang relihiyon at panuntunan sa buhay na sinusunod ng mga Muslim. Ang Islam ay salitang Arabic na nangangahulugang pagsuko na mula naman sa salitang-ugat na salam na nangangahulugang kapayaan. Ang ibig sabihin nito sa panrelihiyong kahulugan ay ganap na pagsuko sa kalooban ni Allah. Naniniwala sila sa mga katotohanang ipinahayag ni Allah (Dakilang Lumikha) sa pamamagitan ng kanyang mga propeta sa ibat ibang bansa. Ang Quran naman na katumbas ng Bibliya sa mga Kristiyano ay isang talaan ng mga salita ni Allah na ipinahayag kay Propeta Muhammad, ang itinuturing nilang huling propeta.

Sanggunian: Tungo sa Pang-unawa sa Islam at mga Muslim ni Khalid Evaristo www.whymuhammad.com/ph

2. Halaw ng isang sanaysay na nagpapaliwanag: Ang pananaw Humanismo ay nakapokus sa sangkatauhan at pagpapahalagang pantao, nagbibigay-diin sa kalayaan ng taong magpasya, at pagkilala sa tao bilang superior sa lahat ng nilalang Naniniwala ang mga humanista na nag tao ang sukatan ng lahat ng bagay kayat mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahyag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang Panginoon ng kanyang kapalaran.

Sanggunian: Ang Pananaw Humanismo nina Alma M. Dayag at Emily Marasigan; mula sa Pluma IV: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan

3. Halaw ng isang sanaysay na naglalarawan: Sabado noon at mag-iikapito ng gabi. Si Andres Talon, na isang mahirap na estudyante, ay kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang kinainan sa isang ladies dormitory, sa isang unibersidad sa Amerika. Ito lamang ang paraan upang makapagpatuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo ng medisina. Nakatali sa kanyang

baywang ang isang tapi at nakalilis ang mga manggas ng kanyang kamisadentro. Nangingintab sa pawis ang kanyang kayumangging mukha. Ang bula ng sabong nakabalot sa kanyang mga matipunobg bisig ay halos umabot sa siko.

Sanggunian: Timawa ni Agustin C. Fabian

4. Halaw ng isang sanaysay na nagsasalaysay Ang Himpilang Pangkaragatan sa Subic ay itinayo ng mga Espanyol noong taong 1885 at ginamit nilang himpilan hanggang 1898. Pinamahalaan naman ito ng mga Pilipino noong taong 1898 hanggang 1899. Ang abnsang Estados Unidos naman ang gumamit nito mula noong taong 1899 hanggang 1992. Noong Marso 14, 1947, pinirmahan ng Amerika at Pilipinas ang Military Bases Agreement kung saan nakasaad na ang kasunduan ay may bias sa loob ng siymnaput siyam na taon.

Sanggunian: Alam mo ba? Gapo nina Alma M. Dayag at Emily Marasigan; mula sa Pluma IV: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan

You might also like