Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pebrero 6, 2014 Patrick Plandiano Rehente ng mga Mag-aaral, Lupon ng mga Rehente Rizal Technological University Mahal na G.

Plandiano: Ang Federation of Student Governments (FSG) ay magsasagawa ng kanilang ikalawang Pangkalahatang Pagtitipon sa Pebro 14-17, 2014 na may temang Iisang Layunin. Iisang Hangarin. Iisang Patutunguhan, sa Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, kampus ng Taguig. Kaugnay nito, buong karangalan namin kayong inaanyahang maging bahagi ng palatuntunang ito bilang panauhing pandangal at tagapanayam. Bilang tagapanayam, maari po ninyong ipahayag ang inyong tindig hingil sa mga isyung pag-uusapan. Ang inyong presensiya ay inaasahan sa Pebrero 14, 2014, ganap na ika-10 ng umaga. Isang malaking kaluguran po sa amin ang pagpapaunlak ninyo sa aming paanyaya. Inaasahan po namin ang inyong maagap na pagtugon sa imbitasyong ito. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Drexler Alcones Pangulo

Km. 14 East Service Road, South Superhighway, Eastern Bicutan, Taguig City

You might also like