KAPAYAPAAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KAPAYAPAAN

Nasaan nga ba ang kapayapaan? Ano nga ba ang kapayapaan? Ang kapayapaan ay hindi makikita kung saan, ito'y isang mithiin. Mithiin na dapat isadiwa ng bawat isa. Ang kapayapaan ay ako, ikaw at tayo. Saan nga ba dapat nagsisimula ang kapayapaan? Hindi ba't sa atin din? Kaya't tayong lahat ay ang susi sa pagkamit ng kapayapaan na ating inaasam-asam. Kung ang bawat isa ay marunong umunawa, rumespeto at magmahal tiyak ang ating mithiin ay lubos nating makakamit. Unawain ang pagkakaiba natin, mula sa relihiyon, tradisyon, at kultura. Pagkakatandaan tayo ay iisa, ginawa ng Maykapal na pantay-pantay walang nakakalamang walang mas nakakababa.Matutong gumalang hindi lamang sa mga nakakatanda kundi sa buong taong iyong nakakasalamuha. Galangin ang bawat opinyon dahil ang bawat tao sa mundo ay may karapatang ibigay ang kanikanilang pananaw sa buhay. Sa pagmamahal, nararapat na mahalin muna natin ang ating mga sarili sa gayo'y maipapadama rin natin sa iba ang pagmamahal na nagagawad din natin sa ating mga sarili. Sanay isaisip muna natin ang bawat kilos na ating ginagawa. Hindi lamang para sa kapakanan ng ating mga sarili kundi sa kapakanan din ng iba. May panahon pa upang magbago. Mahalin ang sarili at huwag maging sakim tiyak kapayapaan para sa lahat ang makakamit. 1. Ano ang kapayapaan?Saan ito nagmumula? 2. Bakit mahalaga ang kapayapaan? 3. Paano makakamit ang kapayapaan?

You might also like