Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 66

TAKBO

Sinulat ni: Junie Angeles Migi Castro Joshua Chua Jody Sarmiento 4-G

PROLOGO *Taon: 2021*

Tumatakbo. Pinapawisan. Umuulan. Ang aking isip ay bumalik sa realidad at tumakbo ako kaagad. Hindi ako isang atleta pero hindi ako puwedeng magmabagal sa mga oras na ito. Sadyang may sarili nang pag-iisip ang aking mga paa. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Kumukulo ang aking dugo. Habang tumatakbo ako sa padilim na liwanag na sadyang hindi ko na makikita kahit kalian, napaisip ako sa mga pangyayari na nag dala sa akin dito. At napaisip ako kung paano ko mababaligtad ang lahat.

*Taon: 2012 (9 na taon sa kasalukuyan)*

Bumaba ako sa aking duyan nang makakita ako ng isang banyagang babaeng lumalapit sa akin. Tumingin ako sa kanya at ang mga mata ko ay naagawan ng pansin dahil sa kanyang kulay dilaw na buhok. Buong buhay ko, hindi ako nakakakita ng ganyang kulay ng
! "!

buhok. Pero namumukhaan ko siya sa klase. Para siyang isang patak ng gatas sa isang malaking basong puno ng pulot pukyutan habang kami ay nasa eskwulahan. Hindi kasi ako sanay sa kulay ng kanyang balat. Napakaputi. At ang kanyang mga mata ay kulay bughaw na magkasing kulay ng mga karagatan. Dahil sa mga obserbasyon na ito, ay nakatitig lang ako sa kanya ng matagal. Kamusta! Gusto mo maglaro ng habolhabulan? Habol-habulan? nahihiyang aking tinanong. Oo, at ikaw ang taya! sabi niya at pagkatapos ay tinapik ang aking balikat. Sa isang kislap, bigla na lang siyang naglaho. Kahit ako pa rin ay naguguluhan sa mga pangyayari ay nakisali nalang ako at naglaro kami.

Ang pangalan mo ay Paolo hindi ba? sinabi ng babae habang siya ay hinihingal. Ah.. oo. Paano mo nalaman? aking sinabi kahit na mas malakas ang paghingal ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ako isang taong magaling sa atletiks kahit ako ay nung bata pa. Dahil. nangingibabaw ka sabi niya. Huh? Ano ang ibig mong sabihin?
#! !

Ah Huwag mo nang intindihin yun. Palatawa niyang sinabi. Ang pangalan ko nga pala ay si Natasha! Masayang makilala ka! Masaya ring makilala ka. Hindi ko inakala na ang insidente na ito ay magbabago ng aking buhay para sa mabuti at masama.

Mag-ingat kayo! Sige po inay! Lumabas ako sa aking bahay at naglakbay papunta sa aking paaralan. Ang paglalakad papunta sa aking eskwelahan ay ang pinaka paborito kong parte ng aking araw. Ang masarap at malamig na simoy ng hangin kasama ang sinag ng araw ay nang-eenganyo sa akin na lumakad nalang papunta sa paaralan. Pero, isa sa mga pinaka-ayokong nangyayari sa mga umaga na ganito ay ang mga taong nang-aapi sa akin. Parang sanay na ako na may tumatawag sa akin. Hoy, Totoy! Nagulat ako sa aking narinig at madaliang akong tumalikod. Musta, Leo!
! $!

Lagi kong kinaiinisan na akoy tinatawag na Totoy. Pakiramdam koy ako ay tinitingnan ng mababa. Nakita kita sa park at may kasama kang babaeng kulay dilaw ang buhok. So sa tingin mo astig ka na, noh? Ewan ko. Hindi ko naman masyadong kilala yun eh. Dapat hanggang doon lang maabot mo. Heh, parang may sasama sa iyo na babaeng maganda. May sinasabi ka ba? Tingnan mo nga sarili mo sa salamin. Pagkatapos pagmasdan mo siya. Ang laki ng pagkakaiba hindi ba? palatawang sinabi ni Leo. Hindi kami nagkakaiba. Ano ba pinatutunayan mo? alanganin kong sinabi. Aminin mo na kasi. Hindi ka niya gus naputol an gang pagsasalita ni Leo. At paano mo malalaman kung sino ang gusto ko at hindi ko gusto? sabi ni Natasha, na lumabas na lang kung saan. Ah..ang ibig kong sabihin ay.. iba kayo medyo. Pahinto-hintong pagbibigkas ni Leo.

%! !

So dahil sa iba kami ay ayoko ko na sa kanya? matalas na sinabi ni Natasha. Sa tingin ko lang kasi hindi mo siya magugustuhan Panu kung sinabi ko sa iyo na gusto ko siya? Teka anu sinabi niya? binulong ko sa aking sarili. Isa ko siyang mabuting kaibigan. sabi ni Natasha. Ah, yun pala ibig sabihin niya. Ikaw naman, isa kang walang kwenta at walang mapapalang tao sa mundo at sigurado akong hindinghindi kita magugustuhan kahit kalian. Ang mga salita ni Natasha ay parang kinagat ang leeg ni Leo. Dalawang salita lang ang sinabi ni Leo, Bahala kayo. At galit na umalis, dahil siya ay natalo. Uh.. salamat! sinabi ko ng pagkamangha. Walang anu man. Malaking epal lang yung taong yun. Alam mo ba katabi ko lagi yun sa klase at walang ginagawa kung hindi mag mayabang sa kanyang mga parangal. Pagkairitang sinabi ni Natasha.

&!

Alam mo ba, lagi niyang pinagmamayabang ang kanyang mga parangal pero hindi siya nakapagsalita sa akin kanina. ani ko. Sa tingin ko may kinalaman ito sa aking pagharap. Malumanay na sinabi ni Natasha. Ano ang ibig mong sabihin? tinanong ko dahil sap pag-alala. Ito ay dahil naiiba ako sa mga tao rito, hindi ba? Tingnan mo lang ang buhok ko! Wala man lang akong kamukha sa klase. Sa tingin ko hindi dapat ako nasa tamang lugar Ani ni Natasha. Ang laki ng pagkakaiba ng kanyang pagsasalita kanina kaysa sa ngayon. Ako rin, naiiba ka talaga. Pero, sino baa ng may paki kung naiiba ka? Lahat ng tao ay naiiba sa kanilang sariling pamamaraan. At wala naming kinalaman ang iyong anyo sa iyong pagkatao! Salamat naman, mukhang napangiti ko siya sa aking mga sinabi. Ang kanyang pakiramdang masama ay nawala at bumalik siya sa kanyang dating sarili. Sa tingin ko tama ka, naiiba ka rin naman sa kanila eh. Huh, paano naman? sabi ko. Mas mabait ka kaysa mga kaklase natin

'! !

Nagtawanan kami at tumakbo kami papunta sa aming paaralan.

Bago kayong umalis lahat, gusto ko lang ipahiwatig sa inyo tungkol sa ating talent show sa susunod na Sabado! Paalala lang, pwede kayong magpresenta ng solo o duet. sabi ni Mrs. Odelot. Pero halos walang nakarinig sa kanya dahil sila ay nagmamadaling lumabas sa kwarto. Malapit na matapos ang araw, sobrang pagond na pagod at wala akong magawa. Ang aking pangunahing layunin ay umuwi na at matulog. Naantok akong naglalakad ng maabutan ako ni Natasha. Uy, Sali tayo! bulong niya. Teka, wala akong kahit isang talent. Hindi, meron ka niyan, sigurado ako. Anu ba ginagawa mong pampalipas-oras. Ano baa ng mga ginagawa mo? Minsan, nagigitara ako, pero sa tingin ko hindi pa rin ako magaling Tingnan mo, mayroon kang talent sa pagigitara! masaya niyang sinabi. Pero hindi naman ako magaling pagkasabi ko ng kompiyansa.
! (!

Ako ang magdedesisyon nun. Punta ka sa bahay ko pagatapos ng klase natin. At pagkatapos ipakita mo sa akin kung gaano ka kagaling maglaro. Sabi niya O, Sige pupunta ako pero huwag kang umasang maganda ang gagawin ko. Nagdadalawang isip kong sinabi.

Wow ang laki naman ng bahay mo! Malayo pa lang kami at nakikita ko na ang bahay niya. Sa tingin ko hindi dapat bahay ang tawag diyan, dapat mansyon. Oo ang tatay ko ay may kompanya sa Poland. Nagpapadala siya ng pera kada buwan para sa amin ni mama. Hindi niyo kasama ang tatay mo ditto sa Pilipinas? tanong ko. Hindi, umalis siya noong buntis pa ang aking ina. Oh, ikinalulungkot kong marinig yun. Ok lang yun, matagal ko nang naitakwil yung. Pero binibigyan pa naman kami ng pera kahit wala siya

)! !

rito. Tama na tungkol dun, lika, kain tayo. Masagana niyang sinabi.

Sige nga, ipakita mo sa akin ang makakaya mo! Kinakabahang kong kinuha ang aking gitara mula sa kanyang lalagyan. O ano ang gusto mong itugtug ko sa gitara? Hmmm ikaw nalang kaya pumili. Sige tutugtugin ko nalang ang Alapaap, gawa ng Eraserheads. Tinugtug ko ang unang kanta na natutunan ko sa gitara. Natural na gumagalaw ang aking mga daliri na parang regular na sa akin ito. Naramdaman ko ang kanta pero sadyang di ko lang marinig ang sinasabi nito. Tinapos ko ang pagtugtog ko sa isang malakas na strum. So ano sa tingin mo? kinakabahan kong tinanong. Nakabuka lang ang kanyang bibig. Hindi siya makapagsalita. Ang GALING. Siguradong mananalo tayo niyan sa paligsahan!

*!

Seryoso? Ganun kagaling? Hindi lang magaling, yun ang pinakamagandang pagtugtog ng gitara na narinig ko. sigaw niya. Nako, binobola mo lang ako, pero salamat na rin. Eh, ikaw anu naman ang iyong talent Natasha? Hindi ako nagmamayabang pero, magaling akong kumanta! Ay weh? Pakita nga! O sige, may gusto ka bang ipakanta? Pwede ba ang Harana, gawa ng Parokya ni Edgar? OK lang, pero medyo hindi ko kabisado ang mga liriko nito pero kakayanin ko. Binuksan niya ang kanyang bibig at nagsimula siyang kumanta. Pero parang hindi niya kinakanta ang awitin. Hindi ang narinig ko ay parang isang anghel na kumakanta at ang kada nota niyang kinakanta ay tumpak. Ang kanyang pagkanta ay makaka- init ng isang pusong malamig at walang buhay. Ako ay namangha. Phew, nagustuhan mo ba? Masaya niyang tinanong. Nagustuhan? Na-inlove kaya ako sa pagkanta mo! Yun ang pinaka magandang boses na narinig ko

"+! !

kahit kailan. Kelan ka natuto na kumanta nang ganoong kagaling. Nag-aaral ka ba ng pagkanta? Ako ay nagulat ng lubos. Hindi, nag-ensayo lang kami ng aking ina noong ako ay bata pa. Sa katunyan, pangarap ko na maging isang mang-aawit. Hehe, nasa tama kang landas. Magpractice na ba tayo ng kanta? Syempre, magsimula na tayo sa ngayon. May kanta ka bang gusto mong ipalabas natin sa paligsahan? Sa totoo lang, meron na. masagana kong sinabi.

Magandang gabi sa inyong lahat, ang aming paaralan ay nangeenganyo ng lahat ng mga estudante, mga magulang, at mga guro na pumunta sa aming Talent Show! ang boses ng emcee ay lumabas sa mga speakers nang sobrang lakas. Bago ang lahat gusto ko lang ipakilala sa inyo ang tatlong hurado para sa paligsahan na ito. Ang unang hurado ay isang guro sa musika galing sa mismong eskwelahan na ito. Ito ay si Ms. Maia Evangelista. Ang pangalawang hurado naman ay ang punong guro ng paaralan. Walang iba kundi si Ginoong
! ""!

Brutus Cardibal! At ang huling hurado natin ay ang guidance counselor na si Ginoong Zaldy Baykal. Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan! Ipakilala naman natinang mga lalahok sa paligsahan na ito! Ang mga manlalahok na ito ay nagdaan sa mga auditions at naparangalan na ang pinakamagaling na magpresenta sa paligsahan. Sila ay sina: Mark Molina, Pedro Harding, Ang barkada ni Mickey, at ang panghuli ay sina Paolo Jacinto at Natasha Hawrysko na magpepresenta ng isang duet. Bigyan natin sila ng isang masigabong palakpakan mga kaibigan! Me medyo nagdadalawang isip ako tungkol dito natatakot kong sinabi, habang nakatayo kami sa entablado. Huwag kang mag-alala, tayo ang panalo sigurado! masagana niyang sinabi.

Ang unang nagpresenta ay si Mark Molina. Siya ay mas matanda sa amin ng isang taon. Sa katunyan, napakalaki niya para maging isang dancer. Base sa kanyang boses, halata na hindi siya mang-aawit din. Ako ay na-enganyo na panoorin siya kung ano ang kanyang gagawin.

"#! !

Nagtawag si Mark ng isang boluntaryo mula sa mga manonood. May isang dalaga na nagboluntaryo at siya ay umakyat sa entablado. Inutusan ni Mark na ipikit ng babae ang kanyang mga mata. Ginawa niya ang sinabi ni Mark. Naglabas si Mark ng isang kumot sa knyang sombrero. Inilagay ni Mark ang kumot sa harap ng babae. At sa pagtangal nito ay biglang naglaho ang dalaga. At doon natapos ang kanyang palabas. Saan kaya napunta ang babae? Tanong ko kay Natasha. Hindi ko rin alam eh baka hindi naman totoo yun? pagtataka niyang sinabi. Ang emcee ay umakyat sa entablado at sinabi, Palakpakin po natin si Mark Molina. Ang mga manonood ay malakas na nagpalakpakan, habang ang iba ay nagtataka pa rin kung saan napunta ang babae. Tinawag naman ng emcee ang susunod na magpapalabas. Ang ating susunod na kalahok ay si Pedro Harding! Bigyan po natin siya ng isang masigabong palakpakan. Lumitaw si Pedro Harding sa dulo ng entablado. Nakasuot si Pedro ng isang mascara at tuxedo. Naglakad si Pedro sa entablado habang meron siyang dalang byolin. Tumigil siya sa ginta ng entablado kung saan tinatamaan siya ng ilaw. Yumuko si Pedro at tinugtog
! "$!

niya ang kanyang byolin. Ang tunog ng byolin ay maganda at nakakalambot ng isipan. Tuningin ako sa mga nanonood at nakita ko na ang kanilang mga mukha ay punong-puno ng paghanga. Tinugtog niya ang kanyang byolin sa pinakamagandang paraan kung saan sobrang maganda ang lumalabas na tono nito. Pagkalipas ng ilang minuto, huminto na siya at yumuko ulit. Lahat ng nakarining sa kanya ay nagsitayuan at nagpalakpakan dahil ganda ng kanyang tugtog. Tinangal ni Pedro ang kanyang maskara at nagulat ang lahat. Wow, hindi ako makapaniwala iling ko. Grabe siya yung babae kanina sa magic trick ni Mark kanina. Siya pala ang tumutugtog. Sabi ni Natasha. Ah, doon pala siya napunta. Palatawa kong sinabi. Oo nga. Sabi niya habang tumatawa. Umakyat ang emcee at sinabi na, Wow, akalain mong yung babae pala yung lumabas. Pero mamaya na yun, Parokya ni Mickey lumabas na kayo! Nagkaroon ng katahimikan pagkatapos sinabi ng emcee ang pangalan ng kanilang banda. Ang lahat ay naghihintay na lumabas sila at magpakita sa entablado dahil hindi nila kilala ang bandang ito. Tinawag ulit ng emcee ang pangalan ng kanilang banda ngunit wala pa ring lumalabas. May lumabas lang na isang tao sa

"%! !

entablado at may binulong sa emcee. Pagkatapos sinabi ang dapat sabihin, dali daliang umalis ito sa entablado. Pasensya na, dahil ang Parokya ni Mickey ay hindi makakapagtutog ngayong gabi, dahil ang kanilang mang-aawit, Mickey Castro, ay may sakit. Pasenesya po ulit sa abala, pero lilipat na po tayo sa ating huling manlalahok. Para sa aming huling palabas, magkakaroon ng isang duet. Sila ay sina Natasha Nawrysko Yay!!! Go Nats! Itinuloy ng emcee, at si Paolo Jacinto! Boooo! Wag ka na! Kahit na masakit ang kinalang mga ibinabato sa akin, hindi ako nagugulat. Huwag mo na silang pakialaman, basta intindihin mo lang ang iyong pagtutugtog. Huwag mong sayangin ang mga oras na ibinuhos natin dito! Huminga ako ng malalim at sinundan ko nalang an sinabi sa akin ni Natasha. Umupo ako sa isang kahoy silya at si Natasha ay nakatayo sa harap ng mikropono. Tumingin ulit ako sa mga manonood. (Hindi ko masabi

"&!

kung masaya sila na pakinggan si Natasha o hintayin nila na magkaroon ako ng pagkakamali.) Nag-ensayo kami araw-araw sa nakaraang limang lingo pero ako ay nanginginig ng sobra. Sa aking pilit tinugtog ko na ang aking gitara. Sa simula pa lang ng aking tugtog, biglang tumahimik na ang mga manonood. Nasabi ko ito dahil sa biglang pagtahimik nila nang narinig nila ang aking gitara. Pagkaraan ng ilang segundo ay kumanta na si Natasha. Ang kanyang malaanghel na boses ay nagpatahimik ng buong auditorium. Wala man lang umimik ng isang salita. Kahit na maraming beses na kaming nag-ensayo ay, namamangha pa rin ako sa kanyang boses. Ang kanyang pagkanta ay iba, dahil pakiramdam mo ay nasa harapan mo mismo si Natasha at kumakanta lang para sa iyo. Ang kanta na pinili naming ay nangangalan Rainbow: Take a little time baby See the butterflies' colors Listen to the birds that were sent To sing for me and you Can you feel me This is such a wonderful place to be Even if there is pain now Everything would be all right For as long as the world still turns There will be night and day Can you hear me There's a rainbow always after the rain

"'! !

Tila bumagal ang takbo ng oras noong kumakanta si Natasha. Bago ako natauhan, natapos na pala ang aming kanta. Hindi pa rin makapagsalita ang mga manonood. Nakatunganga lang sila ng mga ilang segundo pagkatapos n gaming kanta. Nasa sulok na ako ng aking silya dahil ewan ko kung nagustuhan nila o magkagulo sila. Sa huli, tumayo ang mga manonood at sila ay nagpalakpakan ng malakas. WOW! Ang galing naman ng huling palabas nila Paolo Jacinto at Natasha Hawrysko! Pagkamanghang sinabi ng emcee. Lahat ng nanonood ay mga nagsisigawan at nagpapalakpakan. Kahit si Leo ay tumayo at pumalakpak para sa amin. Ang ganitong pakiramdam ay sobra na para sa akin. Nang ako ay tumayo, ako biglang nawalan ng malay.

Nagising ako sa aking bahay. Umaga pa noon at ang sakit ng ulo ko. Pinilit ko na alalahanin ang mga pangyayari kagabi. Nanalo ba kami? Hindi pa ako sigurado kung maganda ba ang pinakita namin. Habang tinatandaan ko yung mga nangyari kagabi, biglang pumasok ang aking ama sa silid ko. O, kamusta na ulo mo? tanong niya.

"(!

Ugh, ano ba ang nangyari ulit kagabi? Hindi mo talaga alam? Teka, may kukunin lang ako para matandaan mo. Umalis siya sa kwarto ng ilang saglit. Nang siya ay nakabalik, may bitbit siyang isang malaking tropeo. Ang nakasulat sa harap ay Unang Gantimpala. Grabe, panalo kami! sigaw ko. Tama, ipinagmamalaki ka naming anak. Nagpakitang-gilas ka talaga kagabi. sabi niya habang tinatapik ang aking braso. Salamat tay, Si Natasha ba mayroon din ba siyang tropeo? tanong ko. Wala eh. Isa lang ang ginawan nila para sa unang gantimpala. Pinagdesisyonan niya na karapatdapat mo raw ang kinin ang tropeo. Ginawa niya iyon para sa akin bulong ko sa sarili ko. Ok lang yan. Siya naman nagdesisyon na ibigay na lang sa iyo yan eh. Imbis na nakasimangot ka. Magbunyi ka sa nakuha mong parangal. Mamayang gabi kakain tayo sa labas. O sige magpahinga ka muna. Mukhang kailangan mo pa ng tulog dahil dyan sa ulo mo.

")! !

Pagkatapos niya sinabi ito, umalis siya para ako ay makapagpahinga. Hiniga ko na ang aking ulo at nagpasalamat sa Diyos.

Lunes. Nakabalik na rin sa katotohanan. Ang aking pamilya ay mga nagsi-dalohan sa mga tito at tita ko para ipagdiriwang ang aking nakuhang parangal. Pero tapos na ang Sabado at Linggo, kailangan ko na lumakad papuntang eskwelahan. Nang akoy nakarating sa bridge na nagpapadaan sa ilog sa ibaba nito, ay nakasaluboong ko si Leo. Patay. Uy, Paolo! Kamusta? binati sa akin ng isang masaganang tono. Uy Leo! Nagulat talaga ako. Si Leo ang maangas sa paaralan, binabati ako? Baka panaginip lang ito dahil sa nangyari sa akin. Galing mo nung Biyernes. Hindi ko inaasahan na may talent ka pala sa pagigitara. Ah Salamat! Sige, paalam!

"*!

Hindi ko inaasahan yun. Sanay ako na hindi ako pinapansin, mas lalo na si Leo. Pagkatapos ko kausapin si Leo ay dumeretso na ako sa eskwelahan. Pagkatapak ko pa lang sa silid, sinabi ko sa sarili ko na, Ngayon nagbago na ako. Pwede na ulit ako makapagsimula ng bago. Sinara ko ang aking mata at nagbuntong-hininga. Pumasok na ako sa klase. Pagkapasok ko pa lang sa paaralan, iba na ang tingin ng mga tao sa akin. Pinapalakpakan na nila kagad ako habang sinisigaw nila ang aking pangalan. Nagulat ako ng lubos. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang tingin ng mga tao sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay ay nirerespeto na ako. Lahat ng mga nakasalubong ko ay binabatian ako. Nang kinuha ko na ang aking mga gamit at nilagay ko ang kombinasyong 21-10-15. Kinuha ko ang aking libro para sa Matematika. Sinara ko ang aking laker at dinala ang aking libro. Nang ako ay tumalikod, may nakabungo ako. Si Natasha. Hoy! Ok ka lang ba? tanong niya ng pagmamalasakit. Oo, ok lang ako. Salamat sa iyong pag-aalala. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Lagi akong nakatunganga tuwing nakikita ko siya. Wala na akong nakikitqa kundi siya. Lagi akong nakakaramdam ng saya

#+! !

tuwing kasama ko siya. Parang lahat ay posible kapag kasama ko siya. Ang kampanilya ay tumunog. Sige mamaya nalang! sabi niya. Sige, mamaya! Habang papunta ako sa aking klase. Pinag-isipan ko ang aking hinaharap dito sa paaralang ito. Sa tingin ko magbabagona ang aking pwesto sa paaralang ito. Isang lugar na akoy tinatanggap. Isang lugar na matatawagin ko ring bahay. Isang lugar na makakasama ko si Natasha. Pero hindi lagi ganito ang nangyayari.

*Taon: 2015 (6 na taon sa kasalukuyan)*

Habulin mo ako kung kaya mo! Paalam na Pao! Si Natasha kasama ng iba naming mga kaklase ay tumakbo palabas ng paaralan. Hoy hintayin niyo ako! sigaw ko. Sinubukan ko na habulin sila, pero hindi ako mabilis tumakbo. Pero, nagbagal ako sa paglalakad at

#"!

inisip ko ang mga dating nangyari. Naging 2 taon na nang nanalo ako sa paligsahan. Napanalunan ko yun noong akoy nasa ika-limang baitang. Nag-iba ang buhay ko dahil sa pangyayaring ito. Maraming tao ang humanga sa akin. Halos lahat ng mga kaklase ko ay gusto makipagkaibigan sa akin. Marami akong nakilala at akoy naging isang sosyal na tao.

Labasan na. Inaayos ko ang aking mga gamit nang nilapitan ako ni Natasha. Gusto ba maglaro mamaya? Sina Earl ay pupunta. Tanong niya. Sige, pero medyo mahuhuli ako. May bibilin pa kasi ako para sa aking tatay. Yay! Dalian mo ah! Sige, sige! sabi ko habang tumatawa.

Kwarentay siyete sabi ng tinder. Eto oh. Binigay ko ang pera sa kanya. Sa iyo na sukli!

##! !

Salamat! Balik ka ulit! Pagkatapos ko bayaran ang gamut ng aking tatay, tumakbo kagad ako sa park. Hindi naman ito gaanong kalayo, pero gusto ko pumunta talaga doon sa pinaka mabilis na paraan para akoy makapaglaro sa mga kaibigan ko. Kaya dumaan ako sa may pinakamabilis na daan papunta roon. Tumatakbo. 4:45. Malapit na silang umalis. Sinimulan kong tumakbo nang mas mabilis. Takbo. Takbo. Akoy pasikot-sikot sa mga daanan. Dahil sa bilis ng aking pagtatakbo, ay nabungo ko ang isang tindera. Takbo. Takbo. Takbo. Malapit na ako sa park. Kailangan ko lang lumampas sa kalyeng ito at pagka

Nakita ko ang sarili ko sa taas ng mga alapaap. Nararamdaman ko ang simoy ng hangin dumaan sa aking katawan.Napakasarap ng nararamdaman ko. Pero, nalulungkot din ako. Paolo Paolo Paolo binulong ng isang misteryosong boses.

#$!

Tumalikod ako at nakita ko si Natasha. Pero parang napaglalagusan siya ng tingin. Parang isang multo. Natash Pasensya na Paolo. Hindi ako pwede. Hindi tayo pwede. Ano? Ano ang ibig mong sabihin Hindi pwede Hindi ko maintin Bye Pagkasabi niya nito ay naglaho siya. Hindi ko maintindihan. Ano ang ibig niyang sabihin? At bakit niya sinabi na bye? Hindi ko alam ang nangyayari. At dahil dito, akoy umiyak.

Nars! Nars! Nagigising na ang aking anak! Hawakan mo ang kanyang mga paa. Ang biglang pagalaw ay ang kanyang mga nerbiyo. Ok. Ngayon ang gamut. Susunod Ang doctor at mga nars ay nagtrabaho ng maliksi. Nagawa nila lahat ng kailangan gawin sa akin. Pero siyempre, hindi ko alam ang ginagawa nila sa akin. Ughh Natasha. iling ko.

#%! !

Kalahating nakabukas ang aking mga mata. Ang kwarto ay punong-puno ng mga nars. Nakita ko rin ang aking tatay sa tabi ng higaan. At doon ko nalaman na nasa ospital pala ako. Anak, kamusta ang ulo mo? tanong sa akin ng aking tatay. Ugh, hindi eh nasa ospital ba ako? tanong ko. Sa katotohanan, oo. Huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa iyo mamaya. Sa ngayon matulog ka at magpahinga. Sasabihin ko sa iyo pagkatapos mong matulog. Sagot ng aking tatay. Kahit gusto kong makipagtalo sa aking tatay na ano ang nangyayari, kailangan ko talagang magpahinga. Binaba ko ang aking ulo at natulog.

Nagising ako ng 8:30 ng gabi. Ang aking mga magulang ay nasa loob ng kwarto. Umalis na ang mga nars sa aking kwarto. Pinilit kong umupo sa aking kama pero ayaw sumunod ng aking katawan. Sa halip humiga ako at hinrap ko ang aking mga magulang.

#&!

Anak huminahon ka muna. Una, may itatanong ako sa iyo. Ano ang huli mong natatandaan bago ka nagising dito? May pasok ako noon sagot ko. At pagkatapos? Inimbitahan ako ng aking mga kaibigan sa park. Sabi ko habang tinatandaan ko. Malapit na! Ano ang nangyari pagkatapos ka nilang imbitahin? Ah! Bumili ako ng gamot niyo. Sabi niyo kasi na pagbilhan ko kayo. Ok. Ngayon may nangyari pagkatapos nun. Natatandaan mo pa ba? Tumakbo ako papunta sa aking mga kaibigan sa park para maglaro. Yun lang ba ang natatandaan mo? tanong ng aking tatay. Oo, kaso di ko matandaan ang paglalaro ng aking mga kaibigan. Ano ba ang nangyari sa akinhabang papunta ako doon? Anak hindi madaling sabihin ito pero nasagasaan ka ng isang kotse. Weh? Seryoso ba kayo?
#'! !

Oo at ito ang dahilan kung bakit hindi masyadong makagalaw ang iyong katawan. Nasabi ko na ba kung anong araw ngayon? Hindi bakit? tanong ko. May kinuhang papel ang aking nanay sa kanyang bag. Nakalagay dito sa resibo galing sa ospital ay ngayon ang pang 39 mong araw dito. Sabi sa akin ng aking ina. Hindi ako makapagsalit. 5 linggo ako nandito sa ospital? Hindi ang aking nasabi lang. Pasensya na anak. Pero hindi naman mataas ang babayaran natin. Nagdesisyon ang drayber na bayaran ang lahat ng kailangan bayaran. Kaya huwag mo nang intindihin yun. Sabi sa akin ng aking ina. Ahh mabuti naman. Sagot ko. Pero kailangan mo pa rin natin magtagal dito. Kailangan pa rin gumaling ang iyong katawan dahil sa aksidente. Sa tingin namin hindi ka makakapasok ngayong taon sa paaralan. Oh pero makikita ko pa rin ba ang aking mga kaibigan?

#(!

Nakasimangot ang aking mga magulang. Anak, hindi na nakakadalaw ang mga kaibigan mo Sa tingin ko marami silang ginagawa sa paaralan. Sabi sa akin ng aking nanay. Oh Ok lang yun sabi ko. Huwag kang mag-alala, kapag ikay gumaling, makakapaglaro ka na sa kanila. Sige eh si Natasha? Ok lang ba siya? tanong ko. Nakasimangot ulit ang aking mga magulang. Anak, tungkol kay Natasha lumipat na siya. Sabi ng aking nanay. Ano? Kelan? Bakit? malakas kong tinanong. Pasensya na anak, pero hindi rin naming alam. Alam ko lang na lumipat siya sa Maynila, ilang araw pagkatapos ng iyong aksidente. Pagkadismaya niyang sinabi. May paraan ba na maka-usap ko siya? Gusto ko malamanhindi kailangan kong malaman! Sinubukan kong tawagan ang kanyang ina pero hindi sumasagot. Nang malaman namin ang nangyari, nakalipat na sila sa Maynila napakabilis ng kanilang paglipat. Pasensya na anak.

#)! !

Ahsige. Kung gusto niyo umuwi muna kayo sa bahay. Susubukan kong magpahinga muna. Good Night! Sigurado ka? Pwede kami mana- sabi ng akin nanay. Pero nilagay ng aking itay ang kanyang kamay sa balikat ng aking ina at nagpahintulot na kailangan nila umalis. Buong gabi nakatingin lang ako sa bintana, magisa.

*Taon: 2016 (5 na taon sa kasalukuyan)* Hmmm naka 9 buwan na pero sigurado ka ba na pwede ka nang gumawa ng mga pisikal na gawain tanong ni Dr. Angeles. Dok, matagal na akong naka puwesto rito. Sa tingin ko makakalakad naman ako papunta sa paaralan. Sagot ko. Maglakad? Ok lang yun. Pero tandaan mo, hindi ka pwedeng magmalabis ng iyong katawan. Sige po

#*!

Maraming salamat ulit Doktor Angeles. Isa kang malaking tulong sa akin sa mga nakaraang buwan. Sabi ng aking ina. Walang anu man. Masaya lang ako na gumaling na si Paolo. sabi ng doktor. Kung kailangan pa naming ng tulong niyo, tatawagin po naming kayo kaagad. Sabi ng aking ina. Sige po, ngayon Paolo, malaya ka na! ani niya. Nakahinga na rin ako ng maluwag, umalis na kami sa ospital. At ang tanging nasa isip ko lang ay humiga sa aking higaan at hindi yung sa may ospital. Nang kami ay pauwi na, nadaanan naming ang park. Siyam na buwan ang nagdaan. Hindi ako nakapasok ng isang taon sa eskwelahan. Pero, naramdaman ko na mas matagal pa ang aking naranasan. Matagal akong nawala sa paaralan at nakalimutan na ako ng lahat. Pati rin si Natasha.

Kinabukasan, nagising ako sa pagkatok ng aking ina sa pintuan. Paolo, gising na! Kailanan mong pumunta sa eskwelahan para kunin ang pagsusulit! Oo nga pala, ang pagsusulit. Magbibigay ang eskwelahan ng isang pagsusulit para sa akin para makahabol ako sa aking mga kaklase. Sa medaling salita

$+! !

makakapasok ako sa high school kahit na hindi ako nakapag ika-pitong baitang. Kung nakapasa ako. Tumayo ako at nagbihis. Bumaba at lumabas sa aking bahay. Ayoko pakingan kung ano ang sasabihin sa akin ng aking mga magulang kaya umalis ako kaagad. Lumakad lang ako nang lumakad. Nakatingin lang ako sa semento habang akoy naglalakad papuntang eskwelahan. Ayokong tumingin sa kapaligiran ko. At mas lalo nang marinig. Nakarating ako sa walang lamang paaralan. Pumasok ako, kinuha ko ang pagsusulit at umalis kaagad-agad. Masakit isipin na sa susunod na taon magisa na naman ako.

Nagising ako ng mga alas-sais ng umaga para pakapaglakad sa aking subdibisyon. Ang paglalakad na ito ay naging isang pisikal therapy para sa aking mga binti. Pero ito rin ay ang aking oras para makapag-isip ng mag-isa. Sa aking paglalakad, pinagdesisyonan ko na gusto ko maging isang mabuting anak, kaya kinuha ko ang mga sulat sa harap nan gaming bahay. Hindi ko inaasahan, pero nakita ko na may isang sulat para sa akin. At ang sulat na iyon ay ang resulta ng aking pagsusulit. Kahit sinong normal na tao ay masasayahan at masasabik malaman ang kanyang mga marka. Kahit
! $"!

akoy masasabik kung nasa ibang pwesto ako ngayon. Pero nung nakita ko ang sulat, wala akong naramdaman. Kahit ano naman kasi ang mangyari, malungkot na ang aking buhay sa paaralan, parang buhay ko bago ko nakilala si Natasha. Pinakita ko ang sulat ko sa aking mga magulang. Binuksan nila at napangiti dahil nakapasa raw ako. Pero wala ako sa kalagayan na ipagdiwang ito. Ang tanging bagay lang na nagpangiti sa akin ay makakalusot ako ng isang taon.

*Taon: 2020 (1 taon sa kasalukuyan)*

Pagkatapos ng 4 na taon, nakapagraduate na rin ako sa High School. Kahit na akoy tinutukso at walang kumakausap sa akin, nakakuha pa rin ako ng mga honor at parangal. Dahil marami akong oras na magagastos ko para sa akin, ginamit ko nalang ito para mag-aral. Bago akoy nakapagraduate sinabi ko ang aking plano sa aking mga magulang para sa kolehiyo. Nay, Tay, gusto ko pong mag-aral sa Maynila. Ano? At saan naman nangaling ito? tanong ng aking ina. Tahimik lang ang aking tatay.
$#! !

Ang mga taon pagkatapos ng aking aksidente, natutunan ko na wala akong mapapala rito. Ang tanging paraan lang na magiging masaya ako ay lumipat sa ibang lugar kung saan tatangapin ako ng mga tao. Sagot ko. Hindi mo kayang mamuhay sa ibang lugar nang mag-isa! Paano ka nakakasigurado na makakatagal ka ng apat na taon. Ipakli ni Inay. Paano ako makakabuhay ng mag-isa kung hindi ninyo ako papayagan? Pwes, papasok ako sa isang dormitoryo. Nagbuntung-hininga ang aking ina. Tay, sabihin mo nga dito sa anak natin kung bakit hindi siya pwede umalis! pagkainis niyang sinabi. Sige, pinapayagan kita. Ay ang tanging sinagot lang ni Itay. Ano? sagot namin ni Ina. Sa tingin ko magiging isang mabuting karanasan para sa iyo ito. At matataas naman ang mga marka mo kaya papapasukin ka kagad dun, kaya pinapayagan kita. Yey! Salamat Tay! masaya kong sinabi. Sige, pero mag-ingat ka! paalala ni Inay. Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.

$$!

Mga pasahero, nakababa nap o tayosa NAIA. Thank you for flying with us today! Please dont leave your belongings. Sabi ng piloto sa mga speakers. Lumabas ako sa eroplano at pumasok sa airport. Sinundan ko lahat ang binilin sa akin ni Inay at pagkatapos, nakita ko ang aking mga bag at umalis kaagad, sakay sa isang taxi. Pagkatapos kong bumaba sa taxi at naglakad patungo sa aking kolehiyo, nagulat ako sa aking nakita. Ang mga ilaw. Mga nagsisilakihang gusali. Ang rami ng tao. Sobrang iba sa aking nakasanayan sa probinsya. Sa katotohanan, natatakot ako. Hindi ako sanay sa ganitong kapaligiran. Pero sa kabila nito, masaya rin ako. Masaya dahil pwede akong makapagsimula ulit. Makakilala ng mga bagong tao. Yun ang pangunahing dahilan ko kung bakit gusto kong pumunta rito. Pagdating ko sa aking kolehiyo, dumeretso ako kaagad sa aking dormitoryo. Sa kabutihang alad, nakakuha ako ng isang 50% scholarship sa lahat ng aking mga gastusin dahil sa aking mga marka at buwanang kita ng aking pamilya. Nakuha ko na ang susi para sa king kwarto at umakyat kaagad. Sinabi nila sa akin na nauna na sa akin ang aking roommate. Naabot ko na ang aking kwarto pero huminto muna ako. Ngayon, dito ako magsisimula. Kailangan kong mapahanga ang aking roommate. Dahil kung hindi,

$%! !

magiging katulad ng dati ulit ang buhay ko. Sabi ko sa sarili ko. Sinara ko ang aking mga mata ng ilang segundo, nagbuntong-hininga at binuksan ko ang pintuan. Ang tao sa likod ng pinutan ay halos magkasing tangkad lang kami. Mas maputi ang kulay ng kanyang balat kaysa sa akin at mas mahaba ang kanyang buhok kaysa sa akin. At ang hindi ko maipaliwanag ay parang namumukhaan ko siya. Hoy! Mukhang ikaw ang aking roommate! masagana niyang sinabi. Uh Oo. Ako nga pala si Paolo. At inabot ko ang aking kamay. Masayang makilala ka, ako naman si Mark. At kinamayan niya ako. Ah Mark, saan ka nangaling? Manila ka rin ba? tanong ko. Oo, Galing ako sa High School ng Ateneo. Pero dati, nakatira ako sa Nueva Ecija. Sagot ni Mark. Ay weh? Ako rin! sagot ko. Ikaw rin? Teka, kilala kita! Ikaw yung si Paolo! Yung nagigitara noon sa paligsahan kasama ang isang babae kulay dilaw ang buhok. Tama ba ako?

$&!

Oo, pero paano mo ako kilala? tanong ko. Isa rin ako sa mga nagperform doon. Yung magician! Natatandaan mo pa ba? Ako yun! Ah, Oo nga pala. Ikaw yung may pinalaho kang babae. Paano mo ba nagawa yun? Heh,A magician never reveals his secret! sagot niya. Haha, tama nga. Teka parang umayat ka ata ah Salamat! Teka, teka teka, hindi ba ikaw ang nabungo ng isang kotse dati? Oo ako yun, sa katunayan nararamdaman ko pa rin ang sakit eh. Hindi pa kasi magaling na magaling ang aking katawan. Pero wala yun ikaw ano naman ang kurso mo? BS Management! Eh ikaw? tanong niya. Parehas lang tayo. Bukas na nang gabi ang unang klase natin diba? Tama. Sa ngayon, balak ko libutin ang buong campus. Gusto mong sumama? Sige, aayusin ko lang muna ang gamit ko.

$'! !

Sige, sabihin mo sa akin kung handa ka na. Maghihintay nalang ako sa ibaba. Titingin lang ako ng mga magagandang babae! Haha! Sige! sabi ko habang tumatawa.

Nilibot naming ni Mark ang buong campus. Pinuntahan naming ang courts, ang monument ng paaralan, at ang mga ibat ibang gusali ng kolehiyong ito katulad ng Engineering and Humanities. Pagkatapos ng aming paglilibot, nagdesisyon kami na pumunta sa school of Management. Marami ring mga estudyante ang mga lumilibot sa campus. Linakad naming ang mga hallway at tiningnan ang mga silid. Matatapos na sana kami nang may mahuli ng aking mga mata. May isang estudyante na tumitingin din ng mga silid. Asul ang mga mata. Maputi ang balat. Kulay dilaw ang buhok. Mark tingnan mo siya sabi ko. Siya? Bakit? Ano tungkol sa kanya? Teka namumukhaan ko siya. Hindi ba si- Napatigil si Mark.

$(!

Wala ako sa loob ko, lumapit ako sa kanya. Maraming tao ang nasa pagitan naming dalawa, pero pinilit kong makisiksik sa kanila para makalapit sa babae. Kinailangan kong lumapit sa kanya. Kailangan kong siguraduhin na hindi ako niloloko ng aking mga mata. Nakalusot na rin ako sa mga tao. Nakatayo na ako ngayon sa harapan niya. Walang pag-aalinlangan. Nakatayo si Natasha sa harap ng aking mga mata. I-Ikaw ba talaga siya? kinakabahan kong tinanong. Uh sino ka?

Ako Teka. Hindi mo ako kilala? Malungkot kong tinanong. Hindi eh. Ah sorry, nagkamali pala ako. Paalam. Tumalikod ako at tumakbo ako palabas ng eskwelahan. Naka-abot sa akin si Mark. Pre, ano nangyari? Bakit ka tumakbo? Parang kilala mo nga siya eh. Ano, natakot ka na kausapin no? palatawa niyang sinabi.
$)! !

Ma matagal na kwento. Lika balik na tay sa dorm. Ipapaliwanag ko pagdating natin doon.

Woah ang nasabi lang ni Mark. Yun ang dahilan kung bakit ako tumakbo. Hindi na niya ako kilala. Magkalapit na kaibigan kami dati pero ngayon sabi ko. Baka, dahil iba na ang iyong hitsura. Diba hindi ko rin ikaw nakilala nung una kitang nakita. O baka hindi lang siya nakapagmasdan sa iyo. Maraming mga dahilan para diyan.may pag-asa pa rin. Hindi ko alam Sige na nga, magresearch na lang tayo. Punta tayo sa silid-aklatan. May idea ako. Lumakad kami papunta sa library. Ang silid aklatan na ito ay iba sa mga silid aklatan na napupuntahan ko. Naka istante ang mga libro nila. May isang hilera ng mga kompyuter na ginagamit ang mga estudyante. Ang pagbisita sa lugar na ito ay medyo nagpatahan sa akin sa nangyari kanina. Oh, ano ba ang plano mo Mark? Pinagdududahan ko na may isang libro tungkol sa

$*!

kanya. Sabi ko habang nilalakbay naming ang refrence section. Oh sige, Hahanapin natin siya sa pagamit ng internet. Lihim na pagsusubaybay ang gagawin natin sa kanila. Sagot niya. Parang masama yan ah. At paano naman natin makikita siya gamit yan? Eh di ano pa? gamit ang Internet. Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo pa nagagamit ito. Err Hindi wala kaming access diyan sa aming probinsya. Nang sinabi ko ito, nakatingin lang sa akin si Mark. Halatang nagulat siya sa kanyang narinig. Wow kung ganon, tuturuan kita. Umupo kami sa harap ng isang kompyuter. Tinuruan niya sa akin ang pinakasimpleng paraan upang gamitin ito. Dahil din sa kanyang malakas na boses, naririnig ng lahat ng tao sa hilera na tinuturuan niya akong gamitin ang Internet. Kahit na tahimik sila, nararamdaman ko na nanghuhusga na sila. Nang medyo natutunan ko na ang Internet, Hinanap naming ni Mark ang pangalang Natasha Hawrysko. Dito ko rin nalaman na marami pa lang Natasha Hawrysko sa buong mundo.

%+! !

Pagkatapos ng 2 oras ng walang tapos na paghahanap, nakita naming ang isang artikulo sa ika labing pitong pahina ng google. Isa itong artikulo galing sa Nueva Ecija. Mark! Heto na ata! sigaw ko sa kanya. Tumakbo kagad si Mark papunta sa kompyuter. Sa mukha pa lang niya nakita ko na pagod na pagod na siya. Seryoso ka ba? Dahil gusto ko nang umalis sa lugar na ito Galing sa Nueva Ecija ito, teka at nagloload pa. Habang nagloload ang pahina. Nagbuntong hininga ako. Kaso gusto ko na malaman ang totoo, kahit takot ako. Baka masamang balak ito? Baka mas mabuti na hindi ko alam? Pero natandaan ko rin ang mga masasayang alaala naming ni Natasha. Ang mga pinakamasaya kong mga alaala ay lagging kasama siya. Kahit may isang butas na makakapagbigay ng iisang detalye kung bakit hindi na niya ako kilala, kukunin ko ang pagkakataon na iyon. At nagload ang pahina.

%"!

Two Grade 7 children, hit by reckless driver Date: July 25, 2015

NUEVA ECIJA, PH - Earlier this afternoon, two Grade 7 students were hit by a driver going 40 kph. Paolo Jacinto, one of the students, is currently in the hospital suffering from minor bone fractures and possible head damage. Fortunately, he was not hit directly by the vehicle. However, Natasha Hawrysko, a classmate of Paolo, was hit directly by the speeding car. Eyewitness reports state that Natasha in fact pushed Paolo out of the way. She is currently in critical condition and is suffering from severe damage to the head. Nanigas ako. Ano Hindi. Sabi ko habang nanginginig. Grabe sabi ni Mark. Tumayo ako mula sa aking upuan at umalis sa silid-aklatan. Nang akoy nakalabas na, tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang iwanan ang lahat. Nahinto ako sa simabahan ng paaralan upang mapagpahinga ko ang aking mga binti. At sa muli naabutan ulit ako ni Mark. Grabe tumigil ka nga sa pagtatakbo mo sabi niya habang hinihingal.

%#! !

Ano ang agagwin ko Mark? Heto na ang pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa aming dalawa sabi ko. Huminahon ka nga muna. Makakahanap tayo ng solu Hindi imposible na. May amnesia siya! At wala tayong magagawa upang maalaala niya ako. Tapos na kaming dalawa sabi ko habang umiiyak ako. Meron nga siyang amnesia, pero ano naman? Naging magkaibigan kayo dati. Sino ba ang may sabi na bawal kayong maging magkaibigan ulit. sabi niya habang nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko. Pero paano? Saan ako magsisimula? Maghintay ka. Dahan dahanin mo muna. Kahit na nawala na ang kanyang mga alaala ay siya pa rin ang Natasha na nakilala mo at naging kaibigan mo dati. Imbis na iniiyakan mo ang mga dati niyong alaala, gumawa ulit kayo ng mga bago! Tama ka Mark! sabi ko. Syempre tama ako. Ako pa? Ngayon balik na tayo sa dorm. Nagugutom na ako at ang sakit na nang aking mga binti.

%$!

Unang araw ng pasukan. Pero, hindi kami magkakaklase ni Mark sa asignaturang ito. Ang aking klase ay Psych 101 habang siya ay nasa Math 10. Ibig sabihin nun ay wala na akong kilala ulit. Sana may mga makaibigan ako ngayong araw na ito. Binuksan ko ang pintuan at pumasok. Maraming mga estudyante ang nakaupo roon. Pero may isang tao na nakaagaw ng aking pansin. Si Natasha. Naka-upo siya sa harap ng klase. Gusto kong umupo malapit sa kanya kaso baka maweirdohan siya sa akin. Kaya akoy umupo sa panghuling hilera. Binaba ko ang aking gamit. Kinuha ko ang aking kwaderno at nakinig sa propesor. Pero, sa katotohanan, hindi ko nagawa iyo. Hindi kasi ako makapag-isip ng mabuti dahil buong sesyon, nakatitig lang ako kay Natasha. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Natasha. Sabi ni Mark, maghintay ako. Pero kapag umupo ako sa tabi niya, sobrang hindi ko makakaya iyon. Gusto ko lang kausapin siya. Dahil sa ligalig sa aking isipan, hindi ko narinig na sinabi ng propesor na humanap ng partner. Nakatingin pa rin ako sa labas ng bintana, nang tawagan nya ang aking pangalan. Nakita ata ako ng propesor dahil lumalakad siya papunta sa akin. May tao ba doon sa labas? tanong niya.
%%! !

Ah.. pasensya na po sabi ko habang hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin. Hindi mob a narinig ang aking instruksyon? Sabi ko humanap ka na ng iyong partner! seryoso niyang sinabi. Agad-agad akong tumingin sa silid kung sino pa ang walang may partner. Pero mukhang lahat sila ay mayroon na. Uh sa tingin ko lahat ay meron na. sabi ko. Mhm sa tingin ko tama ka. Yan ang napapala ng mga taon hindi nakikinig kaagad sa mga instruksyon. Sige, may nakikita rin akong isang estudyante na mag-isa lang. Makipagpartner ka nalang sa kanya. Nasa harap siya ng klase. Sabi ng propesor na medyo nababanas na. Sisige po maam. Pumunta ako sa harap ng klase upang makisama sa isa kong kaklase. Pero nung nakita ko siya, bigla akong napatigil. Siya ay si Natasha. Wala ka ring partner diba? tanong niya. O-oo Sa tingin ko masaya ito dahil magkakilala na tayo

%&!

Hehe, pasensya nga pala tungkol sa nangyari kahapon. Akala ko ibang tao ang nakita ko. Sabi ko habang kinakabahan. Ok lang yun. Una, ano ba ang pangalan mo? Ako si Paolo. Sabi ko. Nawiwirdohan ako na ipakilala ko ang sarili ko nang pangalawang beses. Masayang makilala ka, ako si Natasha! Oh magsimula na tayo. Kailangan natin pumili ng isang paksa para sa ating proyekto. Maya alam ka? tanong niya. Hmmm nag-isip ako nang ilang minute, pero wala akong nakuha. Pasensya na pero wala akong alam tungkol sa Phychology eh Ako rin eh. Alam ko na! Magkita tayo mamaya sa silid-aklatan. Magsaiksik tayo ng paksa roon. Kahit na hindi pa kami gaanong magkakakilala, nararamdaman ko na pwede ulit magbalik ang dati naming pagsasama.

Nakarating ako sa silid aklatan sa aking break. Hi, nandito ka na pala. Heto nakakita na ako ng ilang libro tungkol sa phychology. Sa tingin ko may

%'! !

mahahanap naman tayo rito. Binigay niya sa akin ang ilan sa mga librong hawak niya at nagsimula na kaming magsaliksik. Sana hind imaging matagal ito. Sabi ko. Gusto ko kasi na makasama ko siya habambuhay. Nagsimula na kaming magbasa. Kahit mahilig ako sa pagbabasa, napakahirap intindihin ang mga librong ito. Inip na inip ako. Masasabi ko rin na inip na rin siya. Pagkatapos ng labing limang minutong nagbasa nang kung ano, may tinanong sa akin si Natasha. Nagtataka ako sino ba yung taong hinahanap mo na pinagkamalan mo ako? Ah wala yun wag mo nang intindihin. Wala? Eh mukhang masaya ka nung lumapit ka sa akin? tanong niya. Isa kasi siyang espesyal na kaibigan. Siya ay ang aking best friend. Pero nawala siya dahil sa aking aksidente. Aksidente? Bakit ano ang nangyari sa iyo? Ipinaliwanag ko ang aksidentend nangyari sa akin, pero hindi kasama na siya ang sumagip sa akin. Grabe Ok ka lang ba? At hindi ka pa masyadong magaling?

%(!

Hindi eh. At sa tingin ko hindi na. Mayroong katahimikan sa pagitan namin. Peroa nasira ito nang may sinabi si Natasha na hindi ko inaasahan. Amnesia

Teka, ano ang sinabi mo? mabilis kong tinanong. Ang ating proyekto. Amnesia. Gusto mo? Oh Sa tingin ko pwede natin gamitin ang paksang iyan. May alam k aba tungkol sa Amnesia? Sa katotohanan, Oo may Amnesia nga ako eh. Hindi ko maalala ang mga nangyari sa akin noong akoy nasa Nueva Ecija pa. Weh?... sagot ko habang pinipilit ko na magalala para sa kanya kahit alam ko na ito. Wala kang matandaan? Wala man lang sinabi ang iyong mga magulang? tanong ko. Hindi ko alam eh ayoko kasing pag-usapan yun eh. Ah pasensya na. nahihiya kong sinagot.

%)! !

Ok lang yun lika, balik na tayo sa ating proyekto. May alam akong mga tao na nag-alaga sa akin nung akoy may Amnesia. Mga eksperto sila tungkol rito. Sigurado ako na makakatulong sila. Ah magandang plano iyan! Gusto mo magkita sa Sabado? tanong ko. Ok lang sa akin ang Sabado. Bigay mo sa akin ang iyong numero. Itetext ko nalang sa iyo ang mga detalye.

Bumalik ako sa aking dorm. Mga nasa alas-siyete na nang gabi. Hoy! Tagal mo sa labas, unang araw pa lang ng klase! May mga nakilala ka ba? tanong niya. Medyo buong maghapon magkasama lang kami ni Natasha. Sagot ko. YUN OH Sa tingin mo ba minamabilis mo ito? Hindi, para sa isang proyekto lang ito. Pero magkikita kami sa Sabado... Grabe nagdadate na kayo? Ang bilis naman.

%*!

Isapa, para nga sa isang proyekto ito. Hindi ito ganoon. Sige pero sa tingin ko masayang masaya ka, kahit na para sa proyekto niyo ito. Tama ba ako? Baka palatawa kong sinabi.

Dumating na ang Sabado, at namasahero ako papunta sa ospital. At salamat malapit lang ito sa eskwelahan. Nakipagkita ako kay Natasha sa Lobby. Ngayon ang doktor nakakausapin natin ay nasa ika-apat na palapag. Nakagawa na ako ng isang appointment sa kanya. Lika na! sabi ni Natasha. Pumasok kami sa elevator at nakarating sa ikaapat na palapag. Ang paghahanap nang kanyang opisina ay mahirap, pero nakita rin namin ito sa wakas. Nakatayo kami sa harap ng pintuang may nakasulat Dra. Ina Regalla Ph D. Heto ang kanyang opisina. Sabi ni Natasha. Kumatok siya sa pintuan at may boses na nagpahintulot sa kanya na pumasok. Oh, Natasha mabuti at nakapunta ka! sabi nang doctor sa kanya.

&+! !

Masaya kaming makita kayo Doc. Doc, sana hindi kayo okupado ngayong araw na ito. Dahil magtatanong kami tungkol sa Phsychology. Mas spesipiko ay Amnesia. Amnesia? Sa tingin ko naman may alam ka na rin sa amnesia. Ano ba ang gusto mong malaman tungkol dito? tanong ng doktor sa kanya. Marami kaming natanong sa doktor tungkol sa Amnesia. Tinanong naming kung ano ang dahilang nito at paano naapektuhan ang isang tao rito. Nagtagal kami nang isang oras dahil dito. Sa tingin ko tama na ang mga impormasyon na ibinigay ninyo sa amin. Maraming salamat po dok! sabi ni Natasha. Sana hindi po naming kayo nagambala sabi ko. Ah wala yun. Masayang tumulong sa inyo. Mas lalo na na alam ko ang mga tinatanong ninyo sa akin. Teka, bago kayo umalis, ano ulit ang pangalan mo iho? Pasensya na ha, marami kasi kayong natanong sa akin na hindi ko man lang natanong pangalan mo. Ah ako po si Paolo. Paolo? Opo.

&"!

Huh noong may coma pa kasi si Natasha lagi niyang ibinubulong ang pangalang Paolo. Isang malaking coincidence hindi ba?

Oo nga po eh. Hindi ko tiyak na pagsagot. Nakikita ata ni Natasha ang pagkadismaya sa mukha ko nung sinabi nang doktor iyon. Tara na, sa tingin ko kailangan na natin umalis. Salamat po ulit Dok! sabi ni Natasha. Lumakad kami pabalik sa campus ng eskwelahan. Katahimikan lang ang naririnig mo sa aming dalawa. Para matigil na ang katahimikang iyon, nagsimula akong magsalita. Dahil doon, sa tingin ko magagwa na natin ang proyekto nang mas maayos. Sabi ko. Sumagot si Natasha ng isang mahinang Yeah. Naging tahimik ulit kami hangang may tinanong si Natasha. Paolo, may isang bagay na hindi matangal sa isipan ko Ano iyon? tanong ko.

&#! !

Itoy tungkol kanina kay Dra. Regalla lagi ko raw sinasabi ang Paolo nung akoy nasa coma at Paolo rin ang pangalan mo. Coincidence lang ba talaga iyon? Naging tahimik ako nang ilang saglit. Sasagot na sana ako nang may tumawag nang aking pangalan. Paolo! may sumigaw. Tumingin ako at nakita ko si Mark. Hindi ko napansin na nasa dormitory na pala kami. Bakit Mark? tanong ko. May emergency! Tungkol sa iyong mga magulang!

Mag-usap nalang tayo mamaya Natasha. Sabi ko. Mabilis kong hinabol si Mark. Ano ang nangyari? Ano ang nangyari sa aking mga magulang? tanong ko pagkarating naming sa kwarto. Iniwan mo kasi ang iyong telepono rito. Nag text ang iyong ina at sinabi na may stroke ang tatay mo at nasa peligro ang kanyang buhay. Sabi niya. Nanigas ako. Hindi ko alam ang aking gagawin.

&$!

Bro, pasensya na, kung may gusto kang ipagawa sa akin, nandoon ako. Sabi ni Mark. Pwede ka ba muna umalis kailangan ko muna mapag-isa. Sagot ko. Oh sige, bibili lang ako ng pagkain. Kung may gusto ka tawagan mo lang ako. Pagkasabi niya nito, umalis na siya. Buong magdamag nakahilata lang ako sa kama, di ko alam ang aking gagawin. Pero pagtagal may kumatok sa pintuan ko. Paolo, si Natasha ito. Pwede ba akong pumasok? tanong niya. Sige sandali lang. sabi ko habang pinupunas ko ang aking mga luha. Umiyak ka ba? Namumula ang mga mata mo. Ano ang nangyari? tanong ni Natasha. Ang aking tatay ay may stroke. Nasa ospital siya ngayon... Oh ikinalulungkot kong marinig yan, Paolo. Bigla nalang akong umiyak ulit. Pero ngayon mas malakas pa kaysa sa kanina. Ang pag-usapan ko lang ang aking tatay ay mahirap. Parang may sumaksak sa aking puso. Napaluhod ako.

&%! !

Agad-agad, yinakap niya ako. Pakiramdam ko, isang oras kaming nakayakap ngunit sa totoo 4 na segundo lamang ang lumipas. Paolo, magiging ok lang ang lahat. Sigurado ako na malakas ang tatay mo. Isang bagay na kasing liit ng stroke ay hindi makakapigil sa kanya. Panganko ko iyan sa iyo. Sa ngayon, magpahinga ka lang. sabi ni Natasha S-salamat Natasha. Pasensya na pero kailangan kong umuwi muna. Hindi kita matutulungan sa proyekto. Pasensya na talaga Di na kailangan iyan dahil sasama ako sa iyo. Ano? Bakit? sabi ko, gulat na gulat. Dahil ayokong gumawa ka ng bagay na padalus-dalos.

Kinabukasan, sinimulan ko ang aking pagempake para makapunta sa Nueva Ecija. Palagay ko, nag-eempake rin si Natasha. Nagkita kami sa dormitoryo ko at kaagad kaming naghanap ng masasakyan na bus. Pinasiya naming sumakay ng bus dahil masyadong mahal ang pagsakay ng eroplano. Mahaba-habang oras kami nagusap. Binigyan kami ng pagsakay sa bus ng oras para mas kilalanin ang isat isa. Sinabi niya na nag-aral siya sa
! &&!

isang mataas na paaralan sa Maynila. Sinabi rin niya na lumaki siya sa ibang lugar ngunit hindi niya maalala kung saan. Syempre, alam ko na ang lugar kung saan siya ay lumaki ay ang lugar na pinupuntahan naming. Narating naming ang Nueva Ecija makalipas ng ilang oras. Pumunta kami kaagad sa ospital kung saan nanatili ang aking tatay. Sa aming paglalakad papunta sa ospital, napansin ko si Natasha na nakatitig sa kapaligiran na parang ang lalim ng kanyang pag-iisip at may naalala siya. Narating namin ang ospital. Sa loob, nakita ko agad ang nanay sa lobi. Tumakbo ako sa kanya at yinakap ko siya. Kamusta si tatay? Ok lang ba siya? Kinakabahan kong tinanong. Masama ang kalagayan niya kanina pero salamat sa Diyos, maayos na ang kanyang pakiramdam ngayon. Guminhawa ang aking damdamin. Isang malaking ngiti ang nabuo sa aking mukha. Yinakap ko ulit ang nanay ko. Sa likod ko, lumapit si Natasha at nagpakilala. Magandang hapon po. Kaibigan po ako ni Paolo. Hindi ka ba si Natasha? Paolo, nahanap mo siya! sigaw ng nanay ko.

&'! !

Sinenyasan ko ang aking nanay na tumigil sa pagsasalita. Tiningnan ko si Natasha at nakita ko na nalilito siya. Paano mo alam ang pangalan ko? tanong ni Natasha. Bago makasagot ang aking nanay, may lumapit na doctor sa amin. Kayo ba ang mga Jacinto? tanong ng doctor. Tumango kami ng aking nanay. Sundan niyo ako. Pasensya na pero mananatili dito ang hindi kapamilya. Sinundan namin ang doctor habang naiwan si Natasha na naguguluhan pa rin sa sinabi ng aking nanay. Habang papunta kami sa kwarto ng aking tatay, bumulong ako sa aking nanay. Hindi niya alam. Anong ibig mong sabihin? tanong niya. Hindi niya ako naaalala May amnesia siya naaalala mo pa ba ang aking aksidente? Syempre naman, paano ko malilimutan iyon? Malapit kang mamatay! Tama ka, malapit lang. Ang dahilan na hindi ako namatay ay may nagligtas sa akin si Natasha ang nagligtas sa akin. Nagka-amnesia siya at marami pang pinsala dahil sa . . . akin.
! &(!

Narating namin ang pinto ng kwarto ng tatay ko. Iiwanan ko kayong dalawa sa ngayon. Sabi ng doctor. Inabot ko ang hawakan ng pinto pero biglang tinigil ako ng aking nanay. Lumuluha ang kanyang mata, yinakap niya ako. Mahal kita nanay. Sabi ko habang niyakap ko rin siya. Tinuyo ng nanay ko ang kanyang luha. Inikot ko ang hawakan ng pinto at binuksan ko ang pinto. Pumasok kami sa kwarto. Agad-agad nakita ko ang aking tatay na nakahiga sa kama ng ospital. Ang naramdaman ko sa pagkita ng tatay ko ganito ay siguro pareho lang noong nakita ako ng tatay ko pagkatapos ng aking aksidente. Ngumiti ang tatay ko nang niya kami. Tumakbo ako sa kanya at yinakap ko siya. Mabuti at nandito ka, anak. Pasensya na kailangan mo akong makita na ganito. Sabi ng tatay ko. Masaya lang ako na mabuti ka na. Hon, ano nangyari? tanong ng tatay ko nang makita na umiiyak pa rin ang nanay ko. Nandito si Natasha . . . at siya ang nagligtas sa buhay ng ating anak. Pero dahil doon, nagka- amnesia

&)! !

siya at wala siyang maalala. sagot ng nanay ko habang humihibik pa. Tumahimik ng sandali. Lumipas ang ilang sandali bago nagsalita ang tatay ko. Habang nakatitig sa akin, sabi niya Alam ko.

Paano mo alam?!? tanong naming mag-ina. Huminahon kayo at umupo kayo. Mahabang kwento ito. Nakinig kami at umupo sa bangko. Natatandaan mo pa ba ang araw ng aksidente mo? Eh, sa umaga ng araw na iyon, sosorpresahin kita at susunduin ko sana kita pagkatapos mo bumili ng aking gamot. Pumunta ako sa tindahan pero wala ka doon. Tinanong ko ang mga tao at sinabi nila na pumunta ka sa park. Pagkatapos, pumunta ako sa park at nakita kita tumatakbo. Nakita ko rin na sinusundan ka ni Natasha. Bago ako makagalaw, tumawid ka at linigtas ka ni Natasha. Tumakbo ako sa inyong dalawa at tumawag ng tulong. Sa una, nasa pareho kayong ospital. Dumating ang nanay ni Natasha sa ospital na halos kararating lang kayong dalawa. Tinanong niya sa akin kung ano ang nangyari at sinabi ko ang nakita ko. Galit na galit, sinuntok niya ako sa mukha. Habang umiiyak, sinigaw niya Ikaw at iyong anak, huwag na huwag kayong

&*!

lalapit sa aking pamilya! At ang iba alam mo na. Sa dulo, lumipat sila sa Maynila at hindi na namin sila nakita. Pagtapos ng tatay ko may malalim na katahimikan. Galit na galit ako. Bakit hindi mo sa akin sinabi?!?galit kong sinabi. Patawad, akala ko mas mabuti kung ganito Mas mabuti?! Impyerno buhay ko noong nawala siya! Huminahon ka! Magpasalamat ka na lang na buhay pa kayong dalawa! sigaw ng tatay ko sa kanyang dumadagundong na boses. Tatay, patawad sabi ko. Ok lang anak. Naiintindihan ko. Oo nga pala, nasaan si Natasha? Tatawagin ko siya. Sagot ko. Bumalik ako sa lobi ng ospital ngunit wala siya roon.

'+! !

Tumakbo ako palabas ng ospital at pumunta kaagad sa terminal ng mga bus. Tiningnan ko ang iskedyul para sa mga bus. Ang pag-alis ng susunod na bus ay bukas pa ng umaga. Nandito pa siya pero saan? isip ko sa aking sarili. Inisip ko ang mga lugar na pwede niyang puntahan. Una, binisita ko ang aking lumang mababang paaralan. Kung naalala niya ang nakaraan, baka pumunta siya roon. Naghanap ako sa kapiterya, sa lobi, at sa mga silid-aralan. Wala siya roon. Nang paalis na ako, nakita ko ang entablado ng paaralan. Doon sa entablado ang kung saan gumanap kaming dalawa ni Natasha ilang taon ang nakalipas. Iyon ang simula ng aking masasayang panahon ng aking buhay. Iniwan ko ang paaralan. Inisip ko ang pwede niya pang puntahan. Pumunta ako sa kanyang lumang bahay. Kahit na nakasarado ang kanilang bahay, nakapasok pa rin ako sa kanilang gate. Walang tao doon. Iniwan ko ang bahay. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Natataranta, lumakad na lang ako kung saan-saan. Siguro kung masuwerte ako, bigla na lang siya sisipot sa kanto. Wala akong nakita sa kanto maliban sa isang berso na galing sa bibliya na nakapinturado sa pader. Nag-aalala na ako, umikot ako at palakad na ako sa kabilang direksyon nang may
! '"!

umagaw sa aking pansin. Napansin ko ang berso na nasa pader. At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. -Revelations 21:6 Ang pasimula at ang wakasisip ko sa aking sarili. Bakit nakaka-agaw ng pansin ang bahaging iyon? Ano ang sinasabi sa akin ng bahaging iyon? Ang pasimula. . . at ang wakas. . . Ang wakas. . . at ang pasimula. . . Ang pasimula. . . At biglang tinamaan ako ng ideya. Ang pasimula! sinigaw ko ng malakas. Nandoon siya kung saan lahat nagsimula. Kung saan ko siya nakilala. Sa park.

Tumatakbo. Pinapawisan. Umuulan. Tumatakbo. Agad-agad kong tinungo ang park. Hindi ko pwede sayangin kahit isang segundo. Dumilim dahil sa mga madidilim na ulap. Tumatakbo. Narating ko ang tindahan kung saan binili ko ang gamot ng aking tatay bago ang aksidente.

'#! !

Tumatakbo. Ginamit ko ang shortcut na ginamit ko rin sa araw na iyon. Tumatakbo. Binilisan ko pa ang aking takbo. Baka nakaalis na siya kung masyado akong mabagal. Tumatakbo. Linampasan ko ang maraming tao. Halos na nga ako makabangga ng tao. Tumatakbo. Sumasakit na ang aking mga paa. Kahit ilang taon na ang nakalipas pagkatapos ng aksidente ko, hindi pa masyado nakakaya ng aking mga paa at ganitong klaseng pisikal na gawain. Tumatakbo. Dinaanan ko ang huling daan bago marating ko ang park. Pagdating ko sa park, tumigil ang ulan. Tumakbo ako sa loob ng park at agad ko siyang nakita. Nakaupo siya sa isa sa mga duyan. Basang-basa siya, siguro dahil sa ulan. Kahit na, ang ganda niya. Ang kanyang mahaba at kulay dilaw na buhok. Ang kanyang makinang at maputing balat. At sa ibabaw ng lahat, ang kanyang malalim at asul na mata. Nakayuko siya na parang may iniisip. Umupo ako sa duyan sa tabi niya. Nagsimula akong magsalita, Alam mo, espesyal ang lugar na ito sa akin. Dito ko nakilala ang tao na babago sa buhay ko. Dito ko siya unang nakilala. Dito kami naglaro ng habul-habolan araw-araw. Noong kami ay nasa mababang paaralan, gumanap kami sa harap ng buong paaralan para sa isang paligsahan. Nanalo kami ng
! '$!

unang gantimpala. Unang beses ko iyon makaramdam ng ganoon para sa ibang tao. Alam ko na iba siya. Alam ko na. . . espesyal siya. Nakatitig lang si Natasha sa lupa. Itinuloy ko. Pero isang araw, nawala siya. Noong umalis siya, nawala ang kulay at dahilan ng aking buhay. Hindi ako makabuhay na wala siya. Sinusuklam ulit ako ng ibang tao. Pumunta pa nga ako sa Maynila para mag-aral at magsimula ng bagong buhay. At sa unang araw ko doon. . . nakita ko siya ulit. Nagkakilala kami sa ilalim ng kakaibang pangyayari. Kasama kami nag-aral sa silid-aklatan. Pumunta kami sa ospital para sa aming proyekto sa Psychology. Sumama pa nga siya sa akin sa Nueva Ecija para bisitahin ang aking magulang. Kahit wala siyang maalala, nandoon pa rin ang pagkatao niya na minahal ko. Patawarin mo ako Natasha, na hindi ko sinabi sa iyo pero ikaw siya. Alam ko na wala kang maalala pero kailangan mo akong paniwalaan. Itinaas ni Natasha ang kanyang ulo. Tumutulo ang luha sa kanyang mukha. Naniniwala ako. T-talaga? gulat kong tinanong Naaalala ko na . . . Naaalala ko ang lahat . . . Paglaro natin dito, sa park. Ang paligsahan kung saan tayo nanalo. Ang aksidente. Lahat. Pero higit sa lahat, naaalala kita. Palagi ako nandoon para sa iyo. At palagi ka nandoon para sa akin.

'%! !

Nahati ang mga ulap. Dapit-hapon na. Ang araw ay lumulubog. May makikitang bahagyang senyas ng isang bahaghari sa langit. Sinagot ko siya, at mula ngayon palagi nandoon ako para sa iyo. Kasama ang lahat ng aking lakas na loob, lumapit ako para sa isang halik. Hindi ko alam kung angkop iyon para sa oras na iyon pero nararamdaman ko na iyon ang dapat kong gawin. Isinara ko ang aking mata. Dumikit ang aming labi. Hinalik ko siya sa ilalim ng lumulubog na araw. Buong buhay ko, tumatakbo ako sa aking problema. Pinapayag ko ang takot na kontrolin ako. Pero ngayon, hindi ko na kailangan tumakbo. Dahil may nahanap akong mahalagang hintuan.

'&!

You might also like