Bakunawa Paper

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Aral Pil 12 Summary Bakunawa Guide Questions: 1. Ano ang Bakunawa at ano ang kwentong bayan na kaakibat nito?

2. Ano ang maaring dahilan kung bakit panandaliang nawawala ang liwanag ng araw at ng buwan? 3. Maliban sa Bakunawa, ano pang mga folk creature ang humahalintulad sa bakunawa kung saan kumakain rin ito ng araw at buwan? Isa ang Pilipinas na mayroong pinakamayaman na kultura sa buong mundo. Patunay rito ang ibat-ibang uri ng mga laman-lupa at lamang-tubig na maiingkwentro natin saang mang dako tayo ng Pilipinas tumungo. Noong mga unang panahon, maraming mga bagay-bagay ang pinaniniwalan ang ating mga ninuno upang gawing panakip butas sa mga bagay-bagay na hindi kayang ipaliwanag ng kanilang kasulukuyang karunungan. Hanggang sa kasalukuyan, kahit na tayo ay papunta na sa isang mas teknolohikal na mundo, ay maraming pa rin ang naniniwala sa presensiya nga mga ibat-ibang nilalang na ito ng mga katutubo. Isa na rito ang Bakunawa na ating tatalakayin ngayon. Ang Bakunawa ay nagrugrupo sa kategorya ng mga dragon at kabilang sa sub-group na fishlike dragons. Dito sa Pilipinas, napakarami ng uri ng dragon na matatagpuan. May ilan na ang katawan ay katulad ng sa ahas o mga buwaya at ang kanilang mga ulo ay katulad naman sa mga leon, tigre at mga agila o banoy. Karamihan ng mga dragon noon ay pinaniniwalaang kumakain ng araw at buwan. Noong mga unang panahon ay inakala ng ating mga katutubo na ang ahas at buwaya ay kabilang sa grupo ng mga dragon. Ayon sa libro ni Dr. Maximo Ramos na Creatures of Midnight, ang mga dragon ay maaring maigrupo sa apat na kategorya ito ay ang: a. birdlike dragons b. fishlike dragons c. crocodile-like dragons d. snake like-dargons Ayon kay Dr. Maximo Ramos, ang bakunawa ay sinasabing nagmula sa western visayas. Mayroon itong katawan at gills ng isang malaking pating. Ang bunganga nito ay kasing laki ng isang lawa na may mga malalaki at magagaspang na mga whiskers at may kulay pulang dila. Ito ay naninirahan sa mga pinaka malalalim na parte ng karagatan. Isa sa mga dahilan kung bakit sikat ang Bakunawa sa Pilipinas ay ang tila pagkain nito ng araw at ng buwan. Ang paniniwala ng mga katutubo na ang dahilan kung bakit nawawala ng panandalian ang araw at ang pagbabago ng kulay ng buwan at sanhi ng pagkain ng bakunawa sa mga ito. Sa ilang mga kwentong bayan ng Panay ay kumakain rin ng tao ang Bakunawa. Sa paniniwala ng mga katutubong bisaya, noong sinaunang panahon ay mayroong pitong buwan sa kalangitan na gawa ni Bathala upang magbigay liwanag. Dahil sa kagandahan ng mga ito, ay nabighani ang mga Bakunawa at nagsimulang lumusong mula sa ilalim ng karagatan patungo sa mga buwan upang kainin. Nakain ng mga Bakunawa ang anim sa mga buwan. Upang maiwasan na makain ng Bakunawa ang mga buwan, ang mga katutubo natin ay magsisilabas sa kani-kanilang mga tahanan, bit-bit ang

kanilang ma palayok at banga upang gumawa ng ingay at bugawin ang Bakunawa sa pag asang mailuwa nito ang buwan at manumbalik ang liwanag ng kanilang buwan. Nagwagi ang mga katutubo at muli nilang naipabalik ang Bakunawa sa ilalim ng karagatan. Sa isang pag lalarawan ni A.C. Abear sa reaksyon ng mga tao ng Argao, Cebu nang malaman ng mga ito na mag kakaroon ng lunar eclipse noong 1934, nasabi niya na marami sa kanila ay nag hahanda para sa eclipse. Nag labas sila ng mga lumang tambulis, mga pinutol na mga kawayan upang gawing pamalakpak at ibang pang mga bagay na maaaring makagawa ng ingay. Habang unti-unting nagaganap ang lunar eclipse, isang matandang babae ang sumisigaw ng: I-uli ang among bulan! I-uli ang among bulan! (Ibalik mo ang aming buwan! Ibalik mo ang aming buwan!). Hindi tulad ngayon, karamihan ng mga bagay-bagay at phenomenon na nangyayari sa ating kapaligiran ay kaya nang ipaliwanang at i-predict ng siyensiya. Wala sa malay ng ating mga katutubo na ang nangyayaring pagkawala ng araw ay isang natural na pangyayari sa ating kalangitan at ito ay tinatawag na eclipse. Dahil lingid sa kaalaman ng mga katutubo na ito ay isang eclipse at wala pa silang sapat na kakayagang hulaan kung kailan ito magaganap, ito ay nag bibigay sa kanila ng takot at nangangamba na maaaring hindi manumbalik ang kanilang araw at ang liwanag na dala nito. Mayroong dalawang klase ng eclipse, ang solar at ang lunar eclipse. Nagaganap ang solar eclipse sa tuwing pumapagitna ang buwan sa pagitan ng araw at ng mundo. Ang anino ng buwan na tatama sa parte ng mundo nakikita ang eclipse. Nagaganap naman ang lunar eclipse kung ang araw naman ang pumapagitna sa araw at sa buwan. Hindi tulad sa solar eclipse kung saan ang araw ay panandaliang lamang na nawawala, sa lunar eclipse naman ay maaring mawala ang buwan ko kaya mag iba ng kulay at maging kulay pula. Dito lalabas na ang buwan ay tila dumudugo. Sa mga tagalog, ang tawag nila sa eclipse ay laho, kaya ang madalas na sinasabi ng mga tagalog ay sa tuwing may eclipse ay naglaho ang araw o buwan. Subalit ang katawagang ito ay nanatili lamang sa central Luzon at hindi na nakaabot pa sa Visayas. Sa halip ay isang halimaw ang ginamit ng mga taga Visayas upang maipaliwanag ang eclipse at iyon nga ang Bakunawa. Ayon kay Alfred Mccoy, maaaring nabuo ang salitang bakunawa sa mga depiksyon sa mga larawan at mga guhit noong 20th century. Ito ay ang bakun-sawa, o bent snake, maaring dito nabuo ang salitang bakunawa. Napag-alaman din ng mga siyantipiko ang maaring basehan sa pagkakaroon ng pitong buwan na ginamit sa alamat, ito ay ang pitong phases ng buwan na Waxing Crescent, First Quarter, Waxing Gibbous, Full Moon, Waning Gibbous, Third Quarter at ang Waning Crescent. Hindi kasama rito ang New Moon dahil hindi naman ito nakikita sa gabi. Sa kabila ng banta ng Bakunawa, napapayaman pa nito ang literature at kultura ng mga taga Visayas. Sa katunayan ay isang kanta ang naisulat sa wikang Hiligaynon, sa kumpas na , ang kinakanta ng mga bata sa tuwing may lunar eclipse.
Ang bulan namon sang una, sang una Our moon long ago, long ago Guin ka-on sang bakunawa Malo-oy ka man, i-uli, i-uli Korona sang amon hari. Was eaten by the bakunawa Please have pity, return it, return it The crown of our king.

Isang laro naman ang nagawa, na tinawag na Bulan bulan, Buwan buwan o Bakunawaang nilalaro ng mga bata dito sa Pilipinas. Sa bilang na 6-8 manlalaro, isa rito ay magsisilbing buwan at isa naman ay ang taya o Bakunawa. Ang matira ay gagawa ng bilog at papalibutan ang buwan upang protektahan ito mula sa Bakunawa. Sa pagkakataong makapasok ang Bakunawa sa loob at mataya ang buwan, tapos na ang laro. Panibagong buwan at Bakunawa naman ang ipapalit. Maliban sa Bakunawa, marami pang ibat-ibang klase ng folk creature sa Pilipinas ang kahalintulad ng Bakunawa na kumakain ng araw at ng buwan. Isa na rito ang Laho, Mameleu, ang Marcupo at ang Minokawa. Lahat ng nabanggit, maliban sa Minokawa, ay mai-grugrupo sa uri ng mga dragon, habang ang Minokawa naman ay isang malaking ibon. Sa paglipas ng panahon, ay unti-unti rin nating pinapatay ang Bakunawa. Nawawalan na ng interes ang taong bayan, lalong lalo na ang mga kabataan para sa mga ganitong bagay. Ang Bakunawa ay parte ng ating identidad, parte ito ng ating mayaman na kultura, at higit sa lahat, tayo ay ang Bakunawa. Unti-unti nating pinapatay ang ating mga sarili. Sa dami ng pagbabagong nagaganap ngayon sa ating lipunan , at sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, maaaring maabon na lang sa limot ang mga ganitong uri ng kaalamang at kwentong bayan. Isa itong malaking hamon, hindi lang para sa mga iskolar at mga akademiko, kung hindi sa lahat ng Pilipino, kung paano pananatilihin at patuloy na pagyayamanin ang local, regional at national culture ng ating bansa. Sa panahon ngayon bihira ka na lang makakita ng mga taong nag-iingay sa labas ng kanilang mga bahay sa tuwing may eclipse, at ang mas nakakalungkot, karamihan sa ating mga kababayan hindi alam kung ano ang Bakunawa o kung ano ang istorya sa likod nito.

References:
Ambrosio, Dante L. . Eclipse and the Snake in the Sky. Bakunawa and Laho. Philippine Daily Inquirer. (Accessed: Jul 24, 2013. http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/talkofthetown/view/20090208188046/Bakunawa_and_Laho) Cabrera, John Ray. Eclipse: The Story behind the Bakunawa Myth. 2012. Phi;lippine Journal of Astronomy. Johnson, Kaylee. If Dragons Took Over The World. (Accessed: Jul 24, 2013. https://sites.google.com/site/ifdragonstookovertheworld/bakunawa) (Accessed: Jul 24, 2013.http://en.wikipedia.org/wiki/Bakunawa) (Accessed: Jul 24, 2013.http://neilyamit.hubpages.com/hub/Bakunawa) (Accessed: Jul 24, 2013.http://www.iloilodinagyang.com/2013/04/bakunawa-giant-sea-serpent-mythology.html)

You might also like