Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGKUHA NG KAHULUGAN SA PAGBASA A. Pahiwatig na Kontekstwal ( Context Clues) Hindi lamang iisa ang kahulugan ng isang salita.

Mangyaring ang kahulugan ay nakabatay rin sa konteksto o gamit nito sa pahayag. 1. Depinisyon mababasa ang kahulugan sa bahagi ng pangungusap ** Hindi niya masikmura ang mahahayap na salitang binigkas ng kanyang kaaway. 2. Karanasan nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit sa pangungusap ** Labis ang kanyang pamimighati sanhi ng walang paalam ba pagalis ng kanyang minamahal. 3. Salungatan maliban sa kasingkahulugan, mabuting malaman ang kasalungat nito ** Ang kabuktutan ay hindi dapat na magkubli sa anino ng kabayanihan. 4. Pahiwatig kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag ** Ang pagsulong ng isang bayan ay makakamit matapos ang mahusay na pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan. 5. Pagsusuri lubhang kailangan sa paraang ito ang kakayahang panglinggwistika upang ganap na masuri ang salitang binbasa ** karimlan ka- + dilim + -an B. Kolokasyon Iniisip muna ang pangunahing kahulugan ng isang salita bago ang ilan pang subordineyt na kahulugan. C. Cline o klino Nakabatay ang kahulugan sa intensidad nito **pagsamba Pag-ibig Pagmamahal Pagsinta Pagsuyo pagkagalit pagkapoot pagkasuklam

D. Klaster Napag-uugnay ang mga salita na hindi kailangang magkakatulad ang bahagi ng pananalita. E. Cloze Paglalagay ng patlang o puwang sa pahayag upang matiyak ang kahulugan F. Denotasyon o konotasyon Denotasyon ang tawag sa literal na kahulugan ng salita samantalang konotasyon naman ay umaangkop sa gamit nito sa isang pahayag. ** Mabango ang bulaklak ng rosas. (Ang ibig sabihin ng bulaklak ay bahagi ng halaman denotasyon) Tulad mo ay isang magandang bulaklak. (Ang kahulugan naman nito ay dalaga konotasyon)

You might also like