Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PHOTO REFLECTION

Buwan ng Nobyembre, taong 2010, sa araw ng Huwebes at Biyernes ay naranasan nating lahat ang nakakatakot na super bagyong Yolanda. Sa ibang lugar, marami ang kinunan ng buhay o namatay dahil dito. Masuwerte tayo sapagkat ang hangin ng bagyo ay dumadaloy lamang sa itaas kaya maraming mga malalaking puno ang nabuwal. Sa ibang lugar ay napakalakas ng hangin tulad ng Leyte, Northern Samar, Tacloban at iba pa. Marami sa mga tao rito ang nawalan ng buhay dahil nang sinabi ng gobyerno ang kalamidad na darating, inuuna pa rin nila ang ari-arian at kayamanan, hindi iniisip ang kalagayan ng bawat isa lalong lalo na sa lugar ng Tacloban. Nang sumapit na ang bagyo marami ang nasira na mga bahay, simbahan at iba pa. Maraming taniman ang nangawasak sa sobrang lakas ng bagyo. At ang mabigat pa rito, maraming taong namatay at habang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang bangkay. Habang ang mga taong nakaligtas sa bagyong Yolanda ay naghihirap at walang makain. Ang iba nga ay nagpapatayan dahil sa kakulangan sa pagkain. Halos wala ng matirhan dahil sa kalamidad na naranasan. Ngayon maraming taong tumutulong sa mga taong nangangailangan lalong-lalo na sa mga taong nasalanta ng bagyo. Halos ang ibat ibang karatig bansa ay tumutulong na rin sa mg a survivors ng super typhoon tulad ng South Korea, Tsina at iba pa. Mahalaga talaga ang pagsunod sa mga payo ng gobyerno para sa kabutihan at kaunlaran ng isang pamayanan. Unahin ang buhay bago ang mga ari-arian.

You might also like