Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Pangulong tudling Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro

ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw. Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan. May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang opinyon. Tatlong bahagi ng editoryal [baguhin] Naglalaman ng tatlong bahagi ang balangkas ng editoryal: Panimula, kung saan binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari. Maaaring gumamit ng alinman sa panimula: isang tanong, isang salawikain, pasalaysay na panimula, tuwirang sabi Katawan, kung saan sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan. Pangwakas, na maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda. Mga uri ng editoryal [baguhin]

Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya. Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari. Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago. Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan. Pagtutol. Dito ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa. Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan. Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon

Daming Pinoys na lulong sa droga NAKABABAHALA ang report ng Dangerous Drug Board (DDB) na 1.7 milyong Pinoys ang nagdodroga at pataas pa nang pataas ang bilang. Ayon sa DDB nadagdagan ng 200,000 ang mga sugapa sa droga ngayong 2012. Sinabi pa rin ng DDB na taun-taon, 1,700 ang namamatay dahil sa pagdodroga. Sa halip na mabawasan ang mga nalululong sa droga ay nadadagdagan pa. May ginagawa bang hakbang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para malipol ang drug traffickers? O hindi nila magampanan ang tungkulin sapagkat problemado rin sila sa mga miyembro nilang nadadawit sa drug syndicate? Ngayon, hindi lamang sa Metro Manila laganap ang droga kundi pati na rin sa mga liblib na lugar. Maraming lugar sa bansa na wala pang kuryente at walang kalsada pero nararating na ng shabu. Maraming kabataan sa liblib ang nagiging halimaw makaraang gumamit ng shabu. Isang halimbawa ay ang nangyaring pangagahasa at pagpatay sa UST graduate sa Molino, Bacoor, Cavite dalawang linggo na ang nakararaan. Ang mga gumahasa at pumatay sa biktima ay magkapatid na tricycle driver. Inamin nilang gumamit muna sila ng shabu bago isinagawa ang karumal-dumal na krimen. Noong Lunes, isang lady bank executive, ina nito at maid ang pinatay at pinagnakawan sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Ang pumatay ay isa umanong dating drug addict. Hindi nagpapahinga ang mga sindikato ng droga. Abala sila sa negosyo sapagkat nalalaman nilang magandang lugar ang Pilipinas. Maluwag ang batas dito. Walang parusang kamatayan sa drug traffickers. At maaari pa silang makalusot kapag natapalan ng pera ang mga awtoridad.

Teoryang Klasismo/Klasisismo- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Teoryang Humanismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Teoryang Imahismo-Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Teoryang Realismo-Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Teoryang Feminismo-Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. Teoryang Arkitaypal- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa. Teoryang Formalismo/Formalistiko-Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusurit pang-unawa. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. Teoryang Eksistensyalismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Teoryang Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Teoryang Markismo/Marxismo- Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Teoryang Sosyolohikal- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Teoryang Moralistiko- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Teoryang Bayograpikal- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga pinaka na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Teoryang Queer-Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman ay queer. Teoryang Historikal- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Teoryang Kultural- Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi. Teoryang Feminismo-Markismo- Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang ibat ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na itoy kasamaan at suliranin ng lipunan. Teoryang Dekonstruksyon-Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang ibat ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Teorya- mga pahayag na hindi napatunayan. Genre- ito yung tumutugon sa anumang uri ng babasahin na nakasulat sa teksto Panitikan - ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.

Madalas, dadalhin ng mga magulang ang kanilang bagong silang sa kanilang parokya para itala ang araw ng binyag. Dapat ang mga magulang ay binyag din sa simbahang katoliko, maging na rin ang mga ninong at ninang (pero ang mga simbahang galing sa parehong komunyon tulad ng Luterano o Anglikano ay maaari). Kung ang gustong magpa-binyag ay may-gulang, kailangan niyang mag simula ng Rite of Christian Initiation for Adults, o RCIA. Eto ang bawat yapak sa pagiging Katoliko (sa Inggles): Step 1 Choose a church and begin attending Mass. Introduce yourself to the other parishioners and speak with them about the church. It may be helpful to attend Mass at more than one church. Pick one that appeals to you. Step 2 Contact the Parish Office of your chosen church and speak with them about your choice to convert. Attend classes or group meetings designed for potential converts, common at most parishes. Speak with the Priest or Deacon about why you want to convert to ensure you are sincere and committed. Step 3

Initiate the RCIA process at your chosen Parish once you have committed yourself to conversion. There are four main periods during the process-Pre-Catechumenate, The Catechumenate, Purification and Enlightenment and Mystagogy. The amount of time spent in each period is not set; rather, it depends on individual needs and feelings. Step 4 Become Confirmed and participate in the Sacrament of the Eucharist during the Easter Vigil (also be Baptized if not already). At this time you become a Neophyte and full member of the Roman Catholic Church.

Karaniwang pinabibinyagan ng mga Katoliko ang mga bagong silang na mga bata upang diumano ay maging Kristiyano. Sa paraang kinagawian ng Iglesia Katolika, dinadala ng mga magulang ang kanilang anak sa simbahan, kasama ang mga piniling ninong at ninang upang isagawa ang pagbibinyag sa bata sa pangangasiwa ng pari.
PAGBIBINYAG SA IGLESIA NI CRISTO:

Hindi aral ng Iglesia NI Cristo ang pagbibinyag gaya ng ginagawa sa Simbahang katoliko Romano. Ang ginagawa sa mga bata o sanggol na anak ng mga miyembro ng mga kapatid sa Iglesia ay inihahandog. Ito ay ipapanalangin ng ministrong nangasiwa ng pagsamba sa kapulungan kasama ang kanyang mga magulang.

PAGBIBINYAG SA MGA MORMONS:


Ang pagbibinyag sa simbahan ng Mormon ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglulubog ng lubusan sa taong bibinyagan sa tubig at muli siyang iaahon mula sa tubig. Ang pagbibinyag ay maari lamang isagawa ng isang taong may tamang karapatan.
Note:kailangan tayong mabinyagan dahil utos ito ng diyos na ang isang bata ay dapat binyagan sa ngalan ng diyos para siya ay isang ganap na kristiyano...:)

PAMAHIIN SA BINYAG:
Sa binyagan naman, kung sa isang simbahan ay maraming bibinyagan, dapat daw ay itakbo mo ang iyong anak at unahan ang lahat ng mga bata sa paglabas sa simbahan. Ito daw ay sa dahilang para hindi madaig ng ibang bata ang iyong anak. Madaig ibig sabihin ay mas hindi siya magiging masasakitin sa lahat ng batang nandoon , mas magiging matalino siya at marami pang ibang dahilan . If a baby cries during his baptism ceremony, it will have a long life.

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag ga tinatawag na Pag-islam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibinyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremnyang panrelihiyon na napapaloob sa pag-islam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak na Muslim at ang kanyang unang salita maririnig ay ang pangalan ni Allah. Ang pangalawang seremnya ay higit na kilala bilang pangganting o pangubad. Ginagawa itong pitong araw pagkakaroon ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito'y tinatawag na agiya, na ang ibig sabihi'y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Sa okasyong ito, ang bininyagan o pinarangalan ay binibigyan ng pangaln ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok.

Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapg ito'y lumubog, siya'y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremnya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanao. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremnya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto ga gating kinulayan ng dilaw. Ninihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian. Isang katutubong hilot na may kaalaman sa kinaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya. Ang ikatlo at huling seremnya ay pag-islam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na Gawain sa seremnoyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kinalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng mga maulidin nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaron ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito'y tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihi'y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag itongpagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi ng kanilang pag-aari.

Kasal (seremonya) Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao. Magkakaiba ang anyo ng pagdiriwang at tradisyon sa bawat lugar sa mundo, at kadalasang ayon sa kultura, pangkat etniko, pananampalataya, paniniwala, lahi, at bansa ng mga ikinakasal.[1] Kaugaliang pangkasal sa Pilipinas[baguhin] Ang lalaking ikakasal ay kadalasang nagsususot ng Barong Tagalog, kasama ng mga abay nito, subalit ngayon ang mga mayayayaman ay nagsusuot na rin ng kanluraning damit gaya ng tuxedo. Ang kasal na ginanap sa loob ng isang taon ng dalawang magkapatid, kadalasan ng dalawang magkapatid na babae, ay tinatawag na Sukob, ay iniiwasan dahil ito ay pinaniniwalaang magdadala ng malas. May mga paniniwala din na pagnalaglag ang singsing sa lupa ay tanda ng kamalasan. Kadalasan ding Sibil na pagpapakasal[baguhin] Ang sibil na pagpapakasal ay kasal na pinapahintulutan ng gobyerno ng isang bansa. Kaakibat ng sibil na kasal ay pagkakaroon ng mga legal na kasunduan, benepisyo at legal na proteksiyon sa mga ikinasal. Bawat bansa ay may kanya-kanyang mga batas sa sibil na pagpapakasal. Ang sibil na pagkakasal ay maaaring gawin ng isang huwes o isang pulitiko gaya ng mayor at iba pa. Ang opisyal na dokumentong nagpapatunay na sibil ng ikinasal ang mag-asawa ay tinatawag na "sertipiko ng kasal" o katibayan ng kasal. Relihiyosong pagpapakasal[baguhin] Ang relihiyosong pagpapakasal ay kasunduan ayon sa relihiyon ng nagpapakasal. Ang relihiyosong pagpakasal ay ginagawa pagkatapos, bago o kasabay ng sibil na pagpakasal(civil marriage). Ang bawat relihiyon ay may kanya kanya paniniwala sa kasal at may iba iba ring kinakagawian sa pagsasagawa sa seremonya ng kasal. Sa katoliko ang mga ritwal ng katolikong pagkakasal(catholic wedding) ay ginagawa ng isang pari. Sa Hudaismo ay ginagawa ng rabbi. Sa Wicca ay ginagawa ng paring Wiccano.

sa pagbibigay ng pangalan nga mga bata nuon ay hango sa mga hayop,ninuno at iba pa.............
noong una ay mga makalumang pangalan tulad ng pedro at asiong ngayon sosyal na tulad nng kate erika at darkneil hindi ba juan tasiong maria

Ano ang Sawikain/Idioma Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. Iba't ibang Sawikain ahas----taksil; traidor Halimbawa: Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas. anak-dalita---mahirap Halimbawa: Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita. alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo. Halimbawa: "Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang." balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. Halimbawa: Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero. balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran. Halimbawa: Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan. Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan Halimbawa: Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay. basa ang papel---bistado na Halimbawa: Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na malaki ang tubo Halimbawa: Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo? bukal sa loob---taos puso tapat Halimbawa: Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan. busilak ang puso---malinis ang kalooban Halimbawa: Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu. di madapuang langaw---maganda ang bihis Halimbawa: Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo. di makabasag-pinggan---mahinhin Halimbawa: Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

hampaslupa---lagalag, busabos Halimbawa: Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa. haligi ng tahanan---ama ilaw na tahanan---ina Halimbawa: Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin. isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay. itaga sa bato---tandaan Halimbawa: Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato. itim na tupa---masamang anak Halimbawa: Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa. kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta Halimbawa: Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila. kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan Halimbawa: Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita. kapit-tuko---mahigpit ang hawak Halimbawa: Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara. kidlat sa bilis---napakabilis Halimbawa: Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies. kilos-pagong---makupad,mabagal Halimbawa: Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi. luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis Halimbawa: Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya. (Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki") Mahangin ang ulo----mayabang Halimbawa: Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki. matalas ang ulo---matalino

Halimbawa: Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude. mahina ang loob---duwag Halimbawa: Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay. malakas ang loob---matapang Halimbawa: Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip. makapal ang bulsa---mapera Halimbawa: Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa. makapal ang palad---masipag Halimbawa: Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo. magdilang-anghel---magkatotoo sana Halimbawa: Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana. pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan Halimbawa: Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak. pagiisang dibdib---kasal Halimbawa: Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon. pusong-bakal---hindi marunong magpatawad Halimbawa: Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa? tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin Halimbawa: Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko. tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob Halimbawa: Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko. bungang-tulog---panaginip maamong kordero---mabait na tao Halimbawa: Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro. butas ang bulsa---walang pera mababaw ang luha---iyakin Halimbawa": Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

kabiyak ng dibdib---asawa mabigat ang dugo---di-makagiliwan Halimbawa: Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana. maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali Halimbawa: Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon. mahabang dulang---kasalan malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan Halimbawa: Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli. namamangka sa dalawang ilog---salawahan makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman Halimbawa: Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo. nagbibilang ng poate---walang trabaho malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman Halimbawa: Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman. nakahiga sa salapi---mayaman mapurol ang utak---bobo Halimbawa: Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na taon. nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga masama ang loob---nagdaramdam Halimbawa: Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal. naniningalang-pugad---nanliligaw matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig Halimbawa: Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na. sira ang tuktok---gago, luko-luko Halimbawa: Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan. takaw-tulog---mahilig matulog

Halimbawa: Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog?

Salawikain
Ang mga salawikain[1][2], kawikaan[1], kasabihan[1], wikain[1], o sawikain[1] ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.[3]
lan lamang ang mga sumusunod sa mga salawikain mula sa Pilipinas:
Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.

Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit. Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.
Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol. Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas. Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak.. Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong magasawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga. Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin. Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.

Bugtong Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1]May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong nagiging isang palaisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata. 1. Maikling landasin, di maubos lakarin. ANINO (SHADOW) 2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. sinturon (belt) 3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. sapatos (shoes) 4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. langgam (ant) 5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. kandila (candle) 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig

13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya 23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukhay nakaharap pa. Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

You might also like