Ang Pamana Ni Frits

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus *

Intoduksyon Ang ina ay tanglaw natin sa ating buhay.

Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito. At isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa anak. Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian. Bakit? Dahil ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dingin ito ng Panginoon lalo na kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya inuuna ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras. Ang ina, sa pagamutan, huling nagpapasuri. Inuuna ang mga mahal upang mabili muna ang kanilang mga pangangailangan. Hindi na baleng walang gamot o bitamina sa kanya, mapunan lamang ang pangangailang ng mga anak. Ngunit, talagang kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig ng isang ina, sa buong pamilya, kadalasay siya ang huling tamaan ng sakit at kahit mahina at may karamdaman pa, makikita mong laging may reserbang enerhiya. Magandang resistensiya ang hatid ng tunay na pag-ibig ng isang ina. Ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak ay likas na katutubo. Iba-iba man ang paraan ng pagpapalaki nito sa kanyang mga supling pero ang pag-ibig ng ina ay iisa walang hanggang at walang katulad. Iyay pinatutunayan ng kaniyang mga pagod, hirap, sakit, at pagsasakripisyong pinuhunan sapul nang isilang ang anak hanggang sa kaniyang pagsasarili sa buhay. Ngunit ilang anak ba ang nakakadama ng gayong mga pagpapakasakit para sa ina? Paano ba maipapakita ng anak ang kanyang pagmamahal para sa kanyang butihing ina?

II. *

Paghahawan ng Sagabal Namamanglaw -

"Mga anak, sundin ninyo ang inyong magulang, alang-alang sa Panginoon sapagkat ito ang nararapat... Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon." -Efeso 6:1, 4 Ang pag-ibig ng isang anak sa kaniyang magulang ay naipapakita sa pamamagitan ng pagsunod. Dapat alalahanin ng mga kabataan na ang kanilang mga magulang ay itinakda ng Diyos na maging tagapamahala ng tahanan. Ang pag-ibig ng isang anak ay naipapakita rin sa pamamagitan ng paggalang. Ang nais ng Diyos ay manatili sa bawat anak ang paggalang sa kanilang magulang bilang paggalang na rin sa Diyos na sa atin ay tumawag. Kailangang ipadama rin naman ng mga magulang ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak sa paraang hindi sobrang higpit at hindi rin sobrang luwag. Ang pagmamahal ay hindi nakakasakal o hindi rin walang pakialam. Ang pagmamahal ay naghahanap ng

paraan na ang kaniyang minamahal ay maging malaya ngunit hindi sa kaligayang nakakapahamak. Ang pagmamahal sa pamilya ay hindi nakabatay lamang sa tungkulin, kundi higit sa lahat ay isang adhikain. Ang mga anak na nagmamahal sa magulang ay nagmamalasakit, tumutulong at hindi nagpapabigat ng loob. At ang mga magulang naman na nagmamahal sa kanilang anak ay nagtuturo ng tama at mabuting halimbawa na maaaring tularan sa kanilang paglaki.

Isang araw ang ina koy nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumit mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina koy tila baga nalulumbay At ang sabi itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silyat aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking matay may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan nat may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Ang ibig ko sana, Inay ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ikay Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin? Wala naman, yaong sagot baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silyat aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw. Ngunit Inang, ang sagot ko, ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig koy ikaw ina, ang ibig koy ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana koy ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ikay wala pang kapantay.

Ang Kaisipan ng tula

Ang ina ay tanglaw natin sa ating buhay Dapat nating mahalin ang ating ina dahil sila ay nagsasakripisyo at nagmamahal sa ating tunay Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Tugmaang di-ganap

Mensahe ng tula

Ang talinghagang pahayag ng tula Tugmang ginamit ng tula Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan. Ano ang ipinahihiwatig ng mga taludtod na ito? Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman

matanda na ang ina

nag-iiwan ng pamana Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito? Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig koy ikaw ina, ang ibig koy ikaw inang Ano ang ipinahihiwatig ng mga taludtod na ito? Ang tula ay may sukat na O Ina ko, ano po ba ang naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin. Ano ang ipinahihiwatig ng mga taludtod na ito? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman mabait ang anak Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito? Napaiyak ang anak at niyakap ang ina. mahal na mahal ng anak ang ina Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito? pagtitiis Positibong katangian ng ina sa tula. dakila kaibigan mapag-aruga Wang sukat

mapagmahal na anak

ang anak ay lungkot na lungkot

Kawili-wiling katangian ng ina sa tula.

mapagkalinga mapagmahal pabaya Negatibong katangian ng ina sa tula. namamalo Batay sa tula ang pinakamahalagang habilin ay: Ang tulang Ang Pamana ay isang halimbawa ng tulang ang anyo ay: Ina

Malayang taludturan

You might also like