Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 34 Nasa daan si Basilio.

Ikapito ng gabi, makikituloy sana siya kina Isagani ngunit hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague. Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo. Kabanata 35 Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi ngunit wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran ngunit di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon daw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan. MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA Isa raw biro iyon, ani ni Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot. ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan. Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon rin sa ilog.

Kabanata 36 Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral. Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari. Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Ngunit si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Kabanata 37 Ang Hiwagaang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.

Kabanata 38 Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Si Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si Mautang sa paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na makayanang maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit hindi siya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may mga tulisang lumusob sa kanilang paglalakbay sa gilid ng gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si Mautang at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik. Kabanata 39 Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siyay natunton na ni Donya Victorina. Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte. Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun. Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan. Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

You might also like