Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA III METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng diskriptib-analitikal na pagsusuri gamit ang proseso ng pagsasarbey, pananaliksik at interbyu upang masuri ng mabuti ang mga pananaw, obserbasyon at opinyon ng mga respondente ukol sa pagkakaiba at pagkawala ng Libangan noon at pagdating ng mga makabagong libangan ngayon ng ating mga kabataan. Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa ibat-ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas upang mangalap ng datos noong ika-10 at ika-12 ng Pebrero taong 2014. Upang maisagawa ang aming interbyu at sarbey ng maayos kami ay naghanda ng ilang mga katanungan. Ang unang bahagi ng aming interbyu at sarbey ay

pumapatungkol sa kanilang pangalan at edad. Ang pangalawang bahagi naman ay naglalaman ng tema ng aming pananaliksik na nagtatanong tungkol sa kanilang madalas na limang libangan ngayon. At ang ikatlong bahagi naman ay ang kanilang pananaw patungkol sa kanilang obserbasyon sa mga libangan ng kabataan ngayon at ang kanilang kaalaman patungkol sa mga libangan nang mga kabataan noon. Naging bahagi din ng aming pananaliksik ang sosyal eksperiment na kung saan kami ay pumunta ng Rizal Park noong ika-15 ng Pebrero taong 2014. Kami ay nakipaglaro sa mga bata sa loob ng parke upang magbalik tanaw sa mga

libangan noon. Pagkatapos nito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng obserbasyon sa loob ng SM Manila. Ang mga respondente sa aming pag-aaral ay ang 30 kabataan na nasa kolehiyo at 20 na nasa edad 40 pataas.. Kaming mga mananaliksik ay gumamit lamang ng selpon upang makuhanan ang mga pangyayari at para maitala ang mga kasagutan ng aming mga respondente. Samakatuwid, pagtatally at pagkuha ng prosyento lamang ang aming ginawa upang mapag-isa lahat ang mga tugon ng mga respondente. Sa tulong ng mga libro at ng internet kami din ay nakakuha ng ibat ibang datos.

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

TALAHANAYAN 1 ANG IBAT IBANG LIBANGAN NOON AT NGAYON NG MGA RESPONDENTE

LIBANGAN NILA NOON


TAYA-TAYA

LIBANGAN NILA NGAYON


MALLING O MAGGALA KASAMA ANG MGA KAIBIGAN

DOCTOR-DOCTORAN

MANOOD NG SINE O MOVIE MARATHON

PIKO

SOCIAL NETWORKING SITES (FACEBOOK, TWITTER)

BARBIE

BASKETBOL

PATINTERO

PAGKAIN

LUKSONG BAKA

PHOTOGRAPHY

TAGU-TAGUAN

PAGBABASA, PAGSUSULAT NG MGA KWENTO, PAGGUGUHIT, PAG-AARAL

TUMBANG PRESO

MATULOG

LUKSONG TINIK

Sa talahanayan na ito pinapakita ang ibat ibang libangan ng mga mag-aaral na nagmumula sa ibat ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang mga respondente na sumagot sa mga tanong ay mga kalalakihan at kababaihan. Ito ay ginawa sa isang random na pamamaraan. Makikita na madalas na gawin ng mga kabataan sa kasalukuyan bilang libangan nila ay ang paggagala, pagtulog, pagfacebook, twitter, at iba pa. Makikita rin sa kaliwang bahagi ay ang mga ilan sa mga madalas na libangan noon ng mga

respondente, ito ay ang mga luksong tinik, luksong baka, tagu-taguan, habulan, at marami pang iba.

GRAP 1 MGA KABATAAN NGAYON NA NAGLALARO PA NG MGA LIBANGAN NOON

MGA KABATAAN NGAYON NA NAGLALARO PA NG MGA LIBANGAN NOON

20%
80%
MERON PA WALA NA

Sa grap na ito pinapakita ang sagot ng mga respondente sa tanong na, May naglalaro pa ba ng mga libangan noon sa panahong ito? Walumput porsyento ng mga respondente ang sumagot na wala, ang ilan pa rito ay nagsabi na, Puro teknolohiya na ang libangan ngayon ng mga kabataan. At sakanilang obserbasyon din sa mga kalsada ay wala na. Sa kabilang dako, may ilan pa rin sa ating respondente na nagsasabi na mayroon pa rin ilang mga kabataan sa kalsada ang naglalaro ng mga libangan o laro noon gaya ng mga tagutaguan, habul-habulan at iba pa, pero kasunod ng nasabi nila ay medyo kakaunti nalang din dahil mas nakatuon sila sa mga kompyuter games.

GRAP 2 MGA MATATANDA NA PABOR SA LIBANGAN NGAYON

MGA MATATANDA NA PABOR SA LIBANGAN NGAYON 1%

99%

HINDI
OO

Minabuti naming mga mananaliksik na kunin angopinyon ng mga matatanda edad 40 pataas patungkol sa libangan ngayon ng mga kabataan kung mas gusto ba nila na naglalaro sa labas ang kanilang mga anak na gaya noon o kung papanig sila sa mga ginagawa na ngayon na gaya na lamang ng paglalaro sa komputer o paggala at iba pa. Ipinapakita sa grap na ito na mas mataas ang bilang ng mga matanda na pabor sa libangan noon kaysa ngayon sa mga dahilan nilang mas nakakatulong sa bata ang paglalaro sa pisikal, emosyonal, espirituwal, kaisipan at sosyal.

GRAP 3 MGA KABATAAN NA NAKAKAALAM PADIN SA LIBANGAN NOON

MGA KABATAAN NA NAKAKAALAM PADIN SA LIBANGAN NOON

25%
Oo

75%

Hindi

Batay sa sosyal eksperiment na isinagawa naming mga mananaliksik pitumput limang porsyento o 75% ang hindi na nakaalam sa libangan noon. Samantalang dalawamput limang porsyento o 25% ang nakakaalam padin sa libangan noon. Sa mga bata na di na nakakaalam sa laro, di sila pamilyar dito at kailangan munang sabihin ang proseso bago nila ito laruin.

GRAP 4 DAMI NG MGA RESPONDENTE NA PAMILYAR PA SA MGA BUGTONG

70 60

50
40 30 20 10 0 1st Qtr 2nd Qtr
Estudyante na may edad 16 pataas

Kaming mga mananaliksik ay nagsagawa ng eksperimento sa aming mga sarili at sa iba pang mga estudyante sa ibat ibang kolehiyo sa loob ng Unibersidad ng Santo Tomas. Kami ay naghanda ng mga bugtong upang itanong sa aming mga respondente. 70% sa mga grupong aming napagtanungan ay may kaalaman pa sa mga sagot sa aming mga naihandang bugtong, at 30% naman ay tila nakalimutan na o halos walang ideya sa mga kasagutan sa aming mga bugtong. Pinapakita nang grap na ito na mas marami paring mga kabataan na nasa edad 16 pataas ang nakakaalala pa sa mga kasagutan sa mga bugtong. Ito ay nangangahulugan na hindi pa tuluyang nawawala at nakakalimutan ng bagoong henerasyon ang mga libangan nila noong silay mga bata pa.

INTERPRETASYON AT PAGSUSURI

Lumalabas sa resulta ng aming pag-aaral na higit na nakaapekto ang teknolohiya sa kabataan kaya unti-unti na ang pagkawala ng libangan noon. Ayon pa sa aming mga respondente, Puro teknolohiya na ang libangan ngayon ng mga kabataan. Ilan sa kanila ay wala ng nakikitang kabataan na naglalaro ng libangan noon sa mga kalsada. Sa kabilang dako, may ilan pa rin sa ating respondente na nagsasabi na mayroon pa rin ilang mga kabataan sa kalsada ang naglalaro ng mga libangan o laro noon gaya ng mga tagu-taguan, habul-habolan at iba pa, pero kasunod ng nasabi nila ay nawawala na ang mga libangan noon dahil ang mga kabataan ngayon ay mas nakatuon na ang oras sa mga kompyuter games tulad ng Dota, LoL, HoN at iba pa. Karamihan sa aming mga respondente ang pabor sa mga libangan noon, dahil hindi lamang nito hinuhubog ang pagkatao ng isang bata, lumalakas pa ang pangangatawan at isipin nito hindi tulad sa henerasyon ngayon, nawawalan na sa oras ng ehersisyo kayat ang kanilang katawan ay humihina at may epekto rin ito sa hubog ng kanilang pangangatawan dahil pag sila ay naglalaro ng kompyuter, tablet at iba pa ay nakaupo lamang sila, dahilan ng kanilang pag-taba. Lumalabas din sa resulta ng aming pagaaral na marami pa rin ang nakakaalam sa mga libangan noon, ito ay marahil sila ay nagmula sa mga probinsya, hindi tulad sa mga urban na lugar tulad ng maynila ay kakaunti na lamang ang may alam at naglalaro ng mga libangan noon.

You might also like