Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

I.

Panimula

A. Saligan ng Pagaaral Ang matatalinhagang salita ay nagmula sa ating mga ninuno na mapahanggang ngayon itoy ating ginagamit. Sa paggamit nito maipapakita ang isang matalino at mapanuring paglalahad ng isang damdaming iyong ipapakita sa iyong kapwa. Ito ay matatawag na isang malawak at pinakamataas na uri ng mga salita sapagkat kakaiba ito sa paraan na binibigyan nito ng isang matinding paglalahad ang isang damdamin. Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang damdamin na gusto ipahiwatig. Pagibig, kasiyahan, pagkatakot, pagkalumbay, at pananabik ay mas mailalahad ng mabuti kapag ginamitan o hinaluan ng mga matatalinhagang salita sa pasalita man o pasulat dahil ang mga matatalinhagang salita ay nagbibigay ng isang malakas at kapana-panabik na pahiwatig at kasabihan. Ang pagbibigay halaga sa pagaaral na ito ay ating masasaksihan ang tunay na halaga ng mga

matatalinhagang salita sa ating lipunan. Gaano man kahirap arukin ang mga salitang ito hindi pa rin mawawala ang pagkasining na inilapat sa isang sulatin ng isang akda. At higit sa lahat ang pagaaral na aking gagawin ay siyang maghahatid ng mga katotohanan na ating nasasaksihan sa kasalukuyan, katotohanan na siyang magiging paraan upang magkaroon ng halaga ang mga matatalinhagang salita sa ating inang bayan. B. Layunin 1. Pagunawa sa mga matatalinhagang salita bilang paglalahad ng isang matinding damdamin.

2. Pagtalakay sa kahalagahan ng matatalinhagang salita sa kasalukuyan. 3. Paghahambing ng mga kaibahan sa paglalahad ng kanyang nais ipahiwatig sa wikang Ingles at sa wikang Filipino na may matatalinhagang salita. 4. Pagbibigay ng mga halimbawa sa maaaring idulot ng matatalinhagang salita sa kaisipan ng bawat Pilipino. 5. Paggawa ng isang malinaw at maayos na impormasyon ukol sa pamagat na aking ibinigay. III. Paglalahad ng Suliranin

Ang pagunawa sa mga matatalinhagang salita ay napakahirap sapagkat itoy napakalawak at napakalalim. Hindi mo ba naisip na maraming Pilipino na halos kabataan ay hirap na hirap sa pagunawa sa mga salitang ito? Itoy nanggaling sa ating mga kaninu-ninuan na dapat pinapahalagahan natin mapa-hanggang ngayon sa kasulukuyan. Bilang isang magaaral sa isang pribadong paaralan, nararanasan ko rin ang mga ganitong suliranin na halos kapag akoy nagbabasa ng mga nobelat pahayagan. Oo ngat mahirap unawain ang mga ito pero sa pamamagitan nito naipapakita nito ang kahalagahan n gating mga isinusulat sapagkat pinapalawak nito ang nais nating sabihin at itoy mas nagiging makabuluhan at masining na sulatin. Ngunit hindi lang diyan ang gusto kong iparating. Ano nga ba ang kaibahan ng wikang Ingles sa ating sariling wika? Masasabi ko na ang kanilang kaibahan ay kung paano makakapukaw ng damdamin n gating mga kapwa na sa pamamagitan ng mga matatalinhagang salita mararamdaman nila ng lubusan at wagas ang mga kahulugan nito. Isa sa mga suliranin na ating kinakharap ay kung paano natin

palalawakin an gating mga isipat damdamin sa pagsusuri sa mga matatalinhagang salita. Hindi bat mas mainam at nakakaantig sa ating mga puso kapag tayop ay nakakabasa at nakakarinig ng mga matatalinhagang salita sapagkat pinapkita nito ang isang tunay na makadiwang Pilipino. IV. Kahalagahan ng Pagaaral Masasabi ko na bilang isang kabataan, ang mga matatalinhagang salita ay isang mahiwaga sapagkat itoy nagbibigay ng isang matinding damdamin na inilalahad ng isang mahusay na tao. Sa paglalahad ng mga ito, mas bukal sa ating kalooban at tagos sa ating mga puso ang kahit na anong linya at kasabihan ang nakalahad sa alinmang libro o sulatin. Kahit na anong, damdamin kapag itoy hinaluan ng mga matatalinhagang salita, itinatatak nito sa ating pusot isipan ang isang Malaya at makadiwang pamamahayag. Halimbawa ng kasabihang ito, Pag-ibig anilay bulag ang kahambing, Hindi nakakikilala ng pangit at matsing, At kahit pa nga magdildil ng asin, Duling na sa gutom, maligaya pa rin! na aking nakuha sa 1 corinto 13:4 ay nagpapahiwatig na bulag ang pagibig dahil sa itsura lamang nakikinabang ang mga tao. Hindi nila binibigyang importansya ang kahalagahan ng ugali na mayroon sa ibang kapwa. Halimbawa na lamang ng aking ibinigay na pahayag, ang paggamit ng matatalinhagang salita ay matatawag na henyong paglalahad sapagkat pinalalalim nito ang kahulugan ng bawat kasabihan. Isa pang halimbawa, ang salitang I Love You sa Ingles, kapag itoy isinalin sa wikang Filipino ito ay Mahal Kita , masasabi mo ban a mas tagos sa puso ang salitang I Love You kaysa sa salitang Mahal Kita ? Para sa isang Pilipinong katulad ko masasabi ko na ang salitang Mahal Kita

ay nagiiwan ng isang matalinot makadamdamin na salita. Kapag tayo ay sinabihan ng I Love You para sa atin, parang wala na itong masyadong dating o walang gaanong kahalaga ang salitang ito sapagkat itoy araw araw na lang nating naririnig sa tuwina. Pero kapag ikay sinabihan ng iyong mahal na Lubos kitang minamahal aking pagsinta , Hindi bat parang gusto mo na siyang sagutin ng mahiwaga mong OO sapagkat nakaramdam ka ng isang damdamin na nagmula sa kanyang tapat at totoong pagtingin sa iyo. Ang kahulugan nito ay iniibig ka niyang talaga at wala ng iba pa. Kay tamis nga naman kase kapag ikay sinabihan ng ganoon mula sa nagmamahal sa iyo, hindi ba? Para sa aking konklusyon, ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ay inaakit ang iyong kaluluwat isipan sa pagunawa sa mga salitang ito sapagkat ito ay isang kayamanan na hindi mawawala ng sinuman. Isang kayamanan na dapat pahalagahan hanggang sa kasulukuyan sapagkat itoy itinuro n gating mga ninuno na dapat nating mapaningning sa kalawakan. Kaya ang mga matatalinhagang salita ay mga salita na ma malalim na ugat sapagkat itoy nagbibigay ng isang malakas at makapangyarihan na pahiwatig para sa iyong kapwa.

II. Kaugnay na pagaaral Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal - sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ay nakapagpapayaman sa iyong talasalitaan. Ngunit kung kukunin ang literal na kahulugan nito ay kalimitang nagiging katawa-tawa ang resulta. Kaugnay sa pagpapalawak ng mga damdamin sa isang sulatin ang tayutay. Ang

tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin. Maraming manunulat ang gumagamit ng mga ganito salita upang maipahayag nila ang tunay nilang nararamdaman para sa ating mga Pilipino. Halimbawa na lamang ng tulang sa aking mga kababata ni Jose Rizal. Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda, Kaya ang marapat pagyamaning kusa, Na tulad sa inang tunay na nagpala. Ang salita nati'y huwad din sa iba, na may alfabeto at sariling letra, na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa, ang lunday sa lawa noong dakong una. Bakit inihambing ni Rizal sa malansang ang isda ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika? Tulad ng isda na nabubuhay lamang sa tubig na tunay niyang mundo, ang taong hindi nagmamahal sa sariling wika ay nabubuhay sa isang mundong hindi kanya at hiniram lamang. Dahil dito, siya ay

parang isda na napakalansa ng amoy kapag inalis sa "freezer". Maipapakita dito ang isang tunay na Pilipino na nagmamahal sa kayang sariling wika. Higit na napalawak ang tulang ito na sinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa paggamit ng mga matatalinhagang salita na nagbigay linaw para sa bawat Pilipino sa ating bansa. Halimbawa pa sa aking nakalap sa internet, Isa si Martin Luther King Jr. sa mga makatang manunulat sa ating mundo. Ang kanyang mensahe na I have a dream noong August 28, 1963, Martin Luther King, Jr. led a march on Washington, D.C. The speech he gave that day is one of the best known in American history. When people remember the I Have a Dream speech, as it has come to be known, they recall Kings message about civil rights. But perhaps the reason it is so memorable is because King was a master of literary and rhetorical devices. His word choice matched the strength of his message. I say to you today, my friends, even though we face the difficulties of today and tomorrow, I still have a dream. It is a dream deeply rooted in the American Dream. I have a dream that one day this nation will rise up and live out the true meaning of its creed: "We hold these truths to be self-evident; that all men are created equal, I have a dream that my four little children will one day live in a nation where they will not be judged by the color of their skin but by the content of their character, Free at last! Free at last! Thank God almighty, we are free at last! . Maipapakita rito ang isang taong lubos na nagmamahal sa kanyang bayang sinilangan. Gamit ang mga salita na nagpapahayag ng isang matinding emosyon, maipapahiwatig nito para sa mga tagapakinig ang isang makadamdamin at totoong pagpapahayag ng kayang nakikita, naoobserbahan, at nararamdaman sa kanyang baying ginagalawan.

Isa pa ay ang tula na Invictus ni William Ernest Henley na aking nakalap sa librong Proficiency In English ni Dela Cruz at iba pang akda. Out of the night that covers me, Black as the pit from pole to pole, I thank whatever gods may be, for my unconquerable soul. It matters not how strait the gate, How charged with punishment the scroll, I am the master of my fate, I am the captain of my soul. Maraming matatalinhagang salita ang ginamit ni Henley sa tulang ito na magpapahayag ng kanyang matinding nararamdaman para sa mga taong makakabasa ng kanyang tula. Nakasaad dito na kahit anumang problema na dumating sa atin dapat maging matatag tayo na harapin ang lahat ng ito at huwag tayong mawalang ng pagasa sapagkat nandiyan ang Diyos sa atin na nagbabatay upang tulungan tayo sa lahat ng masama. Talagang magiging makabuluhan ang isang sulatin kapag itoy may mga

matatalinhagang salita. Hindi natin maitago ang ating pananabik sa ating sulatin pag tayoy nakakabasa ng mga ganito. Kilala rin si Jose Corazon De Jesus sa pagsulat ng mga akdang may matatalinhagang salita. Ang isa sa kaniyang sinulat na akda ay Ang Buhay ng Tao na aking nakuha sa Internet . Sa bawat komento na makikita ko sa website na iyon, akoy namamangha sapagkat aking ipinagmamalaki at siyempre hindi ko magagawang mahiya sa aking sarili sapagkat kapwa ko Pilipino ang lumikha ng ganitong tula. Talaga naman ikay mapapaluha sapagkat sa kaniyang paglalarawan ukol sa buhay ng tao. Sa kaniyang paggamit ng mga matatayog na salita naipakita niya ang halaga ng kaniyang tula at naipalabas niya pa ang nararamdama ng kaniyang mambabasa. Akoy humahanga sa mga ganitong tao sapagkat ibinibigay talaga nila ang kanilang mga

tunay na nararamdaman. Isang libot karamihan ang nagsasabi na mahirap unawain ang mga ganitong pahayag ngunit para sa akin ang ganitong paraan ng pagsusulat ay masasabing kayamanan na hindi mananakaw ninuman. Kayamanang madadala kahit saan at kahit kalian.

III. Pamamaraan
Ngayong na sa ikatlong markahan na kami sa pagbibigay impormasyon para sa aking pamanahunang papel. Akoy nangalap ng ibat ibang opiniyon na sumasalamin sa pagpapahalaga sa mga matatalinhagang salita sa kasalukuyan. Layunin nitong malaman ng mas malalim ang kahalagahan ng paggamit natin ng mga matatalinhagang salita.

A. Magaaral sa Sekondarya 1st Year 2nd year 3rd year 4th year KABUUAN Lalaki --------3 4 7 Babae ----6 1 7 14

Lahat ng kalahok sa pagbibigay ng kani-kanilang opiniyon hinggil sa akin pampanauhang-papel sa asignaturang Filipino ay nagmula sa (19) Pateros Catholic School, (3) Benigno High School, at (1) Caloocan High school. Makikita sa taas ang tatlong hanay na kung saan galing sa ibat ibang paaralan sa sekondarya. Sa unang hanay makikita natin ang kanilang taon sa pagaaral. Sa pangalawa naming hanay makikita natin dito ang bilang ng mga estudyanteng sumagot sa aking pampanauhang

papel at sa kabila naman ang hanay na kung saan ang bilang ng babae na sumagot din sa aking pampanauhang papel sa asignaturang Filipino.

B. Kurso Multimedia Arts Language and Literature Economics Kabuuan Lalaki 4 1 1 6 Babae ----2 1 3

Makikita sa itaas ang mga kolehiyong kalahok sa pagsagot ng aking pananaliksik. Sa unang hanay makikita ang kanilang mga kurso. Sa pangalawang hanay naman ang bilang ng lalaki at sa kabila nito ang bilang ng babae na sumagot sa aking pananaliksik. Magkalakip na survey at tseklist ang ginamit na mga instrumento para sa pananaliksik ng mga opiniyon hinggil sa aking paksa. Ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga matatalinhagang salita para sa pagsulat ng isang sulatin? 2. Mahalaga ba ang paggamit ng mga matatalinhagang salita sa pagbuo ng isang sulatin? Sa paanong paraan?

3. Sa tingin mo, Ano anong elemento ang mga ginagamit upang makabuo ng isang masining na sulatin? Sa paanong paraan? (Halimbawa: karanasan, talento, angking talino at iba pa.) 4. Ano ano sa tingin mo ang mga problema sa pagunawa sa mga matatalinhagang salita? 5. Paano mo mapapanatiling buhay at mapayaman ang mga akdang gawa ng mga Pilipino? 6. Ano ang kailangan ng isang kabataang magaaral na katulad mo para maintindihan at lalong maunawaan ang mga matatalinhagang salita? 7. Sino sinong mga makakatang akda ang kilala mo sa ating lipunan? Halimbawa : (Si Jose Rizal.) 8. Makakatulong ba ang paggamit ng mga matatalinhagang salita sa pakikipag komunikasyon ng tao? (OO o HINDI) 9. Dapat bang magbasa ng diksyurayo upang lumawak ang kaisipan at pagunawa ng mga Pilipino? (OO o HINDI) 10. Dapat pa bang itaguyod ang likas na pagiging makata ng mga Pilipino? (OO o HINDI) Ibat ibang kasagutan ang aking nakalap mula sa sekondarya at mga kolehiyong magaaral. Sa unang katanungan hinihingi nito ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinhagang salita sa pagbuo ng isang malikhaing sulatin. Sa ikalawang katanungan ipinapakita nito kung sa paanong paraan masasabi mo na mahalaga ang paggamit ng mga matatalinhagang salita upang makagawa ng isang kapaki-

pakinabang na sulatin. Sa ikatlong katanungan hinihingi nito kung ano anong elemento ang ginagamit hinggil sa paglikha ng isang matalinhagang sulatin na siyang magbibigay ng isang malikhaing sining sa mga mambabasa. Sa ika-apat na katanungan ipinalalahad nito ang mga problema na hinaharap ng mga magaaral sa pagunawa ng mga matatalinhagang salita. Sa ika-limang katanungan isinasaad nito kung pano mapapanatiling buhay at kung paano mapapayaman ang mga akdang gawa ng Pilipino. Sa ika-anim na katanungan hinihingi nito kung ano ang kailangan ng mga kabataang magaaral na katulad mo paro mas maunawaan ang paggamit ng matatalinhagang salita. Sa ika-pitong katanungan, kung sino sa mga makakatang kilala mo noon at sa kasalukuyan. Sa ika-walo hanggang sa ika-sampung

katanungan hinihingi nito kung ikay sumasangayon o hindi.

Resulta
Sa bahaging ito ay iuulat ang mga nakalap na mga kasagutan hinggil sa mga katanungan na aking ibinigay. Sa unang katanungan maraming nagsasabi na upang maging malinaw at makabuluhan ang isang sulatin dapat tayong magkaroon ng sapat na kaalaman sa paggamit ng mga gramatika at mga salitang kayang intindihin mula sa ating mga edad. Sapagkat ang layunin ng paggamit ng matatalinhagang salita ay binibigyan nito ng kulay at halaga ang sulatin sapagkat ito ang magsisilbing kayamanan ng isang sulatin na kung saan ipinapakita nito ang iyong pagiging makata samakatuwid mas pinapaigting nito ang pagkamakabayan at pagkamalikhain

ng mga sulatin. Para naman sa ikalawang katanungan naman maraming nagsabi na mahalaga ang paggamit ng matatalinhagang salita sa pagbuo ng sulatin sapagkat maaari itong magpahayag ng sinseridad na damdamin ukol sa mga layunin ng isang sulatin at ito rin ang nagbibigay ng buhay sa sulatin na kung saan pinupukaw nito ang mga damdamin ng mga mambabasa. Sa ikatlong katanungan lumutang ang karanasan bilang elemento para sa paglikha ng isang masining na sulatin. Sapagkat marami kang pwedeng ilahad buhat sa iyong mga nagging karanasan sa buhay. Mga karanasan na nagsisilbing hiwaga na kung saan ito ay nagbibigy ng isang pundasyon upang makalikha ng isang sulatin. Sa ika-apat na katanungan:

A. Kahirapan sa pagunawa

Lalaki 44.44

Babae 55.56

Kabuuan 30%

B. Napakalalim ng mga salita C. Hindi maintindihan ang teksto D. Hindi sanay ang makabagong henersyon sa mga uri ng ganitong salita E. Kakulangan sa pagtatanong sa ibig sabihin ng mga uri ng ganitong salita

42.86

57.14

23.33%

33.33

66.67

10%

28.57

71.43

23.33%

75.00

25.00

13.33%

Ang karaniwang problema sa pagunawa sa mga matatalinhagang salita ay sa kadahilanan na tayo ay naghihirap sa pagunawa ng mga malalalim na salita na nasa porsiyentong 30% bagamat bago pa lamang ito sa ating mga pandinig bilang mga kabataan at hindi pa tayo masyadong sanay sa pagunawa sa mga ganitong uri ng mga salita. Sa ika-limang katanungan:

A. Pagtangkilik sa mga ito at ipagmalaki.

Lalaki 30.77

Babae 69.23

Kabuuan 43.33%

B. Patuloy na pagbabasa ng mga akdang gawa ng mga Pilipino at paggawa ng sariling sulatin. C. Ipalaganap ang mga akdang gawa ng mga Pilipino sa kapwa sa pamamagitan ng mediya at iba pang kagamitan.

44.44

55.56

30%

62.50

37.50

26.67%

Ang karaniwang sagot nila ay ang pagtangkilik sa mga akdang gawa ng mg Pilipino at patuloy na ipagmalaki ito na nasa porsiyentong 43.33%. Sapagkat dapat lang na ating ipagmalaki ang sariling atin nang sa gayoy tayo ay umangat at makilala pa sa ibang parte ng ibang bansa bilang mga makakata at matatalinong Pilipino pagdating sa paglalahad ng ibat ibang damdamin para sa ating nararamdam. Sa ika-anim na katanungan:

A. Patuloy na pagbabasa sa ibat ibang aklat partikular na ang mga akdang gawa ng mga Pilipino. B. Pagbabasa sa mga Diksyunaryo bilang iyong tulong at gabay kapag hindi naintindihan ang ibig-sabihin. C. Maghanap ng pwedeng matulungan. D. Pagkakaroon ng tiyaga at pagsisikap para maunawaan ang ibigsabihin ng mga salita.

Lalaki 66.67

Babae 33.33

Kabuuan 30%

20.00

80.00

33.33%

25.00

75.00

13.33%

57.14

42.86

23.33%

Ang kanilang magiging solusyon upang maunawaan ang matatalinhagang salita sa mga babasahin, palawakin ang kanilang mga nalalaman sa wikang tagalong na nasa 33.33%. Gagamit sila ng diksyunaryo kapag sila ay nahihirapan arukin kung

ano

ang

ibig

sabihin

ng

mga

salitang

ito.

Sa

ika-pitong

katanungan:
Kabuuan2 Babae Lalaki

Juan Luna Severino Reyes Lualhati Bautista Rogelio Sikat Lope K. Santos Marcel H. DelPilar Grciano Lopez Jaena Jose Corazon DeJesus Francisco Balagtas Jose Rizal 0 5 10 15 20

Ang pinakakilala na makata para sa kanila ay si Francisco Balagtas Baltazar sumunod naman ay si Jose Rizal sapagkat kita naman sa kanila ang pagiging makabayan lalo na sa mga sulatin. Dito nila inilalahad ang kanilang mga nararamdaman sa halip na gumamit sila ng anumang dahas. Para sa ika-walong katanungan:

Lalaki Babae Kabuuan

OO 44.44 55.56 60%

Hindi 41.67 58.33 40%

Makikita natin sa talahanayan na ito ang bilang ng mga lalaki at babae na sumangayon at hindi sumangayon. Ipinapakita nito na mas marami pa rin ang pumapayag na nakakatulong ang paggamit ng mg matatalinhagang salita sa pakikipagkomunikasyon ng tao na nasa 60%. Halimbawa sa mga talumpati at pagbibigay ng payo sa mga kabataan. Para sa ika-siyam na katanungan:

Lalaki Babae Kabuuan

OO 43.48 56.52 76.67%

Hindi 42.86 57.14 23.33%

Ipinapakita nito na mas marami pa rin ang sumangayon para sa pagbabasa ng diksyunaryo para lumawak ang kaisipan ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan sa pagunawa sa mga matatalinhagang salita na nasa porsiyentong 76.67%.

Lalaki Babae Kabuuan

OO 41.67 58.33 80%

Hindi 50.00 50.00 20%

Ipinapakita nito na sang-ayon ang karamihan sa pagtataguyod ng likas na pagiging makata ng mga Pilipino na nasa 80%. Sapagkat ito ay isang kayamanan na kung saan itoy maaari nating ipagmalaki bilang isang Pilipino sa mga dayuhan.

V.

Interpretasyon Para sa ika-apat na baitang sa asignaturang Filipino IV, aking ilalahad ang

kabuuang pagaaral para sa aking pamagat na Pagsusuri sa Paglalahad ng Ibat ibang Damdamin Gamit ang mga Matatalinhagang Salita . Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita sa paglikha ng matatalinhagang salita ay isang kayamanan na ating itinago simula pa man noong tayoy isinilang hanggang ngayon. Ang aking ginawang pagaaral ay maaaring makatulong sa ating bawat isa sapagkat iyong malalaman ang kahulugan at pakinabang ng mga salitang ito sa ating bayan. Sa pagaaral ding ito ay natuklasan ang bawat hinain ng mga magaaral sa sekondarya kung paano nila binibigyang halaga ang mga matatalinhagang salita. Sa kabuuan ng pagaaral kong ito, aking masasabi na ang matatalinhagang salita ay siyang magagamit natin upang ilahad ang ating nararamdaman sa kabila n gating ibat ibang estado sa buhay. Ang pagkakaroon ng masusuing pagaaral ditto ay siyang maghahatid para sa ating tagumpay. Tagumpay na kung saan naipapakilala natin ang ating bansa sa ibat ibang parte ng mundo sa larangan ng ating pagsulat. VI. Konklusyon

Ang pagunawa sa matatalinhagang salita ay kailangan ng pasensiya sapagkat hindi ka sanay kapag ikay nakaririnig o nakakabasa ng ganoong mga salita na may mataas na kahulugan. Hindi lang natin ito maarok sapagkat tayo ay namulat sa makabagong henerasyon na ito. Henerasyon na kung saan puno ng bago. Itoy magpapatunay na ang ating mga isip ay nasa mga bagay na lubos nating

kinagigiliwan halimbawa na lamang ng mga Korean Words o di kaya namay mas pinipili pa natin ang mga Ingles na akda kaysa sa sariling atin. Ang matatalinhagang salita ay siyang magpapakilala sa ating mga Pilipino bilang isang makata. Pinapalitaw nito ang pagiging makabayan ng isang Pilipino sapagkat hindi nawawala sa kaniyang pagmamahal at pagbibigay respeto para sa kaniyang mga ninuno. Mga ninuno na kung saan sila ang nagpamahagi sa atin ng mga ganitong katatayog na salita na siyang ating ginagamit upang maging makabuluhan ang ating mga sinusulat para sa ating mga kapwa. Kahit may kahirapan ang pagunawa sa mga salitang ito hindi ko pa rin ikahihiyang ipagmalaki ito sapagkat kapag aking itoy ginagamit nailalabas ko ang aking mga nararamdaman at nalalagyan ko rin ng sinig ang aking mga gawa. Hindi lang ako basta nagsulat bagkus nilapatan ko ng isang malikhaing mga salita na aking natutunan upang subukang maging propesyonal ang aking gawa. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga salitang ito ay siyang magpapatunay na isa kang makatang Pilipino sapagkat sa paraan na ito ipinapakita mo ang iyong pagmamalaki sa ating inang bayan. VII. Rekomendasyon

Hindi natin maiwasan ang mahalin ang mga likha ng ibang bansa sapagkat gusto nating sumabay sa uso. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga gawang ito ay siyang masasabi ko na pagtataksil para sa ating inang bayan. Bagamat ako rin hindi ko maikakaila na hirap rin akong tanggihan kung ano ang uso sapagkat akoy isang kabataan na namulat sa henerasyon na ito. Mahirap sa isang kabataan ang salitang pagbabago sapagkat hindi masyadong tigang sa aming isipan ang mga salitang ito.

May mga paraan upang malaman at maunawaan ang mga matatalinhagang salita sa kasalukuyan halimbawa na rito ang paggamit ng diksyunaryo na siyang magiging gabay natin sa upang malaman ang ibig sabihin nito. Nariyan din ang pagtanong natin sa mga matatanda sapagkat sa kanila tayo natutong gumamit ng mga ganitong salita sa kadahilanan na kapag tayo ay binibigyan ng isang aral o leksyon sa buhay na ating tinatahak lalo na kapag tayo ay pinapagalitan nila lolot lola na sila ang sumusuway sa atin at minsan pa ngay pinaparangalan pa tayo kung ano ang pwedeng mangyari sa ating kinabukasan. Pwede rin tayong humingi ng tulog sa ating mga guro na silang gumagabay sa ating upang malaman ang kahulugan ng mga salitang iyon. Ang pagkakaroon ng mga paraang ito ay siya ring pagkakaroon ng pagasa upang malaman ang halaga ng mga matatalinhagang salita na siyang magbibigay sining sa ating mga akda. Kayat ating mahalin ang ibinahagi sa atin n gating mga ninuno ng sa gayoy maipakita natin ang hinihingi nilang respeto at paggalang sa kanilang nasimulan dito sa ating inang bayan.

VIII. Bibliograpi http://blog.flocabulary.com/i-have-a-dream-speech-analysis-lesson-plan/ http://pambata.tripod.com/id1.html Edna Montano-dela Cruz at iba pa, Proficiency In English. 2010. http://kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-variousauthors-ang-buhay-ng-tao-tula-ni-jose-corazon-de-jesus_1075.html

You might also like