Senator TG Guingona's Opening Statement - Blue Ribbon Hearing On The PDAF Scam (March 6 2014)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SENATOR TG GUINGONA Opening Statement Blue Ribbon Committee Hearing March 6, 2014

LADIES AND GENTLEMEN: Once again, I thank all of the resource persons present here today for joining us in todays hearing. Katulad ng lagi kong sinasabi sa umpisa ng bawat hearing, nagpapasalamat ako sa inyo, hindi lamang para sa sarili ko at sa mga kapwa ko senador. Nagpapasalamat din ako sa inyo sa ngalan ng mga kababayan natin sa mga kapwa natin Pilipino na patuloy na umaasa na makikita natin ang katotohan sa isyu na ating iniimbestigahan. Today, we have convened specifically to hear the testimony of Mr. Dennis

Cunanan, former director-general of the Technology Resource Center. Bago natin pakinggan si Mr. Cunanan, lilinawin ko muna ang ilang bagay. Una, ang pagdinig na ito ay bahagi ng patuloy nating paghahanap ng sagot sa tanong natin at ng mga kababayan natin: ano ba ang nangyari; bakit nangyari; sino ang dapat managot sa nangyari; at ano ang dapat nating gawin para hindi na maulit pa ang mga nangyari. Ang sasabihin mo sa pagdinig na ito, Mr. Cunanan, ay mahalaga sa pagsagot sa mga tanong na iyon. Pangalawa, dahil importanteng makita ng Blue Ribbon Committee ang sagot sa mga tanong na iyon, inaasahan natin na kayo po, Mr. Cunanan, ay magsasabi ng
2

tama, tapat at sapat. Walang labis, walang kulang. Inaasahan namin na hindi ka magpapaligoy-ligoy at hindi mo paiikutin ang mga mambabatas na nandito. Pangatlo, pagkatapos na madinig ng Committee ang testimonya ninyo, Mr. Cunanan, pag-aaralan namin ang halaga at kabuluhan nito sa pagsagot sa mga tanong na nabanggit ko. May kabuluhan lamang at halaga ito kung maipakikita mo sa Blue Ribbon Committee na ang inyong testimonya ay tama tapat at sapat. True. Truthful. Complete. Tandaan natin ang tatlong bagay na ito. Let us now commence todays hearing.

You might also like