Professional Documents
Culture Documents
Chapter 3.11
Chapter 3.11
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Una kung pagpunta dito sa lugar na ito napakaganda pala nitong
Villa nila Lolo Rodrigo. Hindi ko akalaing ganito pala kagangda ang
Villa. Nag enjoy naman ako kahit papaano nakilala ko ang mga kamag
anak galing ibang bansa kung hindi pa naman family reunion ng
pamilya eh hindi ako makakapunta dito. O eho sabay tapik nito sa
abaga niya nag kanya palang lolo Rodrigo. O loh andiyan ka pala.
Anung problema bakit hindi ka nakihalubilo sa mga tiyahin mo doon oh
di kaya sa mga tito mo.Ho okey lang ako dito loh huwag ho kayong
mag-alala.Alam mo bat hindi ka na lang manatili dito. Masyadong
malaki ang bahay para kame lang dalawa ng pinsan mo ang
nandito.Minsan lang umuuwi ang batang yun. Lage nasa america
paminsan minsan lang umuuwi dito. Naku okey lang ho kahit hindi ako
dito sa Villa nakatira. Papasyalan ko nalang kayo paminsan-minsan
dito. Hindi ko ho pweding iwanan si papa. Segi hindi na kita pipilitin sa
gusto ko pero kung gusto mong magbakasyon dito welcome kame
para sayo. Salamat Lolo,pasasalamat niya sa matanda. O pano maiwan
na muna kita dito at may gagawin pa ako sa opisina ko sa taas. Good
to see you eho. Ako rin Loh.Kahit masaya siya sa celebasyon ng
kanyang pamilya hindi parin nawaglit sa isipan niya si Dara, kailan ka
ba mawawala dito sa puso at isipan ko. Noong una akala ko wala lang
itong nararamdaman ko sayo until I realize I am in love with you.
Mahirap ang magtago ng tunay mung nararamdaman lalo na sa mahal
na mahal mo. Halos isang lingo din siya sa Villa na mimiss niya na si
Dara. O eho,mamayang na tayo uuwi sa atin sasabay tayo sa mga tita
mo pag-uwi. Opo papa, Masayang masaya siya dahil sa wakas uuwi na
rin siya sa wakas makikita na naman niya si Dara. Habang na sa
beyahe siya wala siyang ibang iniisip kundi si Dara lang. Bandang alas
kwarto ng hapon sila dumating sa kanila. Saktong-sakto naman ang
pagising ni Thias. Dara Thias bumanngon ka na diyan at may iiutos ako
sayo. Ho.,opo nay sandali lang. Bilisan mo bumili ka ng bawang sa
tindahan dahil gagamitin ko sa pagluluto. Sandali lang po
magsususklay lang po ako. Paglabas niya sa bahay ang una niyang
nasilayan ay walang iba kundi ang anyo ng kanyang iniibig. Medyo
namumugto ang kanyang mga mata dahil sa bagong gising siya. Ang
guwapo talaga niya sa isip niya. Dinaanan niya lang si Tris at
nagkunwaring hindi niya ito nakita. Habang si Tris naman ay busy ito
sa pakikipag-usap sa mga kabigan niya. Mas lalong gumanda ngayon si
Dara ah baka naninibago lang ako kasi ngayon ko lang ulit siya nakita
pero iba talaga siya ngayon. Ang ginawa ng mga kaibigan ni Tris ay
kinachawan ang dalaga. Hi! Crush ayon sa mga ito. Sa Panig naman ni
Thias para na siyang sasabog sa inis ni hindi man lang nito
pinagsabihan ang mga kaibigan sa katunayan ngumiti pa nga ito ng
isang simpatikong ngiti. Wala sa sariling tinungo niya ang bahay. O
anu ba Thias pumasok ka na dito anu pa ba ang ginagawa mo diyan
Akin na ang bawang at nasusunog na itong niluluto ko. Alam ko alam
na niya ang tunay kung feeling para sa kanya bat hindi man lang siya
nag react. Hay! iwan nakakainis siya. Sa isip naman ni Tris sige Dara
mainis ka hanggang kay mo at hindi kita titigilan hanggat hindi kita
mapapaiyak sa inis sa at sa sarili mo. Isipin nalang natin na bueno ko
ito sa lahat ng mga katarayan mo. Lage nalang kitang nakikitang halos
magtagpo nag dalawa mong kilay kaya tiisin mo. Hanngat hindi ka
nagbabago ng pakikitungo sa akin.hindi rin ako titigil sa pang-iinis
sayo. Ito nalang yata ang naisip kung paraan para mapansin mo diba
sa pagkakainis mo sa akin napapalingon ka. Di bali mawawala rin yang
inis mo,tuwang tuwa sa isip niya.
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 5
Hapon na ng nagising siya halos tatlong oras na siyang
nakatulog. Mag-aalas singko na ng hapun. Nagpasya siyang bumaba
para pumunta sa tabing dagat nakagawian na kasi niyang
magpahingin doon tuwing hapon. Nagbihis siya at nagsuot ng pajama
sa pang-ibabang bahagi. Tinernuhan niya ito ng sleeveless na puti at
nagsuklay at tinalian ang mahabang buhok.Hindi kasi siya sanay na
ilugay ito kulot-kulot kasi at baka magmukha siyang aswang. Dahil
sabog pa rin ito kahit nasuklayan na. Nagsuot ng tsenilas at dali-daling
bumaba. Pababa pa lang ng hagdanan bumungad na sa kanya ang
isang nilalang na ayaw na sana niyang makita pa. Ngumiti ito sa kanya
pero ni isang reaksyon ay wala siyang ibinigay dito. Nakaupo ito sa
isang malambot na sofa sa sala. Hindi pala ito nag-iisa kasama pala
nito ang nobya na kalalabas lang galing sa kusina. May bitbit itong
juice at slice ng cake. Nakita siya nito ng papanaog siya. O Dara?
Halika magmeryenda tayo, anyaya nito sa kanya. Sandali lang huh at
ikukuha kita ng baso sa kusina. Maagap niya itong tinanggihan, naku
salamat Steph pero busog pa ako eh, sige kayo na nalang. Naku
naman Dara, sige na? kung saan man yang punta mo mabuti na
magkalaman yang sikmura mo. Naku Steph salamat talaga pero busog
pa talaga ako. O sige ikaw ang bahala. Sa susunod nalang Steph. Ang
Impakto walang man lang kibo nasabi niya sa sarili. Sige maiwan ko
muna kayo ritomagpapahangin muna ako sa labas. Ang totoo gutom
siya pero mas nanaisin niya pang huwag kumain kaysa maksalo niya si
Tris. Sa kailaliman ng puso niya ayaw niya talagang makita ang
harutan ng dalawa. Nilampasan niya lang ang mga ito. Walang lingon
likod niyang tinungo ang pinto. Habang nsa tabing dagat siya naisip
niya ang paglayo sa kanya ni Tris. Na mas pinili nitong umalis kaysa
ang ipaglaban siya. Malinaw pa sa kanya ang lahat sariwa pa sa
kanyang alaala an lahat ng kabiguan niya. Pinili niyang magbagong
buhay para sa pamilya niya. Habang naglalakad siya patungong
palengke may nakita siyang isang matandang lalaki medyo mahina na
rin pero nanakaya pa nitong maglakad mag-isa. Sinundan niya ito ng
tingin. Naku? Paptawid ito sa kalsada maraming mga rumaragasang
sasakyan baka masagasaan nag matanda. Nagpanik siya may
malaking sasakyang paparating. Masasagasaan ang matanda. Naku?
Malapit na? pero ni isa ay walang utmulong dito. Tinakbo niya nag
matanda hindi na bali ang basket na dala niya. Basta niya na lang
itong itinapon at tinakbo tungo sa direkyon kung saan ang matanda
naroon. Nasa gitna ito ng kalye, malapit na dikta ng isip niya. Basta
niya hinila ang matanda di baling magalusan siya at ang matanda
mailigtas niya ito sa kapahamakan. Nakakabingi ang busina ng isang
dambuhalang saskyan na dumaan sa tapat nila. Matagal bago
gumalaw ang matanda ang boung kala niya ay nawalan na ito ng
malay. Mali pala siya,dahan-dahan itong gumalaw at tumingala sa
kanya. Titig na titig ito sa kanya. Hindi niya lam kung anu ang unang
sasabihin dito. Lo? Hinawakan niya nag dalawang kamay nito at
inalalayan upang makatayo. Okey lang kayo loh? Pero hindi parin ito
nagsasalita. Wala siyang nakitang takot sa mga mata nito. Ngumiti pa
nga ito sa kanya. Salamat eha sabi nito. Loh? Taunung ulit niya
dito.Nasaan ho ang mga kamg-anak ninyo bakit kayo nag-iisa. Bakit
kayo tumawid sa kalsada alam niyo naman na dikado lalo para sa inyo.
Naiinip kasi ako eha gusto ko kasing utmawid sa kabila hindi ko na
hinitay ang red light. Loh naman bakit niyo naman ginwa yun alam
niyo naman na mapapahamak ka. Salamat talaga eha. Walang anuman
loh. Nasaan ba ang mga kasama mo at ihahatid na kita sa kanila. Naku
eha huwag na ako nalang. Sigurado kayo loh? Oo sigurado ako. O sige
kung ayaw niyo talaga kayo ho ang bahala pero mangako kayo na
hind niyo na uulitin yon hintayin niyo ang red light bago kayo tumawid.
Pangako eha hindi na. O sige loh maiwan na kita dito. Hahakbang n
asana siya para umalis pero nagtanung ito sa kanya. Anu nga pala
pangalan mo eha. Dara Thias Domingues ho. Ah ganoon ba. Ako nga
pala si Rodrigo pero puwede mo rin akung tawaging lolo Rodrigo kung
gusto mo. Oo sige lolo Rodrigo aalis na ako. Bago paman siya nakaalis
may isang lalaking dumating mukha itong gali, pero hindi ito mukhang
galit sa kanya. Lumampas ang mga tingin nito sa kasma niyang
matanda so ang ibig sabihin kay Lolo Rodrigo ito galit. Matangkag ito
Moreno.matikas ang katwangwupo rin ito. Tinapunan siya nito ng isang
nanunuyang itngin. Lipat naman ang tingin nito sa matanda. Anu ba
naman kayo loh, panimula nito. Diba sinabi ko sa inyo na huwag
kayong aalis sa restaurant. Diba sabi ko babalikan ko kayo kaagad.
Pero bakit pagdating ko doon wala na kayo. Nag-aapoy talaga nag mga
mata nito sa galit sa matanda. Saka siya sumabat. Teka-tika Mester
huwag niyo namang sigawan si lolo. Muntik na nga siyang mapahamak
gaganyanin mo pa. Muntik na nga siyang masagasaan dahil diyan sa
kapabayaan mo. Lilinawin ko lang Miss huh hindi ako nagpapabaya sa
lolo ko matigas lang talaga ang ulo niya. Matigas man o hindi lolo mo
parin siya at wala kang karapatan na sigawan siya. Sino ba sa atin
ngayon ang sumisigaw ako o ikaw? Lumakas nga talaga nag boses
niya paano naman kasi nakakinis siya. Saka sumabat nag matanda.
Eho huwag mo na siyang awayin ako naman tlaga ang mayksal-anan.
Eha pasinsya ka na sa apo ko eha. Wla yon loh. Siya nga pal si Glen
ang apo ko. Eho ito si Dara siya ang nagligtas sa akin. Nagliwanag ang
mukha ng lalaki mukhang hindi na ito naiinis sa kanya. SIya lang
naman ang inis dito eh.yaw sana niyang makipagkamay ditto pero
ayaw din naman niyang mapahiya ang matanda sa sarili nitong apo.
Samantalang titig na titig ito sa kanya. Mukha ring napipilitan din itong
makipagkamay sa kanya. Nakilala niya si Glen sa di inaasahang
pagkakataon. Habang tumatagal napalapit ng husto sa kanya nag
matanda at pati na irn si Glen. Pinapasundo siya ng matanda sa
kanyang tinitirhan at nag mismo naatasan nitong sumundo sa kanya
ay wlang iba kundi si Glen. Hindi naman niya akalaing na isa palang
Don ang matandang nailigtas niya ng minsan.Hanggang sa dumating
ang araw na binawian na ng buhay ang matanda dahil sa sakit na
diabetes. Hindi siya nakadalo sa libing nito dahil nagkataon na na sa
Baguio siya sa isang linggong siminar. Nalungkot man siya sa
nangyari pero wala na siyang magagawa pa. Nakatanggap siya ng
tawag mula kay Glen na patay na nga si lolo Rodrigo. Ni hindi siya
makapaniwala sa nangyari samantalang masiglang-masigla pa nga ito
noong nagkita sila sa isang department store at niyaya pa nga siya
nitong kumain sa labas. Doon ang simula ng pagigng malapit nila ni
Gen hatid sundo siya nito sa eskwelahang pinagtratrabahuan niya.
Hanggang sa dumating ang araw na nanligaw ito sa kanya. Una hindi
niya ito binigyan ng halaga pero na realize niya habng tumatagal ay
dapat na rin niyang magmove on hindi siya makakpag move on kung
hindi siya magmamahal ulit. Kaya napag-isip-isip niya na sagutin ito.
Ng nagyaya itong magpakasal sila hindi niya ito tinanggihan dahil
naisip niya dapat na rin siyang lumagay sa tahimik na sa tamang edad
na siya para mag pamilya. Pero wala sa Bukabolaryo niya na
magkadugo si Glen at Tris. Ni sa guni-guni hindi niya naisip ang ganon.
Paano hindi naman sila pareho ng apelyedo. Nagpakawala nalang siya
ng isang malalim na buntong hininga. Hindi niya namalayan na
madilim na pala nilamon na ng kadiliman si haring araw. Papatayo na
sansa siya ng may namalayan siyang tao sa likod niya. Naisip niya
baka masamang tao ito na naligaw sa Villa. Pero mali siya. Biglang
bumilis ang kabog ng kanyang dibdib ng makilala kung sino iyon si Tris
ang taong iyon. Kanina pa ako ditto pero hindi kita nialapitan kaagad
kasi baka maistorbo kita. Muhkang malalim kasdi nag iniisip mo. Imbis
na kausapin niya ito ng matino mas minabuti nalang niyang tarayan
ito. Ang totoo namimiss niya ito pero ang nararamdaman niyang miss
para dito ay hindi kayang tabunan ang galit niya. Kung malalim man o
kasing lalim pa ng dagat wala kang pakialam. Bigla isyang tumayo at
iniwas ang mga mata sa kakibang titig nito sa kanya. Dali-dali siyang
humakbang para iwasan at ayaw niya na itong makausap pa. Wala rin
siyang balak makipag-usap dito. Kahit puso niya ay pilit nitong
isinisiksik na gusting-gusto niya itong yakapin. Pinigil nito ang kaliwa
niyang braso niya gusto niyang hilahin ang braso par makalayo ditto.
Pero mas malakas ito sa kanya.Sandali lang? Bakiy ka ba iwas ng iwas
sa akin? Mag-usap nga tayo. Wala akung naisip na puwede na ting
pag-usapan kay puwede ba bitiwan mo ako. Hindi kita bibitiwan
hanggat hindi mo nasasagot ang mga tanung ko. Wala akung isasagot
sa mga tanung mokay hayaan mo na ako. Ganon nalang ba kita basta
iiwasan samantalang ni hindi ko alam kong bakit ka galit sa akin.
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.Akal ko walang nagbago
sayo pero mali pala ako ang laki ng ipinagbago mo Dara? Hinawakan
nito ang balikat at pilit siya nitong iniharap. Naamoy niya ang
pabangong gamit nito. Ang mabango nitong hininga nag nagbibigay ng
tuliro sa kanyang isipan. Guston-gsto niya itong yakapin sa
pagkakataong iyon pero pinigil niya nga kanyang sarili. Nagpakatatag
siya at yaw niyang ipakita ditto na mahina siya. Nagpakawla ito ng
malalim na buntong hininga. Anu ba ang problema mo anu ba
ikinanagalit mo sa akin? Wala akung problema wala kanag tanung at
aalis na ako. Tatalikod n asana siya pero hinila siya nito at dahil sa
lakas ng puwersa nito ay na out balance siya kaya tuloy naisiksik niya
nag kanyang mukha sa dibdib nito. Nararamdaman ang kakaibang
pintig nito na parang kakaiba ni hindi niya mabigyan ng kahulugan.
Naghanda nag dalawa niyang kamay para itulak ito. Hindi pa man niya
nagawa ang gusyo niya gawin. Bigla siya nitong niyakap ng
nakapakahigpit. Kakaunting lang ang hangin na mailabas niya dahil sa
higpit ng yakap nito. Matagal sila sa ganoong posisyon pilit niya
itongitulak para makawala sa bisig nito. Pero sumuko rin siya kasi
pagpilit niya pang gawin ang magpumiglas baka mabali nag mga buto
niya. Naramdaman niya na marahang hinihimas nitong ang kanyang
mahabang buhok. Hanggang nag mga kamay nito ay umabot sa
kanyang mukha. Kakaiba ang pakiramdam niya sa kakaibang dantay
ng mga maiiniy nitong kamay. Ni hindi siya makapag-isip ng tama.
Nagtama ang kanilang mga paningin may mensahing siyang
nababanaag sa mga mata nito.Pero hindi niya ito binigyang ng
kahulugan. Dumako nag mga kamay nito sa magkabila niyang pisngi.
Alam niya hahalikan siya nito. Kailangan umandar ang utak niya
kailangang makaisip siya ng paraan. Kailangan niyang makawala sa
mga bisig nito iyon nag dikta ng isip niya. Pero nag puso niya ay pilit
nilalabanab ang dikta ng kanyang utak mas gusto nito ang ginagawa
ng lalaki. Ano ang susundin niya ang galit na ni minsan ay hindi nawala
sa puso niya? O ang pagmamahal na matagal ng itnago sa mahabang
panahon. Dahan-dahang lumapat ang maiinit na mga labi nito sa sabik
din niyang mga labi. Ang bawat paglapat nito ay nauungkat nito ang
mga nakaran niya.sinimula na nitong gawin ang kanina ay pinipigilan
niya. Ni wala siyang tugon na ibinigay dito. Pero habang tumatagal
natangay din siya nito. Unti-unting nalulunod ang kanyang matinong
isipan dahil sa ginawa nito.Mariin, mapusok at nagdudulot ito ng
kakaibang sensasyon sa kanya. Bagay na matagl ng nanahanan sa
loob niya. Ang mga halik nito ay humuhupa sag alit niya par dito. Pero
hindi tama na magpatangay siya sa kapusukan nito. Nagkaroon siya ng
pagkakataong itulak ito dahil hindi na masyadong mahigpit nag yakap
nito sa kanya. Itinulak niya ito na tantiya niya yung ang pinakamalakas
na utlak na nagawa niya. Nabitwan siya nito. Namangha ito sa ginawa
niya at nagtatanung ang mag mata. Wala siyang pinakawalang salita.
Dali-dali syang umalis hindi niya lam kung tumatakbo ba siya o mabilis
lang masyado ang bawat hakbang na ginawa niya. Sinundan nalang
siya ng tingin hanggang sa nawala siya ng tuluyan sa paningin
nito.Madilim ang mukha nito ng iwanan niya siguro napahiya ito sa
ginawa niya. Ngayon wala siyang pakialam sa mararamdaman nito
basta ang importante makalayo siya dito. Hingal na hingal siya
papasok ng masyon. Papasok pa lang siya ay nakita na siya ni Glen.
Ngumiti ito sa kanya at sinabong. Hon saan ka ba galing? Tanung nito
sa kanya. Nagpapahangin lang ako pero hindi niya ito kayang tingnan
sa mga mata dahil baka mahata nito na may ibang nangyayari sa
kanya. Galing ako sa kwarto mo pero wala ka na doon. May iidiscuss
san a ako tungkol sa kasal natin. Ah ganoon ba mamay nalang maliligo
na muna ako. O sige hiihntayin nalang kita dito sa baba.tumango lang
siya dito. Agad siyang pumanhik sa kanyang kwarto naghubad agad
siya ng mga damit at tinungo nag banyo. Habang pinapaliguan nag
katawan naisip niya nag nagyari sa kanila ni Tris kamakailan lang.
Ayaw na niyang maalala ang nangyari at sisiguraduhin niyang hindi na
mauulit ang katangahan niya. Pagbaba niya ay sianlubong siya ng
nobyo. Nakita niya si Tris na nakupo sa sofa kasama ng nobya nito.
Dumating na pala ito nakatalikod kasi ito at hindi siya namalayan na
paparating. Buti nandito itong dalawa at ng masmapadali ang palno
natin sa kasal.