Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pamagat: White Lady

Bilang I. A. Artista

Boots Anson-Roa as Lola Tasya Angelica Panganiban as Christina Pauleen Luna as Pearl JC de Vera as Robbie Ketchup Eusebio as Hector Iwa Moto as Mimi Jason Abalos as Joshua Gian Carlos as Jonathan Glaiza de Castro as Jowee

Katarina Perez as Eva Franzen Fajardo as Kuya Pepo Nanding Josef as Mang Jani Malou Crisologo as Professor Barredo Ricci Chan as Professor Alfredo Emil Sandoval as Robert, Sr. Minnie Aguilar as Ate Teri

B. Uri ng Iskrip

Ang iskrip ay naaayon sa panahon ngayon kung kayat tinatangkilik ito ng mga manonood. Malalim ang suliranin ng kwento na nagbibigay ng katanungan sa kaisipan ng mga madla ngunit ang mga katanungang ito ay nasagot sa huling bahagi ng pelikula. May saysay ang dayalogo ng bawat tauhan at kapanipaniwala ang mga ito. Bagamat hindi madaling mahulaan ang susunod na pangyayari o kung ano man ang dahilan ng suliranin, maganda parin ang pagtatapos na kwento na sumasagot sa katanungan ng madla.

C. Direktor

Jeffrey Tan siya ang kinikilala bilang pinakabatang director sa larangan ng mainstream cinema ngayon. Masasabing siya ay isang mahusay na director dahil sa kanyang matagumpay na pelikulang White Lady D. Sinematograpiya University of the Philippines Los Baos ginanap ang kabuuan ng pelikula. Ang setting o ang lugar na pag-gaganapan ng storya ay perpektong napili para pagganapan ng pelikula, dahil ang kwento ay umiikot sa pagtuklas ng katotohanan sa paghihiganti ng isang babaeng naging sentro ng pambubully sa isang paaralan. Ang disenyo ng bawat tagpuan sa palabas ay akmang akma sa objective at sa nais iparating ng bawat eksena. Ang mga tauhan ay mga simpleng tao lamang at may simpleng pamamaraan ng kanilang pamumuhay sa pang-araw-araw. Sinuring mabuti ang bawat kilos at pinag-aralan ang bawat anggulo kaya naman naging masinop ang pagkakaugnay ng mga pangyayari. Tama lamang ang kulay na ginamit. Natural na natural ang dating. Hindi maputla at di naman napaka tingkad ng kulay. Nasa tama naman ang mga ilaw nito at kitang kita ang mga inaarte nang mga artista. E. Musika Gumamit ang pelikula ng isang Illonggo Lullaby nakadagdag sa nakakatakot na atmospera. Angkop naman ang mga sound effects na ginamit sa pelikula lalo nat mas nakadagdag ito ng kakatakutan sa panonood ng mga tao. Ang mga musikang ginamit sa pelikula ay nakakasindak, katakut-takot at nakakadala sa emosyon ng mga manonood. F. Buod Sa malawak na nakakatakot at madilim na kampus ng Arts Academy, ang kwentong White Lady ay nakapokus kay Pearl, isang simple at matalinong dalagang probinsyana na lumuwas sa syudad upang makapag-aral.Si Pearl ay nag-enroll sa Arts

Academy kasama ang kanyang matagal nang matalik na kaibigan na si Jonathan, na syang may palihim na paghanga sa kanya. Sa kanilang pagpasok sa paaralan, si Mimi ay kinilal sila, kinaibigan sila ni Mimi upang makakuha ng mga pabor at maging tagasunod-sunuran si Pearl. Ngunit si Pearl ay nakikita ang tama sa mali. Si Jonathan, sa kabilang dako, ay naakit at natangay sa agos ng buhay popular. Di nagtagal ay naging malayo ang loob nila Pearl at Jonathan sa isat isa. Para sa mga kadahilanang hindi nya maipaliwanag o ni maintindhan, si pearl ay minumulto ng isang white lady na sinabing nakatira sa bakuran ng academy. Nagtaka at sa determinado naman si Pearl, nagdesisyon syang galugarin at lutasin ang kwento tungkol kay Christina, isang simpleng babae na hinimok na magtago dahil sa pangaalipusta ni Mimi. Agad na nakaramdam si Pearl ng pagkakahawig sa kanila ni Christina, sa patuloy na pagkakaranas sa mga di nakakatuwang biro ni Mimi at ng kanyang mga kaibigan. Ang lagim ay lumalala nang sumali at nakakuha si Pearl ng lead role sa kanilang school play. Natanggap din niya ang pagkagalit ni Mimi sa kanya dahil nais ni mimi na siya ang maging bida sa pagtatanghal.Dagdag pa doon, si Pearl ay bumubuo ng isang relasyon kay Robbie, isang matalino, matipuno at siyang pinakasikat na lalaki sa kanilang campus, na siyang gusto ni Mimi. Sa serye ng pagmumulto, ang white lady ay nagpakita sa in group, sina Mimi at ang kanyang mga kaibigan, at pinamalas ang kanyang galit sa bawat isa sa kanila. Sila ay namatay sa paraang kinakatakutan nila. Si Pearl ay naipit sa lahat ng pangyayaring ito. Kalaunan, nalaman nyang si Robbie pala ay nagkarelasyon kay Christina noon at si Christina ay pinatay mismo ni Robbie dahil sa ayaw ni Robbie na iwan siya ni Christina. Ninais ni Pearl na lumayo kay Robbie ngunit sa pangalawang pagkakataon, ayaw na ayaw ni Robbie na iniiwan siya. Dahil dun, ginusto nyang saktan ni Pearl ngunit sa tulong ng multo ni Christina at pagbabalik loob ni Jonathan kay Pearl ay napigilan at naudlot ang balak ni Robbie na sa huli din ay kinuha na ni Christina ang buhay ni Robbie. Nagwakas ang kwento sa pagbebendisyon sa isang kwarto sa academy kung saan pinatay si Christina. Mula noon ay naging panatag na ang kaluluwa ni Christina at wala nang nababalitang pagmumulto ng White Lady sa paaralan.

Bilang II. Pagsusuring Lingwistika Ang lingwistikang ginamit sa pelikulang White Lady ay kontekstwal at malaya. Ang mga tauhan ay paminsan minsang gumagamit ng ibang wika na nakasanayan na nila. Tulad ng paggamit ni Pearl (Pauleen Luna) ng wikang Ilonggo sa kanyang pagkanta. May mga pagkakataong ginamit nila ang lingwaheng naaayon at naaangkop sa lugar na pinangyarihan. Bilang III. Pagsusuring Pangnilalaman

Mga tauhan Pearl

Kilos

Paniniwala ang at

Mahinhin, Mananaig masipag sa kahit kabutihan anong bagay lalo hustisya. na sa pag-aaral, matulungin, mapagmahal at magalang

Mimi

Mataray, mapang-api, inaangat ang sarili sa nakararami, nais na palaging maging sentro ng atensyon

Naniniwala syang wala syang kinalaman sa pagkamatay ni Christina. Naniniwala syang angat sya sa iba sa kahit anong aspeto.

Gawi at Paninindigan Isang mabuting mag-aaral. Siya ang naging pinto sa kalayaan ni Christina sa kanyang masalimuot na pagkamatay. Pinaninindigan niyang hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan Palaging nambubully at inaapakan ang mga taong iniisip niyang mababa pa sa kanya. Pinaninindigan niyang wala syang kinalaman sa pagkamatay ni Christina at tama lang daw ang kanyang mga

Jonathan

Palakaibigan, masayahin, madaldal, masarap kausap at nakakablend-in sa nakararami

Magkatulad sila ng pananaw sa buhay ni Pearl ngunit nagkaroon ito ng pagkakaiba ng pumasok sila sa academy

Lola Tasya

Mabait, mahinhin, malambing, malumanay, kinakausap ang multo ng apo niyang si Christina

Naniniwala siya na buhay pa ang kanyang apo na si Christina dahil nakikita niya ito.

Robbie

Mapagmahal ngunit mapanakit kung iniiwan. Matipuno at magalang.

Hindi dapat siya iniiwan dahil siya ay nagmamahal ng lubos at wala nang makakapantay dito.

pinaranas kay Pearl bilang bagohan sa paaralan Lumuhis ng landas sa kanilang pagkakaibigan ni Pearl at nakipagbarkada kanila Mimi ngunit sa huli ay nanumbalik ang pagkakaibigan ng dalawa. Pinaninindigan niyang tama ang tumulong sa kapwa. Pinaninindigan niyang may sala ang mga kaibigan ni Christina kung bakit ayaw na umano nitong pumasok sa skwela. Pinaninindigan din niyang buhay pa ang apo. Pinaninindigan niya na isang pagkakamali lamang ang kanyang nagawa noon kay Christina bunga sa ayaw niyang iwan siya nito. Pinaninindigan nya rin ang pagmamahal niya kay Pearl.

Bilang IV. Pagsusuring Pampanitikan Ang pelikulang ito ay gumamit ng teoryang feminismo sapagkat iniaangat ng kwento ng pelikula ang katayuan ng mga kababaihan. Kung paano nanaig ang mabuting intension ng babaeng bida. Gumamit rin ito ng Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal dahil kapansin pansin ang pagbabago ng kilos o desisyon ng mga tauhan dahil sa mga bagay na tila nag uudyok sa kanila upang baguhin ang kanilang behavior. At Teoryang Realismo sapagkat ang mga pangyayari sa pelikula ay nangyayari rin sa totong buhay tulad ng pambubully ng mga estudyante sa kapwa nila estudyante. Ang pagkaudyok ni Robbie na patayin si Christina dahil ayaw niyang iwanan siya nito. Nangyayari din ang ganitong mga pangyayari sa totoong buhay.

You might also like