Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bueno, Marc Faustus C. 1 BS ME Fil 12 WW Annotated Bibliography Church, A. Timothy. Filipino Personality: A Review of Research and Writings.

Taft Avenue, Manila: De La Salle University Press, 1986. Tinalakay ng manunulat ang ibat ibang aspekto ng sikolohiyang Pilipino. Sa panimula, ipinakilala niya ang identidad ng Pilipino na ayon sa mga pag-aaral ay isang uri ng hybridness o ang pagkakahalo ng mga aspekto ng mga kultura ng mga mananakop. Sa mga sumunod na kabanata, tinalakay ang mga katangiang Pilipino, kagaya ng mga kilalang konsepto ng pakikisama at utang na loob, ang pakikipag-unayan ng Pilipino sa kanyang kapwa at ang mga implikasyon nito sa pagkilos at paggalaw, at ang pag-unawa at pagtingin ng Pilipino sa mundong ginagalawan niya. De Urbina, Araceli Ortiz and Asbel Lopez. Soaps with a Latin Scent. UNESCO Courier 52, no. 5 (1999): 43-45. Ang popularidad ng mga palabas mula sa Latin Amerika na tinatawag na telenovela ay nagdulot ng pagbabago sa mga manonood nito pati na din sa lipunan nila (kagaya ng paglipat ng oras ng pagdadasal sa Abidjan, ang pagsulat ng mga manonood ng Kasandra sa kanilang presidente upang ipatigil ang kanyang paghihinagpis, at ang pag-abang kay Thalia sa Maynila na parang ba siyay isang foreign dignitary). Inihayag na ang isang dahilan ng popularidad nito ay dahil ito ay isang uri ng escapism para sa mga Pilipino. Del Mundo, Clodualdo. Telebisyon: An Essay on Philippine Television. Pasay City: Cultural Center of the Philippines, 2003. Inihayag ng aklat ang kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas at paano ito nagbago mula dati hanggang ngayon. Binigyan ko ng pokus ang estado ng telebisyon sa Pilipino noong 1990s at sa aklat, inilahad ang popularidad ng Mari Mar at kung paano nito binago ang estado ng telebisyong Pilipino sa panahon na iyon. Dahil sa biglang pagdating at pagtagumpay ng Mari Mar sa mga rating, pinag-aralan muli ng ABS-CBN at GMA ang panlasang Pilipino sa mga palabas, na nagresulta sa horizontal programming at pagsasaayos ng mga elemento ng drama.

Rimban, Luz. The Empire Strikes Back. In Loren to Marimar: The Philippine Media in the 1990s, edited by Sheila Coronel. Quezon City: Philippine Center for Investigative Journalism, 1999. Tinalakay ng artikulo ang estado ng ABS-CBN at ng pamilyang Lopez sa dakong pagtatapos ng dekada. Isa sa mga nagbago ng estasyon ay ang Mari Mar, ang angkat na telenovelang galing sa Latin Amerika. Ang biglang pagsikat nito ay nagdulot ng mas maikay na pag-aaral ukol sa panlasang Pinoy; ang mga nakuhang datos ay siyay ginamit ng estasyon para sa benepisyo nito sa pamamagitan ng paggamit ng pormula na nakita sa Mari Mar sa paggawa ng mga programa. Tufte, Thomas. Living with the Rubbish Queen: Telenovelas, Culture and Modernity in Brazil. Bedfordshire, UK: University of Luton Press, 2000. Ang aklat na ito ay isang pag-aaral ukol sa mga telenovela at pag-unawa ng mga tao sa Brasil sa mga palabas na ito. Sa simula, binigyan halaga ng manunulat ang kasaysayan ng telebisyon sa Brasil, isang bansa na may magulong kasaysayan. Tinalakay din ang kahalagahan ng pag-aaral na ito, at sinabi ng manunulat na ang mga telenovela ay isang instrumento sa pagpapabago ng kilos at pag-iisip ng manonood nito sapagkat nagpapakita din ang mga ganitong uri ng palabas ng mga katotohanang makabuluhan, kagaya ng social divide at kahirapan.

You might also like