Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Salawikain

Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa. Daig ng maagap ang taong masipag. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.

Mga Palaisipan
1. May isang pamilyang nakatira sa isang bilog na bahay. Isang araw, ang lolo ay napatay. Ang mga suspects ay ang ate, kuya, tatay, nanay, lola. Sabi ng ate, hindi siya ang pumatay dahil gumagawa siya ng homework ng ito ay mangyari. Sabi naman ng Kuya ay nasa eskuwelahan siya, samantalang sabi ng tatay ay nagtatrabaho siya ng ito ay nangyari. Sabi ng nanay, nasa palengke siya at sabi naman ng lola na naglilinis daw siya sa sulok. Sino ang pumatay kay lolo? Sagot: ang lola kase walang solok sa bilog na bahay 2. Ano ang nakikita mo sa gitna ng dagat? Sagot: ang letrang g 3. May sampung aso sa itaas ng building, may nakita silang pusa sa ibaba, tumalon sila sa building. ilan ang natira? Sagot: sampu pa rin, tumalon lang naman sila, hindi naman napahulog. 4. May lubid na 9 metro ang haba. Puputulin mo ang lubid ng paisa-isang piraso, isang metro ang bawat haba. Ilang putol ang gagawin mo upang makakuha ng 9 piraso? Sagot: walong putol para makakuha ng 9 piraso. 5. Ako ay isang prutas. Pag tinanggal mo ang unang letra sa aking pangala n, akoy magiging isang uri ng krimen. Pag tinanggal mo naman ang una at ikalawang letra, akoy magiging isang hayop. Kapag tinanggal mo naman ang una at ang huling letra, akoy magiging isang uri ng kanta. At kapag tinanggal mo ang una, ikalawa at ikatlong letra, akoy magiging isang subject sa eskwelahan. Sagot: Grape 6. May pamilyang Kuba. Yung buong pamilya nila ay Kuba. Mag asawang Kuba at tatlong anak na Kuba - 2 lalaki, 1 babae. Nung nakapangsawa na ang dalawang lalaking Kuba, naging Kuba din ang asawa't anak nila. Pero nung nagka asawa na ang babaeng Kuba, hindi na sya Kuba at ang asawa't anak nya ay hnd rin Kuba. Tanong: Anong nangyari sa babaeng Kuba? Bakit hindi na sya Kuba?

Sagot: Ang apelido nila ay Kuba. Nang makapangasawa ang babae, hindi na niya apelido ang Kuba. 7. Si Ann ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay, ay si Nana, Nene, Nini, Nono, at? Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? Sagot: Ann 8. Isang araw, inihatid ng doktor ang kanyang teenager na anak sa sasakyan papuntang paaralan. pagdating niya sa hospital na kanyang pinaglilingkuran, kinailangan niya agad pumunta sa emergency room dahil may teenager na nagkaroon ng car accident. Nagulat ang doktor nang makita niyang anak niya ang nakaratay sa nasabing silid. Bakit hindi man lang nagalusan ang doktor at nagulat pa ito nang makita ang anak? Sagot: Inihatid lng ng doctor ang anak sa sasakyan. Magkaibang sasakyan ang ginamit ng mag-ama kasi magkaiba sila ng destinasyon. 9. Dalawang mag ama ang namimingwit sa tabing ilog isang hapon. Nakahuli sila ng tatlong malalaking isda at siyang ginawa nilang hapunan, tig-iisang piraso. Paanong nagkasya ang tatlong isda sa dalawang mag-ama? Sagot: Ang dalawang mag-ama ay ang Lolo, Tatay at anak. Nagkasya sa kanilang tatlo ang tatlong isda.

10. Hindi ako hayop. Hindi ako bagay. Berde ako noong bata, dilaw noong tumanda. Nang mamatay ako, maraming nabuhay. Marami sa tindahan, meron din sa bawat bahay. Ano ako? Sagot: Bigas

Mga Bugtong
Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw) Heto na si Ingkong, bubulong-bulong. (bubuyog) Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. (tulya) Hindi naman bulag, di makakita sa liwanag. (paniki) Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok. (lamok) Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala'y liwanag sa likod ng pakpak. (alitaptap). Pagkatapos na ang reyna'y makapagpagawa ng templo, siya na rin ang napreso. (anay) Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo. (aso) Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo. (baka) Umuusad-usad sapagkat sa paa ay salat, pinahihirapan pa ng pasan-pasang bahay na ubod ng bigat.(kuhol)

You might also like