Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Reaksyon sa SONA ni Pangulong Benigno Aquino III

Napansin ko na ito ang pinakamahabang SONA ng ating kasalukuyang pangulo. Maraming nagsabi na maganda ang kinalabasan ngayon pero may mga nagsabi ding masyado lang niya pinapaasa ang mga tao. Paano kung hindi ito maisakatuparan? Magagalit ang mga tao nyan kung puro pangako lang siya. Inilahad din sa kanyang talumpati kug gaano kataas ang inilaki ng pag-unlad ng ating bansa ngayon taon. Binigyan niya ng importansya ang pagbibiay ng libreng pabahay ng gobyerno para sa mga Informal Settlers at mga biktima ng sakuna. Sa tingin ko, ito na ang naging pinakamagandang SONA ng ating pangulo. Pero may paalala lang ako, huwag munang maging kampante dahil sa mabilis na pag-unlad ng ating bansa dahil isang araw, pwede rin tayong maghirap kung gaano kabilis ang iniunlad natin. Sana ay hindi lang puro salita ang ating pangulo. Sana ay tuparin niya ang lahat ng kanyang mga ipinangako at maging isang huwarang lider ng ating bansa.

Not Enough jobs for Filipinos Sa aking palagay, unti-unti nang gumaganda ang estado ng pamumuhay mga Pilipino dahil sa pagtaas ng employment rate sa ating bansa. Pero kahit sa pag-unlad at pagtaas ng employment rate, madami parin sa ating mga kabababayan ang nangangailangan ng trabaho. Ang underemployment rate naman ay bahagyang tumaas dahil siguro kadalasan ng mga nakukuhang mga trabaho ng ating mga kababayan ay hindi permanente o part time job lang. Sana magkaroon ng permanenteng solusyon ang ating gobyerno sa usaping ito. Halimbawa: magtayo sila ng karagdagang pampublikong mga paaralan at ospital para matugunan an pangangailangan ng ating bansa.

You might also like