Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 128

PROLOGUE "Nate-tensyon ako. Tama lang ba na pumayag ako na magsalita sa career guidance na ito?

" tanong ni Jerwin at hinila ng daliri ang kuwelyo nito na parang nasisikipan ito. Nasa gilid sila stage ng stage at hinihintay na ipatawag sila para sa pagsisimula ng career guidance sa auditorium ng St. Jerome Academy.!Ito ang unang beses na babalik si Maxine sa alma mater niya matapos ang sampung taon. Ngayon ay magbibigay sila ng talk bilang matatagumpay sa kanya-kanyang larangan. Reporter na siya ngayon sa isang TV station at host ng news magazine show tuwing Sabado habang si Jerwin naman ay isa nang certified public accountant. Magkaklase sila noong high school kung saan pareho silang nagtapos nang may karangalan. !Pinisil niya ang balikat nito. "Relax. Magiging okay din lahat."!"Hindi ako reporter na tulad mo. Sanay kang humarap at magsalita sa mga tao. Naningkit ang mata niya. Remind me why I signed up for this one? Bakit mo ako nakumbinsi na sumali din dito?!Dahil mahal mo ang trabaho mo at mahal mo ang St. Jerome Academy.!Isang malaking karangalan ang ipatawag ng paaralang pinagtapusan ng kahit na sino para magsalita at magbigay ng inspirasyon sa mga estudyante. At masarap sa pakiramdam na nakikita niyang proud na proud sa kanya ang mga guro nila. Na naabot niya ang mga pangarap na dati ay sinasabi lang niya sa mga ito. And you can also tell them that aside from being an accountant, you are also a painter.!Alam mong sekreto ang isang iyan. At isa ka sa iilang nakakaalam ng tungkol doon.!Iniikot niya ang mga mata. Sekreto ni Jerwin ang pagiging pintor. An elusive yet a popular one. Hindi naman iyon sinasadya dahil therapy iyon nang madisgrasya ang magulang nito at ma-depress ito. It was a part of him that was hidden. Isang sekretong iilan lang ang nakakaalam. !Ngumuso si Maxine sa iba pang mga guest speaker. "Sila din naman hindi sanay na magsalita. Isipin mo mga hindi estudyante ng St. Jerome ang mga iyan pero hindi siya natatakot na magbigay ng talks para sa mga estudyante. You will be fine. !Ready na ba ang mga anak ko? tanong ni

Mrs. Amadore, ang Math teacher nila na magsisilbing host para sa programang iyon.!Siniko niya si Jerwin. Ready na po kami.!Magsisimula na tayo sa loob ng ilang minuto. Inaayos lang ang sound system. Nanghaba ang nguso ni Mrs. Amadore at itinapik ang hintuturo sa baba. "May kasama pa dapat na isang speaker na ka-batch ninyo. Galing siya sa Germany at security expert.!Kumabog ang dibdib niya. Isa lang naman ang security expert na nasa Germany na ngayon. Malibang may iba pa silang ka-batch na ganoon din ang kapalaran. !Si... kapangalan ng isang bayani, sabi ni Mrs. Amadore. !Muntik nang maubo si Maxine. Parang may gong sa dibdib niya na hinampas at umalingawngaw ang tunog sa buong pagkatao niya. Oh, gosh! No! No! No! Kung naimbitahan si Bonifacio sa event, ibig sabihin ay nasa Pilipinas to. Ibig sabihin ay posible silang magkita? Ang tanong ay gugustuhin ba niya itong makita?!"Jose! Jose... Felix?" tanong niya agad nang makitang bubuka ang bibig ni Jerwin para sumagot. !"Felix Jose iyon, sabi naman ni Jerwin.!"Si EmilioEmilioCornello?" hula niya. May maipilit lang talaga.!Ngumiwi si Mrs. Amadore. Hindi ba nakakulong siya ngayon sa probinsiya dahil sa pangangaliwa sa asawa niya? Sino nga ba iyon? Basta alam ko plano niyang pumasok sa PMA. Na-link pa nga sa iyo 'yon. Ipinitik ni Mrs. Amadore ang daliri. Salvador ang apelyido."!"Philip Salvador, nakangising hula niya.!"Artista iyon, pakli ni Jerwin at binigyan siya ng makahulugang tingin.!"Bida naman sa action movies. Pwede nang bayani iyon," nakalabi niyang sabi. !"Puputulin ko muna ang kwentuhan ninyo. Magsisimula na ang program, sabi ni Miss Cayetano na sinundo na sila. !Nakahinga si Maxine ng maluwag nang pumasok na sila sa auditorium. Sa wakas ay maiiwasan na niya ang usapan nilang iyon tungkol kay Bonifacio. Hindi niya kailangan ng panggulo sa utak niya ngayon. Ayaw niyang bulabugin ng multo ng nakaraan.!Subalit walang balak si Jerwin na tantanan siya. Bumulong ito sa kanya nang nakaupo na sila sa mesa kasama ang ibang mga speaker. "Si Bonifacio yata ang tinutukoy nila na invited din sana dito." Di siya kumibo. "Maxine..."!"Jerwin, I heard you the first time! Ano ngayon? Wala

siya dito. Let's just focus on the event. Hindi ba kinakabahan ka?" Bakit ba kasi nasingit si Bonifacio sa usapan? !"Mas kinakabahan ako sa reaksiyon mo. Mukhang nasa PIlipinas siya. Paano kung tumuloy siya. Paano kung nagpang-abot kayo ni Bonifacio dito?"!Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Ano ngayon? Hi. Hello. Kumusta ka? Kumusta si Hitler sa Germany? Ganoon lang." At pilit siyang ngumiti. Nginisihan lang siya ni Jerwin. "Don't give me that look. Mahahampas kita ng bag."!"You are telling me that he doesn't affect you anymore?"!Tumuwid siya ng tingin sa mga estudyanteng nasa harapan nila at matamang nakikinig sa opening remarks ng principal kung saan ipinapaliwanag kung ano ang kahalagahan ng career guidance. "Of course not, tanggi niya sa malamig na boses.!"Naniniwala ako sa iyo."!Nahigit ni Maxine ang hininga. Sarkastiko kasi ang pagkakasabi nito. He didn't really believe her. Ilang taon na nga niyang hindi naiisip si Bonifacio. Okay. Madalas niya itong maisip. Pero matagal na panahon na di nakakausap ang kahit na sino tungkol dito.!Sasabihin sana niya iyon nang magsalita na ang host. "Our next guest speaker is an alumnus of St. Jerome Academy. She's the first editor in chief of our school paper who took up Bachelor in Broadcast-Journalism at the University of the Philippines. And now, she a reporter for News Central and host for the news magazine program Time Travel. Kilalang-kilala ninyo siya. Let's welcome the pride of St. Jerome Academy Maxine Altamirano!"!Ngumiti siya at nagpasalamat kay Mrs. Amadore bago nagtungo sa rostrum. Iniikot ang paningin sa mga graduating students ng St. Jerome Academy. Lahat ay may interes ang anyo. Pakiramdam niya ay bumalik siya noong estudyante pa siya doon at ang nakikinig sa kanya ay mga kamagaral niya. It was surreal. Ngayon ay humaharap na siya sa ibang batch ng estudyante bilang isang matagumpay na reporter. Iba ang pangarap lang pero iba pala ang pakiramdam na tatayo siya sa harap ng mga estudyante para magkwento tungkol sa mga pangarap niya.!"Huling beses na tumuntong ako sa stage na ito, nagbigay ako ng Valedictorian speech. Isa akong estudyanye noon na idealistic at puno ng buhay. Marami akong pangarap at

pakiramdam ko kaya kong matupad ang lahat. Na magiging madali ang lahat. Pero hindi madali ang buhay. Pagkatapos ninyo ng high school, mas seryoso na ang labanan. Everything would be a competition. Kailangan iyon. Dahil bawat isa ay kailangang gawin ang lahat para matupad ang pangarap nila.!"Baka naman isipin ninyo na masyado akong perfectionist. I am sure iyan ang laging sinasabi ng teachers ninyo kapag naiku-kwento ako sa inyo. But I am not so perfect really. Isa rin akong estudyante gaya ninyo. I have my moments. Nagkakamali din ako, minsan matigas ang ulo, kinikilig, nagkaka-crush." Umugong ang tuksuhan sa school gymnasium. "Hindi rin ako ipinanganak na ganito. People change. At kailangan talaga ninyong magbago kung nais ninyong makuha ang mga pangarap ninyo. You don't own the world. Hindi magbabago ang mundo para sa inyo. Kayo ang magbabago para sa mundo. Kayo ang dapat matutong sumunod sa agos. !Today isa a day about dreams. You must realize your dreams and as early as today, you must plan what path to choose to achieve it. My dream..."!Natigilan siya nang dumako ang tingin sa isang CAT officer na nakasuot ng beret at naglalakad sa aisle. Nahigit niya ang hininga. Ang gupit nito, ang lakad nito, his stride was like a man from her distant past. From a distant dream. At parang nabuhay ito sa harapan niya.!Si Bonifacio...
! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! !

CHAPTER ONE "Gusto kita, Maxine!"!Nakatingin si Maxine kay Bonifacio habang kausap ang kaklaseng si Edmon sa bandang unahan ng classroom nila. Kanya-kanyang kwentuhan ang mga kaklase niya. Wala ang Math teacher nila dahil may emergency meeeting. Dapat ay nakaconcentrate siya sa pag-aaral para sa next subject. Subalit naririnig pa rin niya ang mga sinabi ni Bonifacio sa kanya nang nakaraang araw at ang ginawa lang niya mula kanina ay sulyap-sulyapan ito.!Mabigat ang loob niya habang binabalikan ang sandaling nagtapat ito na gusto siya nito. Humahagulgol siya ng iyak sa garden ng St. Jerome Academy noon dahil nalaman niyang hindi pala siya ang gusto ng crush niyang si Jerwin. She was inconsolable. At nang sabihin ni Bonifacio na siya ang gusto nito ay pinagtawanan niya ito. Nainis pa nga siya dahil akala niya ay kinaaawaan lang siya nito. Imagine, magkakagusto sa kanya ang isa sa pinakaguwapong estudyante ng St. Jerome Academy. While she was just a simple girl who didn't care about her looks. Malaking joke iyon para sa kanya. !He took it as an insult. Sinabi pa nitong ayaw na nitong maging kaibigan siya. He just walked out of her. Hindi lang si Jerwin ang nawala sa kanya. Nawala din sa kanya ang nag-iisa niyang kaibigang lalaki. Hindi siya sanay na hindi ito kasabay pauwi. Hindi siya sanay na hindi ito ang katabi kanina sa Biology class nila. Ni hindi siya nito pinapansin. Kaya naman sobrang bigat ng loob niya. Hindi niya alam kung anong gagawin dito. Pakiramdam niya ay malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala nang talikuran siya nito.!"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kay Jerwin kahapon?" untag sa kanya ni Gay.!Gulat niya itong nilingon. "Ha?"!"Masaya sina Jerwin at Josephine kaya nagseselos ka?" tanong nito at ngumuso sa likuran niya.!Lumingon si Maxine at nakitang naglalambingan sina Jerwin at Josephine habang magkatabi sa upuan sa dulo. Nagkukwentuhan ang mga ito at hinahampas-hampas pa ni Josephine si Jerwin sa kung anumang sinasabi dito ng huli. "Ah! Iyan ba?" matamlay niyang tanong at inalis ang tingin sa mga ito.!Ang totoo ay wala siyang maramdaman

na kahit ano. Malungkot siya pero hindi dahil nakikita niya si Jerwin kasama ang ibang babae. Basta. Weird. Kung may sakit at lungkot man siyang nararamdaman ngayon ay hindi para kay Jerwin.!Tinapik-tapik ni Gay ang likuran niya. "Huwag mo na lang dibdibin ang lalaking iyan. Alam ko na siya ang first crush mo at masakit na mabigo. But take it from me. Marami pang lalaki diyan. Masasanay ka rin tulad ko."!"Na mabigo nang paulit-ulit?"!Nanlaki ang mata nito. "Ganoon ba ako ka-pathetic?"!Umiling ito. "Hindi ko sinasabi iyan. Ikaw ang nagsabi niyan."!Paano naman kasi unang kita pa lang nito sa lalaki ay gusto na agad nito. Ito pa ang bumubuntot-buntot at nanunuyo. Sa huli naman ay butata ito dahil ibang babae ang gusto ng mga lalaking gusto nito. Paulit-ulit na lang itong nasasaktan pero walang kadala-dala sa buhay. Ayaw yata niyang makasanayan iyon. Sapat na ang pagka-pathetic niya nang iyakan niya si Jerwin kahapon. Mukha siyang tanga. At minsan lang siyang magpapakatanga. Period.!"Ang ibig ko lang sabihin crush pa lang naman iyan at hindi pa pag-ibig. Naiyakan mo na si Jerwin. Ayos na iyon. Ililibre na lang kita ng ice cream at donut. Tanggal ang sakit na nararamdaman mo."!Na-appreciate naman ni Maxine ang pag-aalala ni Gay sa kanya. Luka-luka man ito madalas at iniiwan siya sa ere dahil sa mga lalaki ay nariyan naman ito para sa kanya kapag kailangan niya. "Salamat sa pagaalala sa akin, bestfriend. Pero hindi naman si Jerwin ang iniisip ko kanina."!"Sino? O ano? Maniwala naman akong hindi si Jerwin ang iniisip mo. Ngayon ka pa ba magkakaila sa akin? Tinapik nito ang sariling dibdib. Ako ang bestfriend mo. Kailangan kong malaman ang tungkol sa nararamdaman mo para matulungan kita. Mas mabilis kang makaka-recover kapag nasabi mo na ang nararamdaman mo."!Recover? Masama pa rin ang loob niya tungkol sa nangyari kay Jerwin pero hindi niya gaanong iniinda. Ibang bagay o mas tamang sabihing tao ang bumabagabag sa kanya mula pa kahapon.!"Hindi naman siya ang iniisip ko kundi si Bonifacio," bulong ni Maxine kay Gay.!Kumunot ang noo nito. "Anong meron kay Bonifacio?"!Yumuko siya. "Galit siya sa akin."!"Oo nga pala. Ano naman ang napag-usapan ninyo ng isang

iyon? Alalang-alala siya sa iyo noong una pero mukhang galit na siya matapos ninyong mag-usap. Nakita ko sambakol ang mukha niya nang bumalik sa room. Sinabi mo ba sa kanya na gusto mo si Jerwin? Na kaya ka umiiyak ay dahil hindi ikaw ang gusto ni Jerwin?"!Tumango siya. "Oo. Ayaw na niya akong maging kaibigan."!"At nagalit siya dahil gusto mo ang mortal na kaaway niya? O galit siya kay Jerwin? Wala naman palang ginawang masama si Jerwin sa iyo. At si Boni naman sadyang matagal nang galit sa kanya. Kaya ba si Jeron lang ang kasabay nating umuwi kahapon?"!"Oo. Nalungkot siya nang hindi sumabay si Bonifacio sa kanila kahapon nang uwian na. Hinayaan lang niya si Bonifacio dahil baka nagpapalamig lang ito ng init ng ulo. Pero mali siya. Akala ko okay na siya pagkatapos pero pagdating ko iba na ang katabi ko sa Biology class. Sa likod na siya umupo. Ni ayaw niya akong pansinin ni tingnan man lang."!"Feeling ba niya na-traidor mo siya bilang kaibigan? Batukan ko kaya ang isang iyon? Mas nauna mo namang nagustuhan si Jerwin kaysa naging kaibigan siya.!Pinilipit niya ang kamay niya. "Hindi ganoon kasimple ang lahat." !Ano bang gulo itong napasukan niya? Akala niya ay si Jerwin lang ang problema niya dahil di siya nito gusto pero mas naging komplikado ang mga bagay-bagay dahil sa pag-entra ni Bonifacio.!"Wala namang simple sa iyo. Kakausapin ko si Bonifacio na tigilan niya ang pag-iinarte niya. Nakadagdag siya sa sama ng loob mo." Tumayo si Gay at akmang susugurin si Bonifacio. Hindi ako papayag na pati siya dumagdag sa problema mo.!"Gay, huwag!" aniya at umiling. Naku po! Kapag kinompronta pa nito si Bonifacio ay mas malaking gulo. At kapag si Gay ang nagalit ay wala itong pakialam kahit na may iba pang nakakarinig. !Ipinadyak nito ang paa. "Naiinis kasi ako sa kanya."!Hindi niya ito binitawan at tumayo din siya. "Pag-usapan natin pero huwag dito. Doon tayo sa CR, bulong niya.!Hindi pwedeng may makarinig sa pinag-uusapan nila. Ayaw niyang pagpiyestahan na naman sila ni Bonifacio ng buong klase o sa buong St. Jerome kapag kumalat ang balita. Baka mas mahirapan siyang ayusin ang problemang ito. Sa halip na simpleng problema

lang ay lalaki pa ang gap nila. Malalaman din ni Jerwin at ng iba pa na iniyakan niya ito. Doble-dobleng kahihiyan iyon. !Mabuti na lang pumayag si Gay na sumunod sa kanya. Pagdating sa restroom ay tiningnan muna niya kung may mga tao sa cubicle. Nang matiyak na bakante iyon ay isinara naman niya ang pinto ng mismong restroom at ini-lock. Sana lang ay walang ibang gumamit ng restroom.!Humalukipkip si Gay habang nakasandal sa dingding at pinagmasdan siya. "Gaano kakumplikado ang problema mo kay Bonifacio? Anong sinabi niya nang malaman niyang gusto mo si Jerwin?"!"Nainis siya. Bakit ko daw pinag-iinteresan si Jerwin? Ano naman daw ang mapapala ko doon? Marami naman daw ibang lalaki sa mundo. Nandoon naman daw siya. Tapos sinabi niya na gusto niya ako."!Napanganga si Gay. Sa sobrang laki ng nganga nito ay parang pwede niyang ipasok ang kamao niya sa bibig nito. "G-Gusto ka niya? As in, gusto ka niya? As in gusto? Like? As in he likes you like a love song?" Natutop nito ang bibig. Sure ka? Hindi ka nagkamali ng dinig?!Tumango siya. "Hindi naman ako bingi at di rin ako nagdedeliryo nang mga oras na iyon. First year pa lang daw crush na niya ako. Kaya nga daw gusto na niyang maging close sa akin nang maging kaklase natin siya. Kaya daw pumayag siyang maging yaya, bodyguard, aliping saguiguilid and everything.!He did it for the power of love. How romantic!!Huwag mo ngang banggitin ang love-love na iyan. At hindi ito romantic. Problema ito. Hindi pa rin siya komportable kapag naiisip ang lahat ng iyon. Kaya pala parang kataka-taka na ang isa sa pinakaguwapong estudyante sa St. Jerome isasakripisyo ang sariling oras, pagod at kahihiyan nito para lang sa kanya. She thought he was being too gentleman. Akala niya ay gusto lang nitong bumawi sa kanya. Malay ba naman niyang iba na pala ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kanya.!Biglang naging excited si Gay. "Talaga? Anong sinabi mo?" nagniningning ang mata nitong tanong na parang si Prince Charming mismo mula sa libro ng mga fairy tales ang nagsabing gusto siya nito. !"Natawa lang ako basta."!Nawala ang kasabikan sa mukha nito. "Pinagtawanan mo siya? Napaka-anti-climatic mo naman. Parang gusto kitang

batukan, alam mo iyon?!"Akala ko kasi joke lang iyon. Come on. Mukha bang ako ang tipo ng babae na magugustuhan niya?" tanong niya at inilahad ang palad niya sa baba niya.!"Hindi pero di rin naman imposible."!Imposible sa akin iyon dahil come on! Di kami bagay. Tapos nagalit din ako sa kanya. Sabi ko na maling paglaruan niya ako o magsinungaling para lang paglubagin ang loob ko. Malay ko ba kung paraan lang niya iyon para pagaanin ang loob ko at nang makalimutan ko si Jerwin. Kaso seryoso pala siya. Ayun! Nagalit siya dahil di ko daw sineseryoso ang nararamdaman niya. Tapos ayaw na daw niya akong maging kaibigan at nag-walkout siya." Inilahad niya ang palad. "At ito na nga ang nangyari. Parang hindi na ako nag-e-exist sa mundo niya."!Sana talaga ay hindi na nangyari ang pagpapasulat ng tula na iyon sa Filipino subject nila para hindi nagulo ang lahat sa buhay niya. Sana hanggang ngayon ay iniilusyon niyang gusto siya ni Jerwin. Hanggang ngayon ay kaibigan pa rin sana niya si Bonifacio. Bakit kailangang masira ang lahat dahil sa paglabas ng katotohanan?!"So...paano na iyan ngayon?" nag-aalalang tanong ni Gay.!Bumagsak ang balikat niya. "Ayaw na talaga niya sa akin. Ayaw niya akong kausapin ni tingnan man lang. Nasaktan ko nga siguro siya nang sobra.!Nanggigigil nitong kinuyom ang palad at akmang sasabunutan siya pero sa huli ay sarili na lang nito ang sinabunutan nito habang ipinapadyak ang paa. "Anong problema mo? Nakakainis ka! Isa sa pangarap ng mga kababaihan sa campus ang nagkagusto sa iyo. Si Bonifacio Salvador III, ang Supremo ng KKK ay tinanggihan mo lang? Ano bang iniisip mo? Gusto kitang sabunutan ngayon sa totoo lang! Pero sige. Sarili ko na lang ang sasabunutan ko tutal bestfriend naman kita.!Bumuntong-hininga siya. "Si Jerwin ang gusto ko."!"Na ayaw sa iyo at ibang babae naman ang gusto. Inilahad nito ang palad. Samantalang heto si Bonifacio na guwapo, makisig, pantasya ng kababaihan, handang magpaalipin sa iyo at handang ialay ang mundo sa paanan mo."!"He didn't exactly promise the world to me."!"Lukaret! That's figure of speech and part of romanticism. Iyon naman ang ipinapangako ng mga lalaki sa babaeng gusto nila.

Sayang naman ang pagkakataon na iyon. Tiyak na mamamatay sa inggit sa iyo ang mga girls. Ikaw na ang diyosa!!Nakadama si Maxine ng iritasyon. "Anong klaseng babae naman ang tingin mo sa akin? Na ganoon lang kadali sa akin na ipagpalit si Jerwin sa iba? Na tatanggapin ko na lang si Bonifacio kahit na ibang lalaki naman ang gusto ko? Una, unfair naman iyon sa akin. Gusto ko si Jerwin at bakit ako magse-settle sa hindi ko naman gusto?!Tinapik nito ang noo. "Ay! Martir lang ang drama mo, day. Ayaw na nga sa iyo. Saka hamak mas guwapo naman si Bonifacio sa kanya. Gusto ka pa. Di ka na luluha pa.!"Nagiging totoo lang ako sa nararamdaman ko. Mali ba iyon? Pangalawa, unfair din kay Bonifacio kung basta ko na lang siyang tatanggapin kahit na ibang lalaki naman ang gusto ko. Pangit yata iyon."!"May mga babae naman diyan na okay lang sa kanila kahit di nila gusto basta gusto sila ng lalaki. Basta lang may lalaking may gusto sa kanila."!Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Hindi ako ganoon. Ayokong gawing panakip-butas si Bonifacio o kahit na sinong lalaki. Unfair iyon. Dapat magustuhan din sila ng taong gusto nila. Hindi ko kayang maging selfish. Kaibigan ko si Bonifacio. Naging mabuti siya sa akin kaya gusto ko irespeto ang nararamdaman niya para sa akin."!Hindi niya nagawang irespeto ang nararamdaman nito sa kanya nang pagtawanan niya ito matapos niyang aminin na gusto siya nito. Pagkakataon na niya itong na makabawi. Para ipakita na kaya niya piniling tanggihan ito ay dahil hindi rin tama na gamitin niya ang nararamdaman nitong espesyal sa kanya para lang mabura ang sakit na idinulot sa kanya ni Jerwin. !"Sige na. Hindi mo naman kailangang magustuhan din siya. Pero sana naman hindi mo siya ni-reject, sabi ni Gay.!"Hindi ko naman siya ni-reject. Siya itong ayaw na akong maging kaibigan. Siya ang basta na lang umaway at nag-walk out sa akin. Hindi man lang niya ako tinanong kung may tsansa siya sa akin, depensa niya sa sarili.!"Sino bang hindi susuko sa iyo samantalang alam na niyang talo siya? Kasi nga puro ka Jerwin! Jerwin! Jerwin! Si Jerwin na walang malay. Saan ka na ngayon? Wala ka nang Jerwin, wala ka ring Bonifacio. Tulala ka na lang."!Bumuntong-hininga siya. Mula

kahapon siguro ay nakaka-isang libong buntong hininga na siya pero di pa rin nawawala ang bigat ng kalooban niya. "Bakit ba kailangan pa niyang magkagusto sa akin? Siya ang nag-iisang kaibigan kong kaibigan na lalaki. Masaya ako sa company niya. Komportable ako na kasama siya. Napapasaya niya ako. Sinira lang ng crush-crush na iyan ang lahat ng magagandang bagay na mayroon kami."!E sa iyon ang nararamdaman niya. Alangan namang pigilan niya. Karapatan din namang makaramdam nung tao. Anong gagawin mo ngayon?"!Tumingala siya at bumuga ng hangin paitaas. "Hindi ko pa alam. Basta gagawin ko ang lahat para bumalik siya bilang kaibigan ko."!"Paano kung ayaw na niyang maging kaibigan mo talaga?"!Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Ayoko lang mawala si Bonifacio nang tuluyan sa akin."!Okay lang na mawala sa kanya ang lalaking crush niya pero mas masasaktan siya kung mawawalan siya ng isang mabuting kaibigan.

"GOODBYE, class! See you tomorrow," wika ng guro nila sa Home Economics na si Miss Volante.!"Goodbye, Ma'am! Goodbye, classmates! See you tomorrow, nagmamadaling sabi ng buong IISampaguita.!Habang sinasabi iyon ay isinisilid na ni Maxine ang mga gamit sa bag niya. Lahat ay gusto nang makauwi agad. Pasado alas dose na at gutom na silang lahat. Kailangan nang makauwi para makapagpahinga dahil nakakapagod ang buong umagang klase nila.!Naging mabilis ang mga mata niya. Nakita niyang sukbit na ni Bonifacio ang backpack at halos kasunuran lang si Miss Volante na lumabas ng classroom. Hindi siya nito nilapitan para dalhin ang gamit niya. Ni hindi nga siya nilingon man lang. !"Gay, ikaw na ang bahala sa libro ko. Isunod mo na sa akin. Hahabulin ko lang si Bonifacio," sabi niya at nakipaggitgitan sa mga tao sa aisle. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Iniwan na niya ang libro sa arm ng upuan niya at sumingit sa mga kaklase niya sa aisle ng kuwarto nila. Kailangan niyang maabutan si

Bonifacio. "Excuse me." Paglabas ng klase ay nakita niya si Bonifacio na naglalakad sa corridor. "Bonifacio! Bonifacio, sandali lang!"!Subalit hindi na siya nito narinig. O sadyang hindi siya pinansin. Malamang ay nananadya talaga itong isipin na hindi siya nag-e-exist.!Sa dami ng estudyante ay hindi na siya halos makakasingit na naglalabasan sa klase at pauwi. Sa pathwalk siya dumaan kung saan mas maluwag ang daloy ng mga estudyante. Hindi siya sanay sa takbuhan pero nakadama siya ng pag-asa nang makitang pwede niyang abutan si Bonifacio kung daan siya dadaan.!Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas pero nagawa niya itong harangin sa mismong dulo ng corridor. Tadaaa! Umabot siya sa finish line. !"Boni, sabay na tayong umuwi," humihingal pa niyang sabi. Pinunasan niya ang pawis gamit ang panyo at saka siya ngumiti kahit alanganin.!Nagulat pa ito nang makita siya subalit naging malamig ang mga mata nito nang pagmasdan siya. "Sorry. May pupuntahan pa ako, anito sa malamig na boses.!Saan?!May monthly meeting ang KKK." !"Monthly meeting?" tanong niya. Ang KKK o Kataastaasang Kaganda-gandahang Kalipunan ng mga Nagmamahal kay Bonifacio ay grupo ng mga kababaihan at feeling kababaihan na baliw na baliw sa kaguwapuhan ni Bonifacio.!Noong una ay hindi niya kasundo ang karamihan sa mga ito dahil ang pakiramdam ay karibal siya kay Bonifacio. Itinuturing ni Bonifacio na kaibigan ang mga miyembro doon pero hindi nito gusto ang magkaroon ng fans club.!"Kailan pa kayo nagkaroon ng monthly meeting? At kailan ka pa nakisali sa mga meeting-meeting nila? Hindi ba hindi ka nga komportable na may fans club ka?"puno ng suspetsa niyang tanong.!"Mula ngayon meron na," deklara nito sa ma-awtoridad na boses. "Saka ano naman ang pakialam mo kung may meeting man kami o wala? Doon ka na lang mag-focus sa kay Jerwin."
! ! ! ! !

CHAPTER TWO Hindi alam ni Maxine kung anong dapat isagot sa banat nito. Hindi niya inaasahan na tahasan siyang itataboy ni Bonifacio kay Jerwin. Okay. She deserved that. Si Jerwin nga naman ang gusto niya pero ito ang inuusisa niya. Ibig bang sabihin ay susukuan na lang niya ito?!"Pero..." Hindi pa siya nakakapagpaliwanag nang tumingin si Jerwin nang lagpas sa balikat niya. !"Buddy, uwi na tayo. Tomguts na ako," sabi ni Jeron na tumayo sa likuran niya at kasama na si Gay. Ito na ang may dala ng libro niya. Mabuti naman at may makakakampi na siya sa pakikibaka niya. Alam niyang di siya pababayaan ni Jeron kahit pa sabihin na bestfriend nito si Bonifacio.!"May pupuntahan tayong meeting ng KKK," sabi ni Bonifacio sa kalmadong tono.!"Meeting? Anong meeting?" naguguluhang tanong ni Jeron. Kailan ka pa sumama sa meeting ng mga baliw na baliw sa iyo?!Tumuwid ng tayo si Bonifacio. "Simula ngayon. Ako ang Supremo nila. Dapat lang na i-monitor ko ang mga members ko. Ilang buwan ko na rin silang napabayaan. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanila. !Nabuo ang KKK dahil na rin sa pagmamalasakit ni Bonifacio sa mga miyembro nito. Hindi lang dahil sa kaguwapuhan nito. Kahit naman sinong babae ay mai-in love sa lalaking magpo-protekta dito at aaktong bayani. At alam niyang sa tono nito ay siya ang may kasalanan kung bakit hindi na nito naaasikaso ang mga KKK o ang ibang kaibigan nito. Malaking bahagi ng oras para sa ibang tao ay inilaan nito sa kanya.!"Sasama ba sila Gay at Maxine sa meeting na iyan?" tanong ni Jeron.!"Hindi. Member sila ng Kulto ni Kulot, nakangising sabi ni Jerwin.!"Bonifacio!" aniya dito sa nananaway na tono.!"Supremo, huwag mo akong itakwil. Isa ako sa kapanalig mo. May certificate ako para patunayan iyan. Pumirma pa nga ako sa kasunduan gamit ang dugo ko," wika ni Gay at kumapit sa braso nito.!"Ano?" bulalas niya. D-Dugo? Ginaya ninyo ang mga sandugo sa history?!"Siyempre red ballpen lang iyon," nakangising sabi ni Gay. Kumalma ka lang, friend. Siyempre dapat KKK experience din kami sa grupo namin pero di

naman kami laslas-pulso.!"Excused ka muna sa meeting, Gay, sabi ni Bonifacio. Jeron, ibalik mo na sa may-ari mo ang mga librong iyan Tumango ito sa direksiyon ng mga libro niya na hawak ni Jeron. May-ari ng libro? Ano? Iyon lang ang tawag ni Bonifacio sa kanya? Ni ayaw sabihin ang pangalan niya? Hayaan mo nang si Kulot ang magbitbit ng mga iyan. Mula sa araw na ito ay tapos na tayo sa pagiging alipin natin sa kanila."!"Alipin? Iyan ba ang tingin mo sa akin? Na inaalipin kita?" tanong niya sa mataas na tono. Sa palagay alipin ang trato ko sa iyo?!"Ano pa nga ba?" maangas na tanong ni Bonifacio.!"Kaibigan kita. Hindi kita alipin. In the first place, ikaw naman ang ideya na maging aliping saguiguilid ko. Hindi ko ginusto iyon. Ikaw itong bumuntot-buntot sa akin. Alam mo na higit pa doon ang trato ko sa iyo," depensa niya.!Ang unang clash nila ni Bonifacio ay nang mag-trip ito at si Jeron sa kanila ni Gay nang dumaan sila sa sementeryo kung saan pwedeng mag-shortcut pauwi. Gusto daw nitong makabawi sa kanya sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kanya. Naging tagahatid niya ito, tagabitbit ng gamit, bodyguard at kung anu-ano pa na pwede nitong isilbi sa kanya. Pero kalaunan ay mas gusto niyang maging kaibigan ito. Matagal na panahon na niyang tinapos ang pagiging alipin nito sa kanya. !"At malinaw ko ring sinabi sa iyo na ayokong nang maging kaibigan mo. Goodbye, classmate. See you tomorrow." At saka tinalikuran siya nito at naglakad palayo. "Let's go, buddy! Ayokong paghintayin ang mga miyembro ko."!"Boni, sandali lang. Ang mga libro...." anang si Jeron na parang nag-aalangan na hayaan siyang magbitbit mag-isa ng mabibigat na libro.!"Jeron, ako na ang bahala sa mga gamit ko. Sundan mo na si Bonifacio. Baka mamaya pati sa iyo magalit siya," malumanay niyang sabi at kinuha ang libro mula dito. Sanay akong magbitbit nito. Dati ko pa naman ito ginagawa. Kahit noong wala pa si Bonifacio. !Sobrang sakit sa dibdib nang yakapin ni Maxine ang libro at nakitang tuloy-tuloy lang si Bonifacio sa paglalakad. She really felt so bad. !"Pasensiya na ulit, kakamot-kamot ang ulong wika ni Jeron. Hindi ko naman alam kung anong nangyari sa inyo at nagkakaganyan siya.

Susubukan ko siyang kausapin tungkol dito. Tutulungan kitang maayos ang gulo na ito.!Matabang siyang ngumiti dito. "Salamat."!At malungkot niya itong pinagmasdan habang pilit na tumatakbong sinundan si Bonifacio. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ni Jeron oras na malaman nito ang nangyari o kung sasabihin man ni Bonifacio dito ang nangyari. !"Sa palagay ko hindi magiging madali ang pag-aayos ninyo ni Bonifacio. Mukhang masyado siyang nasaktan sa nangyari," sabi ni Gay at umiling. !Halos kaladkarin niya ang paa habang naglalakad palabas ng gate ng eskuwelahan. "Tama ka. Alipin? Tama bang sabihin niya iyon? Tapos classmate na lang ang tingin niya sa akin? Ganoon lang ba niya kasimpleng kalilimutan ang pagkakaibigan namin? Hindi ko maintindihan... Hindi ba siya nanghihinayang sa pagkakaibigan namin?"!Hinaplos nito ang likod niya. "Bigyan mo lang siguro siya ng panahon para makabawi. Para ipahinga ang puso niya. Magkakaroon din iyan ng bagong love interest at makakalimutan din niya ang kadramahan niya sa iyo."!"Panira talaga ng pagkakaibigan ang pag-ibig na iyan. Nakakasira ng pagkakaibigan." !Kahapon lang ay masaya siya. Parang normal pa ang buhay. Pero sa isang iglap ay bumaligtad ang mundo niya. Bakit kailangan pang maging komplikado ang lahat? "ANONG meron sa meeting ng KKK?" usisa ni Maxine kay Gay. Nakita niya kanina bago magsimula ang klase ay kausap si Jeron sa hallway. !Hindi talaga siya mapakali sa inaakto ni Bonifacio. Baka naman talagang may meeting ito at hindi naman ito ganoon kagalit sa kanya. Okay. Hindi naman ito galit nang one hundred percent sa kanya. Mga seventy-five percent lang. Nagkataon lang na may meeting ito kaya hindi sila pwedeng magsabay pauwi.!"Wala naman talaga silang meeting. Sabi ni Jeron umuwi din daw sila pero hinintay muna nila na makaalis tayo at sumakay ng tricycle. Gusto ka lang talaga niyang iwasan, kwento ni Gay sa kanya.!Pakiramdam niya ay sinaksak siya sa dibdib sa sinabi nito. "Ganoon ba talaga ako kasamang tao para iwasan niya? Para hindi na niya ako gustuhing maging kaibigan? !"Tindi kasi ng

kamandag mo. Mantakin mo naman tinanggihan mo ang Supremo ng kaguwapuhan. First time yata niya na pahindian ng isang babae kaya masyado niyang dinibdib. Iyan ang problema sa mga guwapo. Di matatanggap agad na may babaeng gusto ang di naman ganoon kaguwapo kaysa sa kanila. Ayaw magpatalo ng mga iyan.!Hindi naman siguro ganoon kababaw si Bonifacio. Nasaktan ang pride nito. Nararamdaman niya iyon. He didnt just walk out on her. He walked out on their friendship. Anong gagawin ko? Ayoko namang patagalin na hindi kami nagkakaayos."!Naglagay ito ng baby powder sa mukha at saka tiningnan sa compact mirror na baon nito. "Makaka-get over din iyan sa iyo. Makakahanap din siya ng ibang babae na gusto din siya. Tapos tatawanan na lang niya ang tungkol sa inyo. At kapag nangyari iyon, pwede na ulit kayong bumalik bilang magkaibigan, nakangiting payo nito sa kanya.!Napaisip siya. Iyon pa ba ang hihintayin niya? Ang tanong ay kailan ulit ito magkakagusto sa ibang babae at kailan mawawala ang sama ng loob nito sa kanya?!Hindi naman imposible na magkagusto ito sa ibang babae. Ang tanong lang ay gugustuhin pa ba siya nitong maging kaibigan kapag nangyari iyon?!"Ayoko. Masyadong matagal iyon. Baka akala niya wala na talaga akong pakialam sa kanya bilang kaibigan. Basta sasabayan ko ulit siya pauwi mamaya, aniya at itinaas ang baba. Handa siyang lumaban ulit kahit makipagmatigasan pa ito. !"Gawin mo iyan at itatakwil kita. Kaunting pride naman. Parang ikaw pa ang naghahabol sa lalaki, banta ni Gay at pinanlakihan siya ng mata.!"Hindi naman kami ganoon. Magkaibigan kami. Basta para sa kaibigan ko walang pride-pride sa akin. Hindi ako matatahimik hangga't hindi kami nagiging okay."!Dalawang araw na nga siyang hindi nakatulog sa kaiisip kay Bonifacio. Ayaw talaga niyang may kasamaan ng loob lalo na't alam niya na may kasalanan din siya sa nangyari. !"Sige. Kahit isa o dalawang araw lang huwag mong kulitin si Bonifacio. At huwag mo na rin siyang kulitin muna dahil alam mo na ang isasagot niya."!"Na may meeting ang mga KKKs? Alam naman natin na imbento lang niya iyon para iwasan ako."!"May meeting na talaga kami ngayon. Heto nga ang sulat.

Inilabas nito ang nakabilot na coupon bond na nakatali pa ng pulang ribbon. Ibinuka pa nito ang coupon bond at nakasulat nga doon ang sulat mula sa presidente ng KKK na si Jhoan. Ang unang kalatas na pirmado ni Supremo mismo. Sana nga may picture din niya para masayang ipa-frame."!Nadagdagan ang kalungkutan niya. "Hindi mo pala ako makakasama pauwi ngayon." Si Gay na nga lang ang nahihingahan niya ng sama ng loob tungkol kay Bonifacio, makakasama pa ito sa KKK. !"Sasamahan kita pauwi, sabi nito at ibinalot ang papel.!"Paano ang meeting mo? Baka itiwalag ka nila sa KKK kapag hindi ka pumunta."!Alam naman niya na ang pagsama-sama ni Gay sa mga KKK ang isang bagay na di nito nagagawa kapag magkasama sila. Alam niyang masaya din ito na kasama ang ibang kaibigan nito. !Iwinaksi nito ang kamay. "Hayaan mo na iyon. Kaysa naman iwan ko ang bestfriend ko kung kailan kailangan ako."!Niyakap niya ito. Ah! Thank you, Gay. I am so touched. Ngayon lang yata niya naranasan na nagsakripisyo ito para sa kanya at hindi inuna ang lalaki.!"Alam mo naman kapag tinalikuran tayong dalawa ng mga boys, we only have each other."!Sa pagkakataong ito ay nagkasya na lang siya na panoorin si Bonifacio habang sinasalubong ng mga miyembro at opisyales ng KKK na naghihintay dito. Parang sabik na sabik ang mga ito kay Bonifacio. Sa loob ng ilang buwan ay napabayaan nito ang mga kaibigan nito at tagahanga dahil nakatuon ang atensiyon nito sa kanya. At binalewala niya ito. Ngayong nasasaktan ito, mga kaibigan at tagahanga muli nito ang kasama nito. Ayaw na siya nito sa buhay nito at nirerespeto niya ito. Hahayaan niyang maghilom ang sugat sa puso nito dahil sa kanya... sa pamamagitan ng ibang babae.!Humugot siya ng malalim na hininga. Parang hirap na hirap siya. Animo'y hinuhugot pa niya ang hininga sa isang malalim na balon. Hindi niya yata gusto ang ideya na ibang babae na ang inaalagaan nito at binibigyan ng espesyal na atensiyon. Nasanay na siya na siya ang babaeng laging nasa tabi nito.!Ipinilig niya ang ulo niya. Ano bang iniisip niya? Siyempre oras na para ibigay nito ang lahat ng atensiyon sa babaeng nararapat dito. Iyon

lang ang paraan para mawala na ang sama ng loob na nararamdaman nito para sa kanya. Hindi siya maaring maging ganoon ka-selfish. Sa ngayon ay magpapasensiya siya hanggang sa sandali na gusto na ulit siya nitong maging kaibigan.!"Umuwi na tayo," sabi niya kay Gay. At kahit hirap na hirap siya ay pinilit niyang huwag pang sulyapan muli si Bonifacio. Hahayaan muna niya ito kung saan ito masaya.!"Maxine, sandali!"!Gulat siyang lumingon nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. "Jerwin?"!Hindi siya makapaniwala nang makita itong naglalakad palapit sa kanya. Si Jerwin ba talaga ang nakikita niya? Nakangiti ito sa kanya at walang Josephine sa tabi nito. Hindi kaya naghahallucinate lang siya? "Uuwi ka na?" tanong ni hallucination este ni Jerwin.!Siniko siya ni Gay at saka lang siya nagising sa pagkatulala niya. "Oo."!Kumunot ang noo nito at tumingin sa grupo nila Bonifacio. "Hindi mo kasabay si Bonifacio na umuwi?"!Umiling siya. "Hindi. May meeting siya."!"Sabay na tayo. Doon din naman ang way ko. Ako na ang magdadala niyan, prisinta nito at kinuha ang libro sa kanya.!"Salamat, usal niya at di mapigilang sumilay ang kinikilig na ngiti sa labi niya.!Heto na ang pambawi sa kalungkutan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na sasabayan siya ni Jerwin. Nasaan na si Josephine sa eksena? Well, naisip siguro nito na mas bagay sila sa isat isa. Siya ang nagwagi! !Pakiramdam niya ay nabawi ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya dahil sa mga nangyari nang nakakaraang araw. Hindi naman pala ganoon kalupit ang buhay. Gusto niya na siya ang kasabay ni Jerwin na naglalakad. Na ito ang may dala ng gamit niya na parang napaka-espesyal niya.!"O! Baka mamaya may masabi si Josephine kapag isinabay mo kami. Nakakahiya naman sa iyo, sabi ni Gay.!"Huwag kayong mag-alala. Kasabay din naman natin siyang maglalakad pauwi. Nasa may waiting shed lang siya at kausap ang kapatid niya," sabi ni Jerwin. Ayun o!!Biglang nag-freeze ang ngiti ni Maxine nang makita si Josephine na kumaway sa direksiyon nila at sumenyas na maghintay lang. Saka nito muling binalingan ang kapatid na sinesermunan nito. Nag-freeze din ang puso niya. Naramdaman din

niyang parang may matatalim na icicles na tumarak sa dibdib niya. !"Okay lang ba sa inyo?" tanong ni Jerwin nang mapansin ang pag-aalangan sa mukha niya.!Bigla siyang bumawi ng ngiti. "Oo naman."!Siyempre naman hindi okay. Sino ba naman ang gustong makasama pauwi ang lalaking gusto niya at ang karibal niya? At ang masaklap ay siya ang panggulo, ang third wheel. Siya ang kontrabidao mas tamang sabihing extra dahil di naman alam ni Jerwin na gusto niya ito.!Ano bahhh??? Bakit ganoon? Akala niya ay nasa langit na siya kanina pero bigla siyang ibinagsak sa lupa. May galit ba sa kanya ang mundo ngayon. Bagsak na nga siya, parang gusto pa siyang talaktakin at tapak-tapakan.!Pinuntahan ni Jerwin si Josephine na kausap ang kapatid nito na panghapon at first year student pa lang. Mukhang sinesermunan pa ito ni Josephine dahil pasaway at laging laman ng Guidance Office.!Aray, nausal lang niya nang makalayo si Jerwin. Ugh! Saksak puso, tulo ang dugo.!"Sus, ginoo!" narinig niyang usal ni Gay. "Anong ginagawa mo? Sasabay tayo sa kanila?"!Anong magagawa ko? Um-oo na ako. Mas pangit yatang pakinggan kung basta ko na lang babawiin, di ba? Magtataka tiyak si Jerwin, paliwanag naman niya. Kung may paraan lang sana para bawiin ang oo niya. !Okay lang sa iyo? Okay lang sa iyo? !Nagkibitbalikat siya. "Wala akong nakikitang masama. At least may kasabay tayo pauwi. At least kasama ko siya."!"Kahit sa ibang babae siya sweet? Martir ka. Medyo luka-luka ako sa pag-ibig pero di naman ako katulad mo na pwede nang barilin sa Luneta sa kamartiran."!Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. "Shhh! Nakakahiya. Baka marinig ka nila."!Inirapan siya nito. "Ewan ko sa iyo. Parang wala ka sa sarili mo."!"Mabuti nang ganito kaysa naman puro si Bonifacio ang iniisip ko." !"Anong gusto mo? Panoorin sila habang naglalambingan at sweet sa isa't isa? Bakit hindi mo na lang sinaksak ng stick ng banana cue ang dibdib mo. Magkasing-sakit lang iyon."!Bumuntong-hininga siya. "Pagbigyan mo na ako. Saka isipin mo na lang na mas magandang strategy ito. Keep your friends close, keep your enemies closer.!Hindi ba dapat keep your friends close, keep your enemies open?!Closer,

giit niya.!Open. Close-open, close-open, sabi nito at isinara saka ibinuka ang palad na parang laro ng sanggol.!Ewan ko sa iyo, aniya at iniwas ang tingin dito. !Kaya ba ng puso mo? tanong nito at inilapat ang palad sa dibdib nito.!Nakataas ang noo niyang sinalubong ng ngiti sina Jerwin at Josephine na palapit sa kanila. Kakayanin ko.

CHAPTER THREE "Mas maganda talaga si Josephine ngayon, nakangiting wika ni Jerwin habang nakatitig kay Josephine.!"Oo. Tama ka," labas sa ilong na sabi ni Maxine.!Mula kanina pa ay wala nang ginawa si Jerwin kundi ang titigan ni Josephine. Ni hindi nito inaalis ang tingin sa babae. At siya ay nauwi sa pagiging chuwariwap sa lahat ng papuring sinasabi nito kay Josephine.!Pakiramdam niya ay napiprito na ang utak niya sa init ng araw. Samantalang dapat ay nakauwi na siya ng bahay nang walang kahirap-hirap. The things she did for Jerwin Balediofor nothing. Sumabay siya dito dahil gusto niyang ipakita kay Jerwin na siya ang mas karapat-dapat nitong magustuhan. Hindi si Josephine. Na kung ganda at ganda lang naman ay magka-level lang sila ni Josephine. At nakakasiguro siya na kayang-kaya niyang pakainin si Josephine ng alikabok pagdating sa utak. !Pero walang silbi ang lahat ng sakripisyo niya dahil wala naman itong pakialam sa kanya. Etsapuwera ang ganda niya kay Josephine.!Ano ba? Huwag ka ngang nambobola. Humagikgik si Josephine at hinampas si Jerwin sa braso. Kinuha mo pang kasabwat si Maxine para bolahin ako. Nakakunot ang noo siya nitong nilingon. "Bakit di mo kasama si Bonifacio? Himala yata. Dati kasi lagi siyang nakabuntot sa iyo. Hindi kayo mapaghiwalay."!"May importante siyang inaasikaso, an iya at tipid na ngumiti. Hindi niya aaminin kahit na kanino na may hidwaan sila kahit pa napapansin na ng iba. Wala siyang sasabihin na kahit na ano.!"Baka may LQ kayo, nanunuksong hula nito.!Ano? bulalas niya sa mataas na tono.!LQ. Lovers quarrel. Tampuhan ng mga nag-iibigan. Wala kasi sa dictionary kaya hindi mo siguro alam, anitong may halong panunudyo. Marami daw siyang alam sa mga bagay na nakasulat sa libro pero wala siyang alam sa mga nangyayari sa paligid niya.!Alam ko kung ano ang LQ, pakli niya. At wala kaming pinag-awayan ni Bonifacio. Hindi rin kami lovers. Iyon ba talaga ang tingin ng mga tao sa kanila ni Bonifacio? Na may relasyon sila? Di naman niya masisisi ang mga ito dahil malapit talaga sila sa isat isa.!Siniko siya ni

Josephine. "Hindi mo pa ba aaminin na kayo na?"!Umiling siya. Hindi. Magkaibigan lang kami."!"Ayaw mo ba kay Bonifacio? Mukhang gusto ka niya, sabi ni Josephine.!"H-Hindi ko siya iniisip na higit sa kaibigan. Basta magkaibigan lang kami, giit niya. This was uncomfortable. Bakit ba kailangan pang isali si Bonifacio sa usapan? Heto nga at di na maganda ang pakiramdam niya dahil sa paglalambingan nito at ni Jerwin. Nakakainis!!"Sino ang crush mo?" nang-iintrigang tanong ni Josephine. Kahit hindi natin kaklase. Kahit sa ibang section o sa ibang year. Ligtas naman ang sekreto mo sa akin. Hindi ko ipagsasabi sa iba. Tayo-tayo lang naman ang nandito.!Dumiretso ang tingin niya sa dadaanan nila. "Wala." Pinipigilan talaga niya ang sarili na lumingon man lang kay Jerwin. Hindi niya pwedeng traidurin ang sarili niya. Kapag nangyari iyon ay tiyak na mapupulbos ang durog na niyang puso.!"Anong wala? Abnormal ang walang crush, sabi ni Josephine.!May tama ka, wika naman ni Gay. Pinanlakihan niya ito ng mata. Tumiklop ito agad.!Killjoy naman nito. Kahit crush wala. Boring ng buhay mo. Puro ka aral, sabi ni Josephine na nadismaya dahil walang napigang impormasyon sa kanya.!Ano pang gagawin ko? Nasa iyo na si Jerwin. Walang kahirap-hirap ka niyang nagustuhan. Samantalang ako kahit mag-recite yata ng Constitution ng Pilipinas ay hindi pa rin niya magugustuhan.!Heto siya at na lihim na nagkukutkot ang damdamin. Nasasaktan pero walang magawa. Kahit na magsisigaw ang puso niya sa sakit ay walang pakialam si Jerwin sa kanya.!"Sa wala siyang crush. Nakafocus siya sa studies niya. At least she has sense. Nag-iisip siya bago mahulog sa tulad ni Bonifacio, pagtatanggol ni Jerwin sa kanya na ikinagulat niya. Hindi kasi niya inaasahang maririnig iyon mula dito. Akala niya ay sasang-ayon na lang ito sa boring niyang personalidad.!Subalit ang pagtatanggol nito sa kanya ay dahilan para maningkit ang mata ni Josephine hanggang tuluyang nalukot ang mukha nito. "Sinasabi mo ba na wala akong sense dahil nagkagusto ako kay Bonifacio dati? Sinasabi mo bang hindi ako nag-iisip? tanong ni Josephine sa mataas na tono.!Napamaang si Jerwin. Hindi nito inaasahan ang outburst ni

Josephine. "No. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ano kasi hindi naman ikaw!Ako iyon. Siguro gusto mong tukuyin ang ibang nagkakagusto kay Bonifacio pero kasama na ako sa kanila. Huwag ka nang magpalusot.!Yumuko si Jerwin at sinabi sa mahinang boses, I am sorry."!I am sorry mo ang mukha mo. Dinuro nito si Jerwin. "Basted ka na!"!Biglang umangat ang ulo ni Bonifacio at nanlaki ang mata. "Agad-agad? Sandali lang. Huwag kang padalos-dalos. Nag-sorry naman na ako. Sinsero ako sa sorry ko. Patawarin mo na ako."!Umirap si Josephine at nagdadabog na naglakad palayo. "Diyan ka na."!Josephine, sandali lang. May mga kasama tayo dito, sabi ni Jerwin at lumingon sa kanya. Parang di nito alam kung susundan si Josephine o hindi.!Gusto niyang pigilan si Jerwin at sabihin na huwag itong umalis. Kung ayaw ni Josephine dito ay naroon naman siya. Na ito ang pinili niya at hindi si Bonifacio.!Sa huli ay pilit na lang siyang ngumiti. Sundan mo na siya. Okay lang kami ni Gay dito, sabi niya kay Jerwin.!Nakakahiya naman. Niyaya ko kayo na sumabay tapos ganito naman ang nangyari, wika ni Jerwin pero tinatanaw-tanaw si Josephine at pinukol pa si Jerwin ng isang matalim na tingin bago nagdadabog na naglakad palayo.!Kinuha ang libro niya mula dito. Okay lang. Pero huwag mo sanang maliitin ang mga babaeng nagkakagusto kay Bonifacio. May character siya na higit sa panlabas na anyo. Sinasabi ko ito dahil kaibigan ko siya. May dahilan kaya naging malapit loob ko sa kanya. At sa palagay ko iyon din ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Josephine.!Tumango si Jerwin. "Susundan ko lang siya. PPasensiya na."!"Okay." Bumuntong-hininga siya at halos kaladkarin ang paa habang naglalakad. Ni hindi man lang siya tinanong ni Jerwin kung ano ang may sense sa kanya. Kung tutuusin ay maari naman niyang ipaliwanag iyon kanina nang hahabulin nito si Josephine. Pwede niyang sabihin na gusto niya ito at naaappreciate niya ito. Sa halip ay ipinagtanggol niya si Bonifacio mula dito.!Napapalatak na lang si Gay. "Kaawa-awa ka. Ano bang naisip mo at sumabay pa tayo sa kanila? Look at you. Mukha kang tanga. Iniwanan ka niya."!"Hindi ko naman siya kayang pigilan.

Gusto niyang puntahan si Josephine. Anong magagawa ko?"!Tapos ipinagtanggol mo si Bonifacio. Iisipin niya na may gusto ka rin kay Boni.!Nagkibit-balikat siya. Hayaan mo na iyon. Sa sobrang bigat ng kalooban niya ay wala na siyang pakialam kung ano pang iniisip ni Jerwin. Masama ang loob niya. !"Pagkatali-talino mo pero may katangahan ka ring taglay. Nagtitiis ka kay Kulot. Nagpapaka-masokista ka sa kanya. Nasasaktan ka samantalang wala naman siyang kamalay-malay na gusto mo siya. Gaano naman ka-pathetic iyon?"!Lalong sumama ang loob niya sa term na ginamit nito. "Kung maka-pathetic ka naman."!"Ganoon ka naman talaga. Ano pang gusto mong itawag ko sa iyo? Tanga?!Oo na. Pathetic na kung pathetic. Tanga na kung tanga. Ganito pala kahirap ang umasa sa wala. Pero mas masakit kapag wala ang kaibigan niya na inaasahan niyang magpapasaya sa kalooban niya kapag bagsak na bagsak siya. "Sana nandito pa rin si Bonifacio para patawanin ako kapag malungkot ako. Nami-miss ko siya."!"Wala na nga. Pinili mo na si Jerwin. Sawa na siyang magpakamartir para sa iyo, mariin na sabi ni Gay na parang naiinis na sa kanya.!"Gusto ko nang bumalik kami sa dati."!Mukhang matatagalan pa iyan. Huwag kang masyadong umasa.!Hindi siya papayag. Gusto niyang magkaayos sila sa lalong madaling panahon. At sa pagkakataong ito ay wala na siyang pakialam sa pride niya. Tanggap na niyang ibang babae ang gusto ni Jerwin pero di niya matatanggap kapag mawawalan siya ng isang mabuting kaibigan. PATINGIN-TINGIN si Maxine sa mga humahangos na estudyante na papasok ng gate ng St. Jerome Academy. Mas maaga siyang dumating doon dahil gusto niya na magkasabay sila ni Bonifacio sa pagpasok. Pero naunang pumasok si Jeron dito. Wala si Bonifacio. Nauna na daw itong pumasok dahil nang daanan nito si Bonifacio sa bahay ay naliligo pa daw. Kaya naman matiyaga siyang naghihintay sa labas ng eskwelahan dito. Gusto niya itong makausap bago ang simula ng klase.!Sumilip si Gay sa gate. Maxine, hindi ka pa ba papasok sa loob?"!Nauna itong pumasok sa

kanya kahit na sabay silang pumasok. Nagpaiwan siya sa labas para doon hintayin si Bonifacio.!"Mamaya na. Wala pa kasi si Bonifacio."!"Ano bang drama iyan? Sa loob mo na lang hintayin. Baka ma-late ka pa at masaraduhan ng gate. Alam mo naman na terror si Mr. Barca sa atin. Ikaw lang naman ang paborito noon at kinakausap.!"Paano naman kasi ako lang ang sumasagot kapag nagtatanong siya.!Humalukipkip ito. "Di kasi siya nagtuturo."!"Hindi ibig sabihin hindi ka na mag-aaral. Hindi lahat kailangang nakadepende sa itinuturo ng teacher. Kung gustong matuto ng estudyante, dapat gawin niya sa sarili niyang pagsisikap."!"Oo na. Ikaw na. Dapat ipagpatayo ka na nila ng rebulto dito dahil pagkasipag-sipag mong mag-aral. At itinaas nito ang dalawang kamay sa langit. Papasok na ako sa loob. Sumunod ka na lang."!"Oo. Parating na rin siguro iyon." At ibinalik ulit ang tingin sa paparating na estudyante.!"O! Magsasara na ang gate!" anunsiyo ng guard at kinalampag ang gate. Ang mga late lang sampung minuto ang pinapapasok ng gate at ang iba ay sasaraduhan na ng gate. Saka na papapasukin ang mga ito sa second period.!Nataranta siya. Hindi niya alam kung papasok sa gate o hihintayin si Bonifacio. Mahalaga ang klase nila pero mahalaga din sa kanya na makausap aga si Bonifacio. Bago pa siya makapagdesisyon ay naipit na siya ng ibang estudyante na gustong humabol sa pagsasara ng gate subalit sa kasamaang-palad ay nasaraduhan na ng gate. !Nagkanya-kanyang upo na lang ang mga estudyante sa waiting shed sa gilid ng campus. Mag-isa lang siya na late doon mula sa klase niya. Nakakahiya naman. Napansin niya na pinagtitinginan din siya ng ibang estudyante. Nagtataka tiyak ang mga ito kung paanong ang isa sa pinaka-matalinong estudyante sa academy ay na-late. Tuwid lang ang tingin niya at pinili na lang magbasa ng leksiyon nila sa Biology ngayon. Wala ba siyang karapatan na ma-late?!Late din si Supremo, narinig niyang kinikilig na sabi ng isang babae.!Awtomatiko siyang tumayo sa kinauupuan niya at nakitang naglalakad si Bonifacio patungo sa gate. Nakasukbit ang asul nitong backpack sa isang balikat nito. He had a brooding image. Na parang hindi maganda ang gising nito.

Pero hindi iyon alintana ng mga babae at feeling babae na kinikilig dito. !"Pambihira naman. Sarado na ang gate, kakamot-kamot na sabi ni Bonifacio nang makitang nakasara na ang gate.!Dali-dali niya itong nilapitan at tinapik sa balikat. Boni, mabuti naman at dumating ka na.!Nagulat ito nang makita siya. Kadarating mo lang din?"!"Hindi. Hinihintay talaga kita. Gusto kitang makausap."!"Ano? Dahil lang gusto mo akong makausap magpapalate ka na?" bulalas nito sa mataas na tono dahilan para magtinginan ang ibang estudyante sa kanila.!Niyakap niya ang mga libro niya. "Malay ko ba namang male-late ka."!Dumilim ang mukha nito. "Wala naman akong sinabi na hintayin mo ako. Sana pumasok ka na sa loob kaninang in-announce na magsasara na ang gate. Kasalanan ko pang absent ka sa Biology."!"Hindi naman kita sinisisi, wika niya. Pwede na ba tayong mag-usap?!Pumihit ito patagilid para iwasan siya. Wala na tayong paguusapan. !Meron. Tumayo siya sa harap nito. At sa pagkakataong ito ay hindi na siya nito maiiwasan pa. !Kung walang kinalaman sa mga lesson natin, hindi kita kakausapin.!Lumabas ang guwardiya ng gate. "Pasok na sa loob! Pasok na sa loob!"!"Salamat at pinapasok din tayo, usal niya.!Makakahabol pa sila sa second half ng Biology nila. Dalawang subjects kasi ang katumbas ng Science class dahil dalawang unit ito kaya mas mahaba ang oras ng klase nila doon. Kapag late ang estudyante ay nakakahabol pa ang mga ito para sa kalahati ng klase.!"Luminya kayo sa harap ng flagpole, utos ng CAT officer na naka-duty nang araw na iyon.!Nakasunod pa rin siya kay Bonifacio. Wala siyang pakialam kundi man siya nito pinapansin o kinakausap. Basta hindi siya hihiwalay dito.!Sa flagpole ay naghihintay ang principal nila na si Mr. De Paz. Nasa pangatlong linya na sila nakahilera ni Bonifacio. Ito ang unang beses na na-late siya. Akala niya ay makakapagtago siya subalit puno ng disgustong tumutok sa kanya ang mga mata ni Mr. De Paz. Maxine, pati ba ikaw late din?" At santambak na sermon ang ginawa sa kanila. !gumiwi siya habang iniisa-isa ang mga rules and regulation ng paaralan. Kung ano ang maaring kahantungan nila

kung lagi silang late. Sinabi din nito kung gaano kahalaga ang oras at dapat itong pahalagahan. Hanggang sa wakas ay matapos na ang mahabang sermon subalit di pa pala makakabalik sa klase nila. "Sige na. Magpulot kayo ng mga kalat at magwalis ng school ground."!Dumampot agad siya ng isa sa mga walis tingting na nakalagay sa hinating lata ng drum at nagwalis. Kinuha ni Bonifacio ang walis mula sa kanya. "Bumalik ka sa room at humabol sa klase. Pagbibigyan ka ni Sir De Paz kasi paborito ka noon." !Nakakasama niya si Mr. De Paz kapag may competition siya sa ibang paaralan kaya naman kilala siya nito. Lagi siya nitong binabati sa pangalan niya kapag nagkakasalubong sila sa corridor sa panggigilalas ng ibang estudyante. Pero di naman ibig sabihin ay paborito siya nito o gagamitin niya iyon para makalusot siya sa parusa.!Tinangka niyang kunin ang walis tingting mula dito. "Late din naman ako. Dapat lang na maglinis din ako. And for the record, di ako paborito ni Mr. De Paz. Kilala lang niya ako. Subalit tahimik lang itong nagwalis. Kinuha niya ang dust pan na natitira sa drum na lata. Binalikan niya si Bonifacio na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa ilalim ng mga punong mahogany. O kaya ako na lang ang tagahawak ng dust pan kapag dadakutin mo na ang nawalis mo."!Bakit ka ba nakabuntot sa akin? Sinabi ko na nga na ayoko na sa iyo, mariing wika nito.!"Hindi kita ganoon kadaling isusuko. Kaibigan kita."!Tumigil ito sa pagwawalis. " "Sabi ko nga ayoko na."!"Ganoon lang ba kadaling isuko sa iyo ang pinagsamahan natin o sa simula pa lang hindi na kaibigan ang tingin mo sa akin?"!"Wala nang saysay pa na pagusapan pa iyan ngayon. Ayoko na."!"Kaibigan pa rin kita."!Subalit hindi na iyon narinig pa ni Bonifacio dahil tinabihan nito sa pagwawalis ang muse ng kabilang kuwarto nila. Gagawin talaga nito ang lahat para iwasan lang siya. !Nang sa wakas ay idineklara nang maari na silang bumalik ng klase ay nakasunod siya kay Bonitacio. Sinalubong agad sila ng palakpakan nang pumasok ng klase.!Kumaway pa si Bonifacio at nag-bow. Thank you, fans.!That is not so funny, Salvador.!Napakamot ito ng ulo. Sorry, Sir.!Pasensiya po, Sir, wika niya. !Namaywang si Mr.

Barca at di agad sila pinaupo. "You two are late. Nakapili na ang mga kaklase ninyo sa makaka-partner para sa diorama. Kaya kayong dalawa na lang ang magka-partner sa project, wika ni Mr. Barca.!"Kami ang magka-partner, Sir?" bulalas ni Bonifacio at ngumanga. "Baka pwede pang magpalit ng ka-partner o kaya solo project na lang, Sir."!"May problema ba kung kayo ang magkakapartner?" nagtatakang tanong ni Mr. Barca. Habang tahimik lang siya habang naggigiyagis ang ngipin niya. Hindi man lang nagalinlanga n si Bonifacio na ipaalam sa kanya na ayaw siya nitong makasama.!"Wala po, Sir, maagap niyang sagot at binigyan ng nagbababalang tingin si Bonifacio. Subukan lang nitong kontrahin siya subalit nagkasya na lang ito na makipagtagisan ng titig saka iniwas ang tingin sa kanya.!"Good. Bumunot kayo ng topic, sabi ni Mr. Barca at inabot ang fishbowl sa kanila.!Siya na ang bumunot. Ocean food web, Sir, basa niya sa topic.!Now let's proceed with our lesson. Take your seat."!Yes! Tagumpay! Tagumpay! Magkakasama sila ni Bonifacio. May dahilan na para mag-usap sila. May paraan na para magkalapit ulit sila. Hindi na sila nito maiiwasan.!Nang recess na ay excited niya itong nilapitan. Hawak niya ang notebook niya at ang libro sa Biology. "Boni, pag-usapan natin ang diorama natin. May naisip na ako kung anong gagawin natin."!"Isulat mo na lang kung anong idea mo at maghati sa materials. Ako na ang bahala, anito sa boses na walang kainteinteres.!"Kailan tayo magkikita para dito? Gusto mo sa bahay na lang namin, nakangiti nitong tanong.!"Sabi ko ako na ang bahala. Marunong naman akong umintindi, angil nito.!Nagulat siya dahil parang na-offend yata ito sa sinabi niya. Hindi naman niya gustong sa bihin na wala itong alam o mahina itong makaintindi. "Gusto ko lang maayos ang project natin. Huwag mo namang masamain. Sa huli ay pumayag na lang siya sa gusto nitong mangyari. Sige pagiisipan ko ang content ng diorama natin tapos ipapakita ko sa iyo.!Mabuti naman nagkakaintindihan tayo.

CHAPTER FOUR Nananakit na ang paa ni Maxine habang papalit-palit ang tayo ng paa sa kainitan ng araw. Sa basketball court sa harap ng sementeryo siya nakatayo kasama si Gay. Hinihintay nila ang pagdaan nina Jeron at Bonifacio. Pero kalahating oras na matapos ang uwian ay hindi pa rin ito dumadaan. Naubos na ang estudyanteng nagdadaan pero wala pa rin ni anino nina Bonifacio at Jeron. !"Umuwi na tayo. Gutom na ako,ungot ni Gay at hinawakan ang tiyan.!"Mamaya na. Wala pa si Bonifacio at Jeron. Saka pinakain naman na kita kanina. Isang footlong na nga iyon tapos gutom ka pa rin? namamangha niyang tanong. Bago sila umalis ng eskwelahan ay dumaan sila sa canteen para ibili ito ng footlong at softdrinks. Para maghintay man sila ay hindi ito magugutom. !"Tinapay lang iyon. Hanggang lalamunan lang iyon. Gusto ko ng kanin."!Wala na siyang pera para ilibre ito. Napilitan na lang siyang tapikin ang balikat nito. "Magtiis ka lang. Matatapos na rin ang meeting nila sa CAT. Importante lang kasi na mapag-usapan ang project namin."!Tiniyak talaga niya na nakaayos na ang idea niya para sa diorama sa Science project nila para ipe-present na lang niya dito. Siguro naman ay kakausapin na lang siya nito para sa input niya. Pati suggested materials niya ay naka-detalye na rin. Panigurado na sa pagkakataong ito ay seryoso na itong kausapin siya. !"Alam ko naman na importante na makausap mo siya pero kailangan bang dito pa sa bungad ng sementeryo natin siya hintayin? Napaka-unromantic."!Unromantic ka diyan. Di naman kami magde-date. Mag-uusap kami tungkol sa project.!Kahit na. Para sa akin parang romantic story lang ang nangyayari sa inyo, wika nito at parang hazy ang mata nang yakapin ang sarili. Kaninong pag-ibig ang magwawagi sa huli? Ibinaba nito ang kamay at nagseryoso ulit. Pero panira talaga ng eksena ang sementeryo scene na ito sa love story na naiisip ko.!"Dito ko lang siya pwedeng ma-corner at mapipilitan siyang kausapin ako. Saka mas sigurado na di niya tayo masasalisihan dito. Dito at dito lang sila dadaan. Itaboy man niya ako, wala na

akong tricycle na masasakyan dito. !Ayaw niyang abangan si Bonifacio sa bungad ng St. Jerome dahil baka mapag-usapan pa sila. Mas safe doon dahil walang tao.!"Pero hindi ka ba kinikilabutan? Hindi ba takot ka sa sementeryo?" maasim ang mukhang tanong nito.!Pumikit siya at ipinadyak ang paa. "Hindi ko na nga tinitingnan. Huwag mo nang banggitin sa akin. Tinitiis ko na nga lang."!Ang project na ito na ang pagkakataon para magkaayos sila at magkalapit muli. Kaya nga kahit na gumagawa ito ng paraan para iwasan siya ay pilit pa rin siyang lumalapit. At least may valid reason siya para makasama at makausap ito. Gusto niyang ipakita dito na hindi niya basta-basta susukuan ang pagkakaibigan nila.!Mainit man ang araw, nakakatakot man ang sementeryo at kahit kumakalam na ang sikmura sa gutom ay kakayanin niya makausap lang si Bonifacio.!Nagulat na lang siya nang biglang sumigaw si Gay. "Waaaa! Ayoko na. Hindi ko na kaya. Mababaliw na talaga ako sa gutom..Tustado na rin ang utak ko sa init ng araw. Uuwi na ako." At nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad papunta sa arko na papasok ng sementeryo.!Hinabol niya ito at pinigilan sa braso. "Sandali lang. Kahit five minutes lang hintayin pa natin sila. Sige na. Kahit ako pa ang gumawa ng book report mo sa English."!"Alam mo hindi mo na ako masusuhulan pa. Kapag naghintay pa ako ng five minutes, baka ikaw na ang kainin ko sa sobrang gutom, angil nito sa kanya at tuloy-tuloy sa paglalakad sa walang katao-taong sementeryo. Sa itsura nito ay mukhang handa nga itong kumain ng tao sa sobrang gutom. !"Gay, paano ang project namin ni Boni?" !Hindi niya ito mapipigilang umuwi pero baka naman maidaan pa sa pakiusapan. Ayaw niyang maghintay nang mag-isa doon. !"Bahala ka. Hintayin mo siyang mag-isa kung gusto mo. Nagdidilim na talaga ang paningin ko. Kung may malasakit ka sa akin bilang best friend mo, hahayaan mo na ako.!"Pero baka naman pwedeng..."!Natigilan siya sa pagsasalita at paglalakad nang biglang humarang ang tatlong lalaki sa harapan nila. Matatangkad ang mga ito at mukhang mga mahilig sa gulo base sa kaaskadan ng mukha mga ito. Sa palagay niya ay hindi nalalayo ang edad niya sa mga ito.

Baka nga hindi pa tapos ng high school. Ngumiwi siya nang malanghap ang usok nf sigarilyo na hinihitit ng mga ito. Mukhang hindi maganda ito.!"Mga miss, napansin na kanina pa kayo may hinihintay sa basketball court. Hinihintay ba ninyo ang Prince Charming ninyo?" tanong ng lalaking matangkad pero parang tisiko naman sa kapayatan. Napansin niya na may nakaburda na Candaba sa dibdib ng polo nito. Nakabukas ang unipormeng polo nito at base sa III na burda katabi ng polo ay third year ito. Dapat ay nasa klase ito ngayon kung third year ito.!"Kami na ang Prince Charming na hinihintay ninyo, sabi naman ng lalaking mestiso pero maliit pa sa kanya at kulang-kulang ang ngipin. May pangalan naman itong Mortiz sa polo nito at nasa third year din. !"Ay! Hindi kayo iyon dahil guwapo ang hinihintay namin, pasupladang sabi ni Gay at hinawi ang buhok palayo sa balikat nito.!Luminga-linga si Candaba. "Wala namang guwapo dito kundi kami lang."!Nginisihan ito ni Gay. "Huwag kang magbiro. Hindi pa ako kumakain. Baka mausog mo ako."!Hinawi ng pangatlong lalaking matangkad at malaki ang katawan pero kalbo ang dalawang kasama. Tanggal na ang polo nito pero nakasuot ng P.E. T-shirt at may print na Ompong sa likod. Madilim ang mukha nitong nilapitan si Gay. Kung si Gay ay mukhang kakain ng tao, ito naman ay mukhang kakain ng buhay na kalabaw.!"Sinasabi mo bang hindi kami guwapo? Masyado yatang matalas ang dila ng lechon de leche na iyan. Dapat yata turuan natin ng leksiyon, tanong ni Ompong sa dumadagundong na boses.!Namagitan na agad siya dito at kay Gay. "Pasensiya na sa kaibigan ko. Hindi pa lang siya nagtatanghalian kaya gutom siya at medyo malabo ang paningin niya. Kaya kung pwede padaanin ninyo kami para makapananghalian na ang kaibigan ko."!"Bakit hindi na lang ninyo kami samahan na mananghalian? Mag-date tayo, magiliw na tanong ni Mortiz.!Humawak si Gay sa braso niya. "Umuwi na tayo." Alam na rin marahil nito na hindi sila sasantuhin ng mga kaharap nila. !Umikot sa isipan niya ang mga babala sa kanya tungkol sa pagdaan sa sementeryo. Ang mga tambay doon na kundi naninigarilyo, humihititi ng rugby o lasing ay nagnanakaw o

nangha-harass ng mga dumadaan doon. !"Kailangan na naming umuwi," aniyang may halong panginginig ang boses habang pilit na ngumiti sa mga ito. Kalma lang. Kalma lang, sabi niya sa sarili kahit ang talagang gusto niya ay magtatakbo na palayo.!Kung suswertehin ay baka may dumaan doon at makatakas sila. Ang mahalaga ay hindi nila galitin ang tatlong kumag na ito. !"Sige. Pero isang kiss muna, sabi ni Candaba at nanghaba ang nguso sabay beautiful eyes pa. !"Ano? Ayoko nga!" bulalas niya. Diyos ko! Mas gugustuhin na lang niyang magtago sa nitso kaysa magpahalik dito. Ngiii! Nangingitim ang labi nito hula niya dahil sa nikotina ng sigarilyo at naninilaw ang mga labi kahit sa palagay niya ay nasa fifteen o sixteen pa lang ito. Eow! Yosi kadiri!!"Tigilan nga ninyo ang kaibigan ko. Itsura ninyo, saway ni Gay sa mga ito.!Hinaklit na Candaba ang braso niya. "Isang kiss lang naman. Bakit di pa kasi pumayag?"!"Ayoko sabi. Bitiwan mo ako!" aniya at pumiglas.!Tinadyakan niya ang binti nito pero parang di naman ito tinamaan dahil tumawa lang ito. Hindi niya alam kung nasaktan ito o wala na itong maramdaman dahil sa alak. Naamoy niya ang amoy ng gin mula sa bibig nito. !Nakakadiri ka! Layuan mo ang kaibigan ko! narinig niyang sigaw ni Gay subalit sa kasamaang palad ay pinigilan ito nina Mortiz at Ompong nang akmang tutulungan siya.!Aba! Makinis din pala itong kaibigan mo. Parang labanos, sabi ni Ompong. Mga ganito ang type ko.!Nakita niyang mangiyak-ngiyak si Gay sa takot. Pareho silang magawa. Isinalya siya ni Candaba at naramdaman niya ang apartment na nitso sa likuran niya. Hindi na patay ang kinatatakutan niya ngayon kundi ang buhay na mukhang bangkay sa harap niya. Ngayon niya naisip ang ibig sabihin ng kasabihang, Matakot ka na sa buhay, huwag lang sa patay. !Pakawalan na ninyo kami, aniyang naiiyak na rin sa takot. !Isang kiss lang at pakakawalan na kita, sabi ni Candaba at dahan-dahang inilapit sa kanya ang nanghahabang nguso. !Diyos ko! Wala bang pwedeng tumulong o magligtas sa kanila sa bangungot na ito? Mabait naman siyang bata. Kahit kailan ay di siya sumuway sa magulang niya. Ayaw niyang mapahamak nang ganito. Marami pa siyang

pangarap sa buhay. !Pumikit siya at nanalangin. Kailangan niya ng tagapagligtas. Kailangan niya ng himala!!"Bitawan mo siya kung ayaw ninyong malintikan sa akin."!Dumilat siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakita niya si Bonifacio na madilim ang mukha habang nakatingin sa direksiyon niya. !Nahigit niya ang hininga. Bonifacio? ILANG beses na kumurap si Maxine habang hinihiling na hindi na lang sana maglaho bigla si Bonifacio. Baka mamaya ay bigla na lang itong maglaho. Baka dala lang ito ng halusinasyon niya sa pagnanais niyang makaligtas mula doon. !Nang maglingunan ang tatlong sanggano at si Gay dito ay nakita niya ang pagkatensiyon ng tatlo. Bahagyang dumistansiya si Candaba sa kanya. May tensiyon sa ngiti nito nang humarap kay Bonifacio. !"B-Bonifacio, ikaw pala. Nagkakatuwaan lang kami ng crush ko. Isang kiss lang naman ang hinihingi ko, wika ni Candaba at hinaklit ang kamay niya nang mahigpit. !Umigting ang anyo ni Bonifacio. "Alam mo ba kung sino ang binabastos mo? Girlfriend ko iyan."!"Ano?" bulalas nito at binitiwan siya na parang napaso. !Nakawala siya mula dito at ganoon din ang ginawa ng dalawa pa kay Gay. Naiiyak silang nagyakap at parehong nanginginig sa takot. Dali-dali silang hinila ni Jeron sa likuran ni Bonifacio para maprotektahan nito.!Nagtatakbo na agad sina Candaba at Mortiz habang di naman makagalaw si Ompong sa laki ng katawan nito. Hep! Saan kayo pupunta? tanong ni Bonifacio. Oras na takasan ninyo ako, sa baranggay na ang diretso namin para i-report kayo.!Nanlulumong si Ompong sa harapan ni Bonifacio. Patawad, Boss. N-nagkatuwaan kami. Di naman namin alam na girlfriend mo siya. !Si Candaba naman ay nagkukumahog na bumalik kasama si Mortiz at lumuhod sa harap ni Bonifacio. "Boss, sorry hindi ko alam. Kung alam lang namin na girlfriend mo iyan, ni hindi ko titingnan iyan. At saka siya itinuro nang di man lang tinitingnan.!Namaywang si Bonifacio at ipinadyak ang paa. "Ayoko sa lahat nambabastos ng babae lalo na ang babae na para sa akin. Kung ipa-baranggay ko kaya kayo o

kaya ay isumbong sa school? Ano kayang sasabihin ng mga magulang ninyo kapag na-suspend o kick out kayo sa school? Sa palagay ba ninyo masusunod pa ninyo ang mga bisyo at luho ninyo? Baka papuntahin na lang kayo sa bukid para magpastol ng kalabaw."!Pinagsalikop ni Candaba ang mga kamay habang nangangatog. "Boss, sorry na talaga. Hindi naman namin sinasadya. Huwag mo naman kaming isusumbong. Tiyak na malalatayan ako ng Papa ko."!"Ayokong umuwi sa probinsiya sa lolo ko. Tiyak na pagpapastulin ako ng kalabaw non. Hindi na astig, sabi naman ni Ompong.!"At astig ang ginagawa ninyong pagtambay dito habang humihitit ng sigarilyo at nambabastos ng babae? Maligo man lang kayo at mag-toothbrush, anang si Bonifacio at itinuro ang mga ito. !"Sobra ka naman, Boss. Naliligo naman kami at nagsesepilyo, depensa ni Mortiz.!"Ay! Hindi halata," sabi ni Gay na naka-recover na sa trauma nito. Akmang tatayo si Ompong sa sobrang inis dito pero dali-daling lumuhod nang sikmatan ni Bonifacio. "O! O! Papalag pa kasi. !"Mag-sorry kayo sa girlfriend ko at sa kaibigan niya! utos ni Bonifacio. !"Sorry. Hindi na kami uulit, sabi ni Candaba.!"Kung kailangang halikan pa namin ang paa mo para patawarin mo kami, wika naman ni Mortiz. !"Ayoko lang na babastusin ninyo ako o kahit na sinong babae. Walang babaeng papatol sa inyo kung dito kayo sa sementeryo nakatambay at hindi kayo uma-attend ng klase. Saka huwag na kayong manigarilyo. Hindi nakakaguwapo iyan. Nakakadiri iyan!"!"Kapag ba hindi na ako nanigarilyo, pwede mo na akong halikan?" umaasang tanong ni Candaba.!Akmang tatadyakan ito ni Bonifacio. "Hihirit ka pa e."!Pinigilan ito ni Jeron. Huwag mo nang patulan. Ganyan na nga ang itsura tapos papatulan mo pa. Lalong kawawa ang mukha niyan.!Nag-peace sign si Candaba. "Joke lang naman iyon."!Inayos ni Bonifacio ang polo nito. "Umuwi na kayo at maligo kayo. Tiyakin ninyo na nakapasok na kayo sa klase ninyo bukas kung hindi ire-report ko na kayo sa guidance office at sa baranggay. Maliwanag ba?"!"Yes, Boss!" sabay-sabay na sagot ng tatlong saka sabay-sabay na nagpulasan palabas ng sementeryo. !"Kulang pa ang sorry ninyo sa

akin. Hindi ako lechon de leche. Sexy ako," pahabol pa ni Gay. "Pulis ang tatay ko. Lagot kayo sa kanya."!"Huwag ka nang humirit. Okay na nga e, saway ni Jeron dito.!Lumapit siya kay Bonifacio. "Salamat, Bonifacio. Akala ko talaga...akala ko..."!Maiiyak na sana siya subalit umurong ang luha niya nang matalim siya nitong tingnan. "Akala ko umuwi na kayo at sumakay ng tricycle. Anong ginagawa ninyo dito sa sementeryo ng ganitong oras? Pasado ala una na, sermon nito habang naglalakad palabas ng sementeryo.!"Hinihintay ka ka namin, sabi ni Maxine.!"Hinihintay mo ako dito nang katanghaliang tapat?" nanggagalaiting tanong ni Bonifacio.!"Gusto kitang makausap tungkol sa project natin sa Biology. Natapos ko na ang plano ko sa diorama pati na rin ang materyales na kailangan natin. Kailangan ko sana ang input mo, paliwanag niya.!Tinapik nito ang noo. "Pambihira naman, Maxine! Bakit dito mo pa ako kakausapin tungkol sa project natin? Hindi na lang sa classroom natin. Kita mo nga. Muntik pa kayong mapahamak. Buti na lang kilala ko ang mga kumag na iyon. Paano kung drug addict, magnanakaw at rapist na ang humarang sa inyo? Mga professional at halang ang bituka? Paano kung hindi ako dumating? Hindi ka ba nagiisip?"!Kinilabutan siya sa scenario na sinabi nito. Ayaw na niyang isipin iyon. Hindi naman na siya talaga uulit na dumaan ng sementeryo nang sila lang ni Gay. Magiging mas maingat na siya mula ngayon. Tama naman si Bonifacio na dapat ay nag-iisip siya.!Nag-iisip naman talaga siya. Kaya nga siya nasuot sa sitwasyon na iyon dahil wala na siyang ibang maisip. !Naggiyagis ang ngipin niya sa inis dito. "Hindi naman ako mapipilitang gawin ito kundi ako desperadang makausap ka. Hindi mo naman ako kinakausap kapag nasa school tayo. Masyado kang maraming excuses para iwasan ako. Paano tayo makakagawa ng matinong project kung wala ang input ng isa't isa?"!Hindi na niya mapigilan na magalit dito. Pakiramdam niya ay desperado na siya dahil sa kaiiwas nito. Kasalanan nito kung bakit muntik na siyang mapahamak.!"Sinabi ko na nga na gumawa ka ng plano at ako na ang bahalang mag-execute."!"Hindi nga pwede ang ganyan.

Kailangang mag-usap tayo."!"Kailangan para mas madali para sa akin na kalimutan ka. Hindi mo ba nakikita? Nahihirapan na nga ako kapag pumapasok sa eskwelahan. Bakit hindi mo na lang ako pabayaan na lumayo sa iyo? Huwag ka nang sunod nang sunod sa akin."!Hinawakan ni Maxine ang kamay ni Bonifacio. "Gusto ko na bumalik tayo sa dati. Bilang mabuting magkaibigan."!Pinalis nito ang kamay niya. "Kalimutan mo na iyon. Ginamit ko lang ang terminong iyon para mapalapit sa iyo. Kaya hindi ako karapatdapat na maging kaibigan mo. Hayaan mo na lang ako."!Natigagal siya. Tama ba ang narinig niya? Hindi ito sinsero sa pakikipagkaibigan sa kanya? May iba itong motibo kaya nakipaglapit sa kanya. Ayaw niyang maniwala. Maaring totoo ang sinabi nito pero hindi niya matanggap. Pinahahalagahan nila ang pagkakaibigan nila at mga pinagdaanan nila para mabuo iyon. !"Pero..."!Nasaan na ang plano na ibibigay mo sa akin? tanong ni Bonifacio at inilahad ang kamay.!Hinalughog niya ang bag at hinugot ang nakatuping bond paper kung saan naka-detalye ang suggestion niya. Heto. Ano iyan!Hinaklit nito ang papel mula sa kanya at inilagay sa bag nito. Ako na ang bahala dito.!Natigagal siya. Iyon lang? Di na tayo mag-uusap?!Ito ang gusto kong set up. Isipin mo na lang na ikaw ang utak at ako na ang bahala sa trabaho. Inayos nito ang pagkakasukbit ng backpack sa balikat nito. "Sa susunod bahala ka na kung ipipilit mo pa ring dumaan dito. Hindi na kita sasagipin. Hindi na kita tutulungan. Bahala ka na diyan."!"Buddy naman. Huwag ganoon, angal ni Jeron.!"Nagkakaintindihan ba tayo? tanong ni Bonifacio habang di inaalis ang tingin sa kanya. !"Oo," aniya at napilitang tumango. !"Umuwi na kayo. Mag-usap na lang tayo kapag sa palagay ko may problema sa plano mo. At ipinara sila nito ng unang tricycle na dumaan sa labas ng sementeryo. Ibinigay ito ang address sa driver at ito pa ang nagbyad ng pamasahe nila. Sumakay na kayo. Baka hinahanap na kayo sa inyo.!Dali-daling sumakay si Gay habang siya naman ay mistulang naestatwa sa harap ni Bonifacio. Matapos ang lahat ng sakripisyo niya ay doon na lang matatapos ang pag-uusap nila? Marami pa siyang gustong

sabihin dito kahit na ayaw nito.!"Halika na. Gutom na talaga ako, wika ni Gay na sumakay agad sa tricycle.!Napilitan siyang sumakay doon kahit na labag sa kalooban niya. Puno ng lungkot ang mata niya nang tingnan si Bonifacio hanggang umandar na ang tricycle at di na niya ito nakita pa.!Pero hindi pa sila tapos ni Bonifacio. Hindi siya basta-basta susuko.
! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! !

CHAPTER FIVE "Bestfriend, favorite ko ang cherry macaroons ni Tita. Saya naman!" excited na sabi ni Gay nang ilabas ni Maxine ang kahon ng cherry macaroons nang makaalis na ang teacher nila at ideklara ang recess.!"Sa palagay mo magugustuhan ito ni Bonifacio? tanong niya. !Nawala ang ngiti sa labi nito. "Bakit si Bonifacio ang kailangan mong tanungin? Ako itong bestfriend mo, anito at itinuro ang sarili.!"Sa kanya kasi ito. Pag-uusapan kasi namin ang tungkol sa project namin. Para hindi na niya kailangan pang pumunta sa canteen." !Ready na ang plano niya pati ang mga materyales na gagamitin. Hindi siya papayag sa bahala na nito. Pagtiisan nito ang presensiya niya. Mabusisi siya pagdating sa project nila. At mas magiging mabusisi pa siya ngayon para lang may excuse siya na palambutin Ito sa kanya. Walang hindi lalambot sa luto ng nanay niya. !Kahit pa gaano kasama ang paghihiwalay nila ngayon ay sinagip pa rin siya nito mula sa tatlong kurimaw na nambastos sa kanila ni Gay. Kahit sa simpleng cherry macaroons man lang ay mapasalamatan niya ito. !Humalukipkip ito at umingos. "Nagtatampo ako sa iyo. Puro ka Bonfacio. Dapat yata magtampo na din ako sa iyo dahil puro siya na lang ang iniintindi mo.!Tumayo siya at tinapik ang pisngi nito. "Mag-diet ka muna."!"Heh! Bad trip ka. I hate you!"!"I love you, too, bestfriend.!Nagseryoso ito lalo. "Hanggang kailan mo gagawin ang panunuyo mo kay Bonifacio? Mukhang wala naman siyang balak na makipag-ayos sa iyo. Palala siya nang palala. Baka dapat tantanan mo na iyan."!"Hangga't hindi ulit niya ako tinatanggap na kaibigan niya, hindi ako titigil."!"Ganyan mo talaga siya kagustong maging kaibigan kahit na sinabi niya na paraan lang niya iyon para mapalapit sa iyo?"!Nagkibit-balikat siya. "Kahit ano pang sabihin niya, mahalaga sa akin ang mga pinagsamahan namin."!"Daig mo pa kasi ang nanliligaw sa kanya. Baka naman may gusto ka na sa kanya."!Naniningkit ang mata niya itong tiningnan. "Ano ka ba? Tinanggihan ko nga iyong tao. Iba ang gusto ko. Huwag nga kung anu-ano ang iniisip mo."!"Kahit naman

magustuhan mo siya, ayaw niya sa iyo, nakangising sabi nito. !"Tama na iyan. Nang-aaning ka lang. Ikinuha niya ito ng apat na cherry macaroons at inilagay sa extra wax paper. Heto ang pagkain mo basta huwag na kung anu-anong sinasabi mo tungkol sa amin." Matahimik lang talaga ito at tigilan ang panunukso sa kanya. !"Mas gusto ko pa rin siya para sa iyo kaysa kay Jerwin. Kapag sinabi mo sa kanya na okay lang manligaw sa iyo, tanggal ang tampo niyan."!Iniikot niya ang mga mata. Kalokohan ang ideya nito. Pumunta ka na nga sa canteen. Baka sakaling matiyempuhan mo ang crush mo, pagtataboy niya dito.!Lumabas ito ng room. Paano nga kaya kung hayaan niya si Bonifacio na manligaw sa kanya? Magkakaayos ba sila? Pero ibang usapan na kapag hinayaan niya itong manligaw sa kanya. Ibig sabihin ay ineentertain niya ang romantic notion nito. At ayaw niya ng paasahin pa ito dahil lalo lang masisira ang pagkakaibigan nila. Parang paasahin lang niya ito at masasaktan din niya ito sa huli. Gusto lang niya ang pagkakaibigan nila. Period.!Maya maya pa ay lumapit siya kay Bonifacio na inaayos pa ang gamit nito. Katatapos lang nitong mag-report sa Filipino nila. Masaya ang naging report nito at madaling intindihin pero halata naman niya na iwas ang tingin nito sa kanya. !"Boni, heto na ang revision para sa diorama natin ayon na rin sa suggestion mo. Sa palagay mo ba okay na ito?" tanong niya at inabot ang listahan dito. !Muli nitong inayos ang maayos nang visual aid at di nag-abalang sulyapan siya. "Oo. Iwan mo na lang diyan. Bibili akong miryenda sa canteen."!"May baon ako dito. Ang totoo ipinaluto ko talaga ito para sa iyo, aniya at inillapag sa arm ng upuan nito ang karton na puno ng cherry macaroons.!Nanlaki ang mata nito at nakita niya ang excitement doon. "Sa akin ito? Lahat ito?"!"Oo. Lahat iyan. Kain ka na, sabi niya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Nakahanda na ang ballpen at notebook niya para sa mga suhestiyon pa nito. Sa wakas ay nakuha na rin niya ang atensiyon nito dahil sa pagkain.!"Classmates, kain tayo ng dala ni Maxine. Masarap ito, anunsiyo nito at sa panggigilalas niya ay inangat pa nito ang karton ng cherry macaroons. !Natigagal na lang siya nang dumugin ng

mga kaklase niya ang macaroons na hawak ni Bonifacio. Sa isang iglap ay naglaho ang cherry macaroons. Parang dinaanan lang ng ipo-ipo. !"Maxine, salamat ha?" namumuwalang sabi ni Abraham. Ang sarap!!"Panalo ito, sabi naman ni Hazel at isinumpak ang huling piraso ng cherry macaroons.!"Sana lagi kang magdadala nito, wika ni Janice. Aprub na aprub!!At kanya-kanya nang pasasalamat ang mga ito. Wala na siyang nagawa kundi ngumiti na lang habang nagngingitngit ang kalooban niya. Inikot niya ang mga mata. Nasaan si Bonifacio? Nawawala ito. !Napansin niya na palabas na ng kuwarto si Bonifacio nang hindi man lang kumakain. Hinabol niya ito. "Boni, hindi ka pa kumakain. May natira pa akong cherry macaroons dito. Gusto mo ba? alok niya dito ng baon niya.!"Busog pa naman ako. Salamat na lang.!Toinks! Palpak ang plano niya. Hindi effective ang kasabihang A way to a mans heart is through his stomach. Kung dati ay nagdadamot itong ibigay sa iba ang mga ibinibigay niya dito, ngayon naman ay ipinagpapamigayan nito sa iba nang hindi man lang tinitikman ang bigay niya. Ipinakita nito kung gaano na siya kawalang-kwenta dito.!"Hindi pa natin napag-uusapan ang final design ng diorama natin, sabi niya.!"Nandoon naman na lahat ng gusto mong i-revise, di ba? Kumpleto na iyon, anito at inilahad ang kamay. !"Oo. Pero baka may iba ka pang suggestion, apela niya.!"Ayos na ito. Ako na ang bahala. Ako na rin ang bahala sa materyales."!"Pero..."!Pinisil nito ang balikat niya. "Mag-relax ka na lang diyan. Kaya kong gawing pinaka-astig ang project natin.!Boni, kumain na tayo! tawag ni Feliz Anne dito na nakasuot ng white T-shirt, fatigue pants at combat boots na uniform ng COCC. !Fine. Salamat! Ganoon-ganoon lang at iniwan na nito ang usapan tungkol sa project nila. Ganoon lang ba talaga kasimple iyon?!Bagsak ang balikat ni Maxine habang patungo sa garden. Mabigat ang pakiramdam niyang umupo sa isa sa mga bench doon at tinitigan ang baon niyang cherry macaroons. Wala na siyang ganang kumain. Ang totoo ay hindi na niya alam kung anong gagawin niya kay Bonifacio. Saan ba papunta ang pagpapakababa niya dito? May mapapala ba siya? Hanggang kailan ba niya ito susuyuin?

Hanggang kailan siya magsasakripisyo? Nasasaktan na siya. !Bakit mag-isa ka lang dito? !Gulat niyang inangat ang tingin nang marinig ang boses ni Jerwin. May dala itong dalawang Zesto orange juice. Oh!Wala lang. Gusto gusto ko lang mapag-isa. May kailangan ka ba?!Nakita ko kasi na mag-isa ka dito. Kaya naisip ko na samahan ka. Zesto? alok nito.!Tinanggap niya iyon. Salamat. !Dapat ay magaan na ang pakiramdam niya ngayong kasama niya si Jerwin. Ang alam niya ay hindi na ito nag-uusap halos at si Josephine. Dapat ay masaya siya, hindi ba? Pero mabigat pa rin ang kalooban niya. Kung dati ay kilig na kilig siya sa konting pagdikit lang nito sa kanya, ngayon ay wala siyang maramdaman na kahit ano. Bagsak na bagsak ang kompiyansa niya dahil sa ginawa ni Bonifacio. !"May problema ba sa project ninyo? Binibigyan ka ba ng sakit ng ulo ni Bonifacio?" tanong nito. !Umiling siya. "Hindi. Cooperative naman siya."!"Bakit mukha ka pa ring problemado?"!Bumuntong-hininga siya at tumingin sa malayo kahit na wala naman talaga siyang nakikita. "May iniisip lang ako."!"Pwede ka namang mag-share sa akin. Sinabi ko naman sa iyo na kaibigan mo ako.!Mahabang sandali niya itong tinitigan. Kaya ba niyang sabihin dito ang tungkol kay Bonifacio? Paano kung ma-misinterpret siya nito? Huminga siya ng malalim. Wala naman sigurong masama kung magtatanong siya. "Jerwin, paano kung may kaibigan kang malapit sa iyo at sinabi niyang may gusto siya sa iyo, magagalit ka ba sa kanya?"!"l will feel betrayed. Kaibigan ko siya tapos may iba pala siyang intensiyon sa akin."!Ngumiwi siya. Mali yata ang diskarte niya. Parang tumama din kasi sa kanya ang tanong na iyon. Magkaibigan sila pero may gusto siya dito. Ang kaibahan lang ay nasabi ni Bonifacio ang nararamdaman nito sa kanya at siya ay hindi. !"Paano kung iba ang sitwasyon? Kunyari gusto mo pa rin siyang maging kaibigan kasi may pinagsamahan kayo. Tapos ginagawa mo na ang lahat para bumalik kayo sa dati pero siya naman ang lumalayo dahil ayaw niyang maging magkaibigan lang kayo. Ipipilit mo pa rin ba ang pagkakaibigan ninyo?"!"Kung ayaw na niya, huwag niya. Sayang lang ang panahon ko sa kanya."!"Pero gusto kong bumalik pa rin

kami sa dating pagkakaibigan namin!" Nakakunot ang noo siya nitong pinagmasdan. "I mean, ayaw mo siyang i-let go dahil importante siya sa iyo. Importanteng kaibigan."!"Masakit para sa isang nagmamahal na pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay sa kanya. Habang ipinipilit mo ang gusto mo ay lalo naman siyang nasasaktan." !"Ganoon ba? Parang mahirap din iyon."!"Sino ba ang taong tinutukoy mo?" nanghuhuling tanong ni Jerwin. Nakita niya ang paghihinala sa mga mata nito. Iniisip nito na siya ang nasa sitwasyong iyon. !"Kaibigan ko na taga-ibang school. Medyo nalulungkot na siya at hindi alam ang gagawin. Kaya pati tuloy ako namomoroblema. Biglang napakain ng cherry macaroons sa sobrang tensiyon. Bakit naman kasi in-open-open pa niya ito.!"Huwag mo na siyang problemahin. At sabihin mo sa kaibigan mo na ituon na lang niya ang atensiyon niya sa ibang tao.!Oo nga. Dapat nga siguro ay ituon na lang niya ang atensiyon sa iba. Katulad kay Jerwin. "Salamat sa tulong. Kumusta naman kayo ni Josephine?"!Bumuntong-hininga ito. "Binasted niya ako."!Yes! Pakiramdam niya ay umulan ng confetti sa paligid niya at nagawitan ang mga anghel sa kalangitan. Tagumpay! Walang kaeffort-effort at iniwan ito ni Josephine. !"Oh! I am sorry. Akala ko pa mandin okay na kayo, malumanay niyang wika at sinikap na mukhang sympathetic sa kalagayan nito. Oo na. Plastic na siya kung plastic. Pero ang kawalan ni Josephine ay gain niya. Dapat lang siyang magdiwang pero hindi naman garapalan.!Umigting ang anyo nito. "Akala ko rin okay na okay kami. Pero itinapon niya ang lahat ng pagsisikap kong mapalapit sa kanya dahil lang may di ako sinasadyang nasabi kay Bonifacio. Nag-sorry naman ako sa kanya pero di niya matanggap. Hindi ba di naman masama ang ibig kong sabihin doon?"!Tinapik niya ang balikat nito. "Makaka-get over ka rin sa kanya. Marami pang iba diyan." Ehem! Ehem!!"Huwag na lang natin siyang pag-usapan. Umaliwalas ulit ang mukha nito. Mamimili pala ako ng materials sa Cubao bukas para sa diorama."!"Bakit sa Cubao pa?" tanong niya. Mahigit isang oras ang layo ng Cubao sa kanila. Kung tutuusin ay malapit lang sila sa Quezon City pero liblib na liblib pa rin ang lugar nila

kumpara sa malawak at mataong lungsod.!"Mas maraming pagpipilian doon at may malaki pa silang National Bookstore. Kulang-kulang kasi ang materyales doon. Gusto mong sumama? Para makapamasyal na rin tayo." !Nakita niya ang excitement sa mukha ni Jerwin. Kung makakapunta nga naman sila sa Cubao ay marami silang pwedeng gawin doon na wala sa bayan ng Rodriguez. May sinehan, de aircon na malls at mga kainan. Wala kasing ganoon sa bayan nila. Wala pang isang daan ang nagmamay-ari ng telepono sa buong bayan at may cable TV. Sabi nga ng iba ay napag-iiwanan sila ng sibilisasyon. !"Sige. Gusto ko iyon, nasasabik niyang wika. !"Magkita na lang tayo sa plaza bukas. Mga bandang alas nuwebe ng umaga."!"Okay." Tuluyan nang nawala ang lungkot niya. Masaya niyang nilapitan si Bonifacio nang uwian na. "Boni, ako na ang bahalang bumili sa materyales ng diorama natin. Pupunta ako sa Cubao bukas."!"Sige." Naglabas ito ng tatlong daang piso mula sa bulsa at inabot sa kanya. Kasya na ba ito? Sabihin mo lang sa akin kung may kulang pa at babayaran ko.!Okay na ito. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo. Nasa plaza kami hanggang alas nuwebe.!Sige, sabi nito na parang di naman interesadong sumama. !"Bye! See you!"!Wala na siyang pakialam kung intesado man itong sumama bukas o hindi. Ang mahalaga ay masaya siya dahil makakasama niyang mamasyal si Jerwin. Oras na para alisin niya sa isipan niya ang mga alalahanin niya at mag-enjoy sa buhay niya. HINDI magkandaugaga si Maxine sa pamimili ng libro sa Booksale sa may Araneta Center Cubao. Nakasalampak siya sa sahig at walang pakialam sa nasa paligid niya. Ang mahalaga lang sa kanya ay magbasa ng back cover ng libro. Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya sa dami ng mga libro na nandoon sa murang halaga. Paraiso iyon para sa kanya. !"Nakabili ka na ba?" tanong ni Jerwin na sumama sa kanya sa bookstore. "Kanina pa nila tayo hinihintay sa McDo."!"Sandali na lang ito." Bumagsak ang balikat niya. "Well, matagal pa pala ito. Sa sobrang dami kasi hindi ako

makapili. Hindi ko naman pwedeng bilhin lahat ito."!"Habang ang iba gustong mamasyal at maglaro ng arcade, ikaw naman gustong magkalkal ng libro."!Pinagpag niya ang kamay. "Mas gusto ko ito. Mas marami akong malalaman sa pagbabasa ng libro. Ikaw?"!"May napili na ako," anito at itinaas ang Trigonometry book. "Kailangan mo ba ng tulong sa pagkakalkal?"!"Hindi na. Baka mas lalong dumami ang bilhin ko. Give me two more minutes. Mamimili na ako at babayaran ko ito." May dalawampung libro din ang napili niya pero hanggang lima lang ang pwede niyang bilhin dahil iyon lang ang kaya ng pera niya. "Hmmm...paano kaya? Pareho kong gusto ito."!"Bilhin mo na pareho."!Nakakunot ang noo niya itong tiningala. "Kulang na ang pera ko."!"Ako na ang bahala sa isang libro mo. May pera pa naman ako dito. Fifty pesos lang naman ang idadagdag, di ba?!Ililibre siya nito ng libro? "Wow! Talaga? Hindi ba nakakahiya naman iyon?"!Bumalik na naman ang amor niya dito. Alam nito ang kahinaan niya.!"Ako naman ang nag-alok. May pera naman akong naipon. Hindi ko iyon nagastos dahil binigyan ako ng pang-Cubao ni Nanay."!Pero di pa rin siya komportable na ililibre siya nito. Parang hindi tama. "Ganito na lang. Babayaran ko ito sa iyo sa Lunes. May allowance na ako noon."!Natawa ito. "Ibang klase ka. Ang ibang babae gustong-gusto na ilibre sila pero ikaw gustong magbayad. Regalo ko naman sa iyo iyan."!"Bakit ka naman magbibigay ng regalo? Boyfriend ba kita? Nanliligaw ka ba?"!"Pwede namang regaluhan ang kaibigan, hindi ba?"!Gusto niya itong bulyawan na ayaw niyang maging kaibigan lang ito. Na higit pa doon ang tingin niya dito. Na gusto niya ito.!Subalit natigilan siya. Paano kung pagtawanan din siya nito at sa huli ay magalit ito sa kanya dahil parang sinasamantala niya ang pagkakaibigan nila o ang masaklap ay sasabihin nito na ayaw nito sa kanya ... tulad ng ginawa niya kay Bonifacio.!Ngayon ay mas naiintindihan na niya ang nararamdaman ni Bonifacio. Kung paano niya ito nasaktan. Hindi madaling magsabi sa isang taong gusto mo ng nararamdaman mo. Parang hinati mo ang sarili mong dibdib at in-expose ang puso mo para saktan ng taong gusto mo. Hindi madali ang pinagdadaanan ni Bonifacio.!"Basta utang ko

ito sa iyo, giit niya. !Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang bahala."!Napansin niya na ipinabalot nito ang isa pang libro. Baka may reregaluhan itong kapamilya o kaibigan. Di siya dapat mathreaten. Niregaluhan din naman siya nito, di ba? Babayaran nga lang niya ito dahil gusto niyang malinaw ang lahat. Tumatanggap lang siya ng regalo kapag birthday niya at Pasko. !Nang pumunta sila sa McDonalds na nasa katapat na kalsada lang ay kumakain na ang mga kaklase nila. Ako na ang oorder para sa atin, prisinta ni Jerwin. Dito ka na lang. Anong gusto mo?!McSpaghetti lang at rootbeer, sabi niya at ibinigay ang bayad dito. !Tinaasan lang siya nito ng kilay pero nakuha naman nito ang mensahe na hindi siya magpapalibre. Okay. McSpaghetti at rootbeer, anitong sumuko na lang.!Gusto niya si Jerwin pero di naman siya ganoon kagarapal. Iyon ang itinuro sa kanya ng nanay niya. Di daw siya dapat bastabasta nagpapalibre sa lalaki kahit gaano pa niya ito kagusto. Kailangan daw ay magkaroon siya ng kaunting pride. Kapag daw isinuko na ng isang babae ang lahat ng pride nito, baka akala ng isang lalaki ay mahina siya at gustong maging sunud-sunuran dito.!Maya maya pa ay inilapag na ni Jerwin ang order niya sa harap niya. Salamat, sabi niya. !Sa halip na magsimulang kumain ay hinarap nito si Josephine na nasa tapat ng mesa nito. "Josephine, para pala sa iyo, anito at inabot ang nakabalot na libro na binili nito kanina sa Booksale.!Nakataas ang kilay na tiningnan iyon ni Josephine. "Ano na naman iyan?"!"Buksan mo.!Padarag na kinuha ni Josephine ang libro at binuksan iyon. Naglaho ang inis sa mukha ni Josephine nang mabuksan iyon. "Pocketbook? Salamat, Jerwin. Paborito ko talaga itong Tagalog pocketbooks! Pati nanay ko matutuwa nito.!"Galit ka ba sa akin?" masuyong tanong ni Jerwin.!"Hindi na masyado, pakipot na wika ni Josephine at inulan ng tuksuhan ang mga ito.!Nag-focus na lang siya sa pagkain habang parang sinasaksak ng plastic na tinidor ang puso niya. Hindi siya espesyal dahil lang nag-alok si Jerwin na ilibre siya ng libro. Si Josephine pa rin ang gusto nito. Konting pagpapakita lang ng kabaitan ay nadadala na siya. Hangal talaga siya. Bakit ba kasi nagpapadala siya sa nararamdaman niya? Umasa lang pala siya sa

wala. !She felt so alone. Kung nandito lang sana si Gay o si Bonifacio, hindi siya gaanong makakaramdam ng lungkot. Pero wala na si Bonifacio. Ni hindi nga ito sumamang bumili ng materyales para sa project nila. Hanggang kailan ba sila ganito?

CHAPTER SIX "Halika! Manood na tayo ng sine! !Nagulat si Maxine sa deklarasyon ni Herbert. Tapos na silang kumain noon. Akala niya ay mamamasyal pa sila ng konti at mag-uuwian na. Subalit may ibang plano pa pala ang mga ito. Walang tumangging kaklase niya. Lahat ay nagsigawan bilang pagsang-ayon. Siya lang yata ang iba ang sagot. !"Naku! Pass na muna ako. Hindi naman ako nagpaalam sa mama at papa ko na manonood tayo ng sine, sabi niya at pinunasan ng tissue ang labi.!Bakit bigla silang nauwi sa sine? Hindi naman ito kasama sa usapan. Ang usapan lang nila ay bibili sila ng materyales para sa project nila. Alam kaya ng mga magulang ng mga ito na manonood ang mga ito ng sine?!Wala naman sila dito. Hindi nila malalaman, nakangising sabi ni Bermoy. !Sus! Killjoy ka talaga kahit na kailan. Minsan na nga lang tayo bababa ng bundok, hindi mo pa ba sasamantalahin ang pagkakataon? sabi ni Lanie.!Wala akong pera para diyan, wika naman ni Maxine. Kahit pa nga ba nagpaalam siya sa magulang niya, wala naman siyang panggastos. !"Ako ang bahala sa iyo, paniniyak ni Jerwin. Sumama ka na.!"Jerwin, nakakahiya na talaga." Hindi rin naman niya ugali na mangutang o kaya ay gumastos nang higit sa kailangan o pangangailangan nniya.!"Pumayag ka nang magpalibre sa kanya," udyok ni Josephine. Kaming lahat gustong sumama. Ikaw lang ang hindi sasama.!"Hindi libre iyan. Hindi naman nagpapalibre iyan, sabi ni Jerwin na may halong tampo. Bayaran mo ako kapag may pera ka na. Ano? Deal?"!Tiningnan niya ang relo niya. "Baka gabihin na tayo." Kahit ano lang talaga ay maikatwiran niya para hindi na siya sumamang magsine.!"Kita mo nga. Anong gagawin mo sa loob ng dalawang oras na nasa sinehan kami? Saka kahit gabihin ka samasama naman tayo, wika ni Josephine.!At makita niyang naglalambingan ang mga ito sa sinehan? Ugh! Magiging miserable lang ang pakiramdam niya. Hindi siya ganoon kalupit sa sarili niya. !Pero nagkukuli pa rin siya kung sasama sa mga ito o hindi. Ayaw niyang natatawag na killjoy lalo na kung ginagawa lang

naman niya ang tama. Pero hindi rin naman siya ganoon kaindifferent sa mga kaklase niya. A part of her wanted to belong. Gusto niyang makasamang tumawa ang mga ito sa mga bagay na ine-enjoy nila. Anong gagawin niya?!"Maxine!"!Lumingon siya sa tumawag sa kanya at nagulat nang makita ang kapatid ni Bonifacio na si Lisa. Mukhang kapapasok pa lang nito ng McDonalds. "Ate Lisa! Nandito ka rin pala sa Cubao, wika niya nang lapitan ito.!"Oo. Manonood kami ng sine ng mga kaklase ko. Inikot nito ang mata sa mga kasama niya. Nasaan pala ang kapatid ko?"!Nagtaka siya nang hanapin nito si Bonifacio sa kanya. "Uhmmm...hindi ko po siya kasama."!Nalukot ang mukha nito. "Saan naman nagpunta iyon? Humiwalay siya sa iyo?"!Umiling siya. "H-Hindi. Hindi naman namin siya kasama dito sa Cubao. Hindi naman siya nagsabi sa akin na sasama siya ngayon."!"Pero ang sabi niya susunduin ka daw niya sa bahay ninyo. Hindi ka ba niya pinuntahan? Bandang alas nuwebe na nga siya umalis ng bahay. Pusturang-pustura pa."!"Pasado alas nuwebe kami umalis ng plaza. Iyon ang usapan namin.!Saan naman kaya nasuot iyon? Humingi pa nga ng pera kay Nanay. Kaya alas nuwebe na siya nakaalis dahil inutusan pa siya ni Nanay na maningil ng pautang. Di naman kaya naglakwatsa ang isang iyon? Naku! Mapipingot ko na naman ang isang iyon, nagngingitngit na sabi ni Lisa. !Naalarma si Maxine. Nakita niya kung paanong magalit si Lisa kay Bonifacio noon. Daig pa nito ang amazona. Ayaw niyang maging mitsa na naman siya ng away ng magkapatid. Baka lalong ma-bad shot sa kanya si Bonifacio. Lalo na siyang mahihirapan na magkaayos sila.!"Titingnan ko muna kung dumaan siya sa bahay, Ate. Huwag ka munang magalit, sabi niya at hinawakan ang braso nito.!"Sige. Pero huwag mong pagtatakpan kung gumawa siya ng kalokohan, ha? Pati ako magagalit sa iyo, anito at pinanlakihan siya ng mata.!"Oo, Ate." Nilingon niya ang mga kaklase niya na nasa labas na ng McDonalds at siya na lang ang hinihintay. Pupuntahan ko na po ang mga kaklase ko.!"Anong gusto mong panoorin?" tanong ni Jerwin na sinalubong agad siya paglabas niya ng McDonalds.!"Hindi na ako makakasama sa inyo na manood,

Jerwin. Kailangan kong umuwi ng bahay ngayon. !"Bakit naman agad-agad?"!"May kailangan kasi akong asikasuhin." !Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nalalaman kung pumunta nga ng bahay nila si Bonifacio. Kung hindi naman ito dumaan ay walang problema. Konsensiya na nito kung naglakwatsa ito at bahala itong humarap sag alit ni Lisa. Labas na siya doon. Pero kung pumunta ito sa bahay nila at gusto nitong sumama sa kanya sa Cubao, malaking problema iyon para sa kanya. Baka isipin nito na sinadya niyang iwan ito at tiyak na magagalit na naman ito sa kanya. Hirap na hirap na nga siyang suyuin ito. !"Ang killjoy mo naman. Minsan lang tayo luluwas tapos babalik ka na agad sa bundok?" sabi ni Sherilyn.!"Pasensiya na. Mag-enjoy na lang kayo sa sine, sabi niya. !"Kung uuwi ka, uuwi rin kami. Di naman pwedeng mag-isa kang umuwi, deklara ni Jerwin. Delikado na mag-isa ka lang. Mapag-tripan ka pa diyan.!Umungol ang iba. "Jerwin naman..." protesta ni Josephine. Killjoy ka rin? Si Maxine lang naman ang killjoy sa atin tapos nakikigaya ka pa. Panira ka ng araw.!"Kung may masamang mangyari kay Maxine dahil pinabayaan natin siyang mag-isa, konsensiya din natin iyon. Kung gusto ninyo kayo na lang ang manood ng sine. Basta sasama akong umuwi kay Maxine, wika ni Jerwin at kinuha ang mga dala-dala niya.!Halika na. Hayaan na natin ang mga killjoy na iyan, sabi ni Josephine at naunang tumawid sa kalsada na patungo sa Ali Mall.!Mag-ingat na lang kayo, sabi ni Janice. Ikukwento ko na lang sa iyo ang istorya sa Lunes.!Sige. Salamat. !Ikiniling ni Jerwin ang ulo sa direksyon papunta sa terminal ng jeep pabalik ng Rodriguez. Halika na. Mukhang importante ang aasikasuhin mo kaya kailangan mo nang umuwi.!Hindi mo na naman kailangang samahan ako. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Kung gusto mo humabol ka sa kanilang manood ng sine, pagtataboy niya.!"Hindi pwedeng mag-isa ka lang umuwi. Bukod sa delikado sa panahon ngayon, marami ka namang dala.!"E paano si Josephine? Baka magalit siya sa iyo o kaya magselos."!Ngumiti ito na puno ng kompiyansa. Alam naman niya na siya lang ang babaeng gusto ko mula noong first year kami. Saka huli ko ang kiliti niyan. Ipagre-

rent ko lang siya ng pocketbook kay Tiya Cela at tiyak na mawawala ang tampo niyan sa akin.!Ngumiti lang siya. Masakit pa ring marinig na si Josephine talaga ang gusto nito pero naroon na rin ang pagtanggap sa kanya. Ano ngayon kung si Josephine ang gusto nito? Magkasama naman sila ngayon. Masaya na siya doon dahil siya ang pinili nitong makasama.!Bagamat bahagya silang na-traffic ay ligtas silang nakarating sa bahay nila. Tinulungan siya ni Jerwin na magbukas ng gate at tinulungan siya hanggang madala ang mga pinamili niya sa porch. Jerwin, maraming salamat sa paghahatid sa akin.!Wala iyon. Ang mahalaga safe kang nakauwi.!Pumasok ka muna sa loob para makapag-miryenda ka.!Umiling ito. Hindi na. Busog pa naman ako. Saka kailangan ko na ring puntahan si Ronald para masimulan na namin ang project namin.!Okay. Salamat sa paghahatid at sa pagtulong sa aking magdala ng libro.!Wala iyon. See you on Monday.!Kinikilig pa niya itong ihinatid sa gate. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Lalo lang nadagdagan ang pagkagusto niya dito. Kung dati ay crush lang niya ito, ngayon ay crush na crush na niya ito. At masaya na siya na nakakasama niya ito kahit na di pa nito alam kung anong nararamdaman niya. !Anak, ikaw na ba iyan? tanong ng mama niya at lumabas ng porch.!Opo. Ihinatid ko lang po si Jerwin sa gate. Tinulungan po kasi niya akong magbitbit ng mga pinamili ko, nakangiti niyang sabi. Napansin niya ang pamumutla nito. Ma, you dont look good. May sakit po ba kayo?!Medyo nahihilo ako kanina pang umaga. Buti na lang dumating ang kaklase mo at binantayan ako. Nakakahiya nga dahil kanina pa siyang umaga nandito.!Kumabog ang dibdib ni Maxine at dali-daling pumasok ng bahay. Tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makita si Bonifacio na nakaupo sa sala at nanonood ng TV. Nakumpirma na nga ang hindi magandang hinala niya. Pinuntahan siya ni Bonifacio. Base sa pustura nito, plano nga nitong sumama sa Cubao. Patay!!Kanina pa siyang umaga dito. Susunduin ka sana niya dahil pupunta kayo ng Cubao pero naiwan mo na siya. Aalis na sana siya pero muntik na akong matumba dahil masama ang

pakiramdam ko kaya nagprisinta siya na bantayan ako dito. Nakakahiya nga dahil siya na halos ang nagluto dito at naglinis ng bahay. Pati ang sirang bumbilya ng ilaw siya na rin ang nagpalit. Napakasipag talaga niyang bata.!Wala po iyon, Tita, magalang na sabi ni Bonifacio.!Magpapahinga na muna ako. Ikaw na ang bahala kay Bonifacio, anak. May mga kakanin diyan kung gusto ninyong magmiryenda ni Bonifacio. Tinapik nito ang balikat ni Bonifacio. Maraming salamat ulit, hijo.!Umakyat na ng hagdan ang mama niya patungo sa kuwarto nito. Inalalayan nila ito ni Bonifacio hanggang makarating sa kuwarto nito. Biglang nangapal ang atmosphere nang silang dalawa na lang ni Boni at bumaba sila sa sala. !Gusto mo bang magmiryenda? tanong niya kay Bonifacio. Ipaghahain kita.!Hindi na. Salamat na lang. Masaya ba ang pagde-date ninyo ni Jerwin?"!Excuse me? tanong niya at maang itong tiningnan. Anong date ang sinasabi nito? Hindi iyon date. Marami kaming magkakakasama at bumili kami ng materials sa project.!Akala ko mas gusto ninyong mapag-isa, nakangisi nitong wika. !Alam niya kung saan galing ang sarkasmo nito. Naiinis ito sa kanya dahil siguro sa pag-iwan niya dito na hindi naman niya sinasadya.!"Sorry. Hindi ko naman alam na sasama ka rin. Nakita ko lang si Ate Lisa sa Cubao kanina at sinabi niya na nagpaalam kang sasama na mamili ng materyales sa project natin. Kaya nga dali-dali akong umuwi dito," paliwanag niya. Sinamahan lang ako ni Jerwin pauwi pero naiwan pa ang ibang kaklase natin sa Cubao.!Nagkibit-balikat ito at ibinalik ang tingin sa TV. "Okay lang. Mukhang masaya ka naman sa kasama mo. Mukhang tanga lang naman ako na niyaya mo akong pumunta sa Cubao para sa project natin. Tapos pagdating ko dito hindi mo na pala ako nahintay. Ilang minuto lang naman akong na-late.!"Di ko nga alam na gusto mong sumama, giit niya.!"Sabi ko sige. Kaya inaasahan ko na inaasahan mong pupunta ako.!Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin sa sige. Sige okay lang na pumunta ako sa Cubao para doon mamili ng materyales? Sige sasama ka? Sige bahala ako sa buhay ko? Hindi ko naman alam kung anong sagot mo doon.!Ganoon ba ako kairesponsable na pababayaan

kitang mag-isa sa project natin?" tanong nito sa maigting na boses.!"Sino ba ang gustong laging dumistansiya sa akin na parang may nakakahawa akong sakit? Tapos aasta ka ngayon na tinrato kita na walang kwenta? Kasalanan ko na naman. Sinapo niya ang noo niya. Huwag naman tayong ganito, Bonifacio. Ginagawa ko naman ang lahat para magkaayos tayo. Ayusin na natin ito."!"Sige. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Kalimutan mo na ang nangyari at isipin mo na lang na di ako nagpunta dito. Na naglakwatsa ako kung saan. Nilapitan nito ang plastic bag na puno ng materyales. Kumpleto na ito, di ba? Ako na ang bahala. Huwag kang magalala. Titiyakin ko na pinakamataas ang grade mo para sa project na ito."!Pagod na pagod ang pakiramdam niya nang lumabas si Bonifacio sa gate nila. Bakit na kailangan na lang maging pakikibaka ang lahat pagdating dito?!Konting tiis pa. Konting tiis pa at magiging maayos din ito. "MAMA, baka po gabihin ako. Tutulungan ko po si Bonifacio na gawin ang project namin. Pakisabi na lang po kay Papa kapag dumating siya, paalam ni Maxine habang nagluluto ang nanay niya sa kusina. Linggo ng tanghali noon at katatapos lang nilang magsimba. Umalis ang papa niya para sa emergency meeting kasama ang mga tauhan nito. Kaya na po ba ninyong mag-isa dito?!Oo naman. Hintayin mo na itong ibine-bake ko na cream puff para naman maidala mo sa kanya."!"Sige po. Gusto ko rin iyan, Mama. At hindi na siya makakapaghintay pa na makauwi ng bahay bago niya matikman ang pamosong cream puff ng mama niya. !Kung tutuusin ay pwede nang magtayo ng bake shop ang mama niya. Ayaw lang ng papa niya dahil daw mapapagod ito at baka mapabayaan daw silang mag-ama. Fulltime na atensiyon nga naman ang pagkakaroon ng negosyo. Mabuti na lang at pumayag ang papa niya na tumanggap ito ng mga order para kahit paano ay malibang ang mama niya kapag nasa bahay lang. Sabi ng mama niya ay silang mag-ama ang priority nito. At di lang silang magama ang inaalagaan nito. Maging ang mga kaibigan niya at ngayon pati si Bonifacio ay mukhang gusto nitong alagaan.!"Naawa kasi

ako sa batang iyon nang maiwan mo kahapon. At siyempre nagpapasalamat naman ako dahil binantayan niya ako dito. Napaka-charming ni Boni at puno siya ng pangarap. Sundalo pala ang tatay niya at pangarap din daw niyang maging sundalo. Mukhang matapang siya at malakas ang loob.!Matapang nga po, usal niya nang maalala kung paano siya nitong ipinagtanggol sa mga kumag na humarang sa kanila ni Gay sa sementeryo. Mukhang kinatatakutan ito kahit ng mga sanggano. Ni hindi nga nito kailangan pang mag-angat ng daliri para lang manginig ang mga kalaban dito.!Saka mukhang streetsmart. Mga ganyan ang weakness ko noong teenager ako. Akala mo bad boy pero handa ka namang alagaan.!She was appalled when she saw her mother sigh then smiled like a dreamy girl. Mama, ano ba iyan? Parang may crush ka naman kay Bonifacio, nakangiwi niyang wika.!Kung kaedad kita, bakit naman hindi? Akala ko pa nga noong una manliligaw siya sa iyo."!Nanlaki ang mata niya. "Mama, huwag ninyong sabihin na tinanong pa ninyo siya tungkol diyan. Nakakahiya po."!"Siyempre hindi ko tinanong. Mabuti na lang wala ang Papa mo. Mainit ang Papa mo kay Bonifacio dahil sa palagay niya may gusto sa iyo. Ilang araw siyang hindi makatulog dati dahil iniisip niya na baka may boyfriend ka na."!Nangalumbaba siya. "Malayo po iyan sa isip ko. Sa crush pa nga lang ay puro palpak na siya, boyfriend pa kaya?!"May tiwala naman kami ng Papa mo sa iyo, wika nito at nilagyan ng caramel ang ibabaw ng mga cream puff. Hindi lang maiwasan minsan na mag-alala kami. Pagdating ng teenage years, maraming kabataan ang nai-in love agad, naglilihim sa magulang, nagiging suwail na at sa huli ay nabubuntis di pa man nakaka-graduate ng high school. Ayokong ganoon din ang maranasan mo."!"Mama, kumalma lang po kayo. Gagawa lang ako ng project. Gusto ko po ulit maging first honor. Gusto rin maka-graduate with honors hanggang college at maging sikat na broadcast-journalist tulad ng idol kong si Korina Sanchez.!"Of course. Of course. Isinara nito ang kahon ng cream puff at inilagay sa paper bag saka inabot sa kanya. Heto na ang baon para sa aking Valedictorian at sa kanyang

escort."!Pinanlakihan niya ito ng mata. "Mama!"!"Escort mo naman talaga si Bonifacio, ng klase ninyo nga lang." Pinakatitigan siya nito at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Anak, nagba-blush ka."!Dinampot niya ang paper bag at iniwas ang tingin dito. "Aalis na po ako."!Lumilipad ang utak niya habang naglalakad papunta sa bahay nila Bonifacio. Hindi naman siguro ito nagkwento sa mama niya. Nagkataon lang siguro na parang nanunukso ito pero walang ibang ibig sabihin iyon. Hindi naman yata si Bonifacio ang tipo na nagku-kwento basta-basta sa ibang tao tungkol sa babaeng gusto nito o sa babaeng hindi na nito gusto. Lalo naman sa nanay niya. !Makalipas ang sampung minuto ay nasa harap na si Maxine ng bahay nila Bonifacio. Dalawang palapag ang taas nito at gawa sa kahoy. Ang sabi ni Bonifacio ay taal daw na taga-Rodriguez ang pamilya ng ama nito at ang bahay na iyon ay minana pa ng tatay nito mula sa lolo nito. !Kumatok siya sa gate. "Tao po! Tao po!"!Si Liza ang nagbukas ng gate para sa kanya. "Pasok ka, Maxine."!"Si Boni po?"!"Umalis sandali. May bibilhin daw siya sa palengke Hindi ka naman maiinip. Nandiyan ang isa pang kaibigan ni Boni. Tutulong daw gumawa ng project. Tumuloy ka na lang sa likod-bahay. Doon sila nagtatrabaho kanina.!"Sino po? Si Jeron ba?" Tuloy-tuloy siya sa likod-bahay. "Jeron!" tawag niya dito.!Malaking tulong si Jeron para kalmahin si Bonifacio kapag inaangilan siya nito. Mas magiging madali rin ang pagtatrabaho nila dahil ito ang mare-referee sa kanila. !Subalit hindi si Jeron ang naabutan niyang gumagawa ng project kundi si Feliz Anne na nakaupo sa mesa at nakabukas ang illustrated encyclopedia sa harap nito. !"Hi, Feliz Anne Hindi ito ang inaasahan niyang makita. Bigla siyang nailang na magtanong kung anong ginagawa nito doon. Si Jeron?" sa halip ay tanong niya at luminga sa paligid.!"Wala si Jeron. Ako lang ang nandito."
! ! ! ! !

CHAPTER SEVEN "Oh!" usal ni Maxine.!Si Feliz Anne pala ang kaibigan ni Bonifacio na tinutukoy ni Lisa. Ito lang. Hindi niya inasahan ito.!"Nandito ka rin ba para tumulong sa project ni Bonifacio?" kaswal na tanong nito pero may babala sa mga mata nito. Alam niya kung anong tumatakbo sa isipan nito isa siyang karibal.!"Magkagrupo kaming dalawa, aniya at nakangiting tumingin.!"Akala ko naman solo project niya. Hindi kasi siya um-attend ng CAT training namin kaya nag-alala ako. Akala ko may sakit siya. Iyon pala inaasikaso niya ang project ninyo. Nagkataon naman na ganito din ang project ko noong isang taon. In-exhibit ang project namin ng grupo ko at kami ang nag-first place sa diorama contest."!"Oh! Ang galing naman, aniya at alanganing ngumiti. Uhmmm...para saan ang mga clay?" Hindi niya natatandaan na may clay sa materyales nila.!"Instead na cut outs, ginawa ko na lang clay katulad ng project namin. It is three dimensional. Mas class iyon at mas mukhang totoo. Cut outs are soooo elementary. Marami namang ibang medium diyan. Maasim ang mukha nitong inikot ang mata sa paligid. Sa maberdeng hardin ng mga Salvador, sa puno ng kamaito sa ulunan nito at sa bukirin sa bandang likod ng bahay. This town is so backward. Ang idea ng mga estudyante parepareho na lang. Hindi katulad sa Manila na marunong mag-explore ang mga estudyante. Our teachers push us so hard to be more competitive."!"I see. At pumayag na lang si Bonifacio sa idea mo?" !Maganda naman ang ideya nito pero siyempre ay hindi lang naman ito tungkol kay Bonifacio kundi tungkol din sa kanya. Pinaghirapan at pinagkagastusan nila ang mga materials at pagkatapos ay basta na lang itong nagbago ng desisyon?!Ngumisi ito. "Of course. My idea is brilliant. Nakita niya na mas magiging mataas ang grade niya sa idea ko. Siyempre makikinabang ka rin."!Ganoon-ganoon lang kasimple para kay Bonifacio na isantabi ang idea niya nang hindi man lang siya kinokonsulta. Anong gusto nitong mangyari? Makikita na lang niya ang project nila sa Miyerkules kapag ipapasa na at wala na siyang magagawa

doon?!Hindi rin niya gusto ang tono ni Feliz Anne na parang parasitiko siya na makikinabang nang walang kahirap-hirap sa project ni Bonifacio. Hindi siya parasite. Gusto niya na tinatrabahong mabuti ang projects niya. Hindi niya ugaling humingi ng tulong sa iba. Doon niya kasi nakikita kung hanggang saan ang kakayahan niya. !At hindi niya nagugustuhan ang nangyayaring ito. Hindi niya siya natutuwa.!Nagsimula siyang mailang nang hindi na siya kinibo ni Feliz Anne at nag-concentrate lang ito sa pagkokorte sa clay. Sa palagay niya ay isang orca whale ang sinusubukan nitong buuin. !"May maitutulong ba ako?" tanong niya nang hindi man lang ito nag-alok kung ano ang pwede niyang gawin.!She was lost. Wala siyang alam kung ano ang bagong idea nito. Hindi rin naman niya alam kung paano mag-manipula ng clay. Mas sanay siya sa cutouts. Pakiramdam niya ay isa siyang driver ng kotse pero inagawan ng manibela. Di rin naman pwede na wala siyang gawin doon. Project din niya iyon.!Matamis itong ngumiti. "No. I am fine here. Mag-relax ka na lang diyan. Kaya ko naman na ito." !Obvious naman na hindi ito interesado sa pwede niyang mai-contribute sa project nila. HInabaan pa niya ang pasensiya niya. Kaya pa naman niya.!Uhmm gusto mo ng cream puff? aniya at binuksan ang paper bag na dala niya. Masarap ito. Mama ko ang nag-bake.!Itinaas niya ang kamay nito at umiling. Salamat na lang. Bawal ako ng matatamis. Masisira ang diet ko.!Diet? Nagda-diet ka? Hindi ka naman mataba, wika niya.!Exactly. Kapag kumain ako ng sweets at iba pang nakakabatang pagkain, tiyak na masisira ang figure ko. Kasama ang disiplina sa pagiging beauty queen.!Ano daw? Beauty queen? Ganoon ba talaga ka-OA ang mga beauty queen? Ilang taon pa lang ba ito? Sixteen? Seventeen? Nagmamadali itong tumanda. !Kung ayaw nito ng cream puff, e di huwag. Hindi naman talaga para dito ang cream puff kundi para kay Bonifacio. !Ngayong ayaw siya nitong tumulong at kahit ang cream puff na dala niya ay walang maitutulong dito, ano pang gagawin niya doon?!Napansin niya ang mga materyales na binili niya sa National Bookstore kahapon. Nasa isang tabi lang ang mga iyon.

Alin dito ang hindi na gagamitin? tanong niya.!Lahat iyan, anang si Feliz Anne at iwinaksi pa ang mga kamay. You see, hindi pwede ang papel sa plano namin. Sa isang aquarium namin ilalagay ang mga clay. Pupunuin iyon ng tubig na kulay asul katulad sa dagat.!Hindi naman talaga asul ang kulay ng tubig sa dagat. Repleksiyon lang iyon ng pagiging asul ng langit. Malinaw talaga iyon.!Tumirik ang mga mata nito. Asul pa rin ang dagat kahit ano pang sabihin mo. Paano malalaman ng mga tao na dagat iyon kundi mo gagawing asul? Muli itong ngumiti. This is art. Wala ka naman yatang alam sa art.!Mariing nagdikit ang labi niya. Wala siyang alam sa art at alam nito ang lahat. Pero di naman siguro rason iyon para sagasaan siya nito. "Kukunin ko na lang ang mga ito," tukoy niya sa materyales na hindi na nito gagamitin pa. Ayaw na lang niyang makapagtalo pa dito. Hindi naman ito ang may kasalanan sa kanya.!"Sige. Baka may mapaggamitan ka pa."!Mabigat na mabigat ang loob niya habang ibinabalik ang mga gagamitin sana sa cut outs sa plastic bag. Pinagpuyatan niya ang ideas pati na rin ang pag-iisip ng materyales. Sayang ang ideas niya. Walang kwenta. Her ideas were backward. Pangprobinsiyana. !Tanggap niya iyon. Mas maganda at makabago nga naman ang ideya ni Feliz Anne. After all, sa Maynila pa ito nanggaling kung saan mas maganda ang turo at mas nahasa ang mga estudyante. Pero hindi sa ganitong paraan. !Gusto niyang magwala at umiyak nang mga oras na iyon. Sige na. Hindi na ganoon kaganda ang ideya niya kumpara dito pero tama ba na ayaw siyang patulungin sa sarili niyang project? Parang sinabi nito na wala siyang silbi doon. Tama. Wala siyang silbi. Kaya ano pang ginagawa niya doon?!"Feliz Anne, heto na ang aquarium. Buti hindi pa bumibili ng bagong isda ang tita ko," masayang-masayang sabi ni Bonifacio na bitbit pa ang aquarium. Natigilan ito nang makita siya. "Maxine, nandito ka rin pala."!"Paalis na rin ako. May isang project pa akong tatapusin, aniya at matabang na n gumiti. Salamat, Feliz Anne."!"Byeeee!" masayang sabi nito. Halos mapunit nga ang labi nito sa lapad ng ngiti. Masayang-masaya ito dahil mawawala na ang panggulo sa masasayang sandali nito at ni

Bonifacio. Masosolo nito ang binatilyo. Siya pa ang panggulo sa sarili niyang project. !Heto nga pala ang cream puff. Ipinabibigay ni Mama sa iyo. Salamat daw sa pagbabantay mo sa kanya kahapon, sabi niya at inilapag ang cream puff sa mesa. Sana lang ay kainin nito at hindi nahawa kay Feliz Anne na seryoso sa pagdadiet. Nasaan si Ate Lisa? Magpapaalam sana ako sa kanya.!At naglakad siya papasok ng bahay nito. Ang totoo ay gusto na lang niyang makalayo dito agad. Baka kasi kung ano pa ang masabi niya dito dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit nang mga oras na iyon. Common courtesy na lang talaga ang dahilan kaya hindi pa siya makaalis.!Sinundan siya nito. "Hindi ka ba tutulong sa amin na gumawa ng project?"!Huminga muna siya ng malalim bago ito hinarap. "Wala naman na akong maitutulong. Sabi ni Feliz Anne kaya naman na niya lahat. Saka wala naman nang silbi ang idea ko dito. Basta mo na lang ibinasura nang hindi ako kinokonsulta."!"Maganda naman ang suggestion niya. Nanalo pa sa competition iyon."!"Oo nga. Pero alam mo ang salitang courtesy? Kaunting paggalang sa ideya ko at sa pagiging magkagrupo natin? Sana man lang nagkaroon ka ng kaunting respeto dahil di naman ako ang tipo ng tao na walang pakialam basta may project sila kahit di na sila maghirap. Hindi ako ganoon! nanggagalaiti niyang wika.!Parang ginatungan ang galit ni Maxine nang maalala kung paanong ipamukha sa kanya ni Feliz Anne na makikinabang din siya sa mataas na grade na makukuha ni Bonifacio. Na para bang siya ang tipo ng tao na asa lang nang asa sa paghihirap ng iba. May pride naman siya.!Inilahad ni Bonifacio ang kamay. "Halika. Tumulong ka sa amin."!"Huwag na. Uuwi na lang ako. Baka mamaya mas pumangit pa ang project kapag sinamahan ko ng pipitsugin kong idea. Nakakahiya naman sa iyo at kay Feliz Anne. Ano lang ba naman ang kaya kong ibigay? Mga makalumang ideas? Mga pang-elementary lang?!Pumalatak si Bonifacio. "Huwag ka na ngang parang bata. Kaysa nagsisintir ka ng ganyan, tulungan mo kami. I am sure may magagawa ka kahit paano."!Salamat na lang. Pero wala akong planong gumawa ng kahit papaano lang. Baka mamaya makasagabal pa ako sa

masasayang sandali ninyo. Magpasalamat ka nga dahil ginagawan kita ng pabor. Makakapagsolo kayo.!Gumagawa kami ng project! Huwag mo ngang lagyan ng malisya.!"Nag-aaway ba kayo?" tanong ni Lisa na may bitbit pang walis tambo. Akala mo ay mapapalaban din ito.!"Hindi, Ate. Ayoko lang pauwiin. Ako na ang bahala dito, Ate, wika ni Bonifacio at mariing pinagdikit ang labi.!Aalis na ako, Ate Lisa. May cream puff po na luto si Mama na iniwan ko sa garden ninyo, nakangiti niyang sabi habang parang tinutusok naman ang mga mata niya ng nagbabantang luha. Sana ay hindi iyon mapansin ni Lisa.!Mag-ingat ka. Kukunin ko lang ang cream puff. Maraming salamat pakisabi sa mama mo, ha? sabi nito at pumunta sa garden para kunin ang cream puff.!Subalit hindi na rin maganda ang mood ni Bonifacio. Madilim na ang mukha nito. Bahala ka nga kung ayaw mong tumulong sa project natin. Basta gagawin namin iyon ni Feliz Anne. Sige na. Umuwi ka na, pagtataboy nito at iniwas ang tingin sa kanya.!"Bonifacio, kung intensiyon mo akong saktan, kung intensiyon mo na ipamukha sa akin na wala na akong kwenta para sa iyo, nagawa mo na. Huwag kang mag-alala. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nito, sabi niya at tinalikuran ito. Magsama ito at si Feliz Anne. Bagay ang mga ito isang maldita at isang maldito.!Pinara niya ang dumadaang tricycle at nagpahatid sa bahay nila. Pinigil niya ang luha niya hanggang makarating sa bahay nila. Nagkulong siya sa kuwarto niya at doon ibinuhos ang sama ng loob niya. !Pero mabilis din niyang tinapos ang pag-iyak. Walang mangyayari sa kanya kung hahayaan niya si Bonifacio na apakapakan siya. Inilabas niya ang mga materyales na inuwi niya mula kay Bonifacio. Hindi siya magpapatalo dito. Hinding-hindi. SINALUBONG ni Gay si Maxine sa gate ng St. Jerome Academy. Ihinatid siya doon ng kotse ng papa niya. Tinanghali siya ng gising dahil tinapos pa niya ang project niya kaya nagpahatid na siya dito para makahabol siya. Ngayon ang pasahan ng project nila sa Biology kaya mas convenient para sa kanya ihatid siya ng kotse. Wala kasi siyang katulong na isasakay iyon sa tricycle.!"Iyan na ba

ang project ninyo ni Bonifacio?" tanong ni Gay. Nauna itong pumasok sa eskwelahan dahil kailangan din nitong sunduin ang kagrupo nito at ang ipapasang diorama ng mga ito.!"Oo. Sana nga mas marami pa akong oras. Nilagyan ko ng voice recording para mai-explain ang food web sa ilalim ng dagat." Isa iyon sa mga pagbabago sa plano na ginawa niya. Kinagabihan kasi ay dumalaw ang ninong niya at binigyan siya ng recorder. Parang maliit na chip lang iyon na pwedeng idikit sa diorama. !"Ibang klase ka talaga. Ikaw lang ang nakaisip niyan.!Sa halip na sa classroom ay sa laboratory sila tumuloy kung saan maari nilang ihilera ang mga dioramang ipapasa nila. Pagpasok niya ay may partikular na diorama na pinaiikutan ng mga kaklase nila.!"Uy! Astig ito! narinig niyang sabi ni Lawrence.!"Parang aquarium pero may pating at balyena. Mukhang makatotohanan. Parang gusto ko rin ng ganito sa bahay," sabi ni Edilyn.!Diorama ni Bonifacio ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Natitiyak niya iyon. At base sa nakita niya pagdaan ng kulumpunan ng mga ito ay maganda nga ang nagawa ni Feliz Anne. !Sigurado ako na iyan ang highest ang grade, sabi ni Herbert at pinisil ang balikat ni Bonifacio. Sana pala magkagrupo tayo. Ang galing-galing mo.!Kumunot ang noo ni Gay nang tingnan siya at ang diorama niya saka lumingon sa diorama ni Bonifacio. Bakit may diorama siya at may diorama ka rin?!Nagkibit-balikat lang siya at umupo. Nandiyan na si Sir, nasabi lang niya.!Kanya-kanya ng upo ang mga kaklase nila at si Gay naman ay tahimik na umupo sa tabi niya. Subalit may tanong pa rin sa mga mata nito. Pinili niyang ipinid ang bibig niya. Hindi na niya naikwento dito ang mga nangyari sa kanila ni Bonifacio nang nakakaraang araw. Masyado siyang naka-focus sa project niya. Pero alam niyang dadating sa puntong ito kung saan masosorpresa na lang ang lahat kasama na si Bonifacio.!Nakuha agad ng diorama ni Bonifacio ang atensiyon ni Mr. Barca. Sa iyo ito, Bonifacio? tanong nito.!Yes, Sir.!"Maganda ang idea mo. This is something new. A diorama aquarium style. Very innovative. Tumango-tango si Mr. Barca. Good job, Bonifacio. Gustong-gusto ko ito. Sino ba ang ka-partner mo diyan?"!"Si

Maxine po, sagot nito at nakangiting lumingon sa kanya.!Walang kangiti-ngiti siyang tumayo. "Magpapasa po ako ng sa akin, Sir."!Gulat na tumingin sa kanya ang lahat. Nakakunot ang noo siyang nilapitan ni Mr. Barca at tiningnan ang diorama niya. Pwede mo bang ipaliwanag ang diorama mo sa akin, Maxine?!Pinindot niya ang buton at pumailanlang ang voice record niya na nagpapaliwanag sa proseso ng food web na ginawa niya. Nakatanggap siya ng palakpakan mula sa kaklase niya dahil doon. Gumaan ang pakiramdam niya. Nawala ang lahat ng pagod at sama ng loob na nararamdaman niya. At taas-noo na siyang makakaharap maging kay Bonifacio at kay Feliz Anne. Hindi siya ganoon kainutil. Di man ganoon kaganda ang design ng project niya ay may maipagmamalaki pa rin siya. !Napansin niya na nakahalukipkip lang si Bonifacio at walang kangiti-ngiti habang nakatingin sa diorama niya. Hindi nito inaasahan iyon. At tiyak na magmimitsa na naman ito ng panibagong gulo sa pagitan nila pero wala siyang pakialam. Hindi na siya natatakot kahit na magalit pa ito sa kanya.!Maganda rin ang idea mo, Maxine. Nagustuhan ko ang voice over sa diorama mo, sabi ni Mr. Barca. Iyan ang gusto ko. Matuto kayong i-challenge ang sarili ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo, class?!Yes, Sir, sagot ng ibang kaklase niya.!Itinapik ni Mr. Barca ang ballpen sa class record nito kung saan nito inililista ang magiging grade nila. "Bakit naghiwalay pa kayo ni Bonifacio samantalang magkagrupo kayo? Maganda sana kung pinagsama ninyo. Gusto ko ang idea na may voice record na ipinapaliwanag ang sistema ng food web kaysa sa simpleng sulat lang. Paano ang grading nito?"!"Pagsamahin na ninyo, Sir. Kahit mas mataas po ang grade ni Maxine ayos lang sa akin, wika ni Bonifacio na parang wala nang pakialam sa grade nito. Parang gusto na lang nitong iplease siya o bumawi sa kanya o sadyang naiinis lang ito dahil sa ginawa niya.!"Ayokong magkaroon ng credit sa isang bagay na hindi ko naman pinaghirapan, sabi niya habang nakatingin dito at saka ibinaling ang tingin kay Mr. Barca. Kaya kung ano lang po ang dala ko, iyon na lang ang bigyan ninyo ng grade. Ibigay ninyo kay Bonifacio ang para sa kanya. Mas deserving po siya sa mas

mataas na grade."!Sayang naman ang sakripisyo ni Feliz Anne kung makikihati pa siya sa grade nito. Ayaw niyang makihati sa ideya ng babaeng iyon na ang tingin sa kanya ay isang parasite. Excuse me lang. Kaya niyang gumawa ng sarili niya. Hindi na siya nito pwedeng maliitin katulad ng ginawa nito sa kanya nang nakaraan. !"Maxine..." anang si Bonifacio sa nagbababalang tono.!Alam niyang napapahiya ito sa ginagawa niya at tiyak na paguusapan sila ng buong klase pero wala siyang pakialam. Nasabi na niya kaya di na niya babawiin. Pangangatawanan na niya ito.!Direkta ang tingin niya kay Mr. Barca. "Paghiwalayin na po ninyo, Sir. Bigyan po ninyo ako ng grade sa kung ano ang pinaghirapan ko kahit po mas mababa."!Nilapitan siya ni Gay. "Ano ba iyon? Mahigpit nga competition sa honors. Di ka magiging top one kung paiiralin mo ang pride mo."!"Hayaan ninyo si Maxine kung saan siya masaya, sa wakas ay sinabi ni Bonifacio. "Ibigay na ninyo ang gusto niya, Sir."!"Okay," wika ni Mr. Barca at inilista ang grade. "Isasama ko pa rin ang gawa mo sa exhibit. Pero kung mai-improve mo pa ang quality, mas maganda. O kung magsasama sana kayo ni Bonifacio, mas okay."!Hindi ko naman ipipilit kung ayaw niya akong makasama sa project, Sir, sabi ni Bonifacio at bumalik sa upuan nito. Dumaan ito sa tabi niya habang sinasabi nito iyon.!Hindi ba dapat dialogue ko iyan? nakataas ang kilay niyang tanong.!Nilingon siya ni Bonifacio at akmang bubuka ang bibig subalit sa huli ay itinikom na lang nito. Tapos na ang lahat. Nasunod ang gusto niya pero sa palagay niya ay hindi pa doon natatapos ang lahat.

CHAPTER EIGHT Tahimik si Maxine buong umaga. Wala siya sa mood kahit pa nga pangalawa ang diorama niya sa pinakamataas ang grade. Isang puntos lang ang lamang ng diorama ni Bonifacio sa kanya. Kahit si Bonifacio ay mukhang bugnutin. Naiintriga ang buong klase kung anong nangyari sa kanila sa Biology pero walang sinuman ang kumausap sa kanila tungkol doon. Natatakot marahil na maangilan ng sinuman sa kanila ni Bonifacio.!Pagdating ng recess ay pinili niyang kumain mag-isa sa garden. Tinatapos pa ni Gay ang project nito para maihabol at ipasa kinahapunan kaya di rin siya nito masasamahang kumain. Mas okay lang sa kanya na mag-isa. Wala siya sa mood na makipag-usap ngayon kahit na kanino.!"Okay lang ba na samahan kitang kumain?" tanong ni Jerwin.!Gulat siyang tumingala. Oh! Inisip niya kung gusto niya ng kasama. Na mas gusto niya na mapag-isa pero sa huli ay nawalan na siya ng lakas na tumanggi. Sige, aniya at umusod sa bench. Di gaya dati na handa siyang makipagkwentuhan dito o kaya ay excited siya kausapin ito ay pinili niyang titigan ulit ang baon niya.!"Malalim yata ang iniisip mo. Hindi mo naman nagagalaw ang pagkain mo, pansin nito at kumagat sa sandwich nito.!Tinakpan niya ang bibig niya saka humikab. "Inaantok lang ako. Di ako halos natulog dahil tinapos ko ang project ko, wika niya saka kinusot ang mata niya. Hindi naman siya nagpapanggap lang. Lumulutang talaga ang utak niya dahil sa puyat at pagod isama pa ang emosyong nararamdaman niya kanina. !"Sayang naman kanina," sabi ni Jerwin. "Highest ka rin sana sa project natin sa Biology. Samantalang ang iba diyan masaya sa grade na di nila pinaghirapan. Kung mag-grab ng credit ganoon na lang."!Bumuntong-hininga siya. "Jerwin, alam mo ba ang pakiramdam na pinahahalagahan ang opinyon mo o suhestiyon mo kahit na pangit? Na tatanungin ka muna bago magdesisyon. Common courtesy ang tawag doon."!"May problema kayo ni Bonifacio?" tanong nito.!Nagkibit-balikat siya. "Sabihin na nating

magkaiba kami ng opinyon sa mga gusto naming mangyari sa project. Hindi na siya nito pinahalagahan at ayaw niya sa sitwasyon kung saan nawawalan na siya ng halaga. Ayaw niya na tinatrato siya na parang basura na walang kwenta. Kaya sa huli, nagsolo na lang ako. Kaya kahit mas mababa ang grade ko, mas masaya naman ako.!"Baka isipin mo mas gusto ko na mababa ang grade mo kaya mas okay sa akin na maghiwalay kayo ni Bonifacio dahil magkakompitensiya tayo. Pero kung sasama lang ang loob mo habang magkasama kayo, mabuti pang lumayo ka na lang."!Parang tinamaan si Maxine ng kidlat sa sinabi nito. Alam niyang project nila ang tinutukoy nito pero parang bagay din ang sinabi nito sa sitwasyon ng pagkakaibigan nila. Ilang linggo na rin niyang ipinagsisiksikan ang sarili kay Bonifacio. Ginawa niya ang lahat para maging mabuting magkaibigan sila muli. Ibinaba na niya ang pride niya hanggang halos wala nang natira sa kanya.!Subalit anong ibinalik nito sa kanya? Ilang beses siya nitong ipinahiya at binalewala. !Pinakahuling sampal na sa kanya na isinantabi nito ang ideya niya at nagdesisyon itong gawin ang project niya ayon sa gusto nito. Mali. Ayon pala sa gusto ni Feliz Anne dahil mukhang sunud-sunuran lang si Bonifacio dito.!Hindi niya alam kung anong mayroon dito at kay Feliz Anne. Kung sino ang nagpapasikat kanino. Pero naiinis talaga siya kay Feliz Anne. Naiinis siya kay Bonifacio. At hindi na siya papayag na maulit ito na tapak-tapakan siya ng dalawa o ng kahit na sinong tao. Tapos na ang pagpapakamartir niya.!"Babalik muna ako sa room. Di ko pa nagagawa ang sanaysay sa Filipino, sabi ni Jerwin. Huwag mo nang isipin iyon. Mababawi mo pa naman ang grade mo lalo nat magaling ka sa Biology.!Tipid siyang ngumiti. Salamat.!"At huwag mo nang isipin si Bonifacio. At kapag may ginawa siyang di maganda sa iyo, isumbong mo sa akin."!Sige na. Gumawa ka na ng assignment mo, pagtataboy niya dito.!Nagkaroon lang siya ng ganang kumain nang makaalis si Jerwin. Mabuti rin pala na nakapaghinga siya ng sama ng loob dito kahit na paano. Hindi rin maganda na lagi niyang kinikimkim ang nararamdaman niya. Maganda rin na may ibang tao siyang masasabihan kahit pa nga di

niya sinabi dito ang buong istorya. !"Kung may problema ka sa akin, sa akin mo mismo sabihin. Hindi yata magandang marinig na sa ibang tao ka pa nagko-confide."!Nagulat siya nang marinig ang boses ni Bonifacio sa likuran niya. Ibinalik niya ang sandwich sa pagkakabalot sa wrapper at ibinalik sa bag niya saka hinarap ito. Nawalan na siya ng ganang kumain. Nakapamaywang ito na akala moy isang heneral ng military. Hindi siya natatakot dito o sa galit nito.!"Nasabi ko naman na sa iyo ang lahat ng gusto kong sabihin. At sa palagay ko rin naman ay malinaw na rin ang mensahe na nais mong iparating sa akin. Na wala akong halaga sa iyo at wala ka ring respeto sa akin. Kung maghinga man ako ng sama ng loob ko sa mga kaibigan ko, wala na siguro sa iyo iyon. Tutal wala ka namang pakialam. Hindi ko nga alam bakit kinakausap mo ako ngayon.!Nilapitan niya ito. "Ako pa ang walang pagpapahalaga ngayon. Ikaw nga ang walang pagpapahalaga sa pinaghirapan ko. Gumawa ka ng sarili mong project. Pinagmukha mo akong tanga sa harap ng klase natin kanina at ni Sir Barca. Sobra ka na!"!Naningkit ang mata niya. "Sa palagay mo napahiya ka doon? Tanungin mo ako kung anong naramdaman ko nang makita kong wala nang natira sa concept na ibinigay ko sa iyo. Binago mo nang hindi ako kinokonsulta. Sinubukan kong lulunin ang pride ko. Nag-alok pa ako ng tulong kay Feliz Anne pero sabi niya hindi na daw ako kailangan. Kaya bakit pa ako mag-stay. Wala naman akong halaga.!Mariing nagdikit ang labi nito. "Sa maniwala ka't sa hindi, wala akong intensiyon na insultuhin ka. Gusto ko nga na tumaas ang grade natin. Lalo ka na dahil gusto mong maging Valedictorian. Kung isasantabi mo lang sana ang pride mo, sana mas mataas ang grade mo. Puro ka kasi pride.!"Salamat na lang. Hindi na kailangan ng malasakit mo. Mas kailangan ko ang pride ko, respeto ko sa sarili ko at ang pakiramdam ko na nirerespeto ako ng ibang ako. Okay na ako sa project ko kahit na pangit at least naramdaman ko na mahalaga ako at may maipagmamalaki ako. Hindi ko nararamdaman na minamaliit ako. Ngumisi siya. Sana naman masaya ka na rin dahil sa isang punto ipinaramdam mo sa akin kung gaano kawalang kwenta ang pinagsamahan natin. Kung

gaano mo kagusto na mawala ako sa buhay mo."!"Kailangan pa bang palakihin ang usapang ito? Wala akong masamang intensiyon. Wala akong balak na saktan ka."!"Wala?" Pagak siyang tumawa habang mabigat ang loob niya. "Ayaw mo akong saktan? Thats the understatement of the year. Hindi mo pala balak na saktan ako. Hindi mo pala balak na paulit-ulit akong tanggihan at ipahiya. Paulit-ulit kong nilululon ang pride ko para sa iyo kasi gusto kong ibalik ang pagkakaibigan natin."!"Hindi ko naman hiningi iyon sa iyo. Sinabi ko sa iyo na pabayaan mo na akong mag-isa. Na layuan mo ako. Ikaw lang itong mapilit."!Tumangotango siya. Malinaw na sa kanya ang lahat. At sa wakas ay natauhan siya. "Tama ka. Ako ang may kasalanan. Ako ang matigas ang ulo. Ako na ang pilit nang pilit ng sarili ko sa iyo. Huwag kang mag-alala. Tapos na ako sa iyo. Ayoko nang habulhabulin ka. Ayoko nang magmukhang tanga. Ayoko nang paulitulit na lulunin ang pride ko habang ipinagtatabuyan mo ako. Kung ayaw mo akong maging kaibigan, mas lalong ayaw kitang maging kaibigan. Masaya ka na ba?"!Nilayasan niya ito at tumuloy sa restroom. Nagkulong siya sa cubicle at umiyak. Masakit man pero kailangan na niyang bitawan si Bonifacio. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kasakit na tuluyang sumuko dito subalit kailangan para mai-preserve naman niya ang sarili niya. Mula dito ay magpapatuloy na ang buhay niya.!Ito na ang huling beses na iiyakan niya ito. TUMINGALA si Maxine at sinalubong ang init ng araw at sariwang hangin. Unti-unting nawala ang pagod niya nang makita ang mga kaklase na nakaupo sa mga puting batuhan sa tabi ng ilog. !"Nandito na si Maxine!" anunsiyo ni Gay na may hawak pang barbeque.!Nagpalakpakan ang iba pa niyang kaklase. "Ayun o! Dumating na si Top One, sabi ni Lawrence.!Inalalayan siya ni Jerwin na tumawid sa mga bato. "Wow! Nakakatuwang welcome naman ito." Ilang araw siyang nawala at magagandang balita ang sumalubong sa kanya. Una ay ang pagiging Valedictorian niya at mula sa sinalihan niyang kompetisyon ay may magandang balita

din siya sa mga ito.!"Na-miss ka rin naman namin," sabi ni Jerwin.!"Uuuyyyyy!" tuksuhan ng mga kaklase nila sa kanila.!"Tigilan nga ninyo kami, nanlalaki ang mata niyang saway sa mga ito. Hindi siya sanay na tahasang tinutukso ng mga ito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya.!"Bagay kasi kayo. President at Vice President. First honor and second honor. Pwedeng-pwede, sabi ni Ronald at nag-thumbs up.!"Ilang araw lang akong nawala tapos iniintriga na ninyo ako, natatawa niyang sabi. Ano bang nakain ninyo?!Marami. Halika kumain ka na dito, yaya ni Janice.!Apat na araw siyang nawala dahil may stay-in Division School's Press Conference sila sa Cainta. Isa itong workshop at kompetisyon para sa campus journalism. Bukod sa pagsali sa Social Studies quiz bee ay pinakaabangan din niya ang pagsali sa campus journalism. Ito ang training niya para sa pagkuha niya ng kursong Mass Communication sa kolehiyo. !Noong first year high school siya ay wala naman siyang mataas na expectations nang sumali siya sa workshop. Gusto lang niyang may matutunan. Subalit laking tuwa niya nang manalo siya sa sportswriting competition. !Siya ang napiling ipadala ng paaralan sa division competition na unang beses ginawa ng paaralan. Wala naman siyang mataas na expectations dahil alam niyang magagaling ang makakalaban niya na pawang galing sa iba pang paaralan at mas mataas ang year level. Pero nanalo rin siya at nakarating sa regional competition. Kaya naman pakiramdam niya ay privileged na siya dahil high school pa lang siya ay nate-train na siya sa kukuning kurso sa college. Ngayon ay target niyang maging editor-in-chief ng campus paper pagdating ng fourth year high school. !Natutuwa lang kami na makita ka ulit. Namumula ka kasi kapag tinutukso, sabi ni Hazel at hinampas ang kaklase nilang si Bermoy na nakahilata pa sa kawayang upuan na nasa kubo na nirentahan nila. Bigyang-daan mo si Top One.!Top One lang siya pero ako ang reyna dito. Ako ang Reyna ng Wawa Dam, deklara ni Bermoy.!Bermoy, may guwapo doon sa ilog. Magswimming na tayo, yaya ni Herbert dito.!Gusto ko iyan! HIntayin mo ako, prinsipe ko, sabi nito at nakapilantik pa ang daliri nang

lumusong sa tubig.!Tinabihan siya ni Lawrence na kasamahan niyang staff sa school paper nilang Ang Bantayog. Ano nga palang nangyari sa journalism competition? Sino ang mga napasok sa school natin?!Nanalo ako sa copyreading and headline writing saka sa sportwriting, kwento niya. Apat din kaming napasok sa regional schools press conference. Si Rowena galing sa first year, si Ate Marcel sa third year at si Ate Ritchelle sa fourth year.!Uy! Panalo na naman si Top One! Ibig sabihin makakarating ka na sa regional level. Di na talaga ma-reach, sabi ni Lawrence at pumalakpak. Nagpalakpakan din ang ibang mga kaklase niya na nakikinig sa kanila.!Saan ka naman pupunta sa susunod? puno ng interes na tanong ni Jerwin. Lagi itong fascinated sa mga lugar na napuntahan na niya kahit pa nga sabihin na sa kabilang bayan lang iyon.!Sa Sta. Cruz, Laguna ang susunod naming laban sa regional schools press conference. Excited na nga akong makakilala ulit ng mga bagong kaibigan.!Nakakainggit naman. Marami bang guwapo sa ibang school? May crush ka ba doon? tanong ni Abraham.!Iniikot niya ang mga mata. Wala akong oras para diyan. Wala akong ginawa doon kundi makinig sa mga lecture sa amin tapos sasabak na agad kami sa laban. Nakikihalubilo lang ako sa iba pero wala akong interes na magpa-cute at makipagligawan.!Kung tutuusin ay bata pa rin siya. Karamihan sa kasama sa mga ganoong kompetisyon ay nasa third year o fourth year high school na. Hindi siya papatulan ng mga ito dahil mukha siyang neneng-nene. At kahit pa may magka-interes sa kanya ay hindi naman niya ie-entertain. Kompetisyon lang ang focus niya.!Magbo-blow out ka ba? tanong ni Luisa.!Itinuro niya ang plastic bag na dala niya. Nagluto ang nanay ko ng tempura para sa atin.!Kainan na! deklara ni Gay. Dapat ako ang maunang tumikim ng tempura na iyan dahil ako ang bestfriend ng Top One.!Mag-swimming na muna tayo. Mamaya na ang pagkain, sabi ni Edilyn at hinila na ito. Usapan natin kanina tuturuan kitang lumangoy.!Sabi mo sa akin si Marvin ang magtuturo sa akin na lumangoy, angal ni Gay.!Nandoon na si Marvin sa tubig. Hinihintay ka niya.!Natatawa na lang si Maxine pinapanood si

Gay nang lapitan ang bagong crush nito. Bagamat masaya siya sa pagpunta sa mga kompetisyon sa ibang lugar at makakilala ng ibang tao ay gusto pa rin niyang kasama ang mga kaklase at kaibigan sa Rodriguez. Mas at home pa rin siya doon. Mabuti na lang at hindi niya na-miss ang picnic na iyon kahit pa nga ayaw ng papa niya na payagan siya noong una.!Maliligo ka na ba? tanong ni Jerwin.!Hindi muna. Gusto ko munang pagmasdan ang magandang view. Inunat niya ang dalawang kamay papunta sa langit at tiningala ang dalawang higanteng limestone mountains sa harap niya at sa gitna ay nabuo ang natural na dam at waterfalls. It feels good to be home.!Naalala niya nang unang beses siyang ipasyal doon ng tatay niya noong bata pa siya. Pitong taong gulang siya noon. Fascinated siya sa mga naglalakihang batong puting buhay, ang mga bundok pati na rin ang mga kuweba. At noon pa lang ay kinukulit niya ang tatay niya na gusto niyang tumira doon. Pakiramdam niya ay isa siyang bata na napadpad sa isang magical world. Pero hindi lang mahika ang dala ng Wawa. Ngayong may isip niya ay nalaman niya kung gaano kalaki ang halaga nito.!Geological at historical momunent ang Wawa area. Ang lugar na iyon ay nabuo sa ilalim ng dagat. Dahil sa pagbabanggaan ng mga land mass ay nabuo ang Sierra Madre Mountain Range at umangat ang dalawang bundok. Pinag-aaralan ito ng mga siyentipiko at dati daw ay may nakukuha pang fossils ng mga korales at sinaunang marine creatures doon. Historical monument din ito dahil dito matatagpuan ang Pamintinan Cave, ang kuweba kung saan nagkuta si Andres Bonifacio at mga Katipunero. May marka pa doon ng sulat ng mga rebolusyonaryo at nagpunit din ng cedula ang mga ito. !At higit sa lahat, nakakaakit ang natural na ganda nito. Gusto niyang marinig lang ang lagaslas ng agos ng tubig at damhin ang malamig na simoy ng hangin habang sa ulunan niya ay dumadaan ang mga ulap sa bughaw na langit.!Inabutan siya ni Jerwin ng juice. Mabuti na lang nakapunta ka ngayon. Sabi kasi ni Gay hindi ka daw pupunta.!Bumuga siya ng hangin. Ayaw akong pakawalan ni Papa. Gusto daw niyang mag-stay lang ako sa bahay kasi miss na miss na niya ako.

Pinakawalan lang niya ako kasi nakuha ko naman ang top one at nanalo pa ako sa journalism competition. Congratulations pala sa pagiging top two mo.!Salamat. Di ko nga inaasahan na magiging top two ako. Saka ito nagkamot ng ulo at nahihiyang ngumiti.!Siniko niya ito. Pa-humble ka pa. Konti na nga lang pwede mo na akong maabutan. Isang point lang naman ang lamang ko sa iyo.!Umiling ito. Hindi rin. Marami kang kayang gawin na malabo kong ma-accomplish. Sa palagay ko hindi ko kayang patumbahin ang mas senior sa akin pagdating sa Math. Kaya mo kasing makipagsabayan sa mga mas matatanda sa iyo sa competitions.!Nakikipagsapalaran lang din naman ako. Kung panalo, ayos lang. Kung matalo man ako, ayos lang din. At least sinubukan ko. Nilingon niya ito. Kumusta na pala kayo ni Josephine? tanong niya.!Wala. Magkaibigan na lang talaga kami. Gusto daw niyang mag-focus sa pag-aaral lalo nat nag-asawa bigla ang ate niya. Ganoon na din ako. Makakapaghintay naman ang pagkakaroon ng crush at panliligaw, sabi nito. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang hindi na nito iniintindi ang nangyari. !Ikinuyakoy niya ang paa. Tama ka naman diyan.!Kahit naman siya ay nawala na rin sa isip ang pagkakaroon niya ng crush dito. Naging abala din siya nang mga nagdaang linggo. Nakatuon ang atensiyon niya sa pagpapasa school projects at requirement pati na rin, mga exams. Pagkatapos ng exam ay ipinadala naman siya sa campus journalism competition. Nalulula na nga siya sa dami ng ginagawa niya. Pagkagaling sa competitions ay kailangan pa niyang habulin ang mga leksiyon na hindi niya napag-aralan habang wala siya. !Kaya naman gusto niyang mag-relax muna at makasama ang mga kaklase niya. Sa pagkakataong ito ay wala siyang iisipin na kompetisyon. Gusto lang niyang magsaya. Isang period din siyang nagpakahirap sa pag-aaral at nakamit niya ang pwestong minimithi niya. Ano ba naman ang kaunting pagrerelax? At ang masaya pa ay kasama niya si Jerwin. Pagbibigyan muna niya ang sarili na kiligin nang kaunti.!Luminga siya sa paligid at may hinanap ang mga mata niya na hindi niya makita. Kumpleto ba ang mga kaklase natin dito?!Wala si Bonifacio.

May CAT training daw siya.!Kumunot ang noo ni Maxine. Pero nandito naman sila Edmon at iba pang COCC at officer. Si Bonifacio lang ang wala. Bakit hindi na lang ito tumuloy?!Kilala mo si Bonifacio. Masyado niyang sineseryoso ang CAT training niya. Kung pwede nga lang huwag na siyang dumaan ng high school at tumuloy agad sa military school ay baka ginawa na niya. Siya nga daw ang next na corps commander.!Oo nga. Umulan man o bumagyo, sumusugod pa rin siya sa training. Pwede siyang tamaring pumasok sa klase natin pero hindi sa CAT training natin, aniyang di maiwasang ngumiti nang maalala kung gaano ito ka-passionate sa pangarap nito. !Okay na ba kayong dalawa?!Nagkibit-balikat siya. Okay lang.!Hindi na sila nagpapansinan na parang hindi nag-e-exist ang isat isa. Ayos lang iyon. Nasanay na rin siya. Hindi na rin siya nalulungkot. Hindi na rin siya nasasaktan. !Uy! Si Bonifacio! narinig niyang sigaw ni Ronald.!Nandito na si Supremo!

CHAPTER NINE Sinalubong si Bonifacio ng mga kaklase nila ni Maxine bago pa man ito nakababa sa batuhan. Nakasuot pa ito ng CAT uniform. Mabuti naman at nakahabol ito. Pero nag-init ang mga mata niya nang makita kung sino ang kasama nito si Feliz Anne. !Bonifacio! Mabuti nakarating ka, sabi ni Edmon. Naks! May kasama ka pang muse.!Maagang natapos ang training namin. Wala namang gagawin ngayon si Feliz Anne kaya sabi ko sumama na rin siya, paliwanag ni Bonifacio. Nakakapagod ang training namin ngayon kaya gusto naming mag-relax.!Ipakilala mo naman kami sa kasama mo, wika ni Ronald na kanina pa nagpapapungay ng mata kay Feliz Anne.!Pumalakpak si Bonifacio. Classmates, ipinakikilala ko sa inyo si Feliz Anne Monte. Feliz Anne, ipinakikilala ko sa iyo ang Two-Sampaguita.!Hi! Mga boys ang nagsuguran para kamayan ito. Napansin niya na mukhang nasiyahan naman si Feliz Anne sa pakikipagkamay sa mga ito at sa atensiyong nakukuha nito sa mga lalaki lalo nat nasasabihan itong maganda.!Hello, Feliz Anne! napipilitang bati niya dito.!Nahigit nito ang hininga nang makita siya. Oh! Nandito ka rin pala.!Siyempre kaklase rin naman nila ako. Class president ako kaya di ako mawawala dito, aniya at sarkastikong ngumiti. !Kasi ang alam ko nasa competition ka kasama sila Marcel, tukoy nito sa third year student na kaklase nito at kasama niya sa campus journalism competition.!Nakabalik na ako at dahil nanalo ako sa competition kaya naisip ko na mag-celebrate kasama ang mga kaklase ko, idiniin niya na sa kanilang dalawa ay ito ang outsider at hindi siya. Mag-enjoy ka sana sa outing namin. !Thank you, malambing nitong sabi.!Hindi niya makakalimutan ang pangiinsulto nito sa kanya at sa kakayahan niya. Pero tapos na iyon. Wala na siyang pakialam. Basta huwag lang itong gagawa ng kahit anong di niya magugustuhan. Wala silang magiging problema.!At si Bonifacio gaya ng dati ay magpapanggap na lang siya na hindi ito nag-e-exist.!Ayaw niyang masira ang araw niya kahit na nandoon ang mga ito. Kaya niyang i-tolerate si Bonifacio. Sanay

na siyang magkunwaring naroon ito sa paligid. Si Feliz Anne na lang ang gagawan niya ng paraan para di siya maapektuhan. !Bisita pa rin ito ni Bonifacio. Tinanggap ito bilang bisita ng buong klase nila. At bilang pangulo ng mga ito kahit man lang maging civil dito ay gagawin niya. Pwede naman niya itong iwasan kung naiirita siya dito.!"Nakakainis ang babaeng iyan. Kita mo sobrang arte. Masayang-masaya siya na pinagsisilbihan siya ng mga lalaki, nanghahaba ang ngusong sabi ni Bermoy habang kumakain ng tempura.!"At nagbaon pa ng swimsuit, puna ni Herbert na gigil na gigil sa hawak na stick ng barbeque. Hindi daw niya expected ang pagyayaya ni Bonifacio sa kanya pero sure ako na kagabi pa niya iyan pinagplanuhan. Baka nagtanong-tanong iyan at nalaman niyang may outing ang klase natin.!Sinong magsu-swimsuit dito sa ilog at bundok? Ganyan ba talaga kaharot ang mga tagaMaynila?" tanong ni Abraham na hanggang hairline na nito ang taas ng kilay.!Nilingon niya si Feliz Anne na nakaupo sa ibabaw ng batuhan. Pinalilibutan ito halos ng mga kalalakihan habang ang mga ito ay nakatanghod at nakikinig sa animated nitong kwento. Mistula itong diyosa na nakasuot ng black spandex one-piece swimsuit na may nakatapis lang na sarong at nakalugay ang mahaba nitong buhok.!Ikinukwento nito kung gaano kasosyal ang dating paaralang pinapasukan nito sa Maynila. Na dating may condo ang pamilya nito at may swimming pool pa. Amaze na amaze naman ang mga kaklases niya dahil sa TV at pelikula lang naman ang ganoong mga bagay. Mayayaman lang ang nagkakaswimming pool at walang condo building sa Rodriguez. Walang building na nagtataasan sa Rodriguez. At dadalawa lang ang resort na may swimming pool doon. Nagsara pa ang isa dahil nabankrupt.!"Hindi kayo makakakaing mabuti kung si Feliz Anne ang iintindihin ninyo. Hayaan ninyo siya na pagkaguluhan ng boys. Anong magagawa natin kung maganda siya at sexy?"!Third year high school pa lang ay maganda na ang hubog ng katawan nito. Ito ang itinanghal na Lakambini ng Wika sa kanilang paaralan noong Agosto. Kung tutuusin ay maswerte na si Bonifacio dito. Sa dinami-dami ng nagkakagusto kay Feliz Anne ay ito ang napili.

Ang alam niya ay maraming lalaking naiinggit dito.!"Bakit isinama siya ni Bonifacio dito? Hindi natin siya masosolo, reklamo ni Bermoy. !"Pati mga boys inagaw sa atin, sabi ni Herbert. Dapat exclusive lang itong picnic sa klase natin. Hindi ka ba naiinis sa kanya, Maxine?"!"Hindi." Hindi naman nilalapitan ni Feliz Anne si Jerwin. Abala si Jerwin sa pag-iihaw ng isda para sa ulam nila. Basta naka-distansiya si Feliz Anne sa kanya at kay Jerwin, wala silang problemang dalawa.!"Iyan pa tinanong mo. Robot ang isang iyan. Wala ngang crush, pakli ni Abraham. !"Hindi kaya girlfriend na ni Supremo si Feliz Anne? nang-iintrigang tanong ni Herbert. Kung makakapit kay Supremo wagas na wagas.!Sinabunutan ni Bermoy ang sarili. "Oh, hindi! Hindi ako papayag. Magpupunit ako ng cedula at susugod ako sa bruhang iyan. Sa akin lang si Supremo."!"Hayaan mo nang maging masaya si Bonifacio. Mabuti nga nakaka-move on na siya, kaswal niyang sabi.!Sa isang banda ay masaya naman siya na nagkaroon na ito ng katapat kay Feliz Anne. Bagamat hindi niya alam kung maibabalik pa ang pagkakaibigan nila, ang mahalaga naman ay masaya ito. Kahit paano ay hinihiling pa rin niya iyon para kay Bonifacio. !"Nakakamove on kanino?" tanong Abraham habang matamang nakatingin sa kanya. Subalit hindi lang ito ang naghihintay ng sagot mula sa kanya kundi maging sina Herbert at Bermoy.!Nakagat niya ang labi niya. Bakit ba nadulas ang dila niya? Buti na lang at hindi niya sinabing naka-move on mula sa kanya kundi ay lalo siyang puputaktihin ng mga tanong tanong na mahirap ipaliwanag ang kasagutan.!"Sa crush niya. Alam ko may gusto siyang babae pero iba naman ang gusto, mabilis niyang sinabi habang nakaiwas ang tingin.!"Sino ang babaeng iyon?" tanong ni Herbert na excited sa sagot.!"Hindi na niya nabanggit sa akin. Di naman ako interesado, aniya at nagkibit-balikat. Saka nakaraan na iyon. May Feliz Anne na siya ngayon.!Natutop ni Bermoy ang bibig. "Tingnan mo kung makayakap kay Bonifacio ganoon-ganoon na lang. Wala talagang kahihiyan."!Nakakunyapit si Feliz Anne kay Bonifacio habang nakasandig ang huli sa malalaking bato. Mukhang takot na takot si Feliz Anne habang naka-plastada ang katawan nito kay Bonifacio.

Pinakakalma naman ito ni Bonifacio at hindi ito binitawan.!Humalukipkip si Herbert. "If I know, marunong talagang lumangoy iyan. Nagkukunwari lang talaga siya na hindi marunong."!"Maligo na tayo. Bulabugin natin si Bonifacio at ang Feliz Anne na iyan. Mas maganda kung ilalayo natin sa kanya si Supremo. Wala naman siyang magagawa, hindi ba? Tatawagin ko pa ang ibang KKK na kasama natin, wika ni Bermoy.!Sama ka sa amin, yaya ni Herbert.!Sige. Kayo na lang. !At nagkanyakanyang pulasan ang mga ito para sa isasagawang plano. Si Abraham lang ang naiwang kasama niya para tumulong sa pagliligpit sa pinagkainan ng dalawa. !Ayaw niyang makisali sa gulo pagdating kay Bonifacio. Isa pa ay hindi naman siya marunong lumangoy. Hanggang dito lang siya sa pampang at manonood sa mga ito.!Hindi ka ba sasamang maligo sa kanila? tanong ni Jerwin na inilagay sa dahon ng saging ang naiihaw na barbeque.!"Hindi ako pinayagang mag-swimming ni Papa. Hindi ako marunong lumangoy."!"Huwag kang killjoy. Naku! Wala naman ang papa mo dito. Hindi niya malalaman. Madali namang matuyo ang mga damit mo, nandedemonyong sabi ni Abraham. !"Ako ang bahala sa iyo. Tuturuan kitang lumangoy. Kampay-kampay at sipa-sipa lang naman ang gagawin diyan, sabi ni Jerwin. Madali lang matutong lumangoy.!Umiling siya. "Ayoko. Natatakot ako."!"Naku! Sobrang killjoy mo talaga. Parang ayaw mo talaga kaming makasama, nagtatampong sabi ni Abraham at nagdabog. Ayoko na.!"H-Hindi. Magbibihis na ako ng pampaligo, sabi niya at kinuha ang bag niya.!Tumuloy siya sa kubo na palitan ng damit. Ang totoo ay may baon siyang T-shirt na pampaligo at shorts. Itinakas niya iyon sa kabila ng babala ng papa niya na hindi siya pwedeng maligo. Siguro dahil gusto talaga niyang maligo kahit pa tumutol ang papa niya. Dahil alam niyang gusto rin niyang samantalahin ang mga ganitong pagkakataon kung saan ang crush mismo niyang si Jerwin ang magtuturo sa kanya na lumangoy. Hindi na siya masyadong maalangan ngayon. Wala nang Josephine na nakapamagitan sa kanila.!Pakanta-kanta pa siya paglabas ng kubo nang masalubong niya si Bonifacio. Pareho

silang natigilan. Dapat ay lalagpasan na lang niya ito nang hindi ito pinapansin nang bigla itong magsalita. "Maliligo ka?"!"Oo naman, tipid niyang sagot. Obvious naman, di ba? Nagpalit siya ng damit na pampaligo. Alangan namang maglalaba siya.!"Marunong ka bang lumangoy?" tanong nito.!"Tuturuan daw ako ni Jerwin."!"Marunong bang lumangoy iyon? maangas na tanong nito. Baka nagpapasikat lang iyon."!Namaywang siya. "Akala ko ba wala kang pakialam sa akin? Hindi nga niya alam kung bakit siya nito kinakausap.!"Ikaw na nga ang inaalala ko. Hindi bastabasta ang ilog dito lalo nat hindi mo kabisado. Saka baka mamaya hindi naman alam ni Kulot ang ginagawa niya. Paano kung mapahamak ka?"!Pambihira! Panira talaga ito ng masayang sandali. Chance na nga niyang makapag-swimming lesson kasama si Jerwin ay kontrabida naman ito sa kaligayahan niya.!"Ka-date mo na lang ang alalahanin mo. Mukhang naiinip na si Feliz Anne, aniya at ngumuso kay Feliz Anne na nakasimangot habang nilalaro ng paa ang tubig.!"Salamat sa pagpapaalala na hindi kita dapat alalahanin at si Feliz Anne ang dapat kong intindihin, sarkastiko nitong sabi at tinalikuran siya.!Malalaki ang hakbang nito nang naglakad palayo. Binalikan nito si Feliz Anne na naghihintay dito sa batuhan. Ngayon ay pwede na siyang mag-focus sa pinakamasayang parte ng outing na iyon. Hindi talaga siya makapaniwala na si Jerwin pa mismo ang magtuturo sa kanyang lumangoy.!Handa ka na ba sa swimming lesson mo? tanong ni Jerwin nang alalayan siyang bumaba sa tubig.!Yes, Sir! wika niya. !Dati niyang kasamang maligo sa pool ang mga pinsan niya. Pero nang isa sa mga ito ang nag-trip na ihagis siya sa pool dahilan para muntik na siyang malunod ay hindi na siya umulit pa. Baka mamaya ay madisgrasya na naman siya. Kaya naman natatakot din ang papa niya na hayaan siyang basta-basta maligo lalo nat hindi naman daw resort ang Wawa Dam. It was a river. Walang lifeguard doon at ang ilog ay madalas manguha ng buhay ng tao. Taon-taon daw ay may namamatay doon.!May tiwala naman siya kay Jerwin. Nasa mababaw na parte lang naman sila ng ilog. Wala siyang dapat na ikatakot.!Pinilit niyang mag-focus sa itinuturo nito

sa kanya. Siyempre gusto naman niyang magpa-impress din dito. "Una, matuto ka muna kung paano lumubog. Tapos hihinga ka sa ilalim ng tubig. Saka ka magba-bubbles." Lumubog ito sa tubig at saka doon nagpakawala ng hangin kaya naman nagkaroon ng bubbles dahil sa hininga nito.!Mukhang madali lang iyan, sabi niya at nag-ipon ng hininga. Lumubog siya sa tubig at saka doon niya pinakawalan ang hangin. Parang bata lang siyang naglalaro. Okay na? tanong niya.!Oo. Magagamit mo iyan kapag kailangan mong lumangoy sa tubig, paliwanag ito. Next lesson. Matuto kang pumadyak. Flutter kick. Humawak ka sa bato at ipadyak mo ang paa mo. Kailangan salitan ng taas at baba. Ganito."!Humawak ito sa mababang bato. Idikit mo ang siko mo saka ka pumadyak. Kailangang masanay ka sa tamang pagpadyak sa tubig.!"Kaya ko iyan. Madali lang naman."!"Susunod naman ang pagkampay. Subukan mong makarating sa akin. Kakampay ka at ipapadyak mo ang paa mo. Ganito ang gagawin mo." Napangiwi siya habang pinapanood ito. Parang paglangoy na iyon. Umahon ito sa tubig. Dito mo na rin isasama ang lesson tungkol sa pagpipigil ng hininga. Subukan mo.!"Pero paano kung lumubog ako?" kinakabahan niyang tanong.!"Hindi ka lulubog basta ikampay mo lang at ipadyak ang paa mo. Tapos relax ka lang. Tipirin mo ang hininga mo. Huwag kung anu-ano ang iisipin mo basta kampay, padyak at buga lang ang iisipin mo."!Sinubukan niyang gawin ang ipinakita ni Jerwin. Subalit nakakailang kampay pa lang siya at padyak ay umaahon na agad siya dahil nauubusan siya ng hangin at pakiramdam niya ay lumulubog siya. Na hindi naman siya umuusad. !"Lumulubog ako, singhap niya at ihinilamos ang palad sa mukha. !"Nagpa-panic ka kasi agad. Ulitin mo na lang."!Natigil ang training nila nang tawagin ito ni Ronald na nakauklo sa may batuhan sa ibabaw nila. "Uy, Jerwin! Doon tayo sa kabilang pampang. Doon pala ang daan papunta sa kuweba. Pumasok tayo."!"Mukhang okay doon. Hindi pa ako nakakapasok doon. Kumaway si Jerwin sa kanya. Halika, Maxine! Sumama tayo sa kanila."!Naestatwa siya sa kinatatayuan. "Hindi tayo pwedeng basta-basta na lang pumasok doon. Hindi natin kabisado ang

lugar."!"Kasama natin ang kuya ni Woody. Guide siya sa kuweba. Sasamahan daw niya tayo, paliwanag naman ni Ronald. Minsan lang ito at libre pa. Baka sa ibang pagkakataon may bayad na.!Hindi ba gusto mo sa historical sites? tanong ni Jerwin sa kanya. Hindi lang magiging simpleng outing ito.!Naisip niya ang bilin ng papa niya. Huwag siyang mag-swimming. Huwag siyang pupunta sa dam. At kahit di nito sinabi sa kanya, hindi rin siya nito pinapayagang pumasok sa kuweba. Noon ngang magkasama silang pumunta doon ay ayaw nitong pumasok ng kuweba kahit pa kasama siya. Ngayon pa kaya na wala ito?!Pero pakiramdam niya ay malaya siya ngayon. Kasing laya ng mga ibon sa himpapawid. Lahat ay pwede niyang gawin. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na kasama si Jerwin. Sayang naman kung hindi niya mae-enjoy ang outing na iyon. !"Sige. Aahon na ako, wika niya.!"Bakit ka aahon?" tanong ni Ronald.!"Tatawid tayo sa tulay na kawayan, di ba?" maang na tanong niya.!"Malayo pa iyon. Nasa kabila pa ang tulay na kawayan. Mas masaya kung dito tayo sa ilog mismo tatawid para may adventure, sabi nito.!Tiningnan niya ang rumaragasang ilog. May dalawampung metro din ang kailangan niyang tawirin papunta sa kabila. At alam niyang hindi mababaw ang tubig. !Nakita niya ang ibang kaklase niya na tinatawid ang tubig kahit na may kalakasan ang agos. May nakahawak sa salbabida at naghihiyawan na animoy nakasakay sa isang ride sa Enchanted Kingdom. Hindi yata iyon kaya ng puso niya.!Ayoko nga. Hindi nga ako marunong lumangoy. Doon na lang ako sa kabilang kawayan. Kahit na malayo ang tatawiran sa tulay na kawayan at least safe.!Kakapit naman tayo sa salbabida, sabi ni Ronald. !Wala. Killjoy talaga iyan, pakli ni Janice.!Naku! Hayaan mo siyang maburo at maiwan diyan para magbantay ng gamit natin. Ganoon ang bagay sa mga boring, wika ni Lanie.!Daig ka ni Gay. Nagawa niyang tumawid sa kabila, sabi ni Nomerlito.!At nagulat na lang siya nang makita si Gay sa gitna ng ilog habang sumisigaw at nakakapit sa salbabidang hinihinila sa kabilang pampang. Mukhang hindi ito natatakot base sa sigaw nito kundi nag-e-enjoy.!"Oo nga. Mas takot pa nga siya sa akin sa

tubig, namamangha niyang usal.!Kaya sila magkasundo ni Gay ay dahil pareho silang takot sa tubig. Paano ito nakatawid sa kabila at mukhang nag-e-enjoy pa nga ito? !"Nakahawak naman siya sa salbabida at hindi siya lumalangoy mag-isa, paliwanag ni Jerwin. Saka niya nakita ang crush nito na kasama nitong nakahawak sa salbabida. Kaya naman pala wala itong katakot-takot. Sa ngalan ng pag-ibig ang drama nito. !Basta kakapit ka lang sa salbabida at hindi ka bibitaw. Kasama mo naman ako, sabi ni Jerwin at nakangiting inilahad ang kamay sa kanya. Ano? Sasama ka ba?!"Sige, aniya at hinawakan ang kamay nito. !Nag-freeze ang ngiti niya nang hawakan ni Jerwin ang kamay niya. Wala ang kuryenteng inaasahan niya na mararamdaman kapag naghawak ang kamay nila. Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng guilt nang hawakan ni Jerwin ang kamay niya. Hindi tulad noon na lagi siyang excited. !Nagtama ang tingin nila ni Bonifacio na nasa ibabaw ng bato. Matiim ang titig nito sa kanya. Kaya ba siya nagiguilty ay dahil gusto siya nito at nasasaktan ito na makita siya na kasama si Jerwin?!Kumapit sa braso nito si Feliz Anne at humilig. "Boni, pumasok din tayo sa cave. Gusto kong humawak sa salbabida."!"Hindi kita itatawid sa ilog. Hindi ka marunong lumangoy, mariing wika ni Bonifacio.!Nanghaba ang nguso ni Feliz Anne. "Ilan din naman sa kaklase mo ang hindi marunong lumangoy."!"Hindi pwedeng makipagsapalaran sa ilog. Laging may kinukuhang buhay dito."!"Ng ano? Ng sirena? Ng siyokoy? Ng engkanto? You are so promdi. Sa Manila wala nang naniniwala sa mga ganyan, natatawang sabi ni Feliz Anne.!Nanatiling matigas ang anyo nito. "Nasa Rodriguez ka at wala sa Maynila. Wala akong pakialam sa modernong paniniwala sa Maynila. Hangga't ako ang kasama mo, hindi kita hahayaan na malagay sa alanganin kaya kailangan sumunod ka rin sa akin. Doon tayo sa kawayang tulay tatawid."!Ihinilig ni Feliz Anne ang ulo sa balikat nito. "Ang sweet mo talaga! Iniisip mo lagi ang welfare ko."!Biglang natauhan si Maxine. Hindi na siya ang gusto ni Bonifacio. Hindi na rin siya ang inaalagaan nito. Kung ito ang kasama niya ngayon ay tiyak na hindi siya nito hahayaang tumawid ng ilog. Poprotektahan siya nito

at hindi siya hahayaang mapahamak!Pero hindi na ngayon. Ibang babae na ang kasama nito. At di niya gaya na pakikipagkaibigan lang ang kayang ibigay, higit pa doon ang maibibigay ni Feliz Anne. !Dapat ay maging masaya siya para dito. Pero bakit hindi siya komportable sa ideya na ang mga ito na ang magkasama.!Dahil ba naiinis siya kay Feliz Anne? Naiinis din naman siya kay Bonifacio. Bagay lang na magsama ang mga ito. !"Halika na," sabi ni Jerwin habang nakangiting pinahawak siya sa salbabida.!Inalis na niya sina Bonifacio at Feliz Anne sa isipan niya. Itinuon niya ang pansin sa hamong nakatakda niyang harapin. Tatawirin niya ang rumaragasang ilog. Kasama pa niya si Jerwin sa adventure na ito. Matapos niyang tawirin ang ilog at pasukin ang Pamitinan Cave, wala nang magsasabi na bano siya o killjoy. Kasama na rin siya sa mga astig. Hindi na rin siya basta-basta matatakot sa kahit na anong hamon.!Ang salbabida niya ay nakatali sa lubid na hihilahin sa kabilang pampang. Ang kaklase nilang si Woody ang nakahawak sa salbabida at aalalay sa kanila upang tumawid sa kabilang bahagi ng ilog.!Kinakabahan ka ba? tanong ni Jerwin sa kanya.!Ngumiti siya dito. Hindi mo naman ako pababayaan, di ba? Hindi ako kinakabahan.!Okay. Ready, set!Kumapit kang mabuti, bilin ni Jerwin sa kanya.!Go! sigaw ng nasa kabilang pampang at sinimulan silang hilahin. Narinig niya ang hiyawan ng mga kaklase nila ang mga nasa pampang na iniwan nila at sa kabilang bahagi ng ilog kasama na si Gay. Kuntodo ang pagtsicheer nito sa kanya. !Wow! Ang saya! sigaw niya habang gumegewang ang salbabida dahil sa nasasalubong nilang alon. !It was like a wild ride at the amusement park. No. Better than that. Ganito pala ang pakiramdam kapag hinaharap niya ang hamon ng kalikasan. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakaya niyang talunin ang mga bagay na kinatatakutan niya. Tama. Astig na astig ang pakiramdam. !Noon ay hindi niya naiintindihan kung para saan ang thrill ng ibat ibang klaseng adventure. Masaya na siyang basahin ang adventures ng ibang mga tao sa libro. Kung bakit nagbubuwis ng buhay ang iba para lang sa adrenaline rush. !Pakiramdam niya ay kaya na niyang gawin ang kahit na ano.

Wala na siyang dapat na katakutan. Nang mga oras na iyon ay parang isa siyang matapang na diwata ng digmaan. Na patungo siya sa isang labanan kasama ang kanyang... nilingon niya si Jerwin na itinaas pa ang isang kamay saka sumigaw kasama niya ang kanyang prinsipe.!Nasa isang malaking adventure siya. !Subalit hindi rin ganoon kadali na tumawid sa ilog. May bahagi ng ilog na malakas ang agos o tinatawag na rapids. Sinalpok ng alon ang salbabida nila. Pakiramdam niya ay bumangga ang katawan niya sa isang dambuhala at muntik na siyang makabitaw.!Oh! usal niya.!Kumapit kayong mabuti! narinig niyang sigaw ni Woody.!Panibagong agos na naman ang rumagasa sa kanila. Hinigpitan niya ang kapit subalit naramdaman niya na nangangalay na siya at nauubusan ng lakas. K ! apit lang. Kapit lang. !Nakita ni Maxine ang pampang. Parang ilang kampay na lang ang layo niyon. Oras na matawid nila iyon ay okay na ang lahat. Hindi siya pwedeng mapagod ngayon. Konti na lang.!Subalit panibagong alon na naman ang humampas sa salbabida na halos magpataob dito. Nawalan siya ng balanse at nakabitaw siya sa pagkakahawak. !Nanlaki ang mata niya nang may malakas na pwersang tumangay at humila sa kanya palayo sa salbabida. Hindi niya alam kung alin doon. Ginapangan siya ng takot. Wala siyang nakikita at nararamdaman kahit saan kundi tubig at mga bato.!Lumubog-lumitaw siya sa tubig. Kumampay siya. Sinubukan niyang sundin ang tamang paraan ng paglangoy. Pero walang umepekto. Palayo pa rin siya ng palayo sa salbabida at wala siyang kalakas-lakas na labanan ang agos.

"Jerwin! Jerwin, tulungan mo ako!"


! ! ! ! ! !

CHAPTER TEN Puno ng pagmamakaawa at takot ang sigaw ni Maxine. Inunat niya ang kamay niya kay Jerwin, umaasa siya na iuunat din nito ang kamay para sagipin siya. O kaya ay bibitaw ito sa salbabida para daluhan siya. Ito ang nagturo sa kanyang lumangoy. Marunong itong lumangoy. Sasagipin siya nito gaya ng ginagawa ng mga bidang lalaki sa mga bidang lalaki sa romance novels o kaya ay sa pelikula. Ito ang hero niya.!Subalit nanlalaki lang ang mata nito na puno ng gulat at takot habang nakatingin ito sa kanya at nakahawak sa salbabida. Animoy naestatwa na lang ito sa takot. Nakatitig lang din sa kanya ang ibang mga kaklase niya. Nagsisigawan ang mga ito pero wala namang tumalon para isalba siya. !Bumagsak ang puso niya. Nawalan na siya ng pag-asa na may magliligtas sa kanya. Nakita niya ang higanteng bundok sa harapan niya. Ang puting ulap na naglalakbay sa asul na langit. Napakabagal ng paglakad ng mga bagay sa paligid niya. Payapa ito. Taliwas sa rumaragasang ilog na parang nilalamon siya. Sa likuran niya ay ang dambuhalang mga bago na nagbabantang sumalubong sa kanya. Wala siyang susulingan. !Ito na ba ang katapusan niya? Ito marahil ang kabayaran ng kanyang kapusukan. Masyado siyang nagpadala sa udyok ng ibang tao. Akala niya ay kaya niya ang lahat. Akala niya ay astig na sumuway sa magulang niya. Hindi respeto ang nakuha niya ngayon kundi kapahamakanat katapusan.!Nakita niyang dumaan ang buhay niya sa harapan niya. Hindi na niya matutupad ang pangarap niya kapag nawala siya sa mundo. Hindi na siya magiging reporter. Naisip niya ang mga magulang niya. Umaasa ang mga ito ngayon na ligtas siya at sinusunod ang utos ng mga ito na huwag maligo. Subalit sinaway niya ang mga ito. Ngayon ay napahamak siya.!Nakarinig siya ng labusaw ng tubig. Nakita niyang may masigasig na kumakampay sa tubig papunta sa kanya. Ilang beses kumurap ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na pagangat ng ulo mula sa tubig. !Si Bonifacio.!Ililigtas ba siya nito? Delikado ang tubig. Sinabi nito na kanina na mapanganib na basta-

basta hamunin ang ilog na iyon dahil nangunguha ito ng buhay. Pero handa ba itong isuong ang sariling buhay para sa kanya?!His body sliced through the raging water. Animoy hindi nito alintana ang panganib. Nararamdaman niyang iniikot-ikot na siya ng tubig pero pinilit niyang kumampay paitaas para manatiling nakalutang. !Maya maya pa ay nakalapit ito sa kanya. Iabot mo sa akin ang kamay mo."!Sinubukan ni Maxine na iunat ang kamay niya. "H-Hindi ko kaya."!"Kaya mo iyan! mariin niyang wika. !Tatlong salita lang iyon pero marami nang kahulugan. Na kailangan niyang lumaban para mabuhay. Na hindi niya dapat pagdudahan ang sarili niyang kakayahan. Kailangan niyang gawin ang lahat para makaligtas dahil ginagawa nito ang lahat para iligtas siya.!Inubos niya ang lahat ng lakas niya. Inunat niya ang kamay niya hanggat kaya niya. Kakayanin niya dahil gusto niyang mabuhay. Gusto pa niyang matupad ang mga pangarap n iya. Gusto pa niyang makasama ang mga taong mahal niya sa buhay. !Nahawakan nito ang kamay niya at hinila siya palapit. "Ligtas ka na."!Ikinawit nito ang braso sa leeg niya. Iyon lang at parang naubos na ang lakas niya. Ang alam lang niya ay buhay siya. Hinayaan niya itong mamaybay sila sa gilid ng mga batuhan hanggang makarating sila sa pampang. !Nagpalakpakan ang mga kaklase nilang nanonood sa ilog nang sa wakas ay makaahon na sila ni Bonifacio. "Bonifacio, ayos ka lang?" tanong ni Feliz Anne na mabilis na lumapit kay Bonifacio. May masakit ba sa iyo?!Feliz Anne, hindi ako ang muntik nang malunod kundi si Maxine, angil ni Bonifacio. "Kumuha ka ng tuwalya."!Nanginginig ang tuhod niya at napaupo na lang siya sa batuhan. Pakiramdam niya ay di na niya kayang gumalaw. Naroon din ang takot na kanina lang ay muntik nang bawiin ng ilog ang buhay niya. Nanginginig siya sa lamig. !Pinisil ni Bonifacio ang kamay niya. Ligtas ka na. Hinaplos nito ang buhok niya. Wala ka nang dapat ipag-alala.!Nanginig ang labi niya at bumulalas ng iyak. Tapos na ang animoy masamang panaginip. Ligtas na siya. Nakita niya ang maamong mata ng tagapagligtas niya. Niyakap niya si Bonifacio. "Salamat. Maraming salamat. Akala ko

mamamatay na ako. Sobrang lakas ng agos. Hindi ko kayang lumaban kahit anong kampay ko. Pinilit ko naman talagang lumangoy pero hindi ko kaya."!Hinaplos nito ang likod niya. "Huwag ka nang umiyak. Ligtas ka na."!She felt safe in his arms. Ang parehong bisig na laging nagliligtas sa kanya kapag nasa panganib siya. Pamilyar na init ang naramdaman niya habang yakap ito. !Bukod sa nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan at nagkaroon ng pangalawang buhay, pakiramdam niya ay bumalik din ang kaibigan niyang nawala sa kanya. Bumalik din si Bonifacio sa buhay niya. Mahalaga pa rin siya dito dahil kahit ayaw na siya nitong maging kaibigan ay iniligtas pa rin siya nito. Malaking bagay iyon sa kanya. !Maxine! Maxine! narinig niyang tawag ni Bonifacio sa kanya. Nakita niyang umaahon ng ilog si Jerwin at hingal na hingal. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Bonifacio. Umuklo si Jerwin sa harap niya at ginagap ang kamay niya. "Maxine, pasensiya ka na. Kasalanan ko ang nangyari. I am sorry.!"Mabuti naman inamin mo na kasalanan mo ang nangyari, anang si Bonifacio at marahang tumayo sa harap nila. Bakas ang matinding galit sa mukha nito at sinurot si Jerwin. Ikaw ang nagyaya sa kanya na pumunta sa kuweba. Ikaw pa nga ang nagturo sa kanya na lumangoy. Tapos tinitigan mo lang siya nang tinangay siya ng agos.Wala ka man lang ginawa. Nasaan na ang ipinagyayabang mong galing sa paglangoy? Puro porma lang? Wala kang silbi kung kailan kailangan."!"Nagulat ako. Natakot ako, anito at naramdaman niya ang panginginig ng kamay nito. Inaamin ko na kasalanan ko. Hindi ko siya naprotektahan."!Nalungkot si Maxine para kay Jerwin. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang takot nito. Ang totoo ay dismayado siya dahil hindi siya nito iniligtas. Pero wala naman sila sa romance novel o sa pelikula. Dahil sa totoong buhay, kahit na sino babae man o lalaki- ay di agad makakagalaw sa ganoong sitwasyon. !Pilit siyang ngumiti at pinisil ang kamay nito. "Hindi mo kasalanan iyon. Aksidente ang nangyari, aniya para pagaanin ang loob nito.!"Ano? Wala siyang kasalanan. Sinapo ni Bonifacio ang noo at napailing. Siya ang nagyaya sa iyo na pumunta sa

kabila. Tuturu-turuan kang lumangoy pero hindi ka naman pala kayang sagipin kapag nalulunod ka. Tapos dedepensahan mo pa."!"Kasalanan ko rin iyon dahil pumayag akong tumawid, pagako niya. Naging pangahas siya. Masyado siyang nagtiwala sa lakas ng loob niya. Sumuway siya sa magulang niya kaya ito ang naging resulta. Nagkataon lang na si Jerwin ang kasama niya pero maaring nangyari ito para matuto siya ng leksiyon sa buhay.!"Tama. Kasalanan ninyo! At silang dalawa na ni Jerwin ang dinuro ni Bonifacio. Parang bulkan ito na sumasabog nang mga oras na iyon. Galit na galit ito. Halos umalingawngaw ang boses nito sa kabundukan. Naturingang president at vice president at first and second honor ng klase pero hindi ninyo ginagamit ang utak ninyo. Hindi kayo nag-iisip. Natuon ang mga mata nito sa kanya. Paano kung wala ako doon para sagipin ka? Tititigan ka lang ni Jerwin. Walang sasagip sa iyo. Pareho kayong iresponsable. At magiging kasalanan ng buong klase ito. Parepareho tayong madadamay. Mamamatay ka na lang si Jerwin pa rin ang iniintindi mo. Wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo kahit nakakasakit ka na."!Pakiramdam ni Maxine ay nawasak na naman ang tulay na nagdudugtong sa kanila ni Bonifacio. Nasaktan na naman niya ito kahit hindi niya intensiyon. Nasaktan na naman niya ito dahil si Jerwin ang inalala niya. Si Jerwin na naman ang pinili niya. !Yumuko na lang siya habang tinatanggap ang masasakit na salita nito. Pakiramdam niya ay hinahagupit ng latigo ang puso niya. Iniligtas nito ang buhay niya pero bilang kapalit ay pinasama na naman niya ang loob nito. At tama ito. Hindi lang siya ang mapapahamak sa nangyari kanina kundi ang buong klase nila. Lahat ng mga kaklase niya ay masisisi.!"Oo na. Mali ako. Lagi na lang akong mali. Wala namang tama sa iyo, aniyang di mapigilang mapaiyak. !"Kung alam ko lang na ganyan ang takbo ng utak mo, sana..."!Tiningala niya ito. "Hindi mo na lang ako sinagip?" magkasamang hinanakit at takot ang nakapaloob sa tanong niya. Ganoon ba iyon? Dahil sa sama ng loob nito ay mas gusto nitong mawala na lang siya sa mundo? Nagsisisi ba ito sa pagsagip sa kanya.!"Boni, tama na iyan! saway

ni Gay at niyakap siya. Nanginginig na si Maxine. Muntik na siyang mamatay. Takot na takot nga siya. Tapos kung anu-ano ang sinasabi mo sa kanya. Hindi ka na naawa. Hindi dahil ikaw ang nagligtas sa kanya ay pwede mo nang sabihin ang kung anu-ano sa kanya. Ano ka ba?!"Boni, hayaan mo na sila, sabi ni Feliz Anne at hinila ito palayo. !Hinayaan na lang ni Bonifacio na akayin ito ni Feliz Anne palayo. Siya naman ay pinagtulungang tumayo nila nila Gay at Jerwin.!Heto ang tuwalya ni Maxine, sabi ni Edilyn. Pasensiya na hindi ako agad makalapit kanina. Parang mangangagat kasi si Bonifacio.!S-Salamat, aniyang nangangatog na sa lamig. Mas malamig kapag umahon na sa tubig dahil sa hangin.!Magbihis ka na muna. Kukuhanin ko na ang bag mo at ang mga damit mo? tanong ni Hazel.!Tumango siya. Salamat.!Pakisunod na lang sa bihisan, Hazel, sabi ni Gay habang inaakay siya sa bihisan. HINDI makapaniwala si Maxine na parang normal lang ang lahat sa mundo paglabas niya ng bihisan pero marami nang nagbago. Nang makapagbihis na siya ay umupo na lang siya sa may kubo. Patuloy pa rin sa paliligo ang ibang kaklase nila. Pero hindi gaya kanina na pangahas ang ginagawa ng mga ito, nagkasya na lang ang mga ito sa pagkanta-kanta at sa pagkain. Si Jerwin ay nakikipagkwentuhan na lang sa isa nilang kaklaseng si Jamilla na nakatira malapit doon. Sina Bonifacio naman at Feliz Anne ay umalis daw para bumili ng banana cue.!"Ano? Ayos ka na ba? tanong ni Gay at inabutan siya ng tubig.!Huminga siya ng malalim. Oo. Pwede ba huwag mo na lang sabihin kay Mama at Papa ang nangyari? Tiyak na mapapagalitan nila ako. Yumuko siya. Sigurado ako na hindi na nila ako papayagan na basta-basta umalis. Baka pati ang mga out-of-town competitions ko madamay din.!Siyempre oras na sabihin ko sa kanila ang nangyari, mapapagalitan din ako. Ako ang pasimuno. Mas nauna akong tumawid sa iyo. Grounded din tiyak ako sa parents ko. Sana di ka na nagpapilit na tumawid doon, sermon nito sa kanya.!"Ayoko lang namang may masabi silang di maganda sa akin. Mahirap din

kasi na palagi na lang akong out of place sa mga kaklase natin. Minsan gusto ko rin namang maging sa isa sa kanila.!Nagsisisi talaga siya sa pagiging padalos-dalos niya. Sana ay sumunod na lang siya. Sana ay hindi na lang siya nagpadala sa pambubuyo sa kanya. Sa kagustuhan niyang huwag masabihan ng killjoy ng mga kaklase niya ay sumunod na lang siya sa agos. Aanhin pa niya ang pagtanggap ng mga ito kapag patay na siya?!"Sa isang banda tama naman si Bonifacio. Si Jerwin pa rin inaalala mo. Alam mo naman na sensitive iyon pagdating sa ganoon. Pasalamat ka na lang na buhay ka pa at iniligtas ka niya. Paano kung natuluyan ka? Tiyak na kay Jerwin ang sisi ng lahat. Napaka-tragic ng ending ng love story ninyo. Mabuti na lang ako may happy ending.!Kayo ni Marvin? tanong niya.!Humagikgik ito. Hindi naman siya ang crush ko kundi ang pinsan niya sa Roosevelt na nasa kabilang cottage. Mas guwapo iyon. Kaya nga tumawid ako ng ilog kanina dahil sasama daw sa atin na mag-caving, tukoy nito sa isa pang pribadong paaralan na mahigpit na kalaban ng St. Jerome Academy. At ilalakad ko naman siya sa kapitbahay natin na crush niya. Okay lang bang iwan kita dito sandali? Ipapakilala daw ako ni Marvin.!Sige, aniya at pinanood na lang ito nang lapitan si Marvin at magkasama ang mga ito na pumunta sa kabilang cottage.!Mabuti pa ito enjoy na enjoy sa outing na iyon at nakukuha pa nitong magpa-cute sa crush nito. Habang siya ay humupa ang interes niya sa kahit na ano - kahit kay Jerwin. Sa kagustuhan niyang mapalapit dito kaya di na siya nakapag-isip ng tuwid. Gusto pa rin niya si Jerwin pero hindi na siya magpapadalos-dalos ng kilos sa susunod.!Bigla na lang sumulpot ang isang banana cue sa harap niya. Banana cue? !Gulat niyang tiningala si Bonifacio at ang inaalok nitong banana cue. Nakakatakam iyon. Maliliit lang ang saging pero mukhang malambot at namumutiktik sa arnibal. Ganoong klase ang luto na gusto niya. Kinuha niya iyon. Maraming salamat.!Naisip ko na baka gutom ka sa kalalangoy mo kanina, anito at nanatiling nakatayo habang nakasandal sa haliging kawayan ng open cottage. Kinakausap siya nito pero parang iwas ang tingin nito sa kanya. Sorry kung nagalit ako

kanina. Ikaw kasi..."!"Oo na. Kasalanan ko na. Kahit na ano pang isisi mo sa akin tatanggapin ko na. Ano pang kasalanan ko? Na ako ang dahilan bakit binaril si Rizal sa Luneta? Ako ang nagtaksil sa Katipunan? Oo na. Kasalanan ko na lahat, sabi niya.!"Hindi na ako galit, anito sa seryosong boses.!"Talaga?" hindi naniniwala niyang tanong.!Ipinadyak nito ang paa. "Oo sabi! Huwag kang makulit. Binigyan na nga kita ng banana cue, ayaw mo pa ring maniwala na hindi na ako galit."!"Mukhang galit ka pa rin. Ngumiti ka na. Guwapo ka kapag nakangiti, sabi niya at binigyan ito ng nanunuksong ngiti. Alam naman niya na weakness nito kapag tinatawag ito na guwapo.!Gulat siya nitong nilingon. "Anong sabi mo? Guwapo ako?"!Hinampas niya ang kawayang upuan kung saan siya nakaupo. "Uy! Pumapalakpak ang tainga. Naks! Nakikita ang dimples mo."!Ngumiti ito pero mabilis ding pinigilan. "Inuuto mo na lang ako, sabi nito at saka umirap. Kainin mo na ang banana cue mo. Dadalhin ko pa itong ibang banana cue sa iba.!Tumayo si Maxine at pinigilan ang braso nito. Boni, salamat.!Sa banana cue? Walang anuman.!Hindi. Sa pagliligtas sa akin. Malaking bagay talaga sa akin ang ginawa mo. Kung wala ka, baka wala na rin ako sa mundo ngayon. Sa pangalawang buhay ko, sana magkaayos na tayo. Bati na tayo please?!Tiningnan siya nito at saka bumaba ang tingin sa braso nitong hawak niya. Pag-iisipan ko muna.!Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito. Hindi ka pwedeng umalis dito hanggat hindi mo sinasabi na bati na tayo. Na napapatawad mo na ako.!Bumuntong-hininga ito. Ang kulit. Pag-usapan na lang natin sa susunod.!Hindi. Ngayon na. Bati na tayo.!Natigil ang pangungulit niya dito nang marinig niyang may tumatawag sa pangalan nito. Boni! Boni! Nakita nila si Jeron na hangos na bumababa ng mga batuhan. Dali-dali itong sinalubong ni Bonifacio. Itinukod ni Jeron ang kamay sa tuhod habang humihingal. "Boni! Kailangan mo nang umuwi ngayon.!Bakit? Anong nangyari? tanong ni Bonifacio.!Ang tatay mo nabaril daw sa sagupaan ng mga rebelde at sundalo sa Quezon. Kritikal daw ang kondisyon."!"Ano?" bulalas ni Bonifacio at nabitiwan nito ang hawak na banana cue.

CHAPTER ELEVEN Lunes na naman. Balik na naman sa normal ang buhay ni Maxine. Matapos ang masalimuot na outing nila sa Wawa Dam ay seryoso na ulit ang lahat sa mga gawain sa eskwelahan. Panibagong grading na naman at panibagong kompetisyon. Natantiya na ang kakayahan ng isat isa. She emerged on top. Pero para sa second grading ay back to zero na naman ang lahat.!Napag-uusapan pa rin ang masayang bahagi ng outing nila. Nang dumating nga siya kanina ay kanya-kanyang tuksuhan sa mga nabuong love team noong outing gaya nina Jocelyn at Romeo. Kung dati ay nagbabangayan ang mga ito, ngayon ay magkatabi na sa u upuan at sweet na sweet.!Wala nang bumanggit pa sa muntik niyang pagkalunod. Sekreto iyon ng klase nila. Walang pwedeng makalabas na impormasyon o pare-pareho silang malilintikan. Maghihigpit sa kanila di lang mga magulang nila kundi pati ang mga teachers. Mukhang lahat naman sila ay natuto ng leksiyon mula doon. Mas mabuti nang maingat kaysa mapahamak. !Mas usap-usapan ang biglaang pag-uwi nila dahil sa disgrasyang nangyari sa ama ni Bonifacio. Palinga-linga siya sa bakanteng upuan ni Bonifacio habang tinatalakay ni Mr. Barca ang tungkol sa ibat ibang uri ng bacteria at ang epekto nito sa mga tao.!"Huy! Anong nililingon-lingon mo diyan?" untag ni Gay sa kanya at tinampal siya sa braso niya para makuha ang atensiyon niya.!Napapitlag siya at nilingon ito. "Hindi kasi pumasok si Bonifacio ngayon."!"Baka nagbabantay sa ospital. Siyempre nabaril ang tatay niya. Hindi biro ang ganyang mga sagupaan. Sabi ni Papa nasa bundok daw ang ganyang mga operasyon at malayo sa sibilisasyon. Walang ospital na malapit. Kinilabutan nga ako nang malaman ko ang nangyari. Naalala ko nang mabaril si Papa sa tagiliran matapos makipag-barilan sa mga holdaper ng bangko. Iyan pa kaya na kritikal ang kondisyon ng papa ni Bonifacio.!"Dasal nga ako ng dasal mula noong Sabado na sana naman maging okay ang tatay ni Boni. Nakakaawa kasi ang itsura

ni Bonifacio kapag naiisip ko.!Hindi halos makausap si Bonifacio nang pauwi na sila. Ang alam niya ay pupunta ito kasama ang pamilya nito sa military hospital kung saan naka-confine ang ama nito. Kahit si Feliz Anne ay dismayado dahil di ito makausap nang pabalik na sila sa bayan. Parang gustong maiyak ni Bonifacio minsan pero pinipigilan nito ang luha. Alam niya na gusto nitong maging matatag para sa ama nito.!"Ganoon talaga kapag nag-asawa ng pulis o sundalo. Isang paa mo ang nasa hukay. Noong bata nga ako nag-aaway si Mama at Papa dahil delikado ang buhay ng pulis. Mahirap ngang magsilbi sa bayan. Maliit na nga ang sweldo, nasa peligro pa ang buhay," paliwanag ni Gay.!Bumuntong-hininga siya. "Kumustahin na lang siguro natin kay Jeron mamaya ang kondisyon ng tatay ni Bonifacio."!Subalit hindi na kailangan pang tanungin si Jeron dahil ito mismo ang lumapit sa kanila sa canteen nang recess na. "Nabalitaan na ba ninyo? Patay na ang tatay ni Bonifacio."!Ano? bulalas niya at nagkatinginan sila ni Gay. Patay na?!Oo. Kaninang madaling-araw lang. Sa baga kasi ang tama kaya bumigay na ang baga. Meron ding tama sa sikmura. Kaya nga nang dumaan ako kanina umiiyak si Ate Lisa. Ibinilin niya na sabihin ko sa mga teacher natin at sa mga kaklase nila ang nangyari.!Si Bonifacio kumusta na? tanong niya. !Hindi ko pa nakakausap pero noong papunta pa lang sa ospital malungkot na siya. Nasa ospital pa daw sila at inaasikaso ang katawan ng tatay niya.!"Kawawa naman siya. Mahirap mawalan ng tatay lalo naman kapag nasa serbisyo at ginagawang mabuti ang trabaho, anang si Gay na mangiyak-ngiyak na nang pabalik na sila sa kuwarto nila. Lagi itong emosyonal kapag may kamag-anak ng pulis at military na nababalitaan nitong namamatay dahil pulis din ang tatay nito. !"Idol na idol niya ang papa niya. Pangarap nga niyang maging sundalo din dahil doon." Ano kayang iniisip ni Bonifacio ngayong namatay ang ama nito sa pakikipaglaban? Gugustuhin pa ba nitong maging sundalo?!Ipinilig ni Maxine ang ulo. Hindi iyon ang kailangan niya ngayon. Si Bonifacio at ang pamilya nito ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin dahil kailangan ng tulong at pakikiramay ng mga ito. !Nilapitan niya si Jerwin na masaya pang

nakikipagbiruan kay Lawrence nang pumasok siya ng kuwarto. "Jerwin, may masamang balita. Patay na ang tatay ni Bonifacio.!Ganoon ba? Kailangan nating i-announce sa klase iyan, sabi ni Jerwin.!Tumango siya. Gumawa tayo ng sulat para makapag-solicit ng tulong sa ibang estudyante. Ipa-sign natin sa teacher natin at sa principal. Makipag-coordinate din tayo sa presidente ng KKK. Baka gusto rin nilang humingi ng tulong para sa pamilya ni Bonifacio."!Nalungkot ang buong klase nang malaman ang balita kay Bonifacio. "Naku! Kawawa naman si Supremo, sabi ni Abraham. !Papa, bakit mo kami iniwan? Paano na ang kasal namin ni Bonifacio? Hindi mo na masasaksihan ang aming pagmamahalan? panaghoy ni Bermoy.!Umayos ka diyan, saway ng Sargeant at Arms nila na si Jilly. Mas made-depress kami sa atungal mo.!Kaya malaking bagay kung anumang maitutulong natin sa kanila, sabi niya.!"Sige. Kailan tayo pupunta sa kanila?" tanong naman ni Lawrence. Kailangan kong damayan si Leanne.!Si Leanne talaga? tukoy niya sa pinsan ni Bonifacio na crush nito. Maisingit lang?!Siyempre nagluluksa din iyon sa pagkamatay ng tito niya. Ito naman.!Pupunta ako doon kapag nakapangolekta na tayo." May mga klase pa sa hapon na iikutan nila para manghingi ng tulong. !"Mamaya na kami pupunta para dalawin siya. Kailangan niya ang pagkalinga at pagmamahal namin, sabi ni Herbert. Magpapa-meeting kami sa ibang member ng KKK.!"Magbigay tayo ng entertainment sa family niya, sabi ni Bermoy. !Sasama na rin kami mamaya, sabi ni Edilyn.!Kung may gusto pang sumamang mangolekta sa amin ni Jerwin, sabihin lang ninyo sa amin, sabi niya at pilit na ngumiti subalit di umabot ang ngiti sa mga mata niya. !Sobrang lungkot ni Maxine. Pakiramdam nga niya ay may mabigat na katawang nakapasan sa kanya.Dala-dala niya ang mabigat na kalooban hanggang makauwi ng bahay nila. Lulugo-lugo siya nang ibagsak ang sarili sa sofa nang hindi man lang tinatanggal sa likod niya ang backpack niya. !Tinabihan siya ng mama niya at inalis ang bag sa likod niya. "O! Parang lulugo-lugo ka. May problema ba sa school? Napagalitan ka ba ng teacher mo?" Sinalat nito ang noo niya.

Baka naman may sakit ka.!"Wala po. Malungkot lang po ako. Namatay po ang tatay ni Bonifacio.!Tumuwid ito ng upo. Bakit? Anong nangyari?!Nagkaroon po ng putukan sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Quezon. Tinamaan po sa baga at sikmura kaya kalaunan po bumigay din ang katawan ng tatay niya.!"Condolence sa kanya at sa pamilya niya. Itanong mo kung may maitutulong tayo sa kanya. Ang alam ko ay minsang natulungan ng tatay niya ang Papa mo. Pagbalik niya galing sa Pangasinan dadalaw din kami, sabi nito. Nasa Pangasinan ang Papa niya para dalawin ang lolo niya. May meeting ang papa niya at tiyuhin niya tungkol sa kita ng hacienda. !"Babalik po ako sa St. Jerome pagkatanghalian. Magtutulong po kami ni Jerwin isa-isahin ang mga kuwarto para mangolekta ng tulong ng ibang estudyante."!"Sige. Sabihin mo sa akin kung kailan ka pupunta sa burol ng tatay ni Bonifacio para makapagluto ako ng pagkain na pwede mong idala doon."!"Thank you, Mama." Niyakap niya ito nang mahigpit. Ngayon lang niya na-realize kung gaano ka-unpredictable ang buhay. Na anumang oras ay maaring mawala sa kanya ang mga taong mahalaga sa kanya. "Huwag po ninyo akong iiwan. Hindi ko po talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala kayo."!"Anak, wala namang permanente sa mundo. Hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Ang mahalaga lang ngayon ay busugin ka namin ng ama mo sa pagmamahal at maihanda ka namin para makaya mong alagaan ang sarili mo para sa pagharap mo sa mundo. Kapag nagabayan ka namin ng tama, kahit na mawala kami ay alam namin na gagawin mo ang tama. Naiintindihan mo ba?"!Tumango siya. "Opo."!"Sige na. Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa usapan ninyo ni Jerwin."!Hindi niya gustong maging emotional pero hindi niya ma-imagine na mawalan ng magulang sa batang edad. She would be definite lost. !At alam niyang hindi rin magiging madali para kay Bonifacio na tanggapin ang nangyari. Ang magagawa lang niya bilang kaibigan ay damayan ito at pagaanin ang kalooban nito.

"NAKA-five thousand five hundred twenty tayo. Hindi na siguro ito masama," sabi ni Maxine matapos bilangin ang nakolekta nilang tulong ni Jerwin para sa pamilya ni Bonifacio. !Nakakapagod din palang isa-isahin ang mga kuwarto sa loob ng dalawang araw at paulit-ulit na mag-announce sa mga klase tungkol sa sitwasyon ni Bonifacio. May mga estudyanteng walang pakialam. May mga teacher din naman na ayaw ma-interrupt ang pagtuturo nito at kailangan pa nilang balikan kapag natapos ang klase para makapag-announce. May mga estudyante naman na kahit di kilala si Bonifacio at ang pamilya nito ay sinsero sa pakikiramay. May mga teacher din na nagpiprisinta pang mag-announce sa klase ng nangyari at nagsisigasig para i-encourage ang mga estudyante na tumulong.!Pero ngayong nabilang na nila kung magkano ang nakolekta ay mas magaan ang loob niya. Sulit naman ang pagod nila at halos pagkapaos ng boses niya. !"Sana nga. Kaso narinig ko sa nanay ko na mahal ang gastos kapag namamatayan. May bayad sa burol, libing, kabaong at iba pa. Mula thirty thousand daw at minsan hanggang milyon inaabot, paliwanag ni Jerwin habang isinasalansan ng maayos ang mga barya sa plastic bag.!Nanlaki ang mata niya. Mahal pala ang mamatay. Bumuntong-hininga siya. Pero higit pa sa bayarin ang haharaping problema ng pamilya ni Bonifacio. !"Pero mas malungkot ang mawalan ng pamilya lalo na't nagtatrabaho ang tatay nila para sa kanila. Mag-isa lang maghahanap-buhay ang nanay nila para sa kanila ngayon," sabi ni Abraham na naging malapit na kaibigan ni Bonifacio at tumulong sa pangongolekta nila ng tulong sa bawat klase.!"Mga bata, heto pa ang tulong naming mga teacher. Idagdag na ninyo," wika ng adviser nila na si Miss Reyes at nag-abot ng ilang daang papel sa kanila. "Pupunta kaming teachers mamayang hapon para makiramay."!"Ngayon naman po kami pupunta, wika niya. Excused sila sa klase buong umaga dahil sa panghihingi ng tulong. Patapos na rin ang klase nang mga oras na iyon.!Hinihintay pa namin ang principal natin. Nasa conference lang siya pero dadaan din siya mamaya. Magbibigay din daw siya ng tulong at sasama sa amin na dumalaw. Kung gusto ninyo ako na ang magdadala ng

tulong doon, prisinta nito.!Mas mabuti nga po na kayo na po ang magdala, Maam. Malaking bagay po ang maidadagdag na tulong ni Mr. De Paz, sabi niya at pumirma sa sulat na nagtu-turn over ng nakolekta nila kay Miss Reyes. Kayo na po ang bahala dito, Ma'am."!"Maraming salamat sa tulong. Mabubuti kayong mga kaklase at kaibigan. Isinakripisyo pa ninyo ang klase ninyo para dito," sabi ni Miss Reyes.!"Mabuting kaibigan din po kasi sa akin si Bonifacio, aniya at malungkot na ngumiti. Hindi niya makakalimutan ang mga pagkakataon na ipinagtanggol siya nito at inalagaan, pinatawa at pinasaya. Maliit na bagay lang ito kumpara sa nagawa nito para sa kanya.!Paglabas nila ng faculty room ay tapos na ang klase. Panghapong klase na rin ang umookupa sa kuwarto nila. Nasa waiting shed malapit sa gate na ang ibang mga kaklase nila. "Ang tagal naman ninyo, angal ni Gay. Gutom na kami dito.!"Ini-remit pa namin ang nakolekta namin siyempre. Pasensiya na, sabi niya at inikot ang mata sa iba pang mga kaklase.!"Naunahan na tayo ng ibang KKK. May song number pa daw sila, wika ni Edilyn.!"Sana naman di nila mabulabog ang mga nagdadalamhati, bulong ni Jerwin.!"Sa amin sa Pangasinan may mga banda-banda pa nga at videoke para gumaan ang loob ng mga taong naiwan. Ewan ko lang dito, aniya at nagkibit-balikat.!"Uso dito sakla at baraha. Sa mahal kasi ng serbisyo kaya may iba na pumapayag ng pagsugalan ang mga patay nila at para mas marami rin ang makiramay, sabi ni Lawrence. !"Mag-bingo tayo, yaya ni Lanie. Ako ang magbobola.!"Mag-behave muna tayo. Kapag inalok tayong maglaro, saka tayo maglaro, malumanay niyang wika. !"Killjoy ka na naman, anang si Janice at pinanlakihan siya ng mata.!"Nandoon tayo para makiramay. Ayoko lang masyado tayong malibang at makalimutan natin na nandoon tayo para kay Bonifacio at sa pamilya niya, paliwanag niya. Kung may maitutulong tayo, tumulong tayo. Kahit sa ganoong paraan mapagaan naman natin ang kalooban nila.!"Opo, Mother Superior. Masyado ka talagang seryoso, sabi ni Abraham.!Maya maya pa ay nakita na nila ang tolda na may pangalan ng ama ni Bonifacio. Nakatayo sa gate si Lisa na naghatid sa ibang nakiramay dito. "Ate

Lisa, nakikiramay po, sabi niya at niyakap ito. Kasama pa po namin ang ibang kaklase namin.!Maraming salamat sa pagpunta ninyo, anito at ngumiti. Kapuna-puna ang tamlay nito at pangangalumata.!Hi, Ate! bati ni Lawrence dito at kiming kumaway.!Nasa loob si Leanne. Pumasok na kayo, paanyaya nito at kumapit sa braso niya. "Kahapon pa kayo inaasahan ni Bunso. Mabuti naman at nakarating kayo. May iba na kayong kaklase na nagpunta kahapon."!"Opo. Nangolekta pa kami sa school kaya hindi agad kami nakapunta dito. Ang iba naman ay nagpaalam para magulang nila. Dadating po ang adviser namin mamaya pati ang ibang teachers at ang principal natin. Hihingi pa daw po kasi ng tulong si Miss Reyes sa ibang teacher," paliwanag niya.!"Maraming salamat naman. Tatanggapin namin ang lahat ng tulong ninyo. Maupo lang kayo. Magpapahain din ako ng tanghalian. Huwag kayong mahihiya.!"Si Boni po?" tanong niya.!"Inaasikaso ang ibang kaibigan niya at kaklase ninyo," sabi ni Lisa.!Nakarinig siya ng matagumpay na halakhak. Sa gitna ng mahabang mesa ay naroon si Bonifacio at may hawak na gitara. Masaya itong nakikipag-kwentuhan sa ibang KKK. Hindi iyon ang Bonifacio na inaasahan niya.!"Bonifacio," untag niya dito. "Nakikiramay kami." Inabot niya ang kamay dito.!Kinamayan siya nito pero di sinalubong ang mata niya. "Salamat. Maupo kayo. Tumayo ito at inikot ang paningin sa mga kaklase nila. Complete attendance yata tayo. Ako lang ang absent."!"Kami na ang nagdala ng klase dito. May teachers na pupunta mamaya kasama pati ang principal," wika ni Abraham. !Napakamot si Bonifacio sa ulo. "Naloko na. Kung may recitation kamo ayoko. At kung may exam kayo na ang bahalang magpakopya sa akin, sabi nito at tumawa. Nagtawanan din ang ibang kaklase nila sa biro nito pero nanatili siyang seryoso habang inoobserbahan ito.!Hindi ito ang inaasahan niyang maabutan. Mukhang hindi naman ito nagdadalamhati. Puro pa nga ito biro at laging nakangiti. Pero nararamdaman pa rin niya ang bigat ng loob nito. Sa kabila ng ngiti nito, pakiramdam niya ay may madilim na aura dito. !"Pwede ba kaming sumilip sa papa mo?" tanong niya at napansin niya ang pagtiim ng mukha nito na

parang ayaw sila nitong samahan.!"Bunso, pakisamahan mo sila sa loob, malumanay na pakiusap ni Lisa.!Ilang sandali bago bumalik ang ngiti ni Bonifacio sa labi nito. Halika. Doon tayo.!Siya ang naunang sumunod dito habang naiwan naman ang ibang kaklase nila para kumain muna at magkwentuhan. Mamaya na daw sisilip ang mga ito. !Umalis ang ibang tao sa sala maliban sa babaeng sa tantiya niya ay nasa forties na. Nakaupo sa tabi ng kabaong ng ama ni Bonifacio at tahimik na nakatunghay. !Mama, nandito po ang mga kaklase ko, sabi ni Bonifacio.!Subalit parang hindi nito narinig ang sinabi ni Bonifacio. Yumakap agad ito at saka humagulgol ng iyak. "Anak, ang Papa mo..."!"Mama, huwag na po kayong umiyak. Baka magalit si Papa sa inyo. Pinahid ito ang luha ng ina. Mga kaklase ko po, ulit ni Bonifacio.!"Ako po si Maxine. Nakikiramay po kami, sabi niya at kinamayan ito.!PPasensiya na kayo, anito at pilit na ngumiti. Sumilip kayo. Halika. Tahimik niyang pinagmasdan ang labi ni Bonifacio Salvador, Jr. Sa kabila ng kamatayan nito ay isa pa rin itong kagalang-galang na kawal ng bayan. Naroon ang mga larawan nito noong nagsisimula pa lang ito sa militar. Kahawig nito si Bonifacio. !Kahawig siya ng bunso ko, sabi ni Marietta Salvador, ang ina ni Bonifacio at tumayo sa tabi niya. "Napakabait ng asawa ko. Istriktong ama pero mapagmahal na asawa. Wala siyang bukambibig sa mga anak ko kundi ang pagmamahal niya sa trabaho niya at sa bayan. Sabi nga niya kasal na siya dapat sa trabaho niya kundi ko lang siya napikot."!"At namatay siyang lumalaban para sa bayan. Alam ko po na masakit pero natitiyak ko po na ipinagmamalaki po ninyo sila at ng mga anak ninyo," wika niya.!"Handa na ako para diyan pero masakit pa rin pala, anang si Aling Marietta at nangilid ang luha. Marami kaming magagandang plano sa pagbabalik niya mula sa destino niya sa Quezon. Sabi niya ipapasyal niya kami ng mga bata at uuwi kami sa probinsiya namin sa Marinduque. Marami rin siyang plano sa mga anak namin. Sabi niya gusto niyang makitang umakyat ng stage ang bunso namin kapag naka-graduate sa PMA.!Humikbi si Gay. "Ang Papa ko!"!Gulat niya itong nilingon. Kahit si Aling

Marietta ay nagulat din sa pag-iyak nito. "Hoy! Buhay pa si Tito Fred, saway niya dito.!"Pulis po kasi ang papa ko," mangiyakngiyak na paliwanag ni Gay at humihingi ng paumanhin na tumingin kay Aling Marietta. Pasensiya na po. Naiiyak po talaga ako kapag may namamatay na pulis o militar. Parang magulang ko na rin sila. Yumakap si Gay kay Marietta at di napigilang humagulgol. Nalulungkot po ako. !"Ayaw ni Papa nang may umiiyak kapag namatay siya. Ito ang pangarap niyang kamatayan. Ayaw niyang mamatay sa sakit at nakaratay lang. Gusto niyang mamatay habang nasa serbisyo. Habang nakikibaka. Makukuha na niya ang medalya na pinapangarap niya," sabi ni Bonifacio. Matatag ang boses nito noong una subalit napuno ng kapaitan nang huli. !Kung magiging sundalo ito, alam niyang nauunawaan nito ang sitwasyon ng ama. Kaya ba nagpapakatatag ito? Tanggap na ba nito ang nangyari? !"He died with honor. You must be proud of him, di lang bilang ama kundi bilang sundalo, sabi niya kay Bonifacio.!Tumango ito at di na sinegundahan pa ang sinabi niya. "Ikukuha ko muna kayo ng makakain."

CHAPTER TWELVE Hindi iyon ang inaasahan ni Maxine na reaksiyon mula kay Bonifacio. Inaasahan niya na magku-kwento ito ng magagandang bagay tungkol sa ama nito. Kung paanong isa itong magaling na sundalo o kung paano ito naging isang ama. Nagulat na lang siya dahil mukhang umiiwas ito. Ang lagi lang nitong bukambibig ay ayaw nitong may iiyak o malulungkot sa pagkamatay ng ama nito. !Sinundan niya ito nang pumunta ito sa kusina. Kinuha agad nito ang tray. "Maghahanda ka ba ng pagkain o magse-serve sa labas? Tutulungan na kita, prisinta niya. !Inayos nito ang sandwich sa tray. "Hindi na. Kaya ko na ito, anitong hindi man lang nagabalang lingunin siya.!"Nandito naman talaga ako para tumulong. Magtitimpla ba ng juice?!Balikan mo na lang ang mga kaklase natin sa labas. Mukhang nagkakasayahan na sila doon sa laro, sabi nito. "Mag-bingo ka."!"Wala akong hilig sa bingo o sa kahit anong laro. Ano bang ise-serve? Sandwich? Itong naka-styro?" Inangat niya ang takip at nakitang kanin at ulam ang laman nito. Mukhang masarap ang menudo.!Pinigilan ni Bonifacio ang kamay niya. "Ako na sabi ang bahala diyan," mariing sabi nito. !Nakita ni Maxine ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa nanginginig na luha. Nagpunta siguro ito doon dahil kanina pa nito pinipigilang umiyak. At ayaw nitong may makita na umiiyak ito dahil na rin sa bilin ng ama nito. Dapat ba siyang umalis doon at hayaan itong magdalamhati mag-isa? !Sa huli ay hindi rin niya binitawan ang kamay nito. "Boni, alam ko na nasasaktan sa nangyari sa papa mo ngayon. Okay lang naman na umiyak. Maiintindihan iyon ng papa mo. Nandito lang ako bilang kaibigan mo."!Inagaw nito ang kamay mula sa kanya at tinalikuran siyia. "Hindi nga ako iiyak sabi. Lalaki ako. Hindi ako umiiyak. Handa na ako para dito. Sabi ni Papa kung gusto kong ihanda ang sarili ko sa pagiging sundalo, kailangang matigas ang dibdib ko. Hindi ako iiyak," anito sa matigas na boses. Kailangan kong maging malakas. Kapag umiyak ako, paano na lang kapag kaharap ko na ang mga kalaban? Ang kamatayan? Iiyak na lang ba ako? Paano

kung maging prisoner of war ako? Kaunting torture lang ba sa akin ng kalaban ay iiyak ako? Hindi ako iiyak para kay Papa. Para sa pagiging magaling na sundalo ko.!Ganoon katindi ang pagnanais nitong maging mabuting sundalo. Matindi ang mind-setting na ginawa ng ama nito dito. At nararamdaman niya ang katatagan ng loob ni Bonifacio kahit na nasasaktan. Pero pakiramdam niya ay hindi iyon nakakabuti. Paano na ang nararamaman nito bilang isang anak?!"Wala namang magsasabi na hindi ka totoong lalaki o magiging mahina kang sundalo balang-araw kung iiyak ka. Wala ka naman sa giyera. Walang mga kalaban dito. Tayong dalawa lang ang nandito. Ginagap niya ang kamay nito. Matagal pa bago ka pumasok sa PMA. B-Bakit hindi mo hayaan ang sarili mo na malungkot kung gusto mo? Umiyak ka kung iyon ang makakagaan sa kalooban mo. Mabigat sa dibdib kung hindi mo ilalabas ang totoong laman ng puso mo."!Natigagal ito. "A-Ang totoong laman ng puso ko?"!Tumango siya. "Maiintindihan ng tatay mo kung iiyak ka at magluluksa. Okay lang na hayaaan mo ang sarili mo na makaramdam ng sakit. Kahit minsan lang gawin mo. Pakawalan mo kung anong kinikimkim mo.!Naningkit ang mata nito. "Ano bang alam mo sa pagluluksa? Anong alam mo sa sakit na nararamdaman ko samantalang kumpleto pa ang magulang mo? Maayos ang buhay mo. Ni hindi mo nga poproblemahin kung paano na ang pag-aaral mo at mga kapatid mo. O kung saan ka kukuha ng baon sa susunod na araw. Hindi kami kasing yaman mo. Anong maitutulong mo sa akin? Huwag kang umasta na parang naiintindihan mo nga ako at kung ano ang gusto kong gawin. Na parang kilalang-kilala mo ako."!May galit sa boses nito subalit pinipilit nitong kontrolin ang hina ng boses para walang ibang makarinig. Nagagalit ito. "Basta ang alam ko nasasaktan ka. Wala siguro akong magagawang malaki maliban sa makinig sa sasasabihin mo. Kung galit ka, nasasaktan ka, gusto mong umiyak, makikinig lang ako. Hindi ko iisiping mahina ka. H-Hindi ko rin naman sasabihin sa iba.!Pinagmasdan siya nito. Nakita niya ang paghahalo-halo ng emosyon sa mga mata nito. Alam niyang ikinokonsidera nito ang sinabi niya. Magsasalita na ba ito?

Isisiwalat na ba nito sa wakas ang nararamdaman nito? Nagtatalo pa ang kalooban nito pero umaasa siya na bubuksan nito ang puso nito sa kanya. !Bumuka ang bibig nito. Ang totoo!"Boni! Boni!" Nagulat siya nang mahawi ang kurtina at bumulaga sa kanila si Feliz Anne. Tinabig siya nito nang walang sabi-sabi at yumakap agad kay Boni. "Boni, I am sorry ngayon lang ako nakapunta. Kahapon ko lang nalaman ang nangyari. Kung nalaman ko sana agad, nandito na ako kagabi pa. No. Dapat pala hindi na kita iniwan nang malaman ko ang nangyari sa papa mo. Sana nanatili na lang ako sa tabi mo." !At umiyak ito nang umiyak. Mukhang hindi na kailangan pang umiyak ni Bonifacio dahil sapat na ang mga panaghoy ni Feliz Anne na parang ito ang anak ng namatay.!Muntik nang tumirik ang mata niya nang si Bonifacio pa ang kailangang umalo dito. Feliz Anne, tahan na. Maupo ka muna. Ipinaghila ito ni Bonifacio ng upuan at iginiya para umupo. "Hindi ba may pasok ka? Anong ginagawa mo dito?"!Humikbi si Feliz Anne at sumimangot. "Hindi ako pumasok. Ayaw kasi akong payagan ni Papa na pumunta dito. Masyado na daw akong gagabihin kaya ngayon na lang ako pumunta. Ngumiti ito at hinawakan ang braso ni Bonifacio. Mas matagal pa tayong magkakasama ngayon.!"Pero mas magagalit siya sa iyo kapag di ka pumasok, mariing wika ni Bonifacio. Hindi mo naman kailangang um-absent para sa akin.!"Isang araw lang naman. Hayaan mo na akong damayan ka ngayon. Bumuga ng hangin si Feliz Anne at hinipan ang bangs nito. Boring naman ang activities sa school ngayon. Alam mo naman na parang tatay na ang turing ko sa papa mo kahit na hindi pa kami nagkakakilala." At akmang ilalapit ang mukha kay Bonifacio.!Hinawakan ni Bonifacio ang balikat nito para pigilan ito. "May ibang tao dito." At saka ito lumingon sa direksyon niya. !Bumaling siya para hindi na makita kung anuman ang muntik gawin ang mga ito. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Shocks! Muntik na itong halikan ni Feliz Anne at sa harap pa niya. Ganoon na ba ang relasyon ng mga ito? Did they kiss? Naririnig na niya iyon sa ibang kaklase na nagkaboyfriend pero wala pa siyang nakikitang naghalikan sa harap niya.

Parang napakabata pa nila para sa ganyan. Bata pa yata siya para makitang ginagawa iyon ng ibang kaedad niya.!Puno ng iritasyon siyang pinukol ng tingin ni Feliz Anne. "Excuse me. Konting privacy naman. Importante ang pinag-uusapan namin dito."!Siya pa ngayon ang nanggugulo samantalang ito nga ang walang sabi-sabi na nambulabog sa pag-uusapan nila ni Bonifacio at nanabig. Sino ba ang mas walang manners sa kanilang dalawa? Siya ang nauna doon.!Pasensiya na, wika na lang niya para walang gulo at dinampot ang tray ng sandwich. "Lalabas na ako para mai-serve ito sa labas. Baka dumating na rin ang teachers natin at principal para makiramay."!Namutla si Feliz Anne at sinapo ang sariling pisngi. "Oh, gosh! What am gonna do? May dadating na teachers dito? Nagpaikot-ikot ito at nagtatarang. Parang hindi nito alam kung saan susuling. Paano kapag nakita nila ako? Lagot ako. Baka masuspend ako at lalo akong lagot sa papa ko. Boni, anong gagawin ko?"!"Baka pwede ka pang humabol sa klase mo, wika ni Bonifacio at tiningnan ang wristwatch nito. Ala una pa lang naman. One-fifteen pa ang next na klase. Papapasukin ka pa ng guwardiya.!Nagpapadyak si Feliz Anne na parang bata. "Pero ayoko rin na umalis sa tabi mo. Itago mo ako, Boni. Kahit hanggang makaalis lang ang teachers at principal."!Naiiling na lang siyang lumabas ng kusina. Kawawang Bonifacio. Sa halip na mawalan ng problema ay nadagdagan pa ata. Masyado kasing mapusok si Feliz Anne. Hindi niya alam kung ganoon talaga ang mga estudyante galing sa Maynila. Gagawin ang lahat masunod lang ang gusto. !Sa isang banda ay hanga naman siya sa sakripisyong ginawa ito para kay Bonifacio. !Sana lang ay makapag-open up si Bonifacio kay Feliz Anne. Nag-aalala talaga siya dito. Kahit na hindi sa kanya mag-open up si Bonifacio. Kahit na sa ibang tao. Ang mahalaga ay mailabas nito ang kinikimkim na sakit upang makalaya ito. HINDI magkamayaw ang mga tao sa Rodriguez Municipal Cemetery kung saan inilagak ang mga labi ng ama ni Bonifacio. Linggo ng hapon noon at kasama ang pamilya ni Maxine sa

nakipaglibing. It was done with full military honors. !Ang biyuda ni Bonifacio Salvador, Jr. na si Aling Marietta ay hindi tumigil sa pag-iyak. Lalo itong humagulgol nang iabot ang watawat ng Pilipinas na minsang nakatakip sa kabaong ng asawa nito. Nagyakap-yakap ang mag-iina. !Pansin niya na si Bonifacio lang ang matigas at hindi umiiyak. Nakangiti pa nga ito habang inaalo ang nanay nito pero hindi umabot ang ngiti sa mga mata nito. Naalala niya kung paanong pinipigilan nitong umiyak sa kusina ng bahay nito. Na iiyak na sana nito kundi lang siya dumating.!"Mama, baka mambabae si Papa sa kabilang buhay kapag pumangit kayo sa kaiiyak," sabi ni Bonifacio dito. !Nakapaglabas na kaya ito ng nararamdaman kay Feliz Anne? Hindi niya alam. Sa ilang beses nilang pagdalaw sa burol ng ama nito ay lagi itong nakangiti at abala sa pag-aasikaso sa ibang tao. Napapansin din niya ang pagiwas nito sa kanya. Na parang ayaw na nitong maulit pa ang pinagusapan nila nang nakaraan. !Hindi niya alam kung sinunod nito ang payo niya na magbukas ng nararamdaman nito sa iba. Hindi niya alam kung nakatulong siya dito.!"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko pa nahuhuli ang mga pumatay sa ama mo. Hindi sana siya namatay sa sagupaang iyon. Mali ito! Maling-mali! panaghoy ni Marietta. Bakit? Bakit kailangan niyang mamatay sa ganitong paraan?!"Mama!" bulalas ni Bonifacio na parang nagulat sa bulalas ng ina. Parang hindi nito inaasahan iyon. At humagulgol ang iba pang kapatid ni Bonifacio pati mga kamag-anak. !Napansin ni Maxine na bukod sa ibang mga sundalo ay may ilang reporter din na nag-cover ng libing. Hiningan lang ng kaunting statement ang ina ni Bonifacio tungkol sa nangyaring pagkamatay ng asawa nito. !Nang matapos ang interview ay noon lang nakalapit ang pamilya nila sa naulilang mag-iina. "Ma'am, ako po si Enrique Altamirano. Sabihin lang po ninyo kung may maitutulong ako sa inyo," sabi ng papa niya at may inabot na envelope dito. !"Maraming salamat po, Sir, anang si Aling Marietta at malungkot na ngumiti.!"Maraming natulungang tao ang asawa ninyo. Mabuti siyang tao. Kaya hindi po kayo pababayaan. Kaklase po pala ng anak ko ang bunso ninyo. Magsisimula po

kaming mag-offer ng scholarship para sa matatalinong estudyante. Heto po ang card ko, anang papa niya at inabot ang business card nito kay Aling Marietta.!"Maraming salamat po, Sir. Salamat po sa pakikiramay at sa pagtulong, sabi ni Aling Marietta. Kahit paano po ay gumagaan ang loob ko na malamang ikinasal ako sa isang mabuting lalaki at sa isang mabuting sundalo. Sana lang ay hindi sayang ang ipinaglaban ng asawa ko.!"Bonifacio, sabihin mo lang sa akin kung may maitutulong ako para makahabol ka sa activity natin sa school. Pwede kitang pahiramin ng notes ka, nakangiting alok niya. Isang linggo rin itong nakaliban sa klase. Bagamat excused ito ay kailangan pa rin nitong makahabol sa mga aralin. !Tumango lang ito at binigyan siya ng nakapagkit na ngiti sa labi nito. "Salamat sa tulong pero okay lang ako."!Gustong tanungin ni Maxine kung okay lang talaga ito pero nilapitan agad ito ni Feliz Anne na hindi na umalis sa tabi nito. Pinili na lang niyang dumistansiya at saka siya nilapitan ni Bermoy. "Sasama ka ba sa amin? Magtututugtugan kami. Gusto daw makipagkantahan ni Bonifacio para malibang-libang. Gusto naman daw niyang maging masaya ang atmosphere. Hilig daw kasi ng papa niya ang kumanta at tumugtog ng gitara. Gusto daw ng papa niya na masaya ang bahay nila kaya gusto niyang magsaya ang lahat."!Isang alanganing ngiti ang ibinigay niya dito at nilingon ang ama na kausap ang kapitan ng baranggay. "Kasama ko kasi si Papa. May pagka-killjoy kasi siya at tiyak na hindi niya ako papayagan. Aabutin kayo ng twenty years sa interrogation bago ako pakawalan. Kayo na muna ang magkantahan. Nandiyan naman si Feliz Anne, sabi niya.!Tumirik ang mata ni Bermoy. "Ay naku! Tinataasan kasi kami ng kilay ng isang iyon. Parang nilamukos na champaka ang face kapag lumalapit kami kay Boni. Hindi pa siya girlfriend ni Boni. Kung makadikit akala mo sawa. Nakakairita! Nasisira ang ganda ko."!"Huwag ka nang mairita. Nakakapangit iyan, natatawa niyang sabi at tinapik ang braso nito. Maging mabait na lang kayo. Hindi ba siya na ang gusto ni Bonifacio? Kaya dapat na irespeto ninyo iyon."!"Sige na nga, Mother Superior, sabi nito at pinagdikit ang mga palad na parang

magdadasal. Para kay Bonifacio magpapakabait kami sa bruhitang iyon. Gagawin ko ang lahat para hindi ko siya gawing froglet.!Tumawa na lang siya sa biro nito. "Magkita na lang tayo sa Lunes. Mag-enjoy kayo sa tugtugan ninyo."!Madilim agad ang mukha ng papa niya nang bumalik siya sa tabi nito. "Sino ang kausap mo? Guwapo ang isang iyon at kuntodo ang pagpapaganda ng mata sa iyo. Baka manliligaw mo iyon, anito at tumango sa direksiyon ni Herbert.!"Papa, hindi kami talo. Mas girl pa iyon sa akin, wika niya.!Nagsalubong ang kilay nito. "Ano? Hindi ko na maintindihan. Ang guwapong iyon, mas babae pa sa iyo?" !Hinila ito ng mama niya patungo sa pinagparadahan ng kotse nila. "Sa bahay na lang pag-usapan iyan."!Napapailing ang papa niya nang sumakay ng kotse. Isang beses pa itong tumingin kay Herbert bago in-start ang kotse. "Pero hindi ko alam ang nangyayari sa mga kabataan ngayon. Ang ibig mong sabihin ang kausap mo kanina" Hindi nito itinuloy ang hinala at kumislap ang mga mata.!Tumango siya bilang kompirmasyon sa hinala nito. "Si Bonifacio po ang crush niya at hindi ako."!"Ano?" At biglang nagpreno ang sasakyan. Maang siya nitong tiningnan. "Mas guwapo pa ang batang iyon kay Bonifacio."!"Kaya nga po. Okay na po, Papa. Wala akong manliligaw." !Mabuti na lang at hindi na siya sumama sa mga KKK para makipagtugtugan kay Bonifacio. Kung hindi ay igigisa siya ng papa niya. Di rin ito titigil hangga't hindi nauusisa ang lahat ng kasama niya.!Nag-iba na ng topic nang makarating sa bahay at natuon sa ama ni Bonifacio. "Kawawa din ang pamilya ni First Lieutenant Salvador. Ayon sa imbestigasyon ay sariling baril ng militar ang nakatama sa kanya."!Naguluhan siya. Paanong nangyari iyon na sariling baril ng military ang nakatama sa ama nito? Hindi ba magkakakampi naman ang magkakasama sa insurgency? "Ano pong ibig sabihin ninyo, Papa?" tanong niya at natigilan sa pagtatanggal ng sapatos.!"Ang baril na na-recover mula sa mga rebelde ay pag-aari ng militar. At iyon mismo ang ginamit sa pagpatay kay Lieutenant Salvador at sa mga kasamahan niya."!Lalo lang siyang naguluhan. "Paano po nangyari iyon?"!"Hinihinala na nagbebenta ng armas ang matataas

na opisyal ng military sa mga rebelde. Parang iginigisa ang mga sundalo sa sarili nilang mantika. Na ang ibang sagupaan ay moromoro o gawa-gawa lang. Na parang pinaglalaruan lang nila ang mga tauhan para magamit ang mga bala at baril at kumita sa giyera, paliwanag ng papa niya.!Nasapo ng mama niya ang dibdib nito. Kung totoo man iyan, mga halang ang kaluluwa ng gumagawa noon.!Lumalabas na din ang isyu tungkol sa butasbutas na uniporme at sira-sira ang combat boots ng mga sundalo. Ni hindi sila mabigyan ng sapat na kagamitan ng gobyerno. Tinitipid din ang pagkain nila samantalang sila ang nasa bungad ng mga sagupaan, dagdag ng papa niya. Mataas pa mandin ang tingin ko sa mga sundalo. Sa kasamaang-palad ay nahahaluan ng bulok na gahaman sa pera. Matataba ang bulsa habang naghihirap ang mga tauhan nila.!Ngayon niya naunawaan ang panaghoy ng ina ni Bonifacio. Ang pagnanais nitong humingi ng katarungan sa pagkamatay ng asawa nito. Hindi ang bala ng mga rebelde ang tumama dito kundi bala na galing mismo sa institusyong pinagsisilbihan nito. !"Pangarap pa mandin ni Bonifacio ang maging sundalo gaya ng ama niya, nausal niya. Madidismaya tiyak si Bonifacio oras na malaman ang tungkol diyan.!"Mukhang ayos lang siya, kaswal na wika ng papa niya. Nakikipagbiruan pa nga siya kaninang libing. At napansin ko na sa kanilang magkakapatid ay siya ang hindi gaanong emosyonal. Mukhang matatag talaga ang kalooban ng batang iyon.!"Paano kung hindi pa po niya alam? tanong niya. Naalala niya ang pagkagimbal sa mukha ni Bonifacio nang magbigay ng statement ang ina nito. Kung paanong humingi ito ng katarungan sa pagkamatay ng asawa nito. Hindi iyon ang karaniwang sinasabi ng isang biyuda kung ang asawa nito ay namatay sa normal na military insurgency. Tiyak magagalit iyon kapag nalaman ang nangyari sa balita."!Pinisil ng mama niya ang balikat niya. "Magiging okay din siya."!Subalit hindi sapat ang assurance ng mama niya para matahimik siya. Nang umakyat na sa kuwarto niya ang papa niya ay pinuntahan niya sa hardin ang mama niya na nagre-relax habang umiinom ng iced tea at pinagmamasdan ang mga pananim nito. !Anak, gusto

mo bang magmiryenda? Hindi ka na nakakakain kanina pagkatapos ng libing dahil gusto ng papa mo na umuwi. May enseymada pa diyan.!Okay lang po ako, Mama, wika niya at inilapag ang mga kamay sa kandungan niya. "Mama, natural lang ba na hindi umiyak o malungkot pag may namatay. Si Boni kasi nagpapatawa pa at nakangiti habang nag-iiyakan ang mga tao sa paligid niya.!Nasabi ba niya sa iyo kung bakit ganoon siya? tanong nito.!Sabi kasi ng papa niya huwag daw iiyak kapag namatay ito.!Iyon naman pala.!Pero umiiyak pa rin naman ang mama niya at ang mga kapatid niya. Hindi ba natural lang naman na umiyak kapag nasasaktan? Sabi po ninyo sa akin dati masama na kimkimin kapag may masamang nararamdaman.!Huminga ito ng malalim. "May iba't ibang paraan para maka-recover sa pagkamatay ng mahal sa buhay. May umiiyak, may nagkikimkim ng pighati at may idinadaan sa tawa. Maaring nagdadalamhati rin si Bonifacio perro ayaw lang niyang ipakita. Anot anuman ang pinagdadaanan niya, ang mahalaga ay nandiyan ka para sa kaibigan mo."!Tama po kayo, sang-ayon na lang niya. Sana nga bumalik na rin si Bonifacio sa dati. Kailangang magpatuloy ang buhay nito sa kabila ng nangyari.

CHAPTER THIRTEEN We are the champions, my friends! sintunadong kanta ng mga kaklase ni Maxine pagpasok niya ng klase. !Magkakaakbay ang mga miyembro ng male volleyball team habang nagkakantahan. May hangover pa ang mga ito sa intramurals nang nakaraang linggo kung saan nanalo ang Sophomore sa larong male volleyball, 100-meter dash at badminton. Nasa klase nila ang halos lahat ng miyembro ng male volleyball team. Mula elementary pa lang ay magkakakampi na ang mga ito at nagdesisyon na sa St. Jerome Academy mag-aral para sama-sama pa ring makapaglaro ng volleyball.!Congratulations, boys! sabi ni Gay. Sayang hindi tayo ang nanalo sa Miss Intrams. Ako na lang kasi ang ilaban ninyo next time. Tiyak na taob silang lahat.!Kung magpapapayat ka, ako pa ang magiging escort mo, sabi ni Ronald. Weakness ko ang mga ganyang mestiza.!Nakataas ang kilay itong tiningnan ni Gay. Tse! May escort na ako.!Feeling diyosa lang? tanong ni Maxine sa kaibigan.!Siyempre naman. Ako lang naman ang ihinatid ng pinsan ni Marvin noong Biyernes? Grabe! Kinikilig talaga ako! anitong nakatirik pa ang mata. Tapos nagkita pa kami sa simbahan kahapon. Tinabihan niya ako. Siyempre hindi ko ipinahalata kay Mama at Papa na kinikilig ako. Baka kurutin ako ni Mama sa singit.!Ang tanong nasagutan mo na ba ang assignment natin sa English? !Nawala ang nangangarap nitong anyo at gulat siyang pinagmasdan. Anong assignment sa English? Natutop nito ang bibig. Bakit naman kasi may assignment pa?!Sayang hindi nakasali si Bonifacio sa intramurals. Ang alam ko nag-try out siya sa basketball at napasok, sabi ni Abraham na nasa likuran niya.!Siyempre nagluluksa pa iyon at ang pamilya niya. Balita ko plano nilang umuwi muna sa Marinduque. Pero sayang nga. Kung kasali sana siya baka may tsansa tayo na matalo ang mayayabang ba seniors na iyon, sintir ni Nomerlito.!Nakaka-miss ang kakulitan ni Bonifacio, malungkot na wika ni Hazel. Papasok

kaya ang isang iyon?!Natigil ang pagkukwentuhan ng mga kaklase niya nang pumasok ang guro nila sa first subject na si Mr. Barca. Good morning, class!!Sabay-sabay silang nagsitayo. Good morning, Mr. Barca! Mabuhay!!One week of sports. Siguro naman sapat na ang isang linggo para makapag-relax kayo at pwede na kayong mag-concentrate sa klase ko. Marami tayong hahabulin na lesson kaya sana present kayong lahat. Lets check your attendance. Binuklat nito ang attendance book nito at inisaisa silang tawagin. "Bonifacio Salvador III!"!"Sir, absent po, sabay-sabay na sagot ng KKK.!Kumunot ang noo ni Mr. Barca nang pagmasdan ang attendance. "Mahigit dalawang linggo na siyang absent. May plano pa ba siyang pumasok?"!Kahit na may intramurals sila at tsine-check pa rin ng mga teachers ang attendance nila para tiyakin na nasa eskwelahan sila at hindi kung saan-saan lang namamasyal.!"Namatay po ang tatay niya, Sir, sagot ni Marydel na sekretarya nila.!"Hindi ba nailibing na iyon noong isang linggo pa? Bakit di pa rin siya bumabalik? Sino ba ang nakatira malapit sa kanila? Baka pwedeng tanungin kung anong nangyari sa kanya, sabi nito.!Nagtaaas siya ng kamay. "Ako na po ang bahala, Sir."!Nababahala din siya dahil di pa rin ito pumapasok hanggang ngayon. Gusto niyang personal na malaman kung anong nangyari.!Oras ng recess nang sadyain niya si Jeron sa klase nito. Palabas ito nang saktong sumilip siya sa kuwarto nito. O! Napadaan ka!!"Jeron, kumusta na ang pamilya ni Bonifacio? Hindi kasi siya pumasok. Naisip ko baka umuwi sila ng probinsiya."!Umiling ito. "Hindi. Pumasok na nga si Ate Lisa kanina. Nakasabay ko pa nga."!"Si Bonifacio kumusta na? tanong niya.!Napakamot ito sa ulo. "Iyan ang problema. Isang linggo na siya halos di lumalabas ng kuwarto. Kahit ako nga ayaw niyang kausapin."!"Bakit?"!Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko doon. Mas maganda kung si Ate Lisa na lang ang kausapin mo. Baka sakaling mas masagot niya ang sagot mo."!Sinadya niyang abangan si Lisa nang pauwi. Mula sa waiting shed kung saan siya naghihintay ay nilapitan niya ito nang palabas na ito ng gate. "Ate Lisa, kumusta na?"!Humalik ito sa pisngi niya at tipid na ngumiti. "Ayos lang.

Nakaka-recover na ako kahit paano. Iniisip ko na lang na nasa destino si Papa at hindi muna makakauwi. Mabuti na lang sanay ako na lagi siyang nasa destino."!"Kumusta si Boni? May sakit ba siya? Hindi kasi siya pumasok. Mahigit dalawang linggo na siyang absent. Tinatanong na kami ng teachers namin kung anong nangyari sa kanya. May sakit ba siya?"!Mabuti na lang at intramurals nila nang nakaraang linggo kaya hindi gaanong pinansin ng mga guro nila ang pagkawala nito. Wala naman kasing lecture nang nakaraang linggo kaya wala itong gaanong hahabulin. !Hindi na lang niya binanggit dito ang tungkol sa sinabi ni Jeron na hindi lumalabas ng kuwarto si Bonifacio at kahit itong matalik na kaibigan ay ayaw kausapin.!Kinagat nito ang labi at biglang alumpihit sa kinatatayuan. "Ano..hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa iyo o sa mga teacher ninyo. Bumagsak ang balikat nito. Ayaw na kasing pumasok ng eskuwelahan ni Bonifacio. Ni ayaw nga niyang lumabas ng kuwarto o kausapin man lang si Jeron. H-Hindi ko na alam kong anong gagawin sa kanya."!"Anong nangyari sa kanya? Noong mamatay ang papa ninyo siya pa nga ang laging nakangiti at hindi umiiyak. Kailangan daw niyang maging matapang dahil paghahanda daw iyon bilang isang sundalo."!Sinapo nito ang sariling noo. "Iyon nga ang problema. Ayaw na niyang maging sundalo. Wala na siyang gustong gawin na kahit na ano."!"Bakit naman?"!"Nalaman niya ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Papa at ng mga kasamahan nito. Na ang baril na tumama kay Papa ay galing sa baril ng militar. Na ibinebenta ng ilang mga opisyal ang mga armas sa mga rebelde. Ang masakit kasi ay sa mga reporters pa niya nalaman at sa mga nakiramay na ilang NGO group na gusto nang itigil ang militarisasyon dahil ginagawa lang daw gatasan ng ilang gahaman ang kaban ng yaman at ang pondo na para sa mga sundalo. Ayun! Nagkulong na siya sa kuwarto.!"Napanood ko rin sa balita ang tungkol doon. Isang malaking isyu ang nangyari at laman ng mga diyaryo at palabas din sa telebisyon. Nakakaapekto daw iyon sa moral ng ibang sundalo. Pero mas matindi ang impact nito sa mga pamilyang naulila ng mga sundalo gaya ng pamilya ni

Bonifacio.!"Nadisilusyon ang kapatid ko. Nawalan na nga kami ng ama, nawalan pa siya ng pangarap. Siya ang pinaka-close kay Papa dahil siya ang bunso. Siya lang din ang nagka-interes na sundan ang yapak ni Papa dahil fascinated siya sa buhay ng mga sundalo. Masyadong masakit para sa kanya na ang institusyong tinitingala niya mula pagkabata ang siyang sisira sa nga pangarap niya at babawi sa buhay ni Papa. Sa aming magkakapatid, siya ang pinakanahihirapan ngayon na makabawi."!"Nakausap na ba siya ni Aling Marietta?" tanong niya. Baka sakaling makumbinsi ng mama nito si Bonifacio para makabawi.!Umiling si Lisa. "Oo. Wala ring nangyari. Nangako kaming magkakapatid kay Mama na kami na ang bahala pero matigas si Bonifacio. Sa inis nga ng kuya ko muntik na niyang masapak si Boni. Napigil lang namin. Hindi na nga namin alam paano sasabihin kay Mama na ayaw ni Bonifacio na pumasok ngayon sa eskwelahan. Ayokong madagdagan pa ang mga problema niya. Gusto ko mag-focus lang siya sa trabaho niya dahil solo na siyang magulang namin ngayon. Wala siyang ibang makakatulong sa pagbuhay sa amin ngayon. May scholarship na ibinigay sa amin at may makukuha rin kaming pera galing sa gobyerno pero alam namin na hindi sapat iyon."!Patong-patong ang pinagdadaanan ng pamilya nito. Hindi pa nga nakaka-recover ang mga ito sa pagkamatay ng ama ng mga ito, kailangan ding intindihin ng mga ito ang pinansiyal na problema at ngayon ay ang depression ni Bonifacio. !"Pwede po ba akong sumama. Gusto kong makausap, suhestiyon niya.!Umaliwalas ang mukha nito. "Sige. Baka sakaling makinig siya sa iyo. Pero binabalaan na kita ngayon pa lang. Baka kasi madismaya ka sa kanya. Kahit si Jeron at si Feliz Anne itinaboy niya nang manggaling dito noong isang linggo.!Gusto ko pa ring subukan, sabi niya. !Tahimik nang dumating sila sa bahay nito. Nasa kolehiyo na ang dalawang nakatatandang kapatid ni Bonifacio. Marahil ay pumasok ang mga ito. Sinamahan siya ni Lisa papunta sa kuwarto ni Bonifacio na nasa ikalawang palapag ng bahay.!Kumatok ito. "Bunso, may bisita ka."!"Hindi ako tumatanggap ng bisita. Ayokong inaabala ako, masungit na sabi ni Bonifacio na ikinagulat niya. Malayo ang

tonong ginamit nito sa Bonifacio na nakilala niya -palakaibigan at malambing.!Siya naman ang kumatok sa pagkakataong ito. "Boni, si Maxine ito. Tinatanong ng mga teachers natin kung kailan papasok.!"Wala na akong balak na pumasok kahit kailan. Sabihin mo iyan sa kanila."!Napangiwi si Maxine nang marinig ang pagangil sa boses nito. Subalit hindi pa rin siya sumuko. Patagilid siyang sumandal sa nakasarang pinto. "Alam ko na nasasaktan ka dahil sa nangyari sa tatay mo pero hindi naman pwedeng habambuhay ka lang na magkulong dito. Marami ka nang na-miss na mga lesson. Na-miss mo na nga ang intramurals at hindi ka nakapaglaro ng basketball."!"Wala akong pakialam! Wala namang silbi kung papasok pa ako.!"Nag-aalala na kaming lahat sa iyo, Boni," aniyang may bahid ng desperasyon. Subukan mo lang kahit na lumabas sandali. Mag-usap tayo.!"Umalis ka na! Hayaan mo na ako! Iwan mo na akong mag-isa! bulyaw nito. Kasunod ay katahimikan. Kahit anong katok nila ay hindi na ito sumagot.!"Hayaan mo na siya. Matigas ang ulo ng isang iyan, sabi ni Lisa at hinila siya palayo sa kuwarto. !Nakadama siya ng lungkot. Hindi ko alam na ganito na talaga kalala ang sitwasyon. !Ayaw pa niyang maniwala noong una kahit nang magkwento sina Lisa at Jeron. Ngayon ay nakita niya mismo kung paano wala nang gana si Bonifacio na magpatuloy. Na-frustrate siyai dahil wala man lang siyang magawa para tumulong.!Sinabi ko naman sa iyo na huwag kang masyadong umasa dahil madidismaya ka lang, wika nito.!Uuwi na po muna ako pero babalik ako. Ngayon higit kailanman ay kailangan siya ni Bonifacio. ISANG tao lang ang naisip ni Maxine na pwedeng magpabalik kay Bonifacio sa gana sa pag-aaral si Feliz Anne. Kaya naman paglabas niya sa klase ay matiyaga niya itong hinintay sa harap ng classroom nila. Akala niya noong una ay male-late ito o kaya ay hindi papasok. Nabuhayan siya ng loob nang makita itong nakikipagkwentuhan pa sa isang kaklase nito habang papunta ng klase. !Sinalubong niya ito agad. "Feliz Anne, excuse me. Pwede ka

bang makausap?"!Iwinaksi nito ang kamay. Mag-usap tayo mamaya, Sharona. Isang maasim na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Tungkol saan ba iyan?"!"Si Bonifacio kasi ayaw nang pumasok sa eskwelahan. Hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya sa nangyari sa papa niya. Baka pwede mo siyang kausapin na bumalik na sa school tutal malapit naman kayo sa isat isa. Baka makumbinsi mo siyang pumasok," malumanay niyang pakiusap.!Bumuga ito ng hangin at hinipan ang bangs nito. Bakas sa mukha nito ang iritasyon.!"That stupid jerk! Kung pwede lang ayoko nang marinig ang pangalan niya o kahit na ano tungkol sa kanya. Pinuntahan ko na siya pagkalibing ng papa niya. Ayaw niya akong kausapin ni harapin man lang. Katok ako nang katok sa kuwarto niya pero di man lang niya ako hinarap. Nagpakahirap pa mandin akong magpaganda para sa kanya. It was not even enough for him to open the door. Sinapo nito ang sariling noo. Oh! May sinabi pala siya sa akin. Hindi daw niya ako kailangan kaya di na lang ako bumalik doon. Mapapahiya lang ako at magmumukhang tanga."!"Unawain mo sana na kamamatay lang ng papa niya. Baka kailangan pa niya ng kaunting encouragement. Baka pwede mong subukan ulit."!"Encouragement? Susubukan ko ulit? anitong parang kahindik-hindik ang suhestiyon niya. You mean, babalik ako doon at hahayaan siyang ipagtabuyan ako? No way! Alam mo ba kung sino ako? Itinuro ng isang kamay nito ang sarili at ang isang kamay naman ang nakapamaywang. I am Feliz Anne Montez. Maraming boys ang gustong maging girlfriend ako. They beg for it. They wait in line just to get the chance to talk to me. Gagawin nila ang lahat para magustuhan ko lang. Bakit ko naman aaksayahin ang oras ko sa isang lalaking ipinagtatabuyan ako? Nasaan naman ang pride ko? Who is he anyway?"!Hindi naman niya ito masisi kung nagasgasan ang pride nito dahil sa pagtrato ni Bonifacio. Ganoon din ang nangyari sa kanya, hindi ba? Ano bang gagawin niyang paliwanag dito para hindi nito tuluyang talikuran si Bonifacio?!Pinagsalikop niya ang mga palad sa anyong nakikiusap. "Intindihin mo sana. Matindi ang pinagdadaanan niya ngayon. Nawalan siya ng ama. Galit siya sa mundo. Ayaw na nga

niyang mag-aral. Baka ikaw na lang ang makakatulong sa kanya para bumalik sa normal ang buhay niya at gusto niyang magkaroon ng pangarap."!Itinirik nito ang mata at hinawi ang buhok nito. "Enough of the drama. Wala akong oras para diyan. Please. Kung ayaw niyang bumalik ng school, e di huwag. I don't to be associated with a loser."!"Hindi siya loser!" tutol niya. Ang lakas naman ng loob nito na tawaging loser si Bonifacio. Ito ang isa sa pinakamatapang na taong nakilala niya.!Ngumisi ito. "He quits school. Wala siyang balak na tuparin ang pangarap niya. Anong tawag mo doon? Hindi ba isang talunan. If you'll excuse me, papasok na ako."!Sandali lang, aniya at akmang pipigilan ito. !Maaring may katotohanan sa sinabi ni Feliz Anne pero hindi totally isang loser si Bonifacio. Kailangan lang nito ng tulong mula sa mga taong nakakaunawa at nagmamalasakit dito. Di nito kayang malagpasan ang problema nito nang nag-iisa.!Pero bago pa niya masimulang umapela ay isang lalaking kaklase na nito ang tumawag dito. "Feliz Anne, pumasok ka na! !"Ry!" anito sa matamis na boses at kumekembot na pinuntahan ang kaklase nito. !Bagsak ang balikat niya nang lapitan si Jeron na naghihintay sa kanya sa waiting shed. "Anong sabi ni Feliz Anne?" excited nitong tanong. Tutulong daw ba siya para kumbinsihin si Buddy na pumasok ulit?!Umiling siya. "Ayaw na daw niya. Ipinagtabuyan kasi siya ni Bonifacio noong dumalaw daw siya. Masyado daw siyang maganda para i-reject at ipagtabuyan." Hindi na lang niya binanggit dito nang tawagin ni Feliz Anne na loser si Bonifacio.!"Lagot na. Pati si Feliz Anne sumuko na sa kanya. Sayang naman. Alam mo ba na nawawalan ako ng ganang magaral dahil wala siya?!Nahigit niya ang hininga. O! Bakit naman?!Wala akong balak na mag-CAT pero sumali ako dahil sa kanya. Marami siyang pangarap kaya nahawa ako sa kanya. Sabi niya kung gusto daw naming maging sundalo, kailangan naming mag-aral. Isa sa dahilan kaya gusto niyang mapunta sa section one ay dahil gusto niyang maging corps commander. At ako ang magiging Ex-O niya. Ngayon ewan ko na. Nagkibit-balikat ito. Parang bumalik din ako sa wala."!Hinawakan ni Maxine ang braso

ni Jeron. "Hindi ka pwedeng sumuko. Hindi rin natin siya susukuan."!"Anong magagawa natin? Kahit ang KKK ay gusto nang magkalas-kalas tutal wala naman na daw gana sa buhay ang Supremo nila. Magkanya-kanya na lang daw sila ng fans club sa ibang estudyante, sabi nito. Mukhang nauubusan na ng support group si Bonifacio. Hindi ito pwede. Kailangan nito ng mga taong magpapalakas ng loob nito.!Mukhang wala na siyang ibang pagpipilian. Hindi na nila ito kaya nila Jeron. Kailangan nila ng tulong mula sa nakatatanda. "Mabuti pa kausapin ko na ang adviser namin. Baka sakaling makatulong para makumbinsi si Bonifacio na bumalik ng school."

HAPTER FOURTEEN "NAGPAALAM ka ba sa magulang mo na sasama ka sa akin ngayon?" tanong ng adviser nila na si Miss Reyes habang nakasakay sila ng tricycle papunta sa bahay ni Bonifacio. Kinausap niya ito kanina tungkol sa sitwasyon ni Bonifacio. Nakatakda na rind aw nitong kausapin ang pamilya ni Bonifacio tungkol sa di nito pagpasok sa klase. Masyado nang matagal ang halos tatlong linggo nitong pag-absent.!"Opo. Nagpaalam po ako sa mama ko. Naiintindihan naman po niya kung bakit gusto kong sumama." Kagabi pa ay kinausap na niya ang nanay niya na kailangan ng suporta ni Bonifacio dahil sa mga pinagdadaanan nito. Supportive naman ang nanay niya at hinayaan siyang maglaan ng oras para kay Bonifacio.!"Pwede naman na akong mag-isa. Hindi ka na sana nag-abala.!"Gusto ko pa rin po nandoon ako para kay Bonifacio. Kaibigan ko po kasi siya at mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. Kahit man lang po sa pamamagitan ng presensiya ko ay maipakita ko ang suporta ko, paliwanag niya. Iilan na lang silang kaibigan ni Bonifacio. Kahit si Jeron nga ay muntik pang mawala dito kundi niya naagapan.!Tumango ito. "Titingnan ko rin ang magagawa ko para makumbinsi siyang pumasok."!Naging tahimik na si Maxine hanggang makarating sila sa bahay nila Bonifacio. Si Lisa ang nagbukas ng gate para sa kanila at nagulat pa ito nang makita siya. "Ate Lisa, kasama ko si Ma'am Reyes."!"Ma'am, pumasok po kayo, anito at niluwagan ang pagkakabukas ng gate. Eksakto po nandiyan si Mama."!Mabuti naman dahil gusto ko talaga siyang makausap, sabi ni Miss Reyes.!Pumasok po kayo. Inayos ni Lisa ang throw pillow sa sofa. Maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang po si Mama. May inaayos lang po siya sa kusina.!Nang lumabas si Aling Marietta mula sa kusina ay nakasuot ito ng bestida na bulaklakin at asul na apron. Nakangiti ito subalit bakas ang pagod sa anyo nito. Mas mukha pa itong pagod ngayon kaysa nang huling beses niya itong nakita.!"Magandang hapon po, Misis. Ako po ang adviser ni Bonifacio na si Miss Reyes, sabi ng teacher niya at kinamayan

ito.!Magandang hapon po, Maam. Pasensiya na po at hindi ako nakapaghanda sa pagdating ninyo. Ilalabas na po ng anak ko ang maiinom ninyo, sabi ni Aling Marietta at umupo sa harapan nila. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?!Gusto ko po sana kayong makausap tungkol sa hindi niya pagpasok. Masyado nap o kasing matagal ang tatlong linggo. Baka po may problema kayo at makatulong ako sa inyo bilang guro niya," malumanay na sabi ni Miss Reyes.!"Kinukumbinsi ko naman po siyang pumasok. Ngumiti ito at pilit na pinaaliwalas ang anyo. Konti na lang po at makakapasok na ulit siya. Kailangan lang po ng panahon."!"Pwede po ba siyang makausap ngayon?" tanong ni Miss Reyes na mukhang hindi kumbinsido sa paniniyak ni Aling Marietta na mapapabalik nito ng paaralan si Bonifacio.!Napuno ng pagaalinlangan ang mukha ni Aling Marietta kung anong isasagot. "NNagpapahinga po siya ngayon."!Nauunawaan ni Maxine kung ayaw man ni Aling Marietta na iharap si Bonifacio kay Miss Reyes. Una, tiyak na hindi ito haharapin ni Bonifacio. Pangalawa, nakakahiya nga naman kung itaboy din ni Bonifacio si Miss Reyes gaya ng pagtataboy nito sa iba.!May lumagabog na nagmula sa ikalawang palapag ng bahay. Sabay-sabay silang tumingala. "Ano iyon?" tanong ni Miss Reyes.!"Baka po may bumagsak lang, sabi ni Lisa subalit nakita niya ang piping dasal sa m ga mata nito na huwag nang lumala pa ang sitwasyon sa taas. Hindi iyon simpleng pagbagsak lang ng gamit sa palagay niya. !Nakumpirma ang hinala niya nang marinig ang angil ng kuya ni Bonifacio na si Alex. "Ano ba? Umayos ka nga! Kapag hindi ka pumasok sa loob ng isang buwan, ida-drop ka na sa St. Jerome Academy. Wala na ring eskwelahan na tatanggap sa iyo ngayon. Gusto mong umulit ng second year high school? Matanda ka na. Huwag kang umakto na parang bata.!"Hindi ninyo ako mapipilit na pumasok kung ayaw ko. Aanhin ko pa iyon? Ayoko nang maging sundalo. Walang kwenta ang mga namamahala sa kanila. Pinaglalaruan lang nila ang buhay ng mga tao para kumita ng pera. Para saan pa ang pagaaral? Para magpailalim sa mga ganid? Bulok naman ang sistema. Anong mamatay para sa bayan? Namamatay ang mga sundalo para

sa pansariling interes ng iba. Namatay si Papa dahil sa madumi at malupit na laro nila. Nasaan ang dignidad sa kamatayan niya? Wala! Sinira nila ang dangal ni Papa. Ayokong maging bahagi ng sistema nila."!Kasunod nito ay ang pagbagsak ng iba pang mga gamit sa taas at ang malakas na hiyaw ni Bonifacio na puno ng galit at panaghoy. "Boni!" At hangos na tumakbo si Aling Marietta sa taas.!Tumayo si Miss Reyes at sinundan ito ng tingin na puno ng pag-aalala. Humarang agad dito si Lisa. "Ma'am, pasensiya na po kayo. Pwede po huwag muna ninyong kausapin ang kapatid ko ngayon? Nakita naman po ninyo....Ako po ang nahihiya sa inyo."!Nakakaunawang tumango si Miss Reyes. "Naiintindihan ko. Mukhang hindi nga simple ang pinagdadaanan ng kapatid mo. Nanghihinayang lang ako kung hindi makakabalik ng eskwelahan si Bonifacio. Siya pa mandin ang ginu-groom na maging corps commander ng batch nila. Alam ko rin na mataas ang pangarap niya."!"Opo. Masyado po niyang dinibdib ang pagkamatay ni Papa. Nadisilusyon po siya sa resulta ng imbestigasyon. Parang nawalan po siya ng pangarap. Nawalan po siya ng tiwala sa sistema ng militar at sa gobyerno."!"May school psychologist kami. Baka may maitutulong siya kung ilalapit natin ang kaso ni Bonifacio.!Tumango si Lisa. "Opo. Salamat po sa pagmamalasakit ninyo."!"At kailangang makapasok si Bonifacio bago ang isang buwang palugit ng academy. Ayokong i-drop siya pero iyon ang policy ng school. Marami na siyang na-miss na lesson, paalala ni Miss Reyes.!"Gagawin po namin ang lahat para bumalik siya, Ma'am, anang si Lisa habang pilit na nagiging positibo sa mga nangyayari.!Lubha siyang nababagabag sa mga narinig mula kay Bonifacio. Lubhang malalim ang sugat na iniwan dito ng pagkamatay ng ama at ng kontrobersiyang nakabalot dito. Kahit ang mga salita ni Bonifacio na puno ng galit ay parang kutsilyo na nakatarak sa dibdib niya. Parang kahit anong gawin nila ay hindi maglulubag ang loob nito o magbabago ang isip nito.!"Ma'am, sa palagay po ba ninyo makakabalik pa si Bonifacio sa school?" tanong niya kay Miss Reyes nang kumain sila ng tanghalian sa Ivy Chris. Mukhang malalim din ang iniisip nito at tiyak niyang

tungkol din iyon kay Bonifacio.!"Sana makabalik siya. Pero masyado siyang naapektuhan sa pagkamatay ng ama niya at sa mga circumstances na nakapaikot dito. Nakakalungkot lang na isusuko niya ang tsansa niya na abutin ang pangarap niya. Baka kung kailan gusto niyang bumalik ng eskwelahan, tapos na ang deadline niya. Hindi na siya tanggapin at kailangan niyang maghintay hanggang susunod na school year para makabalik sa pag-aaral."!"Titingnan ko po kung anong magagawa ko, Ma'am. Bibigyan ko po siya ng kopya ng notes ko para makahabol sa lesson namin."!"Sige. At kakausapin ko namman ang iba ninyong teachers para bigyan siya ng make up quizzes at exams kapag bumalik na siya sa St. Jerome." Pinisil nito ang balikat niya. "Sigurado ka na okay lang sa iyo? Parang bayolente si Bonifacio."!Umiling si Maxine. "Kilala ko po siya. Hindi po siya nananakit. Hindi po niya ako sasaktan. Ilang beses po niya akong sinuportahan at ipinagtanggol sa mga gustong manakit sa akin. Kaya po natitiyak ko na mabuti siyang tao. Siguro po nagkagulo silang magkapatid kanina pero naniniwala po ako na di siya masama. Ayoko pong sukuan siya."!Malaki talaga ang tiwala mo sa kanya, wika nito.!Kung alam lang po ninyo, Maam. Marami po siyang tagahanga sa St. Jerome di lang dahil sa kaguwapuhan niya kundi dahil sa pakikisama at pagmamalasakit din po niya sa iba. Kaya po hindi ko siya susukuan.!"Sana ay magbunga ng maganda ang ginagawa mo para sa kanya." "JERON, nakausap mo na ba si Boni?" excited na tanong ni Maxine dito nang magkasabay sila papunta ng canteen nang recess na. Gumawa siya ng kopya ng mga lecture nila sa nagdaang mga leksiyon nila na na-miss ni Bonifacio para makahabol ito sa leksiyon nila. Ipinabigay niya iyon kay Jeron para mapag-aralan ni Bonifacio.!Hindi pa rin dumudulog ang pamilya ni Bonifacio sa school psychologist at sa guidance counselor. Ayaw kasing makipag-usap ni Bonifacio kahit na kanino. Kaya naman siya na ang dumulog sa school psychologist nila para magtanong ng paraan kung paano makakatulong. Ayon dito ay kailangan ng

suporta ni Bonifacio sa mga taong nagmamalasakit dito. Nang sabihin niya ang plano niya na gawan ng kopya ng lecture si Bonifacio ay positibo ang response ng school psychologist niya. Sana lang ay gumana ang plano niyang ito.!"Oo. Napilitan siyang lumabas ng kuwarto at manood ng basketball dahil may defogging ang baranggay para makaiwas sa dengue, excited nitong kwento.!"Magandang sign iyan. Lumabas na siya ng bahay. Naibigay mo ba sa kanya ang notes na ipinabibigay ko?" tanong niya.!Bumagsak ang anyo nito at napakamot ng ulo. "Iyon nga. Hindi niya tinanggap ang notes mo."!Ano? dismayadong usal niya. "Bakit daw?"!"Aanhin daw niya iyon? Hindi naman na daw siya papasok, anito at nagkibit-balikat.!"Anong plano niyang gawin sa buhay niya? Tatambay na lang?" may bahid ng iritasyon niyang tanong.!"Ewan ko sa isang iyon. Kahit nga ako napipikon na sa mga ginagawa niya. Hindi ko na siya kilala. Ibabalik ko ang notes mo mamaya sa iyo." Parang gusto na nitong sumuko.!Umiling siya. "Sige pero ako mismo ang magdadala niyan mamaya kay Boni. May mga bago pa akong notes na ibibigay sa kanya."!Napapalatak ito. "Ang tiyaga mo naman sa buddy ko. Di tulad ni Feliz Anne. Sinukuan agad siya. Nakita ko na may ka-date siya na kaklase niya sa Ivy Chris. Talagang tinalikuran na niya si Bonifacio.!Naka-move on na ang lahat. Patuloy ang pag-ikot ng mundo pero tumigil ang lahat para kay Bonifacio. Nawasak na ang mundo nito.!"Hayaan mo na iyon. Ang isipin na lang natin kung paano natin siya makukumbinsi na bumalik ng eskwelahan." At kailangan niyang magmadali. Nauubusan na sila ng oras. "MAGANDANG hapon, Ate Lisa."!Nagulat si Lisa nang mapagbuksan si Maxine sa bahay nito. "Napadalaw ka ulit."!"Dadalhan ko ng notes ng lecture namin si Boni. Nandiyan ba siya?" tanong niya at n agpalinga-linga. Mukhang tahimik ang bahay ng mga Salvador nang mga oras na iyon. Nananatiya din siya dahil ayaw niyang matiyempuhan na nagtatalo na naman si Bonifacio at ang Kuya Alex nito. Hindi iyon makakabuti sa plano niya.!"Gaya ng dati. Nagkukulong na naman sa kuwarto niya.

Dadalhan ko nga ng pagkain. Ang totoo hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga.!"Nagha-hunger strike ba siya?" tanong niya. Ang alam niya ay nagkukulong lang ito pero di naman nabanggit sa kanya na nagpapakagutom ito. Mas malaking bad news kung pati pagkain ay tinatanggihan na rin nito.!"Kumakain naman siya pero ayaw na ni Kuya Alex na bine-baby siya. Hindi daw nakakabuti para sa kanya. Kaya daw lalong ayaw umayos dahil ini-spoil namin at laging hinahatiran ng pagkain. Kulang na nga lang daw kami ang magpaligo ni Kuya Ryan sa kanya. Kung gusto daw ni Bunso na kumain, kailangang siya mismo ang lumabas at kumain, paliwanag nito.!"Pero bakit dinadalhan mo pa rin siya ng pagkain?"!"Matiisan ang isang iyon sa gutom. Dati nagaway sila ni Papa at isang linggo siyang nagkulong sa kuwarto. Grounded siya dahil nakipag-away siya at siya pa ang pinagalitan at pinaghingi ng sorry kahit na walang kasalanan. Three days siyang di kumain at nanghihina na pero di pa rin siya lumabas ng kuwarto. Matigas din ang loob ng isang iyan.!"Hindi pala siya madaling amu-amuin."!"Kaya nga patago lang ang gagawin kong pagdadala ng pagkain sa kanya. Sinasamantala ko na nasa eskwelahan sila Kuya. Mabuti nga at kumakain pa rin siya. Hanggat gusto niyang kumain, hahatiran ko pa rin siya ng pagkain."!Naisip ni Maxine sa susunod na pwede niyang dalhan ng paborito nitong pagkain si Bonifacio para mapaamo ito. Baka sakaling makipag-usap ito ng matino sa kanya.!Biglang bumukas ang pinto at humihingal na Leanne ang nakita niya na nakasandal doon. "Ate Lisa, nasa kanto si Kuya Alex. May naiwan daw siya sa kuwarto niya. Saka may ipinapahanap din siya sa iyo na libro. Hiniram mo daw ang libro niya sa Trigonometry. Kailangan daw niya iyon." At umalis din agad si Leanne dahil tinawag ito ng nanay nito na nasa kabilang bahay lang.!Hala! Saan ko nga ba nailagay ang Trigo niya? natatarantang sabi nito at akmang ibababa ang tray ng pagkain. "Paano na ito? Baka mahuli niya ako. Naku! Lalo akong maigigisa nito. Paano ba ito?"!"Ako na lang ang magdadala kay Boni ng pagkain, prisinta niya. Wala namang ibang solusyon nang mga oras na iyon kundi iyon.!"Alam mo

naman kung saan ang kuwarto niya. Unang kuwarto sa kanan. Ako na ang haharang kay Kuya. Kailangan ko lang mahanap ang libro niya. Kung mahuli ka man niya, siguro naman hindi iyon bastabasta magagalit." Pinag-krus nito ang mga daliri. Sana lang tama ako o pareho tayong malalagot di lang kay Kuya Alex kundi pati kay Boni.!Maingat ang hakbang niya paakyat ng hagdan. Di niya alam kung anong sistema sa pagpapakain kay Bonifacio. Kung pinagbubuksan pa nito ng pinto ang tagahatid ng pagkain nito o iiwan llang ang tray sa labas. Bahala na. Basta ang alam niya ay magandang pagkakataon iyon para magkausap sila.!Kumatok siya at kusang bumukas ang pinto. Naiwan sigurong bukas ni Bonifacio. Baka sinadya nitong buksan dahil oras na ng pagkain "Boni, nandito na ang tanghalian mo," tawag niya dito pero hindi ito sumagot. !Marahan siyang pumasok ng kuwarto nito. Baka naman natutulog ito kaya hindi siya narinig. Ipapasok na lang siguro niya ang pagkain nito at iiwan ang notes kung sakali. Subalit walang tao doon. Saan kaya ito nagpunta.!Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesa pati ang bag niya na may lamang notes na ire-review nito. Mukha namang maayos at mabango ang kuwarto nitopara sa isang taong galit sa mundo at ayaw magpakita sa iba. Magandang senyales iyon. At least gusto pa rin nito ng kaayusan sa sariling kuwarto nito. Kahit nga ang kama nito ay walang kagusot-gusot. Organized ito. Mas organized pa nga yata ito sa kanya. Magulo kasi ang kuwarto niya. Di siya makapag-isip mabuti kapag maayos ang kuwarto niya.!Sa isang estante ay nakahilera ang mga larawan ni Bonifacio kasama ang pamilya nito. Naroon din ang mga karangalang natamo nito mula sa ribbon at medalya. May larawan ding nakatabi sa bawat parangal kung saan kasama nito ang magulang nito. Naroon ang larawan ng ama nito nang sabitan ito ng medalya bilang Boy Scout of the Year.!May mga libro din sa kuwarto nito. Karamihan ay military books. May memorabilia book pa nga para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Subalit napansin niya na ang ibang gamit at dekorasyon doon ay may pingas. Dahil marahil sa pagwawala nito noong isang araw na kasama niya si Miss Reyes. Ano na bang gustong mangyari ni

Bonifacio sa buhay nito ngayon? Magkukulong na lang ba ito sa kuwarto nito habambuhay?!"Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" CHAPTER FIFTEEN Naestatwa si Maxine sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Bonifacio. Nanginig ang kamay niya habang hawak ang picture nito at ng ama nito. Inilapag niya ang picture frame sa ibabaw ng estante at dahan-dahang humarap habang di humihinga. Nakatayo sa may pinto si Bonifacio. Bagong ligo ito at nakasuot ng basketball jersey at shorts. Napansin niya na mahaba na ang buhok nito kaysa sa nakagawian nitong military cut. And he looked dark and brooding. Like he was the type that you shouldnt mess up with or you are dead.!Siyempre hindi naman siya welcome sa kuwarto nito. At bigla siyang nailang. Ngayon pa lang siya nakapasok sa kuwarto ng lalaking kaklase niya. Kabilin-bilinan ng magulang niya ay huwag siyang papasok sa kuwarto ng isang lalaki. lalo na kung silang dalawa lang ng lalaki. Katulad ngayon. Hindi daw magandang tingnan.!Bigla siyang nailang. Baka mamaya ay iyon din ang iniisip ni Bonifacio sa kanya. Di magandang tingnan na nandoon siya lalo nat di naman siya nito inimbita. Basta na lang siyang pumasok. At natitiyak niya na galit na galit ito sa kanya dahil bukod sa ayaw niya itong tantanan ay napasok pa niya ang santuwaryo nito.!Ngumiti siya habang pilit na pinatatatag ang loob. "Uhmmm...dinadalhan kita ng pagkain. Sabi ni Ate Lisa hindi ka pa daw kumakain mula kaninang umaga. AAko na ang nagdala kasi may pinapahanap daw sa kanya ang kapatid mo. H-Hindi naman ako dapat papasok talaga sa kuwarto mo pero pagkatok ko bumukas ang pinto. Tapos nang sumilip ako wala ka naman dito."!Kaya sinamantala mo nang pumasok? tanong nito at humalukipkip. Mas intimidating ito kaysa dati. Di naman niya ugaling magpa-intimidate sa iba subalit sa pagkakataong ito ay alam niyang siya ang may kasalanan. !K-Kasi hindi ko naman pwedeng iwan na lang sa labas ang pagkain,

katwiran niya. Nilapitan niya ang tray at bahagyang inusod sa direksiyon nito. Kumain ka na habang mainit pa. Di ka pwedeng malipasan ng gutom.!Hindi man lang sinulyapan ni Bonifacio ang pagkaing dala niya. Nakatutok lang ang mga mata nito sa kanya. "Salamat sa pagkain. Pwede ka nang lumabas sa kuwarto ko ngayundin. Malamig ang boses nito gayundin ang mga mata nito. Makakauwi ka na, mariin nitong sabi.!Nanatili si Maxine sa kinatatayuan. Di naman siya nito pwedeng itaboy nang basta-basta na lang. Hindi pa siya tapos dito. "Dala ko rin ang mga lecture natin sa school. Updated na iyan. Pati lecture natin kaninang umaga ginawan ko na rin ng kopya, aniya sa masiglang boses at inabot dito ang paper bag na puno ng mga notes na ginawa niya. Gusto mo bang basahin ko sa iyo habang kumakain ka?!Tinabig nito ang kamay niya. "Iuwi mo na rin iyan. Hindi na ako papasok!!"Lunes pa lang ngayon. May ilang araw pa bago ang deadline mo sa pagbalik sa school. Sapat na oras na iyon para makapag-review ka sa make up exam mo. Makakahabol ka pa," matiyaga niyang pang-aayo dito. Hanggat maari ay sinisikap niyang positibo ang gawing pag-atake dito. Ayon sa school psychologist ay kailangan daw niyang ipadama dito na may puwang pa ito sa paaralan. Na may pag-asa pa ito.!Humakbang ito palapit sa kanya. Maangas ang mga hakbang nito habang parang tumatagos sa kaluluwa niya ang matalim nitong tingin. !"Matalino ka naman, di ba? Bakit hindi mo maintindihan na wala na akong balak na bumalik ng eskwelahan? Ayoko nang pumasok."!"Pero sayang naman kung hindi mo itutuloy."!Sa bawat paghakbang nito ay natagpuan na lang niya ang sarili na umuurong. Nagsimula siyang makadama ng takot. Nagsisimula nang maiga ang tapang niya.!Animoy isa itong mabangis na leon na marahang nilalapitan ang biktima nito at siya naman ay isang usa na walang magawa kundi umurong nang umurong sa bawat pag-abante nito.!"Alam mo ba na hindi mo dapat pinipilit ang isang tao kapag ayaw niya? !Para din naman ito sa kabutihan mo. K-Kung kailangan kitang pilitin hanggat hindi ka pumapasok ulit, gagawin ko pa rin ang alam kong tama, katwiran

niya kahit na nanginginig na ang boses niya sa takot. May nagsasabi sa kanya na hindi na si Bonifacio ang masayahin at palakaibigang binatilyo na nakilala niya noon. Galit na ito sa mundo, walang sinasanto at mapanganib.!Umabante ito at umurong siya hanggang naramdaman na lang niyang dumikit ang likod niya sa dingding na kahoy. Sa harapan niya ay si Bonifacio na mistulang leon na handang sumila sa kanya. Wala na siyang ibang matatakbuhan. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ito.!Hindi ka dapat masyadong maging pangahas. Hindi ka pwedeng sumama sa isang lalaki kapag kayo lang dalawa sa isang kuwarto. Inilapit nito ang mukha sa kanya. May apoy sa mga mata nito. Inangat nito ang kamay at hinaplos ang buhok niya saka ngumisi. Hindi ka pa ba natuto ng leksiyon mo? Hindi ba minsan ka nang muntik mapahamak dahil sa pagsunud-sunod mo sa akin? Inilapit nito ang mukha sa kanya. Sa sobrang lapit ay parang halos mahahalikan na siya nito. Nararamdaman na niya ang init ng hininga nito sa mukha niya. Paano kung wala ka nang tagapagtanggol ngayon? Paano kung ang mismong tagapagtanggol mo ang bangungot mo? Paano kung saktan kita o halikan kita?!H-Hindi, aniyang di mapigilang mangatog ang baba niya. Ano bang nangyayari? Bakit umaakto itong parang sanggano? Parang kontrabida? !Umangat ang gilid ng labi nito. Hindi? sarkastiko nitong tanong. Hinawakan nito ang baba niya at inangat. Hindi mo ba naisip kung ano ang pwede kong gawin sa iyo ngayon? Walang ibang basta-basta makakalapit sa atin. At wala kang kalaban-laban."!Diyos ko! Gusto nang tumiklop ng tuhod niya sa takot. Ano bang nangyayari kay Bonifacio? Parang sinapian ito ng masamang element. Hindi na niya ito kilala.!Talaga bang binago na ito ng pagkamatay ng ama nito? Tinalikuran na ba nito ang pagiging tagapagtanggol niya at ngayon ay ipipilit nito ang sarili sa kanya? Hindi na ba ito mangingiming manakit ng iba? Talaga bang hahalikan siya nito kahit na ayaw naman niya?!Tumutok ang mga mata niya sa labi nito. He had bow-shaped lips. Hindi bat nang natitigan ang mga labi nang unang beses silang nagkita ay naisip niya na parang masarap humalik iyon? Hindi bat iyon din

ang sinasabi ng mga miyembro ng KKK kapag pinapantasya iyon? Heto na ang labi nito. Sobrang lapit na sa kanya. Isang hinga lang nito ay maari na siya nitong halikan at malalaman na niya ang sagot.!Muntik na niyang kutusan ang sarili. Heto nga at tinatakot na siya ni Bonifacio na hahalikan siya nito. Bakit pinapantasya pa niya ang halik nito? Hindi ba dapat ay itulak niya ito at magtatakbo siya palabas ng kuwarto nito? Dapat niyang sagipin ang sarili niya. Ayaw niyang ang first kiss niya ay mangyari sa ganitong paraan. Dapat ay romantic iyon at sa lalaking gusto niya. Kusa niyang ibibigay. Hindi nanakawin sa kanya. Dapat nga ay saktan niya si Bonifacio bago pa nito magawa ang masamang balak nito. Kailangan niyang lumayo dito at hindi na bumalik pa.!Lumayo dito at hindi na bumalik? Hindi ba iyon nga ang gusto nitong mangyari kaya tinatakot siya nito ngayon. At kapag kusa niya itong iniwan, wala na siyang tsansa para makumbinsi itong bumalik sa St. Jerome Academy. Hindi siya pwedeng sumunod sa plano nito. Ipapakita siya nito na mas mautak siya dito at kaya niyang manalo sa laro nito.!Inipon niya ang lahat ng tapang niya at direkta itong tiningnan sa mga mata. "Alam ko na hindi mo ako sasaktan o sasamantalahin. Mabuti kang tao."!"Sigurado ka? Hindi na ako ang dating Boni. Hindi na ako ang kaibigang sunud-sunuran sa iyo, anito habang nagtatagis ang bagang. Hindi na rin malambot ang puso ko dahil gusto kita. Wala na akong pakialam ngayon sa mundo. Hindi na kita gusto at gusto ko na lang mawala ka sa buhay ko. Kayang-kaya kitang tirisin kung gusto ko. "!"Hindi ako natatakot sa iyo, mas matapang niyang sabi at inilapit pa ang mukha niya sa mukha nito para ipakita ang punto niya.!Sa huli ay pasalya siya nitong binitawan at humakbang palayo. "Ano ngayon sa iyo kung mapariwara ako? Ano ngayon kung hindi na ako makakapag-aral? Wala naman sa iyon sa iyo. Mataas pa rin ang grade mo. Magiging valedictorian ka pa rin."!"Kaibigan kita. Alam ko na mahalaga pa rin sa iyo ang magkaroon ng pangarap. Kaya gagawin ko ang lahat ng maitutulong ko. Wala akong pakialam kahit na makulitan ka pa sa akin o tirisin mo ako. Hindi kita tatantanan!"!Namaywang ito. "Anong kailangan kong gawin para

umalis ka?"!Now youre talking. Siya na ang tinatanong nito kung anong gusto niyang mangyari. Bingo! Aalis siya doon? Sure. Pero aalis siya sa sarili niyang kondisyon.!Inilagad niya ang palad sa tray ng pagkain. Kumain ka muna.!Ikiniling nito ang ulo. Umalis ka muna bago ako kumain.!Ah, hindi! Kapag pinaalis mo ako dito, isasama ko ito, sabi niya at nakangising dinampot ang tray ng pagkain. Nasa baba ang Kuya Alex mo kaya hindi ka madadalhan basta-basta ni Ate Lisa ng pagkain. Ako lang ang pwedeng magdala ng pagkain sa iyo. Ewan ko na lang kung anong oras ka pa makakakain kapag ibinaba ito. Baka mamayang gabi na o kaya bukas na ng umaga? Who knows? Mukha namang hindi ka nagugutom.!Sige. Ilabas mo. Hindi ako natatakot magutom. Wala akong pakialam sa hyperacidity na iyan, anito at iniwas ang tingin. Muntik na siyang bumulanghit ng tawa nang marinig ang pagkalam ng sikmura nito. Mukhang hindi sumasang-ayon ang sikmura nito sa sinasabi nito.!Borborygmus, remember? Umaangal na ang sikmura mo. Pero dahil mas gusto mo akong itaboy at magdeny na gutom ka, aalis na ako. !Tingnan lang ni Maxine kung hanggang saan ang tapang ni Bonifacio. Pero kinakabahan din siya. Kapag kinagat nito ang bluff niya, tiyak na wala na siyang pagkakataon na makuha ang loob nito.!Nanatiling nakaiwas ang mukha nito sa kanya pero napapansin niya ang paggalaw ng mga mata nito sa direksiyon niya. O mas tamang sa direksiyon ng tray ng pagkain.!Ipinadyak nito ang isang paa. Sige. Kung gusto mo akong tanghuran habang kumakain, bahala ka. Itinuro nito ang mesa. P-Pakilapag na lang diyan ang pagkain ko.!Okay, she said in a sing-song voice. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesa at saka umupo sa kama. Enjoy your meal, Sir.!Mas mag-eenjoy ako kung wala sanang asungot sa kuwarto ko, may kalakasang angil nito at saka umupo sa bangko.!Boni, anong ingay ang Bumukas ang pinto at naningkit ang mata ng Kuya Alex nito nang makitang nakaharap ito sa pagkain. Bakit ka kumakain? Sabi ko sa iyo hindi ka pwedeng dito sa kuwarto kumain!!Kuya, may ibang tao dito, kaswal na sabi ni Bonifacio at ginamit ang hinlalaki nito para tumuro sa direksiyon niya. !Nagulat si Alex nang

makita siya. Mula sa pagiging maangas ay naging maamo ang mukha nito. O! May bisita ka pala.!Tumayo siya at bahagyang yumukod. Magandang hapon po. Nagre-review po kami ni Bonifacio ng lecture namin nang nakakaraang linggo. Kailangan po kasi niyang makahabol sa mga lesson namin. At itinaas niya ang mga notes.!Ah! usal ni Alex at tumango. Gusto ninyo ng miryenda ni Bonifacio? Sasabihan ko si Lisa na ipaghanda kayo. Boni, anong gusto mong kainin?!Ayos na sa akin ang ube halaya sandwich, nakangising sabi ni Bonifacio. !Ikaw, Maxine? Anong gusto mo? tanong ni Alex sa kanya sa masayang boses. May chicken spread yata na ginawa si Mama kaninang umaga. Masarap ang chicken spread niya. O sabihin mo lang kung may iba ka pang gusto.!Ayos na po ako sa chicken spread. Salamat, wika niya.!Hinaplos pa nito ang ulo ni Bonifacio. Kain ka lang ng kain. May gusto ka bang pasalubong? Siopao asado gusto mo?!Nagthumbs up si Bonifacio. Isang asado at isang bola-bola, Kuya. Thank you.!Sige. Basta galingan mo ang pagre-review. Nakangiting bumaling sa kanya si Alex. Maraming salamat sa tulong sa kapatid ko. Paano? Mauuna na ako. May klase pa kasi ako. May binalikan lang akong libro. Pagbutihan ninyo ang pagaaral.!Sige po, wika ni Maxine at di mawala-wala ang ngiti sa labi. Ayos! Nagkaroon siya ng kakampi sa katauhan ni Alex. Mas madali na para sa kanya na pasunurin si Bonifacio sa mga gusto niya sana.!Puno ng pagtataka ang mukha ni Bonifacio nang sundan ng tingin ang kapatid nito hanggang makalabas ng pinto. Himala. Biglang bumait sa akin. Samantalang ayos lang sa kanya na gutumin ako nitong nakakaraang araw, anito at saka sumubo ng ulam.!Siyempre natutuwa siya na nag-aaral ka ulit.!Sino naman ang magsasabi sa iyo na mag-aaral ulit ako? angil nito sa kanya at matalim ang mata siyang tiningnan.!Kung ayaw mong mag-aral, sasabihin ko sa Kuya Alex mo na huwag kang ibili ng siopao at di ka na ulit pwedeng kumain sa kuwarto mo. Tutal wala naman siyang maasahang maganda sa iyo. Sige makipagmatigasan ka, hamon niya dito at humalukipkip. Close din kami ni Ate Lisa. Pwede ko rin siyang sabihan na huwag ka ring

pakainin.!Labag iyan sa human rights ko, tutol nito.!May human rights ka pang nalalaman. E di idemanda mo kami sa Commission of Human Rights kung gusto mo, hamon pa niya.!Bakas ang pagkabanas sa mukha nito. Hindi na siya basta-basta magpapasindak dito. Mula sa mga oras na iyon ay ipapakita niya dito na siya ang boss.!Tinapos nito ang pagkain saka lumapit sa kanya. Ano ba kasi ang lecture-lecture na iyan? tanong nito at kunway sinipat ang hawak niyang mga note.!Inabot niya dito ang notes na ginawa niya. Basahin mo ito. Tapos tatanungin kita. Isang tanong kada subject. Hindi ako aalis hanggat hindi ka nakakasagot ng tama sa bawat subject.!Ano? bulalas nito at saka binuklat ang mga pahina ng lecture. Ire-review ko ang lahat ng ito?!Tumango siya. Oo. Marami kang kailangang habulin na lecture. Kaya nga kailangang pagbutihan mo ang pagre-review kung gusto mong mapaaalis agad ako dito.!Umikot ang mga mata nito at saka ibinagsak ang sarili sa kama. Nakadipa pa ang mga bisig nito na parang pagod na pagod kahit na wala pa naman itong ginagawa. Bakit naman ako magpapakahirap na mag-aral? Masarap ang walang iniintindi sa buhay.!Tumayo siya sa harap nito at humalukipkip. Pwes hindi ako aalis dito. Tingnan lang niya kung hanggang saan ang tigas nito.!Nakakunot ang noo ni Bonifacio nang ibinalik sa unang pahina ang note. Sige. Matigil ka lang at nang makaalis ka na.!Hinaplos niya ang buhok nito. Good boy. Kung ganyan ka ba nang ganyan, magkakasundo tayong dalawa.!Binigyan siya nito ng masamang tingin. Huwag kang umasa. Matapos ang isang linggo tanggal na rin ako sa St. Jerome. Malalaman mo rin na sayang ang pagpapakahirap mo na tulungan ako.!Sino ang nagtatag ng Khmer Empire? sa halip ay tanong niya.!Bigla itong bumalikwas ng bangon at hinagilap sa note ang leksiyon nila sa Araling Panlipunan. Sandali! Hindi ko pa nababasa iyan!
!

You might also like