Professional Documents
Culture Documents
Ang Alipin NG Dalawang Amo
Ang Alipin NG Dalawang Amo
DRAMATIS PERSONAE PANTALONE DEI BISOGNOSI, isang negosyante ng Venesya CLARISA, kanyang babaeng anak Doktor LOMBARDI SILVIO, kanyang lalaking anak BEATRIZ RASPONI, isang senyorang taga-Turin, nagpapanggap bilang kanyang kapatid na si FEDERIGO RASPONI FLORINDO ARETUSI ng Turin, mangingibig ni BEATRIZ BRIGHELLA, isang Tabernero SMERALDINA, dama ni CLARIZ TRUFFALDINO, sa una'y alipin ni BEATRIZ, at mamaya'y ni FLORINDO UNANG SERBIDOR IKALAWANG SERBIDOR UNANG PORTERO IKALAWANG PORTERO TAGPO:
Sa Venesya.
YUGTO 1
TAGPO 1. Isang kuwarto sa bahay ni PANTALONE. Pantalone. Ang Doktor. Clarisa. Silvio. Brighella. Smeraldina. SILVIO [mag-aalay ng kamay kay CLARISA]: niyan ang aking buong puso. Heto ang kamay ko, at kalakip
PANTALONE [kay CLARISA]: Sige na, sige na, 'wag nang mahiya, iabot din ang 'yong kamay. At pagkuwan, kayo'y magiging magkatipan, at 'di rin magtatagal ay ikakasal nang tuluyan. CLARISA: esposa mo. SILVIO: Mahal kong Silvio, heto'ng kamay ko. Pinapangako kong maging
PANTALONE [kina BRIGHELLA at SMERALDINA]: Kayong dalawa ang magsisilbing saksi sa pagkakatipan ng anak kong si Clarisa kay Senyor Silvio, ang karapat-dapat na anak ng butihin nating si Doktor Lombardi! BRIGHELLA [kay PANTALONE]: karangalan. Sasaksi kami, senyor, at salamat sa kay-laking
PANTALONE: Tingnan mo nga naman, noon ay ako'ng sumaksi sa iyong kasal, pero ngayon, ikaw naman ang sumasaksi sa kasal ng aking anak. Hindi na 'ko nag-abala pang magtawag ng maraming kaibigan at kaulayaw, gayong katulad ko ang ugali ng butihing Doktor. Manananghalian kaming magkasama; kami'y magkakatuwaan at walang mang-aabala sa amin. [Kina CLARISA at SILVIO.] Ano'ng masasabi ni'yo, mga bata, ikalulugod ni'yo ba? SILVIO: nobya. SMERALDINA [aparte]: Tama, 'yan nga'ng pinakamasarap na putahe sa lahat. Wala na 'kong mas gugustuhin pa kaysa manatiling malapit sa aking
DOKTOR: Hindi mahilig sa magagarbong handdan ang aking anak. Siya'y binatang tapat; iniibig niya ang iyong anak at wala na siyang iba pang nasasaisip.
PANTALONE: Kawawang tao, hindi ko ga'nong alam. Isang gabi'y pinatay dahil sa kung-anong usaping may kinalaman sa kanyang babaeng kapatid. Sinaksak ng espada at do'n na siya natigok. BRIGHELLA: Nangyari ba 'yan sa Turin, senyor? PANTALONE: Sa Turin nga.
BRIGHELLA: Aba ko, kawawang ginoo! Ikinalulungkot kong mabalitaan. PANTALONE [kay BRIGHELLA]: Nakilala mo ba noon si Senyor Federigo Rasponi?
BRIGHELLA: Siyanga, senyor. Tatlong taon din akong nanirahan sa Turin. Nakilala ko rin ang babae niyang kapatid napakasiglang binibini panlalaki kung manamit at mahilig magsasakay ng kabayo. Ang babae'y pinakamamahal sa puso ng kanyang kuya, higit sa anuman sa buong mundo. Ay Diyosmiyo, sino'ng mag-aakala? PANTALONE: Bueno, nakaabang naman sa 'ting lahat ang masamang kapalaran. Pero 'wag na tayong mag-usap tungkol sa malulungkot na bagay. Alam mo ba kung ano'ng binabalak ko, butihing Senyor Brighella? Alam kong mahilig kang magpakitang-gilas sa kusina. Ngayon, nais kong paglutuan mo kami ng pinakamasarap mong putahe.
SMERALDINA [babalik]: Senyor, may alipin ng isang maginoo sa ibaba, nais daw kayong padalhan ng mensahe. Ayaw magsabi sa 'kin kung tungkol saan. Tanging amo ko lamang daw ang kanyang kakausapin. PANTALONE: niya. SMERALDINA: CLARISA: PANTALONE: CLARISA: Susunduin ko. Sige, paakyatin mo. Diringgin namin kung ano'ng sasabihin
[Lalabas.]
'Di pa ba 'ko puwedeng umalis, senyor? Sa'n ka ba tutungo, senyorita? Aywan marahil sa 'king kuwarto
PANTALONE: Hindi, senyorita, hindi; mananatili ka rito. [Aparte sa DOKTOR] Hindi pa puwedeng iwanang mag-isa ang magkasintahang iyan. DOKTOR [aparte kay PANTALONE]: sa lahat! Tama pag-iingat ang pinakaimportante
TRUFFALDINO [kay PANTALONE, tumuturo kay CLARISA]: binibining ito? PANTALONE: TRUFFALDINO: Iyan ang aking anak. Kaaya-ayang malaman 'yon.
Aba, ikinalulungkot ko. At sino ka? Ako ang kanyang dama, senyor. Aba, kung gayon, binabati ko siya.
PANTALONE: Sige na, senyor, tama na'ng sere-seremonya. Ano'ng nais mo sa 'kin? sino ka? sino'ng nagpadala sa 'yo rito? TRUFFALDINO: Hinay-hinay lamang, senyor, maghunus-dili kayo. Masyadong mahirap ang tatlong tanong sa iisang birahan lamang para sa isang buhong na gaya ko. PANTALONE [aparte sa DOKTOR]: Tanga yata ang taong 'to. DOKTOR [aparte kay PANTALONE]: TRUFFALDINO [kay SMERALDINA]: SMERALDINA [bubuntong-hininga]: PANTALONE: pakay. Nagtatanga-tangahan kamo. Ikaw ba ang ikakasal? Hindi, senyor.
TRUFFALDINO [kay PANTALONE]: Isang maginoong umaasa na mapaunlakan siyang magbigay-galang sa iyo. [Kay SMERALDINA.] Pag-usapan nga natin 'yang kasal na 'yan. PANTALONE: Sinong maginoo ito? Ano'ng pangalan niya?
TRUFFALDINO: Ay, napakahabang kuwento niyan. Si Senyor Federigo Rasponi ng Turin, siya ang amo ko, at ipinadadala niya ang kanyang paggalang, at siya'y pumarito upang dalawin kayo, at nasa ibaba siya, at isinusugo ako upang iparating na ibig niyang pumanhik at siya na ngayo'y naghihintay sa inyong kasagutan. Sapat na ba 'yon, o may iba ka pang nais malaman? [Gulilat ang lahat. Kay SMERALDINA, gaya kanina.] Simulan nga natin ulit. PANTALONE: Halika nga, kausapin mo 'ko. Anong kademontresan ang ibig mong sabihin? TRUFFALDINO: At kung nais mong malaman kung sino ako, ako si Truffaldino Battocchio ng Bergamo. PANTALONE: Wala akong pakialam kung sino ka. Sabihin mo sa 'kin ulit, sino ang amo mo? Ikinakatakot kong hindi kita narinig nang maigi. TRUFFALDINO: Ay, kawawang matanda! bingi na siguro. Ang amo ko ay si Senyor Federigo Rasponi ng Turin. PANTALONE: Turin. TRUFFALDINO: PANTALONE: Patay na? Tiyak ngang patay, kaawaan siya ng Diyos. Layas! Nahihibang ka. Patay na si Senyor Federigo Rasponi ng
TRUFFALDINO [aparte]: Demontres! patay na'ng Amo ko? aba, iniwanan ko lang sa baba! [kay PANTALONE] Ibig mo talagang sabihing patay na siya?
Sinasabi ko sa 'yo nang walang pagdududa: patay na siya. Iyan ang katotohanan: patay na nga siya; wala na tayong magagawa
TRUFFALDINO [aparte]:
Aba ko, ang kawawa kong amo! Nadisgrasya siguro. [kay PANTALONE, akmang paalis na.] Naglilingkod sa iyo, senyor. Wala na ba 'kong ibang magagawa para sa 'yo?
PANTALONE:
TRUFFALDINO: Kung patay na nga siya, wala nang ibang magagawa. [Aparte.] Pero pupurbahan ko muna kung totoo 'yon o hindi. [Lalabas.] PANTALONE: Hindi ko alam kung pa'no unawain ang taong 'yan. Sadyang tanga lang ba o nanggagago? DOKTOR: Hindi ko rin alam. Marahil pareho.
BRIGHELLA: Sa tantiya ko, isang payaso lamang. Galing 'ka n'ya sa Bergamo; hindi naman siguro tanga. SMERALDINO: At hindi rin gago. [Aparte.] Natitipuhan ko'ng kayumangging lalaking 'yon. PANTALONE: Pero ano ba 'yong bangungot na pinagsasabi niya tungkol kay Senyor Federigo? CLARISA: PANTALONE: liham? SILVIO: pagdating. Kung nabubuhay pa nga siya, masyado nang huli ang kanyang Ay, kung totoo ngang naririto siya, teribleng balita para sa 'kin. Ay, kalokohan! hindi ba't ikaw mismo'ng nakabasa ng mga
TRUFFALDINO: Ano ngayon? aba, naririto siya, ligtas at buhay na buhay, masigla at humihinga pa naman, at nais niyang magbigay-galang sa inyo kung iyong pahihintulutan. PANTALONE: TRUFFALDINO: PANTALONE: TRUFFALDINO: PANTALONE: TRUFFALDINO: PANTALONE: Si Senyor Federigo? Si Senyor Federigo. Rasponi? Rasponi? Ng Turin? Ng Turin. Pasok sa ospital ng mga baliw do'n ka nababagay!
TRUFFALDINO: Ikaw kamong pumasok do'n, senyor! pinipilit mo 'kong magasal Turko. Sinasabi ko sa iyo, naririto siya, sa bahay na ito, sa kabilang kuwarto lamang, punyemas. PANTALONE: Magsalita ka pang ulit, at ipapapugot kita.
DOKTOR: 'Wag, 'wag, Senyor Pantalone; sasabihin ko kung ano'ng dapat mong gawin. Ipag-utos mong papasukin ang taong pinagkakamalan niyang si Federigo Rasponi. PANTALONE: O s'ya! Dalhin mo rito ang taong bumangon mula sa hukay.
[Lalabas.]
CLARISA: SILVIO: lamang. DOKTOR: Silvio, kinikilabutan ako. 'Wag kang matakot; anuman ang mangyari, sa akin at sa akin ka
PANTALONE: Punyetang tarantado, sumadya rito para sabihan ako ng sunudsunod na mga kasinungalingan! BRIGHELLA: Senyor, gaya ng nasabi ko kanina, nakilala ko si Senyor Federigo; makikita natin kung siya nga 'yon. SMERALDINA [aparte]: Hindi naman mukhang sinungaling ang kayumangging 'yon. Nagtataka nga 'ko kung [luluhod kay PANTALONE.] Pahintulutan mo, senyor. [Lalabas.]
BRIGHELLA [aparte]: Ano'ng ibig nitong sabihin? Hindi ito si Federigo, bagkus ito'ng kapatid niyang si Beatriz. PANTALONE: Ikinatutuwa kong makita kang buhay at masigla, senyor, makaraang tanggapin ang masamang balita tungkol sa 'yo. [Aparte sa DOKTOR.] Maniwala ka, hindi pa 'ko kumbinsido. BEATRIZ: Alam ko; ipinamalita raw na namatay ako sa isang duwelo. Salamat sa Diyos, nasugatan lamang; at kara-karakang gumaling, sumadya agad akong pa-Venesya, alinsunod sa dati nating kasunduan. PANTALONE: Wala akong masabi. Taglay mo ang wangis ng isang tapat na tao, senyor, ngunit mayro'n akong tiyak at natatanging patunay na patay na si Senyor Federigo, at maiintindihan mo naman siguro na kung 'di ka makapagbibigay ng patunay na sasalungat do'n BEATRIZ: Lubhang natural lamang ang inyong pagdududa; batid kong nararapat sa 'king magbigay ng patunay hinggil sa aking kakilanlan. Heto'ng apat na liham mula sa mga kapalitan mo ng sulat at kilala mo silang lahat nang personal; isa pa nga rito ay galing sa tagapangasiwa ng Bangko. Makikilala mo'ng mga lagda at makatitiyak ka rin kung sinong talaga ako. [Mag-aabot ng
BEATRIZ [mapapansin si BRIGHELLA; aparte]: Diyos ko! Si Brighella! Anong kademontresan at naririto siya? Kung ipagkanulo niya 'ko [Malakas, kay BRIGHELLA.] Kaibigan, kilala yata kita. BRIGHELLA: Siyanga, senyor; hindi mo ba naaalaala si Brighella Cavicchio ng Turin? BEATRIZ: A, siyanga, namumukhaan na kita. [Lalapitan siya.] At ano'ng ginagawa mo rito sa Venesya, butihing kaibigan? [Aparte kay BRIGHELLA.] Utang na loob, 'wag mo 'kong ipagkanulo.
PANTALONE [aparte sa DOKTOR]: Ano'ng masasabi mo, Doktor? empunto ang pagdating ng binata. DOKTOR:
BEATRIZ:
PANTALONE: Eksaktamente, senyor; siya nga 'yan. [Aparte.] Ay, anong gulo itong napasok ko! BEATRIZ [kay CLARISA]: karangalan. CLARISA [napipilitan]: BEATRIZ [kay PANTALONE]: PANTALONE: Senyora, pahintulutan mong makamit ko ang
Ang aba mong lingkod, senyor. Tila maginaw ang pagtanggap sa akin.
BEATRIZ [kay PANTALONE; tuturo kay SILVIO]: At ang maginoong ito, kamag-anak mo? PANTALONE: A, oo, senyor; pamangkin ko.
SILVIO [kay BEATRIZ]: Hindi niya 'ko pamangkin, senyor; ako ang pinangakuang nobyo ni Senyora Clarisa. DOKTOR [aparte kay SILVIO]: Tama 'yan, anak! 'Wag kang susuko! Ipaglaban ang karapatan mo, pero 'wag ka lang padalus-dalos. BEATRIZ: Ano? Ikaw ang pinangakuang nobyo ni Senyora Clarisa? Hindi ba't sa akin siya ipinangako? PANTALONE: Teka, teka, ipaliliwanag ko ang lahat. Mahal kong Senyor Federigo, pinaniwalaan kong lubos ang balita hinggil sa aksidente mo, anupa't sabi-sabing namatay ka na raw, kung kaya't ipinangako ko ang aking anak kay Senyor Silvio; pero wag mong isiping ginawa ko yon nang may maling pakay. Dumating ka na sa wakas, empuntong-empunto. Sa 'yo si Clarisa, kung tatanggapin mo, at hindi ako babali ng salita. Senyor Silvio, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin; ikaw mismo'ng nakakakita sa situwasiyong ito. Alalahanin mo lamang ang nasabi ko sa 'yo, at wala kang dahilan upang mag-ukol sa 'kin ng sama ng loob.
SILVIO: Naku, senyor, masyadong huli ang pagdating mo. Magiging kabiyak ko si Senyora Clarisa, at 'wag kang umasang isusuko ko siya sa 'yo. Kung pagkasanlan ako ni Senyor Pantalone, maghihiganti ako; at kung sinumang magnanasang agawin sa 'kin si Clarisa, kakailanganin niyang humarap sa hamon ng aking espada. DOKTOR [aparte]: BEATRIZ [aparte]: Bale-baleng binata, Diyosmiyo! Naku, salamat na lamang, ayaw ko pang mamatay.
DOKTOR: Senyor, kailangan kong ipaalam sa iyong masyado ka nang huli. Pakakasalan ni Senyora Clarisa ang aking anak. Ang batas, ang batas, senyor, ay malinaw sa usaping 'yan. Prior in tempore, potior in jure.
[Lalabas.]
PANTALONE: Ano kamo, malandi ka! ano'ng sabi mo? [Akmang hahabulin
siya.]
BEATRIZ. Manatili, Senyor Pantalone; kinaaawaan ko siya. Hindi ngayon ang panahon para magmalupit. Sa paglipas ng panahon, sana'y makuha ko ang kanyang puso. Samantala, purbahan nating muli ang ating mga kuwenta, dahil, gaya ng alam mo, iyan ang isa sa dal'wang rason kung bakit ako sumadya rito sa Venesya.
[Papasok si SMERALDINA.]
SMERALDINA [kay PANTALONE]: Senyor, may naghahanap sa iyo. PANTALONE: SMERALDINA: Sino? Hindi ko kilala, senyor.
PANTALONE: Kailangan ko nang mauna. Adyos, senyor. [Aparte.] Ayokong magkagulo sa sarili kong pamamahay. [Lalabas kasama ni SMERALDINA.] BRIGHELLA: Maaari ko bang itanong, Binibining Beatriz ? BEATRIZ: Tumahimik, por pabor, 'wag mo 'kong ipagkanulo. Patay na ang kawawa kong kapatid. Ayon sa bali-balita, napatay siya ni Florindo Aretusi sa isang duwelo. Maaalala mo, umibig sa 'kin si Florindo nang labag sa kalooban ng aking kapatid. Kaya't naglaban sila, namatay si Federigo, at si Florindo'y tumakas upang umiwas sa parusa. Nabalitaan kong sumibad siyang paVenesya, kaya't sinuot ko ang damit ng aking kapatid, at sinundan siya. Salamat sa mga kartas-de-kredita ng aking kapatid, at lalo na sa 'yo, naniniwala si Senyor Pantalone na ako nga si Federigo. Aayusin namin ang bawat usaping may kinalaman sa pera, at 'pag makuha ko na'ng kuwarta, matutulungan ko si Florindo kung mangangailangan siya. Maging kaibigan ko, Brighellang mahal, tulungan mo 'ko, parang awa mo na! Tatanaw ako ng malaking utang na loob. BRIGHELLA: Walang kaso sa akin, ngunit ayokong maging responsable kapag magmagandang-loob si Senyor Pantaloneng bayaran ka, at malaman niyang napag-isahan siya sa huli. BEATRIZ: Mapag-isahan siya? Kung patay na ang aking kapatid, hindi ba't ako ang kanyang tagapagmana? BRIGHELLA: Siyanga naman. Pues, ba't hindi mo na lang sabihin 'yon? BEATRIZ: Kung gawin ko 'yon, wala na 'kong magagawa pang iba. Patutunguhan ako ni Pantalone na para bang siya ang tagapangalaga ko; at aalibadbarin nila 'ko at pagsasabihang wala sa lugar ang aking mga ikinikilos at kung anu-ano pa. Ibig kong maging malaya. Tulungan mo 'ko. Hindi rin naman magtatagal. BRIGHELLA: Bueno, bueno, noon pa man, matigas na talaga'ng ulo mo. Magtiwala ka sa 'kin, at gagawin ko'ng pinakamakakaya ko.
BEATRIZ:
BRIGHELLA: Nasa'n ang alipin mo? BEATRIZ: Sinabi kong maghintay sa 'kin sa kalsada.
BRIGHELLA: At sa'n mo naman nadampot ang gunggong na 'yon? Ni hindi makapagsalita nang diretso. BEATRIZ: Nakilala ko sa daan. Tila nga gunggong kung minsan; ngunit hindi talaga siya tanga, at maaasahan ko ang kanyang katapatan. BRIGHELLA: Tama, pambihira nga naman ang katapatan. Bueno, maglilingkod ako sa 'yo. Ay, biruin mo nga naman kung ano'ng nagagawa ng mga tao nang dahil sa pag-ibig! BEATRIZ: Naku, wala lang ito. Mas masahol pa'ng nagagawa ng iba nang dahil sa pag-ibig. BRIGHELLA: Pero diyan nagsisimula 'yan. Kung magpatuloy ka pa, Diyos lang ang nakaaalam kung saang kabaliwan hahantong ang lahat.
TAGPO 2. Sa kalye kung nasaan ang Taberna ni BRIGHELLA. Truffaldino, mag-isa. TRUFFALDINO: Sawa na 'kong maghintay; hindi ko na 'to matiis. Itong amo ko, napakakonti kung magpakain, at kapag ako nabibitin, lalo lang akong natatakam. Kalahating oras nang bumatingaw ng alas-dose ang relo sa plasa, habang ang sikmura ko, magdadalawang oras nang kumakalampag sa gutom. Kung alam ko lang sana kung saan kami tutuloy! Yung mga naging amo ko noon, ang unang ginagawa pagkadaong sa bayan e dumiretso sa taberna. Pero ang maginoong ito Diyosmiyo, hindi gano'n! iniiwan ang mga bagahe niya sa daungan, kung sinu-sino ang dinadalaw, at kinakalimutan ang kawawa niyang alipin. Kapag sinasabi nilang dapat nating pagsilbihan ang mga amo natin nang may paggiliw, dapat din nilang pagsabihan ang mga amo
[Papasok si FLORINDO na nakadamit pambiyahe, kasama ang isang PORTEROng may bitbit na baul sa kanyang balikat.]
PORTERO: Sinasabi ko sa inyo, senyor, hindi ko na kayang magpatuloy; namamatay ako sa bigat ng baul mo. FLORINDO: Heto'ng paskil ng isang taberna. Hindi mo na ba kaya iilang hakbang na lang, o? PORTERO: Tulong! nahuhulog ang baul.
FLORINDO: Sabi ko na sa 'yo, 'di mo kayang buhatin 'yan; masyado kang mahina, masyado kang lalampa-lampa. [Aayusin ni FLORINDO ang baul sa balikat ng
PORTERO.]
TRUFFALDINO: Ito, baka mahuthutan ko ng kaunting barya. [Kay FLORINDO] Senyor, kailangan mo ba ng tulong? FLORINDO: Kaibigan, puwede mo bang buhatin ang baul ko hanggang diyan sa may taberna? TRUFFALDINO: Naku, oo naman, ginoo. Kayang-kaya ko 'yan. [Sa PORTERO] Bumatse ka na, alis, alis! [Sasaluhin ni TRUFFALDINO sa kanyang balikat ang
TRUFFALDINO:
sa taberna.]
PORTERO: FLORINDO: PORTERO: Pero, inyong kabunyian Ano pa'ng gusto mo? Bayad para sa pagiging portero.
FLORINDO: Magkano'ng dapat kong ibayad para sa sampung yarda? Nando'n lang banda ang daungan, o! [Tuturo sa may labas.] PORTERO: E hindi naman ako nagbilang ng hakbang. Akin na'ng bayad ko.
FLORINDO [sisipain siya]: Magbigti ka, hayop! PORTERO: Salamat, senyor, sapat na ho 'to. [Lalabas.]
FLORINDO: Pambihirang mokong 'yan! Hinintay pang tadyakan ko siya. Bueno, purbahan nga natin kung kumusta'ng tabernang ito
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: Ay, napakainam na establisimyento, senyor. Maganda'ng mga kama, mamahaling mga salamin, at isang malaking kusinang kaali-alikaya ang amoy. Nakausap ko na'ng serbidor. Pagsisilbihan ka raw rito na parang hari. FLORINDO: Ano'ng hanapbuhay mo? Isang alipin.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Taga-Venesya ka ba?
TRUFFALDINO: Hindi ho, pero mamamayan ako ng Estado. Ako'y tubongBergamo, at handang maglingkod. FLORINDO: May kasalukuyan ka bang amo? Kasalukuyan sa totoo lamang, wala po.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO:
Nakikita ni'yo naman ako, senyor. Wala akong kaamo-amo. [Aparte.] E wala naman talaga ang amo ko ngayon, kaya hindi ako nagsisinungaling. Nais mo bang pumasok at maging alipin ko? Ba't hindi? [Aparte.] Basta mas maganda'ng alok niya.
FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Kahit pa magkano, hangga't naririto ako sa Venesya. Mainam, ginoo. Magkano'ng isasahod mo sa 'kin?
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Ga'no pa kalaki'ng hinihingi mo? Dagdag kalahating penike, pambili lang ng tabako.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Ibibigay ko at areglado na. Kung gayon, ako na'ng tauhan mo, senyor.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: Kung gusto mong makaalam tungkol sa' kin, pumunta kang Bergamo; kahit sino ro'n, magkukuwento sa yo kung anong klaseng tao ako. FLORINDO: Wala bang taga-ritong may kilala sa iyo? E kararating ko lang dito kaninang umaga, senyor.
TRUFFALDINO:
FLORINDO: O s'ya, s'ya, tantiya ko'y tapat ka namang tao. Pero bibigyan kita ng isang pagsubok. TRUFFALDINO: Bigyan mo 'ko ng pagsubok at makikita mo.
FLORINDO: Una sa lahat, kating-kati na 'kong malaman kung may mga liham na pinadala sa 'kin sa Koreyo. Heto'ng kalahating korona; sumadya ka sa Koreyo ng Turin at tanungin kung may mga pinadalang sulat para kay Florindo Aretusi; kung mayroon, kunin mo at dalhin mo sa 'kin ora mismo. Hihintayin kita. TRUFFALDINO: Samantala, pepedido ka ng pananghalian, senyor?
FLORINDO: Siyanga, magaling! Pepedido ako. [Aparte] Napakatuso nito, kursunada ko siya. Susubukan ko pa.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: E paanong dito mo 'ko hinihintay, at hindi ro'n sa kalsada, gaya ng inutos ko sa 'yo? Nagkataon lang na nakita kita rito. TRUFFALDINO: Naglakad-lakad lang ho, para magpalipas ng gutom.
BEATRIZ: O s'ya, mag-apura papunta sa daungan; kunin mo'ng baul ko at dalhin agad dito sa taberna ni Senyor Brighella. BRIGHELLA: 'Yan ang taberna ko, hindi ka magkakamali. BEATRIZ: Bueno, magmadali na, hihintayin kita. Demontres! Sa tabernang iyan?
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: Teka, pumunta ka na rin pala sa Koreyo ng Turin at tanungin mo kung may mga liham na pinadala para sa 'kin. Tanungin mo kung may mga sulat para kay Federigo Rasponi, pati na rin kay Beatriz Rasponi. Siya'ng kapatid kong babae. Baka may mga kaibigan siyang nagpadala ng sulat para sa kanya; kaya siguraduhin mo kung may mga liham para sa kanya at sa akin. TRUFFALDINO [aparte]:
BRIGHELLA: Ako nga. Kung galingan mo ang 'yong serbisyo, 'wag kang mangamba, bibigyan kita ng malaking pabuya. [Lalabas si BRIGHELLA patungo sa
taberna.]
TRUFFALDINO: Napakasuwerte ko! Ang dami d'yang hirap na hirap maghanap ng amo, samantalang ako, nakabinguwit ng dalawa. Anak ng diyablo, ano'ng gagawin ko? Hindi ko naman sila puwedeng pagsilbihan nang sabay. Teka hindi nga ba? At bakit naman? Hindi ba't mainam ngang manilbihan sa dalawa, para sumuweldo rin nang doble, kumain at uminom nang doble? Ayos sana kung 'di nila matuklasan. E ano naman kung mahuli nila ko? ano ngayon? Walang kaso! Kung palayasin ako ng isa, mananatili ako sa isa pa. Diyosmiyo, masubukan nga 'to. Kahit tumagal lang nang isang araw, susubukan ko. Dahil ano pa mang mangyari, ako pa rin ang lilitaw na panalo. Bahala na. Tara na sa Koreyo para sa kanilang dalawa.
TRUFFALDINO:
SILVIO: Puntahan mo ka'gad, sabihin mong nais ko siyang makausap; kung lalaki siyang may bayag, bumaba siya kamo; maghihintay ako.
'Wag nang sumagot, o sinusumpa ko sa Langit Pero sino ba'ng hanap-hanap mo?
TRUFFALDINO: SILVIO:
Dali na sabi, kundi'y gugulpihin kita. Aba, ewan bahala na kung sino'ng una kong makita.
TRUFFALDINO [aparte]:
TRUFFALDINO: Aba ewan ko. Kukunin ko na muna'ng mga sulat, senyor, kung pahintulutan mo. [Aparte] Naku, sawa na 'ko sa gulo. [Lalabas.] SILVIO [aparte]: Ayaw pa ring lumabas ni Federigo?
FLORINDO [aparte]: Kailangan kong malaman kung saan tungkol itong lahat. [Kay SILVIO] Senyor, ikaw ba ang maginoong naghahanap sa 'kin? SILVIO: Ako, senyor? Ni hindi pa 'ko nagkakaro'n ng karangalang makilala ka.
SILVIO: Kung gayon, patawad. Alinman sa kamukhang-kamukha ng alipin mo ang aliping nakita ko kaninang umaga, o kaya'y may iba pala siyang pinagsisilbihan. FLORINDO: SILVIO: FLORINDO: SILVIO: FLORINDO: SILVIO: 'Wag nang magtaka; ako nga'ng pinaglilingkuran niya. Samakatuwid, humihingi akong muli ng patawad. Hindi bale. Lahat naman tayo nagkakamali. Dayuhan ba kayo rito, senyor? Nagbuhat ako sa Turin, inyong abang lingkod. Iyong taong balak ko sanang hamunin ay tubong-Turin din.
FLORINDO: Pues baka kilala ko; kung nagkasala siya sa iyo, ikagagalak kong tumulong upang magkaayusan kayo. SILVIO: FLORINO: May kilala ka bang Federigo Rasponi? Ay! Kilalang-kilala ko nga.
SILVIO: Inaagaw niya sa 'kin ang isang babaeng kaninang umaga lang ay naipangako na sa 'king mapakasal. FLORINDO: Butihing kaibigan, paano ka aagawan ni Federigo Rasponi ng asawa gayong patay na siya?
SILVIO: Oo nga, naniwala kaming lahat na patay na siya; pero kaninang umaga lang, nasulasok akong malamang dumating siya sa Venesya nang buhay at masigla. FLORINDO: SILVIO: FLORINDO: SILVIO: FLORINDO: Senyor, winiwindang mo 'ko. Natural lang! Nawindang din ako. Ako na'ng tumitiyak sa iyo: patay na si Federigo Rasponi. Ako na'ng tumitiyak sa iyo: buhay pa si Federigo Rasponi. Mag-ingat ka na hindi ka napaglilinlangan.
SILVIO: Si Senyor Pantalone dei Bisognosi, ang ama ng babaeng pinagaagawan namin siya na mismo'ng tumiyak sa katotohanang ito, at hawak niya ang di-mapagdududahang mga pruweba na naririto nga si Federigo sa Venesya. FLORINDO [aparte]: Pues, hindi ko pala siya napatay sa duwelo, gaya ng pinaniniwalaan ng lahat! SILVIO: Isa sa 'ming dalawa ang dapat magsuko sa puso ni Clarisa o kaya ng sarili niyang buhay. FLORINDO [aparte]: Naririto si Federigo? SILVIO: Nagugulat nga ako't hindi mo pa siya nakakasalubong. Umuupa rin siya sa parehong tabernang iyan. FLORINDO: dito. SILVIO: Pues, nagbago siguro ng isip. Patawarin mo 'ko, senyor, kung naabala kita. Pero kung sakaling makita mo, sabihin mo sa kanya, na para sa sarili na rin niyang kapakanan, iwanan na niya'ng binabalak na kasalan. Ang pangalan ko'y Silvio Lombardi; ako'y tapat at aba mong lingkod, senyor. Hindi ko pa nakikita. Sabi nila sa 'kin, walang ibang nangungupahan
FLORINDO [aparte]: Hindi ko dapat ipagkanulo ang sarili ko. [kay SILVIO] Ang inyong lingkod, senyor, si Orazio Ardenti. SILVIO: Senyor Orazio, pag-utusan mo 'ko. [Lalabas si SILVIO.]
FLORINDO: Ang sabi sa 'kin, namatay siyang agad-agad. Ngunit nag-apura akong umalis nang paratangan ng krimen kaya 'di ko tuloy natiyak nang buo. Pues, gayong hindi pa siya patay, mas maigi sa 'kin ang bumalik ng Turin at aluhin ang iniirog kong si Beatriz, na marahil ngayo'y nagdurusa't nahahapis sa pagkawalay sa 'kin.
[Papasok si TRUFFALDINO, may kasamang isa pang PORTERO na bitbit ang baul ni BEATRIZ. Aabante nang ilang hakbang si TRUFFALDINO, makikita si FLORINDO, at sa takot na mahuli'y paaalisin ang PORTERO.]
TRUFFALDINO: 'Wag ka dito. Do'n ka Ay demontres! Nandiyan ang amo ko. Bumalik ka ron, 'igan, at hintayin mo ko d'yan sa may tabi.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO:
Iaabot ko sa 'yo. [Maglalabas ng tatlong liham mula sa kanyang bulsa. Aparte] Demontres! Napaghalu-halu ko ang mga liham ng dalawa kong amo. Pa'no ko malalaman kung alin ang sa kanya? Hindi ako marunong magbasa. Dali na, akin na'ng mga liham ko.
FLORINDO:
TRUFFALDINO:
Agad-agad, senyor. [Aparte] Letseng gusot ito. [Kay FLORINDO] Kailangan kong aminin, senyor, hindi para sa 'yo ang lahat ng tatlong liham na ito. May nakasalubong kase 'kong isa pang alipin, kakilala ko noon; kasamahan ko dati sa may Bergamo; sabi ko sa kanya na dadaan ako sa Koreyo, kaya pinakiusapan niya ko kung puwede ko ba raw tingnan kung may liham para sa amo niya. Mayro'n nga yatang isa, 'di ko lang alam ko alin dito. Titingnan ko; kukunin ko'ng sa 'kin, at isasauli sa 'yong iba. Ayan, senyor; gusto ko lang gawan ng kabutihan yung kaibigan
FLORINDO:
TRUFFALDINO: ko.
FLORINDO [aparte]: Ano ito? Liham na ipinadala kay Beatriz Rasponi? kay Beatriz Rasponi dito sa Venesya? TRUFFALDINO: FLORINDO: Nahanap mo na ba'ng para sa kumpadre ko?
Sino itong kumpadre mong humingi ng pabor? A, isang alipin ang pangalan ay si Pasqual
TRUFFALDINO:
FLORINDO:
TRUFFALDINO:
FLORINDO: Pero kung inutos niya sa 'yong kunin ang mga liham ng amo niya, malamang ay sinabi niya ang pangalan ng amo niya. TRUFFALDINO: hukay ko. FLORINDO: Aba'y siyempre. [Aparte] Punyeta, palalim na palalim na'ng
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO:
FLORINDO [aparte]: Ay, kalituhan! Ano'ng ibig sabihin nitong lahat? TRUFFALDINO [aparte]: FLORINDO: Putsa, tumatalas diskarte ko a!
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Pues, pa'no mo sa kanya maaabot ang liham? Sabi sa 'kin, kitain ko raw siya sa may Plasa.
TRUFFALDINO:
FLORINDO [aparte]: Di ko mawawaan ang lahat ng ito. TRUFFALDINO [aparte]: Kung malusutan ko lang ito, naku, ang laking himala. [kay FLORINDO] Samo ko, isauli na sa 'kin ang liham, senyor, at hahanapin ko na'ng katoto ko.
FLORINDO:
TRUFFALDINO: Ay, senyor, 'wag na 'wag mong gagawin 'yan. Alam mo naman kung ga'no kasama ang magbukas ng mga liham. FLORINDO: Wala na 'kong pakialam. Lubha kong pinagtatakhan ang liham na ito. Ipinadala ito sa isang taong nakatali sa 'kin; mabubuksan ko 'to nang walang bahid sa aking konsiyensiya. [Bubuksan ang liham.] TRUFFALDINO: Kayo'ng bahala, senyor. [Aparte] Patay, binuksan nga niya!
FLORINDO [magbabasa]: Senyora, nagbunsod ng napakaraming usap-usapan ang bigla mong pag-alis sa lungsod, at batid na ng lahat na lumayas ka upang sumama kay Senyor Florindo. Natuklasan ng Korte-de-Hustisya na sumibad ka nang nakadamit-panlalaki at balak ka nilang arestuhin. Hindi ko ipinadala ang liham na ito sa koreyo mula Turin patungong Venesya, upang 'wag maisiwalat ang lugar na balak mong tunguhin, bagkus ipinadala ko ito sa isang kaibigang taga-Henoa upang mula ro'y ipadala sa Venesya. Kung may karagdagan pa 'kong balitang iuulat sa iyo, maaasahan mo itong sumaiyo sa parehong paraan. Ang nagmamahal mong lingkod, Antonio. TRUFFALDINO: ibang tao! Anong klaseng pag-aasal 'yan! Basahin ba naman ang liham ng
FLORINDO [aparte]: Ano itong lahat? Lumayas ng pamamahay si Beatriz! nang nakadamit-panlalaki? upang sumama sa 'kin? Aba'y iniibig nga niya 'ko! Pahintulutan nawa ng Langit na mahanap ko siya rito sa Venesya. [Kay TRUFFALDINO] Heto, butihing Truffaldino, gawin mo'ng lahat para hanapin si Pasqual; alamin mo kung sino ang amo niya, at kung lalaki ba o babae. Alamin kung saan tumutuloy, at kung kakayanin mo, ihatid mo rito sa 'kin, at parehas ko kayong gagantimpalaan nang malaki. TRUFFALDINO: FLORINDO: 'kin. TRUFFALDINO: Pero iaabot ko ba sa kanya'ng liham nang ganito nakabukas? Akin na'ng liham; susubukin ko siyang hanapin.
FLORINDO: Hindi, hindi na muna sa ngayon. 'Wag nang mag-aksaya ng oras. Hayo't hanapin si Pasqual. [Aparte] Si Beatriz nasa Venesya, si Federigo nasa Venesya! Kung mahanap siya ng kanyang kuya, kawawang babae! Gagawin ko'ng lahat upang ako'ng unang makatagpo sa kanya. [Lalabas patungo sa
bayan.]
TRUFFALDINO: Diyos ko, sana naman hindi muna siya umalis. Gusto ko pang makita kung saan hahantong 'tong dalawa kong trabaho. Ganadong-ganado pa naman ako. Bueno, itong liham na dapat ko iabot sa isa ko pang amo ayoko sanang ibigay nang nakabukas. Dapat kong tupiin ulit. [Susubok ng ilang mali-maling estilo ng pagtupi.] Ngayon naman, dapat kong selyuhan. Kung alam ko lang sana kung papaano! Nakita ko noon ang lola ko magselyo ng mga sulat gamit ang nginuyang kap'raso ng tinapay. Subukin ko nga. [Dadampot ng kapirasong tinapay sa kanyang bulsa.] Sayang naman ang tinapay na 'to, pero kailangang maging madiskarte. [Ngunguya ng piranggot na tinapay ngunit malulunok ito.] Demontres! nalunok ko. Kailangan ko na namang ngumuya ng kapiranggot pa. [Gayon ulit.] Ayaw pa rin; nanlalaban ang kalikasan. Susubukin ko ulit. [Ngunguya ulit; gusto sanang lunukin ang
tinapay, ngunit pipigilan ang sarili at hirap na hirap na iluluwa ang kapirasong tinapay.] Heto na; iseselyo ko na ang sulat na ito. [Iseselyo ang sulat gamit ang tinapay.] Mukhang maayos naman. Ang husay-husay ko
talagang trumabaho nang pulido. Diyos ko! Nalimutan ko yung portero. [Tatawag sa labas.] 'Igan, halika na; buhatin mo na'ng baul.
TRUFFALDINO:
TRUFFALDINO:
Saan ang kuwarto mo? Tanungin mo sa serbidor. Isa't tersiyong penike'ng singil ko. Sige na, babayaran kita. Ngayon na. 'Wag mo nga 'kong distorbohin.
PORTERO: Kaunti na lang talaga at itatapon ko na'ng baul na 'to sa gitna ng kalsada. [Papasok ng taberna.] TRUFFALDINO: BEATRIZ: Hayop talagang umasal ang mga porterong 'yan!
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Oo, nabuksan na, at sinelyuhan lang ng tinapay. Hindi ko ubos-maisip kung paanong nangyari 'yan!
TRUFFALDINO:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Nabasa mo ba'ng liham na ito? Alam mo kung ano'ng nilalaman? Hindi. Hindi ko mabasa yung sulat-kamay.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Senyor!
Sana'y hindi ako nililinlang ng tampalasang 'yan. [Magbabasa.] Naplantsa rin ang bawat gusot!
Tapat na alipin si Antonio at pinagkakautangan ko ng loob. [kay TRUFFALDINO] Makinig ka; may kailangan lang akong asikasuhin. Magtungo ka sa taberna, buksan mo'ng baul ko heto'ng susi at idiskarga mo'ng mga laman niyon. Pagbalik ko, manananghalian tayo. [Aparte.] Hindi ko pa nakikita si Senyor Pantalone buong maghapon, at nasasabik na 'kong kunin ang aking pera. [Lalabas.]
TRUFFALDINO: Anak ng baka, umayos naman ang kinalabasan; wala namang marereklamo. Saksakan talaga 'ko ng husay; mas mataas na'ng tingin ko ngayon sa aking sarili.
[Papasok si PANTALONE.]
Sabihin sa 'kin, butihing katoto, nariyan ba ang amo mo? Hindi, senyor; wala rito. Alam mo ba kung saan nagpunta? Hindi rin ho. Uuwi ba siya para mananghalian? Sa palagay ko, oo.
PANTALONE: Bueno, pagkarating na pagkarating, iabot mo'ng supot na itong naglalaman ng isang daang guines. Hindi ako puwedeng magtagal, may iba pa 'kong aasikasuhin. Magandang araw sa 'yo. [Lalabas si PANTALONE.] TRUFFALDINO: Magandang araw rin sa 'yo, senyor! Ni hindi man lang sinabi kung aling amo'ng pagbibigyan ko nito.
[Papasok si FLORINDO.]
FLORINDO: Bueno, nahanap mo ba si Pasqual?
TRUFFALDINO: Naku, hindi ko pa nahahanap si Pasqual, senyor. Pero may nahanap akong maginoo na nag-abot sa 'kin ng supot na may isang daang guines. FLORINDO: Isang daang guines? para saan?
TRUFFALDINO: Sabihin mo nga sa kin, senyor, may inaasahan ba kayong pera sa kahit kanino? FLORINDO: Oo; nag-abot ako ng karta-de-kredita sa isang negosyante. Pues ito na siguro ang perang 'yon.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Ano ba'ng sabi niya nang iabot sa 'yo? Ang sabi niya, ibigay ko raw sa amo ko.
TRUFFALDINO:
FLORINDO: magdududa?
Aba'y pues akin nga. Hindi ba't ako ang amo mo? Bakit pa
TRUFFALDINO: Hindi, senyor; parang nakita ko na yata'ng mukha noon, hindi ko lang maalalang eksakto. FLORINDO: Marahil yung negosyanteng pinadalhan ko ng sulat. Aba'y mukha nga, senyor.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: Tera na nga. Suwerte't hindi ako pumalya ngayon. Nabigay ko'ng supot ng pera sa tamang amo. [Papasok sa taberna.]
Tagpo 3. - Isang kuwarto sa Bahay ni PANTALONE. Pantalone at Clarisa. PANTALONE: 'Yan ang puno't dulo ng lahat si Senyor Federigo ang magiging asawa mo. Nakapagbitaw na 'ko ng salita at hindi ako maiisahan. CLARISA: Tatalima ako, senyor; pero sinasamo ko ito'y kalupitan.
PANTALONE: Nang unang hingin ni Senyor Federigo ang kamay mo, sinabi ko sa 'yo; hinding-hindi ka umimik na ayaw mo pala siyang pakasalan. Dapat kang nagreklamo noong una; ngayon, masyado nang huli. CLARISA: Tkot sa 'yo, senyor, at paggalang ang bumusal sa 'king bibig.
Pues dapat kang patahimikin ng takot at paggalang ulit. Pero hindi ko siya puwedeng pakasalan, senyor. Hindi? at bakit hindi? Walang makapag-uudyok sa 'king magpakasal kay Federigo. Gayon mo ba siyang kinasusuklaman? Kahila-hilakbot sa aking pangmalas. E kung turuan kita kung paanong matipuhan siya nang unti? Ano'ng ibig mong sabihin, senyor?
PANTALONE: Itapon paalis sa isipan mo si Senyor Silvio, at makikita mo, unti-unti mo na ring magugustuhan si Federigo. CLARISA: Masyado nang madiing nakakintal si Silvio sa 'king puso; at pagsangayon mo, senyor, ang lalong nagpatibay sa pagkakatatak niya roon. PANTALONE [aparte]: Ay, kinaaawaan ko rin ang dalaga. [kay CLARISA] Kailangan mong hanapan ng ligaya ang kagipitan. CLARISA: PANTALONE: Hindi ko maloloko ang aking puso. Aba'y sukat na; gawin mo 'yon, gawin mo!
[Papasok si SMERALDINA.]
SMERALDINA: PANTALONE: Senyor, naririto si Senyor Federigo, nais kang kausapin. Papasukin mo; ako'y handang maglingkod. Aba ko! Anong pahirap!
CLARISA [tumatangis]:
SMERALDINA: Ano'ng problema, senyorita? bakit umiiyak? Naku, nagkakamali ka. Hindi ba napansin kung gaano kaguwapo si Senyor
SMERALDINA.]
PANTALONE: CLARISA: Tahan na, iha; hindi ka niya dapat makitang lumuluha. Ngunit nagpuputok ang dibdib ko!
PANTALONE: Ang inyong lingkod, senyor. Natanggap ba ang aking supot na may lamang isang daang guines? BEATRIZ: Ay, hindi pa.
PANTALONE: Ngunit kabibigay ko lang ngayon sa alipin mo. Sabi mo'y mapagkakatiwalaan siyang tao. BEATRIZ: Siyang tunay; walang dapat pangambahan. Hindi ko lang nakasalubong kanina. Iaabot niya sa 'kin ang pera, pihado, pagkauwi ko mamaya. [Aparte kay PANTALONE] Ano'ng ikinahahapis ni Senyora Clarisa at siya'y lumuluha? PANTALONE [aparte kay BEATRIZ]: Mahal kong Senyor Federigo, kailangan mo siyang kaawaan. Ang balita tungkol sa kamatayan mo ang siyang dahilan ng lahat nitong gulo. Sana'y lumipas din 'yan pagdating ng panahon. BEATRIZ [kay PANTALONE]: Mabutihin mo sana, Senyor Pantalone, na iwanan muna akong saglit kasama niya. Titingnan ko kung makahugot ako ng mabuting pagturing mula sa kanya. PANTALONE: Ikagagalak ko, senyor. Aalis ako, at babalik maya-maya. [kay CLARISA] Iha, dito ka lamang, babalik akong agad. Pasiyahin mo muna ang magiging asawa mo. [Mahina, kay CLARISA] Mag-iingat ka. [Lalabas.] Senyor Clarisa, sinasamo ko Lumayo ka, at 'wag mong pangahasang magsumamo sa 'kin.
BEATRIZ: CLARISA:
BEATRIZ:
CLARISA: Kaladkarin man nila 'kong puwersahan sa altar, kamay ko lang ang makukuha mo, ngunit hinding-hindi ang aking puso. BEATRIZ: CLARISA: BEATRIZ: CLARISA: BEATRIZ: Napopoot ka sa 'kin, ngunit nais lamang kitang aluhin. Kapopootan kita hanggang sa katapusan ng mundo. Kung kilala mo lamang kung sino ako, hindi mo 'yan sasabihin. Kilalang-kilala kita: ikaw ang kalaban ng lahat kong ligaya. Ngunit nasa 'king kamay ang paraan upang ika'y guminhawa.
CLARISA: 'Wag mong lokohin ang iyong sarili; walang iba kundi si Silvio ang makapagpapaginhawa sa 'kin. BEATRIZ: Siyang tunay, hindi nga mabibigay sa 'yo ang kapantay na ginhawang mapapala mo kay Silvio, ngunit makaaambag akong munti sa 'yong kaligayahan. CLARISA: Sukat na sukat na, senyor, na bagaman pagsalitaan kita nang marahas, patuloy mo pa rin akong pinatitiis sa iyong pahirap. BEATRIZ [aparte]: Kawawang dalaga! Hindi ko na kaya ang kanyang pagdurusa!
CLARISA [aparte]: Napakatindi ng galit ko, wala akong pakialam kung ga'no mang kasama ang aking asal. BEATRIZ: CLARISA: sabihin. BEATRIZ: maligaya. CLARISA: Senyora Clarisa, may sikreto akong aaminin sa iyo. Hindi ko maipapangakong ilihim 'yan; kaya't buti pa'y 'wag mo nang
BEATRIZ: Pero nagkakamali ka, at upang makumbinsi ka, mangungusap ako nang diretsahan. Hindi mo 'ko iniibig, at wala akong interes sa iyo. Naipangako mo'ng kamay mo sa ibang tao, at ako rin, naialay na'ng puso sa iba. CLARISA: BEATRIZ: CLARISA: Aba, unti-unti mo na 'kong pinatutuwa. Hindi ba't sinabi kong ako ang giginhawa sa iyo? Ay, takot ko'y nililinlang mo lang ako.
BEATRIZ: Naku hindi, senyora, ako'y nangungusap nang sinsero at kung ipangako sa 'kin ang paglilihim na kani-kanina lang ay ipinagkait, isisiwalat ko sa 'yo ang isang sikreto, na titiyak sa kapanatagan ng iyong puso. CLARISA: Pinapangako ko ang pinakamahigpit na paglilihim.
BEATRIZ: Hindi ako si Federigo Rasponi, bagkus, ako ang kanyang kapatid na si Beatriz. CLARISA: Ano! Ako'y namamangha. Isa kang babae?
BEATRIZ: Siyanga. Isipin mo na lang kung ano'ng naramdaman ko nang angkinin kita bilang asawa! CLARISA: At ano'ng balita sa 'yong kapatid?
BEATRIZ: Ay, totoo ngang nasawi sa patalim. Nababalitang mangingibig ko ang umutas sa 'king kapatid, at siya ngayon ang hinahanap-hanap ko nang nakadamit panlalaki. Ipinagmamakaamo ko sa 'yo, sa ngalan ng bawat batas ng pakikipagkaibigan at pagmamahal 'wag na 'wag mo 'kong ipagkakanulo. CLARISA: BEATRIZ: CLARISA: Hindi ko man lang ba puwedeng sabihin kay Silvio? Hindi; sa katunayan, ipinagbabawal kitang lubos. Pues, ipipinid ang aking bibig.
CLARISA: Magiging kaibigan mo nga 'kong tunay; at kung kailanganin ang aking paglilingkod, pag-utusan mo 'ko. BEATRIZ: Ako rin, sumusumpa ng panghabang-buhay na pakikipagkaibigan. Akin na'ng kamay mo. CLARISA: BEATRIZ: 'yo. CLARISA: BEATRIZ: CLARISA: Pero parang panaginip itong lahat. Siyanga. Kakatwang mga pangyayari. Kamangha-manghang pantasya. Pero ayoko muna sanang Ba't, natatakot pa bang hindi ako tunay na babae? Patutunayan ko sa
BEATRIZ: Sige na, kailangan ko nang mauna. Magyakapan tayo bilang tanda ng pakikipagkaibigan at katapatan. CLARISA: Ayan! Hindi na kita pinagdududahan.
[Papasok si PANTALONE.]
PANTALONE: Napakagaling, napakagaling; binabati ko kayo! [kay CLARISA] Iha, ang bilis mong natutong makibagay, aber. BEATRIZ: Hindi ba't sinabi ko 'yo, Senyor Pantalone, na mahuhuli ko rin ang kanyang kiliti? PANTALONE: Pambihira! Mas marami ka pang nagawa sa loob ng apat na minuto kaysa sa 'kin sa loob ng apat na taon. CLARISA [aparte]: Ngayon, anong gusot itong pinasok ko.
PANTALONE [kay CLARISA]: Kung gayon, ba't hindi pa natin paagahin ang kasalan? CLARISA: Samo ko, 'wag nang magsantong paspasan, senyor.
PANTALONE: Ba't hindi pa? Pahawak-hawak sa kamay nang patago, at pabeso-beso at kamo'y 'wag magpaspasan? Hindi, hindi, ayokong madisgrasya kayo. Bukas na bukas din, ganapin ang kasalan. BEATRIZ: Senyor Pantalone, mas maigi munang ayusin ang mga kasunduan at aregluhin ang ating mga kuwenta. PANTALONE: Tapusin natin ang lahat ng 'yan. Magagawa 'yan sa loob ng dadal'wang oras lamang. CLARIS: Samo ko, senyor
PANTALONE: Senyorita, aalis akong agad upang magpadalang-balita kay Senyor Silvio. CLARISA: PANTALONE: CLARISA: Awa ng Diyos, 'wag mo siyang galitin. Ano, ano? gusto mo bang asawahin ang pareho? Hindi naman sa gano'n pero
PANTALONE: Tigil-tigilan mo 'yang mga pero-pero mo. Areglado na ang lahat. Pag-utusan mo, senyor. [Aalis.] BEATRIZ [kay PANTALONE]: PANTALONE: CLARISA: PANTALONE: CLARISA: Makinig, senyor
Kayo na'y magiging esposo at esposa. [Aalis.] 'Wag mo sanang Mam'yang gabi na tayo mag-usap. [Lalabas.] O, Senyora Beatriz, mas lumubha pa yata ang gulong ito!
YUGTO 2
TAGPO 1. Sa patyo ng bahay ni PANTALONE. Silvio at Ang Doktor. SILVIO: DOKTOR: SILVIO: DOKTOR: Senyor, pakiusap, iwanan mo 'ko. Huminto, tugunin mo ako. Wala ako sa aking sarili. Ano'ng ginagawa mo rito sa patyo ni Senyor Pantalone?
SILVIO: Susundan kita. Aalis ako. Kausapin mo siya. Hihintayin kita sa may parmasya. Ngunit kung magmatigas si Senyor Pantalone, kakailanganin na niyang makipagtuos sa akin. [Lalabas si SILVIO.] DOKTOR: Pobreng binata, kinaaawaan kong lubha. Hindi na dapat siya pinaasa nang gano'n ni Senyor Pantalone bago niya ganap na nasigurong patay na nga yung taga-Turin. Dapat ko siyang kitain nang mahinahon; hindi ko dapat hayaang madala ako ng init ng ulo.
[Papasok si PANTALONE.]
PANTALONE [aparte]: DOKTOR: Ano'ng ginagawa ng Doktor sa aking pamamahay?
PANTALONE: Ang inyong lingkod, G. Doktor. Hinahanap-hanap ko nga ikaw at ang iyong anak. DOKTOR: Gayon ba? Maigi! Marahil hinahanap mo kami upang siguruhin ang tipanan sa pagitan ng Senyora Clarisa at ng aking si Silvio?
PANTALONE [nahihiya]:
DOKTOR: Naku, 'wag na; hindi na kailangan pa ng mga pali-paliwanag. Nakikiisa ako sa 'yong napakaalanganing kalagayan. Ngunit matagal na tayong magkumpare, at palampasin na natin ang mga nangyari sa nakaraan. PANTALONE [nag-aatubili pa rin]: Siyanga, naturalmente, lalo't sa usapin ng pangakong binigay ko kay Senyor Federigo DOKTOR: Binigla ka niya, at nawalan ka ng oras mag-isip nang maigi; hindi mo nakunsidera ang insultong naiukol mo sa aking pamilya. PANTALONE: kasunduan Anong insulto'ng pinag-uusapan, gayong may naunang
DOKTOR: Alam ko ang ibig mong sabihin. Sa una'y tila walang pag-asang balewalain ang pangakong naibigay sa maginoong taga-Turin, sapagkat 'yon ay kontratang pormal. Pero ang kontratang 'yon ay tanging sa pagitan ni'yong dalawa lamang, samantalang yaong sa atin ay itinalaga nang may kapahintulutan mismo ng dalagita. PANTALONE: DOKTOR: Siyang tunay, ngunit At gaya ng nalalaman mo na, sa mga usapin ng pag-aasawahan,
Kayo'ng bahala.
PANTALONE: Dapat kong sabihin sa iyo: lubos kong ginagalang ang tambaktambak mong karunungan ukol sa batas, ngunit sa usaping ito, wala 'yang bisa. DOKTOR: Ibig mong sabihin, matutuloy pa rin yung isa pang kasalan?
PANTALONE: Sa ganang akin, nakapagbitaw na 'ko ng salita at hindi ko 'yon makakayanang bawiin. Kuntento na ang aking iha; ano pa'ng humahadlang? Gusto nga kitang hanapin, o ang anak mong si Senyor Silvio, upang sabihin sa inyo ang bagay na ito. Ipinagmamakaawa ko ang inyong kapatawaran, ngunit wala na tayong iba pang magagawa. DOKTOR: Hindi ako nabibigla sa iniaasal ng iyong anak. Ngunit nabibigla ako sa inaasal mo, senyor, at sa pambabastos na iniuukol mo sa akin. Kung hindi ka siguradong-sigurado hinggil sa kamatayan ni Senyor Federigo, wala kang karapatang makipagkasunduan sa pamamanhikan ng aking anak; subalit ngayong nasuot na sa kasunduan, tungkulin mong pangatawanan ang tipanang iyon kahit ano pa man ang mangyari. Ang balita hinggil sa kamatayan ni Federigo ay sasapat na, maging kay Federigo mismo, upang suhayan ang bago mong intensyon; wala siyang karapatan upang magalit sa iyo, o humingi man lang ng bayad-pinsala. Ang kasalang pinagkasunduan kaninang umaga sa pagitan ni Senyora Clarisa at ng aking anak, coram testibus, ay di-maipapawalambisa ng pangakong naibigay mo sa ibang partido. Kung makikinig ako sa aking anak, pupuwersahin ko sanang ipawalambisa ang bagong kontrata at pilitin ang anak mong pakasalan siya;
[Papasok si SILVIO.]
SILVIO [aparte]: Malangis ang dila ni papa. Ngunit sinumang may malamig na ulo, bayaan siya ang magpasensya. PANTALONE [makikita si SILVIO; aparte]: Naku, heto'ng isa pa. SILVIO [bastos]: PANTALONE: SILVIO: 'yon? PANTALONE: Kung ama mo na ang nagsabi, pues paniwalaan mo. Ang inyong lingkod, senyor. Pag-utusan mo, senyor. [Aparte] Naku, nagbabaga. May nabalitaan ako mula sa 'king ama; dapat ko bang paniwalaan
SILVIO: Samakatuwid, areglado na'ng kasunduan sa pagitan nina Senyora Clarisa at ni Senyor Federigo? PANTALONE: Siyanga, senyor, areglado na't tapos.
SILVIO: Nagugulat ako at may sapat kayong apog na sabihin sa 'kin 'yan nang harap-harapan. Isa kang taong walang-dangal, hindi ka maginoo. PANTALONE: Saan galing ang lahat ng 'to? Ganyan ba dapat mangusap sa isang tao ng aking edad?
Naku, patay kang bata ka! Alisto na, senyor. Ay, mahal kong manugang
Hindi ito ang unang beses na malagay sa alanganin ang aking buhay. [kay SILVIO] Hindi ako takot sa iyo. [Ibabalandra ang kanyang espada] Saklolo! Saklolo!
PANTALONE:
[Tatakbo si PANTALONE patungo sa kalye. Maglalaban sina BEATRIZ at SILVIO. Mahuhulog si SILVIO at mabibitawan ang kanyang espada. Itututok ni BEATRIZ ang kanyang patalim sa puso ni SILVIO. Papasok si CLARISA.]
CLARISA [kay BEATRIZ]: Tigil! Tigil!
BEATRIZ: Mutyang Clarisa, dahil sa 'yong hiling ay pinapatawad ko ang buhay ni Silvio, at bilang pabuya sa aking habag, alalahanin mo, samo ko, ang iyong ipinangako. [Lalabas si BEATRIZ.] CLARISA: Mahal kong Silvio, nasaktan ka ba?
SILVIO: Mahal kong Silvio! traydor na manloloko! Mahal kong Silvio! ng mangingibig na dinaya, ng asawang pinindeho! CLARISA: Hindi, Silvio, hindi nararapat sa 'kin ang pang-aaglahi mo. Minamahal kita, iniirog kita, ako'y tapat sa iyo. SILVIO: Ay, sinungaling kang ahas! Tapat sa akin kalokohan! 'Yan ba ang tinatawag mong katapatan, ang magsuko ng pag-ibig sa puso ng iba? CLARISA: Hindi ko ginawa 'yan, at hindi ko gagawin kailanman. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa iwanan ka. SILVIO: CLARISA: SILVIO: CLARISA: SILVIO: CLARISA: SILVIO: Karirinig ko lang ngayon na ibinigay mo ang iyong pangako. Hindi ako tinatali ng naturang pangako na makasal sa kanya. Ano'ng pinangakuan, kung gayon? Mahal kong Silvio, patawarin mo 'ko; hindi ko puwedeng sabihin. Bakit hindi? Dahil nangako akong manahimik. Patunay 'yan ng iyong kasalanan.
Hindi, inosente ako. Walang sinisikreto ang mga inosenteng tao. Naku, magkakasala nga kung ako'y magsalita. At kanino mo ipinangakong manahimik? Kay Federigo. At buong-pilit mong pangangatawanan ang iyong naipangako? Pangangatawanan ko, sa halip na bumali ng salita.
SILVIO: At sinasabi mo sa 'king hindi mo siya mahal? Hangal ang sinumang maniniwala sa 'yo. Hindi kita pinaniniwalaan, malupit na manlilinlang! Lumayas sa aking harapan! CLARISA: Kung hindi kita mahal, hindi na sana ako tumalilis dito upang sagipin ang iyong buhay. SILVIO: Pues kinasusuklaman ko ang aking buhay, gayong inutang ito sa isang gaya mong walang utang na loob. CLARISA: SILVIO: CLARISA: SILVIO: CLARISA: Iniibig ka ng buo kong puso. Kinamumuhian ka ng buo kong kaluluwa. Ikamamatay ko kung 'di ka guminhawa. Mas iibigin pang makita kang bangkay kaysa isang taksil. Pues makukuha mo ang iyong hiling. [Pupulutin ang espada ni
SILVIO.]
SILVIO: hinanakit. CLARISA: Siyanga, ang espadang 'yan ang maghihiganti para sa aking mga
Ikaw, Clarisa, ang nagturo sa 'king magmalupit. Ninanais mo nga 'kong mamatay? Hindi ko na alam kung ano ang aking ninanais. Aba'y ako, nalalaman ko. [Itututok ang espada sa kanyang dibdib.]
[Papasok si SMERALDINA.]
SMERALDINA: Tigil, tigil! anong katarantaduhan ang iyong pinaggagagawa? [Aagawin ang espada mula kay CLARISA.] At ikaw, ikaw, aso, hahayaan mo lang siyang mamatay? [kay SILVIO] May puso ka ba ng tigre, ng hiyena, ng diyablo? Tingnan mo'ng sarili mo, bale-baleng timang, inaasahan mong magsasaksak ng espada sa tiyan ang mga dalaga para sa 'yo! Masyado ka namang mabait, senyora. Ayaw na niya sa 'yo, hula ko. Pues, sinumang ayaw sa 'yo, hindi karapat-dapat na makuha ka. Hayaang kunin ng diyablo'ng mamamatay-taong 'yan; at ikaw, sumama ka sa 'kin. Kung makapagdrama ka, akala mo kulang ng mga lalaki sa mundo; pinapangako ko sa 'yo, bago matapos ang gabi, pakikitaan kita ng sandosenang mga guwapito.
SMERALDINA: Pambihira! Iyan na'ng pinakanakawiwindang na kasinungalingan! 'Onti na lang, tatarak na. SILVIO: Kayong mga babae, puro kayo imbento.
SMERALDINA: E talaga, kung katulad namin kayo. Gaya ng lumang kasabihan: sa inyo ang langit, amin ang impyerno. Sabi nila, salawahan daw ang mga babae, samantalang ang mga lalaki, kaliwa't kanan kung mandaya. Ang mga tao, panay tsismis tungkol sa mga babae, pero kiyetong-kiyeto sila pagdating sa mga lalaki. Alam mo kung bakit? Kasi panay lalaki ang gumawa ng mga batas. Kung babae sana ang gumawa, magiging baliktad ang lahat. Kung naging reyna ako, ipag-uutos ko na magbuhat ng sanga ang bawat lalaking nangaliwa makikita mo, ang lahat ng bayan, magmumukhang mga gubat!
[Lalabas si SMERALDINA.]
SILVIO: Si Clarisa mandaraya! Si Clarisa traydora! Yung pakunwari niyang pagpapakamatay daya lamang 'yon upang isahan ako, upang gayumahin ang aking puso. Kahit na pinili ng kapalarang matalo ako ng aking karibal, hinding-hindi ako bibitaw sa binabalak kong higanti. Mamamatay ang tampalasang iyon, at makikita ng walang utang-na-loob na si Clarisa ang kanyang mangingibig, na nakalublob sa batis ng sarili niyang dugo! [Lalabas
si SILVIO.]
may dalawang pinto sa gilid, at dalawang pinto sa likuran, nakaharap sa mga manonood. Si Truffaldino, mag-isa.
TRUFFALDINO: Tingnan mo nga naman kung gaano ako kasuwerte! Dalawang amo, parehong ayaw umuwi para mananghalian. Mag-aalas dos na, hindi ko pa rin alam kung nasaan sila. Ipupusta ko, uuwi 'yan nang sabay, at masusuot na naman ako sa gulo. Paano ko naman sila mapagisisilbihan nang sabay?
[Papasok si FLORINDO.]
FLORINDO: Bueno, nahanap mo ba si Pasqual?
TRUFFALDINO: Hindi ba't sabi ko, senyor, na hahanapin ko siya pagkatapos nating mananghalian? FLORINDO: Hindi na 'ko makapaghintay na makita siya. Pues dapat kang nananghalian nang mas maaga.
TRUFFALDINO:
FLORINDO [aparte]: Wala akong mahanap na paraan upang tiyaking naririto si Beatriz. TRUFFALDINO: Sabi mo sa 'kin, pumedido ng pananghalian, sabay aalis ka naman. 'Di mabubulok lang yung pananghalian. FLORINDO: Ayokong kumain. [Aparte] Pupunta ako sa Koreyo; ako na mismo'ng pupunta ro'n; sakaling mayroon akong mahanap. TRUFFALDINO: Alam mo, senyor, dito sa Venesya, dapat kumakain ka; kung hindi, magkakasakit ka niyan. FLORINDO: Kailangan kong lumabas; may importante akong aayusin. Kung umuwi ako para mananghalian, e 'di mabuti; kung hindi, sa gabi na lamang ako kakain. Bahala ka kung gusto mong maghanap ng makakain. TRUFFALDINO: Kayong bahala, senyor; kung ano'ng gusto ni'yo, senyor; kayo ang aking amo. FLORINDO: Mabigat ang perang ito; heto, ilagay mo sa aking baul. Ito ang susi.
FLORINDO: Hindi na, hindi, saka mo na sa 'kin isauli. Hindi ako puwedeng matengga. Kung hindi ako makabalik para mananghalian, kitain mo 'ko sa
[Lalabas si FLORINDO.]
TRUFFALDINO: Bahala na, siya na mismo'ng nagsabing puwede akong maghanap ng makakain; nagkasundo kami ro'n. Kung 'di niya kakainin ang tanghalian niya, 'di iwanan niya. Hindi bagay sa 'kin ang nag-aayuno. Itatabi ko lang ang supot na ito, at pagkatapos
[Papasok si BEATRIZ.]
BEATRIZ: O, Truffaldino! Demontres!
TRUFFALDINO [aparte]:
BEATRIZ: May inabot ba sa 'yong supot ng isang daang dukada si Senyor Pantalone dei Bisognosi? TRUFFALDINO: BEATRIZ: Siyanga, senyor, mayro'n.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Para ba 'yon sa akin? ano ba'ng sabi niya nang iabot ang supot? Sabi sa 'kin, ibigay ko raw sa aking amo.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Pues bakit pa tinatanong kung sa 'kin nga ang supot? E 'di sa inyo nga.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO [aparte]: Nagkamali pala 'ko sa supot; pero areglado na. Ano kayang sasabihin nung isa pang maginoo? Bueno, kung hindi naman pala sa kanya ang pera, pues wala siyang marereklamo. BEATRIZ: Nariyan ba ang kasero? Oo, senyor.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: Sabihin mo sa kanya na may kaibigan akong kinumbidang mananghalian, at kailangan niyang maghanda sa lalong madaling panahon. TRUFFALDINO: Ano'ng gusto mong kainin, senyor? ilang putahe?
BEATRIZ: Ay, hindi naman mahilig sa magagarbong kainan si Senyor Pantalone dei Bisognosi. Sabihin mo, mga lima o anim na putahe; sarapan niya kamo. TRUFFALDINO: Ipinagkakatiwala mo na ba sa 'kin ang lahat, senyor?
BEATRIZ: Oo, ikaw na'ng mamili, at galingan mo. Susunduin ko ang maginoo, hindi siya nalalayo, siguraduhin mong handa na ang lahat pagkabalik namin.
[Aalis.]
TRUFFALDINO: Makikita mo kung paano sila magsilbi rito.
BEATRIZ: Teka! Kunin mo pala itong papel; ilagay mo sa 'king bagahe. Pagingatan mo 'yan; 'yan ay tsekeng nagkakahalagang apat na libong koronas. TRUFFALDINO: 'Wag kang mag-alala, senyor, itatago ko na.
BEATRIZ: Tiyakin mong handa ang lahat. [Aparte] Kawawang Tandang Pantalone nanginginig pa rin sa takot! Dapat ko siyang pasayahin. [Lalabas
si BEATRIZ.]
TRUFFALDINO: Ngayon ako magpapakitang-gilas. Unang beses akong pagutusan nitong amo ko na pumedido ng pagkain. Pakikita ko sa kanya na ako'y
[Papasok si BRIGHELLA.]
BRIGHELLA: Ano'ng meron, Senyor Truffaldino? Ano'ng maitutulong ko? TRUFFALDINO: May maginoong panauhin ang amo ko, kinumbida niyang mananghalian. Gusto niya ng masarap na handa, at yung tipong maluluto ka'gad. May laman ba'ng kusina ni'yo? BRIGHELLA: Laging puno ang kusina namin. Sa loob ng kalahating oras, maluluto ko ka'gad ang kahit anong putaheng gusto mo. TRUFFALDINO: Maigi. Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng mahahanda ni'yo.
BRIGHELLA: Para sa dalawang tao, mayro'n kaming dalawang kurso, tig-aapat na putahe sasapat na ba 'yon? TRUFFALDINO: Kamo lima o anim na putahe mabuti pang gawin mo nang anim hanggang walo. Sasapat na 'yon. Ano'ng mahahain mo sa 'min? BRIGHELLA: Para sa unang kurso, mayro'n kaming sopas, pinirito, nilaga, at fricandaeu. TRUFFALDINO: Tatlo sa sinabi mo, kilala ko pero yung huli, wala yatang gano'n sa bundok namin. BRIGHELLA: Isa yung putaheng Pranses isang ragout napakalinamnam. TRUFFALDINO: ikalawa? Maigi. Sasapat na 'yon pang-unang kurso. Ano'ng para sa
BRIGHELLA: Senyor, pudin, isang putaheng Ingles napakasarap. TRUFFALDINO: kainan? Bueno, sasapat na 'yon. Pero pa'no natin aayusin ang hapag-
BRIGHELLA: Ay, napakadali lamang. Ang serbidor na'ng bahala riyan. TRUFFALDINO: Naku, naku, kaibigan, napakahalagang usapin ng pag-aayos sa hapag-kainan; 'yan ang unang importanteng detalye sa isang piging, kung paanong wasto na magpuwesto ng ihahain. BRIGHELLA: Bueno, ilalagay ang sopas diyan, ang pinirito r'yan, ang nilaga naman diyan, at dito ang fricandeau. [Nag-aayos kunwari ng pagpupuwesto sa
mesa.]
TRUFFALDINO: Ayoko. Wala ka man lang bang nilalagay sa may gitna?
BRIGHELLA: Pues magiging limang putahe na, kung gayon. TRUFFALDINO: Areglado. 'Di lima na.
BRIGHELLA: Puwedeng sa gitna ang sarsa. TRUFFALDINO: Naku, hindi, hindi, kaibigan, wala kang kaalam-alam sa pagpupuwesto ng mesa; hindi mo puwedeng ilagay ang sarsa sa gitna; laging sopas ang nilalagay sa gitna. BRIGHELLA: Pues banda rito yung karne, at sa kabilang dulo, yung sarsa. TRUFFALDINO: Ay Santisima Trinidad, hindi puwedeng ganyan. Kayong mga tabernero, marunong nga kayong magluto pero wala kayong alam sa pagmamayordomo. Halika, 'papakita ko sa 'yo. [Luluhod sa isang tuhod at tuturo sa sahig.] Kunwari ito ang mesa. Ngayon, tingnan mo kung paano ko ayusin ang limang putahe, a. Ganito: dito sa gitna ang sopas. [Magpupunit ng
kapiraso ng tseke at ilalapag ito sa sahig na kunwari'y ito ang putahe.] Ngayon naman, ang nilagang karne. [Gayon din.] Dito sa kabila natin ilalagay
'Yan ang aking tseke. Patawad po, senyor; ididikit-dikit ko na lang ulit.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: Sanggano! Ganyan mo ba inaalagaan ang mga kasangkapan ko? at napakahalaga pa! Ang dapat sa 'yo, makatikim ng gulpi. Ano'ng tingin mo, Senyor Pantalone? nakakita ka na ba ng ganito kalalang katangahan? PANTALONE: Sa totoo lamang, hindi ko mapigilang tumawa. Malubha sana kung hindi 'yan mahahanapan ng remedyo, pero susulatan na lang kita ng isa pa at maaayos na'ng lahat. BEATRIZ: Pero isipin mo na lang kung sa malayo pa nanggaling ang tseke at hindi rito lamang. [kay TRUFFALDINO] Ignoranteng mangmang! TRUFFALDINO: Si Brighella ho'ng may kasalanan hindi kasi marunong magpuwesto ng lamesa. BRIGHELLA: Lahat na lang ho ng gawin ko, hinihiritan niya. TRUFFALDINO: 'Yan ay sapagkat eksperto ako sa larangan ko, 'no! Layas.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: Lalo na 'pag kainan ang pinag-uusapan, hinding-hindi ko palalagpasin kahit ang pinakamataas na mayordomo sa buong bayan.
[Lalabas si TRUFFALDINO.]
BRIGHELLA: 'Di ko maintindihan ang mokong na 'yon; minsan tarantado, minsan talagang sadyang bobo lamang. BEATRIZ: Nagtatanga-tangahan lamang siya. Bueno, handa na ba'ng tanghalian?
BRIGHELLA: Kung limang putahe'ng ipepedido n'yo per kurso, matatagalan nang kaunti. PANTALONE: Ano'ng limang putahe per kurso'ng pinagsasabi mo? Simpleng handa lamang ang hanap ko risotto, ilan pang putahe, at sasapat na 'yon. Payak lang ang panlasa ko. BEATRIZ [kay BRIGHELLA]: Narinig mo ba? sasapat na 'yon. BRIGHELLA: Bueno, senyor; pero puwede mo bang sabihin kung may partikular kang putaheng gusto? PANTALONE: Siguro'y ilang rissole kung mayro'n kayo; mahina na kase'ng ngipin ko ngayon. BEATRIZ: Narinig mo? Rissole raw.
BRIGHELLA: Maigi, senyor. Maupo lamang kayong sandali, senyores, at maluluto na rin ang tanghalian. BEATRIZ: Sabihin kay Truffaldinong pumarito at magsilbi sa amin.
BRIGHELLA: Sasabihin ko. [Lalabas si BRIGHELLA.] BEATRIZ: Senyor Pantalone, patawad ngunit kailangan mo nang mabusog sa mumunting handa.
PANTALONE: Mahal kong ginoo, nalulula nga ako sa dami ng atensyong iniuukol mo sa 'kin. Sa katotohanan nga, ginagawa mo sa 'kin ang dapat na ginagawa ko sa 'yo. Pero alam mo naman, naro'n yung dalaga ko sa bahay, at hangga't 'di pa naaayos ang lahat ng may kinalaman sa inyong dalawa, hindi pa nararapat na kayo'y magkita. Kaya't buong-lugod kong tinatanggap ang iyong pagmamalasakit upang bumalik-balik naman ang aking gana; dahil talagang nahintakutan ako. Kundangan sa iyo, niyari na siguro ako ng basagulerong 'yon. BEATRIZ: Buti't tamang-tama ang pagdating ko.
[Papasok ang MGA SERBIDOR mula sa kusina, dala ang mga baso, alak, tinapay, atbp., at ipapasok ang mga ito sa kuwarto kung saan kakain sina BEATRIZ at PANTALONE.]
PANTALONE: Ang bilis nga naman ng serbisyo nila rito, ano?
BEATRIZ: Listong tao 'yang si Brighella. Naging serbidor siya noon sa isang maharlikang taga-Turin, at hanggang ngayo'y suot-suot pa rin niya ang sagisag ng naging amo niyang maginoo. PANTALONE: May napakainam ding taberna sa kabilang panig ng Gran Canal, katapat ng Rialto; masarap ding kumain do'n. Madalas akong kumain do'n noon kasama'ng mga kaibigan ko. Napakahusay rin ng mga serbidor; madalas kong naaalaala ang lugar na 'yon. Napakaigi ng alak nila, galing pang Borgonya talagang alak para sa mga diyos. BEATRIZ: Wala nang mas sasarap pa kaysa uminom ng alak kasama'ng mga mahuhusay na kaumpukan. PANTALONE: Mahuhusay na kaumpukan! Ay, kung nakilala mo lamang sila! Napakahuhusay na mga kaututang-dila! Mga taong tapat, maraming magagandang kuwentong binabahagi. Pagpalain sila ng Diyos. Mga pito o walo silang laging naroroon mga walang-katulad sa buong mundo.
TRUFFALDINO [yuyukod]: Mauna na muna kayo, senyor. PANTALONE: Kakaibang mokong 'yang alipin mo. [Papasok.]
BEATRIZ [kay TRUFFALDINO]: Bawas-bawasan mo'ng kalokohan, at dagdagan ang pagkaalisto. [Papasok.] TRUFFALDINO: Tanghalian ba'ng tawag mo d'yan! Ang dami-dami nilang pera, pero napakakonti ng kakainin. Kumusta kaya'ng lasa ng sopas na ito? Matikman nga. [Maglalabas ng kutsara mula sa kanyang bulsa, saka titikim ng sabaw.] Lagi akong may dalang sandata. 'Di rin masama; puwedeng-puwede na. [Papasok ng kuwarto nang dala ang sopas.]
TRUFFALDINO:
FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Bakit ka naghahain ng tanghalian bago ako dumating? Nakita kita mula sa bintana. [Aparte.] Kailangan kong hanapan
TRUFFALDINO: Kailangan mong malaman, senyor, na dito sa Venesya, sopas ang huling kinakain. FLORINDO: Iba'ng nakasanayan ko. Akin na'ng sopas. Ibalik mo 'yan sa kusina. Oo, senyor. Kayo'ng masusunod, senyor.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Magmadali. Pagkatapos, gusto kong magsiyesta. Oo, senyor. [Akmang pupunta sa may kusina.]
TRUFFALDINO:
[Papasok si FLORINDO sa kabilang kuwarto pagkapasok na pagkapasok, agad na dadalhin ni TRUFFALDINO ang plato kay BEATRIZ. Papasok ang UNANG SERBIDOR na may dalang bagong putahe. Tatawag si FLORINDO mula sa kanyang kuwarto.]
FLORINDO: Truffaldino! Truffaldino! ba't lagi mo 'kong pinahihintay?
TRUFFALDINO [lalabas mula sa kuwarto ni BEATRIZ]: Nariyan na, senyor. [Sa UNANG SERBIDOR] Dali, magpuwesto ka na sa kabilang kuwarto, dumating na yung isa pang maginoo; dalhan mo ka'gad ng sopas. UNANG SERBIDOR: Sa lalong madaling panahon. [Lalabas.]
TRUFFALDINO:
Ano naman ang putaheng 'to? Ito siguro yung "fricandaeu." [Titikim.] Ay, masarap, sumpa man. [Dadalhin niya kay BEATRIZ.]
[Papasok ang MGA SERBIDOR na magdadala ng mga baso, alak, tinapay, atbp. sa kuwarto ni FLORINDO.] [sa MGA SERBIDOR] Butihing mga katoto, tama 'yan! [Aparte] Sinliglig ng
mga kuting. Kung kayahin ko ngang magsilbi ng tanghalian sa dal'wang amo nang sabay, magiging pambihira nga yung tagumpay.
[Babalik ang MGA SERBIDOR mula sa kuwarto ni FLORINDO saka tutungo sa may kusina.]
Magmadali, mga katoto, yung sopas! UNANG SERBIDOR: Bahala kang magbantay sa sarili mong mesa; kami na'ng aasikaso rito.
[Muling papasok ang UNANG SERBIDOR, dala ang sopas para kay FLORINDO.]
Teka, akin na muna 'yan. Kunin mo na lang yung mga plato sa kabilang kuwarto. [Kukunin ang sopas mula sa UNANG SERBIDOR, at dadalhin ito sa
kuwarto ni FLORINDO.]
UNANG SERBIDOR: Kakatwang tao 'yan. Gustong pagsilbihan ang lahat. Bahala siya sa buhay niya. Basta makuha ko pa rin ang bayad ko.
[Dadalhin ng IKALAWANG SERBIDOR ang nilagang karne ni FLORINDO. Ilalabas ni TRUFFALDINO ang pinagkainan mula sa kuwarto ni BEATRIZ.]
TRUFFALDINO: [gustong kunin ang karne mula sa SERBIDOR]: Akin na sabi. UNANG SERBIDOR: Hindi, akin na 'to. TRUFFALDINO: 'Di mo ba narinig? Tinatawag na 'ko! [Kukunin ang karne at
[Dadalhin ng IKALAWANG SERBIDOR ang plato ng mga rissole. Iaabot ito sa UNANG SERBIDOR saka aalis.]
Ako na'ng magpapasok nito, pero ayokong makipag-usap sa taong 'yon.
[Papasok muli si TRUFFALDINO mula sa kuwarto ni FLORINDO, dala ang mga pinagkanang plato.]
Ito na, aliping de-kampanilya, dalhin mo na'ng mga rissole na 'to sa amo mo, magaling ka naman sa lahat, 'di ba? TRUFFALDINO [tatanggapin ang plato]:
Rissole?
[Ilalapag ni TRUFFALDINO ang isang plato ng rissole sa sahig, at dadalhin ang isa pa kay BEATRIZ. Papasok ang UNANG SERBIDOR, dala ang puding Ingles.]
UNANG SERBIDOR: Truffaldino! TRUFFALDINO [lalabas mula sa kuwarto ni BEATRIZ]: Nand'ya na! UNANG SERBIDOR: Kunin mo 'tong pudin TRUFFALDINO: Teka lang, papunta na 'ko d'yan. [Kukunin ang isa pang plato ng mga rissole at dadalhin ito sa kuwarto ni FLORINDO.] UNANG SERBIDOR: Teka, mali. Doon ang rissole. TRUFFALDINO: Ginoo, alam ko; dinala ko na ro'n; pinabibigay lang ng amo ko ang apat na pirasong 'to bilang regalo sa maginoong nandoon. [Tutungo sa
kuwarto in FLORINDO.]
UNANG SERBIDOR: A, magkakilala pala sila magkaibigan siguro. 'Di sana magkasama na lang silang kumain. TRUFFALDINO [muling papasok]: At ano naman 'yan? UNANG SERBIDOR: Ito'ng puding Ingles. TRUFFALDINO: Para kanino 'yan?
UNANG SERBIDOR: Para sa amo mo. [Lalabas.] TRUFFALDINO: Anong kademonyohan 'tong "pudin"? Ang bango ng amoy, mukhang polenta. A! kung polenta nga ito, e 'di maigi. Titikman ko. [Maglalabas ng tinidor mula sa kanyang bulsa at susubukan ang pudin.] Hindi polenta, pero kamukha. [Kakain.] Mas masarap nga sa polenta, kung tutuusin.
[Kakain pa.]
BEATRIZ [tatawag]: Truffaldino! TRUFFALDINO [puno ang bibig]: Nariyan na, senyor.
TRUFFALDINO [puno ang bibig]: Papunta na po. [Sa sarili] Hay, pambihirang pagkain 'to! isang subo na lang at balik na 'kong trabaho. [Kakain pa.]
[Lalabas si BEATRIZ mula sa kanyang kuwarto, at makikita si TRUFFALDINOng kumakain. Sisipain niya ito, at sasabihing,]
BEATRIZ: Truffaldino! Hoy, pagsilbihan mo nga 'ko! [Babalik sa kanyang kuwarto.]
TRUFFALDINO:
Nariyan na po!
[Ilalapag ni TRUFFALDINO ang pudin sa sahig at pupunta sa kuwarto ni BEATRIZ. Lalabas si FLORINDO.]
FLORINDO [tatawag]: 'yon? Truffaldino! Sa'n na naman nagpunta'ng diyablong
TRUFFALDINO: FLORINDO:
UNANG SERBIDOR: Patalun-talon sa kung saan-saan, parang maligno. TRUFFALDINO [muling papasok]: Sasapat na 'yon. Busog na ang lahat. UNANG SERBIDOR: Buti naman. TRUFFALDINO: Ngayon, magpuwesto na para sa 'kin.
UNANG SERBIDOR: Maghintay ka. [Lalabas.] TRUFFALDINO: Handa na 'ko sa pudin! Hayahay! Natapos ko'ng lahat, busog na sila, wala na silang gustong kainin pa, masaya na sila sa kanilang pananghalia. Napagsilbihan ko sa kainan ang dalawa kong amo nang sabay, at 'di man nila 'ko nahuli. Pero dahil pandalawa'ng trinabaho ko, nararapat lang na kumain ako nang pang-apat na tao!
UNANG SERBIDOR: May mensahe ka? e 'di pumasok. SMERALDINA: At anong klaseng babae'ng tingin mo sa 'kin? Ako ang dama ng senyorang pakakasalan niya. UNANG SERBIDOR: Pues kung gayon, pumanhik ka na. SMERALDINA: Ay, pero ayokong pumasok diyan.
UNANG SERBIDOR: Inaasahan mo bang sunduin ko siya palabas dito sa kalsada? Tama ba naman 'yon? Lalo't kasama niya si Senyor Pantalone dei Bisognosi. SMERALDINA: pumasok. Ano, ang aking amo? palala nang palala! Ayoko talagang
UNANG SERBIDOR: Tatawagin ko'ng alipin niya, gusto mo? SMERALDINA: Yung bansot na kayumanggi?
UNANG SERBIDOR [aparte]:A, naiintindihan ko. Natitipuhan niya'ng bansot na kayumanggi, at nahihiyang pumasok. Pero, hindi siya nahihiyang makitang kasama ang bansot sa gitna ng kalsada. [Papasok.] SMERALDINA: Kung makita ako ng amo ko, ano kaya'ng sasabihin ko? Sasabihin ko, siya ang hinahanap ko; sasapat na 'yon. Hindi talaga 'ko nauubusan ng mga palusot.
TRUFFALDINO: Ikinagagalak ko. Sa katunayan, busog na busog na 'ko, at tamang-tama ang ningning ng iyong mga mata upang tulungan ang aking pantunaw. SMERALDINA [aparte]: TRUFFALDINO: Napakamaginoo!
SMERALDINA [aparte]: Tinawag niya 'kong "giliw"! [kay TRUFFALDINO] Ipinadadala ng aking amo ang liham na ito kay Senyor Federigo Rasponi; ayokong pumasok ng taberna, kaya't pinangahasan kong abalahin ka, yamang ikaw ang tauhan niya.
TRUFFALDINO: Galing sa isang tapat na tao. Sabihin sa 'kin: may kilala ka bang isang nagngangalang Truffaldino Battochio? SMERALDINA: Parang narinig ko na noon, ngunit hindi ako sigurado. [Aparte] Siya siguro'ng tinutukoy niya. TRUFFALDINO: Napakakisig na ginoo; maliit, may katabaan, at pagkaliksi-liksi ng isip kapag nagsasalita. Mahusay pati sa pagmamayordomo SMERALDINA: TRUFFALDINO: SMERALDINA: Hindi ko mabukod sa ibang mga lalaki. Aba'y kilala mo siya; at higit pa ro'n, iniibig ka niya. Ay! binibiro mo lang ako.
TRUFFALDINO: At kung makamit lang niya maski'ng pinakamaliit na sukat ng pag-asang masuklian ang kanyang pagsinta, magpapakilala siya sa iyo agadagad. SMERALDINA: Bueno, senyor, kung makita ko siya, at makuha'ng interes ko, marahil maaari kong suklian ang kanyang pag-ibig. TRUFFALDINO: SMERALDINA: TRUFFALDINO: SMERALDINA: Ipapakita ko na ba siya sa iyo? 'Yan nga'ng gusto ko. Saglit lamang. [Papasok ng taberna.] Pues, hindi pala siya.
[Babalik si TRUFFALDINO mula sa taberna, yuyukod nang malalim kay SMERALDINA, lalapit sa kanya, bubuntong-hininga, saka babalik sa taberna.]
SMERALDINA: Hindi ko maunawaan ang larong ito.
Pues ikaw nga ang umaamin ng pag-ibig sa 'kin? Ako nga. [Bubuntong-hininga.] Ba't hindi mo na lamang sinabi kanina? Dahil medyo mahiyain ako. Kahit bato, mapapaibig niya.
Bueno, ano'ng masasabi mo? Masasabi ko'y Sige na, sabihin mo sa 'kin. Ay mahiyain din kasi ako. 'Di kung magsama tayo, isa yung kasalan ng dalawang
SMERALDINA: Kailangan kong aminin isa ngang katulad mo ang hinahanap-hanap ko. TRUFFALDINO: SMERALDINA: TRUFFALDINO: Ikaw ba'y dalaga? Tinatanong pa ba 'yan? Marahil ibig sabihin n'un ay "siyempre hindi".
SMERALDINA: Kahit limampung beses pa 'kong 'pakasal, hindi ko pa rin mahahanap ang lalaking magpapatibok sa aking puso. TRUFFALDINO: Tingin mo ba'y may pag-asa ako?
SMERALDINA: E kung sa totoo lang alam mo dapat kong sabihin mayroong kung-ano sa iyo Hindi, ayoko nang magsalita. TRUFFALDINO: gawin? Kung mayro'ng nais mapakasal sa iyo, ano'ng kailangan niyang
SMERALDINA: Wala akong ama o ina. Kakailanganin niyang kausapin ang aking mga amo. TRUFFALDINO: SMERALDINA: TRUFFALDINO: SMERALDINA: At kung kausapin ko sila, ano'ng sasabihin nila? Sasabihin nila, basta ba'y kuntento ako At ano'ng sasabihin mo? Sasabihin ko na kung kuntento rin sila
TRUFFALDINO: Sapat na' yon. Magiging kuntento tayo. Akin na'ng liham at 'pag bumalik ako para sa kanyang sagot, mag-uusap tayo. SMERALDINA: TRUFFALDINO: SMERALDINA: malaman! TRUFFALDINO: mukha. SMERALDINA: Heto'ng liham. Alam mo ba kung ano'ng nilalaman? Hindi kung alam mo lang kung gaano ako naiintrigang
TRUFFALDINO: Ayokong masubo sa gulo. Kung 'di ko malalaman ang laman nito, pues ayoko nang tanggapin. SMERALDINA: Puwede nating buksan pero pa'no natin seselyuhan ulit?
TRUFFALDINO: Ako na'ng bahala ro'n; trabaho ko magselyo ng mga liham. Walang makakahalata. SMERALDINA: TRUFFALDINO: SMERALDINA: TRUFFALDINO: SMERALDINA: TRUFFALDINO: Pues buksan na natin. Nakakabasa ka ba? Kaunti. Pero ikaw, mahusay magbasa, pihado. Oo, nakakabasa rin ako nang 'unti. Pues pakinggan natin. Buksan muna natin nang malinis. [Magpupunit ng kapirasong
papel.]
SMERALDINA: TRUFFALDINO: bukas na. SMERALDINA: Ay! ano'ng ginawa mo? Wala. May sikretong paraan ako para maibalik 'yan. Heto,
TRUFFALDINO: Ikaw magbasa. Mas maiintindihan mo'ng sulat-kamay ng senyora mo kaysa sa 'kin. SMERALDINA [titingin sa liham]: Naku, wala akong maintindihan. TRUFFALDINO [gayon din]: Aba, ako rin. SMERALDINA: Pues para ke pa'ng binuksan natin 'yan? Teka; paisipin mo 'ko; medyo may konti
Ay, ako rin, nakikilala ko'ng ibang titik. Subukan nating isa-isahin. Hindi ba 'yan "M"? Hindi a! 'yan ang "R"! 'Yan kasing "R" tsaka "M", magkahawig.
SMERALDINA: Ri, ri, o. Hindi, hindi; tahimik ka muna; tingin ko nga "M" mi, mi, o, mio! TRUFFALDINO: SMERALDINA: TRUFFALDINO: Hindi kaya mio, ang sabi mia.
TRUFFALDINO [natatakot]: Wala po, isang pirasong papel lamang BEATRIZ: Ipakita mo sa 'kin.
TRUFFALDINO [iaabot ang papel, nanginginig]: Ito na po. BEATRIZ: Ano? Isa itong liham para sa 'kin. Saragate, bubuksan mo ba'ng lahat ng sulat ko? TRUFFALDINO: Wala akong kinalaman diyan, senyor
BEATRIZ: Tingnan mo, Senyor Pantalone, heto'ng isang liham galing kay Senyora Clarisa, na pumapatungkol sa hibang na pananaghili ni Silvio at ang kapal ng mukha ng sangganong 'yan na buksan ito! PANTALONE [kay SMERALDINA]: At kakutsaba mo siya? SMERALDINA: BEATRIZ: Wala akong kinalaman diyan, senyor.
Sino'ng nagbukas ng sulat na 'to? Hindi ako. Ni ako. Pues, sino ba'ng nagpadala? Si Truffaldino dapat ang magdadala sa amo niya. At si Smeraldina'ng nagpadala kay Truffaldino. Sumbungero! Ayoko na sa 'yo.
SMERALDINA [aparte]:
PANTALONE: Malditang pakialamera, ikaw pala'ng pasimuno ng gusot na ito? Halika nang masampal ko 'yang mukha mo. SMERALDINA: Buong buhay ko, wala pang lalaking sumasampal sa aking mukha; nagugulantang ako sa pag-aasal mo. PANTALONE [lalapit]: At sumasagot ka na ngayon?
SMERALDINA: Hindi mo 'ko mahahabol. Masyado ka nang nirarayuma, hindi mo kayang tumakbo.
BEATRIZ [titingnan ang liham; aparte]: Kawawang Clarisa! naghihinagpis sa pagseselos ni Silvio; pinakamaigi sa 'king magsiwalat na nang mapalubay ang kanyang puso. TRUFFALDINO [dahan-dahang susubuking makatakas]: Hindi yata nakatingin. Susubukan kong tumakas. BEATRIZ: At saan ka pupunta? Wala po. [Hihinto.]
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Bakit mo binuksan ang liham na ito? Si Smeraldino po kasi; wala akong kinalaman siyan.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: Smeraldina raw! Ikaw ang gumawa nito, tampalasan. Huling-huli ka na. Ito'ng pangalawang sulat na binuksan mo ngayong araw. Halika rito. TRUFFALDINO [takot na lalapit]: Ay parang awa ni'yo na, senyor BEATRIZ: Halika rito, sabi. Ay, sa ngalan ng habag ng Langit
[Kukunin ni BEATRIZ ang batutang nakasukbit sa baywang ni TRUFFALDINO (i.e. ang kahoy na espada o patpat ni Arlequino), at hahambalusin siya gamit ito, nang nakatapat ang kanyang likuran sa taberna. Lilitaw si FLORINDO sa bintana, at makikita ang pambubugbog.]
FLORINDO: Ano ito? ginugulpi ang alipin ko? [Aalis ng bintana.] Tama na po, tama na po, parang awa ni'yo na.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: Sikmurahin mo 'yan, tarantado, at matuto kang 'wag magbubukas sa aking mga liham. [Itatapon sa sahig ang batuta, at lalabas patungo sa
kalsada.]
TRUFFALDINO [pagkaalis ni BEATRIZ]: Ganyan Ay, ang dugo ko! ang aking katawan!
TRUFFALDINO [makikita si FLORINDO]: O! Sinabi ko lamang na walang karapatan ang ibang taong mambugbog ng alipin ng ibang amo. Isa 'yang insulto sa pinaglilingkuran ko. [Titingin sa direksiyong pinaglabasan ni BEATRIZ.] FLORINDO: Siyanga, isa 'yang paghamak sa 'kin. Sino'ng bumugbog sa 'yo? Di ko masabi, senyor; hindi ko kilala.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO:
FLORINDO: At hinayaan mong magulpi ka nang gano'n? wala ka man lang ginawa? hindi mo pinagtanggol ang sarili mo? Hahayaan mong insultuhin ang iyong amo, sampu ng kung-ano mang posibleng masamang kalalabasan nito? Tanga! tunggak! kulelat! [Pupulutin ang batuta] Dahil mahilig ka namang magpagulpi, pagbibigyan kita, ako mismo'ng gugulpi sa 'yo. [Paghahampasin
taberna.]
YUGTO 3
Si TRUFFALDINO, mag-isa.
TRUFFALDINO: Wala akong pakialam kung binugbog ako! Nabusog naman ako, nakakain nang maigi, at ngayong gabi, tiyak na mas masarap ang aking hapunan. At hangga't mapagsisilbihan ko ang dalawa kong amo, tiyak nang konsuwelo na sasahod ako nang doble. Bueno ano nga ba'ng dapat pang gawin? Si Amo Uno, nasa labas, si Amo Dos, natutulog; tamang-tama ang oras para pahanginan ko'ng mga damit na ito ilabas nga natin sa baul at tingnan natin kung may kailangang ayusin. Heto'ng mga susi. Maigi ang kuwartong 'to. Kukunin ko'ng mga baul at gagalingan ko ang aking trabaho. Pero kailangan ko ng katulong. [Magtatawag.] Serbidor!
[Lalabas si TRUFFALDINO mula sa kuwarto, kasama ang IKALAWANG SERBIDOR, buhatbuhat ang baul.]
[Muling papasok sina TRUFFALDINO at ang IKALAWANG SERBIDOR, bitbit ang baul.]
TRUFFALDINO: Ito naman, dito natin ilapag. [Ilalapag nila nang medyo malayo sa isa pa; sa IKALAWANG SERBIDOR] Ayan! Sige, mauna ka na kung gusto mo, wala na kong pagagawa sa 'yo.
UNANG SERBIDOR [sa IKALAWANG SERBIDOR]: Sige na; balik sa kusina. [Lalabas ang IKALAWANG SERBIDOR; kay TRUFFALDINO] Matutulungan ba kita? TRUFFALDINO: Ay hindi na, salamat. Kaya ko na 'tong mag-isa.
UNANG SERBIDOR: Naku, ang sipag-sipag mong magtrabaho. Pambihira't nakakayanan mong gawin 'yang lahat. [Lalabas.] TRUFFALDINO: Ngayon, gagawin ko'ng trabaho ko nang maayos, nang payapa at tahimik at walang inaalaala. [Maglalabas ng susi sa bulsa.] Ngayon, para sa'n nga ba'ng susing 'to ulit? saang baul 'to sumusuksok? Subukan nga natin. [Magbubukas ng isang baul.] Sa wakas, tama rin ang hula ko. Ako na'ng pinakamatalinong tao sa buong mundo. At ito naman, yung kabilang baul ang binubuksan. [Ilalabas ang isa pang susi saka bubuuksan ang ikalawang baul.] Bukas nang pareho. Tanggalin natin lahat ng laman. [Ilalabas ang lahat ng
damit mula sa parehong baul at ilalapag ang mga ito sa mesa. Sa bawat baul, dapat may tig-iisang itim na bestido, mga libro at papeles, at kung anu-ano pa, ad lib] Tingnan lang natin kung may laman ang mga bulsa. Malay mo, minsan kasi nakakaiwan sila ng biskuwit o kaya ng matamis. [Hahalughugin ang bulsa ng bestido ni BEATRIZ, at makakahanap ng isang litrato.] Diyos ko,
napakagandang retrato. Heto'ng guwapong-guwapong lalaki. Sino kaya ito? Kakatwa, parang namumukhaan ko, pero 'di ko maalala. Medyo kahawig ng
TRUFFALDINO: Ay peste! nagising na. Kung tuksuhin siya ng diyablong lumabas at makita'ng isa pang baul na 'to, gugustuhin niyang malaman dali, dali, itatarangka ko na at sasabihing hindi ko alam kung kanino 'yan.
TRUFFALDINO: Nariyan na, senyor! [Aparte] Kailangan ko munang itabi ang mga abubot na 'to. Pero hindi ko maalala kung sa aling baul galing ang bestidong 'to, ni itong mga papeles. FLORINDO [tatawag]: Halika rito, sabi na; o dapat ba kitang takutin ng batuta?
TRUFFALDINO: Saglit lamang, senyor! [Aparte] Bilis, bago siya dumating! Aayusin ko na lamang lahat 'pag umalis na siya. [Bara-barang ipapasok ang
mga bagay sa baul, saka itatarangka ito.] [Lalabas si FLORINDO nang naka-bestido.]
FLORINDO: Anong kademonyohan ba'ng pinaggagawa mo?
TRUFFALDINO: Samo ko, senyor, hindi ba't utos mong pahanginan ko'ng mga damit mo? 'Yan nga sanang gagawin ko. FLORINDO: At 'yang isa pang baul, kanino 'yan? 'Di ko alam, senyor; pagmamay-ari siguro ng ibang maginoo.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Akin na'ng itim kong bestido. Siyanga, senyor. [Bubuksan ang baul ni FLORINDO at iaabot sa
TRUFFALDINO:
kanya ang itim na bestido. Huhubarin ni FLORINDO ang suot niyang bestido
Ang Alipin ng Dalawang Amo ni Carlo Goldoni | 79 sa tulong ni TRUFFALDINO, saka susuotin yaong itim; pagkuwa'y ibubulsa niya ang kanyang kamay at matatagpuan ang retrato.]
FLORINDO [gulilat]: Ano ito? TRUFFALDINO [aparte]: Ay Diyos ko, nagkamali ako, dapat kong binalik sa bulsa nung isa pang maginoo. Ito'ng bubuking sa akin, lintek. FLORINDO [aparte]: Langit! Hindi puwedeng magkamali. Ito'ng sarili kong retrato; yaong hinandog ko sa iniirog kong si Beatriz. [kay TRUFFALDINO] Sabihin mo sa 'kin, paano napadpad ang retratong 'to sa sarili kong bulsa? wala 'to rito noon. TRUFFALDINO [aaprte]: ko muna FLORINDO: bulsa? TRUFFALDINO: Senyor, maging maamo at patawarin ang aking pagpapabaya. Ako ang may-ari niyang retrato, at tinabi ko riyan para hindi mawala. FLORINDO: Paano mo natagpuan ang retratong ito? Iniwan sa 'kin ng dati kong amo. Naku, ano namang isasagot ko d'yan? Malay ko. Isipin
Dali na, umamin ka, sagutin mo. Pa'no napadpad ang retrato sa aking
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Iniwan sa 'yo?
TRUFFALDINO: Oo, senyor; may amo ako noong namatay, at nag-iwan sa 'kin ng ilang abubot na binenta ko na, liban sa retratong iyan, senyor. FLORINDO: 'yon? TRUFFALDINO: Mag-iisang linggo na, senyor. [Aparte] Binubuga ko lang ang una kong maisip. FLORINDO: Ano'ng pangalan ng naging amo mo? Ay, hindi ko po alam, senyor; nagbabalatkayo siya. Mahabaging langit! at ga'no na katagal nang mamatay ang amo mong
TRUFFALDINO:
FLORINDO:
Nagbabalatkayo? Ga'no katagal ka sa kanyang serbisyo? Sandali lamang, senyor; mga sampu hanggang labindal'wang
FLORINDO [aparte]: Ay langit! Lalo kong naiisip na 'yon si Beatriz. Tumakas nang nakadamit-panlalaki; nagpalit ng pangalan Ay, aba ko kung totoo itong lahat! TRUFFALDINO [aparte]: kagaguhang ito. FLORINDO [nahahapis]: TRUFFALDINO: FLORINDO: Pinaniniwalaan niya'ng lahat; buti pang ituloy ko na'ng
Walang buhok sa mukha? Walang buhok sa mukha, senyor. Siya nga 'yon, walang duda.
TRUFFALDINO:
Alam mo man lang ba kung saan nagmula 'tong amo mo? Alam ko, senyor, pero hindi ko na maalala.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
TRUFFALDINO:
FLORINDO [aparte]: Bawat salitang mamutawi sa kanyang bibig, punyal na tumatarak sa aking puso. [kay TRUFFALDINO] Sabihin pa: itong maginoong taga-Turin, totoo bang patay na siya? TRUFFALDINO: FLORINDO: Patay na patay na nga, senyor.
TRUFFALDINO: Naaksidente, at do'n na natigok. [Aparte] 'Yon na'ng pinakamabilisang lusot dito. FLORINDO: Saan nilibing? Hindi ako handa ro'n, a. [kay FLORINDO] Hindi ho siya
TRUFFALDINO: Hindi, senyor, may isa pang alipin galing sa parehong bayan na nagpaalam na mailagay siya sa isang ataul, at mapadala pauwi, senyor. FLORINDO: At itong aliping ito siya rin ba ang parehong alipin na nag-utos sa 'yong kumuha ng mga sulat sa Koreyo kaninang umaga? TRUFFALDINO: Eksaktamente, senyor. Siya nga 'yon, si Pasqual.
FLORINDO [aparte]: Pues ubos na'ng pag-asa. Patay na si Beatriz. O kawawang Beatriz! inutas ng paghihirap sa lakbay at ng paghihilahil ng kanyang puso. Ay! Hindi ko na matiis ang hapdi ng aking pagdadalamhati!
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Bakit mo dinala rito ang baul ko? Para pahanginan ang mga damit mo, senyor.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Buksan mo'ng baul at ibigay mo sa 'kin yung kaninong baul 'yan? Pagmamay-ari ng isa pang maginoong kararating lamang.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Iabot mo sa 'king libritong nakatago riyan. Opo, senyor. [Aparte] Diyos ko, patnubayan Ni'yo ako!
TRUFFALDINO:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Sa malamang. [Kukunin ang libro nang hindi ito gaanong pinupurbahan, saka bubuklatin.] Hindi, hindi ito Kaninong libro ito? Nalintikan na nga talaga!
TRUFFALDINO [aparte]:
BEATRIZ: Wala lamang 'to. [Aparte kay TRUFFALDINO] Truffaldino, paano napadpad ang librong ito sa aking baul? hindi 'to sa akin. TRUFFALDINO: BEATRIZ: Aywan ko lang, senyor
TRUFFALDINO: Patawarin ang aking pagpapabaya, senyor, ngunit ako'ng naglagay ng librong 'yan sa baul mo. Ako'ng may-ari niyang libro, at nilagay ko lamang do'n para 'di ko mawala. [Aparte] Pumasa namang palusot 'yon kanina sa isang maginoo, sana pumasa rin sa kanya. BEATRIZ: Ikaw ang may-ari ng librong ito, sabi mo, pero ito'ng inabot mo sa halip niyong sa akin, nang hindi mo napapansin? TRUFFALDINO [aparte]: Lintik talaga'ng talino ng isang 'to. [kay BEATRIZ] Sasabihin ko sa 'yo, senyor: nitong huli lamang napasaakin 'yang libro, kaya hindi ko pa talaga kilalang-kilala. BEATRIZ: At pa'no napadpad sa 'yo'ng librong 'to?
TRUFFALDINO: Namasukan ako noon sa isang maginoong taga-Venesya, na namatay at pinamana ang librong 'yan sa akin. BEATRIZ: Gaano na katagal? Hindi ko 'saktong maalala mga sampu o labindal'wang araw
Paano nangyari, gayong natagpuan kita sa Verona? Kaalis ko lang hong Venesya dahil nga sa kamatayan ng pobre
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Ano'ng ikinamatay? saan nilibing? Nadapa sa kanal, nalunod, at 'di na muling natagpuan.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: O, ako'y sinumpa ng hapis! Patay na si Florindo, patay na ang aking sinisinta; ang tangi kong pag-asa'y nasawi na. Wala na ang lahat. Nauuwi rin sa wala ang bawat katusuan ng Pag-ibig! Lumayas sa pamamahay, iniwanan ang bawat kamag-anak, nagdamit ng panlalaki, sumagasa sa panganib, nilagay sa alanganin ang aking buhay, lahat para lamang kay Florindo at si Florindo'y patay na. O Beatriz na ubod ng lunos! Napakaliit bang kawalan ang kamatayan ng kapatid, at niloob din ng Kapalarang mawalan ng mangingibig? Ay! Nilalamon ako ng hinagpis, hindi ko na kayang tiisin ang liwanag ng araw. O aking giliw, aking sinta, susundan kita hanggang sa hukay.
Tulalang-tulala ako. Kahit balahibo, kaya akong patumbahin. Uuwi akong agad at sasabihin sa aking iha. [Lalabas.]
TRUFFALDINO: Hindi pala 'ko alipin ng dalawang senyor bagkus ng senyor at isang senyorita. [Lalabas.]
PANTALONE [aparte]: Gusto ko siyang doktorin gamit ang aking mga kamao. [sa DOKTOR] Pakakasalan ng anak ko ang anak mo kailan mo mang ibigin. DOKTOR: Aba'y salamat na lamang. 'Wag ka nang magpakaabala pa. Hindi 'yan handang sikmurahin ng anak ko, senyor. Ibigay mo na lamang ang iyong iha sa maginoong taga-Turin.
PANTALONE: Kung kilala mo lamang kung sino talaga ang maginoong tagaTurin, iba'ng sasabihin mo. DOKTOR: Kung sino man siya, wala na 'kong kiyenekiyeber doon. Nakita na siyang kaniig ng iyong iha, et hoc sufficit. PANTALONE: DOKTOR: PANTALONE: DOKTOR: PANTALONE: DOKTOR: PANTALONE: DOKTOR: Pero hindi totoong siya'y Ayoko nang makarinig pa mula sa 'yo. Kung hindi mo 'ko pakinggan, malulugi kang todo. Tingnan natin kung sino'ng mas lugi sa 'ting dalawa. Ang anak ko'y isang binibining may dalisay na dangal, at Kunin ka ng diyablo. Ikaw ang kunin ng diyablo, senyor. Walang-dangal na matandang tampalasan! [Lalabas ang DOKTOR.]
PANTALONE: Punyeta ka! Mas may-sa-hayop ka kaysa tao. Paano ko naman masasabi sa kanyang babae pala yung lalaki? Ni ayaw akong pasalitain. Pero heto'ng parating ang batugan niyang anak; kailangan kong maghanda sa mas malubhang pagkabarubal.
[Papasok si SILVIO.]
SILVIO [aparte]: Ayan si Pantalone. Gusto kong tagusan ng espada'ng bundat niyang tiyan. PANTALONE: Senyor Silvio, kung pahihintulutan mo, gusto ko sanang magbigay ng isang mabuting balita, kung pauunlakan mo 'kong makapagwika, at hindi kayo mag-aasal-ipu-ipo gaya nung tatay mo. SILVIO: Ano'ng sasabihin sa 'kin? mangusap, senyor.
PANTALONE: Totoo, at kung taglay mo pa'ng dating isip, handang ialay sa 'yo ng anak ko ang kanyang kamay. SILVIO: Ay langit! Napagsaulan ako ng buhay dahil sa 'yo. Bueno, hindi naman simbargas ng kanyang ama.
PANTALONE [aparte]:
SILVIO: Pero langit! paano mayayakap sa 'king dibdib ang babaeng kay-tagal naging nobya ng ibang tao? PANTALONE: Para umikli ang kuwento, si Federigo Rasponi, naging si Beatriz na kanyang kapatid. SILVIO: Ano? Hindi kita maunawaan.
PANTALONE: Pues napakatanga mo. Yung taong inaakala nating si Federigo'y natuklasang si Beatriz pala. SILVIO: PANTALONE: SILVIO: PANTALONE: SILVIO: Na nakadamit panlalaki? Nakadamit panlalaki. Sa wakas, nauunawaan na kita. Buti naman. Paanong nangyari? Sabihin sa 'kin.
PANTALONE: Umuwi muna tayo sa may amin. Walang nalalaman ang babae kong anak. Kailangan ko lamang tong makuwento, at pareho na kayong makukuntento.
[Aalis.]
SILVIO [aparte]: Sino'ng mas liligaya pa sa 'kin? anong puso kaya'ng lalong nasisiyahan? [Lalabas kasama si PANTALONE.]
Sabay na lalabas ng kani-kaniyang mga kuwarto sina Beatriz at Florindo; bawat isa'y may hawak na espada o punyal at akmang magpapakamatay. Pipigilan ni Brighella si Beatriz, samantalang pipigilang ng Unang Serbidor si Florindo. Lahat sila'y hahakbang pasulong sa paraang hindi pa rin mamamalayan nina Beatriz at Florindo ang isa't isa.
BRIGHELLA [pipigilan ang kamay ni BEATRIZ]: Tigil, tigil! BEATRIZ [sinusubukang kumawala]: Parang awa mo na, bitiwan ako. Kabaliwan.
Kunin ka ng demonyo.
[Pareho silang haharap, desedido nang magpakamatay, hangga't makita nila at makilala ang isa't isa. Tatayo silang napapatda.]
FLORINDO: BEATRIZ: FLORINDO: BEATRIZ: Ano itong nakikita ko? Florindo! Beatriz! Bukay ka pa?
FLORINDO: At kinuwento rin sa 'kin ng alipin ko ang tungkol sa kamatayan mo; at ako rin, tinangay ng hapdi ng pagdadalamhati, kaya't pinagtangkaan ang sariling buhay. BEATRIZ: Itong libro ang sanhi at pinaniwalaan ko ang istorya.
FLORINDO: Nasa baul ko ang librong iyan. Paanong napadpad sa 'yong mga kamay? A, alam ko na ngayon. Sa parehong paraan, walang duda, na napadpad sa bulsa ng aking bestido ang retrato. Ito; yaong parehong larawang inalay ko sa 'yo sa Turin. BEATRIZ: Ay, ang mga pilyo nating alipin Langit lang ang nakaaalam kung ano'ng pinagsasabwatan nila. FLORINDO: BEATRIZ: Nasa'n kaya sila? Hindi makita saanman.
FLORINDO: Hanapin natin nang makumpronta natin sila. [Magtatawag] Hoy kayo riyan! may tao ba?
[Papasok si BRIGHELLA.]
BRIGHELLA: Tumawag ka ba, senyor? FLORINDO: Nahan ang mga alipin namin?
BRIGHELLA: Hindi ko alam, senyor. Ipahanap ko ba? FLORINDO: Hanapin mo ora mismo, at papuntahin mo rito.
BRIGHELLA: Sa ganang akin, isa lang ang kilala ko; tatanungin ko'ng mga serbidor, pihadong kilala nila ang pareho. Binabati ko kayo, senyor at senyora, sa inyong napakainam na kinahantungan; kung nais ni'yong mailibing, sa ibang establisimyento na lamang kayo pumunta; wala na hong bakanteng hukay rito. Ang inyong lingkod, binibini at ginoo. [Lalabas.] FLORINDO: BEATRIZ: FLORINDO: BEATRIZ: FLORINDO: BEATRIZ: FLORINDO: Pues umuupa ka rin sa tabernang ito? Kaninang umaga ako dumating. Ako rin. Pero hindi tayo nagkita. Pinagkatuwaan muna tayong pahirapang 'unti ng kapalaran. Sabihin sa 'kin: ang kapatid mong si Federigo patay na nga ba? May duda ka ba? Namatay siya doon din. Sinabi kasi sa 'king buhay pa siya, at naririto raw sa Venesya.
BEATRIZ: Ako ang siyang lumakbay nang dala ang kanyang pangalan at suot ang kanyang damit upang sundan FLORINDO: Sundan ako alam ko, irog; nabasa ko sa isang liham na galing sa alipin mo sa Turin.
FLORINDO: Nagkamali ang alipin ko at nabigay sa akin, at nang makita kong ipinadala sa 'yo, hindi ko mapigilang buklatin. BEATRIZ: FLORINDO: Marahil laging nasa tama ang pagtataka ng isang mangingibig.
Pero nasa'n na 'tong mga alipin natin? Ay! [makikitang papalapit si TRUFFALDINO] Heto'ng isa. Ang mas salbahe yata sa dalawa. Hindi ka nagkakamali riyan.
BEATRIZ: FLORINDO:
TRUFFALDINO [aparte]:
BRIGHELLA: Nahanap namin ang isang 'to; kung mahanap din namin yung isa pa, dadalhin namin dito. FLORINDO: Siyanga, dapat silang makausap nang magkasama. Kilala mo ba yung isa pa? Hindi.
BRIGHELLA: Itanong natin sa kusina. Tiyak may isa ro'ng kakilala siya. UNANG SERBIDOR: Kung dumaan siya ro'n, pues dapat nakilala ko rin.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Si Pasqual.
Kayong dalawa ni Pasqual bagay sa inyong mabugbog nang sabay. Ibig sabihin, ako ang iinda n'ung lahat.
TRUFFALDINO [aparte kay FLORINDO]: Sa ngalan ng langit, kamahalan, 'wag mong sabihing si Pasqual. Mas nanaisin ko pang sabihin mo sa senyoritang ako ang may kasalanan. Maaari mo 'kong gulpihin, pero 'wag, 'wag na 'wag ni'yong hayaang mapasok sa gulo si Pasqual. FLORINDO [aparte kay TRUFFALDINO]: Pasqual? Gayon ka ba kabuting kaibigan kay
TRUFFALDINO: Minamahal ko siyang gaya ng isang kapatid. Ngayon, pupunta ako sa senyora, at sasabihin ko sa kanyang kasalanan ko ang lahat; maaari niya 'kong kagalitan at gawin ang anuman sa akin, ngunit poprotektahan ko si Pasqual. [Lalapit si TRUFFALDINO kay BEATRIZ.] FLORINDO: Bueno. [aparte] Napakatapat at maibiging tao. Narito na 'ko, senyora.
BEATRIZ [aparte kay TRUFFALDINO]: Ano itong napakahabang istoryang kinukuwento mo kay Senyor Florindo? TRUFFALDINO [aparte kay BEATRIZ]: Dapat mong malaman, senyora, na ang maginoong 'yan ay may aliping nagngangalang Pasqual; isa sa pinakasuwail na gago sa buong mundo; siya'ng may pakana ng lahat nitong kalituhan; pero dahil sa takot na palayasin siya ng kanyang am, hinabi ko'ng lahat yung kuwento tungkol sa libro at kesyo patay na ang amo at nalunod, etsetera, etsetera. At kanina lamang ay sinabi ko kay Senyor Florindo na ako ang may kasalanan ng lahat. BEATRIZ: Pero bakit aakuhin ang mga pagkakasalang hindi ikaw ang gumawa?
FLORINDO [aparte]: Aba'y napakahaba namang kuwentuhan. TRUFFALDINO [kay BEATRIZ, gayon pa rin]: Mahal kong senyorita, samo ko, 'wag ni'yong hayaang mapasok siya sa gulo. BEATRIZ: Sino? Si Pasqual.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
Kayong dalawa ni Pasqual parehong basag-ulerong mga ugok. Ako lang yata kamo.
TRUFFALDINO [aparte]:
FLORINDO: O s'ya. Tama na 'yan. Senyora Beatriz, malinaw na nararapat parusahan ang ating mga alipin; ngunit bilang pagtanaw sa sarili nating kaligayahan, marahil hindi mahirap patawarin ang lahat ng nakaraan. BEATRIZ: Totoo; ngunit ang alipin mo'y Sa ngalan ng pagmamahal ng Langit, 'wag
BEATRIZ [kay FLORINDO]: Bueno, tara na't sumadya kay Senyor Pantalone dei Bisognosi; sasamahan mo ba 'ko? FLORINDO: Nang may buong kagalakan, ngunit kailangan kong manatili rito upang hintayin ang aking ingat-yaman. Dadalaw ako maya-maya, kung nagmamadali ka. BEATRIZ: Siyanga, kailangan ko munang mauna. Aasahan kita kina Senyor Pantalone; at mananatili ro'n hanggang dumating ka. FLORINDO: Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Ako, alam ko, senyor. Ako na'ng maghahatid sa inyo ro'n.
TRUFFALDINO: BEATRIZ:
BEATRIZ: Mahal kong Florindo! anong pasakit ang hindi ko ininda nang dahil sa pag-ibig ko sa 'yo! [Papasok si BEATRIZ sa kanyang kuwarto.] FLORINDO: 'Di palalamang yaong sa akin.
TRUFFALDINO: Senyor, wala si Pasqual dito, at walang katulong magbihis si Senyora Beatriz; pahihintulutan mo ba 'kong humalili kay Pasqual upang mag-asikaso sa binibini? FLORINDO: Sige, gawin mo 'yan. Paglingkuran siya nang buong-pag-iingat. Nalulugod ako ro'n. TRUFFALDINO [aparte]: Sa larangan ng pagkamalikhain, pagkaalisto at paghahabi ng intriga hinahamon ko ang Abogado-Heneral! [papasok si
FLORINDO: Nais ko nang makita kang nakadamit-pambabae. Hindi nararapat ikubli ang angkin mong kagandahan. BEATRIZ: Bueno, aasahan kita kina Senyor Pantalone; si Truffaldino na'ng magtuturo ng daan.
aalis.]
TRUFFALDINO [aparte kay BEATRIZ]: sa maginoong ito? BEATRIZ: Nais mo bang manatili ako at maglingkod
Oo, ituro mo sa kanya ang daan papunta kina Senyor Pantalone. Oo, senyora, siya kong gagawin, yamang wala rito si Pasqual.
TRUFFALDINO:
BEATRIZ: Paglingkuran mo siya. Ikalulugod ko 'yong tunay. [Aparte] Mas iniibig ko pa siya kaysa sa 'king sarili. [Lalabas.] TRUFFALDINO: Hindi makita saanman ang amang. Gusto nang magbihis ng amo niya, at kung saan-saan pa rin nagpupunta, hindi mahagi-hagilap. FLORINDO: Sino'ng pinag-uusapan mo?
TRUFFALDINO: Si Pasqual. Mahal ko siya, isa siyang mabuting kaibigan, ngunit napakabatugan ng asong 'yon. Ngayon, para na 'kong alipin ng dalawang amo. FLORINDO: Halika't asikasuhin mo'ng peluka ko. Parating na ang ingat-yaman. Samo ko, kamahalan, balita ko'y sasadya kayo kay Senyor
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Pues, karapat-dapat ka, pagkatapos ng lahat ng iyong nagawa. Kung nagkagulo man, alam mo senyor, si Pasqual ang may
TRUFFALDINO: kasalanan.
TRUFFALDINO: Darating din ang tarantadong 'yon. Bueno, senyor, gusto ko hong humingi ng pabor. FLORINDO: Ano'ng nais mo? Bale kasi, senyor umiibig ako.
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Umiibig?
TRUFFALDINO: Opo, senyor, at ang pinipintuho kong binibini ay isang katulong ni Senyor Pantalone; at isang napakabuting karangalan kung FLORINDO: Paano naman ako pumapasok sa usapang 'yan?
TRUFFALDINO: Hindi ko sinasabing sangkot kayo sa usapang ito, senyor; pero bilang alipin ni'yo, baka sakaling puwede ni'yong kausapin si Senyor Pantalone. FLORINDO: Tingnan muna natin kung napipisil ka ng binibini.
TRUFFALDINO: Ay, pisil na pisil na 'ko, senyor; walang duda. Kailangan ko lang mabingwit ang pahintulot ni Senyor Pantalone; nagmamakaamo ako, senyor, sa ngalan ng karidad. FLORINDO: Walang kaso, kakausapin ko siya para sa 'yo, pero paano ka makakapag-alaga ng isang asawa? TRUFFALDINO: Pasqual. Gagawin ko'ng makakaya ko. Hihingi ako ng tulong kay
FLORINDO: Kung hihingi lang din ng tulong, buti nang doon sa mas may utak kaysa sa Pasqual na 'yan. [Papasok sa kanyang kuwarto.] TRUFFALDINO: Ay, kung hindi ko magawang magpamalas ng utak ngayon, hinding-hindi na magagawa 'yon kailanman. [Susundan si FLORINDO sa
kanyang kuwarto.]
TAGPO 4. Isang kuwarto sa Bahay ni Pantalone. Pantalone. Ang Doktor. Clarisa. Silvio. Smeraldina. PANTALONE: Sige na, Clarisa, patahanin ang sarili. Nakita mo nang nagsisisi si Senyor Silvio at hinihingi ang kapatawaran mo. Kung nagpakahangal man siya noon, dahil lamang sa pag-ibig sa 'yo. Napatawad ko na'ng mga kalabisan niya, dapat mo na rin siyang patawarin. SILVIO: Sukatin ang hinagpis ko batay sa sarili mong nadarama, Senyora Clarisa, at magtiwalang iniibig kitang lubusan, gayong ang takot na mawalay sa 'yo ang naging sanhi ng aking kabaliwan. Hangad ng langit ang ating ligaya; 'wag kang maging inggrata sa harap ng biyaya ng Kapalaran. 'Wag mong hayaang sirain ng hangaring makapaghiganti ang pinakamagandang araw ng 'yong buhay. DOKTOR: Inilalakip ko ang aking mga panalangin sa pagmamakaawa ng aking anak. Senyora Clarisa, mutyang manugang, maawa sa pobreng binatang 'to; halos mawala siya sa tamang isip. SMERALDINA: Sige na, mahal kong senyora, ano pang nais mo? Lahat naman ng mga lalaki, malupit sa atin, iba'y mas malupit, yung iba'y di-gaano. Humihingi sila ng ganap na katapatan, at makakita lang ng mumunting kulimlim ng paghinala, agad nila tayong pinagmamalupitan at minamaltrato, halos paslangin nga tayo. Pero kailangan mo ring mamili ng pakakasalan mo balang-araw, kaya't sinasabi ko sa 'yo nang gaya ng sinasabi sa mga taong may-sakit iinom ka rin lang ng gamot na mapait, buti pang inumin mo na ngayon din. PANTALONE: Ayan, naririnig mo ba? Gamot ang tawag ni Smeraldina sa kasalan. 'Wag mong ituring na lason. [Aparte sa DOKTOR] Subukin natin siyang pasayahin. DOKTOR: Tiyak na hindi 'to lason, ni gamot na mapait. Ang kasalan ay isang lolipap, o kaya tsampoy, o pastilya! SILVIO: Ngunit mutyang Clarisa, wala ka man lang bang sasabihin? Alam kong nararapat sa 'king parusahan mo 'ko, ngunit sana'y sa pamamagitan ng
PANTALONE [aparte sa DOKTOR]: Narinig mong magbuntong-hininga? Mabuting senyal. DOKTOR [aparte]: Humampas habang nagbabaga pa'ng bakal. Ang buntong-hininga, parang kidlat; nagbabadya ng
SILVIO: Kung tingin mo'y ninanasang dumanak ang aking dugo upang maghiganti sa inaakala mong kalupitan ko, inaalay ko sa 'yo nang buongpuso. Ngunit, o Diyos! sa halip ng dugong bubukal sa 'king ugat, tanggapin, parang awa mo na, ang babalong mula sa 'king mga mata. [Iiyak.] PANTALONE: DOKTORE: Bravo! Bravo! Napakahusay ng pagkakasabi! Pambihira! Pambihira! Malupit!
CLARISA [bubuntong-hininga gaya noon, ngunit mas malamyos na]: DOKTOR [aparte kay PANTALONE]: PANTALONE: Napikot na rin, sa wakas.
Heto, halina, bumangon ka muna [ibabangon si SILVIO at hahawakan sa kamay]. Tumayo ka banda ro'n. [Kukunin ang kamay ni CLARISA] At ikaw, pumunta ka rin dito, senyorita. Ngayon, ipagsama ulit ang inyong kamay, at magbati na. Nang sa gayon, wala nang mga luha, maging maligaya nalamang, wala nang kalokohan at biyayaan kayo ng Langit. Ayan, tapos na. Nagawa na, nagawa na. O, Senyora Clarisa, sa ngalan ng habag
DOKTOR:
SMERALDINA:
At nadali na!
Tahan na, Silvio, napatawad ka na. Handa na'ng pasyente; ibigay na'ng gamot niya.
SMERALDINA:
[Papasok si BRIGHELLA.]
BRIGHELLA: Sa inyong kapahintulutan, maaari ba 'kong pumasok? PANTALONE: Samo ko, tumuloy, butihing kaibigang Brighella. Ikaw, hindi ba, ang siyang naghabi ng mga kuwento, at nagpatunay na 'yon nga si Senyor Federigo hindi ba? BRIGHELLA: Mahal kong senyor, sino'ng hindi maloloko? Magkakambal silang magkapatid, parang pinagbiyak na bunga. Nang nakadamit na ganoon, ipupusta ko'ng ulo kong siya nga 'yon. PANTALONE: Sukat na. Tapos na 'yong lahat. Ano'ng balita?
PANTALONE:
CLARISA: Kawawang Senyora Beatriz, ikinagagalak kong makitang waksi na ang bawat niyang hilahil. SILVIO: CLARISA: SILVIO: CLARISA: Kinaaawaan mo? Nang lubusan. At paano ako? Ay, napakalupit!
PANTALONE [aparte sa DOKTOR]: Naririnig mo'ng lambingang iyon? DOKTOR [aparte kay PANTALONE]: ko. PANTALONE: Ang aking anak kawawang iha talagang napakalambot ng puso. SMERALDINA: isa. Siyanga, kapuwa silang magiging tapat sa tungkulin nila sa isa't A, magaling talaga sa lambingan ang anak
[Papasok si BEATRIZ.]
BEATRIZ: Mga binibini at ginoo, pumarito ako upang humingi ng patawad, na dahil lamang sa akin ay uminda kayo ng napakalaking perhuwisyo CLARISA: Hindi, hindi, mutya; lumapit sa akin. [Yayakapin siya.] Aba, aba.
PANTALONE: Bueno, bueno, Senyora Beatriz, kailangan kong sabihin para sa isang dalagang gaya mo, napakalakas ng iyong loob.
DOKTORE [kay BEATRIZ]: Masyado kang mabalasik, senyora. BEATRIZ: Ang pag-ibig, natutulak kang gumawa ng mga pambihirang bagay.
PANTALONE: At natagpuan mo na rin ang maginoo mo, sa wakas? 'Yan ang balita sa 'kin. BEATRIZ: DOKTOR: BEATRIZ: Siyanga, hinayaan na kami ng Langit na lumigaya. Kagila-gilalas ang reputasiyong ginawa para sa 'yong sarili! Senyor, wala kayong kinalaman sa aking pribadong buhay.
SILVIO [sa DOKTOR]: Senyor, samo ko, bayaan ang bawat isa sa kani-kanilang gawain; 'wag kayong magpakagalit dahil lamang doon. Ngayong maligaya na 'ko, nais kong lumigaya rin ang buong mundo. May iba pa bang nagbabalak na magpakasal? 'Di hayaan silang makasal ngayon na. SMERALDINA [kay SILVIO]: Aba'y papaano ako, senyor? SILVIO: Sino'ng pakakasalan mo? Ang unang lalaking sisipot, senyor.
SMERALDINA: SILVIO:
SMERALDINA [aparte]: Nangangamba siyang kakainin siya ng lahat. Natitipuhan niya'ng lasa niya, aber.
[Papasok si TRUFFALDINO.]
TRUFFALDINO: Aking paggalang sa buong pagtitipong ito.
Senyor Pantalone, pahihintulutan mo ba si Senyor Florindo? Siya ba'ng maginoo mo? Pakakasalan nga niya 'ko. Ikagagalak ko siyang makilala. Papasukin mo. Dalagita, ang paggalang ko sa 'yo. Ikinagagalak kong makita ka,
TRUFFALDINO [aparte kay SMERALDINA]: SMERALDINA [aparte kay TRUFFALDINO]: mahal kong egoy. TRUFFALDINO: SMERALDINA: Mag-uusap tayo. Tungkol saan?
TRUFFALDINO [mumuwestrang binibigyan siya ng singsing pangkasal]: ka ba? SMERALDINA: TRUFFALDINO: Ba't hindi? Pag-usapan natin. [Lalabas.]
Handa
SMERALDINA [kay CLARISA]: Senyora, sa pahintulot ng buong pagtitipong ito, may pabor akong hihilingin sa iyo. CLARISA [aaparte upang makinig kay SMERALDINA]: Ano 'yon?
SMERALDINA [kay CLARISA]: Ako rin ay isang pobreng dalagang naghahangad na makuntento sa buhay; may isang alipin si Senyora Beatriz na nais daw akong pakasalan. Ngayon, kung puwede mong pakiusapan ang kanyang senyora, at
Wala po, senyor. May sinabi lamang siya sa akin. Hindi ko ba puwedeng malaman?
CLARISA: Napakatsismoso ni'yong lahat! At tayong mga babae raw ang makakati ang dila!
PANTALONE:
FLORINDO: Hayaan mo, senyor, na makamit ko'ng karangalang maglingkod sa 'yo ngayong gabi; piniprisinta ko ang aking sarili sa utos ni Senyora Beatriz, na may kapalarang malalaman mo maya-maya sampu ng sa akin. PANTALONE: Ikinagagalak kong makilala ka, senyor, at na makita ka rito; buong-puso kong binabati ang napakatamis mong kapalaran. FLORINDO: Magiging asawa ko si Senyora Beatriz, at kung hindi mo iingusan ang hihilingin naming karangalan, sana'y maialay mo sa 'kin ang pinipintuho kong nobya. PANTALONE: Anumang dapat gawin, gawin na sanang agad. Ibigay sa kanya'ng kamay mo. FLORINDO: BEATRIZ: Senyora Beatriz, handa na 'ko. Heto'ng aking kamay, Senyor Florindo.
PANTALONE: Pagkuwan, aaregluhin natin ang bawat usaping may kinalaman sa pera. Aayusin mo'ng mga kuwenta mo; at aayusin naman natin ang sa 'tin kapagkaraka. CLARISA [kay BEATRIZ]: BEATRIZ [kay CLARISA]: SILVIO [kay FLORINDO]: FLORINDO [kay SILVIO]: duwelo. Mahal kong kaibigan, binabati kita. At ikaw rin, ng buo kong puso. Senyor, nais ba 'kong makilalang muli? Siyanga, senyor; balak mo sana akong hamunin sa
SILVIO: Na ikasasawi ko, pihado. Heto ang kaaway [tuturo kay BEATRIZ] na sumamsam sa 'king sandata at sukat akong mapatay. BEATRIZ: SILVIO: CLARISA: SILVIO: PANTALONE: TRUFFALDINO: PANTALONE: Ngunit bumawi rin sa 'yong buhay. Totoo. Dahil sa 'king pagmamakaawa. Siyang tunay. Areglado na'ng lahat, walang gusot na hindi pa napaplantsa. Parating pa lang ang pinakamasaya, mga binibini at ginoo. Ano'ng paparating kamo?
TRUFFALDINO [kay FLORINDO, kakausapin siya nang lingid]: Sa kapahintulutan mo, senyor, ilang salita lamang. FLORINDO: Ano'ng nais mo? Naaalala mo ba'ng pinangako mo sa 'kin, senyor?
TRUFFALDINO: FLORINDO:
Siya nga pala, natatandaan ko; gagawin ko, ora mismo. Ako rin, pobreng amang, nais nang maging kuntento sa
FLORINDO: Senyor Pantalone, bagaman ito'ng unang pagkakataon upang tayo'y magkakilala, pangangahasan kong humingi ng isang kahilingan. PANTALONE: Pag-utusam mo 'ko, senyor; paglilingkuran kita sa abot ng aking makakaya. FLORINDO: Hinahangad ng aking alipin na mapakasal sa 'yong katulong; may tututol ba sa gayong kasunduan? SMERALDINA [aparte]: Aba! May isa pang nais maikasal sa 'kin! Sinong diyablo naman kaya ito? Sana'y nakilala ko. PANTALONE: Sa ganang akin, papayag ako. [kay SMERALDINA] Ano'ng masasabi mo, neneng? Kung tingin ko'y magiging maigi siyang asawa Tapat bang tao itong alipin mo?
SMERALDINA: PANTALONE:
FLORINDO: Sa maikling panahong namasukan siya sa 'kin, napatunayan nga niyang siya'y maaasahan at nagtataglay ng kaunting talino. CLARISA: Senyor Florindo, naunahan ni'yo 'ko sa isang bagay na dapat ko sanang ginawa. Imumungkahi ko sana ang kasalan sa pagitan ng aking dama at ng alipin ni Senyora Beatriz. Ngunit dahil hiningi siya para sa sarili mong alipin, wala na 'kong masasabi pa. FLORINDO: Ay, hindi, hindi; dahil masigasig ang iyong paghihiling, binabawi ko lahat ng aking sinabi. Wala na 'kong sasabihin pa alang-alang sa 'king alipin, at sa katunayan nga kumokontra ako sa kasalan nila.
PANTALONE: Naku, dapat nating ayusin 'to maski papaano; gustong magpakasal ng kawawang dalagita, ibigay natin sa kanya ang kahit sino sa dalawa. FLORINDO: Ayokong sa 'king tauhan. Walang makahihimok sa 'king gumawa ng disgrasya kay Senyora Clarisa. CLARISA: Ni hindi ko rin pakatitiising sumala kay Senyor Florindo.
TRUFFALDINO:
Senyor, senyora, kaya kong aregluhin ang usaping ito. [Nang taglay ang nakasanayan niyang tindig ng pagiging tuso] Senyor Florindo, hindi ba't hiniling mo ang kamay ni Smeraldina alang-alang sa 'yong alipin? Ginawa ko nga; hindi mo ba narinig?
FLORINDO:
TRUFFALDINO: At kayo, Senyora Clarisa, hindi ba't binalak na ipakasal si Smeraldina sa alipin ni Senyora Beatriz? CLARISA: Siyang tunay, 'yan nga'ng binalak ko. Maigi; kung gayon na nga, akin na ang kamay mo, Smeraldina. Samo ko, ano'ng karapatan mong hingin ang kanyang kamay? Dahil ako ang alipin ni Senyor Florindo, pati ni Senyora Beatriz.
TRUFFALDINO: Maghunus-dili kayo. Senyor Florindo, sino'ng humiling sa 'yong hingin si Smeraldina kay Senyor Pantalone?
FLORINDO:
Ikaw.
TRUFFALDINO: At ikaw, Senyor Clarisa, sino'ng binabalak ni'yong maging asawa ni Smeraldina? CLARISA: Walang iba kundi ikaw.
Senyora Beatriz, nasa'n ang alipin mo? Aba'y naririyan! Si Truffaldino, siyempre. Si Truffaldino? siya ang alipin ko! Hindi ba't Pasqual ang pangalan n'ung sa 'yo? Pasqual? akala ko si Pasqual, sa iyo! Ano'ng paliwanag mo rito?
TRUFFALDINO [mumuwestra nang tahimik, wari'y humihingi ng patawad]. FLORINDO: BEATRIZ: FLORINDO: Tampalasan! Tarantado! Pues nagsilbi ka sa dalawang amo nang sabay?
TRUFFALDINO: Siyanga po, senyor, 'yun ang aking katusuang nagawa. Tinanggap ko'ng trabaho nang hindi nag-iisip; para lang makita kung kakayanin ko nga. Hindi nga tumagal, totoo, pero maipagmamayabang ko na wala sanang makakaalam kung 'di sana ako umamin dahil sa pag-ibig ko sa babaeng 'yan. Magdamag akong nagbanat ng buto, at aaminin ko ang aking mga pagkukulang, pero nakikiusap ako, na sana'y mapatawad ako ng bawat binibini at maginoong nandirito, kahit man lang dahil sa katuwaang dinulot ng aking kagunggungan.
WAKAS
Vista Valley, Marikina Ika-19 ng Marso, 2014.