Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bangkang Papel

Tinatalunton mo ang ilog na halos nakatitiyak sa iyong napipintong paglubog. Nararamdaman mong sasaklubin ka ng tubig o di kayay giginawin sa lambong ng hamog. Hindi ka masasagip ng mga nakatayong bato. Iisa ang direksiyon ng ihip ng hangin. Nasa dulo ang rumaragasang talon. Sa dulo wala ni anino ng batang hindi lumingon o tumalikod matapos ang pagbitaw. Hindi niya alintana ang anas ng alon. Paglapat mo sa tubig may kumilapsaw sa kanyang dibdib: unang karanasan ng paglisan. Kaninang-kanina pa lumubog ang araw.

You might also like