Reaction Paper Talaga

You might also like

Download as doc
Download as doc
You are on page 1of 3

Reaction Paper Talaga

[Reaction paper ko 'to para sa History Class namin. Nung una nahihirapan ako simulan.
Wala ako sa mood magsulat. Pero walang mood mood pag bukas na ang pasahan
kaya go na. Sa maniwala ka't sa hindi, reaction paper ko talaga 'to. Kahit mukang kung
anu-anong reaction lang talaga nilagay ko. Lahat na ng naiisip ko tinayp ko na. 1 page
lang naman requirement. Ang kaso, kelangan 10 ang font size ng Arial, single space, .5
margin. Lupit noh. Umabot tuloy sa 1000+ words 'to kahit isang page lang. Basahin
kaya 'to ng prof ko? Dagdag grade nga lang pala 'to. Baka daw bagsak kami. Sana
naman kasi sinabi nya na grade namin diba. Kung 5 ako,dun lang ako maghahanap ng
pandagdag grade. Ok lang naman sa kin maka 3 dun. Wala naman ako pakialam sa
mababang grade basta pasado. Ang mahalaga naman yung natutunan ko. Anyway,
wala na. Nanood na ko at nakapag react na ko sa play nila.]

Jun at Johnny. Ang Kristal na Bola. Ito ay ang mga pamagat ng stage play na pinanood
namin sa Bulwagang Aldaba, UP Film Center. Bago ko malaman ang tungkol dito, akala
ko ay isang kwento lang ang papanoorin namin kaya nagtaka ako nung makita ko sa
tarpaulin na dalawa pala. Bakit dalawa? Una kong naisip, siguro masyadong maikli
yung isa kaya para masabing “worth it” yung P150 namin, dinagdag na nila yung isa pa.
Bukod pa dyan, parang hindi yata magkaugnay yung pamagat na “Jun at Johnny” at
“Ang Kristal na Bola”. Anong kaugnayan nun? Yung una parang tungkol sa buhay ng
dalawang tao. Yung huli naman parang pang-majikero. Ah, baka naman gagamit ng
kristal na bola si Jun at Johnny. Tipong part two yata yung “Ang Kristal na Bola”.

Matapos kong mapanood yung dalawang kwento, napagtanto ko malaki pala


kaugnayan sa isa’t isa nung dalawa, at mali ang mga hula ko base sa pamagat ng
dalawang kwento.

Jun at Johnny

Sa kwentong Jun at Johnny ay pinapakita daw ang makabagong trahedya na dulot ng


pag-ibig. Inihalintulad nila ‘to sa kwento ng Romeo and Juliet. Ngunit para sa akin ay
walang kaugnayan ang dalawang ito. Kahit na hindi ko natapos basahin ang Romeo
and Juliet, alam ko naman ang buod nito. Hindi ba’t pinaghihiwalay sila ng kanilang mga
magulang at kaya lang naman nagkaroon ng trahedya sa huling bahagi ng kwento ay
dahil handa silang mamatay para sa isa’t isa? Sa Jun at Johnny naman ay pinapakita
lang ang kabobohan ng ilan sa mga babae ng ating lipunan. Nagpapaloko agad sila sa
mga lalaki at nabubuntis kahit hindi pa sila handa para sa mga responsibilidad ng isang
magulang. Hindi ko mapagtanto kung bakit may mga babae pang ganung uri sa
panahon ngayon. Naiisip naman siguro nila na sobrang hirap ng buhay ngayon at ang
pagkakaroon ng sariling pamilya sa murang edad ay isang napakalaking pagkakamali
na lalo lamang magpapahirap sa kanilang pamumuhay.

Alam ko maraming mga kabataan sa ngayon ang nabubuntis agad sa murang edad,
dahil marami na rin akong kakilala na ganoon ang sitwasyon. Pero, hindi ko pa rin
maintindihan ang dahilan nila (kung may dahilan man sila). May mga nabasa ako
kaugnay dito na may mga babae daw na nalaman lang ang tungkol sa sex at
pagkakabuntis noong nabuntis na sila. Medyo hindi ito kapani-paniwala dahil kahit yata
grade 5 ay alam na ang tungkol dun. Itinuturo naman ito sa subject na Science
(biology). Sabihin man nating wala talagang alam tungkol dito ang babae, sana ay hindi
sya nagpapauto agad sa lalake.

Isa pa sa mga alam kong dinadahilan nila ay ang salitang “mahal”. Mahal daw nila e.
Makakain ba nila yung salitang “mahal” kapag nagutom yung anak nila? Isa pa, hindi
maaring ipang-reason out ang word na “mahal” dahil kahit gaano mo pa kamahal ang
isang tao, hindi naman siguro titigil sa pag-function yung utak mo. Utak ang ang nagma-
manipulate ng buo mong katawan. Utak mo ang gamitin mo sa mga pagkakataon na
kailangan mong magdesisyon.

Ang Kristal na Bola

Ngayon naman ay ibibigay ko ang reaksyon ko tungkol sa pangalawang kwento, ang


“Ang Kristal na Bola”. Gaya ng sabi ko, mali pala ang hula ko. Hindi pala ito part two ng
“Jun at Johnny”. Ang kwentong ito ay tungkol sa mga adik at mga dahilan kung bakit
sila naging adik. Sinabi dito ang kani-kanilang mga problema sa buhay.

Isa pa ito sa mga karaniwang nangwawasak ng kinabukasan ng mga kabataan sa


Pilipinas. Oo nga pala, kahit hindi kabataan ay nawawasak din ng droga. Kahit yung
mga nasa tamang edad na gaya ng 35 taong gulang ay nagiging adik din. Siguro wala
nga talaga sa edad yan. Nasa pag-iisip yan. Base sa nakikita ko sa tunay na buhay,
masyadong nawawalan ng pag-asa sa pamumuhay yung mga nagiging adik. Tipong
tinatamad na sila magpaunlad ng buhay nila. Inaamin ko hindi ako masipag na tao.
Pero hindi rin naman pwede kasing mag todo tamad ka na lalo na kung may pamilyang
umaasa sa’yo. Medyo sapat lang sana kung sarili mo lang naaapektuhan mo. Pero
hindi e. Karamihan pa sa mga adik yung mga may pamilya na.

Hindi mo rin naman pwede sisihin yung kahirapan sa pagiging adik. Bakit? Lalo lang
naman nagpapahirap yung pagiging adik. Kung yung perang inilalaan nila para rito,
pinangbili na lang nila ng mas mahalagang mga bagay o kaya inipon kung may gusto
man sila bilhin, e di sana mas nakatipid pa sila. Di na nila kailangang mag-budget pa
para lang sa kinaaadikan nilang droga.

Ang napapansin kong pinakamalakas na dahilan ng pagdami ng kabataang adik dito sa


Pilipinas, ay yung tinatawag nilang “peer pressure”. Nasa ugali na rin kasi ng mga
Pilipino na nahihirapan silang tumanggi kapag kaibigan ang nag-aalok. Tipong mas
pinahahalagahan nila yung pakikisama kesa sa sarili nila. Pero ganito ba dapat lagi?
Ayos lang sana yung pakikisama. Magandang ugali yan ng mga Pilipino. Sana lang ay
ilagay nila sa tamang lugar. Magkaroon din sana sila ng prinsipyo. Yung tipong kahit
sampung “kaibigan” mo pa mamilit sayo na gumamit ng illegal na droga, hindi ka nila
mapipilit dahil nag-stick ka sa prinsipyo mo. Ang nakakalungkot lang, kaunting Pilipino
lang ang mahilig sa salitang “prinsipyo”. Mas madalas ay yung “pakikisama”, di bale
nang mawasak sarili nila. Basta maging “in” lang sila sa grupo. Sana matuto din tayong
galangin ang sarili natin para galangin din tayo ng iba. Para once na may namilit sayo,
isang ‘HINDI’ o ‘AYAW’ mo lang, give up na agad sila sa pamimilit.

Gaya ng napansin ko sa “Jun at Johnny”, pinakita na naman sa “Ang Kristal na Bola”


ang katangahan ng ilan sa mga babae. Porke pinilit lang syang magsigarilyo ng kasama
nyang lalaki, sumunod naman agad sya. Hindi ko alam kung masyado lang akong
feminist o masyado lang talagang anti sa mga babae (misogynist) yung nag-isip ng
kwentong yun. Sa totoong buhay naman kasi madalang yung mga ganun e. Noong
napanood ko nga yung scene na yun, napasandal na lang ako sa inuupuan ko, sabay
sabing “boring. Ang tanga tanga nya.” Natawa din naman yung katabi ko nung sinabi ko
yun. Feeling ko kasi pinapahiya nya yung mga babae.

Maganda din naman yung play. Napapanahon ang dalawang isyung pinagtuunan nila
ng pansin sa palabas. Pero sana nagbigay sila ng mga solusyon para maiwasan yun.
Sana lang din ay natuto talaga ang mga estudyanteng nanood nito at sana makatulong
yung play nila para bumaba ang dami ng kabataang maagang nabubuntis at kabataang
nagiging adik sa illegal na droga.

You might also like