Bawal Sa Liwanag Ang Ating Pagmamahalan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bawal sa Liwanag ang Ating Pagmamahalan

Maria Obelinda D. Obias Malaya tayo sa dilim ng gabi Naihihilig ko ang aking ulo sa iyong balikat Matagal kong pinagmamasdan ang iyong mukha Na pilit sumisilip sa silid ng kasalanan Hubad ang ating mga katawan sa ilalim ng puting kumot nagyayapusan nagpapakiramdaman Nagpapakalunod sa init na kumakalaban sa hamog ng gabi Nahihimbing ka habang mulat ako Ang panaginip nawa ay ako Kung ikaw man ay magsalita sa iyong pagtulog Inaasam kong ang iyong sasambitin ang pangalan ko Walang makakaagaw sa sandaling ito ng hiram na ligaya Nahihimlay ka habang patuloy na bumubuga ng usok ng sigarilyo ang mga labi ko Nangangatal sila Kung ikay maaalimpungatan Ang halik moy idampi sa aking nag-iinit na labi Imahen ng aking mukha ang iyong kamumulatan Kung dahan-dahan mong ibubukas ang talukap ng iyong masusuyong mata Natatakot ako sa pagdating ng umaga Siyang magmumulat sa atin mula sa mahimbing na pagtulog Ang pagsilip ng bukang-liwayway ay tanda ng paghihiwalay Ang banaag ng araw ay nakapapaso Ang ihip ng hangin ay mahapdi Akoy lilisan na sa piling ng aking kaligayahan Sapagkat bawal sa liwanag ang ating pagmamahalan sa pinanggalingang papag ng pag-ibig At mulit muli Aasam-asamin At walang humpay na hihintayin Ang pagkagat ng dilim Gabi na nagpapalaya sa ating lihim

You might also like