Filkomu Paper Play Razote

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bernard Jomari B. Razote EB-Ch.

E-11323205

February 24, 2014 FILKOMU

REACTION PAPER Bangkay sa Corintho


Habang akoy nakapila sa labasan ng teatro sa St. Pauls University sa may tapat ng Robinsons Place Ermita para sa Bangkay sa Corintho, maraming katanungan at mga personal na kuro-kuro ang sumagi sa aking isipan: Tungkol saan kaya yang Bangkay sa Corintho? Hango ba ito sa mga Griyego-Romanong istorya noong unang panahon? Maganda naman kaya itong pagtatanghal na ito? Naku sana naman maganda to; napaga uwi ko galing Muntinlupa eh! Mga ilang minuto ang nakalipas, nagsimulang gumalaw ang pilanagpapasok na sila. Pagtapak ko sa pintuan ng tanghalan, puno ang isipan ko ng mga katanungang ang dula lamang ang makasasagot. Matapos ang dalawang oras, lumabas ako sa pintuan ding iyon, masaya at nakangiti. Hindi ako binigo ng Bangkay sa Corintho. Ang napanuod ko noong nakaraang ika-16 ng Pebrero, 2014 ay malayong malayo sa una kong naisip na magiging kalalabasan ng dula. Noong una, akala koy ang kwento ay iikot sa mala-Greco-Romanong mga istorya, dahil sa salitang Corintho na hawig sa salitang Corinthian. Isa pa, akala ko ang kwentong ito ay tungkol sa digmaan ng mga Griyego at Romano, dahil sa bangkay, at dahil nga sa salitang Corintho. Pero nung napanood ko na talaga siya, wala siya sa hinagap ng mga naisip ko. Masasabi kong talagang maganda at kakaiba ang istorya ng Bangkay. Hindi pala ito tungkol sa mga mandirigma kundi sa isang pamilyang may apelyidong Corintho, at ang mga kababalaghang nangyayari sa kanilang tahanan. Nakaaaliw ang pagiging dynamic ng istorya. Nagustuhan ko ang mga bahagi ng istorya na nagpapakita ng mga totoong nangyayari noong panahon kung saan umiikot ang dula. Nasiyahan din ako na nagpakita sila ng mga di-karaniwang bagay katulad ng pag-ma-masturbate o kayay pagtatalik sa entablado. Ito ay di dahil sa malibog ako, ngunit ito ang realidad ng buhay. Ang mga taong namuhay nang mga panahong iyon ay hindi mga santo o banal silay mga tao din; napupusok, naaakit. Gusto ko ring idagdag ang sinabi ni Miss Deborrah, na dahil sa ang panahon kung saan umikot ang dula ay noong 1901 (magulo pa ang lahat dahil panahon iyon ng transisyon mula Espanyol patungong Amerikano), nagkaroon din marahil ng kaguluhan sa ibat ibang lugar, at dahil nagkakagulo, ang mga taong katulad si Segismundo ay sinamantala ito upang maghasik ng lagim at takot sa mga taong nakatira sa bahay ng mga Corintho. Isa rin sa mga nagustuhan ko sa itinanghal na dula ay ang mga gumanap na aktor nito. Namangha ako sa kakayahan nilang ihiwalay ang kanilang personal na katauhan sa karakter na ginampanan nila sa dula. Natuwa din ako kasi sobrang galing nila umartena kahit kakaiba at

nakakahiya ang ginagawa nila, binigay pa rin nila ang kanilang natatanging talento upang mapasiya at maaliw ang mga taong nanonood. Isa ring nais kong bigyang pansin ay ang set design at lighting effects ng dula, dahil kadalasan ay di ito nabibigyang-halaga ng mga manonood. Sa dula, naging maganda naman ang lighting effects, ngunit mayroong naging mga kaunting mali katulad ng di sinasadyang pagpapakita ng maselang parte ng katawan ni Segismundo. Ang set design naman ay naging napaka-epektibo sa dula, dahil talagang naipakita nito ang orihinal na hitsura o setting noong 1901. Ang pinagsamang magandang lighting effects at set design ng dula ay talagang nagbigay ng mas nakakikilabot at nakamamanghang pakiramdam para sa mga manonood. Ang huli ngunit pinakamahalagang nararapat kong bigyang pasalamatan ay ang direktor ng dula na si Atty. Vincent M. Taada. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkakaroon ng oportunidad na mapanood ang isang magandang dulang kayaga ng Bangkay. Nakabibighani ring isipin na siya na nga ang nagsulat, siya na ang nag-direct, siya pa ang main role! Tunay ngang napakagaling niya sa larangan ng pagsulat at pag-arte. Sana ay makapanood pa ako ng mga likha niyang dula at pelikula sa mga susunod pang taon. Sa kabuuan, masasabi kong napakaganda talaga ng dulang Bangkay sa Corintho. Ang ibat ibang aspekto nito ay sadyang katangi-tangiang iskrip, mga aktor nito, set design, ang lighting effects at iba pa. Sadyang nakamamangha din ang sumulat ng dula na si Atty. Vincent M. Taada di lamang dahil sa napakaganda niyang likha ngunit pati na rin sa kanyang natatanging galing sa pagsulat at pag-arte. Sana ay makapanuod pa ako ng ganitong mga dula na nagpapakita ng nakasisindak ngunit hubad na realidad ng buhay.

You might also like